Work Text:
Kakagala lamang ni An dahil may special holiday ang school nila. Syempre gamitin mo na panggala sayang naman.
Antagal naman ng jeep parang isang milyong langgam na nabilang ko wala pa yung jeep eh. Manong naman uwing-uwi nako bekenemen. Haysu, ya gusto ko na magpahinga ya.
Napakabilis ng takbo ng isip ni An dahil kailangan niya nang umuwi nang matulungan niya ang kanyang tatay Ken. Para bang kusang bumabagal ang oras kapag nagmamadali ka na. Baka sadyang malas lang talaga na baka kakarating lang nung nakaraang jeep kanina at matagal-tagal pa ang sunod.
"Lord handa akong bigkasin ang Ama Namin nang 88 na beses, makauwi man lang ako," Dasal ni An habang siya ay nakaamen.
Nagkalaunang dumating din naman ang jeep, buti na lamang ay kaunti lamang ang nakasakay dito at mukhang dito muna ang tigil ng jeep upang makapagipon ng pasahero. Agarang pumasok si An sa jeep upang maipahinga ang kanyang nagmamanhid nang paa dahil medyo matagal din ang kanyang paghihintay. (mga 5 minutes)
Pagkaupo ni An ay may pamilyar na mukha na tumabi sa kanya- si Akito!
"A-Akito!?" gulat ni An nang tumabi ito sa kanya. (mas malapit si Akito sa estribu, the exit)
"An?" nagtatakang tingin ni Akito kay An.
"Akala ko taong-bahay ka sa mga gantong panahon eh. Sasabihin mo samin kapag walang pasok kagaya nang ganto. Ugh, nakakapagod maggala sa mga ganyang oras, sana pinangpahinga ko nalang," impresyon ni An kay Akito habang sila'y magkatabi sa jeep. "Saka bakit ka may dalang box. Regalo ba yan ng jowa mo?" pang-aasar ni An kay Akito.
"May inutos kasi yung maldita kong Ate na ibili ko siya ng cheesecake. Ginawa konang isang buong cake para di na'ko masyadong utusan. Saka, wala pa sa isip ko yung jowa jowa na yan," sagot ni Akito sa mga malafast talk na tanungan ni An.
"Nubayan Akito, kala ko ba mataas yang pogi points na sinasabi mo. Eh, wala ka pa ring jowa," sabay tawa ni An.
"May hinihintay kasi akong tao," buntong hininga ni Akito. "Sana nga lang dumating yung aarw na magkagusto siya sakin."
Biglang umandar na ang jeep at bumagsak ang mukha ni An sa dibdib ni Akito. Namula nang sobra si Akito sa pangyayari na para bang isang kamatis. Agad na inayos ni An ang upo matapos na literal na nahulog siya kay Akito. Kita niya na lamang na parang ito'y may lagnat. Napagtanto ni An ang nangyari at namula na lamang din.
Naningil na ang manong ng pamasahe. "Kuya, dalawang vivid street, estudyante," abot ni Akito ng pamasahe nilang dalawa kahit na namumula.
"Huh, bakit ikaw magbabayad ng pamasahe ko? Sinong nagsabing ikaw ang magbayad ha?" mapang-asar na tanong ni An.
"Kung ayaw mo, lista ko nalang sa mga utang mo," pabalik na asar habang namumula naman ni Akito.
"Oo na sige libre mo na. Ito ba ay bigay ng kabutihan o alok ng mapanlinlang na kampon ng kadiliman?" sabay tawa ni An sa namumulang mukha ni Akito.
"Nilibre ka na nga nung tao tapos ganyan ka pa. Pasalamat ka kaibigan kita," sabay tago ng mukha niya kay An. (yes gamit kamay alanganamang paa)
"Sige sige thank you. Edi I owe you one na. Libre nalang kita ng pancake na gawa ko sa weekend garage," nakangiting titig ni An kay Akito.
"Ang ganda mo," pabulong na sabi ni Akito.
"Huh? HA!?" pagulat na tanong ni An.
"Wala wala," iwas tingin ni Akito kay An habang siya'y namumula na naman..
"Hindi, may sinabi ka eh. Sabihin mo ulit, di ko masyado narinig eh," pang-aasar ni An kay Akito na nakadungaw sa bintana
Hindi na umimik ang namumulang Akito at sinubukang hindi pansinin si An nang ilang mga saglit hanggang hindi na siya mukhang namumula.
Tumigil ang jeep at mukhang maraming pasahero ang sasakay. Nagkasiksikan na sa jeep at nagkadikit na ang dalawa na ikinamula nilang dalawa. (kakatanggal lang ng kapulahan ni Akito eh)
"An, nakablush on kaba, ampula mo eh HAHAHA," pambawi ni Akto kay An kanina.
"Eh bakit ikaw kamatis ka ba, mas mapula ka nga sakin eh HAHAHA," rebat ni An kay Akito. "Di mo nga sinasagot tanong ko kanina, Akitomato HAHAHAHA."
Hindi muling makapagsalita si Akito ngunit tila ba'y nakapungay ng kanyang mata habang tumititig kay An.
"Gusto mo ba talagang sagutin ko yan," sabay parang lapit ng mukha ni Akito sa mukha ni An.
"Hoy, Akito ano ba?!!!" pabulong na tili ni An. shet Shet SHET SHETTT
"Ha, ano? Kinuha ko lang yung sukli natin sira," paseryosong sagot ni Akito. "Oh, bat ikaw naman yung namumula? May sakit ka ba?" palambing na tono ni Akito habang inilagay niya ang kanyang kamay sa noo ni An.
"Wala, napakasira mo talaga," sabay tahimik ni An nang namumula nang nakanguso.
"Anong bago kong kasalanan?" sabay gulo sa buhok ni An.
Biglang hawi ni An sa mga kamay ni Akito pero napalakas niya ang kanyang hawi. Mabuti na lamang at hawakan ni Akito ang kamay at braso ni An upang hindi ito mahulog.
Bumitaw naman agad si Akito nang parang titigan siya nang masama ni An. Pinili na lamang hindi magusap nang dalawa habang sila'y magkatabi. Matagal-tagal pa bago sila makakababa. Napapikit ng mata si An sa pagod at napahiga na lamang sa balikat ni Akito.
Namulang muli si Akito dahil sa ginawa ni An. Hinayaan niya na lamang ito upang hindi na lumala ang galit nito sa kanya. Pero alam niyang sa sarili niyang kahit di naman galit si An tapos ganto nangyari, hahayaan niya pa rin ito. "Kaibigan" niya naman ito.
Sana ganto nalang lagi. Yung makita ko lagi tong side mo. One day, malaman mo sanang ikaw yung hinihintay ko. Ayoko nang pumila sa mga taong gustong umamin sayo. Sapat na sa'kin na ganto tayo na malapit ako sayo. Kasi kapag umamin ako parang nagsabi na'o sa jeep na "kuya, para" na ititigil ko yung pagmamahal ko sa'yo kasi ifrifriendzone mo ko. Kung may moment ako na gustong tumigil, eto yon kasi kasama ko pinakamahal ko sa mundo, ikaw.
Palambing na tinititigan ni Akito si An habang inaayos nito ang ulo ng kaibigan upang mas komportable itong makatulog. Maayos na'kong kasama ako sa mundo mo kaysa sa mawala ako dahil sa pag-amin ng nadarama ko
Napapikit na rin si Akito pagkatapos niyang ayusin ang ulo ni An sa kanyang tabi.
Nagising na si An at naramdamang parang antagal niya nang nakahiga kay Akito. Napatakip-bibig nalang si An nang mapagtanto niya na ayun nga matagal siyang hinayaan na nakahiga sa kanya.
May meaning ba to? Lord sorry na kung nakinig ako sa Ama Namin Remix pero grabe ka na huhuhu. Sa totoo lang lord, matitigok ako ng lalaking to, hypertension. Kasi diba, bakit naman ganon na parang puro siya mixed signals. Gusto niya ba'ko na as in jowaan levels o sadyang gusto as in as a friend. Malay ko ba kung bff premium baka gusto niya rin. Pero nakakakilig kung sakaling maging jowa si Akito, ang cute cute niya today. Ngayon ko lang nakitang nagmumukha siyang tanga. Madalas ako sinasabihan niya ng tanga pero sinong tanga ngayon.
Mas lalo nalang kinilig si An sa naisip niyang yon. Pinili niya nalang na matulog muli sa balikat ni Akito. Pagkahiga niya ay parang ambilis ng kabog ng dibdib nito. Abot hanggang balikat ang kabog ng dibdib niya. (ang oa diba)
Dumilat nang kaunti si Akito nang makitang sinusubukang matulog muli ni An sa kanyang balikat. "Anong ginagawa mo?"
"H-H-Ha? Hindi ba parang pinahiga mo'ko kanina dito a few minutes ago? Off-limits na ba? Kasi bawal o kasi kinikilig ka sa'kin HAHAHA," pangising tawa ni An habang inaasar si Akito.
"Ehem. Ikaw kaya humiga, parang trespassing sa balikat ko ginawa mo noh," namumulang Akito for the third time na tinatakpan muli ang mukha. "Saka anong kilig? Tsk, kung ano-ano pinagsasasabi mo, baka ikaw may gusto sa'kin, hihiga ka di ka nagpapaalam."
"Oh edi wow Akito kung gusto kita. EH ano naman? Bakit, anong gagawin mo kung gusto kita ha?" sagot ni An na parang naririnding kinikilig.
Hindi nakaimik si Akito sa biglaang sagot ni An.
"Oh tamo may gusto siya sa'kin abunjing abunjing," mas lalong pang-aasar ni An kay Akito.
"Hoy, wala akong gusto sa'yo kung meron man-"
"Ano, di mo'ko gusto kasi mahal mo'ko. Corny mo gago HAHAHA."
Nahihiya na lamang si Akito kasi nabisto na siya ni An.
"Oh tamo, di ka makapagsalita.'"
"Pwede bang kalimutan mo na lang yung mga pinaggagawa ko. Sorry," paghingi ng tawad ni Akito.
"Ha? Bakit ka nagsosorry? Huy, Akito, joketime lang," nagtatakang reaksyon ni An.
"VIVID STREET!" sigaw ni manong
Bumaba ang dalawa at naghiwalay na ng landas.
"I'm sorry An, sana magkaibigan pa rin tayo," pagyuko ni Akito na humihingi ng tawad.
"Ha? Magkaibigan pa rin tayo, ano ka ba? Anong sorry, wala ka namang ginawang masama?" mas lalo lamang na nagtaka si An.
"Kasi nagustuhan kita at gusto pa rin kita. Alam ko namang kaibigan lang turing mo sa'kin. Ayos na sa'kin na magkaibigan tayo," pag-amin ni Akito
"Wala namang mali kung may gusto ka sa kaibigan mo," paglagay ni An ng kanyang kamay sa mukha ni Akito. "Nararamdaman mo yan, bakit mo pinipigilan?"
Inilapit ni An ang mukha ni An sa mukha ni Akito. "Kung gusto mo'ko, bakit hindi mo panindigan?" Tignan mo ang cute cute mo para kang nakakaawang aso na may nagawang masama. Bawal bang mukha kang ganto araw-araw.
"Anong ibig mong sabihin?" pagkalito ni Akito
"Sabihin mo sa'kin kung anong nasa saloobin mo sa'kin. Hindi yung magbibigay ka ng motibo at nagmumukhang inaassume ko lang to lahat," sagot ni An nang nakangisi kay Akito.
Lumuhod si Akito at hinawakan ang mga palad ni An.
"An Shiraishi, isa kang bulaklak na natatakot akong pitasin dahil sa kagandahan na naipapakita mo sa lahat ng aspeto. Ang gusto ko lang na mapanood ka at ako'y nasa mundong ginagalawan mo. Sa libo ng nakabibighaning mga bulaklak, ikaw ang pipiliin ko sa araw-araw. Kada malulungkot ka parang isa kang halamang nalalanta, handa akong alagaan ka sa mga panahong nakakapagod. Handa akong maging pahinga mo sa mundong magulo't maingay. Handa akong maging sandata mo na gagamitin mo panlaban sa kalungkutan. Kasi ikaw ang lahat ko, kasi hindi ako mauuubos kung nandyan ka," panata ni Akito kay An.
"Ano ba yan, Akito. Dami mong sinabi dalawang salita lang naman gusto kong marinig," paluhang sabi ni An.
"Pipiliin kita sa araw-araw," sabay labas ng luha ni Akito sa kanyang mga mata.
"Inamo apat naman yan eh. Ano ba yan, naiiyak na tuloy ako," sabay punas ng luha ni An.
Tumayo si Akito at inilagay ang kanyang noo sa noo ni An. "Gusto kita."
Pagkabigkas ni Akito ng mga salitang ito ay agad sunggab ng halik ni An sa mga labi labi ni Akito.
Hindi na nakaresponde si Akito sa biglaang pangyayari at napahawak na lang sa kanyang labing nahalikan ni An.
"Kaya mo naman pala eh. Uwi na'ko, ang drama natin HAHAHA," pangiting paalam ni An.
Ang hindi pa handang magpaalam na si Akito ay hinatak muli ang braso ni An. "Ano namang meaning neto An?"
Humarap naman si An kay Akito hawak ang mga kamay ni Akito. Inihawak ni An ang kamay nang isa't isa sa kanilang mga puso. "Eto ibig-sabihin niyan. 143, I love you, Mahal kita, 愛してます, 사랑해요"
"I love you too," sagot ni Akito sa iba't ibang lengwahe ni An.
"Atleast hindi tula yung pag-amin ko," agad na asar ni An matapos umamin.
"Ano, hatid na kita sa inyo?" nahihiyang pagalok ni Akito.
"Basta holding hands para naman alam ng mga taong tayo na," kindat ni An kay Akito.
Magkahawak-kamay na umuwi ang dalawa. Kung sakaling magkakasama sila sa jeep muli ay tila bang hindi na sila papara. Walang babaan para lang magkasama nang matagal. Basta't sila'y magkasama kahit wala nang hilahan nang tali. Masaya na silang natapos ang larong taguan ng pag-ibig.
