Chapter Text
“ano ba yan lilipat ka nga lang ng bahay maghuhukay ka pa ng mga basura dito sa kwarto mo!” reklamo ni Sheena nung nakapasok na sila ng kwarto ni jhoanna.
Kasalukuyan silang nasa bahay na kinalakihan ni Jhoanna ngayon, sa Calamba, upang kumuha ng mga sa tingin ni Jhoanna ay mga importanteng gamit galing sa kwarto niya na dadalhin niya sa lilipatan niyang sariling bagong bahay…
…kasama ang kanyang minamahal.
Si Sheena, isa sa mga matalik na kaibigan ni Jhoanna na nakilala niya sa trabaho niya, ay napilitan lamang sumama (ginusto niya talagang sumama) para tulungan si Jhoanna magligpit ng gamit.
“san tayo magsstart? ay alam kona! wag na!” sabi ni Sheena sabay higa sa higaan ni Jhoanna.
Naka tingin lang si Jhoanna sa mga nakakalat na karton sa sahig ng kanyang kwarto na tila ba’y hindi niya rin alam kung saan siya magsisimula.
“sis dalhin mo nalang kaya lahat at dun mo nalang i-sort out sa bahay mo” payo ni Sheena at sinamaan nalang siya ng tingin ni Jhoanna na halatang hindi niya nagustuhan ang payo ng kaibigan.
“humiga ka nalang jan kung ayaw mo tumulong ha”
“hay nako!” tumayo si Sheena at medyo padabog na umupo sa sahig para magsimula nang tumingin sa mga laman ng karton. Si Jhoanna din ay nagsisimula na tumingin-tingin sa mga karton.
“sige nga unahin ko ‘tong box mo na may nakasulat na “high school” sabi ni Sheena sabay bukas ng karton.
Ang unang bumugad sa loob ng karton na iyon ay isang cassette tape na may nakasulat na
ang huling el bimbo - aiah
“wow bongga cassette tape ba ‘to? edi mahilig ka sa mga walkman kineme yan noon?”
Agad namang nakuha ni Sheena ang atensyon ni Jhoanna. Dahan-dahang may namuong kurba sa labi ni Jhoanna habang pinagmamasdan niya ang hawak na cassette tape ni Sheena.
“oo. niregalo kasi sakin ni daddy yung walkman niya nung 13th birthday ko, kahit na uso na noon yung mp3 o kaya spotify mas pinipili ko paring makinig sa walkman ni daddy…” kwento ni Jhoanna at umupo siya sa harap ni Sheena na hawak parin ang cassette tape na maingat nitong pinagmamasdan. “saka bata pa lang ako… walang sawa na akong nakikinig sa eraserheads na dahil lang din kay daddy”
“so sino ‘tong Aiah? eto ba yung lovey dovey mo now?” tanong naman ni Sheena at may narealize siya bigla. “alam mo ngayon ko lang narealize na kahit na ang super close friends natin wala man lang ako masyadong alam sa personal life mo… eh di ko nga kilala pangalan ng lovey dovey mo! puro ka lang lovey dovey pag nagkwekwento ka walang pa name drop!” sabi ni Sheena na napatawa nalang din si Jhoanna.
Tama si Sheena wala nga siyang masyadong alam sa personal life ni Jhoanna. Dalawang taon na silang magkakilala ni Sheena sa trabaho pero di talaga makwento si Jhoanna ng tungkol sa mga ganitong bagay sa buhay niya.
“actually tatlong tao ang ginawan ko ng ganyan at isa na dun ang lovey dovey ko” kwento naman ni Jhoanna.
“o nasan yung dalawa?” sabi ni Sheena sabay hukay pa sa karton na pinagkuhanan niya ng unang cassette tape pero wala siyang nakitang iba pa.
“teka parang alam ko kung san ko sila nilagay… kung tama pa ang memorya ko”
Binuksan ni Jhoanna ‘yong karton na may nakasulat na “college” at may nakuha siyang isa pang cassestte tape, at ang huling cassette tape naman ay nakuha niya sa karton na kung saan may nakasulat na “important! wag itapon please!”.
Agad namang inabot ni jhoanna kay sheena ang dalawa pang cassette tapes.
“Colet… Stacey… ang dami mo namang babae pre!” napatawa nalang si Jhoanna dun.
“gusto mo ba ng kwento?” agad namang kuminang ang mga mata ni Sheena na para bang bata na naghihintay ng bedtime story.
“oo naman! para makikilala kona si lovey dovey mo sa wakas!”
Umupo si Jhoanna sa tabi ni Sheena at pinagmasdan ang tatlong cassette tapes niya.
Habang pinagmamasdan niya ang mga ito, di niya mapigilang makaramdam ng kilig, kirot, saya at kalungkutan ng sabay-sabay. Parang iisang karadaman na naghalo-halo na ang lahat na di mo kayang ilarawan kung ano man ang tawag dito.
“sige magsimula tayo sa unang cassette tape na nakita mo”
