Chapter Text
1st Chapter
"Bakit Daddy pa din tawag mo sa Daddy ko?" Tanong ng isang batang babae sabay tulak sa batang lalaki.
"Bakit una ko siyang naging Daddy ah." Sagot ng batang lalaki na naiiyak na.
"Hindi mo na siya Daddy dahil hindi na siya asawa ng Papa mo. Daddy ko na siya kasi sa bahay na siya nauwi."
"Lier Daddy ko pa din siya."
"Sabing hindi eh." Nauna itulak ng batang babae ang batang lalaki, kaya naman gumanti ang batang lalaki at tinulak ang batang babae na natumba.
"Mommy si Nicolo he pushed me." Iyak ng batang babae.
"Oh my God Joanna!"
"You why did you pushed ny daughter? Ganyan ka ba tinuruan ng Papa mo?" Sabay duro sa bata.
Napatingin ang lahat ng may humampas sa kamay ng babae.
"Tigilan mo ang pagduro sa anak ko kung ayaw mong mabawasan ka ng daliri."
It's an anniversary sa Pamilya ng mga Park.
"Lance turuan mo ng maayos ang anak mo." Sabi no Mildred na karga ang anak niyang si Joanne.
"Bakit hindi mo gawin na ituro sa anak mo na wag mang agaw ng hindi sa kanya, baka maging kabit siya paglaki kagaya mo."
"Lance, may mga bata naririnig ka!" Saway ni Minerva ang ina ni Nicholas.
"Dapat naman talaga marinig niya ang ginawa ng ina niya." Tumigil na lang si Lance ng makita niyang umiiyak na si Nicolo.
"Let's go home Nicolo." Sumama naman agad ang bata.
"Lance hindi pa tapos kumain si Nicolo." Pagpigil ni Lance sa asawa.
"Asikasuhin mo na lang ang pangalawa mong pamilya Nicholas. Uuwi na kami ng anak ko."
Hindi na nagpaalam si Lance sa kahit na kanino ang importante ay mailayo niya ang anak niya sa pamilyang yun.
Pagkadating sa bahay ay tinawagan na ni Lance ang abogado niya at pinaayos ang annulment ng kasal nila ni Nicholas. 10 years na silang magkasama 3 years as boyfriends and 7 years as husband pero last year ay nalaman niyang Nicholas is cheating on him at alam ito ng buong pamilya ng lalaki.
"Papa, hindi ko na po talaga Daddy si Daddy?" Niyakap niyakap ni Lance ang anak.
"Things might changed but he's still your Daddy okay?" Tumango ang bata.
Nang napatulog na ni Lance ang anak ay dumeretso siya sa opisina niya, pero naabutan niya doon ang asawa. Mukhang nakainom ito.
"How's my son?" Hindi sinagot ni Lance ang tanong ng asawa. Kumilos siya na parang walang nakikita.
Napatingin siya sa asawa ng bigla nitong suntukin ang mesa niya.
"Fuck Lance, sumagot ka naman." Huminga ng malalim si Lance bago sumagot.
"Anong kailangan mo?" Malamig ang tunog ng boses niya.
"Let's talk about our living arrangement." Doon na ngumiti si Lance.
"This discussion is best when our lawyers are available."
"Lawyers?"
"I'm setting you free. I'm filling an annulment." Napaupo si Nicholas sa upuan dahil sa sinabi ng asawa.
"Ayaw mo at ng buong pamilya mong tinatawag na kabit si Mildred diba? Then gawin natin yun. Let's annul our marriage para sa hindi na siya maging kabit."
"Ganun na lang ba sayo kadali tapusin ang 10 years na pagsasama natin?" Natawa si Lance.
"Ikaw ang nagloko Nicholas hindi ako. Kaya kung may tumapos sa samahan nating dalawa it's you." Sagot niya sa asawa.
"Dahil masyado kang matigas Lance. I asked for apology pero hindi mo ko pinatawad." Umiiyak na si Nicholas.
"Yes you asked for apology pero sinabi mo din na you can't fully stop seeing her because of her kid. Na napamahal ka sa anak niyang babae. It doesn't make any sense Nicholas and what happened kanina is the last straw. Nasaktan ang anak ko."
"Lance if that's what you want, then let's end our marriage." Umalis si Nicholas at saka lang nailabas ni Lance ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
Nicholas was his first in everything. Nicholas pampered him, kaya hindi niya lubos maisip kung bakit siya niloko ng asawa.
Lance is good at pretending like he no longer care for Nicholas pero deep inside he love him so much. Pero he needs to be strong.
Time skip
Mabilis na natapos ang annulment dahil parehong panig ay nagko cooperate. Lance and Nicholas would split everything in half pumayag si Lance kapalit ng visitation rights niya kay Nicolo.
Yung bahay na nabili ni Nicholas ay binigay na niya kay Lance since nakapangalan yun kay Nicolo.
"Kuya may sulat na dumating." Binigay ng kasambahay ni Lance ang invitation sa kanya. Nag aalmusal sila ng anak niya.
Pagbukas niya nun ay wedding invitation yun para sa kasal ni Nicholas at Mildred. Pinunit ko yun sa gitna.
"Papa what's that?"
"Invitation to a Circus." Sagot niya sa anak niya.
"Can we go?" Umiling ako.
"The performers were not funny."
"Ah ganun po ba." Nginitian ni Lance ang anak.
"Finish your food your school bus will he here na soon."
"Yes Pa." Napangiti naman si Lance. Mabuti na lang at matalinong bata si Nicolo kaya hindi nahirapan si Lance na magpaliwanag.
After umalis ni Nicolo ay tinawagan ni Lance ang number sa invitation para magsabi na he would decline.
Wala pang isang oras ay nasa bahay na niya ang ina ni Nicholas.
"Bitch, kung bitter ka at ayaw mong umattend sa kasal at least have my grandson attend his father's wedding." Sigaw nito.
"Seat down, Mrs. Park." Kalmadong sabi ni Lance sa nagsisigaw na matanda.
"First, do you think my son would be happy to see his father marrying a woman who destroyed his family? Second bakit po ba ikaw ang galit na galit?"
"You're keeping our grandson away from us."
"No you're the one doing it, it's because sa anak ni Mildred. My house is open anytime you want to see my son, pero walang dumadalaw. Now susugod ka para sigawan ako."
"Inggrata." Mrs. Park was about to slap him pero nauna siya. Nagulat naman ang matanda.
"That's for enabling your son's cheating and for all the years na minamaliit mo ko."
"Wala kang galang! Para mo na akong ina" Sigaw nito habang hawak ang mukha niya.
"Hindi na kami kasal ng anak mo kaya hindi na yun applied sayo. Now umalis ka na bago pa kita pakaladkad sa labas at kasuhan ng trespassing."
After ng araw na yun ay nakatanggap si Lance ng tawag sa kung kani kaninong tao para sabihan siya na papuntahin si Nicolo sa kasal ng ama.
Few weeks after the wedding.
"What are you doing here? Hindi mo pa araw bumisita kay Nicolo?"
"I'm not here for visitation. I'm here para kausapin ang anak ko. I want him to be there with me sa araw ng kasal ko."
"Tell me na nagpapatawa ka." Pero hindi nagsalita si Nicholas.
"Nicolo, come here. Your Dad wants to ask you something." Pagdating ng anak ay hindi man lang ito lumapit kay Nicholas.
"Son, I know na I hurt you and I want to make this right. I want you to be part sa pagsisimula ko ng bagong buhay, I will be marrying soon and I will be very happy if you will attend."
"I can't, Dad. We will be going to Hong Kong for a week."
"Sinadya mo to no."
"I didn't. Bago ko pa natanggap ang invitation nyo nakapagpa book na ako ng flight and hotel. Also Nicholas not everything is about you, not anymore."
Timeskip
Pagkadating nila sa bahay ay agad na nakatulog si Nicolo dahil sa pagod habang si Lance naman ay uminom ng wine para magpahinga.
Natigil ang pagmumuni muni niya ng may sunod sunod na katok sa pinto niya. Pag bukas niya ng pinto ay nandun ang si Nathan nakababatang kapatid ni Nicholas. Namumutla siya.
"Anong nangyari?" Tanong ni Lance sa lalaki.
Lance
"Si Kuya naaksidente siya kanina nung papunta siya sa kasal and malala ang kalagayan niya, please puntahan niyo siya ni Nicolo. Nakikiusap ako Kuya Lance." Halata nga nakasuot pa siya ng pang best man, naalala ko na siya pa ang ring bearer nung kasal namin.
"I'll wait na magising si Nicolo tsaka kami pupunta."
"Salamat po Kuya." Pagkasabi nun ay umalis na siya. Gabi na nagising si Nicolo at umiyak siya ng malaman ang nangyari sa ama, he's blaming himself for not coming but I told na it's okay, because if kasama siya sa aksidente baka mabaliw ako.
Nasa byahe na kami pero umiiyak pa din si Nicolo. Pagdating namin doon ay sinalubong ako ng sampal ng mama ni Nicholas. Andun si Mildred na nakasuot pa ng wedding dress niya.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito. Ano masaya ka na may nangyari sa anak ko?"
"Stop that hindi kasalanan ni Lance ang aksidente ni Nicholas."
"Why are you hurting Papa?" Doon na natigil sa paninisi sa akin ng mama ni Nicholas.
"Daddy hurt Papa and now you're hurting him as well. I don't like your family anymore." Naiiyak na sumbat ng anak ko.
Hinila ko siya sa gilid at kinausap. Sinabihan ko siyanh saglit lang kami, he just needs to say hi to his dad.
"Kuya Lance, salamat sa pagpunta mo." Tinanguan ko lang si Nathan.
"Lance, kausapin mo na si Nicholas sa loob, isama mo na su Nicolo."
Maliban sa malaking sugat sa ulo ay parang wala naman ibang galos sa kanya.
"Nicolo talk to your Dad." Umupo ako sa upuan para makapag usap ang mag ama.
"Daddy, I still hate you for choosing another family but I don't want you to die. I just hope that when you wake up you became a good person like before."
Pinahid ko ang luha ko dahil sa sinabi ng anak ko.
"Is that all?" He just nodded.
Pagkalabas namin sa kwarto niya ay nagpaalam ako kay Nathan at kay Tito. Pero hindi ko tinapunan ng tingin si Mildred at ang dati kong byenang babae.
Kinabukasan ay nagulat ako ng may kumakatok sa gate ng madaling araw.
Maaga ako nagising para maghanda ng almusal at babaunin ni Nicolo sa field trip niya.
"Hon." Muntik ko na mabitawan ang hawak kong tasa ng makita ko si Nicholas na nakatayo sa gate.
"Open the door please."
"Para saan also stop calling me Hon. Hindi ka naman na nakatira dito." Bakit andito to kagabi lang nasa higaan pa to.
"Anong sinasabi mo? I live here, please papasukin mo na ako at nilalamig ako."
"Bakit hindi ka umuwi sa bahay ninyo baka hinihintay ka na ni Mildred."
Tumawa siya.
"Mildred? Hon sino naman yun. Is that the reason kung bakit na galit sa akin?"
"Nicholas, hindi mo kilala si Mildred eh si Joanne?" Tiningnan ko ang mukha niya, nagtatakang reaction lang ang meron siya.
"Let me in please, ako nga dapat nagtatampo sayo, naaksidente na ang asawa mo tapos hindi kita nakita sa hospital."
Sakto na tumunog ang phone ko, si Nathan tumatawag.
"Kuya Lance si Kuya nawawala." Halata ang takot sa boses niya.
"Andito siya Nathan." Sagot ko.
"Anong ginagawa niya jan." Binuksan ko ang gate at pinapasok siya sabay abot ng phone sa kanya.
"Si Nathan, kausapin mo." Inabot niya ang phone ko.
"Nagpalit ka ng screensaver, bakit kayo na lang ni Nicolo ang nandito?"
"Hello Nathan andito na ako sa bahay, anong hindi ko bahay. Wag kang patawa uy. Sige na pagod ako at gusto kong magpahinga." Pinatay niya ang tawag at nagulat ako ng bigla siyang yumakap at halikan ako sa noo.
"Wake me up bago mag 8 ha, ayokong magmadali kumilos papasok sa trabaho."
Napaupo ako sa sala, pinagloloko ba ako ng tadhana?
