Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-02-14
Words:
3,076
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
8
Hits:
174

at the end of the horizon

Notes:

hello, this is part of my twitter au entitled at the end of the horizon. not beta-read pls >_<

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Sanay si Elijah sa maraming tao… noon. Sanay siyang ngumiti at nginitian pabalik ang mga ito, kahit pa nga ang bumeso o makipag-kamayan ay ginagawa niya rin… noon. Sanay siya sa maraming tao… noon. Sanay na sanay. Walang imbitasyon na kanyang tinatanggihan o naiipon lamang sa lamesa ng kanyang silid, dahil mas ginusto niyang humilata o makipagtitigan sa warm white ceiling ng kanyang kwarto. Sanay siyang tumango sa bawat “Let’s have a picture together, Gab!” o kaya nama’y “Gab, can I take a photo of you?” ng mga taong tanging pangalan lang ang alam niya, minsan nga ay hindi pa niya sigurado.

 

Sanay siyang dumalo sa mga pagdiriwang—mapa-extravagant man yan o less sumptuous. Hindi rin siya mapili, lalo na kung invited naman siya. Isa lang ang batas niya pagdating sa usaping ito: never maging gatecrasher. Ah, isama na rin pala ang hindi pagbalot ng pagkain galing sa handaan. Siyempre, bihira lang mangyari ang pangalawa lalo na ang una—walang ebidensya na makapagsasabing nag-gatecrash na si Eli sa isang party. Kung may ebidensya man, mas recommendable pa rin ang mag-factcheck, especially if it’s about him. Hindi naman ata counted kapag sinama lang siya ng kaibigan niya (Haze, to be more specific) dahil kinailangan nito ng driver on that specific day? At malas niya lang kasi ginawa siyang matulungin ni Bro sa mismong araw na yun. Back to the second one, hindi forte ni Eli ang pagtanggap. Take note, bihira lang naman siyang pabalutan ng pagkain. Nangyayari lang ‘to kapag pumupunta siya sa bahay nila Miko. Oo, si Miko. Lahat kasi ng events na meron ang pamilya nila, palaging invited si Eli. Kahit nga sa mismong monthsary ng nakababatang kapatid nitong babae, Miko invited him. Mabuti sana kung first monthsary bilang mag-asawa, eh mag-jowa palang naman ang mga ‘yon! Gusto niyang tumanggi pero hindi siya tinantanan ni Miko (even if he had a photoshoot as a model for a famous clothing brand on that very day) hanggang sa pumayag nalang siya. Marami kung magpa-baon ng pagkain si Miko pati na ang Mama nito. Ilang tupperware ang nadadala niya pabalik sa kanyang condo o minsan sa kanilang bahay, dahil na rin sa dami ng putahe na pinapa-baon sa kanya. Nahihiya man niya itong tatanggapin, pero susunggaban din naman niya pag-uwi.

 

Napabalikwas siya sa reyalidad nang biglang may mga batang nagsitayo mula sa kanilang upuan, at naglakad patungo sa kanilang direksyon upang magmano sa kanyang Lola. Kinailangan niyang gumilid dahil kung hindi, matatapakan ng mga ito ang sapatos niyang suot.

 

“God bless,” nakangiting sambit ng kanyang Mama La sa pinaka-huling bata na nagmano. And, unbeknownst to him, Eli was smiling at the view, too. A small smile lingered on his lips as he watched his grandmother have this kind of warm interaction with the kids.

 

Madalas i-kwento ng Dad ni Eli na mahilig daw talaga ang lola niya sa mga bata. Balak nga raw nito magkaroon ng walong anak o higit pa, pero tanging dalawa lang ang ipinagkaloob Niya. Ang mga birthdays daw nilang dalawang magkapatid—ng kanyang Tita Jane—ay palaging sa orphanage ipinagdiriwang o kaya naman minsan ay sa eskwelahan. Basta, kung saan mas maraming bata ang makakakain ng spaghetti at pritong manok, doon sila. And this legacy that started from his grandmother’s younger years has remained even to this day. Minsan na rin kasing nai-kwento ni Gin sa kanya na marami raw programa si Boss Lola na nakatuon sa edukasyon ng mga bata at, syempre, para sa happiness ng mga ito. Maaaring ang kaligayahang hatid nito ay panandalian lamang at maaaring mawala muli sa kanila, ngunit kahit papaano, even for just a fleeting moment, naging mabait sa kanila ang mundo.

 

The smile may fade from their faces, but the happiness they felt will stay in their hearts. Hopefully.

 

Bumalik siya sa tabi ng kanyang Lola at inilapat ang kamay sa likod nito upang gabayan sa paglalakad. Hindi pa man sila nakaka-limang hakbang ay may lumapit na agad na dalaga, na batid ni Eli na wala pa sa bente ang edad. Probably ay nasa senior high palang ito. Akala niya ay magmamano rin ito katulad ng ginawa ng mga bata, ngunit mali siya. Kusa siyang napa-atras nang biglang yakapin nito ang kanyang Lola.

 

“Lola Lisa! Na-miss po kita nang sobra so much a lot,” mabilis nitong sambit habang yakap-yakap pa rin ang matanda. Pupuntahan na sana ito ni Eli dahil masyadong mahigpit kung yumakap, nang marinig niya ang mahinang pagtawa ng kanyang Lola, sabayan pa ng marahan na pagtapik nito sa likod ng dalaga.

 

“I miss you, too, Klea. Dalaga ka na,” rinig niyang komento nito. 

 

With that, Eli decided to just stay in his position and wait for his Lola until she’s finished talking with the girl. Huwag lang sumanib sa kanya ang pagka-mainipin dahil talagang mawawala siya sa mood.

 

Kumalas na rin ang dalaga, at kunwaring nagpunas ng luhang hindi naman tumulo. “Dalaga na po talaga ako, La. Tatakbo na nga po akong SK Chairman next Barangay election.”

 

“Really? Hindi ba’t si Kyce ang Chairman ngayon?”

 

“Opo, si Kuya Kyce po, kaya nga papalitan ko na,” tumawa ito. “Pero hindi talaga ako tatakbo, La. Baka po hingalin ako. Bawal pa naman yun sakin.”

 

Lola Lisa laughed. And Eli couldn’t help but somehow realize how rare it is for him to hear his Lola laugh like this. Hindi niya rin masyadong gets ang humor ng dalaga kaya hindi niya maintindihan kung bakit sila tumatawa. Kaya ngayon, with his serious mode on (buti nalang naka-mask siya at hindi halatang seryoso siya sa buhay), para lang siyang body guard ng kanyang Mama La.

 

Nakatuon ang kanyang tingin sa unahan nang mapunta sa kanya ang topic ng dalawa. Which is why, he returned his gaze back at them, with questions reflecting on his eyes.

 

“Lola, sino po ‘tong kasama niyo?”

 

Lola Lisa turned to look at Eli then reached for his arm and clung on it. “This is my apo, hija.”

 

Si Klea, kung tama ang pagkakarinig ni Eli sa kanyang Lola kanina, ay napatakip sa kanyang bibig. Her eyes are wide as her gaze lingered on Eli, then back to his grandmother, then back at him again. Hindi alam kung saan ba talaga ito titingin. “Ito po ang apo niyo, La? Akala ko po ninja.” Eli’s brows quickly furrowed from what he just heard, but even before he’s about to give a sort of reaction, probably a retort, nagsalita ulit si Klea. “Hello po. Ako po pala si Klea San Andres. Bunsong kapatid ni Kuya Sixto, ‘yung gwapong alagad ni Boss Lola,” bakas sa tono ng boses nito ang pagmamalaki or more like, for Elijah, ay pagmamayabang.

 

‘Gwapo ba si Sixjo?’ The question just uninvitedly popped into his head, and he almost didn’t want to entertain it, but his mind insisted that he had no choice but to indulge it. Hmm, gwapo nga ba? O sadyang marunong lang talaga si Sixto kung paano dalhin ang sarili niya? Gwapo ba talaga? O masyadong self-proclaimed lang ito kaya eventually ay na-manifest na ng mukha niya ang handsomeness na for sure ay palaging bukambibig niya? May certain level of attractiveness kasi ang bawat tao, at ibinabase ito ni Eli sa dalawang kategorya: panloob at panlabas.

 

Kung tungkol ito sa kanya, isa lang ang masasabi ni Eli about his own physical features: god-like. He was this fallen heavenly angel among the sea of compromised mortals. May pagka-narcissistic ang dating ng description na ‘to, pero hindi naman sa kanya ito mismo nanggaling. There are many articles written mainly about him that flaunt his physical features with out-of-this-world adjectives, which make his heart flutter and boost his confidence. And as for his “panloob” category, which is about his traits, masasabi ni Eli na he’s kind on his own terms. He’s not as perfect as others would want him to be. He’s flawed, yes, but his kindness would always come with genuineness. Sure, he’s hard-headed at times, often with short patience, and difficult to be with, but despite all these, Eli thinks he is somehow deserving—even the portion—of the gentleness of the world and the people in it, too.

 

Now, it’s time para husgahan ang level of attractiveness ng person of interest. Physically wise, may karisma si Sixto na tanging sa kanya at para sa kanya lamang. Malakas ang dating. Iyong ngiti niya, para kay Eli, ay parang palaging nagyayabang. Hindi iyong tipo ng yabang na may super duper ultra mega negative connotation at puro hangin lang ang laman. Maybe, it’s safe to say that Sixto carries himself with a sense of superiority. Self-satisfied, kumbaga—overly self-assured. Mas pilyo kaysa hambog. Natural din ang pagiging maskulado nito. Halatang hindi gym equipment ang dahilan ng broad shoulders at defined muscle nito, kundi ang pagbuhat ng sako-sakong bigas, pagbungkal ng lupa sa malawak na bakuran, pagtanim, at mga gawain na tanging ang baryo lang ang may alam. Kung pag-uusapan naman ang ugali nito, masasabi ni Elijah na inalagaan si Sixto nang mabuti ng mga guardian angel nito. Although mas lamang kay Eli ang pagka-yamot niya sa binata, hindi naman niya pwedeng itanggi ang kabutihan na mayroon ito. He’s kind. He’s helpful. He’s overly-considerate. He’s protective. He’s caring. But still, he’s annoying.

 

‘So, gwapo nga ba si Sixjo?’ Muling tanong ng utak ni Eli. 

 

Ang tugon: ‘Hmm, pwede na.’

 

At teka, ano raw? San Andres? Tama ba ang narinig ni Eli sa dalaga? Kung hindi siya nagkakamali, ito ang apelyidong sinambit ni Sixjo nang magpanggap sila bilang */coughs magkasintahan. Elijah scoffed inwardly. How dare Sixjo used his own surname? Kasi kung ganoon nga ang nangyari, ibig sabihin hindi lang sila basta */coughs magkasintahan. They’re husbands!

 

Wala sa sariling napa-atras si Eli nang mapagtanto ang bagay na ‘yon. But even before his other foot could touch the ground, he stumbled slightly and felt a sudden, firm impact against his back. He immediately turned to look behind him upon realizing that he had accidentally bumped into someone—only to see Sixto with an indifferent look on his face as he met Eli’s surprised eyes and slightly agape mouth.

 

Hindi pa man tuluyang nagre-register sa utak ni Elijah ang lahat, nang walang pasabing nawala si Sixto sa kanyang tingin, atsaka dire-diretsong pumunta sa direksyon ni Boss Lola; tahimik naman na naka-sunod dito si Gin na tanging ngiti lang ang ibinigay kay Eli.

 

Muling humarap si Elijah at isiniksik ang kanyang sarili kay Lola Lisa. Naka-kunot ang noo nito habang ang masamang tingin ay nakapako kay Sixto, na ngayon ay nasa tabi na ng kanyang kapatid, at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. 

 

Nagmano ito sa kanyang Lola. Sumunod din si Gin pagkatapos. “Upo na kayo sa unahan, La. May reserved table kayo doon,” sambit ni Sixto at pumunta sa kabilang gilid ng matanda upang tulungan ito sa paglakad.

 

“You can go now. Kaya ko naman tulungan si Mama La by myself,” Eli muttered, may kung anong inis sa tono ng boses, na hindi niya maintindihan kung saan na naman ba nanggaling. Palagi naman siyang naiinis dito, pero iba ang inis niya ngayon sa binata. Nakakagigil lalo na’t hindi niya ma-pinpoint kung bakit. Hindi iyong tipo ng inis dahil nakukulitan siya dito. Naiinis siya kasi bakit hindi siya pinapansin nito o kahit tingnan man lang?

 

Sixto pretend he didn’t hear anything and focused his gaze on the older woman. “Boss Lola, anong gusto niyong pagkain? Si Gin nalang po kukuha para sainyo.” Nagsimula na silang maglakad, at walang nagawa si Eli kundi ang sumunod na lang. After all, ang kanyang Lola ang maiipit kapag hindi niya pinigilan ang inis niya kay Sixto.

 

Finally, nakarating na rin sila sa sinasabi ni Sixto na reserved table for them. His grandmother greeted the celebrant, so he did too. Hindi niya alam na may pinadala palang three-layered cake ang Lola niya rito. Ang buong akala niya ay presence lang nila ang tanging ambag nila. Naghanda pa naman siya ng sobre with cash inside.

 

Maya-maya ay dumating na rin si Gin, may dala itong plato na may lamang pagkain at inilagay sa harap ng kanyang Lola. “La, kain na po kayo. Eli, tara. Samahan kita kumuha ng pagkain mo. Hindi kita kinuhaan kasi hindi ko alam kung anong gusto mo,” nag-aalinlangang sambit ni Gin. 

 

“No, I’m fine. Busog din naman ako,” maikling sagot niya. Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa kanyang Lola. “Mama La, don’t eat too much lechon. Baka ma-highblood ka.”

 

His grandmother laughed. “Don’t worry, apo, I’ll eat responsibly. You should eat, too. Ipakuha nalang ba kita ng pagkain kay Gin?”

 

Eli shook his head. “It’s okay, Mama La. I’m not hungry naman. Saka I can’t remove my mask po.”

 

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng matanda. “Eli, no need to worry about that. Kasama mo naman ang Lola.”

 

“But it’s better be safe than sorry, Mama La. Go, eat your food po. I’ll just stay here with you,” he replied with finality. Umayos siya sa pagkaka-upo nang biglang sumulpot si Sixto sa kanyang tabi. Automatic na nagsalubong ang kilay niya nang magtama ang kanilang tingin. “Why are you here?” 

 

“Makiki-upo. Bawal ba?”

 

“Bawal. Doon ka sa pwesto mo.”

 

Sixto chuckled. Inilipat niya ang tingin sa Lola ni Eli na mahinhing kumakain sa gilid habang pasimpleng tumatawa sa pinag-uusapan ng kapwa niya senior citizen. “Boss Lola, sabi ka lang kung gusto mo pa pong kumain. Ako na po kukuha para sa’yo!” malakas na sigaw ni Sixto dahil nagsimula nang magpatugtog ng videoke.

 

Boss Lola turned to Sixto. “Thank you, hijo, but I’m already good.”

 

Muling lumukot ang mukha ni Eli nang hindi na naman siya pansinin ng binata. He puffed an annoyed breath as he crossed his arms over his chest. Napansin naman ni Sixto ang hindi maipintang mukha nito, kaya lihim niyang kinagat ang ibabang parte ng kanyang labi upang pigilan ang kanyang ngiti. 

 

“Kumain ka na?” tanong ni Sixto. Kinailangan niya pang i-usog ang kanyang upuan sa tabi nito upang makasiguradong maririnig siya ni Eli, dahil kasalukuyan nang nangangain ng mic itong si Jace habang kinakanta nito ang “Dadalhin” ni Mama Regine Velasquez.

 

Tanging matigas na iling lang ang ibinigay ni Eli sa kanya, ang mga mata ay naka-pokus sa tv ng videoke. First time niya kasi ‘to, kaya medyo invested siya sa panonood, kahit pa nakakunot ang noo niya ngayon.

 

Umusog ulit papalapit si Sixto. Desperadong makuha ang atensyon ng nayayamot na binata. “Gusto mo bang kumain, Kamahalan?” tanong niya sa medyo malambing na tono. Medyo lang para hindi halatang sinusuyo niya ito.

 

Eli rolled his eyes. “Don’t talk to me. Hindi mo nga ako kinakausap kanina.”

 

Pasimpleng tumawa si Sixto, ngunit nang lingunin siya ni Eli nang may matalim na tingin, agad din siyang tumikhim. “Nonchalant kasi ako kanina. Gusto mo bang kumain? Kain tayo.”

 

“Hindi ka pa kumakain?”

 

Umiling ito. “Hindi pa.”

 

“Why? Your sister is already eating. Look,” sagot ni Eli. Itinuro niya ang direksyon ni Klea. Sinundan naman ng tingin ni Sixto ang itinuturo nito at caught on the act ang paglamon ng kanyang kapatid, habang natatawang vinivideohan ito ni Kyce. Naiiling niyang ibinalik ang atensyon sa lalaking katabi, na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa direksyon ng kanyang mga kapatid.

 

“Yung nagvi-video kay Klea, kapatid ko rin yun.”

 

“Three kayo?”

 

Sixto nodded. “Oo. Three kami.” Sinamaan siya ng tingin ni Eli, pero nagkibit-balikat lamang ito, may nakaukit na pilyong ngiti sa kanyang labi. “Kain tayo, Kamahalan. Nagugutom na ako,” maya-maya pa’y anyaya nito.

 

“I don’t want to. You can eat if you want, tho. Dito lang ako kay Mama La.”

 

“Ayaw mong kumain o ayaw mong may makakita sa’yong kumain?” Makahulugang tanong ni Sixto. His gaze are focused on Eli. “Doon tayo sa kubo nila Jace kumain. Wala namang tao doon.”

 

“Ayoko nga. Plus, ayokong iwan si Mama La dito,” rason niya kahit medyo conflicted na siya. Hindi pa kasi siya nagdi-dinner. Sinabi niya lang na busog siya para tantanan na siya ng mga tanong.

 

“Hindi naman mawawala si Boss Lola dito, Kamahalan. Laking-baryo ‘yan. Halos lahat ng nakatira dito ay kilala ni Lola Lisa.”

 

Eli fell silent. May point naman si Sixto. Pero ayaw niya pa ring i-konsidera ang puntong ‘yon. He will never feel safe unless he’s back at his Lola’s house, locked in his room. “I still don’t want, Sixjo.”

 

Bilang pagtanggap ng final decision nito, bahagyang tumango si Sixto. Maya-maya pa ay tumayo na ito. Eli lifted his gaze. “Aalis ka na?” Napamura si Eli sa kanyang sarili dahil bakit tunog disappointed iyon?

 

“Oo. Kukuha ako ng pagkain.”

 

“Babalik ka dito?” He muttered a curse inwardly again because why the hell he sounds hopeful?

 

Umiling si Sixto. “Doon na ako makiki-table sa pwesto nila Klea.”

 

“Okay,” he mumbled, his expression back with frustration again. Sixto noticed it, too. At hindi niya alam kung bakit ganito na naman ang timpla ng mukha nito.

 

“Kamahalan.”

 

“Leave.”

 

Sixto scratched the nape of his neck. “Tumayo ka na d’yan. Kakain tayo.”

 

“I don’t–”

 

“Boss Lola! Isama ko lang po ang apo niya doon sa may kubo! Kakain lang po kami!”

 

Eli looked at him with anger in his eyes, urging the guy to take back what he said because there’s no way that he would actually go with him. But Sixto being Sixto, just moved his gaze back to the older woman, and when he got a nod from her, he held Eli by his wrist, prompting the guy to stand up with a very slight force.

 

“Sixjo, I swear to God, just go and eat with yourself,” matigas na sambit niya, habang pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Sixto. “Hey, masakit ah!” reklamo niya kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak ng binata.

 

“Okay,” sagot ni Sixto at agad na binitawan ito. “Sasama ka na ba nang tahimik sa’kin?”

 

“I hope you know that you sound like a kidnapper just by now.”

 

Nagpakawala nang malakas na tawa si Sixto matapos niyang marinig iyon. “Sobra sa kidnapper, Kamahalan. Kumain na kasi tayo. Sasabayan na nga kita, oh. AKO na ‘to. Si Kalixto na pinakapogi at pinakamasarap–”

 

“What the fuck?!” Elijah exclaimed, brows snapped together once again.

 

Sixto cast a teasing look at him. “Pinakamasarap mahalin kasi. Kung ano-ano iniisip mo, Kamahalan. Bawal yan, bata pa ako.”

 

Frustrated enough and humiliated too much, Elijah groaned and turned his back on Sixto, walking away from the guy. Where is he heading? He doesn’t know. All he knows is that he wants to get away from Sixto to hide his face, which is flushed red from embarrassment.

Notes:

si sixto ay ma–