Chapter Text
Characters
Mikha as Mikhara Amari Ledesma
Aiah as Anastasia Zephyr Acosta
Maloi as Maya Ylona Ruiz
Colet as Colin Ventura
Gwen as Ginger Abella
Jhoanna as Jordan Callie Romero
Stacey as Serenity Soriano
Sheena as Steffany Myrl Carreón
Disclaimer: This is a work of fiction. The following events, characters, and scenarios are purely imaginative and should not be confused with real-life situations. Please remember to always engage in relationships and interactions responsibly, with mutual consent and respect for personal boundaries. Last but not the least, ship responsibly.
Panimula
"Azi, magbakasyon ka muna. Huwag ka munang magpakita sa publiko. Kailangan muna nating pahupain ang issue bago ka humarap ulit sa mga tao."
Napatingin ako sa manager kong si Maya.
"What? Bakit ako ang kailangang magbakasyon? Maya, ilang beses ko nang sinabi sa'yo—hindi iyon ang buong pangyayari. Na setup lang ako ni Jeremiah!"
"We don't have enough evidence, Azi. Mas paniniwalaan ng mga tao ang spliced video kaysa sa kahit anong sabihin mo dahil wala tayong maipapakitang proof." Halata sa mukha ni Maya ang matinding stress dahil sa sitwasyon.
Shit.
Napakawalanghiya talaga ng mokong na 'yon. Matapos niya akong perahan, matapos siyang magloko, ganito pa ang igaganti niya sa akin? Kung hindi dahil sa akin, wala siya sa industriyang ito.
Nagsimula ako sa pag-aartista pitong taon na ang nakalipas, at ito ang unang beses na nasangkot ako sa ganitong kalalang kontrobersiya. Nakilala ko si Jeremiah nang sumali siya sa isang reality show kung saan ako ang host. Agad siyang natanggal dito, kaya hindi siya sumikat.
Pero ilang buwan lang matapos ang reality show na iyon ay nagparamdam na siya sa akin na interesado siya. Dinaan niya sa tawag, text, at pagpunta sa set tuwing may bago akong pelikula o serye na sinushoot ang kanyang panliligaw.
Si Jeremiah ay laking probinsya, at hindi rin mayaman ang kanyang pamilya, kaya naintindihan ko na hindi siya makapaglabas ng pera at makapagbigay ng kahit anong regalo para sa akin. Hindi rin naman ako humihingi ng mga materyal na bagay dahil kaya ko namang bilhin ang mga 'yon. Duh?
Pero dahil pinuno niya ako ng matatamis na salita, ayun, nagpauto si gaga.
Nang sinagot ko siya ay bigla rin naman siyang sumikat. Kapag may mga pelikula ako ay siya ang madalas ipina-partner sa akin at nagkaroon na rin kami ng solid na fans club.
Sa mahigit tatlong taon na relasyon ni Jeremiah, kahit minsan hindi ako humiling sa kanya ng kahit ano. Masyado akong nabulag sa pag-ibig.
Dahil nga rin sa sitwasyon niya sa buhay, lahat ng date namin—ako lahat ang gumastos. Kulang na lang maging sugar mommy niya ako! Or baka iyon na nga ang tawag sa mga ginagawa ko?
At kahit ngayon na kumikita na siya ng mas malaki, never pa akong nakatanggap sa kanya ng kahit isang pirasong rosas!
Ambobo mo, Azi. Bakit hindi mo man lang naisip 'yan non?
Nakatingin ako ngayon sa cellphone ko. Puro pambabash ang natatanggap ko sa lahat ng social media platforms samantalang si mokong ay puro awa at simpatya ang natatanggap.
Arghhhh!! Ang kapal talaga ng mukha ni gago.
Nahuli ko si Jeremiah sa isang private room sa isang bar na may kahalikang babae. Ang babaeng iyon ay nakasama namin sa isang pelikula kung saan siya ang third party.
Aba, si gaga, isinabuhay talaga ang role niya.
Hindi ko na alam kung sino ang nagrecord ng pag-uusap namin ni Jeremiah, ang alam ko lang ay galit na galit ako noong mga oras na iyon.
"Ang kapal ng mukha mo, Jeremiah. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa'yo, ganito ang igaganti mo sa akin! Nagawa mo pa talagang mangaliwa! Ganyan ba talaga kayong mahihirap? Mahilig manggamit ng tao para lang makaahon sa buhay? Ang dapat sa’yo, bumalik sa probinsya mo at magtanim ng kamote dahil wala ka namang kwenta. Kung hindi naman dahil sakin ay wala ka sa posisyon mo ngayon!"
Kumalat ang video ko na sinasabi ang mga yan, ang problema lang ay cinut 'yong bandang una at itinira lang 'yung part na "Ganyan ba talaga kayong mahihirap? Mahilig manggamit ng tao para lang makaahon sa buhay? Ang dapat sa’yo, bumalik sa probinsya mo at magtanim ng kamote dahil wala ka namang kwenta. Kung hindi naman dahil sakin ay wala ka sa posisyon mo ngayon!" para magmukhang ako ang masama.
Hindi ko alam kung saan humuhugot si Jeremiah ng kakapalan ng mukha at nagawa pa niyang ipakalat yung pag-uusap namin. Sigurado akong pakana niya iyon. Wala naman silang ibang kasama sa room na iyon kundi ang mga kunsintidor niyang kaibigan. Paniguradong ayaw niyang mawalan ng career kaya inunahan na niya akong mag-expose.
Alam kong mali 'yung mga sinabi ko. Alam kong nadala ako sa galit at sakit ng nararamdaman ko at hindi ko na naisip kung gaano ka-grabe yung mga salita na ibinitaw ko.
Alam ko, hindi ko dapat sinabi 'yun, pero kung tatanungin niyo ako, hindi rin tama na lahat ng galit ay napupunta lang sa akin. Jeremiah cheated on me so bakit parang ako lang 'yung lumalabas na masama?
Magsasalita pa lamang sana ako ulit nang biglang nagring ang cellphone ni Maya.
"It's Ma'am Elizabeth."
Sasabihin ko pa lang sana na huwag niyang sagutin ay bigla naman niyang pinindot ang answer call.
Shit!
What was worse than having an issue? It was the fact that my mother owned the company I worked for. Every little mistake, every bad headline, lahat nababalitaan niya at lahat ay may kaakibat na parusa!
And if there was one thing I hated, it was how she always managed to control everything.
"Yes, Ma'am. Yes, Azi is here po. Okay po Ma'am I'll give the phone to her."
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang cellphone na binibigay sakin ni Maya.
"Mommy..."
"Azi, what the hell happened? Ano 'tong gulong ipinasok mo?"
Nahulog ang mga kamay ko sa gilid ng katawan ko, and a deep bow of my head began, as if in shame.
"Mom, hindi ko po sinasadya. I was... I was hurt, and I said things I shouldn't have said. Alam ko pong mali ako." Ang hindi ko kayang tanggapin ay hindi lang ang pagkakamali ko, kundi pati na rin 'yung fact na alam kong hindi naman niya papakinggan kahit na anong sabihin ko.
"Azi, we have a reputation to uphold! Kalat na kalat na 'tong issue sa lahat ng social media platforms! Alam mo naman kung gaano kabigat ang pangalan natin sa industriya na ‘to. Hindi lang basta artista, ang kumpanya natin—ako—lahat ay involved na."
Napakabigat ng bawat salita ni Mommy. NI hindi ko man lang masabi kung gaano ako nasaktan ni Jeremiah, kaya't nang makita ko siyang may kahalikang ibang babae ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.
"You left me with no choice. Magbakasyon ka muna sa probinsya ng Lola Saning mo at magtago sa mga tao, lalong lalo na sa media!"
"What? Ipapadala niyo ako sa Lunares? No, Mom! I don't wanna go there! Ang layo-layo nun at wala pang signal!"
“Azi, you have no say on this. Kailangan mong maglielow. Kung hindi, puputaktehin ka ng media at mga bashers mo rito sa Maynila. It's the only way you can redeem yourself right now. Show them that you didn't really mean what you said tungkol sa mga taga probinsya.”
Shit shit shit! Ayokong bumalik doon!
Halos sampung taon na simula nang huli kong punta sa Lunares. Ang huling alaala ko ay ang mga araw na dumaan ako sa matinding hirap—the days when my lola made me work hard. I didn’t even get to experience the ease of life.
Pinag-gapas pa ako ng palay buong stay ko roon! At ginawa ko iyon habang tirik na tirik ang araw! Oh my gosh, I don't wanna talk about it anymore.
And also, my lola—she's tough! Masyadong mahigpit, walang paligoy-ligoy. Kung hindi ka magttrabaho nang maayos, wala kang karapatan magpahinga. Kung sasabihin niyang magtanim ako ng gulay, kailangan magtanim ako. Kung magpapakain siya ng mga hayop, wala akong choice kundi sumunod. Matapos ang isang linggong pagstay ko noon, muntik ko nang kalimutan kung anong buhay ang mayroon ako sa Maynila.
“Mom, please... I can’t go back there. I’m not the same person I was back then. Baka mamatay ako sa pagod doon!”
“Wala kang choice, Azi. Gagawin ko ang lahat para mapigilan ang epekto ng isyung ito, pero kailangan mo rin magpakumbaba. Hindi mo kayang ayusin ito mag-isa. Pumunta ka sa lola mo, magpakita ng respeto. That’s the only way to save yourself from further damage.”
Fuck my life...
Dumating na ang araw na kinakatakutan ko—ang araw ng pagpunta ko sa Lunares.
Lord, kayo na po ang bahala sa akin...
Nandito kami ngayon ni Maya sa labas ng bahay, at nakahanda na ang van na gagamitin papunta sa pinaka kinatatakutan kong probinsya.
"Azi, don't forget, ha? Don't do anything reckless there na alam mong mas ikasisira ng career mo. Your endorsements are already withdrawing their support, and even the commercials you were scheduled to shoot have been canceled. Kaya please lang, behave, okay?" Madiin na sinabi ni Maya habang nakatutok siya sa cellphone niyang puno ng notifications.
"Kung gusto mong bumalik sa dati ang career mo, then kailangan mong umayos."
"Fine! As if namang may choice ako. Saka, ano naman ang posible kong gawin doon na makakasama sa career ko? Sakyan ang mga kambing? Literal na puro berde lang makikita mo roon, Maya! Kaya sure akong wala akong ibang mapagkakaabalahan kundi sundin ang mga utos ng lola kong daig pa si Miss Minchin."
Hindi na napigilan ni Maya ang pagtawa.
"Oh, siya! Sige na! Susunod ako roon, maybe after two weeks? Kailangan kong tumulong sa PR team... you know. Just text me pag nakarating na kayo."
"Tss... as if namang may signal doon, Maya. Nang-aasar ka ba?"
Lumagapak na naman sa pagtawa si Maya.
My gosh, naiisip ko pa lang na walang signal at internet doon, naiiyak na ako.
Matapos ang halos anim na oras na biyahe, sa wakas ay nakarating na rin kami sa Lunares. Una kong ginawa ay ang i-check ang cellphone ko.
Fuck, wala pa rin talagang signal.
Napabuntong-hininga ako habang nililibot ang paningin sa paligid. Wala pa ring masyadong nagbago—halos puro berde pa rin ang tanawin, at parang wala pa ring sumibol na mga building. Parang tumigil ang oras dito.
Habang nagmamasid ay agad akong sinalubong ni Tita Cora at ng pinsan kong si Colin sa may harap ng bahay.
"Hala, Tasya, ikaw na ba iyan? Aba'y napakalaki mo na! Kay gandang babae naman nito!"
What the… Tasya? Sinong Tasya? Does that nickname even exist?
"Uhm, Tita Cora, Azi na lang po," sagot ko, pilit na ngumingiti kahit ang weird ng pakiramdam ko sa tawag niya sa akin.
"Ay naku! Anong Azi ka riyan? Tasya ang tawag namin sa'yo rito, no! O siya, tara, pumasok ka muna sa loob nang makapananghalian ka na."
Wala na akong nagawa kundi sumunod. Napatingin ako sa pinsan kong si Colin na mukhang masayang-masaya na nakita ako ulit.
"Insan! Kumusta? Long time no see ah? Tara, pasok ka na sa loob! Tulungan na kita riyan sa mga maleta mo."
Ngumiti ako nang kaunti. Hindi pa rin talaga nagbabago si Colin—mabait at laging maasahan. Ten years ago, siya rin ang laging sumasaklolo sa akin kapag hindi ko matapos ang mga gawain.
"Thanks, Colin. Si lola, nasaan?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo.
Sobrang init!
"Nasa itaas, naggagantsilyo. Puntahan mo na lang, kasi ayaw noong bumababa hangga't hindi siya tapos."
"Sige, puntahan ko na lang siya. Sa susunod na lang tayo magkuwentuhan, Colin. Super pagod lang talaga ako sa biyahe."
Nginitian niya lang ako bago dumiretso sa kusina para tumulong kay Tita Cora sa paghahanda ng pagkain. Ako naman, napahinga nang malalim at sinimulan na ang pag-akyat sa lumang hagdanan ng bahay.
Parang bumalik lahat ng alaala ko noong huli akong narito.
Welcome back to Lunares, Azi.
Nasa hapagkainan kami nang biglang nagsalita si Lola Saning.
“Tasya, mamayang hapon ay magsimula ka nang magpakain ng mga baboy at manok natin sa farm. Colin, samahan mo itong pinsan mo ha. Turuan mo para walang masayang na oras.”
Really? Wala man lang bang pahinga-pahinga, lola?? Yan ang gusto kong sabihin, pero siyempre hindi pwede, 'di ba? Baka bigla pa akong pagtanimin ng palay nang wala sa oras!
Hays!
Laking pasasalamat ko nang biglang sumingit sa usapan si tita Cora.
“Ma, baka naman pwedeng ipagpabukas na 'yan? I-utos na lang muna natin sa mga tauhan natin. Anim na oras bumyahe si Tasya o.”
So ano? Tasya na ba talaga ang pangalan ko rito? Final na?
Nagdasal ako na sana ay pumayag si lola.
“Oh, s'ya, sige, bukas na bukas. Alas singko ng umaga ay gumising ka. Kailangan nating magpunta ng palengke para bumili ng mga sariwang karne. Maaga kong kailangan magluto para sa mga tauhan at papakainin pa natin iyong mga nasa palayan.”
Holy shit! 5AM? Patulog pa lang ako niyan e!
“Ayan, Tasya. Ilaan mo na ang araw na ‘to sa pagpapahinga at paglilibot. Colin, mamaya ay ipasyal mo si Tasya, ha? Pumunta kayo sa may ilog at sa plaza.”
“Opo ma, ako na po ang bahala kay Azi.”
Sa wakas, may tumawag din sa aking Azi sa lugar na 'to!
Hindi na ako kumontra dahil baka pag sinabi kong ayokong lumibot ay bigla akong utusan ng kung ano ni lola!
Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako ng ilang oras at pagsapit ng alas kwatro ng hapon ay kinatok na ni Colin ang kwarto ko.
"Insan, tara na at mahirap abutan ng gabi rito sa Lunares. Wala nang mga tricycle na masasakyan."
Lumabas kami ng bahay at pumara ng tricycle papuntang palayan. Sabi ni Colin, iniutos sa kanya ni lola na idistribute daw muna ang arawang sweldo ng mga trabahador na gumagapas bago kami maglibot.
Ang daming kwento ng pinsan ko pero wala talaga akong gana makipag-usap.
All I could think about was, I wanna go back to Manila! Miss ko na ang Wi-Fi! Miss ko na mag-bar!
At ang init talaga! Bwisit, alas kwatro pasado na, pero tirik pa rin ang araw! Panigurado, pagkabalik ko sa Maynila, daig ko pa ang nagpa-tan sa beach!
Nang makarating kami sa palayan ay nagpaalam na saglit si Colin para ibigay na ang sweldo ng mga trabahador.
Habang naglalakad-lakad ako sa gilid ng palayan ay may bigla akong naapakang—
SHIT, SHIT, SHIT!
OO! LITERAL NA SHIT! Oh my gosh! Wala na bang mas isasama itong araw na ito?!
Hindi ko kayang magtanggal ng dumi, at mas lalong ayokong magtanggal ng dumi. Pero dahil wala akong choice, pinilit kong tanggalin lahat ng iyon.
Subalit noong matagumpay ko nang matanggal lahat ng dumi ay bigla namang nasira ang swelas ng tsinelas ko!
Gusto ko nang umiyak dahil sa mga kamalasang nangyayari sa buhay ko. Paano ako makakauwi nito?
Tabang Lord...
Sa sobrang badtrip ko ay ibinato ko na lang ang sirang tsinelas.
*Thwack!*
Napatingin ako sa direksyon kung saan ko ito itinapon.
May tinamaan!
Nakita ko ang isang babaeng may pulang buhok, naka-messy bun, naka-itim na sando, at naka-puting shorts.
OMG... may dumapong dumi sa suot niyang sando!
Napansin ko ang mga mata niyang nagulat, at saglit na huminto ang lahat ng tunog sa paligid, tila may ilang segundo ng katahimikan bago siya naglakad patungo sa direksyon kung nasaan ako.
"Miss, sa'yo ba itong tsinelas na ito?"
"Mukha bang may nagmamay-ari pa niyan? Kita mong sira na, 'di ba?" sagot ko na lang, hindi kayang tumingin ng diretso sa mata niya. Ang buong katawan ko ay puno ng inis dahil sa nangyari, pero sinusubukan ko pa ring manatiling kalmado.
"Tss... di ka na nga maganda, matapobre ka pa," sabi niya, sabay talikod at lakad papalayo.
"Excuse me? What did you just say?!"
Kumulo ang dugo ko sa mga narinig ko. Sa sobrang gulat at inis ay hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko. Never in my life akong nakatanggap ng ganyang insulto!
Notes:
Hi! Thanks for reading my new AU! Just want to let you know that I'll be focusing on completing APT (https://archiveofourown.org/works/61514317) before proceeding with this one. I hope you'll give the same support you've given to my other AUs. 🥹🥹🥹
let's be moots!
X: @nairobi_writes
Chapter 2: II. Mikhara Amari Ledesma
Chapter Text
Huminto ang babae sa paglalakad at dahan-dahang humarap muli sa akin. Wala man lang bakas ng pagsisisi sa mukha niya—walang alinlangan, walang takot.
"Bingi ka ba?" aniya, nakataas ang isang kilay. "Ang sabi ko, hindi ka na nga maganda, matapobre ka pa. Ikaw na nga 'tong may atraso, ikaw pa 'tong nagtataray? Unbelievable."
Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata sa mga sinabi niya.
"Ako? Hindi maganda?" Inilagay ko ang isang kamay sa dibdib ko, kunwaring hindi makapaniwala.
Napangisi siya, pero hindi sa paraan na nakakatuwa—kundi may halong panunuya.
"Kita mo? Sa lahat ng sinabi ko, 'yan lang ang pinansin mo? Gandang-ganda ka talaga sa sarili mo, 'no?"
Hindi ko napigilan ang mapang-asar na ngiti ko. "Kasi maganda naman talaga ako." Tumingala ako nang bahagya, sinadya kong ipakita na hindi ako basta-basta papatalo. "Do you even know who I am?"
Wala siyang kahirap-hirap na sumagot. "Hindi. At wala rin akong interes na alamin kung sino ka. Hindi ako interesado sa mga matapobreng tao."
Matapobre?! How dare she?!
Naningkit ang mga mata ko. "Kung makapagsalita ka, akala mo naman ang yaman-yaman mo."
Doon ko lang napansin ang pagbabago sa ekspresyon niya. Ang inis ay tila napalitan ng mas matinding galit, parang may natapakan akong mas malalim pa kaysa sa inaasahan ko.
"Bakit?" bulong niya, pero ramdam ang puwersa sa tinig niya. "Anong problema mo sa mahihirap? At ano ang problema sa pagiging mahirap?"
Napakurap ako, hindi inasahan ang biglaang pagseryoso ng tono niya.
Pero bago pa ako makasagot, may dalawang babaeng biglang dumating.
"Mikhara! Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala!" sigaw ng isang babaeng may kulay brown na buhok, bahagyang hinihingal na tila galing sa pagtakbo.
So her name is Mikhara, huh?
Napatingin si Mikhara sa kanila.
"Jordan," sagot niya, tila bahagyang huminahon.
Hindi ko maiwasang mapansin kung paano bahagyang lumiwanag ang mukha nung isang babaeng maputi. Parang saglit siyang natulala kay Mikhara bago bumaling sa akin, biglang naging seryoso ang ekspresyon.
"Oh my gosh. Ano nangyari, Mik? At bakit may dumi ang damit mo?" tanong ng babae, na ngayon ay nakatingin na sa akin na para bang inaakusahan ako.
"Wala 'to, Serenity," sagot ni Mikhara, pero halata pa rin ang iritasyon sa boses niya. "Nabagsakan lang ng ligaw na tsinelas."
Kasabay ng pagsabi niya no'n ay binigyan niya ako ng isang matalim na tingin na para bang sinasabi niyang kasalanan ko ang lahat ng ito—which, well, okay, technically totoo naman, pero ang kapal pa rin niya dahil sinabihan niya akong pangit!
Napatingin naman sa akin si Jordan, bahagyang kumunot ang noo bago yumuko at pabulong na nagsabi, "Sino 'yan, Mik? Parang ngayon ko lang siya nakita rito ah?"
Sus. Bumulong pa, rinig na rinig ko naman.
Sumulyap sa akin si Mikhara saglit bago magsalita ulit. "Wala, 'di ko rin kilala 'yan. Tara na."
At sa isang iglap, iniwan nila ako roon—nanginginig sa inis, hindi makapaniwala na may tao talagang nag-walk out lang sa isang argument laban sa akin!
Pinanood ko silang lumayo, at sa likod nila ay napansin kong panakaw na tumingin si Serenity kay Mikhara.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero may maliit na ngiti sa labi niya bago niya muling itinakip ang buhok sa mukha niya, para bang gusto niyang itago ang isang bagay.
Pass sa halata, girl.
Bago pa man sila makalayo ay bigla nang dumating ang pinsan kong si Colin.
"Colin, sino 'yong mga 'yon?" Agad kong tinanong habang nakatingin pa rin sa direksyon ng tatlong babaeng palayo.
Napatingin siya sa direksyon na itinuturo ko at pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin, nakakunot-noo. "Ah! Sila Mikhara ba?"
"Oo, 'yun nga! Sino sila?"
"Magkakaibigan 'yong mga 'yon," paliwanag niya. "Si Serenity Soriano, 'yung maputi't mahinhin, siya ang anak ni Kapitan Soriano. Tahimik 'yan tsaka kung titingnan mo nang mabuti, parang may sarili siyang mundo minsan. Parang laging may iniisip. Pero kapag kasama niya si Mikhara, biglang nag-iiba—mas madaldal, mas animated."
Sus, pass sa halata talaga.
Napalingon ako sa direksyon ng tatlong papalayong babae, lalo na kay Serenity, na bahagyang lumilingon kay Mikhara na parang may gustong sabihin pero hindi matuloy.
Hmm. Interesting.
"Tapos 'yung may brown na buhok, si Jordan Callie Romero," dugtong ni Colin. "Best friend ni Mikhara 'yan. Masungit kung first time mo siyang makausap, pero loyal 'yan sa mga kaibigan niya. At kung may gagawa ng gulo, unang lumalaban 'yan. Sobrang protective niyan lalo na kay Serenity."
Napataas ang kilay ko. "At 'yung pangatlo... si Mikhara."
Tumango si Colin. "Oo. Mikhara Amari Ledesma. Tumutulong dito sa bukid natin 'yan."
Napalabi ako. "Ahhh, so isa sa mga trabahador natin si Mikhara?"
Biglang napatawa si Colin, halatang aliw na aliw sa sinabi ko. "Hin—"
Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay may biglang tumawag sa kanya.
"Ma'am Colin, mauna na po kami. Bukas na lang po ulit."
Napatingin siya sa isang matandang lalaki na tingin ko ay isa sa mga trabahador namin.
"Ay, sige po, Mang Celso. Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi."
"Salamat po, Ma'am. Kayo rin po."
Pagbalik ng tingin ni Colin sa akin, bigla niyang napansin ang isa kong paa na wala nang suot na tsinelas.
"Nasaan 'yung isa mong tsinelas, Azi?"
Dahil sa tanong niya, biglang bumalik sa isip ko ang mga kamalasan ko kanina.
Ugh!
"Nasira. Hindi ko nga alam kung paano ako makakalakad nang walang tsinelas. Bato-bato pa naman 'yung daan."
Umiling siya habang natatawa. "Naku, oh sige. Antayin mo ako rito at magtatawag ako ng tricycle. Umuwi na muna tayo para makakuha ka ng ibang tsinelas."
Agad siyang umalis para maghanap ng namamasada ng tricycle habang ako naman ay nanatiling nakatayo roon—tahimik pero hindi pa rin makapaniwalang may isang Mikhara na sinabihan akong matapobre at hindi maganda.
Pagkauwi namin ni Colin, agad kong napagdesisyunang huwag nang umalis. Sa totoo lang, kanina pa ako inaaya ni Colin na pumunta sa plaza, pero matapos ang inis na idinulot sa akin ng Mikhara na ‘yon, nawala na ang gana ko.
“Sigurado ka ba, Azi? Sayang naman, linggo ngayon. Ang daming ganap sa plaza,” nanghihinayang na sinabi ni Colin habang nakahilig sa sofa.
Napabuntong-hininga ako bago sumagot. “Sa susunod na lang siguro, Colin. Pagod pa rin ako sa biyahe kanina eh kaya gusto ko na lang magpahinga sana. Maaga rin akong gigising bukas.”
“Oh sige, insan. Bukas ng umaga, sasamahan ko na lang kayo ni lola sa pamamalengke.”
Napatingin ako sa kanya. “Colin, ano nga palang pinagkakaabalahan mo rito? Nagtatrabaho ka ba? Kasi parang ang dami mong oras na tulungan ako.”
Bigla siyang natawa, halatang natutuwa sa tanong ko. “Oo naman! Heto nga ‘yung trabaho ko, oh.” Ikinampay niya ang kamay sa paligid, na para bang tinutukoy ang buong bukirin. “Gusto ni lola na mag-focus ako sa farm kasi wala naman daw ibang magmamana nito pagdating ng araw kundi ako.”
Napaisip ako.
Sabagay, Sabagay, tatlo lang na magkakapatid sila Mama. Ang bunso nilang si Tita Cora ang tanging natira rito sa bayan at kasama niya si Colin, ang nag-iisa niyang anak. Si Tita Agnes naman na pangalawa sa magkakapatid ay matagal nang nasa Canada kasama ang pamilya niya.
Matapos ang pag-uusap namin ay agad akong umakyat sa kwarto. Naghilamos, nagpalit ng damit, at dumiretso sa kama.
Sa kabila ng pagod ay hindi ko maiwasang maisip 'yung mga nangyari kanina.
Ugh! Naiinis pa rin ako.
Naalala ko kung paano ako ininsulto ni Mikhara—kung paano niya ako tinawag na pangit at masungit, na para bang hindi siya natatakot sa akin. Pero habang binabalikan ko ang bawat salitang binitawan namin, isang bagay ang hindi ko inaasahang manatili sa isip ko—ang itsura niya.
'Yung pulang buhok niya na nakatali sa isang messy bun.
'Yung sobrang simple ng suot niya—isang itim na sando lang at puting shorts—pero ang lakas ng dating niya.
Hindi ko rin maiwasang maalala ang kanyang labi.
Mapula. Parang hindi natutuyo, kahit na nasa init siya ng araw.
At ang kutis niya?
Juskolord...
Paano nangyaring nagtatrabaho siya sa bukid pero sobrang puti niya? Hindi ko maintindihan kung anong klaseng alchemy ang meron siya.
Napairap ako sa sarili ko at mabilis na tinakpan ng unan ang mukha ko.
Ang ganda sana, kaso mapanlait. Tss! Ano ba 'tong mga naiisip ko!
Chapter Text
Alas kwatro y media nang ginising ako ni Colin. Napamura ako sa isip ko—late na nga akong nakatulog kagabi kakaisip don sa Mikharang ‘yon, tapos gigisingin pa ako nang ganito kaaga!
"Azi, gising na. Kailangan na nating umalis para makapamili ng mga sariwang karne," sabi niya, marahang tinatapik ang balikat ko.
"Five minutes, Colin. Please!"
Bago pa siya makasagot ay may isa pang boses na pumuno sa kwarto ko.
"Anastasia Zephyr Ventura Acosta, hindi ka ba talaga babangon? Ang daming naaabala dahil sa hindi mo paggising nang maaga!"
Nanlaki ang mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"L-lola Saning… gising na po ako!"
"Gumayak ka na. Kapag hindi ka pa handa pagkalipas ng limang minuto, dadagdagan ko ng tatlong oras ang trabaho mo ngayong araw," matigas niyang sabi bago lumabas ng kwarto.
Tatlong oras?!
Dali-dali akong bumangon, naghalungkat ng maisusuot, at nagdesisyong magwisik na lang ng tubig kaysa maligo.
Hindi ko kayang tiisin ang dagdag na tatlong oras ng trabaho!
Pagkatapos kong mag-ayos ay naglagay ako ng light makeup at nagsuot ng fitted na maong shorts at puting LV na sando. Bumaba ako sa sala kung saan naghihintay na si Colin.
Nakasuot siya ng maluwag na shorts at brown na t-shirt—sobrang simple, pero ang unang reaksyon niya nang makita ako ay mapanganga, tila ba’y gulat na gulat sa outfit ko.
"Insan, sure ka bang 'yan ang isusuot mo?"
"Bakit? Anong problema sa suot ko?" taas-kilay kong tanong.
"Kasi… baka mahirapan ka mamaya. Fit pa naman 'yang suot mo."
"Hindi 'yan. Akong bahala!"
Napailing na lang si Colin. "Oh, sige. Basta walang sisihan ah. Nasa labas na si lola, puntahan na natin."
Paglabas naming ay nag-abang kami ng tricycle. May dalawang sasakyan sina lola—isang SUV at isang pick-up—pero bihira nilang gamitin. Sabi ni Colin, masyadong makipot ang ibang daan dito kaya hindi praktikal ang four wheels.
Pagdating namin sa palengke ay agad kaming namili ng mga karne. Halos lahat ng pinamili, si Colin na ang nagbitbit hanggang sa halos hindi na niya mahawakan ang iba pang mga binili ni lola.
"Tasya! Bakit hindi ka tumutulong? Magkusa ka naman! Ikaw na magbitbit nitong mga manok," utos ni lola na seryosong nakatingin sa akin. "Hindi na kaya ni Colin, masyado na siyang maraming dala."
Napalunok ako.
"Yes, 'la."
Kinuha ko ang kilo-kilong manok at halos maiyak ako sa bigat. Napansin yata ni Colin ang hirap ko kaya agad siyang nag-alok ng tulong.
"Insan, okay ka lang? Gusto mo itong mga gulay na lang ang dalhin mo?"
Hallelujah!
Buti na lang nandito si Colin! Magpapalit na sana kami nang biglang magsalita si lola.
"Colin!" Mariing tinawag siya ni lola. "Matanda na 'yang pinsan mo. Mas matanda pa nga sa'yo 'yan, kaya 'wag mo siyang tratuhing prinsesa."
Napaatras si Colin at bumulong na lang ng "Sorry, insan."
Pagkauwi naming ay agad akong sinabihan ni lola na tumulong sa kusina.
"Hiwain mo 'yang bawang at sibuyas, Tasya. Magluluto tayo ng Menudo at Adobo para sa mga trabahador."
Oh, no.
"Opo, lola," sagot ko kahit na wala akong alam sa pagluluto.
Nag-umpisa akong maghiwa, pero kita ko pa lang ang ginawa ko, alam ko nang epic fail. Kung anu-anong hugis ang lumabas sa bawang at sibuyas—may durog, may sobrang laki, may sobrang liit. Hindi ko pa nga natatapos ay bigla nang sumigaw si lola.
"Tasya! Ano ba 'yang ginagawa mo?! Hindi ganyan maghiwa ng bawang at sibuyas!"
Napakapit ako sa kutsilyo. What if mag-cry nalang ako right now?
"S-sorry po, lola. Hindi po kasi ako marunong magluto…"
Lalong nagdilim ang tingin ni lola. "Napakasimpleng bagay, Tasya, at hindi mo magawa. Halatang pinalaki kang sobrang spoiled nina Elizabeth at Martin! Colin, turuan mo nga 'tong pinsan mo!"
Agad naman akong tinuruan ni Colin kung paano magbalat at maghiwa nang maayos. Mabuti na lang at pasensyoso siya—hindi gaya ng ibang tao sa bahay na parang laging galit.
Ehem, lola. Hello?
Pagkatapos maluto ng mga putahe ay agad din kaming nagtungo sa palayan.
Walang pahi pahinga, lola? Very active, parang hindi 70 years old.
Sumakay kami ng tricycle—si Colin ay nakapuwesto sa likod ng driver, habang ako naman ay kasama ni lola sa loob, hawak ang mga pagkaing ihahatid namin sa mga trabahador.
Habang nasa biyahe ay biglang nagsalita si lola.
"Tasya, pagkadating natin sa palayan, tumulong ka sa pagtatanim ng palay."
Muntik ko nang matawag ang lahat ng santo sa sinabi ni lola. "L-lola?"
"Oh, bakit? May problema ba?"
"W-wala po… hehe," Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang magwala.
"Magtrabaho ka hanggang alas kwatro. Doon ka na rin kumain ng tanghalian. Hindi ka matutulungan ni Colin dahil pupunta siya sa manukan natin. May magtuturo naman sa'yo roon kung paano gawin ang dapat gawin kaya't hindi mo na kakailanganin ang pinsan mo roon."
O-M-G. This can’t be happening.
Ang buong akala ko, kasama ko lagi si Colin. Akala ko, matutulungan niya ako. Pero mukhang nagkamali ako.
At ngayon… ako lang mag-isa sa laban na 'to.
Mapapa-sign of the cross ka na lang talaga… Lord please…
Pagdating namin sa bukid ay agad kaming tumungo sa kubo naming nakatayo sa gilid ng palayan. Ipinatong ni Colin ang mga dala naming ulam sa lamesa habang inayos ko naman ang mga disposable na plato at kubyertos. Ang banayad na ihip ng hangin ay bahagyang nagpapagaan sa tindi ng init, pero ramdam ko pa rin ang mga naglalabasang pawis sa batok ko.
“Mang Celso! Halina muna po kayo at mananghalian!” sigaw ni Colin.
Agad namang nagtipon ang ilang magsasaka at nag-alis ng putik sa kanilang mga kamay bago pumila sa lamesa.
Isang bagay ang napansin ko—sa kabila ng araw at pagod, may kakaibang sigla sa kanila, lalo na nang maamoy nila ang nilutong ulam ni lola.
"Insan, kumain ka na rin," sabi ni Colin habang nagsasandok ng menudo sa plato niya. "Apat na oras kang magtatrabaho mamaya. Baka magutom ka."
"Hindi na," sagot ko, nag-aalangan habang tinitingnan ang pagkain. "I'm on a diet, Colin."
"Naku Azi, hindi uubra ‘yan dito," natatawang sabi niya. "Baka bigla ka na lang mahimatay mamaya habang nagtatrabaho kung hindi ka kakain ngayon."
Nang marinig ko ang salitang "mahimatay" ay bigla akong natakot kaya’t kumuha agad ako ng plato sabay salok ng kaunting kanin at menudo at agad ding isinubo, halos hindi na nag-isip.
Natawa ulit si Colin sa ginawa ko. “Takot na takot ah.”
Inirapan ko lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.
In fairness, wala pa ring kupas ang luto ni lola. Habang ninanamnam ko ang pagkain ay biglang bumalik sa akin ‘yung memories ng pagkabata ko—ang masarap niyang dinuguan tuwing dumadalaw ako kami rito nila Mommy.
Habang kumakain ay napalingon ako sa paligid. Tahimik, payapa... pero sobrang init talaga.
Pinunasan ko ang butil ng pawis sa noo ko at saka napansin ang isang pigurang gumagalaw sa malayo.
Isang babae.
Sa gitna ng matinding sikat ng araw ay nakita ko siyang patuloy na nagtatrabaho.
Teka, anong ginagawa niya? Nag-aararo ng lupa?!
Kitang-kita ko pa ang kalabaw na marahang humihila ng araro habang ang babae ay mahigpit na nakahawak rito, ginagabayan ito na parang wala lang sa kanya ang bigat ng ginagawa niya.
Napakunot ang noo ko.
"Colin, hindi pa ba ‘yun manananghalian?" tanong ko, pilit inaaninag ang mukha ng babae.
"Sino?"
"Ayun oh, 'yung babaeng trabahador natin."
Sumunod ang tingin ni Colin. "Ah! Oo nga ‘no?" Bumaling siya kay lola. "La, hindi pa raw po ba kakain si Mik?"
Mik?
Parang kinurot ang sikmura ko sa hindi maipaliwanag na kaba.
Is she who I think she is?
Napalingon si lola sa palayan at agad na nakitang abala pa rin ang babae sa ginagawa.
"Naku, ‘yang batang ‘yan talaga! Nasobrahan naman sa sipag! Teka nga at tatawagin ko lang ang tutulong sa’yo mamaya, Tasya." Napailing si lola bago tumayo at lumabas ng kubo.
Hold up. Tutulong?
"Mik Mik! Tama na ‘yan at mananghalian ka na muna!"
Halos pigilan ko ang sarili kong huminga nang marinig ang sumagot mula sa malayo.
“Ay, Dadang Saning! Nandiyan po pala kayo! Sige po, pupunta na po ako riyan!”
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang unti-unting lumalapit ang babae.
Sa bawat hakbang niya ay mas nagiging malinaw ang itsura niya—ang matikas niyang tindig, ang pula niyang buhok na naka-messy bun pa rin, ang maputi at pawisan niyang balat na tila sinilayan ng araw, ang pamilyar na kumpiyansa niya sa bawat galaw.
Hindi. Hindi puwedeng siya ‘to.
Pero nang tuluyan niyang iniangat ang mukha niya kasabay ng pagpahid ng pawis sa noo, doon na sumabog ang realidad sa harap ko.
SI MIKHARA NGA.
Nang makalapit si Mikhara ay bahagya lang niya akong tiningnan, walang bakas ng gulat o kahit anong emosyon sa mukha niya. Para bang hindi na bago sa kanya ang presensya ko.
Agad niyang ibinaling ang tingin kay Lola Saning, tila hindi ako naroroon.
"Dadang Saning! Namiss ko po kayooo," masiglang bati niya bago niyakap si Lola. "Bakit ngayon lang po ulit kayo nagawi rito? Puro si Colin na lang ho ang nakikita ko, nauumay na ako sa pagmumukha niyan."
"Gago, umay na rin ako sa'yo, ‘no. Anong akala mo, ikaw lang?" sagot ni Colin, sabay suntok nang mahina sa balikat ni Mikhara.
Tumawa lang si Mikhara, tila sanay na sa asaran nilang dalawa. Napailing si Lola at inabot sa kanya ang isang malinis na bimpo.
"Sus, 'tong batang 'to! Ang pawis-pawis mo, oh! Magpunas ka nga muna bago mo ako yakapin!"
Tinanggap naman ni Mikhara ang bimpo pero bago niya ipunas sa mukha niya, bumaling siya kay Lola at ngumiti nang mayabang.
"Mabango pa rin naman ho ako, ‘di ba, Dada?" natatawang tanong niya.
"Oo na," sagot ni Lola, tila wala nang balak makipagtalo. Bumaling siya sa akin. "Siya nga pala, Mik Mik, eto ang apo ko, si Anastasia. Siya ‘yung sinasabi kong tuturuan mo sa pagtatanim at paggapas ng palay."
Bumaling si Mikhara sa akin at saglit na tumikhim at saka inilahad ang kamay niya.
"I'm Amari," aniya, walang emosyon sa boses.
Napalunok ako. Amari? Hindi ba Mik ang tawag sa kanya rito?
Hindi ko na lang pinansin. Ayoko namang magmukhang tanga na magtatanong pa at baka hindi rin naman niya sagutin. Kaya kahit may kaunting alinlangan, iniabot ko na rin ang kamay ko.
"Hi, Amari. I’m Azi," tipid kong sagot.
Pagdampi ng palad ko sa kanya ay agad kong naramdaman ang gaspang ng kanyang kamay—palatandaan ng taong sanay sa trabahong pisikal. Ngunit sa kabila ng gaspang na iyon ay may init at kakaibang pakiramdam na dumaloy sa balat ko.
Bahagyang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa init ng araw… o sa paraan ng pagkakahawak niya sa kamay ko? May kung anong hindi ko maipaliwanag.
Tila hindi pa rin ako nakaligtas sa mapanuring tingin ni Mikhara. Saglit siyang tumitig sa akin, tila may hinahanap sa mukha ko bago niya marahang binitiwan ang kamay ko.
Napalunok ulit ako. Ano ba ‘yon?
Ikinuyom ni Mikhara ang labi niya at saka bumaling kay Lola.
"Mik Mik, mamaya, pakituruan mo si Anastasia na magtanim, ha? Paniguradong wala na ‘yang alam sa ganyan. Maghiwa nga lang ng bawang at sibuyas, hindi marunong. Sus, ‘tong batang ‘to!"
Wow, salamat lola ha? Sino ba talaga ang apo niyo?
Natawa si Mikhara, tila ba hindi na nagtaka sa sinabi ni Lola.
"Hindi na po ako nagulat, Dada," sagot niya, nakangiti pero halatang may pang-aasar.
Excuse me? Mapanghusga ka pala talaga, ‘no? Bwisit.
Napataas ang kilay ko. Gusto ko sanang sagutin siya pero bago pa ako makapagsalita ay tinaasan na rin niya ako ng kilay.
Nagkatitigan kami, parang nagkakaubusan ng pasensya.
Ilang segundo ang nakalipas nang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang jinujudge niya ang itsura ko. Pagkatapos no’n ay bumaling siya kay Lola na may bahagyang kunot sa noo.
"Dada, sigurado ho ba kayong nandito ‘to para magtanim?" aniya, may halong pagtataka at pang-aasar sa tono. "Eh, mukhang pupunta lang ‘to ng plaza sa suot niya, ah?"
Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ni Colin ang malakas na pagtawa. Halos umalingawngaw ito sa buong bukirin, na parang may sariling echo na sa tahimik na paligid.
Mabilis ko siyang binigyan ng matalim na tingin, kaya naman agad siyang napaseryoso, pilit na pinipigilan ang natitirang tawa sa labi niya.
"Ay, naku, Mik Mik! Ewan ko ba rito sa batang ‘to," sabay buntong-hininga ni Lola. "Basta turuan mo, ha? At ‘wag kang papayag na babagal-bagal o tatamad-tamad ‘yan."
Biglang ngumisi si Mikhara bago ako nilingon.
"Makakaasa kayo, Dada," sagot niya, pero sa tono pa lang, alam kong may binabalak siyang masama.
Napalunok ako.
LORD, AYOKO NA RITO. I WANNA GO BACK TO MANILA!
Notes:
LMK your thoughts so far! <3
Chapter Text
Matapos naming mananghalian ay agad ding nagpaalam si Lola upang bumalik sa bahay.
“Mik, Azi, mauna na rin ako at kailangan ko pang pumunta sa manukan.” Bumaling si Colin kay Mikhara at seryosong nagsalita, “Tol, ikaw na muna bahala sa pinsan ko, ah.”
Tumango lang si Mikhara, walang kahit anong reaksyon.
Sus. Nonchalant yarn?
Pagkatapos non ay kinuha niya ang isang pares ng itim na bota at isang sumbrerong pambukid at inabot sa akin. “Isuot mo ’to, tapos sumunod ka sa akin. Bilisan mo ah.”
Agad ko namang kinuha at sinuot ang bota at sumbrero.
Napatingin ako sa palayan, tapos kay Mikhara, tapos sa langit. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Nag-sign of the cross muna ako bago maglakad.
Lord, please guide me. Pagkatapos nito, ipinapangako kong magiging mas mabuting tao na ako. Hindi lang beauty and brains, kundi beauty, brains, and good attitude na ang makikita niyo po sa akin, Lord. I swear to— oops mali, hehe, sorry papa God.
Sumunod ako kay Mikhara na hindi man lang lumilingon para tignan kung nasusundan ko ba siya. Halatang wala siyang pake kung mahulog man ako sa pilapil o hindi. Ang init at ang bigat pa ng bawat hakbang ko sa putikan.
Bigla siyang huminto at tiningnan ako habang nakataas ang isang kilay. “Azi, bilisan mo. We don't have all the time in the world.”
Napataas ang kilay ko. “Wow, spokening dollar!”
Pero imbes na sagutin ako, sinamaan niya lang ako ng tingin—’yung tipong kaya kang tunawin sa galit—bago dumiretso ulit sa paglalakad. “Double time!”
Napangiwi ako pero wala akong nagawa kundi humakbang nang mas mabilis kahit pakiramdam ko'y mababaon na ako sa putik.
“Bwiset, parang quicksand ‘to ah,” daing ko habang pilit binabalanseng ‘wag madulas.
Wala pa rin siyang reaksyon. Hindi man lang ako tinulungan o inalalayan.
Ang suplada talaga!
Hanggang sa—
Blag!
Sumubsob ako sa putikan at parang may nagcrack pa sa kanang paa ko!
Pero wait...
OH MY GASOLINE STATION! MY LV TOP! ‘YUNG 100 THOUSAND PESOS KO NAPUTIKAN!
“SHIT! ‘YUNG DAMIT KO OH MY GOSH!”
Narinig ko agad ang mahina pero halatang pigil na tawa ni Mikhara.
Lumingon ako, nanlilisik ang mata. “Narinig ko ‘yon.”
“Anong narinig mo?” inosenteng tanong niya, pero bakas ang ngisi sa labi.
“’Wag mo akong subukan!” banta ko, pero ang totoo, mas nag-aalala akong baka tuluyan na akong lamunin ng putikan bago pa matapos ‘tong araw na ‘to.
“Sino ba kasing nagsabing magsuot ka ng puti? At talagang nag Louis Vuitton ka pa ha?”
“Wow, alam mo yung Louis Vuitton? Amazing!”
Agad namang nagbago ulit ang ekspresyon ng mukha niya na tila ba naoffend sa sinabi ko.
Mukhang wala na siyang balak tulungan ako. Nakapamewang lang siya habang nakatingin sa akin na para bang ako ang pinakamalaking abala sa buhay niya.
“Tumayo ka na nga riyan. Ang bagal mo na nga, ang lampa mo pa.”
Napasinghap ako. “Excuse me? Hindi ako nadapa, no? Na-ambush ako ng putikan!”
Napairap siya. “Basta, tumayo ka na. Kung hindi, iiwan na talaga kita rito at irereport kita kay Dada.”
“Hah! Ang bait mo talaga, no?” sarkastiko kong sagot habang pilit akong bumabangon. Pero sa bawat galaw ko, parang lalo lang akong lumulubog.
Narinig ko siyang suminghot, tila pinipigilan ang tawa.
Napapikit ako at huminga nang malalim. Lord, akala ko best friends na tayo? Give me patience, please? Gusto ko na kasing manapak.
Wala akong choice kundi iabot ang kamay ko sa kanya. “Tulungan mo na ako. Please.”
Tumaas ang kilay niya. “Anong sabi mo? Hindi ko masyadong narinig.”
“Ang sabi ko, tulungan mo na ako, please.”
“Ano? Pwedeng pakilakasan?”
“Help me.”
"Ano???"
“Huwag na nga! Bwisit!” Naiinis kong ibinaba ulit ang kamay ko, pero bago pa ako tuluyang lamunin ng putik, naramdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa braso ko.
Isang malakas na hatak at agad akong napalapit sa kanya.
Sobrang lapit.
Saglit siyang natigilan. Para bang nagulat din siya pero hindi siya kaagad bumitaw. May kung anong kumislap sa mga mata niya—isang bagay na hindi ko lubos mabasa.
Agad din naman bumalik si Mikhara sa pagiging siya. Bumuntong-hininga siya at mabilis akong binitiwan at saka lumayo na parang walang nangyari. “Huwag ka kasing masyadong pabebe.”
“Tss.” Pinagpag ko ang braso ko kahit puro putik naman.
Kainis! Sana kayanin pang ihandwash ‘tong damit ko.
“Okay ka na ba? Pwede na ba tayong magsimula?”
“Bakit? May choice ba ako?”
Napangisi siya. “Wala.”
At wala na nga talaga. Kaya kahit ramdam ko pa rin ang lagkit ng putik sa balat ko ay sumunod na lang ako sa kanya—bitbit ang panghihinayang sa lahat ng mga maling desisyong nagdala sa akin sa sitwasyong ‘to.
Pagdating sa gitna ng palayan ay agad na lumuhod si Mikhara at kinuha ang isang bungkos ng binhi. “Manood kang mabuti.”
Maingat niyang kinuha ang ilang pirasong palay at itinanim sa putik kasabay ng maingat at eksaktong pagbaon ng mga daliri niya sa lupa. Mabilis pero pulido ang kilos niya. Mukha talaga siyang sanay na sanay.
Grabe si sungit, batak na batak sa pagtatanim.
“Ganyan lang. Mabilis lang ’to, basta huwag ka lang maarte. Oh, subukan mo na.” Sabi niya sabay lahad sa akin ng isang bungkos ng binhi.
Huminga ako nang malalim at lumuhod din, pero nang subukan kong kunin ang binhi ay napairap agad siya.
“’Wag mong ganyanin! Dahan-dahan lang dahil hindi mo ’yan dapat sinasakal.”
Muntik na akong mapangiwi pero sinubukan kong bagalan. Kinuha ko ulit ang binhi at maingat na ibinaon sa lupa—
“Mali.”
Napatingin ako sa kanya, nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa ginawa ko.
“Ang babaw. Hindi lalago ’yan nang maayos kung ganyan lang kababaw ang pagkakatanim mo.”
“Eh kasi—”
“Ulitin mo.”
Huminga ako nang malalim at sinubukan ulit. Mas malalim na ngayon ang pagbaon ko sa binhi.
“Mali. Mali ulit.”
Napapikit ako. “Ano na naman ba ‘teh?”
“Hindi pantay. Parang random mo lang itinapon. Ayusin mo ’yan.”
Napatingin ako sa paligid.
Juskooooo, ilang dipa pa ang kailangan kong taniman?
Patuloy akong nagkamali—mali ang spacing ko, mali ang pagkakabaon ko, mali ang positioning ko. At si Mikhara? Wala siyang ginawa kundi punahin ako|!
“Azi, tinatanim mo ’yan. Hindi ibinabaon sa hukay. Hindi inililibing. Ayusin mo naman.”
Hindi ko na napigilan 'yung inis ko.
"Pwede na palang ipang-libing 'to eh—baka pwede mo na rin akong isama! Ilibing mo na lang ako nang tuluyan!"
Bwiset, lahat na lang mali!
Napairap siya. “Pilosopo. Ayusin mo ‘yan. Kung hindi, baka lubog na ang araw eh hindi pa rin tayo tapos dito.”
Magtatanim na sana ko ulit nang may bigla akong napagtanto.
“Teka, pinag-iinitan mo ba ako?”
Muling lumipad ang tingin niya sa akin. “Anong pinag-iinitan?”
“Aha! Pinag-iinitan mo ako! Dahil sa nangyari kahapon!”
Napangisi siya nang matalim. “’Wag ka ngang feeling. Hindi lahat ng bagay tungkol sa’yo. Pinalampas ko na nga ‘yung hindi mo paghingi ng paumanhin eh tapos pagbibintangan mo pa ako? Wow.”
Sumiklab ang inis ko. “Eh ‘di sorry! Ano ba kasing problema mo sa akin, ha? Kung iniintindi mo ‘yung damit mong narumihan, eh ‘di ibigay mo sa akin at lalabhan ko!”
“Bakit? Ikaw? Anong problema mo sa mga mahihirap, ha?” Matigas ang boses niya, puno ng hinanakit. “Kung makapagsalita ka tungkol sa mahihirap, akala mo kung sino kang mataas. Akala mo wala kang bahid ng kahit na anong dumi.”
Hindi ko na alam ang isasagot. Para bang hindi na lang ito tungkol sa akin—na may mas malalim pa siyang pinaghuhugutan.
Inirapan niya ako at saka bumaling pabalik sa pagtatanim na para bang tapos na ang usapan.
Kainis!
Napabuntong-hininga na ako at pinigilan ang sarili kong sumagot pa. “Wala ba kasing mas madaling trabaho?”
“Meron.” Tumingin siya sa akin, diretso sa mata. “Pero hindi para sa mga reklamador na katulad mo.”
Napangiwi ako. Diyos ko, bakit parang exam na walang katapusan 'to?
At si Mikhara? Para siyang terror prof na walang awa.
Huminga ako nang malalim. Pinilit kong huwag gumulong sa putikan sa inis, at muling sinubukang magtanim. Dahan-dahan kong binaon ang palay, maingat sa spacing at alignment.
Tahimik lang si Mikhara habang pinapanood ako. Akala ko ayos na, pero—
"Baluktot," matipid niyang sabi.
Napapikit ako nang mariin. "Kaunting tiwala naman. Wala akong planong sirain ang buong palayan namin ‘no!"
"Baka nga mas mabilis pang lumubog 'tong lupa kesa umusad ka."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Alam mo, napakasungit mo talaga. Wala bang training wheels ‘to? O tutorial na may step-by-step guide man lang?"
"Wala. Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na ‘yang karereklamo mo at mag-focus ka na lang sa pagtatanim."
Sumimangot ako pero sinunod ko pa rin siya. Ilang beses pa akong nagkamali bago sa wakas, may isang tuwid at matinong pagtatanim akong nagawa!
Totoo si Lord! Thank you po!
"Ugh! Finally," bulong ko sa sarili ko.
Narinig 'yon ni Mikhara. "Congrats, nagawa mo rin. Siguro naman hindi mo na kailangang ipalibing ang sarili mo, ‘no?"
"Tingnan na lang natin mamaya," sagot ko habang pinapahid ang pawis sa noo ko. "Baka by the end of the day, kailangan niyo na akong hukayin mula sa putikan."
Napailing siya. "Sige, ituloy mo na. Buti at hindi ko na kailangang magsindi ng kandila para sa'yo."
Napanganga ako. "Mikhara!"
Dumapo ang malamig na tingin niya sa akin. “Sino nagsabing pwede mo akong tawaging Mikhara?”
“Bakit? Ano ba ang pangalan mo? Hindi ba’t Mikhara?”
“Sabi ko, Amari ang itawag mo sa akin ‘di ba?”
“Ang OA. Fine! Whatevs, Amari!”
Tumalikod siya, pero bago pa siya tuluyang makalayo ay nahuli ko ang bahagyang pagngiti niya.
Kainis. Kahit nakasimangot, ang ganda pa rin? Luh, malala ka na, Azi.
Nagpatuloy ako sa pagtatanim, pilit na hindi pinapansin si Mikhara na tahimik lang na nakatayo sa gilid ng palayan at pinapanood ako na parang naghihintay lang ng susunod kong maling galaw.
Kailangan kong magawa 'to nang maayos at kung hindi ay siguradong may masasabi na naman siya.
Ngunit habang patuloy akong nagtatanim ay naramdaman kong sumasakit ang kanang paa ko. Siguro ay dahil sa pagbagsak ko kanina?
Hindi ko ‘to masyadong pinansin kanina pero ngayon, parang lumalala ang kirot. Sinubukan kong magpokus pero kada hakbang ko sa maputik na lupa ay mas lalo akong nawawalan ng balanse.
Konting tiis na lang, Azi, matatapos na ‘to.
Hanggang sa bigla akong nadulas.
"Aray!"
Napasigaw ako nang matindi nang bumaluktot ang paa ko sa ilalim ng putik. Napangiwi ako sa sakit at napaupo sa malambot na lupa.
Agad akong nilapitan ng isa sa mga trabahador. Isang lalaking sa tingin ko ay nasa early 30s na.
"Ma’am, okay lang kayo?" tanong niya, halatang nag-aalala.
Hindi ako agad nakasagot. Napangiwi ako habang hinahabol ang hininga ko at pinipigilan ang panibagong kirot na gumapang mula sa talampakan ko pataas.
"Naku, tara Ma’am, alalayan ko po kayo. Dun po muna kayo sa kubo para makapagpahinga at para matingnan na rin ‘yung masakit sa inyo."
Bago pa man ako mahawakan ng trabahador ay biglang may sumulpot na asungot mula sa gilid.
"Anong nangyari rito?"
Matalim pero may bahid ng pag-aalalang boses ni Mikhara ang pumuno sa paligid. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at ang mga mata niya ay may halong kaunting inis at pagsusuri.
"Boss Mik, mukhang may problema sa paa ni Ma’am Azi," sabi ng trabahador.
Napakurap ako. Boss Mik? Bakit gano’n ang tawag nila sa kanya?
Ahhhh, baka siya ‘yung parang ang head nila?
"Sige na, George. Ako na ang bahala rito," sagot ni Mikhara.
Tumango si George at bumalik na sa trabaho. Ni hindi na ako nakapagpasalamat man lang dahil naka-focus na ako sa babaeng kaharap ko ngayon.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong niya habang pasimpleng tinitingnan ang paa ko.
"Kumikirot 'yung kanang paa ko," sagot ko, pinipilit na maging kalmado kahit gusto ko nang murahin ang sarili ko sa pagiging tanga kanina. "Dahil yata sa pagkabagsak ko kanina."
Napailing siya.
Inalok niya sa akin ang kamay niya. "Tayo ka na. Dadalhin kita sa kubo."
Huminga ako nang malalim at inabot ang kamay niya, pero nang sinubukan kong itukod ang paa ko—
"Aray! Shit!" Napapikit ako sa sakit at muling napaupo sa lupa.
Napabuntong-hininga si Mikhara. Nang dumilat ako ay may kakaibang ekspresyon sa mukha niya—parang naiinis pero may halong… concern? May saglit na katahimikan bago siya lumapit pa lalo sa akin.
Umupo siya sa tapat ko at muling inabot ang kamay niya.
"Akin na ang kamay mo, ilagay mo sa batok ko."
Napatitig ako sa kanya. “H-ha?”
"Bakit? Gusto mo bang manatili riyan sa putikan hanggang mamaya?"
Mabigat ang tingin niya sa akin, parang challenge na rin kung tatanggi pa ba ako.
Agad kong nilagay ang kaliwang kamay ko sa batok niya. Sinigurado niyang may maayos akong kapit bago siya kumilos.
Sa isang mabilis pero maingat na galaw, inilagay niya ang kanang kamay niya sa ilalim ng likod ko, habang ang kaliwa naman niya ay nasa ilalim ng mga tuhod ko.
Bago pa ako makapag-react ay bumwelo siya at—
Holy smokes! Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap! Parang wala lang sa kanya!
Napadilat ako nang husto, hindi makapaniwala sa nangyayari.
Really? Ganito kalakas ‘tong babaeng ‘to?!
Ramdam ko ang braso niyang matigas sa ilalim ng katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa sakit, o sa mismong presensya ni Mikhara pero parang bigla akong naubusan ng sasabihin.
Tahimik siyang naglakad, dahan-dahan, maingat sa bawat hakbang para hindi niya ako masaktan.
Pero ako?
Ni hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko.
Ang lapit kasi ng mga mukha namin sa isa’t isa.
Dahil sa way ng pagbuhat niya sa akin ay kitang kita ko nang buo ang mukha niya—ang makinis niyang balat na parang hindi nasisinagan ng araw, ang matangos niyang ilong, ang bilugang mata niyang matalim kung tumingin, at ang labi niyang natural na mapula na nakatikom habang naka-focus sa paglalakad.
Hindi ito ang unang beses na nabighani ako sa isang babae. Pero ito ang unang beses na sobrang namangha ako sa ganda ng isang babae.
Parang ang hirap niyang basahin. Isang saglit, suplada siya. Sa susunod, matulungin naman.
At ngayon? Hindi ko alam kung napipilitan lang siya o talagang concern siya sa akin.
Hindi ko namalayang masyadong matagal na pala akong nakatitig sa kanya.
"Tigilan mo, baka matunaw na ako niyan," biglang sabi Mikhara habang patuloy na naglalakad.
Napakurap ako at parang nabuhusan ng malamig na tubig.
"H-hindi ako nakatitig ‘no!" tanggi ko agad.
Natawa lang siya at umiling pa nang bahagya. “Sige, kung ‘yan ang gusto mong paniwalaan.”
Leche. Kahit ganito ang sitwasyon ay hindi pa rin ako makakaligtas sa pang-aasar niya! Grrrrr.
Notes:
Grabe ka na Mikhara.
LMK your thoughts! <3
Chapter Text
Maingat akong ibinaba ni Mikhara sa loob ng kubo pero kahit anong ingat niya ay hindi ko talaga mapigilang mapasigaw nang bahagya nang maramdaman ko ang sakit sa paa ko.
"Aray—!"
"Relax," sabi niya, agad na lumuhod sa harapan ko. "Patingin nga."
Bago pa ako makatanggi ay hinila na niya pababa ang bota ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang bahagyang kirot habang hinuhubad niya ito, at lalo pang lumala nang tuluyan niyang matanggal 'to.
“Shit,” bulong ko habang nakapikit nang mariin.
"Ang tigas kasi ng ulo mo," aniya, halatang may halong inis sa boses niya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis sa tono niya o mahulog sa kung paanong inaalala niya ako—kahit pa suplada siya sa ibang pagkakataon.
Bumalik ang atensyon ko sa kanya nang maramdaman kong marahang hinawakan niya ang paa ko.
Napangiwi ako.
"Namamaga na," seryoso niyang sabi habang sinisipat ang nakitang pamamaga sa paligid ng bukung-bukong ko.
Hindi ko na naman maiwasang mapatitig sa kanya. Kahit sobrang lapit namin ay hindi man lang siya nag-aalangan. Ang mga mata niyang parang laging may tinatagong lihim, ngayon ay puno ng pagtuon habang pinapaikot ang hinlalaki niya sa paligid ng pamamaga at waring sinusuri kung gaano ito kalala.
Napasinghap ako nang bigla niyang pinisil ito nang bahagya.
“Sobrang sakit ba?” tanong niya, tinaas ang tingin at nagtagpo ang mga mata namin.
“H-hindi na,” pagmamatigas ko, pero halatang halata na nagsisinungaling ako dahil halos mapangiwi na ako sa kirot.
Umangat ang isang kilay niya. "Talaga lang, ha?"
Hindi ako nakasagot.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya, saka dahan-dahang binalot ang paa ko na parang may balak siyang gawing temporary wrap. "Kailangan mong ipahinga ‘to. Hindi ka pwedeng bumalik sa pagtatanim."
"Pero—"
“Walang pero pero, Azi. Kung ayaw mong lumala ‘to at tuluyan kang hindi makalakad bukas, sumunod ka na lang.”
Sumimangot ako. "Ang suplada mo talaga."
Napatingin siya sa akin, parang hindi alam kung matatawa o maiinis. "At ikaw pa talaga ang may ganang magreklamo?"
Pilit kong hindi ngumiti. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maitanggi ang isang bagay—na kahit masungit siya, kahit mahirap siyang basahin… may kung anong init sa paraan ng pag-aalaga niya.
Maya-maya lang ay may naaninag akong dalawang pamilyar na pigura.
"Mik! Ano, tara na?" sigaw ni Jordan mula sa labas ng kubo.
Napatingin si Mikhara sa akin bago bumuntong-hininga at tumayo. Pumasok si Jordan kasabay ni Serenity na agad namang ngumiti at kumaway kay Mikhara.
"Uy, siya yung kasama mo nung nakaraan, ‘di ba? Ipakilala mo naman siya sa amin, Mik." Nakatingin si Jordan sa akin. "Hello, bago ka rito?"
Nakita kong saglit na sinilip ni Serenity ang direksyon ko—na parang nakasibangot. Mabilis niya itong inalis at ibinalik ang tingin kay Mikhara.
Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan ako ni Mikhara.
Pero ang sobrang ikinagulat ko ay ang paraan niya ng pagpapakilala sa akin.
"This is Anastasia Zephyr Acosta, apo ni Dadang Saning."
Napatingin ako sa kanya, nagulat sa buong pangalan kong binanggit niya.
Lahat! Pati second name! Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.
Muling nagsalita si Jordan.
"Ah! Siya ‘yung pinsan ni Colin?"
"Oo siya nga."
"Hi, ako nga pala si Jordan. Ito naman si Serenity. Mga kaibigan kami ni Mikhara." Nakipagkamay si Jordan sa akin at ngumiti.
Tinanggap ko naman ang kamay niya at nakipagkamay pabalik. Pero halos kasabay no’n ay ang mabilis na paghawak ni Mikhara sa kamay ni Jordan at hinawi ito palayo.
"Teka, bakit ba kayo nandito?"
"'Di ba pupunta kami sa inyo mamaya? Tara, sabay-sabay na tayo," sagot ni Jordan.
"Oo nga, Mikhara. Nakausap ko na rin si Mayo—"
Hindi pa man natatapos ang sinabi ni Serenity ay nagsalita na si Mikhara.
"Mauna na kayo."
"Huh? B-bakit?" tanong ni Serenity, halatang dismayado.
"Hindi pa ako tapos dito. Mamaya pa ako matatapos kaya mauna na kayo."
"Antayin ka na namin!" giit ni Serenity.
"Hindi na. Marami pa akong kailangang tapusin. Mauna na kayo, Serenity."
"Sige, ikaw ang bahala. Tara na, Serenity. Doon na natin antayin si Mik." Halatang frustrated si Serenity pero wala naman na siyang nagawa nang sumang-ayon na si Jordan.
Nagpaalam na sila pero si Serenity ay halatang dismayado at hindi na ako nilingon ulit.
Nang makaalis na ang dalawa ay agad na humarap sa akin si Mikhara.
"Tara na."
"Ha? Saan?"
"Saan pa ba? Edi sa inyo. Ipapahinga mo na ‘yan."
"Okay lang ako, Amari. Puntahan mo na ang mga kaibigan mo."
"Anong okay? Ni hindi ka nga makalakad, paano ka makakauwi?"
"Tatawagan ko na lang si Colin."
"Tss, iistorbohin mo pa yung tao sa manukan. Huwag ka nang maarte. Oh." Sabay lahad niya ng kamay niya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon. Inakay niya ako palabas ng kubo at sinabihan na pumirme ako sa gilid dahil tatawag siya ng tricycle. Nang makapara ay agad niya akong inalalayan papasok.
"Saan kayo, Boss Mik?"
"Manong, siya ho ay sa bahay nila Dadang Saning."
"Ah, eh di mauuna ka hano? Tapos ihahatid ko siya sa kanila?"
"Hindi ho. Mauna ho siya. Eto ho ang bayad."
"Wanpipti?"
"Oho. Kila Dadang Saning Muna ho tapos balik sa amin."
Nagulat ako sa sinabi ni Mikhara. Magbabayad siya ng 150? Eh magkano lang ang arawan na kita ng mga tauhan namin ah? Parang 30% na ng sweldo niya iyang 150 pesos na 'yan.
"Bakit ka nagbayad ng pang tatlong byahe? Sana ay bumaba ka na sa inyo. Kaya ko naman mag-isa." Agad kong sinabi nang makapasok na siya sa loob ng tricycle.
"Tss, sino tutulong sa’yo? Si Dada? Eh ang tanda na ‘non. Paano ka pa maaakay ‘non?"
"Si Colin!"
"Wala nga si Colin ‘di ba? Nasa manukan nga! Ang kulit ng lahi mo 'no?"
Napabuntong-hininga na lang ako. Kinuha ko ang bag ko at naglabas ng 100 pesos.
Tinaas niya lang ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"I can pay for my pamasahe though." Sabi ko sabay lapit sa kanya ng 100 pesos.
"Kaya ko rin." Sabay irap niya at hindi tinanggap ang pera.
Pagdating namin sa bahay ay agad akong inalalayan ni Mikhara palabas ng tricycle at marahang iningatan ang bawat hakbang ko na para bang isang maling galaw lang ay mas lalo akong masasaktan.
"Manong, pahintay lang ho saglit ha," aniya sa driver. "Tutulungan ko lang ho siyang makapasok. Nainjure po kasi kanina."
"Sige lang, boss Mik!" sagot ng matanda na tila sanay na sa pagiging maasikaso ni Mikhara.
Pasan ko ang hapdi sa paa pero mas nakuha ng atensyon ko ang paraan ng paghawak niya sa braso ko—matibay, sigurado. Nang makarating kami sa loob ay tila kabisadong-kabisado na niya ang bahay namin, na para bang hindi na bago sa kanya ang pagpasok dito.
"Dadaaa!" malakas na tawag niya na naging dahilan para agad lumabas mula sa kusina si Lola Saning na may basang kamay at bahagyang nakakunot ang noo.
"Oh, Mik Mik! Bakit ka nandito?"
"Nainjure ho si Azi, Dada," sagot niya agad. "Inihatid ko na po rito kasi hindi makalakad."
Napatingin sa akin si Lola, kita sa mata niya ang magkahalong pag-aalala at pagtataka. Bago pa siya makapagsalita ay mabilis na sumingit si Mikhara.
"Nakapagtanim naman po siya nang maayos, Dada. Sadyang nadulas lang kaya nasprain ang paa. Ako rin ho ang nagsabi na umuwi na siya kasi baka lumala lang kung ipagpapatuloy pa niya 'yung pagtatanim."
Saglit akong natigilan. Wala namang mali sa sinabi niya pero hindi ko alam kung bakit siya pa mismo ang nagpaliwanag para sa akin.
"Ganoon ba?" Tumango si Lola, saka bumaling kay Mikhara. "Oh siya, sige. Salamat Mik Mik, ha?"
"Wala hong anuman, Dada." Ngumiti siya nang magaan—isang bihirang ngiti na parang sadyang inilaan lang para sa iilang tao.
"Teka, hindi ba’t birthday ng ama mo ngayon? Bakit wala ka pa sa inyo?"
"Papunta na rin ho ako ro’n, Da. Hinatid ko lang talaga si Azi." Mabilis niyang inayos ang sarili, parang ayaw nang patagalin ang usapan. "Mauna na rin ho ako."
"Oh siya, sige. Salamat ulit, ha? Pakisabi na lang sa ama mo, happy birthday. Hindi na ako makakapunta dahil masakit na naman ang mga kasu-kasuan ko."
"Makakarating ho, Da," sagot niya bago tumalikod, walang pag-aalinlangan sa hakbang niya palabas.
"Amari!" pigil ko sa kanya.
Agad siyang napalingon at tinaasan ako ng kilay.
"S-salamat," sabi ko, halos pabulong.
Sa halip na sumagot ay tumango lamang siya. Pero sa isang saglit ay nakita ko ang bahagyang pag-ngiti niya bago siya tuluyang lumabas.
Notes:
Short update, sorry!
Chapter Text
Sa mga sumunod na araw ay nagpatuloy ako sa pagtatanim kahit medyo sumasakit pa rin ang paa ko. Pero kahit mas mabagal ako kaysa dati ay napansin kong hindi ako pinagmamadali ni Mikhara. Hindi na rin siya masyadong strict kahit pinagsusupladahan niya pa rin ako.
Pero sa kabila ng pagiging tahimik at seryoso niya, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong sulyapan siya tuwing malapit siya sa akin.
Ano ba ‘yan, Azi! Bakit ba tingin ka nang tingin d‘yan sa taong 'yan?!
Minsan, huli ko na lang napapansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya—habang nakayuko siya sa lupa, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo gamit ang likod ng kamay, o habang walang kahirap-hirap niyang tinatapos ang trabaho. Lalo lang akong naiinis sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit.
Samantala, kahit hindi ako humihingi ng tulong ay lagi akong tinutulungan ni Mikhara. Tuwing nahihirapan akong yumuko nang matagal, lagi niyang itinutulak ang basket ng mga itatanim papalapit sa akin para hindi ko na kailangang gumalaw nang husto. Minsan ay inaabot pa niya sa akin ang binhi nang hindi ko na kailangang lumapit.
Pero syempre… hindi pa rin talaga mawawala ang pagiging masungit niya.
"Ang bagal mo," sabi niya minsan, pero hindi naman niya ako tinapunan ng masamang tingin. Para bang stating the obvious lang.
Inirapan ko lang siya pero hindi ko pa rin napigilan ang bahagyang pag-ngiti.
Pagkauwi ko isang hapon ay nadatnan ko si Colin na nakahilata sa sofa, nanonood ng TV. Walang masyadong ganap sa bahay kaya nagpasya akong tumabi sa kanya.
"Colin," tawag ko.
"Hmm?" Hindi siya nag-alis ng tingin sa TV.
"May tanong ako."
Doon lang siya lumingon, bahagyang itinaas ang kilay. "Ano ‘yon, insan?"
Medyo nag-alinlangan ako bago tuluyang nagtanong. "Si… Mikhara ba… is she… straight?"
Napakunot-noo si Colin. "Straight?"
"Oo… straight..." ulit ko, kahit pakiramdam ko ay bumabagal ang pagsasalita ko sa bawat salitang binibitawan ko.
Saglit siyang natahimik at pagkatapos ay bigla siyang ngumiti na para bang nang-iinis. "Ahhh, gusto mong malaman kung bading siya o hindi?"
"Oo. Uhm… ano… curious lang," sagot ko agad, sabay ubo nang bahagya para matakpan ang awkwardness!
Nakakahiya ha!
Doon na siya napatawa nang tuluyan. "Curious lang daw," pang-aasar niya.
"Tumigil ka nga, Colin," irap ko. "Curious lang talaga 'ko".
Tumaas ang kilay niya at tumango-tango, pero parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Hindi."
Napakurap ako. "Hindi… hindi bading? O hindi… hindi straight?"
Lalo siyang natawa. "Hindi siya straight."
Natigilan ako. "Talaga?"
Tumango siya. "May nagustuhan na dati ‘yan na taga-rito rin. Kaso naudlot, kasi umalis daw 'yung babae."
Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung bakit may kung anong gumalaw sa loob ko sa narinig ko.
Kinabukasan, gaya ng nakagawian ay nagpunta ako sa palayan para mag-tanim. Hindi na masyadong masakit ang paa ko kaya mas mabilis na akong nakakagalaw. Tahimik lang akong nagtatrabaho, sinisikap na huwag nang isipin ang kung anu-anong gumugulo sa isip ko mula kagabi.
Pero habang abala ako sa pagtatanim, biglang may naramdaman akong presensyang papalapit. Napatingin ako, at doon ko nakita si Mikhara na dahan-dahang lumalapit sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano ba ‘to, Azi? Relax ka lang, tangina naman eh.
Nang magtama ang mga mata naming ay bahagyang sumilay ang isang mapang-inis na ngiti sa labi niya.
Nang tuluyan na siyang makalapit ay bigla niyang inilipat ang tingin niya sa mga natanim ko.
Tumango-tango siya. "Ayos ah, gumagaling ka na magtanim." Sabay tawa nang kaunti.
Nagulat ako. Unang beses kong narinig na tumawa si Mikhara. At… gusto ko ulit… marinig?
Boang ka na talaga, Azi! Tandaan mo lang ha, tinawag ka niyang matapobre at hindi maganda!
Inirapan ko na lang siya at pilit pinigilan ang ngiti na gustong sumingit sa labi ko. "Bakit nandito ka?"
"Tapos na ako mag-araro. Tulungan na kita para maaga kang makauwi."
"Wow, ang bait mo yata ngayon, boss Mik?" tukso ko, pero half-joke, half-genuine ang tono ko.
Biglang kumunot ang noo niya. "Anong boss Mik? Sino’ng nagsabi sa’yo na puwede mo akong tawaging boss Mik?"
Itinaas niya ang isang kilay, halatang naiinis. "’Di ba sabi ko Amari ang itawag mo sa akin? Kung ayaw mo, eh ‘di ‘wag. Hindi na lang kita tutulungan."
Aalis na sana siya kaya agad ko siyang pinigilan. "Teka, teka, uy!"
Hindi ko namalayan na hinawakan ko pala ang braso niya.
Nagtagal ng isang segundo ang kamay ko roon bago ako natauhan at agad iyong tinanggal.
Napatingin siya sa braso kung saan ko siya hinawakan at pakatapos ay sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa nangyari.
"J-joke lang naman, Amari!" sabi ko, medyo naawkwardan sa sarili ko.
"Tss," irap niya, pero hindi ko pinalampas ang bahagyang pag-iling niya—parang tinatago na naman ang ngiti. "Oh siya, sige na. Magtanim na tayo nang maaga tayong makauwi."
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang naging mas banayad ang kilos niya matapos noon.
Habang nagtatanim ay hindi maiwasang magtama ang mga kamay namin sa lupa, at tuwing nangyayari iyon, pareho kaming mabilis na napapaatras. Sa bawat dampi ng daliri at braso niya sa akin ay lumalakas ang kabog ng puso ko.
Pagkatapos ng halos kalahating araw na pagtatanim ay nagpunta na kami sa kubo para magpahinga. Ang araw ay unti-unti nang lumulubog, binabalot ng kahel at pulang liwanag ang paligid. Ang amoy ng basang lupa at tuyong damo ay sumasama sa malamig na simoy ng hangin.
Pawis na pawis ako! Pero mas ramdam ko ang init ng araw sa balat kaysa sa pagod. O baka naman may ibang dahilan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Luh, boang.
"Una na 'ko, Azi," sabi ni Mikhara habang tinatanggal ang alikabok sa laylayan ng kanyang pantalon. "Pasabi kay Dadang Saning, bukas ko dadalhin sa manukan ‘yung mga inorder niyang feeds."
Tumango ako. "Sige, sasabihin ko."
"Salamat. Ingat ka sa pag-uwi."
Hindi ko pa man nasasagot iyon ay bigla na lang siyang tumalikod at naglakad palayo. Tulad ng dati—walang pasakalye, walang paligoy-ligoy. Laging ganito si Mikhara, parating nauunang umaalis ‘pag tapos na mag-trabaho.
Pero ewan ko ba… ngayon, gusto ko siyang pigilan.
"Amari!"
Napahinto siya. Dahan-dahan siyang lumingon, kunot-noo, halatang nagtataka kung bakit ko siya tinawag.
Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"P-pwede ba akong sumabay?" Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Para bang tinaya ko ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko maintindihan.
"Huh? Bakit?" Umangat ang isa niyang kilay. "Masakit pa ba paa mo?"
Napatingin siya sa paa ko, para bang hinahanap ang sagot sa hindi ko masabi.
"Uhhh, hindi naman na," sagot ko, sabay kamot sa batok. "Gusto ko lang… may kasabay umuwi."
Napaisip siya saglit at saka ibinaling ang tingin sa loob ng tricycle na sasakyan niya. Napalingon din ako at napansin kong hindi lang pala siya ang sakay!
"Puno na kasi Azi eh," sabi niya matapos ang ilang segundong katahimikan. "Next time na lang siguro."
"Ah… ganun ba?" Hindi ko napigilang malungkot sa sagot niya. Kahit hindi ko naman dapat maramdaman iyon, parang biglang may bumagsak sa loob ko.
Tumango na lang ako at pilit na iniwasang ipahalata ang disappointment. Hinayaan kong sumakay siya, at ilang sandali pa ay umandar na ang tricycle palayo.
Nakatayo lang ako roon, pinagmasdan ang papalayong sasakyan, bago napabuntong-hininga at nag-abang na lang ng isa pang tricycle na masasakyan ko.
Pagkasakay ko ay agad akong sumandal sa upuan. Pero bago pa man makaalis ang trike ay may biglang sumakay na isa pang tao.
"Manong, sa bahay po muna nila Dadang Saning tapos balik po sa amin," sabi ng pamilyar na boses, sabay abot ng perang pambayad.
Halos malaglag ang puso ko nang makita ko kung sino ang bagong sakay.
Si Mikhara!
Napatingin siya sa akin pero mabilis din niyang iniwas ang tingin niya. Tumitig na lang siya sa labas ng tricycle na para bang hindi niya gustong makita ang reaksyon ko.
"Kopya, Boss Mik!" masiglang sagot ng driver.
Bigla akong napangiti, pilit ko mang pigilan. “Bakit ka lumipat ng trike?”
“Tss… alangan namang hayaan kitang umuwi nang mag-isa? Lagot ako kay dada…”
“Ahhh… okay.”
Tahimik lang kami habang umaandar ang tricycle, pero sa bawat segundo, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Wala siyang sinasabi, pero sa simpleng pag-upo niya rito, sa tahimik niyang pagpili na sumabay sa akin, parang ang dami-dami na niyang nasabi.
Notes:
Sorry super tagal bago ako nakapag-update huhu nagffocus kasi ako right now sa Objection, Your Honor. After OYH magffocus na ako rito <3 Thank you for your patience!
Chapter 7: Question
Chapter Text
HELLO, HELLO,
I'M BACK. Plan ko mag-post ng new chapter within this week. May nagbabasa pa ba nito? Huhu
Chapter Text
Habang umaandar ang tricycle ay napansin kong hindi kumikibo si Mikhara. Nakatingin lang siya sa malayo na parang ang lalim ng iniisip.
Or baka ayaw lang talaga makipag-usap? Choosy pa siya ha.
"Amari, saang banda 'yung bahay niyo?" basag ko sa katahimikan.
I cannot with the silence... Nakakabingi! Nakakabaliw!
Napalingon siya sa akin, kunot ang noo. "Bakit mo naman biglang natanong?"
"Wala lang, curious lang."
May ilang segundo siyang nag-isip bago sumagot. "Diyan lang sa kanto ng plaza."
Luh, ang vague naman?
"Saang banda? ‘Yung malapit sa simbahan o ‘yung sa may—"
Napabuntong hininga siya. "May pagka chismosa ka rin 'no?"
"Nagtatanong lang eh! Eh di don't! Ang sungit ha."
Nainis ako nang slight. Okay, fine. NVM. Ayaw mo sabihin? Hindi kita pipilitin. Sa ganda kong 'to? Ako dapat ang pinipilit, no?
At hindi pa talaga natapos si self sa pag-rarant. Ano’ng akala niya sa akin? Magnanakaw na sasadyain sila? Member ng akyat-bahay gang? Kung ayaw niyang sabihin, eh di 'wag! At dahil diyan, hindi ko na rin siya kakausapin hanggang sa makarating kami sa bahay! Manigas siya.
Bago pa man makapagsalita ulit si Mikhara para magpaliwanag ay bigla na lang tumalbog ang tricycle na sinasakyan namin sa isang medyo malalim na lubak.
"Ay—!" Muntik akong sumubsob pero maagap na ini-stretch ni Mikhara ang braso niya sabay hawak sa bakal ng sidecar sa kaliwa ko para hindi ako tuluyang sumubsob.
"OH MY GOSH!" gulat kong sabi.
"Humawak ka muna sa braso ko," sabi niya, seryoso ang tono na parang wala lang sa kanya ang pwesto namin ngayon. "Mabako ang daan kasi ginagawa 'yung main road. Kasisimula lang kanina."
Hindi man siya tumitingin sa akin ay ramdam na ramdam ko ang awtoridad sa boses niya.
Ang suplada talaga. Gusto ko na siyang irapan pero... Ok fine, papalampasin ko ha. Tutal siya naman ang rason kung bakit hindi ako tuluyang masubsob. Sayang naman ang face ko kung masusugatan lang 'no? Pero hindi ko pa rin siya kakausapin.
Napangiti ako nang bahagya nang bigla kong maalala ‘yung pag-offer niya sa braso niya. Ano ba 'yan, Azi. Dati ka bang baliw? Bakit paiba-iba ang mood mo? At nag-blush ka pa talaga, ha? Sa simpleng paghawak sa braso? Lahat na lang ba talaga mapapansin mo? Umayos ka. Tandaan mo, hindi ka ipinanganak na maganda para lang maging bare minimum enjoyer. At bakit ba ang dami mong sinasabi, self?
Nang hawakan ko ang braso ni Mikhara ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Bakit ang tigas?! May muscles?!
Napatingin ako kaagad sa kanya—hindi siya nakatingin sa akin at nakatutok lamang ang mga mata niya sa kanan kung saan kitang kita ang bukirin na tinatamaan ng huling sinag ng araw.
Ang ganda ng tanawin pero sure naman akong mas maganda ako so bakit doon siya nakatingin? Hindi ko na siya magets ha. Nakakaoffend na.
Pinisil ko nang bahagya ang braso niya para lang makasiguradong tama ang nafeel ko kanina. Ang tigas talaga, parang—
"Bakit mo pinipisil-pisil 'yung braso ko?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Mikhara.
Holy mother of metamorphic rocks! Hindi ko namalayan na ilang segundo ko na palang pinipisil pisil ‘yung braso niya! Biglang lumiit ang mundo ko sa sobrang hiya. Gusto ko na lang kainin ng lupa!
Bakla ka ng taon! Hindi mo nga kinausap kanina, pinisil pisil mo naman ‘yung braso.
"Ay! S-sorry! A-akala ko kasi ano..."
"'Ano?'" tanong ni Mikhara, nakakunot pa rin ang noo.
Sige nga, anong idadahilan mo ngayon, Azi?
"A-akala ko sa bakal ng sidecar ako nakahawak kasi... sobrang tigas?"
Natahimik si Mikhara at biglang napanganga ang bibig niya na para bang hindi makapaniwala sa dahilan ko.
Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin at bigla niyang tinakpan ng kanang kamay ang bibig niya, pilit na pinipigilan ang pag-tawa.
Bakit? Ano bang mali sa sinabi ko? Matigas naman talaga ah?
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay agad ding bumaba si Mikhara ng tricycle. Pagkababa niya ay inoffer niya ang kanang kamay niya sa akin, ambang tutulungan ako sa pagbaba.
Siyempre tinanggap ko ‘no? Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya ni Lord?
Pagkatanggap ko ay naramdaman ko kaagad ang medyo magaspang niyang palad na halatang sobrang batak sa pagttrabaho.
Nang magdikit ang mga palad namin ay kaagad naman niya akong inalalayan sa pagbaba ng tricycle.
Ang sweet. Five stars. Very satisfied customer. Shipped immediately. Will order again! Yum! Teka, paki-erase nga ‘yung last. That’s so not me!
"Thank you, Amari," sabi ko, sabay ngiti na may halong kaunting pagpapacute.
Ngumiti lamang siya nang bahagya. "Walang anuman, Azi. Mauna na ako ah," sabi niya at agad-agad na bumalik sa loob ng tricycle. Hindi rin naman nagtagal ay pinaandar na ni manong driver ang sasakyan niya.
Bakit parang ang bigat sa dibdib habang papalayo siya? Luh, si OA? Ano ‘teh, kung makapag-drama ka akala mo hinatid mo ‘yung OFW mong asawa sa airport, ah?
Kinabukasan ay maaga akong nagising. As in sobrang aga. Mas maaga pa kaysa sa alarm ko which is once in a blue moon mangyari. Excited lang naman ako kasi finally, makikita ko na naman siya at magkakasama ulit kami sa bukid. At baka… baka mapisil ko ulit 'yung braso niya?
Kilabutan ka nga, Azi! Pero if bibigyan naman ng chance, why not, ‘di ba?
Papayag kaya ulit siyang sumabay sa akin pauwi? Sana oo. And I’ll make sure na ako naman ang magbabayad para hindi naman masyadong nakakahiya.
Pagkababa ko ay nadatnan ko sila Colin at Tita Cora na nag-aalmusal sa may mesa.
"Oh, insan, ang aga mo yatang nagising?" tanong ni Colin.
"Ha? 'Di ba’t maaga naman talaga dapat ako ngayon sa bukid?" sagot ko sabay upo sa tabi ni Tita.
Tumawa si Colin. "Linggo ngayon, insan. Walang trabaho. Walang magtatanim."
Napatigil ako. "Ha? Walang trabaho kapag Linggo?"
"Oo," sagot niya, natatawa pa rin. "Oh, bakit parang disappointed ka, insan?"
"Ako? Disappointed? Hindi ah!" depensa ko sabay tayo. "Sige, matutulog na lang ulit ako."
"Hindi ka mag-aalmusal, Tasya?” Pahabol na tanong ni Tita.
"Hindi na po!"
Sayang, akala ko pa naman magkikita kami ngayon. Sad gay…
Teka, bakit ba disappointed ka na naman, Azi?! Hindi ba’t dapat masaya ka kasi hindi ka magtatrabaho ngayon? Hindi ka magtatanim. Hindi ka mapapagod.
Dumeretso ako paakyat ng hagdan at natulog na lamang nga ulit.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagising muli ako dahil sa pananakit ng sikmura. Gutom na gutom na ako—hindi nga pala ako nakapag-almusal kanina.
Pababa ako ng hagdan nang makarinig ako ng mga boses na nanggagaling sa salas.
"Salamat Mik Mik ha, talagang ikaw pa ang nag-deliver nitong feeds. Naabala ka pa tuloy," rinig kong sabi ni Lola Saning.
"Wala pong anuman, Dadang Saning. Hindi naman po kayo abala sa akin kasi para ko na rin po kayong lola." sagot ng isang sobrang pamilyar na boses.
Mik Mik?! Nandito si Mikhara?! HOLY MOTHER OF BICEP BULGE! Hindi pa ako nakakapag-ayos! Ni hindi pa nga ako nagsusuklay!
Pabalik na sana ako sa taas para maligo nang may biglang nakakita sa akin.
"Azi! Gising ka na pala! Bumaba ka na at kumain ng tanghalian. Sabi ng pinsan mo eh hindi ka man lang daw nag-almusal kanina!" sigaw ni Lola.
Shit talaga. Lola naman eh, wala pa akong ayos! Wala pa akong ligo!
Wala na nga akong nagawa kundi tuluyang bumaba at lumapit sa kanila.
Kainis, wala nang nangyaring maganda ngayong araw. At dahil diyan, listado ka na, aking mahal na lola.
Listahan ng mga kontrabida sa buhay ko:
- Jeremiah
- Mom
- Lola Saning *new*
Naabutan ko kaagad si Colin na grabe ang ngisi—parang bang may gustong iparating.
Si Mikhara naman ay nakaupo lang sa tabi ni Lola—tahimik habang nakatitig sa akin.
Seryoso. Walang reaksyon.
Bakit parang natuyuan ako ng laway?
"Ehem. U-uhm, Lola… mamaya na lang po ako maglulunch. Busog pa po kasi ako," tangka ko.
Kailangan ko munang maligo at mag-ayos bago kumain. Please naman, lola!
"Anong mamaya?! Anong oras na Anastasia! Masamang hindi kumakain sa tamang oras! Huwag ka nang mag-inarte riyan at umupo ka na sa hapag-kainan!" sermon ni Lola Saning.
Wala na. The end. The fight is over. Sunod na lang ako. Wala na nga akong choice kundi pumunta sa dining table para kumain.
Nagsandok na kaagad ako ng kanin at ulam. Pero hindi pa man ako nakakahigop ng sabaw ng sinigang ay may bigla nang umupo sa tapat ko.
Si Mikhara.
Napataas ang dalawang kilay ko. Wahafen vela? Why are you here?
Napataas din naman ang isang kilay niya. "Bakit ganyan ka makatingin? Dito ako pinapakain ni Dada, hindi ko lang matanggihan."
"Okay..." sabi ko na lang.
Grabeng mag-explain eh tumingin lang naman ako sa kanya?
Bigla kong narealize na wala pa nga pala akong ayos kaya pasimple kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko para kahit papaano ay medyo magmukhang tao naman ako.
May muta pa nga yata ako! Grrrr.
Kainis talaga ‘tong si lola. Very kontrabida ang atake. Kapag naturn-off sa akin si Mikhara, kasalanan mo ‘to lola, ha? Pasensyahan ho tayo.
Listahan ng mga kontrabida sa buhay ko:
- Jeremiah
- Mom
- Lola Saning *buffed*
Nagpakalma lang ako nang kaunti at sinimulan ko na ring kumain.
Tahimik lang kaming dalawa. Si Lola at Colin naman ay nasa salas pa rin, busy sa pag-uusap tungkol sa manukan. At ako? Heto, hindi mapakali.
Hindi ko rin kasi talaga maiwasang mapatingin kay Mikhara from time to time.
Ang amo talaga ng mukha niya. At ‘yung muscles niya habang nagsasandok—HUY ANO BA AZI? Kumain ka na nga lang!
Tandaan: ang mga pagkain ay nasa hapag, wala sa tapat!
Biglang pumasok si Colin sa dining area at agad na umupo sa tabi ni Mikhara na para bang hindi siya nakakaistorbo sa alone time namin.
Listahan ng mga kontrabida sa buhay ko:
- Jeremiah
- Mom
- Lola Saning
- Colin *new*
“Mik, anong meron sa plaza ngayon? Laging may ganap kapag linggo ‘di ba?”
“‘Yung usual pa rin. May mga magbebenta ng pagkain pero mamaya may pa-open mic sila. May mga magbebenta rin kasi ng mga inumin tulad ng beers and cocktails,” sagot ni Mikhara, kalmado lang habang patuloy sa pagkain.
“Ah, tara punta tayo? Makainom ng beer? O busy ka?” Tanong ni Colin sabay sulyap sa akin na para bang nang-iinggit.
Tumango lang si Mikhara. “Sige, tara. Hindi naman ako busy kasi wala naman akong trabaho mamaya..”
“Ayun, nice! Yayayain ko sana si insan kaso ayaw kasi niyan na lumilibot dito sa Lunares eh. Medyo pet peeve niya kasi ‘tong lugar natin,” maligalig na sinabi ni Colin sabay lingon ulit sa akin na may dala-dalang ngising mapang-inis.
“Ah ganun ba?” Seryosong napatingin sa akin si Mikhara. “Ang ganda-ganda ng Lunares, pero mukhang hindi talaga lahat marunong maka-appreciate ng ganda nitong lugar.”
Matalim ang titig niya sa akin na para bang sinusukat kung karapat-dapat ba ako sa hangin at lupa ng lugar na ‘to.
My metamorphic rock, hear me out, please! I can explain!
“H-hoy! Colin! Kailan ko sinabi ‘yan? Huwag kang magkalat ng fake news ha! Wala akong sinasabing pet peeve ko ang Lunares!” depensa ko, halos mabilaukan na sa sabaw na kahihigop ko lang.
“Ay, wala ba? Parang nung unang araw mo pa lang dito—”
“Wala! Wala akong sinasabing ganyan! Baka sa panaginip mo lang nangyari ‘yan. Bawas-bawasan mo kasi ang pagpupuyat at pagtetext sa mga babae mo!” Sabi ko, sabay irap.
Natawa nang kaunti si Colin. “Ganun ba? Sabagay, baka nga sa panaginip lang nangyari pati ‘yung pagkasira ng tsinelas m—”
“Sasama ako!” singit ko sabay sulyap kay Mikhara. Ayokong ungkatin pa ni Colin ang tsinelas incident. Ang mga ganoong bagay ay hindi na dapat binabalikan.
“Ha? Anong sabi mo?” tanong ni Colin, pero obvious naman na narinig niya kasi halos maputol na ang paghinga niya kakapigil ng tawa.
“Sasama ako sa inyo. Wala rin naman akong gagawin mamaya kundi mahiga at matulog, kaya mas mabuting sumama na lang ako.” paliwanag ko, sabay tingin kay Mikhara. “Okay lang ba, Amari?”
“Huwow, Amari! Parang walang tumatawag sa’yo ng ganyan Mik ah? Pinilit ba ng pinsan ko na ‘yan ang itawag sayo?” Biglang humagalpak si Colin.
“Shut up, Colin!” sabi ko sabay tingin nang masama kanya kaya naman napahinto siya kaagad sa katatawa at sumeryoso nang kaunti.
“Amari, okay lang ba na sumama ako?” ulit ko, mas mahinahon na ngayon.
“Ha? O-oo naman, hindi naman sa akin ‘yung plaza. Kahit sino naman welcome doon,” sagot ni Mikhara na parang hindi pa rin nakakarecover sa sinabi ni Colin kanina.
In my defense, si Mikhara ang nagsabi na iyon ang itawag ko sa kanya—hindi ako ang nagpumilit, okay?
Pero teka… ako lang ba talaga ang tumatawag sa kanya ng Amari? Kung ganoon, bakit ‘yun ang ipinipilit niyang itawag ko sa kanya?
Maya maya lamang ay bumalik na rin si Colin sa salas para samahan ang kontrabida kong lola, kaya’t naiwan na naman kaming dalawa ni Mikhara sa hapag-kainan.
Wala na namang umiimik sa amin!
"Wala kang trabaho ngayon?" basag ko sa katahimikan.
"Wala. Linggo ngayon."
"Alam ko. Akala ko lang pati Linggo nagtatrabaho ka. Sobrang sipag mo kasi," sabi ko habang nakangiti.
Napataas ulit ang isang kilay niya sa sinabi ko. "Hindi ako masipag. Ginagawa ko lang nang mabuti ang trabaho ko."
"Sus, anong hindi? Ang dami mo kayang tinutulungan kahit hindi na sakop ng trabaho mo. Kaya nga kilala ka ng lahat ng tao rito eh. Kahit ako na matapobre sa paningin mo lagi mong tinutulungan, lalo nung nagka-pilay ako. Hindi mo ako pinabayaan at talagang lagi mo akong inaalalayan."
Tumingin siya sa akin nang diretso.
"Tsss. Hindi. Wala naman akong ibang inaalalayan. Ikaw lang..."
Natigilan ako at napatitig sa kanya.
"Ha? Anong ako lang?" gulat kong tanong.
"Ha?" balik niya agad, parang siya rin ay nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa pagitan namin.
Pagkatapos ay sabay kaming napalingon sa magkaibang direksyon, parehong umiwas ng tingin.
O.M.G. Bye, mom! I’m getting married!
Notes:
I’M BACKKKK!! Sorry na! Huwag na kayong magtampo, please? Char. Attendance check nga sa mga nagbabasa pa? Baka kasi tuluyan niyo nang iniwan ang MaZi 🥹 LMK your thoughts, please!
Chapter Text
"Anong ako lang?" Ulit ko.
"W-wala. Ang ibig kong sabihin ay ikaw pa lang sa ngayon kasi ikaw pa lang naman 'yung nainjure sa bukid." Sagot niya habang nakaiwas pa rin ang tingin.
Ahhh, akala ko naman... Okay, time to return my wedding gown na hindi ko man lang naisuot.
“By the way, may tuyong laway ka pa sa mukha,” casual niyang sabi habang pasimpleng tinuro ang gilid ng labi ko gamit ang kutsara.
Shit. Totoo ba?! Gusto kong tumalon palabas ng bintana. ALT + F4. Delete system32. Log out of life!
“Ha?! Wala ah!” depensa ko agad habang mabilis na kinusot ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng kamay. Hindi ko na nga dinouble-check kung meron ba talaga—basta kailangan ko lang i-clear ‘to for my dignity!
Napailing siya habang natatawa nang kaunti. “Meron pa rin.”
POT—
Wala na. It's really over. Tatandang dalaga na lang talaga ako. I call on the heavens to smite me now.
“Sana sinabi mo agad,” iritadong bungad ko, pilit na tinatago ang hiya. "Kanina pa kaya tayo kumakain dito."
“Sinabi ko naman ngayon ah? Oh siya, lumapit ka at tatanggalin ko,” sabi niya sabay labas ng panyo.
Wait lang—WHAAAAT?
Nag-freeze ako. Like legit, kung may background music ‘to, ito na ‘yung part na titigil ang lahat then biglang slow-mo ang galaw.
Ngumuso siya. “Ayaw mo? Okay.”
Inalis niya ang kamay niyang may hawak na panyo at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Hala sayang! Moment na sana 'yun, Azi!
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin pero one thing’s for sure...
Hindi ako ready for this emotional whiplash. Kanina parang ayaw niya akong kausap, tapos ngayon... may pa-panyo pa siya? Ang gulo niya ha. But why do I feel like I want this mess?
Gigil na gigil na si self. Azi, get a grip! Hindi ka pwedeng bumigay agad. Remember: tayo ang bida. Hindi dapat tayo ang unang nafafall!!
Pero isang tingin ko lang kay Mikhara na tahimik na kumakain ngayon habang may konting ngiti sa labi niya—
Boom. Game over.
Girl, may tuyong laway ka man o wala, kinain mo na ang pride mo, kasama ng sinigang!
After noong awkward naming pag-uusap na 'yon ay wala na. Dead air. Hindi na kami ulit nag-usap ni Mikhara. Pagkatapos naman namin kumain ay nagpaalam siya na uuwi muna at babalik na lang mamayang 4:30 PM para sabay-sabay na kaming pumunta sa plaza.
Ako naman ay umakyat agad at nagpunta sa kwarto ko para maligo at mag-ayos. Ewan ko ba, parang may kung anong urge sa akin na magpaganda nang todo. Hindi ko alam kung dahil kasama ko si Mikhara o dahil gusto ko lang ma-feel na in control ako.
Wow, in control! Big word! Talaga ba, Azi? Eh hindi mo nga na-control 'yung sarili mo kahapon na pisilin 'yung braso niya?
Pinili kong suotin 'yung Chanel Glitter Monogram Mini Skirt at Chanel Ribbed Crop Top na paborito ko. Yup, I know, medyo extra. Pero bahala na. Hindi ako papayag na magmukhang bland sa tabi niya. Dapat ready ako kahit anong mangyari.
Pagdating ng 4:25 PM ay bumaba na ako. Kunwari ay chill lang na nakatambay sa sala pero to be honest, kinakabahan na naman ako.
Parang ewan 'to. Pupunta ka lang sa plaza, uy.
After about two minutes ay dumating na si Mikhara. Ang suot lang niya ay isang simpleng black na Loose Fit Printed Mesh T-shirt at simpleng ball cap. Pero kahit sobrang plain nung outfit niya ay grabe pa rin talaga 'yung dating niya.
Effortless.
Nakakainis. Ang unfair mo talaga, Lord.
Pagkatapos ay naaamoy ko pa 'yung perfume niya—sobrang bango, 'yung tipong kahit medyo malayo siya ay lumulutang pa rin yung scent niya.
Pagkakita niya naman sa akin ay agad niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Yung totoo, saan ka ba talaga pupunta, Azi? Sa plaza o sa party? Daig mo pa ang mag-guguest sa isang noontime show ah?” Sabi niya sabay iling.
“Excuse me, ito na 'yung pinakasimpleng damit ko ‘no,” pagsisinungaling ko. Bigla akong nahiya kasi narealize kong oo nga, overdressed ako. Pero dahil mapride ako, wala nang urungan. Kailangan ko na 'tong panindigan.
Hindi tayo pwedeng magpatalo!
“Okay, ikaw ang bahala,” sabi na lang ni Mikhara, sabay buntong-hininga. “Teka, nasaan na nga pala si Colin?”
“Colin!!!!” sigaw ko, sigurado akong nasa kwarto lang ‘yon.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin naman siya sa kwarto niya. Pero teka, bakit nakapambahay pa rin 'to?!
Something’s not right… or maybe something’s very right. Hihi.
“Uy, insan, Mik, pasensya na at hindi ako makakasama,” bungad niya agad, sabay kamot ng ulo. “Inutusan kasi ako ni Lola na pumunta sa manukan ngayon. Biglaan lang.”
Bahagya siyang lumingon sa akin. Binigyan niya ako ng isang mabilis at halos di-halatang ngiti — ‘yung tipong wala sa loob pero may ibig sabihin.
What the heck. Sinadya ba ‘to ni Colin?
Siya ‘yung nagyaya kay Mikhara tapos hindi siya sasama? Anong trip nito?
“So, hindi na tayo tutuloy?” tanong ni Mikhara, medyo may pag-aalinlangan sa boses. Parang may bahid ng kaunting pagkadismaya, pero sinubukan pa ring gawing casual ang tono.
“Hindi, tumuloy pa rin kayo!” sagot agad ni Colin. “Sayang naman kung hindi kayo tutuloy, eh nakabihis na rin naman kayo.”
Bumaling sakin si Mikhara, parang hinihintay ang desisyon ko.
At ako? Tumitibok na naman nang mabilis ang puso ko. Kasi anong ibig sabihin neto? Kaming dalawa lang?
O.M.G! Wait... is this our first date?!
Listahan ng mga kontrabida sa buhay ko:
- Jeremiah
- Mom
- Lola Saning
- Colin *nerfed*
“Ano, let’s go? Or huwag na?” tanong ni Amari.
“Tumuloy na tayo. Sayang naman 'tong outfit ko kung hindi tayo tutuloy,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili.
Outfit ba talaga ang sayang, Azi?
Pagkalabas namin ng gate ay naramdaman ko na kaagad ‘yung hangin. Medyo mainit pa, pero sapat ‘yung simoy para gumalaw ang buhok ni Mikhara.
I swear, every time na tumitingin ako sa kanya, parang may slow-mo filter.
Ganoon siya eh—‘yung kahit wala siyang ginagawa, parang may background music palagi.
Tahimik lang kami noong una. Mga five minutes na yata kaming naglalakad na halos hindi nag-uusap. Sobra akong kinakabahan at naiilang, pero siya? Mukhang chill lang. Parang wala lang sa kanya na kaming dalawa lang ngayon.
“Ang tahimik mo ngayon,” biglang nagsalita si Mikhara habang patuloy kaming naglalakad. Hindi man siya tumingin ay ramdam ko ‘yung bahagyang pagtaas ng kilay niya.
Medyo nagulat ako—first time niya mag-initiate ng convo!
“Wala lang. Eh hindi mo rin naman kasi sinasagot ‘yung mga tanong ko kahapon, so might as well mag-shut the fuck up challenge na lang ako ngayon,” sagot ko na may kaunting inis sa tono.
Tumawa siya. Kaunti lang din, pero sapat na para uminit ang batok ko.
Bakit pati pagtawa ang perfect?
“Oh siya, magtanong ka na at sasagutin ko lahat.”
“Huwag na, Amari. Okay na ako.” Medyo may halong pride at madrama kong sinabi.
Whatever, Ledesma!
“Sus, nagtampo pa,” sabi niya sabay tusok sa tagiliran ko gamit ang hintuturo niya.
“AY!!! Ano ba, Amari!” sigaw ko na may halong tawa dahil sobrang lakas ng kiliti ko roon.
Ang harot ha? Not me enjoying it though. Love it!
“Bilis na, huwag ka nang magtampo at magtanong ka na. Medyo malayo pa ‘yung lalakarin natin kaya kailangan din natin ng mapag-uusapan.”
Bakit nga ba naglalakad kami? Pwede namang magtrike para mas mabilis? Ahhh, baka nagtitipid?
Papatawid na sana kami ng main road nang bigla siyang nagpaalam.
“Azi, teka lang ah. Dito ka lang,” sabi niya sabay takbo papunta sa tiyangge sa gilid ng kalsada.
Ano na naman kayang trip ng babaeng ‘to?
Habang naghihintay ako sa gilid ng kalsada ay biglang may humintong itim na sedan sa harap ko. Bumaba ‘yung bintana at may bumungad sa aking isang babaeng nakangiti na nakaupo sa driver's seat.
“Hello, miss!” bati niya, super friendly.
Sus, halata namang trip ako nito. 'Wag ako, huy! Sanay na sanay na ako sa mga ganyang galawan!
“Sorry, I’m single but not available,” sagot ko, deadma levels sabay iwas ng tingin.
Classic defense mechanism. Inunahan ko na. Ganyan naman kasi usually eh. At saka loyal ako sa metamorphic rock ko, ‘no?
“Huh? Grabe ka naman—assuming much? Hindi kita type, noh.” Kumunot ang noo niya. “Magtatanong lang naman sana ako kung alam mo kung saan nakatira ‘tong hinahanap ko.”
Oof. Well, okay. That’s fair.
“Ang defensive mo naman. Sino ba kasing hinahanap mo?” tanong ko, medyo iritable pa rin.
“Baka lang alam mo kung saan nakatira itong babaeng 'to. Marielle Ricalde ang pangalan niya,” sabay pakita ng picture ng maputing babae na may ginger hair.
“Ay, sorry. Wala akong kilala rito eh. Better luck next time! Magtanong ka na lang sa iba.”
“Hayyy, pang-pitong tao ko na ‘tong tinanungan. Nadigest na ng tiyan ko lahat ng Tempurang nakain ko kanina, hindi ko pa rin siya mahanap. Umay naman,” sabi niya, kita mong nawawalan na ng pag-asa.
Girl, bakit ba sa’kin ka nagra-rant? Maganda lang ako pero hindi ako magaling magbigay ng advice, ha?
Bago ko pa siya tuluyang maitaboy ay biglang may nagsalita sa tabi ko.
“Anong nangyayari rito, Azi? Hinaharass ka ba nito?” tanong ni Mikhara, halatang nag-aalala. Sinamaan niya ng tingin si ateng driver.
“Ang OA ha? Hinaharass agad? Nagtatanong lang ako, brad! At sorry pero hindi ko type ‘yang girlfriend mo lalo't kahawig pa ng asawa ng best friend ko. Yikes!”
“Hindi niya ako g—”
Bago ko pa ma-itama 'yung sinabi ni ateng driver ay sumabat na si Mikhara.
“Kung ganoon, anong pakay mo?”
WAIT. Hindi niya dineny?! TEKA NGA! TABI! I’M GETTING MY WEDDING GOWN!
“Nagbabakasakali lang ako na baka kilala niyo to 'tol? Marielle Ricalde ang pangalan niya.” tanong niya sabay pakita sa amin ng kaparehong picture na ipinakita niya sa akin kanina.
“Ah! Si Attorney Ricalde ba?”
“HALA! OO! OO! TAMA! SI ATTORNEY RICALDE! ABOGADO NGA SIYA!” Tuwang-tuwa si ante, halos maglupasay siya sa sobrang saya habang nakaupo sa driver’s seat, parang hindi makapaniwala. “Kilala mo? Alam mo ba kung saan siya nakatira?”
“Oo, kilala ko 'yan. Pagkalampas mo ng plaza, kanan, tapos kaliwa sa unang kanto, tapos kanan ulit. Sa dulo non, ‘yun na ‘yung office niya.”
“Hala, ang hirap naman tandaan. Baka maligaw ako.” sabi nung babae sabay kamot sa ulo.
"Basta magtanong tanong ka lang. Ang sabihin mong pangalan ay Attorney Yel kasi sa pangalan na 'yan siya mas kilala rito."
“Nakakahiya. May pagka-inverter kasi ako eh...”
“Inverter?” tanong ko, medyo naguguluhan.
"Oo, yung mabilis mapagod kapag maraming social interactions."
“Hindi ba't introvert ang tawag doon?”
“Luh? Pareho lang ‘yon. Kung sa inyo 'introvert' ang tawag, sa amin 'inverter'. Kita niyo 'di ba mas energy-efficient pakinggan? Kasi nga matipid ka sa energy kapag ganoon ka. Sabi nga ng karamihan, different province, different pronouns.”
What the heck? Ginagago ba kami nito?!
"Eh nasa probinsya ka namin kaya ayus-ayusin mo kasi baka hindi kita matantiya teh!" sagot ko, sabay irap na may kasamang ngitngit.
“Bakit ba ang init ng ulo mo? Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?” tanong niya sa akin sabay taas ng kilay na parang may PhD sa pang-aasar.
Lord. Makakasapak yata ako ng abogado. Sa mismong town proper. Sa broad daylight. With witnesses.
“Gusto mo bang i-guide ka na lang namin habang nagmamaneho ka?” tanong ni Mikhara, halatang gusto nang ilihis ang usapan dahil sa tensyon sa pagitan namin ng stranger na 'to.
Excuse me?! Paano naman ang date natin, my boulder Babe? Priorities please?
“Talaga? Okay lang sa inyo? Hindi ba nakakahiya?”
“Siyempre nakakahi—”
Sinamaan ako ng tingin ni Mikhara kaya hindi ko na tinuloy ang dapat na sasabihin ko.
Fine. I’ll be nice. For now.
“Okay lang, walang problema. Papunta rin naman kasi kami sa plaza. Samahan ka na namin, tapos lalakarin na lang namin pabalik. Walking distance na lang naman.”
“Salamat! Grabe, ang bait mo. Tara, sakay na kayo!” sabi niya sabay unlock sa kotse.
Pinagbuksan muna ako ni Mikhara ng pinto bago siya umikot sa passenger seat.
Shet. Ang kilig ko? My metamorphic rock never disappoints.
Pagkaupo pa lang namin ay nagpakilala na kaagad ang bago kong pet peeve.
“Ako nga pala si Attorney Charlie Vergara. Charlie na lang ang tawag niyo sa ‘kin. Pero pwede rin namang Attorney, para medyo astig.”
“Nice to meet you, Attorney Vergara. Ako nga pala si Mikhara, at eto namang kasama ko ay si Azi.”
“Hello sa inyo!” Sinenyasan niya ako. “Teka… parang pamilyar ka. Aha! Ikaw ‘yung artista, ‘di ba?”
“Yup, that’s me. The one and only,” sagot ko, sabay taas ng kilay na parang may sariling spotlight.
Tiningnan ko si Mikhara, nagbabakasakali na makakita ng kahit konting pagkamangha o pagkagulat—pero wala. Walang kahit ano. Seryoso lang siyang nakatingin sa harap, parang walang interes sa pinag-uusapan namin.
Talaga ba, Amari? Hindi ka man lang na-impress? Grrr.
“Sabi ko na nga ba eh, kaya pamilyar ka!”
Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang magmaneho at ito namang si Mikhara ay nakipagkwentuhan lang sa kanya buong biyahe.
Parang naging invisible ako ah? Panira talaga ng moment 'tong abogadong 'to.
Simula ngayon, sinusumpa ko na ang lahat ng abogadong may pangalang Charlie!
Listahan ng mga kontrabida sa buhay ko:
- Jeremiah
- Mom
- Lola Saning
- Colin
- Attorney Charlie *new*
Notes:
Hahahaha! Hello, mentor! LMK your thoughts on this chapter, guys! <3
Chapter 10: IX. Sapatos
Notes:
(See the end of the chapter for notes.)
Chapter Text
Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita, pero nagtanong na rin ako kasi konti na lang ay mafifeel ko na talagang hindi dapat ako kasama sa biyaheng 'to.
“Ehem! So... sino si Attorney Yel at bakit mo siya hinahanap?” Tanong ko nang wala nang nagsasalita sa kanilang dalawa.
Hindi puwedeng sila lang ang nag-uusap!
Saglit na natahimik si Charlie. Nakatingin lang siya sa kalsada at mahigpit ang hawak sa manibela.
“Ex ko,” sabi niya, diretso pa rin ang tingin. “Matagal din naging kami. Pero matagal na rin kaming hindi nagkikita."
Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong itatanong kaya't buti na lang ay biglang sumingit sa usapan si Mikhara.
“Bakit ngayon mo lang siya hinanap?”
Napabuntong-hininga si Charlie.
“Kasi nanghingi siya ng space,” sabi niya. “Akala ko ayos na 'yung isang taon. Pero pagkatapos nun, nawalan na ako ng balita sa kanya. Hindi na siya bumalik. Akala ko nasa Cebu lang siya kaya nilibot ko buong Cebu, pero wala eh. Noong isang linggo ko lang nalaman sa kaibigan ko na nandito pala siya... kaya pinuntahan ko agad. Mahigit dalawang taon din akong naghanap.”
Tumahimik bigla sa loob ng sasakyan. Ramdam ko yung bigat na dinadala niya—yung klase ng pagod na galing sa paghihintay at sa kakaisip kung saan magsisimula.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ngayon pa lang kami nagkakakilala pero parang nasa kalagitnaan na ako ng isang kwentong matagal nang naisulat.
Wow, ang seryoso. This is sooo not you, Azi!
Pagkarating namin sa tapat ng Law Office ni Atty. Marielle Ricalde ay agad na ring nagpaalam si Mikhara kay Charlie.
“Good luck, Attorney,” sabi niya sabay ngiti. “Sana maayos ang kalabasan ng pag-uusap ninyo ni Attorney Yel.”
Tumango lang si Charlie. Bakit para na siyang majjebs sa sobrang kaba?
Pero bago pa kami makatalikod at makalakad palayo ay muli na naman siyang nagsalita.
“Boss Mikhara,” tawag niya.
Ano na naman ba 'teh?
Lumingon si Mikhara. “Bakit?”
“Pwede ko bang mahingi ang number mo? Gusto ko lang sanang bumawi sa inyo, soon. Kahit na sa anong paraan.”
HA?! Aba't, talaga namang umisa pa ha! Inunahan pa talaga akong makakuha ng number ni Mikhara! Remind lang kita Attorney ha, ako ang future wife. Ako ang may nakaprepare na wedding gown. Ako ang unang nakapisil sa braso niya. Hindi ikaw!
Agad namang tinype nitong si Mikhara ang number niya sa cellphone ni Charlie.
Ang insensitive mo naman, babe. Very red flag ka riyan. Pasalamat ka at color blind ako.
"Heto. Just in case kailangan mo ulit ng tulong, text mo lang 'yang number na 'yan. Medyo mahirap nga lang humanap ng signal dito pero kapag nasa main road ka naman ay siguradong meron," sabi ni Mikhara.
"Sige, salamat ulit!" Maligalig na sagot ni Charlie sabay lakad papasok ng office ng ex-girlfriend niya.
Magsisimula pa lang sana kaming maglakad papuntang plaza pero hindi ko na talaga kinaya ang pagtatampo.
Humarap ako sa kanya at nag-pout habang naka-cross ang arms.
“Bakit kay Attorney inaalok mo ang number mo tapos sa akin hindi?”
Tiningnan ako ni Mikhara, nagtataka. “Ha? Eh hindi mo naman hinihingi ah?”
“Dapat ikaw ang nanghihingi, hindi ako!” balik ko, sabay tingin sa kanya na parang ako pa ang na-agrabyado. “Bilis, hingiin mo na ngayon.”
Napakunot-noo siya. “Bakit ako? Eh ikaw ‘yung may gustong kunin ang number ko, hindi ba?”
Napaatras ako nang kaunti sabay taas ng kilay. “FINE! Huwag na nga lang! Kainis!” sabay walk out.
As in full turn-around, pa-diva, na parang ako ang bida sa isang very romantic na teleserye.
Wow. Nice one, Azi. First time mo lang ma-attract nang sobra sa isang tao tapos pa-hard to get ka pa. Ang galing mo. Gold medalist sa pagiging OA. May award ka na, girl! Ipabillboard mo, go!
Narinig kong tumawa si Mikhara sa likod.
The opacity para tawanan ang pagtatampo ko?
“Huy, sorry na!” tawag niya habang hinahabol ako. “Hala ka, galit na galit si Madam!”
Madam? Love it! Pero baka puwedeng pakidagdagan ng Baby? Para Madam Baby? Teka, nagtatampo nga pala ako. Later ko na isa-suggest sige.
Hinabol ulit ako ni Mikhara. Tinakbo niya ‘yung ilang hakbang na distansya naming dalawa.
“Wait lang, Azi!” tawag niya habang medyo natatawa pa rin.
Hindi ko siya pinansin kahit naririnig kong halos madapa na siya sa pagmamadali.
Deserve niya ‘yan! Gusto pa akong i-ghost sa number-sharing department, tapos kung kani-kanino lang pala niya ibinibigay ang number niya? Hindi ako papayag na maging filler character lang sa life niya, no! Dapat ako ang FL, ang future girlfriend, at ang future wife.
Pagkalapit niya sa akin ay bigla niya akong pinahinto sabay abot ng cellphone niya.
Shet, napaluhod nang kaunti ang pride ko sa ginawa niya. Get up, dude!
Pero teka... Wait lang. Wait lang talaga—
“Oh my god, is this... the latest iPhone model?!” bulalas ko habang nakatitig sa hawak niyang smart phone na para bang hawak niya si baby gsauce mismo.
Ngumisi si Mikhara pero kita mong napataas ang kilay niya sa tanong ko. “Oo. Bakit ganyan ang reaksyon mo?”
Napakagat-labi ako. Abort, Azi. Abort! You sound like a judgmental tita!
“Wala lang,” sagot ko, trying to play it cool kahit nararamdaman ko na ‘yung awkward silence na paparating. “Ang ganda lang ng phone mo, ‘di ko inexpect. I mean—”
“Ahh,” putol niya. “Di mo inexpect kasi akala mo dahil taga-probinsya ako, hindi na ako pwedeng magkaroon ng mahal na phone ganoon ba?”
Woah, calm your muscles down, boulder babe!
“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin!” defensive kong sagot, trying so hard not to dig myself into a deeper grave. “I mean, alam mo na, mahirap ang signal, so akala ko low-tech lang ang kailangan…”
Napatingin siya sa akin with the most sarcastic smile ever. “Signal issue? Talaga? Ganyan na ba ka-high tech ang reasoning mo, Ms. Acosta?”
Ms. Acosta? Pwedeng Mrs. Ledesma na lang? Hihi. My gown is ready!
“Totoo naman! Hindi ako judgmental, okay?! Nagtatanong lang.”
“Sus,” aniya, umiiling. “At talagang nagdahilan pa.”
Napairap ako sabay talikod. “Ewan ko sa’yo!”
Naglakad na ulit ako, arms crossed, pero hindi na full-on walkout. Medyo binagalan ko na rin 'yung pag-lakad para sure na mahahabol niya ako.
Ilang hakbang pa lang ang nailalakad ko ay narinig ko na ulit ang tunog ng mga yapak niya sa likod ko.
Habol. Again. Love it!
“Azi!” tawag niya sabay abot ulit sa akin ng cellphone niya nang maabutan niya ako.
Tumingin ako sa kanya. “Bakit mo ba ibinibigay sa akin ‘yang cellphone mo?”
Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo dapat ako ang manghingi ng number mo, ‘di ba? Ayan na. Kinukuha ko na. Ilagay mo na para maitext na kita.”
Wait, ano raw? Dahan-dahan naman, please! 'Yung buhok ko sasayad na sa kanal sa sobrang haba! Dinaig ko pa si Rapunzel!
Magpapa-hard to get pa sana ako pero sige na nga, huwag na. Kawawa naman kasi.
“Fine.” Kinuha ko ang phone niya at tinype nang mabilisan ang number ko habang pilit kong itinatago ‘yung ngiting gustong kumawala sa mga labi ko.
Ako na rin ang nag-save para hindi na siya mahirapan.
Number: 09623456789
Contact Name: Madam Baby
*saved*
“H'wag kang mag-expect na sasagot ako agad, ha? Mga three to five business days bago kita reply-an.” sabi ko sa kanya pagkatapos kong ibalik 'yung cellphone.
“Tsss. Madam Baby?” tanong niya nang makita ang contact name na nilagay ko.
"Bakit, may problema ba? Tinawag mo akong 'Madam' kanina 'di ba?"
"Oo nga, pero bakit nadagdagan ng 'Baby'?"
“Kasi baby face ako,” confident kong sagot.
Natawa siya nang bahagya. “Okay. Madam Baby, then.”
OMG. Mikhara Amari Ledesmwah, are you flirting with me?! Kasi kung oo, tatawagan ko na ang Nice Print Photography & Exige Weddings para sa photo & video coverage ng kasal natin!
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pero grabe 'tong si Mikhara, parang hinahabol ng multo—ang bilis maglakad! Samantalang ako, ilang segundo pa lang ay gusto ko nang sumigaw ng “PAUSE!” dahil sa taas ng takong ko ay para akong pinapako sa bawat hakbang.
“Kaunting bilis naman, Azi,” sabi ni Mikhara, halatang medyo naiinis na. “Kung ganyan ka kabagal maglakad ay baka wala na tayong maabutan na kahit na ano sa plaza.”
“Oy, excuse me ha!” balik ko habang ingat na ingat sa pag-tapak sa pagitan ng mga butas sa kalsada. “Hindi ganito kabagal ang normal kong lakad. Sadyang mataas lang ang takong ng suot ko kaya sobrang bagal ko! Kung gusto mo, palit tayo ng sapatos para maramdaman mo 'yung hirap?”
“Hindi ako nagsusuot ng sapatos na may death threat, no,” sarkastikong sagot niya.
“Designer ‘to, thank you very much!” depensa ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at ngayon ay nasa loob na kami ng talipapa. Amoy isda, gulay, at konting kahapon sa paligid. Ang lugar ay makulay, maingay, at parang lahat ng tao ay kilala ang isa’t isa.
"Amari!"
"Oh?"
“Puwedeng wait? Magpahinga muna tayo saglit, please,” sabi ko habang nakahawak sa isang poste. “Ang taas talaga ng takong ko! Feeling ko itatakwil na ako ng mga paa ko anytime soon.”
“Sino ba kasing nagsabi na magsuot ka ng boots na may mataas na takong?”
“Wala! Pero sino ba kasing nagsabing maglakad tayo? Pwede naman tayong pumara ng tricycle, ‘di ba? Saka ang sabi mo kanina malapit lang? Eh halos sampung minuto na tayong naglalakad ah!” reklamo ko.
“Ang dami mo namang reklamo. Ang dalawang kilometro ay malapit lang para sa mga tao rito.”
“Dalawang kilometro?!” gulat kong sabi.
“Oo. Nakaka-isang kilometro na tayo kaya malapit-lapit na.”
What?! Isang kilometro pa?!
“No! Ayoko na! Hindi na ako maglalakad! Pumara na tayo ng tricycle dahil baka bago pa tayo makarating ng plaza ay hindi na ako makalakad at sira na tong takong ng Chanel high-heeled leather boots ko!”
Napabuntong-hininga si Mikhara. Iniabot niya sa akin ng plastic na hawak niya na sa tingin ko ay 'yung binili niya kanina sa tiyangge.
“Ano ‘yan?” tanong ko, kunot-noo.
“Sapatos,” kaswal niyang sagot.
“Anong gagawin ko sa sapatos?”
“Malamang susuotin?” sarkastiko niyang sagot habang nakataas ang kilay.
“I mean, bakit?”
“Alam ko nang mangyayari ‘to kaya binilhan kita ng sapatos kanina. Suotin mo na para mas maging komportable ka.”
Shocks. Now calling: Nice Print Photography & Exige Weddings
Umupo ako sa isang monoblock chair na malapit sa isang tindahan ng gulay. Binuksan ko ang plastic para makuha ang sapatos, pero nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakasulat.
“A-ano ‘to?!”
“Bakit?” tanong ni Mikhara.
“Bakit ganito ang brand?!”
“Anong problema sa brand? Maayos naman ah?”
“What the heck, anong ‘Under Arms’?! 'Di ba dapat ‘Under Armour’ to?!”
Don't tell me ito ang ipapasuot niya sa akin?! No freaking way!
“Ah, ganyan talaga sa mga tiyangge. Puro imitation. Pero maayos naman ‘yan saka komportable namang suotin,” sagot niya, deadma pa rin habang tumitingin-tingin sa paligid na parang walang nasusunog na fashion crisis sa harap niya.
Hindi ako makapaniwala. Tinapat ko pa sa araw yung logo kasi baka mali lang ang basa ko. Pero hindi.
Malinaw pa sa Instagram story ng ex mong may ka-holding hands na kaagad one week after ng break-up niyo: Under. Arms.
“Ayoko! Hindi ko susuotin ‘tong sapatos na ‘to! Over my dead body!” Tumayo ako, suot pa rin ang Chanel outfit ko na binili ko pa sa Paris. “Naka-Chanel ako, Amari! CHANEL! Tapos ipapasuot mo sa akin ‘tong ‘Under Arms’ na parang sponsored ng kili-kili?!”
My God, kung may fashion police dito, baka hulihin ako on the spot. Mako-confiscate ‘yung loyalty card ko! One more fake brand at baka magpakita na si Coco Chanel sa panaginip ko, umiiyak.
Tumawa lang si Mikhara, obviously entertained sa mini meltdown ko.
“It's either suotin mo ‘yan o maglakad ka pa ng isang kilometro gamit 'yang boots mo na sobrang taas ng takong. Bawal dumaan ang mga tricycle dito sa loob ng talipapa kaya wala tayong mapapara.”
Tiningnan ko ang heels ko—nagmamakaawang huwag ko na silang pahirapan.
Tiningnan ko rin ang ‘Under Arms’ na sapatos na hawak ni Mikhara—para silang sumisigaw ng “tiis-ganda is a scam!”
Lord, forgive me. Fashion gods, please turn away.
Napabuntong-hininga ako, para akong hinatawan ng reclusion perpetua.
"Fine," sabi ko, buong bigat ng mundo nasa tono ko.
Kukunin ko na sana ‘yung sapatos mula sa kamay ni Mikhara pero bigla niya itong iniangat.
“Ako na,” sabi niya, sabay upo sa harap ko.
OMG. I feel like I'm Cinderella right now! Pero instead na glass slipper, 'Under Arms' na sapatos ang isusuot sa akin.
Hinawakan niya ‘yung isang paa ko, tapos ay dahan-dahang ibinaba ‘yung zipper ng boots.
Ramdam ko ang init ng kamay niya, pero siya? Deadma lang. Parang nag-aalis lang ng kaliskis ng tilapya.
Ang lansa naman ng mga naiisip mo 'teh!
Tinanggal niya ‘yung isang boot, tapos inilapag sa gilid. Kinuha niya ‘yung sapatos na binili niya at siya na rin ang nagsuot nito sa’kin.
“Sakto ba?” tanong niya sabay tapik nang kaunti sa likod ng sapatos para sumagad.
“Uh, oo,” sagot ko.
“Okay,” sabi niya. “Isa pa.”
Pagkatapos niyang maisuot 'yung isa pang sapatos ay agad siyang tumayo, pinagpag ang damit, at tumingin sa akin.
“Ayos na. Tara na.” sabay alalay sa akin patayo.
Nilagay niya sa plastic ‘yung boots ko—Chanel, by the way, baka kasi nakalimutan na ng lahat—at nauna nang naglakad na parang walang nangyari.
At ako? Hindi ako kaagad nakagalaw. Naiwan ako sa bangketa suot-suot ang Chanel kong outfit at “Under Arms” na sapatos.
Hindi ko na alam kung alin sa dalawa ang mas nakakahiya: ‘yung fake na sapatos o ‘yung bilis kong maapektuhan dahil lang sa simpleng pagtulong niya sa akin.
Bakit parang gusto ko nang sumama kahit saan siya magpunta—kahit sampung kilometrong lakaran pa ‘yan?!
Emergency meeting nga tayo, mga bakla!
Notes:
As usual, LMK your thoughts, guys!
Chapter 11: X. Kambing
Chapter Text
Pagkarating namin sa plaza ay agad kong naramdaman ang hapdi sa talampakan ko. Para akong rumampa sa Paris Fashion Week na walang rehearsal at walang training. Totoo ngang tiis-ganda is a scam!
Mabuti na lang talaga at nabilhan ako ni Mikhara ng sapatos dahil kung hindi ay malamang nagdurugo na 'tong paa ko ngayon.
“Gutom ka na ba?” tanong ni Mikhara.
“Oo,” sagot ko. “Ang tagal kaya nating naglakad. Para tayong naglakbay mula Nazareth hanggang Bethlehem. On foot.”
Natawa si Mikhara, umiling-iling pa. “Tara na. Kumain na tayo bago ka pa mag-collapse diyan.”
Nagpunta kami sa tabi-tabing food stalls sa may gilid ng plaza. May mga nagbebenta ng kwek-kwek, Korean street food, inihaw, milk tea, at mga kakanin na mukhang masarap kahit medyo questionable ang hygiene.
Huminto kami ni Mikhara sa isang stall na nagbebenta ng balut at nag-iihaw ng isaw, dugo, at kung anu-ano pang inihaw na parteng hindi ko inaakalang pwede palang kainin.
“Hello, Ate Christy! Magandang hapon ho!” bati niya.
“Oh, magandang hapon din Boss Mik! Ikaw pala ‘yan!” ngumiti agad ang tindera habang patuloy na nag-iihaw. Paglingon niya sa akin ay para bang nakakita siya ng isang chismis-worthy na topic. “May kasama ka yata ngayon, Boss Mik? Gerlpren mo?”
YES PO, ATE CHRISTY! SOON! IF THE LORD IS WILLING!
“‘Ay hindi po, 'Te Cristy,” sagot ni Mikhara na medyo natatawa sabay hawak sa batok.
Aray. Really, Amari? Right in front of my 'Under Arms' shoes?
Pangiti-ngiti lang ako pero sa loob-loob ay parang may sumaksak na sa puso ko gamit ‘yung stick ng isaw!
“Ay ganoon? Akala ko may gerlpren ka na eh. Teka, tulad pa rin ba ng dati 'yung order mo, Boss Mik?” tanong ni Ate Christy.
Tumingin sa akin si Mikhara. “Gusto mo rin ba ng balut?”
“Hmm… I don’t eat balut eh.” Sagot ko sabay pakita ng ngiti na pilit.
“Oho, Ate Christy. Isang order lang po ulit,” sagot ni Mikhara.
"Masusunod, Boss Mik!"
Don't get me wrong, ha? Love ko ang street food. Ang hindi ko lang love ay ‘yung ideya ng pagkain ng sisiw with feathers.
Maya-maya lang ay muling nagsalita si Ate Christy na para bang kating-kati lagi ang dila. “Hindi mo nga jowa si Boss Mik, ineng.”
Tumaas kilay ko. “Paano niyo naman po nasabi?”
“Eh kasi ang tipo ni Boss Mik ay ‘yong hindi maselan sa pagkain.”
Really now? Listado ka na teh.
Listahan ng mga kontrabida sa buhay ko:
- Jeremiah
- Mom
- Lola Saning
- Colin
- Attorney Charlie
- Ate Christy the balut vendor *new*
Tumunog ang petty alarm ko.
Ako? Maselan? Excuse me, kumain nga ako ng fishball na nalaglag sa kalsada nung 11 years old ako eh!
Tiningnan ko si Mikhara at nakita kong umiiling iling lang siya habang medyo natatawa pero hindi niya ito dineny.
Si Ate Christy pa yata ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin ni Mikhara. Hindi ako papayag!
“Pabili nga pong sampung order ng balut!”
Napatingin ang lahat sa akin.
Kumunot ang noo ni Mikhara. “Sampu? Bakit ang dami? Saka akala ko ba hindi ka kumakain ng balut?”
“Gusto kong tikman. Bakit ba?” Sabay flip ng invisible hair.
“Wow, ayos pala!” sabi ni Ate Christy, halatang aliw na aliw.
Sumabat pa ‘yung kasamahan ni Ate Christy na nag-gigrill ng isaw. “Gusto rin ni Boss Mik ‘yung mapagbigay, ‘di ba Boss Mik?”
Tumawa lang ulit si Mikhara, halatang sanay na sanay na sa way ng pakikipag-usap ng mga tao rito.
Mapagbigay pala, ha.
Pagkaabot ng plastik na may lamang sampung pirasong balut ay hindi ko ito tinanggap. “Ay, hindi, ate. Sa inyo po 'yang siyam. Isa lang ang sa akin. Baka po kasi hindi pa kayo nagmemeryenda.”
"Wow, salamat! Sobrang mapagbigay pala nitong kaibigan mo, Boss Mik!" sabi ni Ate Christy.
I know, right? Pero kaibigan talaga, teh? Hindi ba puwedeng more than friends but less than lovers? Kuhang kuha mo talaga ang pika ko. Konti na lang talaga at ikaw na 'yung ipapalit ko sa sisiw sa loob ng balut na hawak ko.
"Ipamimigay mo 'yung siyam?" Nagtatakang tanong ni Mikhara.
"Of course. Sobang mapagbigay kong tao 'no? Noong nasa Maynila nga ako, halos linggo-linggo akong nagdodonate sa iba't ibang foundation."
Pagkatapos naming bumili ay dumiretso na kami sa isa sa mga table sa gitna ng plaza.
Si Mikhara? Kalmado lang.
Ako? Sobrang kabado na parang isasabak sa Miss Q&A, pero ang kalaban ko: itlog.
“Tara, kain na tayo,” yaya ni Mikhara.
"Uhm, s-sige."
Napatingin ako sa hawak kong balut.
Okay, kaya mo ‘to, Azi. Hindi lang ‘to para sa’yo. Para rin ‘to sa—well, hindi mo pa jowa pero... soon. Dito nakasalalay kung matutuloy ang kasal niyo o hindi kaya't galingan mo.
Binasag niya 'yung balut.
* Tok tok tok. *
In fairness, ang sarap pakinggan ah. Ginaya ko siya.
* Tok tok tok. *
Wow. Parang tunog ng mga pangarap kong mababasag na pamaya-maya lang.
Tinanggal niya ang mga nabasag na shell at agad na ininom ang sabaw. “Mmm, ang sarap talaga!”
Napatingin muli ako sa hawak kong balut na may crack na rin. Ginaya ko ang ginawa niyang pagtanggal sa mga nabasag na shell.
Sabaw. Okay. Kaya natin ‘to. Duckling soup lang ‘to. Kailangan nating lumaban at magtiis para sa sangkabaklaan!
Dahan-dahan kong tinungga ‘yung sabaw. Lasang... lasang sabaw nga. Medyo matabang, medyo earthy, medyo... may something.
Well, in fairness, kahit papaano ay medyo decent ang lasa niya.
So far so good, Azi. Ipagpatuloy mo lang.
Nung tinanggal ko na ‘yung shell—ayun na. Nakasilip na ‘yung sisiw. May mata. May tuka. May kaunting balahibo.
Pero wait...
OH MY GOSH! Bakit siya nakatingin sa akin?!
Pakiramdam ko ay binubulungan ako ng nangongonsensyang sisiw ng “Bakit mo ‘ko kakainin, Ate Azi?”
Para na akong maiiyak. Hindi kita pinatay, okay?! Napag-utusan lang akong kainin ka! Pero huwag kang mag-alala, pagkatapos nito ay tutulungan kitang makamit ang hustisyang hinahanap mo. Promise ko 'yan!
Tumingin ako kay Mikhara—chill na chill lang talaga siya habang nilalagyan ng asin at suka ‘yung kanya.
Hindi siya pwedeng maturn-off. I have to be brave. For the aesthetic. For the possible relationship. For love. For the wedding.
Kinuha ko ‘yung asin at naglagay nang kaunti. Naglagay rin ako ng kaunting suka.
Isang malalim na buntong-hininga ang inilabas ko bago ko kinain ‘yung sisiw.
Buong sisiw. Beak and all.
OH, LORD. NARARAMDAMAN KO ‘YUNG TUKA SA GILID NG NGIPIN KO!
Pakiramdam ko tuloy ay alam ng dila ko na this tweetums used to be a living creature!
Pansin kong nakatingin sa akin si Mikhara habang nginunguya rin niya yung sisiw. Tila ba'y inoobserbahan niya kung magugustuhan ko ito o hindi.
At dahil nagpapakitang gilas ako ay nagpanggap akong nasasarapan. “Hmmmm, ang sarap pala nito!”
Sabay thumbs up kay Mikhara na parang hindi ako umiiyak sa loob.
“Ayos ka lang ba, Azi?” tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo pero halatang nagpipigil ng tawa.
Ngumiti ulit ako. “Oo naman! Bakit naman hindi? Ang sarap at ang crunchy ng... texture.”
Hindi ko na kaya. Nilunok ko na kahit hindi ko pa masyadong nangunguya.
Slide to my stomach, please!
“Hindi mo gusto ‘no?” Natatawang sabi ni Mikhara.
“Anong hindi? Gustong-gusto ko kaya. Naiiyak na nga ako sa sobrang sarap eh.” sabi ko sabay lagok sa 500ml bottled water.
Pagkatapos kumain ay nanatili kami sa table.
Napansin ko na may mini stage sa harap at parang may event. May mga senior citizens na nakaupo sa unahan, at may mga taong naka-orange na polo na tingin ko'y mga organizer.
Maya-maya ay may dumaan na staff na may dala dalang malaking karton.
“Kuya Celso,” tawag ni Mikhara. “Akala ko ho ba open mic ngayon? Bakit naging BINGO?”
“Ah, oho, Boss Mik,” sagot ni Kuya Celso habang inaayos ang pagkakakarga sa karton. “Nagbago ho ang schedule kasi ayaw gumana ng sound system dahil naulanan kahapon. Eh walang extra. Kaya pinalitan na lang ng BINGO.”
“Ahhh, ganon ho ba?” tumango si Mikhara, parang sanay na sa mga ganitong aberya.
“Oho, Boss Mik. Kung gusto niyo hong sumali, mag-register lang ho kayo sa harap para makakuha ho kayo ng BINGO cards.” sabay turo sa mesa sa tabi ng stage. “Libre lang po ‘yan.”
Pagkasabi niya ay nagpaalam na rin siya at naglakad papalayo, mukhang may iba pa siyang kailangang asikasuhin.
“Libre ang BINGO? Walang bayad ang cards?” nagtatakang tanong ko habang sinusundan ng tingin si Kuya Celso.
“Oo, libre,” sagot ni Mikhara, sabay ngiti. “Tuwing linggo ay may pa-event ang mayor dito sa plaza. Minsan open mic, minsan pa-contest. Ngayon, BINGO.”
“Eh ano naman ang prize?”
"Mamaya pa natin malalaman. Tingin ko ay grocery pack o kaya naman ay isang kaban ng bigas."
Bago pa man ako makasagot ay tumayo na si Mikhara. "Diyan ka lang at mag-reregister lang ako para makakuha ng BINGO cards. Ako na rin ang magreregister sayo."
Naglakad siya papunta sa registration booth.
Hindi nagtagal at bumalik din si Mikhara dala ang apat na BINGO cards.
"Heto, tig-dalawa tayo. Maya-maya lang ay magsisimula na rin 'to."
Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay may bigla nang sumigaw mula sa harap.
"Mga kababayan! Magandang hapon po sa inyong lahat!"
Lumingon kami sa stage. Isang babaeng naka-orange na polo ang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang megaphone at may suot na wide-brimmed hat na parang galing pang beach.
"Handa na ba kayo sa isang masayang BINGO?"
May mga nag-cheer mula sa unahan, karamihan ay mga senior citizen na bitbit ang kani-kanilang lucky charms — may rosaryo, panyo, at may isa pang may dalang maliit na garapon ng asin.
Teka, para saan 'yung asin?
“Okay, rules po muna!” sigaw ulit ng host. “Tatlong rounds po tayo ngayong hapon. Straight line, letter X, at blackout. May pa-premyo po sa bawat round kaya maging careful po tayo sa pagmarka!”
Itinaas niya ang hawak niyang papel at binasa.
“Para sa first round: isang sakong asin!”
HA?! Ano 'to anti-kulam starter pack?
“Sa second round: isang kabang bigas!”
Okay, decent. Survival tier prize.
“At sa blackout round… dalawang kambing!”
Natigilan ako. "Ano raw?!"
DALAWANG. KAMBING.
Not goat cheese, not goat milk. The full, four-legged, ‘meeeeh meeeeh’-producing package?
Pambihira. Hindi ba pwedeng rice cooker man lang or electric fan?
Kung ako man ang mananalo, saan ko ilalagay ang kambing — sa tabi ng kama? Gagawin kong emotional support goat?
“Okay! Sa first round ay kailangan niyo lang makabuo ng isang straight na linya.” balik ng host, sabay taas sa hawak niyang plastic na botelya. “Simula na po tayo. Sa letrang I… Sweet!”
Napakunot ang noo ko. “Sweet?”
“Sixteen,” sagot ni Mikhara, nakatingin sa card niya. “Meron ka ba?”
“Wala,” sagot ko, sabay buntong-hininga.
Sa paligid ay sabay-sabay ang kaluskos ng papel, tunog ng ballpen na nagmamadaling magmarka, at ilang masigasig na “Yes!” mula sa mga lola sa unahan.
Si Mikhara naman ay kalmado lang. Tahimik niyang tinuldokan ang number 16 sa card niya
Habang umuusad ang laro ay patuloy ang sigawan ng mga lola.
"Sa letrang B... unat na unat!"
Napakunot ako ng noo. What the heck is unat na unat?!
"Anong number 'yung unat na unat?" tanong ko kay Mikhara.
"Number one," sagot niya.
Ang dami namang nilang pa-utot! Pwede namang number na lang mismo 'yung sabihin 'di ba?
Magrereklamo na sana ko pero—
"Uy, swerte! I have one!" tuwang-tuwa kong sabi habang nilalagyan ng dot ang number one sa card ko.
Hanggang sa…
“Azi, kumpleto mo na,” bulong ni Mikhara, nanlalaki ang mata. “Sumigaw ka na ng BINGO bilis!”
Tiningnan ko ang card ko at totoo ngang may naform na akong isang diretsong linya.
“OH MY GOSH, WAIT!” panik kong sagot.
Ako? Sisigaw ng BINGO? NO WAY, HIGHWAY! Hindi ko branding 'yan!
“Ang pangit isigaw ng BINGO, Amari. Puwede bang ‘WINNER’ na lang?”
Napa-facepalm si Mikhara sa sinabi ko. “Azi…”
Habang pinipilit ako ni Mikhara ay may bigla nang sumigaw mula sa kabilang side ng plaza.
“WAAAAH! BINGOOOOOO!”
Tumayo agad ang isang nanay na naka-polkadot dress, bitbit ang card, at mabilis na tumakbo papunta sa stage na para bang nabigyan ng paybtawsan at jacket ni kuya Will.
Pilit pa rin akong pinapatayo ni Mikhara. “Bilisan mo, Azi! Sumigaw ka na! Sayang yung asin!”
“No!” sagot ko. “Hayaan mo na ‘yon, Amari! Ano namang gagawin ko sa isang sakong asin? Gagawing body scrub?”
Napahawak si Mikhara sa sentido niya na tila ba'y any moment ay hihimatayin na siya dahil sa kunsumisyon sa akin.
Nagsimula na ang pangalawang round — this time, letter X ang goal.
Mas malala ang mga naging kaganapan.
May nagkamali ng mark, may nagalit dahil ipinipilit niya na nabanggit na 'yung number 18, kahit hindi pa.
Kami ni Mikhara? Wala. Butata. Dead round. At hindi pa rin niya ako masyadong kinakausap dahil sa hindi ko pagsigaw ng BINGO kanina.
Shocks, kinikilig ako! Ito na yata ang una naming LQ! Feel ko may namamagitan na talaga sa aming dalawa!
Kailangan kong manuyo.
Fine. Sa susunod na may mabuo ako ay sisigaw na ako ng BINGO kahit hindi ko branding.
My gosh, sana lang talaga ay walang makakilala sa akin dito!
“Final round na po!” anunsyo ng host. “Blackout na po tayo ha! Lahat ng numero sa card, kailangang mamarkahan para manalo!”
Habang sunod-sunod ang tawag sa mga numero ay biglang tumahimik ang paligid. Lahat ay nakafocus at ang iba naman ay pawis na pawis na sa sobrang nerbyos.
Napatingin si Mikhara sa akin. “Ilan na lang kulang mo?”
“Tatlo,” sagot ko. “Ikaw?”
“Tatlo rin.”
Okay. This is war. Lumalabas ang pagiging competitive ko.
I'm sorry pero kakalimutan ko munang fiancée kita, sugarplum.
Mas naging intense ang mga kaganapan. Kami ni Mikhara ay halos hindi na rin nag-uusap dahil pareho kaming naka-focus sa mga susunod na babanggitin ng host.
Kainis! Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dalawang kambing lang naman 'yung prize pero bakit parang may thesis defense ako sa harap ng barangay captain?
Ay, ewan! Basta ang alam ko, kung ako ang manalo, ipapakaldareta ko kay Colin yung dalawang kambing. Para may silbi.
"Sa letrang I...!” sigaw ng host pagkatapos bumunot ng isang numero. Sobrang intense na ng mga kaganapan dahil ang dami na naming namumuro.
Pero teka... LETTER I! NASA LETTER I ANG KULANG KO!
Universe, ibigay mo na sa akin 'to. Nagccrave ako sa Kaldereta. Number 33 please!
“Doble kulot!” anunsyo ng host.
“HUH?!” Napasigaw ako. “What the heck is Doble Kulot?!”
“Thirty-three!” sigaw ni Mikhara.
- MY. GOAT. 33! I have 33! I need to shout BINGO now, right?
Okay. Focus. I’ll make you proud, my boulder babe. Babawi ako sa'yo. For love. For honor. For the goats.
Here goes nothing.
“BINGO!!!”
“BINGO!!!”
Nagulat ako nang may makasabay akong sumigaw.
Sino na naman ba 'tong epal na 'to?!
Lumingon ako sa kanan at nakita ko si Mikharang iwinawagayway ang BINGO card niya.
Teka?! What the—
“BINGO ka na rin?!” tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.
“Oo,” sagot niya, halatang pinipigilan ang pag-ngiti. “Tara na sa harap, at baka hindi na naman natin ma-claim ang prize.”
Hinila ako ni Mikhara papuntang stage habang pumapalakpak ang mga tao. Hindi ko sure kung genuine ba ang mga palakpak na 'yon o pinaplastik lang nila kami dahil hindi sila 'yung nanalo.
Pag-akyat namin ay nginitian kami kaagad ng host at binigyan kami ng tig-isang certificate.
Wow, may pa-cert!
"Boss Mik, congratulations sa'yo at sa kasama mo! At dahil dalawa kayong nanalo, hati kayo sa premyo. Tig-isa kayong kambing!"
“Salamat po, Ate Rosa,” sabay ngiti ni Mikhara sa host, calm and collected, as always.
Buong oras na nasa stage kami ay nakapout lang ako, parang batang naubusan ng ice cream. Ni walang kahit na kaunting bakas ng tuwa na makikita sa akin.
Hello? Ano ba naman kasi ang pwede kong gawin sa kambing bukod sa ipakatay, 'di ba? Wala din naman kaming kambingan.
Napatingin ako sa premyo naming nakatali sa gilid.
Mukhang masarap ang tanghalian namin bukas.
Bago pa man kami tuluyang makababa ng stage ay may biglang lumapit na lalaki sa amin. Sa tingin ko'y isa siya sa mga staff base sa suot niyang ID at shirt.
“Hello po!” bungad niya, halatang excited. “'Di ba kayo po ‘yung artista na si Azi Acosta?”
“Yes po.” agad kong sagot, diretso lang ang tindig. Kahit wala ako sa set, showbiz pa rin dapat ang aura. “Ako nga po.”
“Naku, idol na idol ko po kayo!” halos manginig ang kamay niya sa tuwa. “Dumarayo pa po ako sa kabilang baryo para lang makapanood ng teleserye n’yo! Pwede po bang magpa-picture?”
“Sure po, kuya!”
Habang pumuposisyon siya at inaayos ang ang angle ng phone para sa selfie ay saglit akong tumingin kay Mikhara.
Nakacross arms lang siya habang seryosong nakatitig sa amin.
“Ms. Azi, pwede pong isa pa po—”
Hindi pa man tapos magsalita si kuya ay bigla nang sumabat si Mikhara, malamig ang boses.
“Mang Kulas, kailangan na po naming umalis. Pupuntahan pa po namin 'yung mga kambing na napanalunan namin.”
“Ay, oo nga! Pasensya na po, boss Mik! Sige po, sige po.” Binalingan niya ulit ako. “Salamat po ulit, Ma’am Azi, ah? Ang bait niyo po, sobra. At huwag po kayong mag-alala, marami po sa amin dito ang hindi naniniwala sa issue n’yo!”
Ugh, Mang Kulas naman eh! Kailangan mo pa ba talagang i-bring up 'yung issue?! Baka maturn-off pa sa akin itong cute na kasama ko!
Listahan ng mga kontrabida sa buhay ko:
- Jeremiah
- Mom
- Lola Saning
- Colin
- Attorney Charlie
- Ate Christy the balut vendor
- Mang Kulas *new*
Ngumiti na lang ako nang pilit kay Mang Kulas. “Thank you po sa suporta niyo.”
Humarap na akong muli kay Mikhara. Poker face pa rin naman si asian cutie at walang bakas ng kahit na anong gulat sa mukha niya.
“Tara na.” Iyon lang ang sinabi niya bago siya bumaba ng stage.
Tahimik kaming nagtungo sa gilid ng plaza kung saan nakatali ang dalawang kambing, parehong mukhang inosente—clueless na ginawa silang premyo ngayong gabi.
“Alin ang gusto mo riyan?” tanong niya habang nakapamaywang. Nakatingin siya sa dalawang hayop na nasa harapan namin.
“U-uhm...”
Nahirapan ako sa pagpili. Pareho silang cute, yes, pero ipapakaldereta ko lang naman kasi kay Colin yung—
“Uy, Azi!” tawag sa akin ni Mikhara, halatang naiinip na sa tagal kong mamili.
“Ay kaldereta!” sigaw ko, halos mapatalon sa gulat.
“Anong kaldereta? May balak ka bang katayin 'tong mga kambing?!” nanlaki ang mga mata ni Mikhara.
“H-huh? Wala noh!” mabilis kong sagot. “Nagulat lang ako! Hindi ko kasi alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko—pareho kasi silang cute.”
Cute ulamin.
"Pero sige," tinuro ko ang puti. “Ito na lang ang sa akin.”
Tumango si Mikhara. “Okay, sa akin na 'tong brown.”
“Okay.”
“Mag-isip ka na ng pangalan nila, Azi.”
"Ha?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mikhara. “Pangalan?”
“Bakit? Akala ko ba wala kang balak na katayin sila? Eh ‘di gawin nating pet. Ituring natin silang anak.”
Woah, wait! Hold your abs, my boulder babe! Ang bilis mo naman yata? Hindi pa nga natutuloy ang kasal natin, may anak na tayo kaagad?
Ano ang akala mo sa akin, easy to get?!
I-ready na ang strollers!
"Okay, fine." Agad akong nag-isip ng mga pangalan. Ang hirap kasi ayokong magbigay ng kung anu-ano lang. Our kambing babies deserve only the best names.
Aha!
“Ang tagal mo naman yatang mag-isip ng pangalan?” tanong ni Amari, halos hindi na makapaghintay. Nakataas na rin ang dalawa niyang kilay.
“Calm your muscles, Amari! Eto na, may naisip na ako!” proud kong sabi.
“Ito..." tinuro ko ang kulay brown na kambing with confidence. "...ay si Vincent.”
“At itong puti naman...” tinuro ko naman ngayon ang puti with matching dramatic pause and hand flourish. “...ay si Ethan.”
Sumimangot si Mikhara, halatang hindi natuwa sa mga sinabi kong pangalan. “Bakit puro pangalan ng lalaki?”
Napabuntong-hininga ako. “Ano ka ba, may rason kasi ‘yan!"
Tinapik ko si baby Vincent with pride.
“'Itong brown... ay si Vincent... van Goat."
"Ha?!" Gulat na gulat si Mikhara.
"I know right? Ang cute, 'no?!" Tumingin naman ako ngayon kay baby Ethan at ngumiti. “At itong puti naman..."
"...ay si Papa Ethan. Masarap kasing ulamin 'yan 'pag kambing ang karne na inilagay.”
Napanganga si Mikhara. Literal na speechless.
“AZI!”
Hindi ko napigilang matuwa sa reaksyon niyang gulat na gulat. Seryoso ako sa mga pangalang ibinigay ko pero...
Haaaay, ang cute-cute mo talaga, sugarplum. Papisil nga ulit sa braso. 😚
Vincent van Goat and Papa Ethan—our goat babies, kayo ang bunga ng pagmamahalan namin ni Amari.
I can't wait for our domestic life!
Notes:
Vincent van Goat & Papa Ethan stans, mag-ingay!
Chapter 12: Question lang ulit
Chapter Text
Hi, may nagbabasa pa ba nito?
Chapter 13: XI. Papa Ethan
Chapter Text
Pauwi na kami ni Mikhara kasama ang mga anak naming kambing. Isa itong napakahabang gabi pero surprisingly ay wala akong nararamdaman na kahit na kaunting pagod o sakit sa paa.
Maaaring dahil sa comfy AF “Under Arms” shoes na bigay ni Mikhara... o baka dahil ito ang unang pagkakataon na uuwi kami na parang isang pamilya.
Dalawang kambing.
Dalawang nanay.
Dalawang pusong nagmamahala—Ay, wala pa pala.
“Hindi ka pa ba pagod?” tanong ni Mikhara. Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Tila ba’y hindi siya makapaniwala.
“No?” Sabay taas ng kaliwa kong kilay.
“Wow. Himala.”
“Excuse me? Active ako sa gym no’ng nasa Maynila pa ako, ‘no? Cardio queen ako, hello? Kaya hindi ako basta-basta napapagod.”
“Ah talaga?” Tumingin siya sa akin na may bahid ng kaunting ngiti sa mata. “Cardio queen pala ‘yung halos ‘di na makalakad kanina papuntang plaza? ‘Yung halos gumapang na?”
“Iba ‘yon! Naka-heels ako kanina, tapos ilang kilometro ‘yung nilakad natin!”
“Sus, hindi naman gano’n kalayo ‘yon. Mga tatlong kanto lang.”
Anong hindi?! Eh parang katumbas ng dalawang episode ng K-Drama ang nilakad namin?!
Pero fine. Hindi na ako sasagot. Ayokong makita ng mga anak naming kambing na nag-aaway na agad ang dalawang nanay nila.
Bad first impression. Masyado pang maaga para sa mommy and mommy drama.
Pagkarating namin sa bahay ay bumungad sa amin ang pinsan kong si Colin—hawak ang cellphone sa taas ng ulo at naka-tip-toe pa habang naghahanap ng signal.
“Huy, Colin!” tawag ko.
Napalingon naman siya agad sa amin.
“Uy, Insan! Mik!”
Habang papalapit siya ay napansin ko ang unti-unting paglamlam ng ngiti niya. Nang tuluyan na siyang makalapit ay agad na nanlaki ang mga mata niya at napaatras nang kaunti nang makita ang dalawang hayop na dala dala namin ni Mikhara.
“Bakit may dala kayong mga kambing?”
“Napanalunan namin sa BINGO kanina, Colin,” sagot ni Mikhara.
“BINGO?! Nag-BINGO ka, insan?”
Napahagalpak na siya ng tawa, tila hindi na nakapagpigil.
“Oh, bakit? Ano naman ngayon kung naglaro ako?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Hindi ka naman marunong maglaro no’n ah! Paano ka nanalo?!”
“I’m a fast learner, couz.”
"Fast learner eh ang tagal nga bago ka natutong magtanim ng palay?" Napasapo si Colin sa noo niya.
At si Mikhara? Tahimik lang sa tabi ko, pero halatang pilit pinipigilan ang tawa.
“So anong balak mo sa mga ‘yan, insan?” tanong ni Colin habang tinuturo ang dalawang inosenteng kambing. “Kaldereta? Papaitan? O baka may recipe kang natutuhan sa Maynila?”
“Anong recipe?! Walang puwedeng magluto sa mga anak ko!”
“Mga anak?! Nababaliw ka na ba insan?”
“Seryoso ako, Colin!”
Bago pa man makaresbak ang pinsan ko ay biglang gumalaw si Papa Ethan at naglakad papunta sa kanya.
Natanggal niya ‘yung tali niya!
“Uy, uy, t-teka lang! Azi, bakit ako hinahabol nito?!”
Dasurb!
“Eh kasi sinabi mong lulutuin sila!” sagot ko habang tumatawa na parang sira. “Ikaw ba naman ang makarinig na ipapakaldareta ka?!”
Sa gilid ng paningin ko ay nakita kong napatawa na rin si Mikhara—pero nang lumingon ako sa kanya ay agad siyang umayos ng tayo at sinimangutan ako.
Ay sus, nahiya pa si sungit! Caught in the act!
Maya-maya lang ay nagpaalam na rin siya.
“Mauna na ako, Azi. Kailangan ko pang gumising nang maaga.”
“Huh? Hindi ba’t ala-una pa tayo pinapapunta bukas?”
“Kailangan kong samahan si Serenity sa bayan.”
Amari, unang araw pa lang natin bilang pamilya, may third party agad? The acidity!
“Serenity? ‘Yung babaeng grabe makatitig sa’yo?”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Kaibigan ko lang si Serenity, Azi.”
“Sus, kaibigan? Eh kung makatingin sa akin ‘yun parang sasaksakin na ako eh.”
Napatawa nang bahagya si Mikhara sa sinabi ko. “Protective lang ‘yon sa amin. Kababata ko silang dalawa ni Jordan.”
“Okay. Sabi mo eh.” Hindi ko na pinagpilitan dahil mukhang walang kaide-ideya ‘tong si Mikhara na may lihim na pagtingin ‘yung kaibigan niya sa kanya. Basta ang importante ay may anak siya sa akin—kay Serenity, wala.
“Oh siya, mauna na ako.” Saad niya sabay lingon kay Colin na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ni Ethan. “Col! Una na ako!”
“H-huh? S-sige, Mik! Salamat!” Sabi ng pinsan ko habang papaakyat na sa puno ng mangga namin. Ayaw pa rin talaga siyang tigilan ng kambing.
Buti nga!
“Ingat ka pauwi.” Sabi ko kay Mikhara.
Nginitian niya lamang ako at naglakad na papaalis habang hawak hawak ang tali ni Vincent.
Tss. Kung ako lang ang masusunod ay iuuwi ko na ‘tong si Mikhara sa Maynila at iso-soft launch sa IG eh. Pero sige na nga.
Makalipas ang ilang minuto ay tinigilan na rin sa wakas ni Ethan si Colin. Ikinabit ko na lang muli ang tali sa kanya para hindi na niya maabot pang muli ‘yung pinsan ko.
Pagpasok namin sa bahay ay agad na nagtanong si Colin. “So… kung hindi lulutuin, anong plano mo riyan sa kambing?”
“Aalagaan,” proud kong sagot habang sinusuklay ang maiksing balahibo ni Ethan.
Halos mabitawan ni Colin ‘yung cellphone niya. “Azi, kambing ‘yan.”
“Eh ano naman? Si Amari pa nga ang nagsabing itrato ko si Ethan na anak. So technically, anak naming dalawa ‘to.”
“Insan...” bumuntong-hininga si Colin. “Teka... Ethan? Pinangalanan niyo pa ‘yan?”
“Of course!” sabay turo sa kambing na nasa may sofa na ngayon, relaxed na relaxed na parang siya ang may-ari ng bahay. “Siya si Papa Ethan. ‘Yung isa ay si Vincent van Goat.”
“Okay. Time out.” Tumuro si Colin na parang referee. “So idea ni Mikhara ‘yan?”
“Oo.” Proud kong sagot.
“Baka naman iba ang ibig niyang sabihin?”
“Hindi. Clear as day. And besides, kung aso at pusa pinapangalanan at tinatratong pamilya, bakit ang kambing hindi puwede?”
Napailing na lamang ang pinsan ko.
“Kumusta ka naman, Ethan? Bati na tayo ha?” nilapitan ni Colin si Papa Ethan at tinapik sa ulo. “Congrats. May birth certificate ka na siguro bukas.”
Kinabukasan ay agad akong nagising nang maaga dahil sa isang masangsang na amoy. Sinama ko si Ethan sa kwarto ko at nilagyan ko ng sapin ang sahig para makatulog siya nang maayos pero pagkagising ko ay nakita kong may mga itim na bilog na sa hinihigaan niya!
Oh my gosh! Dumi niya ba ‘to?!
“Ethan?! What in the world of digestive failure is this?!” Sigaw ko habang nakatitig sa bunso namin. Tahimik lang si Ethan habang nakatitig sa akin. Acting innocent, huh? Gaslight master!
Kikilos pa lamang ako nang bigla nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
“Tasya! Anong nangyayari at ang aga aga eh sumisigaw ka riyan?!” Pagalit na sabi ni Lola Saning.
Agad na nagawi ang paningin niya sa kambing na chill na nakaupo lang sa sahig.
“At totoo pala ang sinabi ng pinsan mo kanina na nag-uwi ka ng kambing.”
“U-uhm, sorry lola. Ito kasing si Ethan dumumi sa higaan niya. Pinagalitan ko lang.”
“Ikaw ang dapat pagalitan! Sa tingin mo ba ay may ibang pagdudumihan ‘yang kambing sa loob ng kwarto mo? Aba’t mag-isip isip ka nga, Tasya!”
Oo nga ‘no?
“Hehe, may point ka, ‘la.”
“Ayus ayusin mo ‘yan, Tasya. Kung gusto mo mag-alaga ng hayop, siguraduhin mong kaya mong panatilihing malinis ang kwarto mo lalong lalo na ang bahay na ‘to.”
Umalis na rin naman agad si Lola at hindi na inantay ang isasagot ko.
Bakit kaya parang menopausal ‘tong si Lola? Laging galit!
Napabuntong hininga lamang ako at agad na naghanda sa paglilinis ng dumi ni Ethan.
“Hindi puwedeng lagi tayong ganito, anak. Dapat matuto kang dumumi at umihi sa tamang oras at lugar.”
Matapos kong linisin ang kalat ni Ethan ay agad kaming bumaba para kumain ng almusal. Inabutan ko sa dining area ang pinsan ko na kumakain habang hawak hawak pa rin ang kanyang cellphone.
“Good morning, insan! Ang aga mong nagising ah?” Bati niya sa akin. “At good morning din sa inaanak kong pasaway! Balita ko nag-iwan ka ng jackpot sa higaan mo ah?” Sabay tawa nang malakas.
Agad siyang sinamaan ng tingin ni Ethan na para bang naiintindihan niya ang mga sinasabi ng pinsan ko.
”Oh, joke lang! Joke lang!”
Umupo ako sa harap ni Colin at agad na nag-sandok ng sinangag, itlog, at hotdog.
“Couz, saan ang pinakamalapit na mall dito?”
“Naku insan, mga isa’t kalahating oras ang layo ng mga mall dito. Sa katabing lalawigan pa meron.”
Isa’t kalahating oras?! Paano ko mabibili ang mga pangangailangan ni Ethan nito?!
“Bakit? May mga kailangan ka bang bilhin?”
“Marami.” Sagot ko sabay pakita sa kanya ng listahan. Agad naman niya itong kinuha at binasa.
“Ano ‘tong mga ‘to?! Bakit ganito? Wala namang sanggol dito sa bahay ah?”
“Hindi para sa sanggol ‘yan. Para kay Ethan ‘yan!”
“Ethan? Hindi naman pang kambing tong mga ‘to eh?” Sabi niya sabay binasa isa-isa ang nasa listahan.
“Stroller? Diaper? Vitamins? At bakit may headband pa rito?”
“Para nga kay Ethan lahat ‘yan! Kailangan niya ng diaper para hindi magkalat sa gabi habang tulog ako. Saka hindi lang naman puro pang baby ‘yan ah? May potty trainer din naman saka goat vitamins and pellets.”
“Oo nga pero para saan ang headband?”
“Isusuot ko kay Ethan. Dapat pareho kaming nakaawra lagi kapag lalabas ng bahay.”
Napa face palm na lang ang pinsan ko sa sinabi ko.
Bumwelo ako bago sabihin ang pakiusap ko.
“Ehem… Colin, baka naman may extra time ka para magpunta sa mall. Pakibili naman ang mga kailangan ng inaanak mo, please?”
“Azi, hindi ako babyahe ng isa’t kalahating oras para bumili ng stroller ng kambing!”
“Pleaseeee?”
“Ayoko.”
“Sige na naman oh?”
“Ayoko nga.”
“May irereto ako sa’yo kapag binili mo ‘yang mga ‘yan.”
Napahinto siya. “Sino?”
Gotcha!
Pagkatapos kumain ay agad na nagpaalam si Colin kay Lola na pupunta siya sa kabilang lalawigan. Noong una ay kinwestiyon ni Lola ang pag-alis niya pero no’ng pinangako ni Colin na Magoovertime siya mamaya sa manukan ay agad namang pumayag si lola na umalis siya at late magsimula magtrabaho.
“Basta insan, dapat pagkabalik ko ay naka-ready na ang irereto mo sa akin, ah?”
“Oo na, sige na! Basta siguraduhin mong mabibili mo lahat ng nasa listahan, okay?”
Dumating si Colin na bitbit ang dalawang malaking paper bag at isang malaking kahon na may nakasulat na Akeeva Stroller.
“Aba! Ang bilis ah!” sabi ko habang nag-aayos ng gamit.
“Pinagpawisan ako rito, insan,” sagot niya, sabay abot ng mga pinamili. “Ang hirap maghanap ng diaper para sa kambing. Pero ayan na lahat—stroller, vitamins, feeding bottle, harness, shampoo, conditioner, headband, pati ‘yung mini blanket na may print na ‘Little Goat, Big Dreams.’ Happy ka na?”
“Super! Salamat talaga, Col!”
Kinuha ko agad ang wallet ko at iniabot sa kanya ang bayad, pero iniwas niya ang kamay niya.
“Hindi ‘yan ang usapan natin, Azi.”
Napahinto ako. “Ha? Eh ano—ah.” Napaawang ang bibig ko. “Oo nga pala.”
“Nasaan na?”
“Wait lang.” Binunot ko ang phone ko at hinanap ang number ng irereto ko sa kanya—‘yung kakilala kong forever single dahil mahilig sa taong may problema sa commitment.
Perfect match kay Colin!
Inabot ko sa kanya ang papel na may nakasulat na number. “O, ‘yan. Text mo na.”
Kuminang ang mga mata niya. “Yown! Thanks, insan!”
Naglakad ako papunta sa kwarto para magbihis. Hindi puwedeng basta-basta lang ang look ko ngayong araw—first official outing namin ni Ethan bilang mag-ina!
Binuksan ko ang maleta kong puno ng mga damit na parang pang runway. Napili ko ang aking Dior floral jumpsuit, ‘yung may malambot na tela na lumilipad-lipad kapag nahanginan. Pinartneran ko ng white espadrilles, malaking straw hat, at oversized sunnies na may pa-golden frame.
Pagkatapos ay nilagyan ko ng Dior silk scarf si Ethan—neatly tied around his tiny neck—at pinasuot ko rin sa kanya ang matching headband na binili ni Colin. Syempre, bawal magpatalo si baby goat! Kailangan coordinated kami palagi.
“Ethan, behave ka ha? Pag nakita tayo ni Mikhara, dapat cute lang tayo. No poop, no drama.”
Sumimangot lang siya pero agad na sumampa sa stroller niya na para bang sanay na sanay na. It’s giving rich goat energy. Slayyyyy!
Maingat kong inilagay ang mga gamit niya sa bag—wet wipes, pellets, diaper, vitamins, at siyempre, perfume. Hindi puwedeng amoy bukid agad pagkalabas ng bahay.
Pagbaba ko ay nadatnan ko si Colin sa sala, nagkakape habang nag-i-scroll sa phone niya. Nang makita niya kami ay napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa—then kay Ethan na parang totoong baby na nasa stroller.
“Dadalhin mo talaga ‘yang stroller, insan? Paano ka magtr-trike?” tanong niya, pilit pinipigilan ang tawa.
“Hindi ako magtr-trike!” sagot ko, sabay ayos ng scarf at ng headband ni Ethan. “I’m gonna walk. Sayang naman ‘tong outfit namin kung magtr-trike kami! Dior doesn’t deserve tricycle wind!”
Napailing na lang si Colin. “Bahala ka. Baka mamaya mapagkamalan kang model ng goat milk.”
“Deadma sa haters!” Inirapan ko lang siya at naglakad palabas ng bahay, tulak ang stroller ni Ethan.
Ang ganda ng araw, malamig ang hangin, at kahit papunta kami sa bukid, it felt like I was walking a runway in Paris.
“Oh diba, anak,” sabi ko habang naglalakad kami. “Bukid? Pero make it haute couture.”
Notes:
Hello! I’ve been receiving a lot of inquiries about commissioning this AU. Just to clarify, I don’t accept commissions for any of my ongoing AUs. So, to make everyone happy, I’ve decided to continue this AU instead! Let’s just keep the comment section healthy and positive, okay?
BTW, chapter na ito ay para sa aking future inaanak na si Peanut 🥜

Pages Navigation
pistashi (Guest) on Chapter 1 Wed 19 Feb 2025 09:52AM UTC
Comment Actions
nairobi_writes on Chapter 1 Thu 20 Feb 2025 02:17AM UTC
Comment Actions
Yves (Guest) on Chapter 1 Thu 20 Feb 2025 01:33PM UTC
Comment Actions
nairobi_writes on Chapter 1 Thu 20 Feb 2025 01:42PM UTC
Comment Actions
Me (Guest) on Chapter 1 Thu 13 Mar 2025 03:25PM UTC
Comment Actions
gypsysoulmaiden on Chapter 1 Wed 23 Apr 2025 05:31AM UTC
Comment Actions
starraiah on Chapter 1 Thu 24 Apr 2025 06:41AM UTC
Comment Actions
kilcher on Chapter 1 Tue 06 May 2025 11:08AM UTC
Comment Actions
nairobi_writes on Chapter 1 Sat 10 May 2025 05:53AM UTC
Comment Actions
kael22 on Chapter 1 Sat 10 May 2025 01:13PM UTC
Comment Actions
fckitmm on Chapter 1 Sat 12 Jul 2025 06:42AM UTC
Comment Actions
0ans0 on Chapter 2 Thu 20 Feb 2025 08:47AM UTC
Comment Actions
nairobi_writes on Chapter 2 Thu 20 Feb 2025 11:17AM UTC
Comment Actions
Yves (Guest) on Chapter 2 Thu 20 Feb 2025 01:43PM UTC
Comment Actions
starraiah on Chapter 2 Thu 24 Apr 2025 06:53AM UTC
Comment Actions
0ans0 on Chapter 3 Thu 20 Feb 2025 12:12PM UTC
Comment Actions
nairobi_writes on Chapter 3 Thu 20 Feb 2025 01:13PM UTC
Comment Actions
Bettyeggie on Chapter 3 Thu 20 Feb 2025 12:46PM UTC
Comment Actions
nairobi_writes on Chapter 3 Thu 20 Feb 2025 01:13PM UTC
Comment Actions
Yves (Guest) on Chapter 3 Fri 21 Feb 2025 07:55AM UTC
Comment Actions
Me (Guest) on Chapter 3 Thu 13 Mar 2025 04:16PM UTC
Comment Actions
starraiah on Chapter 3 Thu 24 Apr 2025 07:42AM UTC
Comment Actions
kael22 on Chapter 3 Sat 10 May 2025 01:24PM UTC
Comment Actions
secret (Guest) on Chapter 3 Mon 12 May 2025 09:24AM UTC
Comment Actions
secret (Guest) on Chapter 3 Mon 12 May 2025 10:02AM UTC
Comment Actions
J (Guest) on Chapter 4 Fri 21 Feb 2025 03:47PM UTC
Comment Actions
Pages Navigation