Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-12-31
Words:
3,127
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
27
Bookmarks:
1
Hits:
471

drowsy (i love you)

Summary:

“Patikim.” Bulong ko sa aking katabi na agad iniusod ang puwet mula sa kinauupuan upang ipagmukhang mas malayo na siya kaysa sa nauna niyang posisyon.

Ah. Nagtatampo.

 

alternatively, sunsun love tales (sunghoon is whipped)

Notes:

this is not a polished work hehe. i just wanted to write sunsun in this universe.

i’ll try my best to post something better soon :)

sunoo - shiloah
sunghoon - enzo

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Year 2018. Gabi. Senior High School.

 

“Gago.” Bulong ko sa sarili habang unti-unti ko na napagtatanto ang aking ginawa. Seryoso ka ba, Enzo? 

Ipinikit ko nang maigi ang aking mga mata, may diin para wala talaga akong makita. Nangangarap ako na pagmulat muli, mawawala ang kanina ko pa binabasa nang paulit-ulit.

 

Me:

Hi, Shiloah! Sorry medyo random, pero sa Cavite ka rin?

 

Minsan talaga, may pagkatanga ako. O impulsive? Ewan ko na rin. Lahat na ata ng mura ay dumaan sa utak ko at ang ilan pa nga ay nakalabas sa aking bibig. 

Hindi ko napigilan, kuryoso ako sa kanya. Nakita ko siya kanina sa aming klase at agad ko napansin ang kanyang aura. Parang tinatawag ako eh, ‘di ko na maalis ang tingin ko kanina.

‘Di ko nga rin namalayan na naghahangad na pala ako na umupo siya malapit sa akin. Napansin ko nalang ito noong naramdaman ko ang kaunting dismaya dahil nakita ko siya umupo sa bandang gitna, malayo sa akin. 

I have no idea who was beside him; however, he spoke to him with familiarity. Magkakilala na siguro bago pa man magkita ngayon. 

Nalaman ko lang din ngayon na Shiloah ang pangalan niya. Shiloah Kim. Hindi ko mapigilan maisip na kaaya-aya ang kanyang pangalan. Grabe, tila humahalimuyak na agad sa bango ang kanyang pangalan. Tipong amoy baby powder or basta matamis na amoy ang dating. 

 

Shiloah Kim:

hala hello hahaha

oo, cavite rin

ikaw ba? 

 

Hindi ko alam bakit, pero ang dami kong naramdaman. Bumilis ang tibok ng aking puso at tila ba nabuhayan ang aking loob matapos mabasa ang mga mensahe mula sa kanya. 

Halos manginig pa ako habang nagiisip kung ano ang mensaheng ipapadala ko sakanya. 

 

Me: 

Cavite rin haha

Diyan lang banda sa Bacoor 

 

Shiloah Kim:

hala

diyan din ako haha

san ka ba sa bacoor?

 

Me: 

Secret muna 

Baka mamaya kapit-bahay lang kita

 

May ngiti ang aking mga labi. Mapungay na ang aking mata, suot ko na ang aking pantulog, at unti-unti na rin akong nakakaramdam ng antok. Subalit, masaya ako ngayon na kausap ko siya. At ayoko pa ito matapos. 

 

Shiloah Kim:

sira hahaha

dorm ka ba?

 

Me:

Commute eh

Siguro sa college na ako magdo-dorm :) 

 

Shiloah Kim:

grabe same din

hahaha

san ka nasakay pauwi? 

 

Me:

Sa may lawton, tas baba ako sa may sakayan or sm bacoor 

Ikaw ba? 

 

Shiloah Kim:

huh

sure ba di pa tayo nagsabay sa byahe? haha

sabagay first day pa lang naman 

 

Me: 

Hmm hahaha 

Tignan natin baka bukas sabay na tayo :)

 

Shiloah Kim:

tara sabay na tayoo?

 

Kung nasa cartoon ako, sigurado ako na pula na ang kulay ng aking pisngi. Pero sino ba ang linoloko ko? Wala nga ako sa cartoon pero ramdam ko pa rin ang pag-init ng aking pisngi. 

 

Sana nga lang ay hindi ito panaginip. 

 

Me:

Sige :) 

Ah teka papunta anong oras ka naalis? 

 

Shiloah Kim:

4am 

pero 

hinahatid ako papuntang maynila eh :(

doon din kasi trabaho ni dad 

 

Bakit may sad face? Huwag ka malungkot, Shiloah. Ayos lang naman. 

 

Me:

Hala okay lang! hahaha

Pauwi nalang tayo magsabay :) 

 

Shiloah Kim:

okay, enzo :) 

see u tom

 

Me:

see u :) 

 

Natulog ako na masaya at punong-puno ang puso. 

My thoughts started to disturb the silence the night brings. I wonder what the future brings us. 



Year 2023. Sa tabi-tabi lang (7-eleven).  College.

 

Ethan: 

Valo? 

 

Hindi ko alam saan ilalagay ang aking atensyon. The soft buzz from my phone definitely captured my attention, the message, however, not so much. 

 

Me:

Wala ako sa dorm haha

 

Ethan: 

??

10:30 na ha

 

It actually took a few seconds for me to realize the weight of this moment. Mapungay na ang aking mata, suot ko na ang aking pantulog, at unti-unti na rin akong nakakaramdam ng antok. Subalit narito ako sa labas at kumakain pa nga ng instant noodles habang palalim nang palalim ang gabi. 

“Patikim.” Bulong ko sa aking katabi na agad iniusod ang puwet mula sa kinauupuan upang ipagmukhang mas malayo na siya kaysa sa nauna niyang posisyon. 

Ah. Nagtatampo. 

Ngumuso naman ako saglit. “Huy..” Malambing ko na tinawag ang kanyang atensyon. 

Nagpatuloy lang ito sa pagnguya sa kanyang biniling trolli sour glowworms. Napansin ko rin na iniiwasan niya ang iba na nasa pakete, yung mga may kulay green at orange. Nakuha rin ng aking atensyon ang pagkunot ng kanyang noo–di ‘to pwede. 

I used one of my hands to attempt smoothing out the wrinkles on his forehead. “Smile ka na, ganda.” I massaged his forehead before gently trailing my fingers down to his chin, allowing him to face me. 

Ganda talaga. 

Mula ulo hanggang paa, hindi maipagkakaila ang kagandahan na handog ni Shiloah. His beauty never fails to mesmerize me, kaya hindi ko mapigilan mawalan ng salitang ipaparinig sakanya habang nakatingin ang mga mata niya sa akin. Tila ba nalulunod ako sa kanyang tingin at bumibilis ang tibok ng aking puso tuwing naaalala ko na siya’y totoo. 

Ah, kailangan ko kontrolin ang aking sarili. Hindi maaayos ito kung mananatili lamang akong nakatitig. “Ano po problema?” Binigyan ko siya ng maliit na ngiti, para sabihin ang hindi ko masabi. Sabihin mo lang, gagawan natin yan ng paraan. 

Agad namang napawi ang ngiti sa aking mga labi. Nakita ko bigla ang kislap sa kanyang mga mata dahil sa tubig na naiiipon–luha. 

Sa totoo lang, tuwang-tuwa talaga ako sa tuwing nakikita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Pero sa pagkakataon na ito, hindi ko gusto. Hindi ako natutuwa sa repleksyon ng ilaw sa kanyang mga mata. Walang ganyan dapat sa kanyang mga mata. 

Hindi ako papayag na mabasa pati ang kanyang mga pilik-mata. Ang tagal-tagal niya nga yang pinapahaba at inaalagaan? 

The first whimper he let out truly broke my heart. Ayoko man makita ang luha sa kanyang mga mata, alam ko na mas didiin ang hapdi kapag lalo pa niya itong pipigilan. Sino ba naman ako para saktan siya? 

Lumabas na ang ilang patak ng ulan. Agad ko siyang niyakap sa aking mga bisig at dahan-dahang hinalikan ang kanyang ulo. Hindi ko mapigilan ang lungkot na aking nadama, hindi ko rin mapigilan ang maliit na daplis na naramdaman ko sa aking puso. Gayundin, hindi ko mapigilan maluha. 

“Labas mo lang, mahal. Andito ako.” I assured him. He deserves all the assurance in the world. 

Hindi nagtagal bago ko narinig ang paglakas ng kanyang mga hikbi at naramdaman ko ang pagkabasa ng aking suot na hoodie. Hindi bale, matutuyo rin naman–basta’t huwag lang matuyo ang aking kayakap ngayon. Hindi ko kakayanin makita siyang ubos na ubos dahil sa pagod. 

“S-sorry.” Narinig ko ang maliit niyang boses. Bahagya akong napatawa, ngunit medyo pilit lamang iyon dahil ayaw ko na isipin niyang nalulungkot ako, wag muna. “Ba’t ka nags-sorry?” I drew circles on his back. 

“Sorry ba dahil nagtampo ka sakin?” I tried to lighten the mood up. It was barely there, but feeling his body move as he let out what I assume to be a chuckle was enough assurance. 

“Mm.” Tinango niya ang kanyang ulo. I found it too cute, pero hindi iyon nakapagdistract sa akin sa katotohanan that it was more than that. The reason was definitely not just because of him sulking. 

Ah, bakit ba hindi ko napansin? Akala ko tampo lang noong una. 

“Okay lang yun, mahal. Ako na ang  kakain ng green and orange worms mo.” Ibinulong ko sakanya bago inilapat ang bibig sa baba ng kanyang tainga–a peck. 

This time, he giggled before playfully slapping my chest. “Hmm..bakit ka ba nagtampo?” Naitanong ko dahil napansin ko na matagal na siyang hindi humihikbi at unti-unting bumabalik sa normal ang kanyang paghinga. 

“Na-miss kita.” Kaunting warning naman sana, di kinakaya ng puso ko. “At ang hugs mo..tas di mo ako niyakap pagkakita sa akin..” Humina ang kanyang boses sa bandang dulo, ngunit klaro ko pa rin na narinig ang sinabi niya. 

Ang bobo ko naman, bakit ko nga ba hindi yinakap? 

“Sorry mahal, naexcite akong ibigay yung keychain sayo.” Dahan-dahan siyang umalis mula sa aking bisig. Ah gets ko na rin bakit siya nagtampo, miss ko na rin agad ang yakap niya. Lalo na rin ang matamis na amoy na dala-dala niya. 

“Sorry din…sensitive ako today.” Nakita ko ang panginginig ng kanyang mga labi at di na ako nagdalawang isip na yakapin siya muli. “You don’t have to apologize for that.” 

“...bu…bumag-...bumagsak kasi ako sa isang quiz.” Humikbi nanaman ang aking mahal. Tahan na. 

“Walang kaso, Shiloah. Alam ko nasaktan ka kasi nag-aral ka nang mabuti para doon, kaya ilabas mo lang. Pero, don't be too hard on yourself. Sa buong buhay natin, we’re meant to fail at least one test, di tayo perpekto.” Gusto ko man siyang tawagin na perpekto dahil perpekto siya sa aking tingin, hindi ko gagawin iyon. 

I won’t pressure him with that label. Humans are meant to be unique, not perfect. 

“Gusto mo sumama sa akin pauwi?” Hinaplos ko ang malambot niyang buhok at naramdaman ko ang pagtaas-baba ng kanyang ulo. “Okay po, sleep tayo together mamaya.” 

“I love you so much, Shiloah.” I’m always here, rooting for you. 

 

Year 2024. Sa bahay ng isa. College.

 

“Daig mo pa aso.” Inasar ako ni Shiloah. Sorry na, mahal. Sadyang ‘di ko mapigilan ibaon ang aking ilong sa kanyang leeg. Nakakaadik ang amoy niya.

“Bango mo.” Binulong ko habang nakabaon pa rin ang aking ulo sa kanyang leeg. Bahagya naman siyang napatawa, may kiliti kasi siya sa bandang leeg, at pati baywang kung saan nakapalupot ang dalawa kong kamay. 

Nakapatong siya sa aking mga hita habang nakaupo kami sa kanyang kama. Nanonood kami ng movie, pero hindi maipagkakaila na matagal na talagang wala ang atensyon ko roon. Paminsan-minsan nalang ang aking pagsulyap sa screen dahil masyado akong pokus sa paglambing.

“Hindi ka na ata nanonood eh.” Shiloah gently pulled my face away from his neck as he faced me. A small smirk plays on his lips while he stares at me. 

Ano kaya ang nakikita niya ngayon? Feeling ko kasi lasing na ako sa halimuyak ni Shiloah. I probably look like a puppy or a drunk man whose gaze is hazy. 

‘Di naman ako antok eh. Sadyang narerelax lang talaga habang kapit ko siya. 

“Hm?” I tried to play it cool. Hindi ko rin namalayan na hinihiga ko na kaming dalawa at pinatong ko ang ulo niya sa aking dibdib. 

Ang kamay ko na nakapalupot sa kanyang baywang ay ginamit ko upang itaas nang kaunti ang kanyang katawan. High enough for his legs to wrap around my waist and for his face to be aligned with mine, medyo nakaupo na ulit siya. 

I slowly rubbed circles on his hips while planting a kiss on his nose. Nakita ko ang paglaho ng kanyang mga mata dahil sa kanyang pagngiti. 

“Chancing ka ha.” Narinig ko ang biro sa ilalalim ng kanyang pagbabanta. Gusto mo rin ba, Shiloah? Kasi hindi ako magdadalawang-isip na halikan ka. 

Lumunok ako at nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking leeg. “Sabihin mo lang kung gusto mo.” 

Hindi nagtagal, linapat niya ang kanyang labi sa akin. Pakiramdam ko ay pansamantala akong nalagutan ng hininga bago niya ito agad na binawi. 

Napapikit ang aking mga mata at ngumiti ako, labas ang aking ngipin. Tumigil na rin ang paghagod ko sa kanyang balakang at ako’y napalunok muli. 

Muli ko minulat ang aking mga mata.

Walang papantay sa ganda ni Shiloah.

“More?” ‘Di ko alam kung humihingi ba ako o tinatanong ko kung gusto niya pa. ‘Di bale dahil kung ano man ang aking pinapahiwatig, nakuha ko pa rin ang aking gusto talaga.

Ipinakita niya sa akin ang kanyang matamis na ngiti bago muling inilapat ang kanyang mapulang bibig sa akin, ngunit mas matagal na ngayon. 

Hinigpitan ko pa ang hawak sa kanyang baywang bago ko ginalaw ang aking mga labi. Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang paghinga at mas nagayak akong patagalin pa ang paghalik sa kanyang mga labi.

Narinig ko rin ang mga munting tunog na lumalabas sa kanyang mga bibig. Hindi nagtagal, hiniwalay niya ang kanyang labi at mukhang naghahabol ng hininga.

Bumati sa aking ang kanyang mga mata na halos nakapikit at ang mga labi na namumula. Nanatili akong nakatitig bago ko hinalikan ang kanyang pisngi—isang halik sa kaliwa at isa sa kanan. 

Patuloy na umiinit ang aking katawan habang bumababa ang aking mga halik sa kanyang leeg. I also nibbled a bit on his skin, making him release sounds I want to hear again and again.

Do you feel it too, Shiloah? Because I feel the primal urge to keep it going, and to continue claiming you as mine to keep. 

“Sa lips, please.” Nanlambot ang aking tuhod. Ang daya mo naman, Shiloah. Nanghihina ako sayo. 

Of course, I granted his wish. Sino ba naman ako para tumanggi? Gumugusto rin naman ako. 

I licked his lower lip before sucking on it. My tongue explored and dived between the warmth his mouth holds. He tasted sweet. So, so sweet. 

Perhaps it was because of the strawberry lollipop he was sucking on earlier? Nonetheless, Shiloah is delicious. 

“You know.” He whispered between our kisses, before i press my lips on him eagerly once again. The smooching sound was addicting, at least to me. 

“You don’t” he panted when i playfully bit his lip, if it was the upper or lower, I don’t know. I was too lost already to gain enough rationality. 

“Have to always…Mmmh.” This time, I nibbled on his ear. Another sensitive part of his. 

“You were saying?” He was distracted for a while, focused on the kisses I’m giving him. You deserve all my kisses, baby. Drown on them as much as you want to. 

Something triggered after my question. At least that’s what I noticed when he suddenly let out a sound that’s a bit more…different. Nakakaadik.

“You don’t have to always ask me. If..I wanna kiss you.” This time, it was him who pressed a kiss on my cheek. His right palm also held my right cheek, giving it soft strokes. Naaamoy ko yung strawberry hand cream niya. 

“I’m yours naman.” Balak mo ba talaga ako baliwin, Shiloah? I had to let myself process what he just said. At itong si Shiloah, nakangiti pa.  May ideya siguro siya kung ang epekto ng mga salita niya sa akin, pero sigurado ako na kung ano man ang alam niya, kalahati palang iyon sa katotohanan.

Sobra-sobra ang nararamdaman ko. Lubos na puno ang aking puso, pumapalakpak ang aking tainga sa narinig, at lumalabas muli ang aking mga ngipin dahil sa tuwa. 

Pinaglapit ko ang aming noo para ipagdikit, bago bumulong. Wala ‘man tao sa loob ng kwarto, sinigurad ko na kami lang ang makakarinig. 

“Binabaliw mo ako.” I flipped our position, this time I was hovering above him. He seemed a bit surprised yet pleased. Like he was waiting for it.

Napakalapit ng mukha namin sa isa’t-isa. Magkadikit na ang aming mga ilong at naglalaro ang aming mga mata sa labi ng bawat isa. 

“I want it, Shiloah.” I pleaded. 

“Show me how much you want it.” Muling lumiyab ang aking katawan. Nakakabaliw talaga. Hindi na ako nag aksaya ng oras at linapat muli ang aking bibig sa kanya. 

Soon, the kisses were long gone and replaced by slow and steady exhales. My head was back where it should be—in between his neck as I searched for his scent.

Mapungay na ang aking mata, suot ko na rin ang aking pantulog, at unti-unti na rin akong nakakaramdam ng antok. Subalit di ko pa rin makakalimutan. “I love you, Shiloah.” 

“I love you more, Enzo.” 





Year 2025. Sa ospital (parking). Working.

Mapungay na ang aking mata, suot ko pa rin ang aking pantulog, at unti-unti na rin akong nakakaramdam ng antok. Subalit, nawala lahat ng iyon nang marinig ko ang pagtunog ng aking phone. 

 

Aa Mahal: 

Out lang ako

 

Me:

Take your time, hintay lang ako dito. 

 

Lagpas alas-kwatro na ng umaga at narito ako naghihintay sa loob ng sasakyan. Kakaiba ang oras ng tapos ng shift ni Shiloah ngayon. ‘Di bale, madali naman gumising para sa kanya. 

Binuksan ko ang ilaw sa loob ng sasakyan at kinuha ang paperbag na nasa passenger seat, pinatong ko na muna ito sa aking mga hita para diretso na agad na makaupo si Shiloah. Hindi nga nagtagal at nakita ko na rin siyang papalapit sa sasakyan.

In between questioning myself if I should put the food back on the passenger seat or leave it on my own, I chose to go out of my car to walk towards him while holding the paper bag. Bumati sa akin ang pagod niyang postura, ngunit ngumiti pa rin ito habang naglalakad palapit sa akin.

Ah, ganda pa rin. 

Shiloah is one of a kind. Naka-suot pa rin ito ng mask dahil galing sa ospital, pero mapapansin pa rin kaagad ang kanyang kagandahan. Pambihirag. Galing na nga sa 36-hours shift pero napakaganda pa rin? 

Gustong-gusto ko na siya yakapin at alam ko na may mga ngiti na sa aking labi–pero bawal pa. Ayaw muna ni Shiloah na lumalapit sa akin masyado pagkatapos ng kanyang trabaho sa ospital, maglilinis daw kasi muna siya ng katawan. 

“Pasok ka na, ganda.” Binuksan ko ang pintuan para sa kanya. Nagulat ako sa aking boses, di ko namalayan na medyo paos na ito. Siguro dahil din sa pagod, pero ayos lang, kaya pa ito ng tubig. 

Di ko agad sinara ang pintuan dahil inabot ko muna sakanya ang paperbag. “Tuna sandwich yan, kahit kalahati lang kainin para may laman ang tiyan.” Payo ko sakanya. Alam ko naman kasi na natutulog agad si Shiloah after maligo, kaya hindi rin talaga maganda bigyan ito ng mabigat na pagkain after ng duty. 

“Thank you, mahal.” Iyon lang ay sapat na. Napawi na ang aking pagod. 

We talked about a lot of things while I was driving us back to his house. Natuwa rin ako nang makita na halos maubos niya ang tuna sandwich na ginawa ko para sa kanya. Naalala ko rin i-abot ang aquaflask na ininuman ko kanina para may panulak. Malinis pa naman. 

As expected, he drifted to sleep in the midst of our chatter. Still, I couldn’t help but glance at him from time to time. 

Oo, nagaalala ako na baka napapagod siya. Pero sa tuwing ginagambahala ko ang aking sarili sa mga hunahuna, bumabalik ako sa college days namin kung saan kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata–maging nurse daw talaga ang pangarap niya. 

Nasabi ko man na sa bawat quiz, bawat exam, sa capping, pinning, graduation, review for boards, board examination, board examination results, oath taking, first job, at marami pa ata akong hindi maalala…

It may be an ordinary day today, but still. Congratulations, my Shiloah. I’m always here, rooting for you. 








Notes:

wishing all of us a successful new year!

if any of u have thoughts you’re interested to be laid out as a fic, lmk sa comments :)

im thinking of writing heejake or jayke next hehe