Work Text:
Nandito ako ngayon sa school ko, well first day at maraming tao. Obviously first day ngayon at sa kamalas- malasan nga first year na ako sa college. Hindi ito ang pinangarap kong “one day into day one” sobrang init. Ganito pala sa maynila maraming tao, maraming sasakyan at puno ng mga maasim…. Hindi pala ganon.
Kung minamalas ka nga naman, hindi ko rin alam kung saan yung building ko at kung ano mga subject ko ngayong semester, alam ko naman na ako yung nag enroll pero hindi ko pa ri tiningna kung ano mga subject namin ngayon, bakit ko pa aabalahin sarili ko kung ituturo rin naman diba.
In my defense naman kaklase ko si Mark, pang ilang malas ko na ngayong araw dahil lintek siya, wala pa siya dito, kung kailan naman kamo ako na yung nauna sa amin eh siya pa itong malalate. Sobrang lapit na nga lang ng bahay niya rito may balak pa siyang magpalate talaga. Baligtad ata utak niya ngayon, hindi ko nagugustuhan ah.
Makapag message na nga lang tutal parang hindi naman kami magkikita- kita agad dito sa dami ba naman ng tao, sana nandito na rin iba naming kaibigan.
Ano bang meron ngayong araw at minamalas ako, habang nakatutok ba naman ako sa cellphone at lintek kasing mga kaibigan to eh mga wala pa may nakabangga ako.. First year din ata siya? Isa siyang morena, mukhang matalino yung tipong since elementary eh achiever na talaga at galing sa science high school na aspiring med student gano’n ba ang itsura…. na maliit. Masyado ko na ba siyang tinititigan dahil parang kumakabog ang dibdib ko nang magsalita siya.
“Sa susunod huwag sanang nakatutok sa cellphone kapag alam mong nasa public place ka” sobra akong kinabahan na para bang si mama yung nagsasalita sa harapan ko. Sobrang taray niya, naka straight face lang siya habang nakatingin sa mata ko, josko po! Ano ba namang pagsubok ‘to at first day pa lang eh sinusubukan na agad ako.
Hindi naman ako pinalaki ni mama na hindi marunong mag sorry hano!
Handa na ako mag sorry ng bigla na lang itong nawala, maliit na tao pero ang bilis mawala? Ano bang paa meron siya at ang bilis niya maglakas, hindi ko man lang napansin na nawala na siya. Pero hindi ko natanong pangalan niya, mukha pa naman siyang tipo na mahahanap mo sa mga med allied na program, ang clean niya tingnan at ang.. cool niya.
“Jaemin, pre pasensya na. Sobrang traffic sa harapan, nag message ako sayo pero hindi ka nag seen” ako pa niloloko nito eh alam kong dyan lang bahay nito, ayaw pang sabihin na tinatamad lang siya. Akala niya mauuto niya ako, demonyo talaga to eh.
Tiningnan ko lang siya ng mga limang minuto, nag iinit talaga dugo ko sa kanya ngayon. Tinitigan mo lang siya hanggang sa marealize niyang galit ako, ang hayop ba naman kinkabahan na ako kanina pa at 10 minutes na lang eh magsisimula na, 9:00 am call time namin tapos dumating siya 8:50 am. Buti na lang nagbukass ako ng facebook at nalaman kong malapit na magsimula.
“Ay, kahit ano pang sabihin mo diyan hindi mo ako madadaan sa pasensya mo, kahit lumuhod ka pa diyan. Alam mo ba kung anong nangyari sakin dito habang wala kang hayop ka! Jusko po alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganito tapos nagpa late ka pa talaga, mukha ak-” ang hayop biglaa ba naman tinakpan yung bibig ko, ang ugali talaga.
“Shh, tumahimik nalang sana tayo. Nandito na ako oh, ano pa ba kailangan kong gawin. At hindi mo rin kailangan mag rant pa dyan, napakalakas ng boses mo” mahinang sabi nito, halos hindi ko na marinig sa hina, at ano masama sa sinasabi ko? Naglalabas lang naman ako ng hinanakit ko sa kanya tapos tatakpan bibig ko, malinis ba yang kamay niya.
“Kakarating ko lang pero parang gusto ko na umuwi agad dahil sayo. Sa susunod pwede bang hinaan yang boses mo? Nakakahiya oh, pagtitinginan na tayo dito” ay, kaya naman pala, hindi sinabi agad. Nadala lang ng emosyon.
Sakto naman na rin na pinapatawag na lahat ng freshie para ata sa orientation namin. Hindi ko pa nga naiintindihan yung sinasabi eh abot naman daldal nitong si Mark. Pinapatahimik ako tapos siya naman itong madaldal ngayon.
The orientation was pretty cool, ang daming tao at mainit pa. Buti na lang din ay by department kami pina- upo kung hindi magmumukha akong lonely. It’s pretty organized, during the orientation honda ka aantukin, sobrang lively ng 2 hours orientation. Pero ang dami pa rin freshie ngayon unlike last year, sabi ng kuya ko. Sa dami nga ng tao feel ko kapag nawalay ako sa friends ko ay baka hanapin na lang ako sa lost and found.
Ang dami nangyari sa akin before kami makapunta rito sa gymnasium for orientation, it was really exhausting. I have to deal with someone who is clumsy pa, hay nako nakakainis! I hate crowded places pa naman, hindi na nga dapat ako a-attend kung hindi lang ‘to required eh. Sa lahat din ng makakalimutan ko yung fan ko pa talaga, sobrang init pa naman ngayon.
Late na ako sa call time namin ng mga kaibigan ko, kahit ako pa nga ang nag suggest na by 8:00 dpat nasa school na kami. I forgot to set my alarm clock kaya late na ako nagising, kung hindi pa ako ginising ni kuya eh baka hindi na ako nakaabot sa orientation. Sobrang traffic pa nga kamo, kaya I arrived at school around 8:30, ang malas pa nga dahil walang maghahatid sa akin kaya sumabay na lang ako kay kuya na kasama boyfriend niya, kainis! Pinamukha ba naman na single ako! Tandaan nila, sa susunod na sumabay ako sa kanila may kasama na rin ako!
Habang papunta naman ako sa mga kaibigan ko, they’re already waiting for me sa building namin..ata I’m not sure may nakabanggaan pa ako! Paano ba naman ay he is too focused sa phone niya, hello? Nasa public place tayo so be mindful sa paligid mo. Hindi naman malakas yung pagkabangga pero medyo masakit, hindi ko ba alam kung tao ba talaga nabangga ko o pader, ang laki ba naman kasi ng katawan…
Nilasayan ko na siya after ko sabihin na huwag na siyang mag cellphone while nasa public place siya, madami rin tao para makaiwas din sa disgrasya. Sa dami nga ng tao ngayon ako pa ang nadisgrasya… well, pogi siya im not gonna lie he has the face, face card never declines. Siya rin yung tipong kakausapin ka lang tapos after ilang weeks hindi ka na kikibuin, ibig sabihin GHOSTER!
I thought this university was big? Pero bakit wala pa namang one hour eh nakikita ko nanaman siya, kahit malayo alam kong siya yun. Hindi nagkakamali yung mata ko, siya yun.
Naaninag ko na siya sa malayo pa lang dahil matangkad siya, may kasama siyang lalaki at siya pa itong sobrang ingay, rinig ko rito kung saan ako nakatayo. Parang sobrang daldal niya na para bang wala sa vocabulary niya ang pagiging nonchalant, pero hindi pa rin maiiba yung tingin ko sa kanya na mukha siyang ghoster! Para bang nag- aaway silang dalawa dahil siguro daldal nang daldal hindi ko na rin narinig dahil sa ingay ng paligid namin. Huwag ko na sana sila maksalubong dahil puot at galit ang nararamdaman ko sa kanya.
“Akala ko hindi ko na kayo makikita, muntik na ako maligaw!” hindi lang kamo muntik maligaw, minalas pa nga ako eh. First day pa talaga! Wala na nga maghahatid minalas pa ako habang nasa school. Happy first day and being first year haechan!
Ano aasahan mo sa mga kaibigan ko, they just stare at me like i just said something boring to them, well sanay naman sila sakin na naliligaw. Hay nako im very bad at direction, kaya dapat may kasama ako para hindi ako maligaw.
“Ano pa ngang bago, mas magugulat pa kami kung makikita mo kami agad in this crowd” like what i said, sanay na sila sakin. Chenle knows me really well, paano ba naman ay siya ang lagi kong kausap aside kuya mingyu. My kuya is just really annoying kaya kakausapin ko lan yan when i have no choice.
“Anyway, bakit nakabusangot yang mukha mo? First day na first day ah ganyan na agad mukha mo eh wala pa naman masyadong ginagawa” finally, may nagtanong din. Gusto ko na sabihin to at hindi ako mapakali, galit pa rin talaga nararamdaman ko sa kanya.
Siguro hindi ko siya mapapatawad unless mag so-sorry siya sakin personally. Pero it doesn’t mean na he’s forgiven, pag iisipan ko pa. Pero sana hindi ko na siya makita ‘no! Awa na lang talaga, gusto ko nang payapang semester please.
Nakakaisang buwan na ako bilang isang kolehiyo, alam mo yung pakiramdam na masaya ka pa lang sa mga panahon na madaming events dahil puro orientation ang nagaganap. Ito siguro yung masasabi kong “I dream this one day but here I am it's my day one” probably it’s really this moment, because i dreamed myself taking this course and enjoying it because I want to see my self thriving to this kind of field.
Malaki rin ang pasasalamat ko na nakuha ko yung gusto kong course, sa totoo lang hindi lahat ng mga estudyante ay nakukuha nila iyong pangarap nilang kurso para sa kolehiyo. May karapatan ka ngang mag- aral pero ang catch back, gusto mo ba iyong kurso na ibinigay sayo. Ganito naman sa pampublikong unibersidad, papapiliin ka ng mga kurso ngunit sa araw na ilabas ang resulta hindi ang gusto mong kurso ang mapupunta sa’yo, pero wala kang choice dahil sa pribadong unibersidad ka mapupunta.
Nandito ako ngayon sa school, tutal ay vacant namin na napakahaba at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napag- isipan ko na lang na pumunta sa cafe na malapit lang sa school namin, halos katapat lang din naman nito. Hindi rin ganon kalayo.
Dahil isa akong ‘mapagpanggap’ na estudyante, mag- aaral ako dito dahil may quiz nga pala kami bukas. Sino ba nag sabi na malaki ang mundo? Bakit nakikita ko rito yung lalaking nakabanggaan ko nung fiirst day? Iyong cute size ba
Hindi nga ako nagkakamali dahil naka full white uniform ito. Bagay na bagay sa kanya ang pagkuha ng kursong related sa medicine, lalo siyang pumo-
Ano raw? Ako ba iyon? That was not me, that is shayla!
Nasa isang gilid lang siya at nag- aaral, masyado siyang nakatutok sa kanyang iPad.
“Pati iPad niya ang cute, josko lahat na lang ata cute sa kanya” i didn’t realize that i just say it out loud
Siya yung tao na kaya mong titigan buong araw,napakunot na lang yung noo dahil sa araw na tumatama sa kaniyang mukha. Mukhang nasisilaw, nawala sa focus eh. Masiyado na ata akong nakatitig sa kanya, hindi ko mapapagkaila na maganda siya lalo na kapag natatamaan ito ng araw, lalong nakikita yung pagka moreno niya.
Mukha akong tanga na bigla na lang kinuhanan siya ng litrato, sino ba naman ako para hindi kunan eh masiyado siyang maganda. Hindi ba!
Hindi kalaunan ay pumasok na rin ako sa loob at nag order na ng aking makakain, hindi rin naman nag tagal ay dumiretso na ako sa gawi niya, kunwari ba ay wala na ako mahanap na upuan at yung katapat na upuan niya na lang yung vacant.
Of course, doon na ako sa gawi na matatakpan ko yung araw na tumatama sa kanya, nawawala siya sa focus kapag nasisilaw eh.
“Puwede po bang makiupo?” tiningala niya ako nang naka-kunot na ang noo. Ngayon lang ako nakakita na cute pa rin kahit parang galit na, ung parang pinapatay kana sa isipan niya kasi naisorbo mo siya. Intentionally!
“Basta bawal ang maingay, puwede ka makiupo pero kapag hindi umalis ka na lang” napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya, masiyado talaga siyang cute. Cute size na siya sa paningin ko, i fear na hindi na iyon magbabago.
“Papaalisin mo pa ba ako kung nakabili na ako ng pagkain ko?”
Parang sasabihin niya na ‘oo, wala akong pake sa pagkain na iyan’ pero sumenyas na lang siya na umupo na ako, wala naman siya magagawa dahil nilapag ko na rin yung gamit ko sa lamesa niya. Nakarinig pa nga ako ng buntong hininga na para bang ayaw niya ako kasama, nakakasakit ah.
Sabi nga nila, action speaks louder than words. Pero bakit sa kaniya parehas ata
Umupo na rin ako at ginawa yung mga dapat kong gawin. Kalaunan siya ang napapnsin kong napapakunot ang noo, siguro ay may hindi ito nagegets na topic sa subject na inaaral niya. Mukha rin namang kaya niya pa dahil maya- maya ay nawala na ang pagkakunot ng noo niya.
Nandito ako ngayon sa cafe at hindi ko inaasahan na makakasama ko itong nakabanggaan ko nung first day. Mukhang mag- aaral din siya kaya pumunta rin dito. Mukha rin siyang matalino, nakakahiya namna na makita niya akong natatanga sa subject na inaaral ko.
Habang nag- aaral ako ay napapansin ko itong napapatingin sa akin, dahil na rin siguro napapakunot ang aking noo. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, yung makita akong nabobobo sa subject na to. Yung tingin niya eh yung konti na lang eh tutulungan niya na ako. Pagkatapos din naman ito ay bumalik na rin siya sa pag- aaral, mas mukha ngang ms mahirap iyong inaaral niya eh.
I can’t deny that he looks really matalino, nasilip ko kasi na math pala iyong inaaral niya, siguro ay isa siya sa mga engineering student na sa una lang magaling o hindi kaya iyong mga architecture student na mahilig mang ghost.
Information overload na ako dahil kanina pa ako ritong tanghali, at ngayon nga kamo ay hapon na! Gaano ako katagal nag- aaral? Paanong hindi kamo ako mag- aaral eh halos lahat ng blockmates ko ay valedictorian o hindi ka salutatorian. Paano naman ako na hindi fast learner, hindi ko naman masasabi na sobrang talino dahil naidadaan ko naman ito sa sipag. Kaya ito ako ngayon doble ang oras para lang ma- gets ko yung mga pag- aaralan namin ngayon.
Ito namang nasa harapan ko ang masyadong tutko sa kanyang binabasa. Halos wala na itong pake sa paligid niya, paano niya kaya nakakayanan na mag- aral sa ganitong kaingay na lugar? Wala pa itong earphones or headphones. Kung ako ito ay nadistract na ako sa daming tao na mga nag- uusap.
Maganda pala iyong pilik mata nya, maganda sa kanya lahat. Hindi na ako magsisinungaling pa, i just can’t believe that he’s almost perfect. Magiging perfect siya unless mag sorry siya sa akin. Pero kidding aside, napansin ko lang na hindi na ako nasisilaw sa araw. Dahil, nasa side siya kung saan nakatapat ang araw?
Hold on? Did he plan this? Or…? No, that’s impossible! Baka nagkataon lang!
Hanggang sa nagsalita ito, mukha atang study break na niya o kaya ay nakatapos na siyang mag- aral.
“Kahit saan nakikita kita pero hindi ko pa rin alam pangalan mo” wala itong expression or emotion manlang habang nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung galit ba o normal lang sa kaniya na ganon magsalita.
Kainis!
“Ayoko nga sabihin! Baka mamaya eh hanap- hanapin mo ako kung saan kapag nalaman mo yong pangalan ko” pagtataray ko sa kaniya, mukha naman ksing totoo ang sinasabi niya. Siya ang tipo na extrovert ba, kahit saang department may kilala.
“Hala! Paano mo nalaman? Mind reader kana siguro, secret ko lang to eh” ha? Ano?
I’m speechless, hindi sa sinabi niya kung hindi ang expression ng mukha niya! Well, i don’t know.
Wew! Bigla tuloy nanikip ang paghinga ko, parang uminit ata! Nakabukas ba aircon dito? O dumami lang mga tao dito ngayon?
“Ewan ko sayo!” tumawa na lang ito dahil sa sinabi ko, pati ba naman pagtawa ang pogi!
“Biro lang! I was really just too curious since you bumped into me nung first day. I forgot to say sorry since umalis ka agad. Hindi mo manlang ako hinintay na mag sorry, baka nasa isip mo masama akong tao!’
And my mind went blank! Hindi ko na alam kung ano ang sunod na sinasabi niya dahil I’m too pre-occupied since I’m wrong na masama siyang tao!
I judge too quickly talaga, masama talaga yon! Magbago na kayo please, kasi namang ugali to judgemental.
Pero tama namna ang hula ko na isa siyang architecture student, masiyado siyang madaldal! Nalaman ko na rin kung bakit ang ingay niya nung kasama niya iyong kaibigan niya.
He’s such a yapper! How cute!
While he’s busy talking to me may na- realize lang ako na when you’re with him wala kang dull moments between the two of you. He carries the conversation really well!
Hanggang sa hindi na namin namalayan na gabi na pala, kay ito kami ngayon magkasabay naglalakad pauwi. Well, he insisted it, nakakahiya naman daw kasi na ako lang mag- isa dahil siya namna ang dumaldal sa akin kaya’t ginabi na kami ngayon.
Like what i just said earlier, extrovert nga siya. Katulad nag kamo ngayon..
“Oy Le! Pauwi ka na? Ingat ah, kita na lang tayo bukas!’ akala mo hahabol ito sa pagiging mayow eh! Siguro nga lahat ng department may kakilala to!
Nagulat pa nga ako dahil habang naglalakad kami papunta sa gate ay may narinig pa ako na kami raw ba nitong si Jaemin! Oh my goodness, give me a break! Halong isang buwan pa lang pero ang dami niya na kilala, paano yun?
Layu-layuan lang ako nito! Josko po!
Nang sinabi ko ngan layuan ako nito ay ito naman siyang lagi kong nakikita, laging nakabuntot sa akin!
Simula nung ibinigay ko ang social media accounts ko sa kaniya ay kinukulit na ako, chat nang chat sa akin kung ano raw ang ginagawa ko ngayon. Naging excuse pa nga kamo na naging magkaibigan kami. Lalo lang ako nainis dahil para siyang alarm ko, sunod- suno kamo ang tunog ng phone ko kapag yan ang kausap mo.
Labag man kamo sa loob ko ay sumasama ako sa kaniya, in my defense win-win situation din. Hindi naman nawawala ang oras ko sa pag- aaral dahil kapag lalabs kami ay pareho kaming nag- aaral din. Siguro ay naghahanap ito ng kasama mag- aral.
Katulad din kmao ngayon, hindi ko alam na kasama pala iyong mga kaibigan niya! We’re eating lunch near at our school, hindi man lang sinabi sa akin na kasama pala niya mga kaibigan niya. Kupal talaga eh!
Hindi ko na rin alam ang nangyayare dahil ang iingay nila, hindi pa namna ako sanay sa maiingay na lugar unless dumami lang talaga ang tao. Taong bahay lang kasi ako, ayoko talagang umaalis. Nasanay din naman ako sa mga kaibigan kong tahimik, kapag naubos social battery nila.
Nagulat na lang ako dahil biglang lumapit sa akin si Jaemin at may binulong.
“Pasensiya kana kung masyadong maingay mga kaibigan ko, ngayon lang din kasi kami ngakita- kita” josko po naman! Give me some damn break from this guy!
“Minsan na lang pala kayo magkita- kita sinama mo pa ako!” sinamaan ko siya ng tingin at siniko
Nginitian lang ako! Anong nakakasaya ron? Jaemin malilintikan ka talaga sa akin!
Our lunch with my friends are done, and here I am bringing Haechan to his building since mas maaga ang afternoon class nya ngayon. Nagsusungit ito sa gilid ko!
Paano ba naman ay hindi ko raw sianbi sa kanya na lunch pala iyon ng mga kaibigan ko, edi sana raw ay hindi na sya sumama.
FYI! Hindi ako papayag, dahil nga minsan na lang kami magkita- kita ng mga kaibigan ko ay i-lowkey pakilala ko na sya! Sarap lang!
Hindi niya alam na sino-soft launch ko na siya sa ig ko tuwing nag study date kami, study date? Ako lang naman may alam na study date iyon
Hay nako, my walking little baby!
“Haechan, pst!” pagtawag ko sa kanya, agad din naman itong tumingin sa akin… na magkasalubong pa ang kilay
Ang cute-cute niya, bigla na lang gumalaw ang kamay ko at pinisil ang pisngi niya
“Masakit! kapag hindi mo tinanggal yan malilintikan ka sakin!” napayawa nalang ako dahil sa sinabi nya, best in oa talaga. Hindi naman kamo masakit yung pagpisil ko.
Kahit maliit yun ay mabilis maglakad, tamo ay mas nauuna na sa akin. May kinausap lang naman ako na kakilala ko paglingon ko ay malayo na sakin.
Malapit na rin naman kami sa building nya, nagtaka pa ako dahil huminto sya sa paglalakad at para bang hinihintay ako. Tinuro ako, may halong pagkakataka. Nakakunot na ulit ang noo nya. Maaga syang tatanda kung laging nakakunot ang noo.
Bigla kong naalala na nasa akin pala yung gamit nya.
Dapat ginagawang prinsesa itong baby ko! Cute-cute ba.
Unexpectedly me and Jaemin become closer and closer to each other. Simula rin nung nakasama ko yung mga kaibigan nya ay lagi na akong binabati kapag nagkakasalubong kami.
It feels warm and I like it, having a friend like that.
So I was saying me and Jaemin always tag along to each other, kung nasaan ako ay nandoon din sya. Kung nasaan sya ay isasama nya ako kahit hindi pa ako pumapayag.
May nagtanong sa akin na ka-block ko kung ano raw ba kami ni Jaemin dahil lagi kaming magkasama, kahit saan daw ako lagi akong nandoon. Ang sinasabi ko lang ay magkaibigan kami, hindi ko rin naman alam kung ano ba kami ni Jaemin.
Because it's clearly na he's just with me because we're friends! ganon din naman sya sa iba, sa iba nyang nga kaibigan. Nakikita ko rin naman. He's just too friendly.
Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, bonding lang since matagal na rin kami hindi nagkikita. Mga busy na sa pagiging kolehiyo. Buti nga kamo ay lahat kami ngayon ay free kaya’t nagkayayaan mga uminom.
Nasa labas kami ngayon ni Mark at nagpalawala nang tama, madami na rin kasi ang naimom namin.
“Pre, ano ba kayo ni Haechan” pagsisimula ng tanong nya, handa na ako sagutin yung tanong nya ng biglang nagsalita ulit.
“Ganito kasi pre, lagi kayo lumalabas ni Haechan lagi kayo magkasama. Alam ko rin na alam mo na iba yung trato mo sa kanya. Kaso sa tagal niyo na rin lumalabas labas na kayo lang at sinasama mo pa minsan sa atin, ni minsan ay hindi mo sinabi sa amin kung ano ba kayo” tama naman sya, kaso bugok lang at hindi ako pinayagan magsalita!
“Ulol ka! sasagot na ako tapos bigla kang hihirit pa tapos sisihin mo ako na hindi ko sinabi kung ano kami ni Haechan. Crazy ka ba?”
I was just explaining to Mark that I have this little crush to Haechan hanggang sa lumalim ito kaya nga sinama ko sya sa lunch date naming magkakaibigan. Sinabi rin sakin ni Mark na baka naguguluhan si Haechan dahil baka na kaibigan ko sya kaya ganon ang trato ko
Itong si bugok talaga lagi akong pinangungunahan, handa naman akong umamin kasi baka naguguluhan sya. Baka hindi nya lang iniisip na iba yung trato ko sa kanya dahil marami akong kaibigan, baka akala nya ay pare-parehas lang ang trato ko.
May kaibigan bang sino-soft launch ko sa ig tuwing aalis kami at sabay mag aral? iiyak ako ‘no!
Himala ata at hindi nag-aya itong si Jaemin na lumalabas pero sabi nya sa akin ay pumunta raw ako sa locker ko at may iniwan siyang mahalaga, ang ibig sabihin nya aa mahalaga ay kailangan kong tingnan agad!
Si oa talaga! Malay mo ay busy ako, masama talaga ugali nun.
Nakarating naman ako sa locker ko at nakita ko agad yung envelope na kulang brown, nakasulat pa ron “paumanhin nd m fav color ang npili k (*﹏*;)” nakalagay naman sa harapan ay “to my bff forever” parang tanga!
While opening the letter I'm shaking because of the letter that was written. I didn't expect it. No one's expecting this.
Hi Haechan I know this is too cheesey hshshshshhshshw ahas yarn???? hahahahaha im too nervous to say this in person so I'm here making a damn letter to confess my feelings to you. Huwag kang kiligin pls! Remember the day that you bumped into me that was the first day that I lost my composure because you are too cool in my eyes. That second time that I realized that i have a little crush on you when you are studying. Ang cute mo lang habang nag-aaral ka, kinuhanan pa nga kita ng litrato dahil sa araw na tumama sa balat mo. That day gusto ko na rin na kasama ka palagi, siguro nung araw na yun nakahanap ako paraan para makasabay ka umuwi. Hinabaan ko talaga yung chika ko para abutan tayo ng gabi. Your presence is enough for me to keep going to my chika’s kahit alam kong introvert ka pero everytime na nahihinto ako magsalita dahil akala ko la k pake sa akin, ouch :'( tiningnan mo ako para sabihin na ituloy ko lang kahit maingay ako….. right? Remember nung inaya kita mag lunch pero kasama ko mga kaibigan ko, that was my lowkey confession to my friends that you are my lover (para sa akin! paladesisyon) down bad s iyo! xD…. Hindi ko na alam sinasabi ko…. pero hindi pa dapat ako aamin pero dahil crazy si mark at napa realize nya sa kin na i2 n ang time para sabihin sau ang nararamdaman ko….. I realized that… baka akalain mo na parehas lang trato ko sayo at sa iba. Baka isipin mo rin na kaya tayo magkasama lagi ay dahil close na tayo…. I love your company, haechan. No doubt. I want you by my side I want your warmth beside me. I love your presence. I love you. I hope you don't overthink that wa but that's inevitable so here's the assurance that I'm not the same with others. Iba yung treatment ko sayo, I hope you know it dahil hatid kita palagi para alam kong safe ka xD! ayun lang…. mwa hehehehehehehehhe. im talking nonsense by sabrina carpenter.
Jaemin Na.
Para akong tangang umiiyak habang binabasa iyong letter, agad naman may nagpunas ng luha ko. Alam ko na agad kung sino, tiningala ko ito. Bumungad yung ngiti nya sa akin. Ngiti nya na sa akin ko lang nakikita.
Agad ko naman itong niyakap dahil nahihiya na ako, crazy kasi sya.
One thing that I love about Jaemin is he's always checking me up when in need. Laging sakto na kailangan ko sya lagi syang sumusulpot. My mushroom. crazy kasi sya.
My Jaemin, My love love.
