Work Text:
Eto na naman tayo.
JL isn't even surprised at this point. Ano pa bang bago, di ba? Ganito naman kasi palagi eh. Magmamahal siya tapos at some point mamahalin din siya. Sasaya siya pero at some point masasaktan din siya.
Paulit-ulit nalang.
“Nakakapagod ka, Jay.”
Pagod na ako.
“Itigil na natin 'to.”
Patigilin niyo na 'to, please.
“Ayoko na.”
Ayoko na.
“Tapusin na natin 'to.” Hindi nag-angat ng tingin si JL. Hindi na rin siya sumagot. Hinayaan niyang umalis ito at iwan siyang nakaupo sa madalas nilang pwesto sa cafe na 'to. Ang cafe kung saan sila unang nagkita.
How thoughtful of him, right? JL scoffs at the thought and picks up his cup to take a sip. To break up with him on a bright Wednesday afternoon—in the middle of a fucking exam week—in the same place they first met. Halos iluwa ni JL ang iniinom na kape. He didn't even like coffee! Pero dahil tanga at bobo siya at madali siyang mauto, tiniis niyang uminom ng kape sa pitong buwan niyang nakilala ang gago.
Tangina talaga ng mundo.
Tumayo si JL at sinukbit ang bag sa balikat. Wala na siyang jowa pero may mga exam pa siya at magsisimula na ang isa sa mga 'to sa loob ng dalawang oras. Wala na siyang jowa pero may thesis siyang kailangang i-revise at ipa-consult this week. Wala na siyang jowa pero may pamilya siyang umaasa sa kaniya. Wala na siyang jowa pero putangina pagod na pagod na siya.
“Exam ba 'yon o kabayaran sa mga kasalanan ko?”
“Kabayaran sa mga kasalanan mo, Woongki.”
“Sana nanahimik ka nalang, Han.”
Naiiling si JL sa naririnig mula sa mga kaibigan habang inaayos ang dalang bag. Hindi niya rin alam anong magiging score niya sa exam. Ang importante, tapos na.
Isa pa, sapat na siguro yung sakit na binibigay ng mundo sa kaniya para sa kabayaran sa mga kasalanan niya, ano? O pati ba kasalanan ng mga ninuno niya, siya rin magbabayad?
“Ilan nga ulit exam natin bukas, Jay?”
“Dalawa bukas. Isa sa Friday,” sagot niya kay Han habang naglalakad na sila palabas ng campus.
“Susunduin ka ba, Jay?”
Isang iling ang sagot niya kay Woongki, “Hindi. Wala nang susundo.”
Rinig niya ang pait sa sinabi at ang pagkakatigil ng dalawang kaibigan. Nilingon niya ang dalawa na parehong napatigil sa paglalakad, bahagya pang nakaharang sa hallway. Nangunot ang noo niya pero natatawa siya sa itsura ng dalawa. Binalikan niya ang mga ito at hinila sila pareho pagilid, “Huy. Nakaharang kayo baka bukas may entry na sa confession page–”
Mahigpit na yakap mula kay Woongki ang nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita. Napakurap siya nang ilang beses bago yumakap pabalik, napapangiti, “Okay lang ako, ano ba!”
Hindi sumagot si Woongki at nanatili lang na nakayakap sa kaniya. Tahimik si Han pero naramdaman ni JL ang marahang haplos sa likod niya. Nagbuntong-hininga siya at hinigpitan ang yakap kay Woongki.
“Kailan lang?”
“Kanina lang.”
Napamura si Woongki at hinigpitan din ang yakap sa kaniya. Natawa si JL lalo na nang marinig niya ang mahinang bulong nito ng, “Gago talaga 'yun.”
Tumango si JL at dalawang beses na tinapik ang likod ni Woongki bago kumalas sa yakap. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Woongki—nakanguso at kunot na kunot ang noo. Ngumiti si JL saka binalingan si Han sa tabi nito na malungkot na nakatingin sa kaniya. Umiling siya saka tumawa, “Okay nga lang ako! Mas nag-aalala pa ako sa exam ko kaysa dito.”
Totoo rin naman. Hindi niya muna masyadong iniisip kasi may exam pa siya at wala pa siyang time maging brokenhearted. Hindi pasok sa schedule.
But then when you set your emotions aside because you want to deal with it later when you think it's finally convenient to do so, it comes back to bite you in the ass. On a day where it is inconvenient for you.
It starts with a phone call JL gets.
“Jay, may tumatawag ata sa'yo.”
Napatigil si JL sa pagtitipa sa laptop dahil sa bulong ni Woongki sa tabi niya. Nilingon niya ang kaibigan at hawak nito ang phone niyang nagba-vibrate dahil sa tumatawag.
[Tita Calling…]
Inabot ito ni JL at tumayo, sinesenyasan ang mga kaibigan niya na sasagutin niya lang ang tawag. Tumango sila Han kaya naglakad siya palabas ng library habang sinasagot ang tawag.
“El, kanina pa ako tumatawag ba't ang tagal mong sumagot?”
Huminga nang malalim si JL at tumikhim bago sumagot, “Pasensya na po. Nasa library po kasi kami gumagawa ng thesis namin.”
“Talaga lang, ah?” Napapikit si JL sa tono ng tiyahin niya. Lalo pa nang magsalita ulit ito, “Sigurado ka bang hindi ka nakikipagdate lang diyan sa siyudad?”
“Hindi po, tita…” Kahit pa gusto niya nang sumagot, hindi niya ginawa. Mahinahon at magalang siyang sumagot. Kasi iyon ang turo sa kaniya ng nanay niya. Maging mahinahon at magalang.
There's a scoff from the other line he ignores by asking, “Bakit po kayo napatawag? May nangyari po ba?”
“Oo, meron!” JL flinched at the volume. “Umuwi ka rito bukas kasi walang magbabantay sa kapatid mo at may lakad ako.”
“Tita, may pasok po ako sa umaga–”
“Wala akong pakialam! Umuwi ka rito bukas!” Magsasalita pa sana siya kaso nagsalita ulit ang tiyahin, “O baka naman lalandi ka lang bukas? Nako, El, sinasabi ko sa'yo ha–”
“Hindi po, tita. Uuwi po ako bukas–”
“–malaman-laman ko lang na inuuna mo 'yang lalaki mo kaysa sa pag-aaral mo o sa kapatid mo, ako mismo ang–”
“Break na po kami!” Just as he shouted the words, he was immediately regretting it. Mariin siyang napapikit habang sapo ng kamay ang noo. Sa mas mahinahon na boses, “Wala na po k-kami. Uuwi po ako bukas ng h-hapon…”
Napakagat siya sa labi nang marinig ang sariling mautal dahil sa pinipigilang mga luha, “Kung maaga po kayong a-aalis, baka po pwedeng iwan niyo muna s-si bunso kay Ate Grace. May klase po kasi ako sa umaga, hindi ako p-pwedeng umabsent.”
Tahimik sa kabilang linya. Halos masugatan na si JL sa diin ng pagkakakagat niya sa labi niya. Mabigat ang paghinga niya kasi pigil na pigil siyang umiyak.
Bumuntong-hininga ang tita niya sa kabilang linya, “Oo na. Umuwi ka rito. Ba't ba namana mo samin ng nanay mo pagiging bano pumili ng lalaki?”
Napairap si JL sa narinig lalo na nang agad na binaba ng tiyahin niya ang tawag. Ni hindi man lang siya nakasagot. Binulsa niya ang hawak na phone at nag-angat ng tingin, binabalak na pumunta ng CR para pahupain ang sarili. Damang-dama niya pa kasi ang pangingilid ng luha niya at pakiramdam niya, isang kalabit nalang ngangawa na siya.
Tama nga siya dahil sa pag-angat niya ng tingin, nag-uunahang bumagsak ang mga luhang noong Miyerkules niya pa pinipigilan nang makita ang matalik na kaibigang tatlong araw niya ring iniwasan. Kinagat niya ang labi at sinubukang pakalmahin ang sarili pero isang hikbi ang kumawala na sinundan ng isa pa at isa pa hanggang sa tuluyan na siyang humagulhol sa kinatatayuan.
Mas lalo lang siyang napaiyak nang maramdaman niyang niyakap siya.
“Ai,” tawag niya sa kaibigang mahigpit na nakayakap sa kaniya. “Ai, wala na kami.”
Hindi sumagot si Shuaibo at nanatili lang na mahigpit na nakayakap sa kaniya. Binaon ni JL ang mukha niyang basa na ng luha sa dibdib ng kaibigan habang nararamdaman niyang hinahagod nito ang likod niya.
“Wala na kami…” ulit niya kasabay ng isang hikbi.
“Ayaw niya na raw sa'kin…” Ni hindi na niya ininda na para siyang batang nagsusumbong sa mga magulang niya. Ayaw din humupa ng mga hikbi niya.
“Nakakapagod daw ako…” Kumawala ang malakas na hikbi mula sa kaniya sa inamin sa kaibigan.
Ang sakit pala sabihin. Nakakapagod daw siya. Saan banda? Nakakapagod lang ba siyang mahalin? Intindihin? Alagaan? O nakakapagod talaga ang buong pagkatao niya?
Hindi niya naman gustong intindihin siya palagi. Alam niyang minsan mahirap siyang intindihin. Hindi niya rin hininging alagaan siya palagi. Kaya niya naman alagaan ang sarili niya.
Ang tanging hiniling niya lang naman ay mahalin siya.
Mahirap ba 'yun?
“N-Nakakapagod daw ako…” ulit niya, sa mas mahinang boses.
“Shh…” Parang gusto ata siyang patigilin ni Shuaibo sa pagsasalita, “Tahan na, El.”
Umiling si JL. Hindi niya alam anong inilingan niya pero umiling siya. Naramdaman 'yon ni Ai kaya kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya. Umiling ulit ni JL, nakasubsob ang mga kamay sa mukha. Naramdaman niya ang kamay ni Ai na akmang hahawiin ang kamay niya pero umiling siya at umatras.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na hakbang.
“El…”
Umiling ulit siya, humihikbi pa rin.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na hikbi.
Nag-angat siya ng tingin at tiningnan si Shuaibo sa nanlalabong mga mata. Pinahid niya ang luhang kanina pa tumutulo.
“Ikaw din ba, Ai?” Isang hikbi. “Pagod ka na rin ba sa'kin?”
Parang gusto niyang bawiin ang tanong niya. Ayaw niya na pala marinig ang sagot. Hindi niya pala kaya. Baka tuluyan siyang gumuho sa maririnig niya.
Umiling ulit siya at yumuko, tinitigan nalang ang sapatos niya, “Kasi pagod n-na ako sa'kin…”
“Ako hindi.” Nabalot ulit siya sa yakap ng kaibigan. Hindi niya namalayang nakalapit na ulit ito sa kaniya.
“Hindi pa. Hindi kailanman.”
Mas lalo siyang naiyak sa narinig. Sa tono ng boses ni Ai sakaniya, parang siguradong sigurado ito na hindi siya pagod.
Bakit hindi siya pagod? Gusto ulit magtanong ni JL. Bakit hindi? Kung may tao mang may karapatang mapagod sa kaniya, si Shuaibo 'yon. Sa araw-araw na ginawa ba naman ng Diyos, inaraw-araw din ni JL ang mga maling desisyon niya sa buhay.
“Hindi ako mapapagod, El.” Kumalas si Ai sa yakap at wala nang nagawa si El kung hindi hayaan itong pawiin ang mga luha niya, “Baka ikaw ang pagod na sa'kin?”
Mabilis umiling si JL bilang apila.
Mahinang natawa si Ai sa nakita, “Edi ako rin. Hindi ako pagod sa'yo. Hinding-hindi.”
“Anong nangyare–”
Hindi natapos ni Woongki ang itatanong niya sana nang makita kung sino ang kasama ng kaibigang bumalik sa pwesto nila sa library. Umupo si JL sa tabi niya, mugto ang mga mata at pasinghot-singhot pa. Kasunod nitong umupo si Shuaibo sa kabilang gilid at hindi man lang siya binigyang pansin.
Nagkatinginan sila ni Han.
“Ayos ka lang, Jay?”
Tumango si JL at binigyan siya ng ngiti. Binaling niya naman ang tingin kay Shuaibo na tinaasan lang siya ng kilay. Umirap si Woongki at hindi nalang nagsalita kahit kating-kati na siyang magtanong.
Saka palang siya nakapagsalita nang magdesisyon silang umalis na ng library at maghanap ng makakainan.
“Ayos ka lang talaga, baks?” Agad niyang tanong kay JL nang makalabas sila ng library. Medyo mugto pa rin ang mga mata nito.
“Yup!” Tumango si JL sa kaniya.
“Hindi ka naman pinaiyak ni Ibo, ano?”
Nilunod ng tawa ni JL ang pag-ismid ni Shuaibo, “Parang ganon na nga.”
Umiling si Woongki at nilingon si Shuaibo. Tinaasan ulit siya nito ng kilay. Tinaasan niya rin ito ng kilay at binaba ang tingin sa kamay nitong may band-aid. Mabilis na tinago ni Shuaibo ang kamay niya. Inangat ni Woongki ang tingin niya at nginisihan ito. Sinimangutan siya ni Shuaibo.
Tumawa siya at inakbayan si JL.
Sana kasi hindi totorpe-torpe ang isa diyan. Edi sana hindi na rin nasaktan ng isang gago 'tong bestfriend niya.
Umiling si Woongki sa naisip at nilipat ang tingin kay Han na nangungunang maglakad. Kung pwede niya lang irapan ang sarili, ginawa niya na. Kasi pati siya pala, duwag din.
Hay, nakakagago talaga ang buhay.
