Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-02-01
Updated:
2025-06-14
Words:
5,739
Chapters:
3/?
Comments:
1
Kudos:
62
Bookmarks:
17
Hits:
1,133

Second Life

Summary:

Jor's (jh) life has been perfect recently. Masaya siya kasama ang mga malulusog niyang kambal na anak na si Iko at Ino, stable na mga kapatid, at lahat sila ay magkakasama not until Cho—the twin's father came into the picture or at their house rather completely uninvited and unaware that well, he's a father of two for years already.

Notes:

hello, i hope you all like this one too :)

x: @hancheolchwe

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: Us, Again

Chapter Text

 

“a, b, c, d, e, f, g...” masayang pagkanta ng mga bata sa loob ng silid-aralan. 

 

Pitong taon nakalipas, ganito rin siguro si Jor ngayon. Masayang kumakanta ng abc sa mga batang estudyante. On-loop ang mga nursery songs tulad ng The Wheels On The Bus at Old MacDonald Had a Farm at naka-play si Miss Rachel sa telebisyon sa loob ng silid na puno ng mga batang tinuturuan niya dahil iyon ang trabaho niya.

 

Ito siya ngayon masayang pinapanood ang mga bata habang nag-aabang na matapos ang klase. Wala naman pinakaibahan sa ang mga nabanggit sa ginagawa niya. Masayang kumakanta ng abc... on-loop pa rin ang mga nursery songs tulad ng The Wheels On The Bus at Old MacDonald Had a Farm at naka-play si Miss Rachel sa telebisyon nila. Ang kaibahan nga lang ay hindi umuuwi ang mga bata pagpatak ng alas onse ng umaga dahil nasa bahay na sila. 

 

Siguro nga yung mga pangarap natin ay natutupad... sa ibang paraan, sitwasyon, at timing lang talaga. Kahit na hindi ito ang eksaktong minamata na pangarap noon ni Jor, masaya at walang pagsisisi kung nasaan siya ngayon. Lalo na kapag may dalawang chikiting ang nagmamadaling sasalubong sa’yo para ipagmayabang ang punong-puno na star sa kanilang mga kamay at palapulsuhan. 

 

“Dada! Very good kami ni Iko!” masiglang salubong ng mga anak ni Jor na si Ino habang ang kambal naman nitong si Iko ay tahimik na napakalaki ng ngiti sa likod at pinapakita rin ang dalawang kamay na punong-puno ng stars. 

 

“Gagaling naman ng mga anak ko na ’yan! Very good kay Dada!” paghalik niya sa noo ng mga bata. 

 

“Asan po star?” tanong ni Iko. 

 

Nagtatakang nakatingin naman si Jor sa kaniyang anak. “Nasa kamay mo, Kuya.”

 

Mabilis naman itong umiling. “Dada, sabi mo po very good kami! Asaan star namin ni Ino?” 

 

Napakagaling talaga ng mga anak niya. 

 

“Tara na sa bahay! Kay Tito Junjun ninyo kunin ang star ninyo.”

 

Mabilis namang tumango at kumislap ang mga ngiti ng mga anak niya nang banggitin ang Tito Jun nila na naghihintay na sa bahay para sa tanghalian. 

 

“Tito Junjun, pwede na po kunin star namin? Tapos na po kami kumain e, pati banana done na! Magiging minion na nga po si Iko e.” maligalig na ungot ni Ino sa kaniyang Tito na nagliligpit ng kanilang pinagkainan. Mabilis naman na sinamaan ng tingin ni Iko ang kakambal. 

 

May kinuha si Jun sa loob ng paperbag at itinago ito kaniyang likuran. “Very good daw kayo sabi ng Dada niyo! Charan!” 

 

Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ang kambal at pinuntahan ang Tito nila. Pagkatapos magpasalamat at pinuno ng kiss ang pisngi ni Jun ay kinuha na nila ang paboritong Star Margarine at hindi lang basta Star Margarine kundi yung kulay pink na binudburan lang yata ng asukal pero gustong-gusto ng mga pamangkin niya. 

 

“Naku! Spoiled na naman ang mga chikiting kay Tito Junjun nila!” bati ng Tito Jos nila na kakapasok lamang galing sa sariling bahay nila at nakasunod ang asawa nitong si Dos. 

 

“Tito Jos! Kuya Dos!” bati ng kambal at sinalubong din ang mag-asawa sa pintuan. 

 

Si Jos na kapatid ni Jor na unang nakaalam nung pinagbubuntis niya ang mga bata. Halos lahat ang akala ay kambal din sila pero sadyang nagmadali lamang talaga ang mga magulang nila kaya pareho silang ng taon ng kapanganakan. Lahat silang magkakapatid ay malapit sa edad at sa isa’t isa kaya naman palaging andyan sa damayan. Paminsan man ay nag-aaway pero lamang pa rin ang pagmamahal sa isa’t isa kaya sobra-sobra ang pasasalamat ni Jor sa mga kapatid niya.

 

“Ay ano ’yan? Eksena kayo sa pinto ha!” masungit na komento ng kakarating lang na si Jio ang bunsong kapatid ng mga Yoon. 

 

“Tito Jos, Kuya Dos, Tito Jio! May stars kami!”

 

Natawa naman ang nga nakatatanda sa pagmamayang ng mga bata na itinaas pa talaga ang pasalubong ng Tito Junjun nila at Tito Jio na pareho ang binili dahil alam na paborito ito ng mga bata. 

 

Ang simpleng buhay ng mga Yoon ay wala nang hihilingin si Jor na iba pa. Masaya siya kasama ang mga malulusog niyang anak, ang hindi matapos-tapos na honeymoon phase nina Jos at Dos, ang magandang trabaho ni Jun, at malapit nang makatapos si Jio. Hindi man nila kasama ang mga magulang dito sa Pinas ay buong-buo pa rin naman sila. 

 

“Balita ko may dalawang chikiting ang umuwi na may sandamakmak na stars ah!” salubong ni Boo na pinsan ng mga Yoon kasama ang bestfriend nitong si Eisa. 

 

“Kami na po iyon ni Iko!” tuwang-tuwang sabi ni Ino. 

 

Habang nasa kambal ang lahat ng atensyon ng mga nakatatanda, nagtaka naman si Jor nang lumapit ang kapatid niyang si Jos kasunod ang asawa nitong si Dos. 

 

“Musta?” tanong ni Jos.

 

“Hm? Ayos naman mga bata. Active sa school at magaganda naman lahat ng narinig ko sa mga teacher nila.” saad ni Jor habang kumikislap ang mga matang nakatuon kina Iko at Ino na ngayo’y tinatawanan ang Tito Jun nilang sinusungitan ni Kuya Eisa. 

 

Umiling ang mag-asawa. “Kuya naman. Ikaw ang kinakamusta eh.” si Dos. 

 

“Ha? Ayos lang naman ako basta ayos ang mga bata.”

 

“Kuya, ginagawa na yung bahay sa kabila. May balita ka ba?” tanong ni Dos. 

 

Bahagyang napatitig si Jor kay Dos dahil sa sinabi. Ginagawa? 

 

“Ha? Saan?”

 

“Yung bahay niyo dapat, Kuya. Ginagawa ngayon. Binenta mo ba yun?” takang tanong ni Jos. 

 

Hindi. Walang bahay na binebenta si Jor. At wala siyang bahay na dapat na titirhan kundi rito lang sa bahay na kung saan sama-sama silang magkakapatid. 

 

“Jos, anong sinasabi mo? Ang mga lote natin ay nasa Karitan ha. Walang pinamana sila Mama dito kundi itong bahay.”

 

Umiling si Jos at napasinghap. ”Kuya, yung bahay niyo dapat ni Kuya Cho.” 

 

 

“Ano, Cho? Anong balak mo sa bahay sa Laguna?” tanong ni Gabo sa bestfriend niyang busy magtipa sa keyboard. 

 

“Wala nga akong gagawin doon, Gabo.”

 

Umiling naman ang kaibigan at tila mas naguguluhan sa sinabi niya. “Sayang yun, Cho. Hindi ba gagawin mo dapat bahay yun? Tamang-tama pala kung wala kang gagawin doon e naghahanap ng bahay si Shi. Gusto sana roon sa malapit sa jowa niyang hindi ko alam kung totoo ba o figment lang ng imahinasyon niya e.”

 

“Uulitin ko pa ba? Wala nga akong balak galawin doon. Tsaka, may jowa si Shi? Taga Laguna?”

 

Humagalpak si Gabo. Hindi niya nga rin alam kung papaniwalaan ba ang kaibigan dahil wala naman pinapakilala ito at tsaka may pinopormahan yun sa pagkakaalam niya tapos biglang may gustong patayuan ng bahay ang kaibigan. 

 

“Gulat ka ano? Pero ayon nga, sayang yun. Mukhang talagang naghahanap na si Shi ng mapapatayuan ng bahay e. Aligaga nga, akala mo may ibabahay na.” 

 

“Hindi ba at may bahay naman siya rito sa Maynila?” naguguluhan na si Cho sa nangyayari sa kaibigan nilang madalang magpakita sa hindi malamang dahilan. 

 

Umiling si Gabo. “Ayaw niya, preferably nga raw at sa Laguna dahil taga roon ang jowa niya. Agad naman pumasok sa isip ko yung bahay mo sa Laguna na balak mo pang ipa-design sa akin. Eh, tagal na nun, Cho. College mo pa balak kaso hindi mo na nabanggit ulit kaya akala ko ibebenta mo na.”

 

Natahimik si Cho at bumaling sa kaibigan. Plano niya nga naman na talaga yun. Noon pa. Ang irenovate ang bahay na binawi niya sa Tita nila dahil request ng Papa niya. Sa daming pera ng mga Choi, hindi niya alam ang dahilan kung bakit pinilit siya na bilhin ito kahit na afford naman ni Papa Choi. Plano pa nga niyang ipa-design ito kay Gabo noong nag-aaral pa lamang ang kaibigan ng pag-aarkitektura pero wala naman nang dahilan para ipatuloy pa niya sa ngayo’y ganap na architect ang kaibigan. Wala naman na ang ninanais niyang tumira kasama roon. Wala na ang dahilan kung bakit niya papagandahin pa iyon. 

 

“Tuloy na natin bahay mo, Cho. Kung ayaw mo na tirhan, maraming pwedeng gawin doon. May kilala akong Engineer na pasok sa lugar at sa kung ano mang plano mo.”

 

 

“Kuya Jor, ayos lang ba na rito ko lang kitain si Architect at yung potential client? Hassle kasi kung punta pa kami sa office ko. Susunduin ko rin ang mga bata at si Eisa pagkatapos.” pagpapaalam ni Junjun kay Jor na busy magtipa sa laptop na nag-aayos ng inventory ng kaniyang negosyo sa bayan. 

 

Tumango naman ang nakatatanda. “Sige lang, akyat ako kung gusto mo pagdating nila para hindi ka na maistorbo.”

 

“Hindi na, Kuya. Close naman kami ni Arch. Halos tropa na kami nun.” saad ni Jun at nagtungo sa kusina upang maghanda ng maiinom at meryenda dahil nag-message si Architect na malapit na raw sila.

 

“Sige, ako na magsusundo kapag hindi kayo natapos kaagad.”

 

Sasagot pa sana si Jun nang may kumatok kasunod ng pagtunog ng doorbell nila na hudyat na andito na ang kaniyang inaantay. Nagpresinta naman na si Jor na siya na ang magbukas dahil may ginagawa pa ang kapatid sa kusina. 

 

“Sandali lang.” 

 

Ang nasa harap ni Jor ay walang iba kundi si Architect Kim at sa likod naman nito ay walang iba kundi ang ama ng kaniyang mga anak. Chol Sebastien Choi is standing in front of him after six years. Six years simula nung huli silang nagkita. Six years simula nang sila ay maghiwalay. At six years mula nang binigay sa kaniyang ang pinakamamahal niyang mga anak ngayon. Six years simula nung naging ama siya. Six years mula nung kinaya niya mag-isa. Six years mula nang naging tatay rin si Cho nang wala siyang ka-ide-ideya. Six years na ang nakalipas pero bakit bumabalik ang sakit na parang kahapon lang? 

 

“Jor?” mahinang sambit ni Cho. 

 

Matipid na ngumiti si Jor. “Kayo ba ang bisita ni Jun? Pasok kayo...

 

Naghihintay na yun sa’yo.”