Work Text:
Palaging binibigkas ang pangalan ni Eva sa mga runway na may paghanga at paggalang. She had dressed celebrities, royalty, and even designed the show-stopping closing gown for last year’s Paris Fashion Week—a masterpiece that graced the covers of fashion magazines from Milan to Tokyo.
Mga artista sa pelikula, mga anak ng politiko, at maging mga beauty queens mula sa iba’t ibang bansa ang dumaan na sa kanyang mga palad. She lived in a world of silk, sharp lines, and the constant hum of camera shutters.
Ang bawat araw niya ay nababalot sa tahimik na luksong adrenaline ng mga fitting, sketches, at boardroom meetings kung saan siya ang palaging huling salita. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito—ang tagumpay, ang palakpakan, ang pagkamangha—may unti-unting lamig na gumagapang sa kanyang dibdib.
Para bang nawawala ang kulay sa kanyang mundo. Ang mga dating nakakapanabik na disenyo’y bigla na lang nagmistulang paulit-ulit. Ang mga tela, gaano man kamahal, wala ng dating sa kanya. Wala na siyang nadarama kundi ang pagkauhaw—hindi lang sa inspirasyon, kundi sa isang bagay na hindi niya pa mailarawan.
Kaya isang hapon, habang abala ang lahat sa studio—may masigasig na nagtatahi sa ilalim ng ilaw ng desk lamp, may nagmamadaling naglalapat ng huling sketch sa mood board, may nagtatalo tungkol sa tamang shade ng tangerine para sa fall collection—tumayo siya, tahimik, walang pasabi, at lumabas. Suot niya ang oversized na sunglasses na halos kumubli sa kanyang buong pagkatao, at isang puting trench coat na kasing linis ng unang yelo sa taglamig. Mahigpit ang pagkakatali ng kanyang sinturon—parang iyon na lang ang pumipigil sa kanyang unti-unting pagkawasak.
Tahimik siyang bumagtas sa lungsod, tinatahak ang mga lansangang matagal nang nilisan ng kanyang mga paa. Sa bawat hakbang, sumasalubong sa kanya ang init ng aspalto, ang alinsangan ng hininga ng siyudad. Sa mga bangketa, ramdam niya ang bigat ng mga yapak na araw-araw bumabaybay dito—mga kalyeng nabalot ng kuwento, ng pagod, ng pag-asa. Ang amoy ng usok, ng piniritong mantika, ng basang karton—lahat ay sumanib at humalo sa kanyang alaala. May tindera ng isaw na sumisigaw ng paninda, isang dyip na dumaan na may maingay na tambutso’t musika, mga batang tumatawa habang naglalaro sa gilid ng kanal. Walang make-up. Walang spotlight. Walang filter. Puro hilaw. Puro totoo.
Sa bawat pagbagtas niya sa kalye, may mumunting damdaming kumakawit sa kanyang puso. Parang apoy na dati’y napaso, ngayo’y muling kumikislap—mahina na, pero buhay. Para bang ibinubulong ng lungsod: Nandito ang hinahanap mo. Sa usok. Sa init. Sa mga sigaw at halakhak. Sa kaguluhang kay tagal mong tinakasan.
At doon niya nakita ang flower shop.
Tahimik lang itong nakasiksik sa pagitan ng isang bakery at tindahan ng cellphone accessories. Wala sa itsura nito ang anumang pahiwatig ng ganda—kupas ang signage, may kaunting alikabok sa bubong, at may isang bombilyang patay na hindi na yata napalitan mula pa noong Disyembre. Sa labas, may mga kalat na dahon at plastic crate, parang walang pakialam kung ayos ba itong tingnan. Pero nang mapadako ang tingin niya sa mismong display ng mga bulaklak, bigla siyang napatigil.
Ang kulay. Parang sinabugan ng pintura ang harapan ng shop. May mga wild sunflower na tila sumisigaw ng saya, mga ube’t lila na orkidya na nakatungo pero may presensiyang hindi mo puwedeng balewalain. May mga tulips na mukhang bagong gising, rosas na di perpekto ang petals pero tila mas totoo dahil doon. Hindi ito yung tipong bouquet na nakalagay sa mamahaling vase at makikita sa mga hotel lobbies o sa table arrangements ng mga restaurant. Hindi ito bulaklak na dinisenyo para lang sa Instagram. Ito'y parang pinulot mula sa isang hardin ng alaala—magulo, makulay, at punong-puno ng damdamin.
At doon niya siya nakita.
Sa loob ng shop, may isang taong abala sa pag-aayos ng mga bulaklak. Naka-roll up ang sleeves ng puting polo, may konting putik sa laylayan ng pantalon, at may maliliit na sugat sa kamay—pruweba ng araw-araw na paghawak sa tinik at lupa. Hindi ito glamoroso. Hindi rin ito scripted. Pero sa kung anong dahilan, hindi siya makatingin nang diretso. May kung anong bigat sa dibdib, hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa kakaibang kabog na ngayon lang niya ulit naramdaman.
Tumingin ang florist sa kanya. Isang iglap lang. Isang sulyap na puno ng tanong at liwanag, na para bang sinasabi: Ngayon ka lang dumaan dito, pero matagal na kitang hinihintay.
At napansin niyang ngumiti siya—hindi ‘yung ngiting polite lang. Kundi ‘yung ngiting marahang kumakawala sa matagal nang pagkakatago. ‘Yung ngiti ng isang taong biglang naalalang kaya pa pala niyang makaramdam ng kilig.
“Hi!” bati ng babae nang mapansin siyang nakatayo sa may pintuan. May hawak itong bundle ng eucalyptus at mga baby’s breath, abala sa pagtanggal ng mga tuyong dahon habang may konting dumi sa pisngi na hindi pa niya namamalayan. “Looking for anything?”
“Just browsing,” sabi ni Eva, medyo nagulat sa warmth ng boses. Hindi ito boses ng taong nagmamadali. Hindi rin boses ng taong may gustong patunayan. Kalma lang. Totoo.
“Cool,” sagot ng babae, habang patuloy sa pag-aayos ng bulaklak. “Medyo weird lang kasi di naman usually ‘binabrowse’ ang flowers, pero sige. Ikaw ‘yan eh.”
Napangiti si Eva, bahagyang napaangat ang isang kilay. “You don’t know who I am, do you?”
Nagtaas ng tingin ang babae, kumunot ang noo, tapos tumagilid ang ulo na para bang mas malinaw siyang makikita sa ibang anggulo. “Uhm, artista ka ba?”
Napatawa si Eva, ‘yung tawang may kaunting pagod sa ilalim. “Not exactly.”
“Hmmm…” Tumitig ulit sa kanya ang babae. “Vlogger?”
“No.”
“Politician? Please don’t be a politician.”
“God, no.”
“TikTok psychic?”
Eva laughed, this time mas maluwag. “Grabe ka, hindi. I’m a fashion designer.”
“Aaaah,” sabi ng babae, tila may bahagyang pag-unawa—pero wala pa ring senyales ng pagkilala. “So, like, you make pretty dresses?”
This time, Eva actually snorted. “Ganon nga. Pero mas high fashion. Paris. Milan. Vogue covers.”
The girl blinked. “Oh. Wow.” Tapos tumango. “Nice.”
“Nice?!” Umiling si Eva, napatawa na lang ulit. “I’m Eva Le Queen.”
Tahimik ang babae ng ilang segundo, tapos mahinang, “ Okay. Cool, cool, cool. Ang fierce naman ng pangalan mo.”
Eva paused. “Actually, yeah.”
“Love it.”
At doon, parang may sumabog na confetti sa loob ng dibdib ni Eva. Hindi dahil sa pagkilala—pero dahil sa kawalan nito. Wala siyang kailangang patunayan. Wala siyang kailangang i-perform . For the first time in a long while, hindi siya Eva Le Queen™ , kundi isang babaeng napadpad sa isang flower shop habang naghahanap ng dahilan para magpatuloy.
“Alam mo, lately,” sabi ni Eva, halos hindi niya namalayang nagsasalita na siya, “wala akong gana magdisenyo. As in zero. Dry. Para akong binlangko.”
“Writer’s block, pero fashion?” tanong ng babae, na ngayon ay nakaupo na sa isang upuang yari sa kawayan, may hawak na gunting at carnation.
“Exactly. Tapos dumaan ako dito, tapos ang ganda lang. May color. May gulo. May buhay.” Napatawa ng mahina si Eva. “Sorry. Dito pa talaga ako nag-rant.”
Tumingin ang babae sa kanya, ngumiti—hindi ‘yung ngiting parang customer service, kundi ‘yung parang... may alam. “Huy! Okay lang. Alam mo, minsan kasi, kailangan mo lang ng konting kaguluhan. Para maalalang buhay ka pa.”
Napanganga si Eva. “That’s actually very profound. Galing mo dun, ah.”
“Oo nga, ‘no? Sayang, hindi ako nag-Ted Talk. Baka sikat na ako ngayon,” sagot ng babae sabay kindat. “Kung alam ko lang na super sikat ka pala, baka kinabahan ako.”
“Thank God hindi mo alam,” bulong ni Eva.
“Anong sabi mo?”
“Wala,” mabilis niyang sagot, pero may ngiti sa kanyang mga mata. “So, may bouquet ba kayo for burned-out fashion designers?”
“Tingnan natin.” Tumayo ang babae, hinila ang isang bucket ng mga tulips at ranunculus. “Pero dapat ikaw rin ang mamili. Para ma-practice mo ulit yung mata mo sa kulay at ganda.”
Eva blinked, then smiled. “You’re not bad at this.”
“Sa bulaklak o life advice?”
“Both.”
Tahimik silang sandali habang pinipili ng babae ang ilang tangkay ng peony at lisianthus, tapos biglang nagsalita ulit.
“By the way,” sabay abot ng kamay niya na may kaunting alikabok ng pollen, “Precious.”
Napakagat-labi si Eva sa ngiti niya. “Of course it is.”
Precious napakunot-noo, medyo amused. “Anong ‘of course?'”
“Wala lang. Just fitting. Ang florist na nakapagbalik ng kulay sa araw ko, tapos Precious pa talaga pangalan? Parang sinulat ng universe.”
“Corny mo,” natatawang sabi ni Precious, pero hindi binawi ang kamay.
Eva shook it, mahigpit pero marahan, parang ayaw niyang bitawan agad. “Eva,” sabi niya.
“Alam ko na,” sagot ni Precious. “Sikat ka nga, ‘di ba?”
“Akala ko ba hindi mo ako kilala?”
“Hindi nga. Pero ngayon, medyo curious na ako.”
“Curious?” tanong ni Eva, habang pinagmamasdan si Precious na abalang inililipat ang mga bulaklak sa mesa—isang galaw na parang sayaw, may ritmo, may katahimikan. “Dapat ba akong kabahan?”
“Depende,” sagot ni Precious, hindi man lang tumingin. “May dark secrets ka ba? Yung tipong headline-worthy?”
“Wala naman,” sagot ni Eva, sabay pikit ng mata na parang sinusubukang maghukay ng drama mula sa sarili. “Bukod sa borderline unhealthy obsession ko sa Italian wool at hindi ako marunong magluto ng kanin, wala.”
Tumawa si Precious—hindi lang basta tawa kundi ‘yung klaseng tawang parang yakap, parang sinasabi: “Safe ka rito.”
“Hmm. Hindi pa rin ako convinced,” sabi niya habang inaabot ang ribbon para itali ang bouquet. “Pero sige na nga. You’re growing on me, Miss Eva.”
Tahimik si Eva. Pumirmi lang sa kinatatayuan niya, parang ayaw gambalain ang eksena. Pinanood si Precious—ang maingat na pagtiklop ng mga dahon, ang banayad na ngiti habang inaayos ang petals, ang parang natural na paggalaw sa espasyong ito na puno ng liwanag, amoy ng lupa, at kaunting pag-asa.
Kung tutuusin, hindi niya naman talaga planong pumasok kanina. Napadaan lang siya—pagkatapos ng ikatlong kape at wala pa ring maisulat, pagkatapos ng ilang araw na pakiramdam niya ay wala nang bago sa mga kulay, wala nang direksyon ang mga disenyo, wala nang inspirasyon kahit saan. Sunog ang imahinasyon, tuyot ang loob. Pero may isang bagay sa mga bulaklak sa flower shop ni Precious—isang pagsabog ng mga kulay at anyo—na parang nagpaalala sa kanya na kahit ang gulo, puwedeng maging maganda.
“Pwede ko bang sabihin ‘yan din sa’yo?” tanong ni Eva.
“Ano?”
“You’re growing on me.”
Natigilan si Precious. Napatingin kay Eva, pero hindi inalis ang ngiti. Tumango—mabagal, mahinahon, parang tinanggap ang salita hindi bilang biro kundi bilang totoo.
“Sige,” sagot niya. “Pero kailangan mong bumili ng flowers every time na sabihin mo ’yan.”
“Deal,” sabi ni Eva, may halong ngiti. “Actually, baka kailangan ko ng subscription.”
Napatawa ulit si Precious, mas mahaba ngayon, mas malaya. Pero bago pa siya muling makasagot, isang busina ang pumunit sa hangin mula sa labas—isang delivery truck, may dalang sako ng lupa at bagong mga paso. Nagmadali siyang lumabas, iniwan si Eva sa loob ng shop.
Naiwan si Eva, mag-isa, hawak ang bouquet. Amoy ng lupa, amoy ng bulaklak—at isang bagay na mahirap pangalanan. Parang paanyaya. Parang simula.
Sa kanyang mga daliri, marahang hinaplos ni Eva ang mga talulot. Malamig. Malambot. Buhay.
At sa katahimikan ng shop, parang naririnig pa rin niya ang tawa ni Precious—kumakapit sa hangin, umaalalay.
Pagbalik ni Precious sa loob, bahagyang pawisan, may bakas ng lupa sa braso’t palad, agad siyang napahinto nang makita si Eva—nakatayo pa rin sa gitna ng shop, hawak ang bouquet na kanina lang niya inayos.
“Uy,” bati niya, pinupunasan ang noo gamit ang kanyang kamay. “Napili mo pala ’yan.”
Tumingin si Eva, may ngiting bahagyang nahuli, parang nahuling gumagawa ng bagay na hindi inaasahan. “Hindi ko alam kung bakit, pero ito agad yung napili ng kamay ko. Para bang tinawag ako.”
Lumapit si Precious, tumingin sa bouquet na parang may lihim itong kinikimkim. “Sunflowers, orchids, at daisies,” bulong niya, halos para sa sarili. “ ’Yan yung pinili ko kanina para sa ‘burned-out fashion designer’ arrangement mo.”
Napangiti si Eva, pinagmasdan ang mga bulaklak. “Yeah? Bakit ito?”
Lumapit si Precious, banayad ang hakbang at parang may sariling orbit ang presensya. Maingat niyang tinapik ang ilang dahong nakasilip sa gilid ng bouquet, para bang binabati pa rin ang mga bulaklak kahit hawak na ng iba.
“Sunflowers,” aniya, halos pabulong pero malinaw. “ They follow the sun. Pero ang totoo? Kapag wala na ’yung araw, humaharap sila sa isa’t isa. Parang ayaw nilang mag-isa.”
Napakagat-labi si Eva, hindi niya alam kung dahil sa sinabi o sa kung paano ito sinabi. Tila lumambot ang paligid—na parang biglang humina ang tunog ng lungsod sa labas. Ang natira lang ay ang amoy ng mga sariwang talulot at ang boses ni Precious—mainit, kalmado, parang paanyayang magpahinga.
Nag-angat siya ng tingin. Tumingin si Precious. May ilang segundong walang nagsalita, pero ang katahimikan ay hindi awkward. Para silang dalawa lang ang tao sa shop, sa mundo.
Hinaplos ni Precious ang isang orchid na nakasingit sa gitna ng bouquet. “Mapili sa lupa. Mahirap alagaan. Pero kapag namulaklak, sobrang ganda.”
Bahagyang natawa si Eva, mahina lang, pero totoo. “So demanding?”
“Independent,” tugon ni Precious, may bahagyang ngiti sa labi. “Pero worth it.”
Pinaglaruan niya ang tangkay ng isang daisy, pinasadahan ng daliri ang mga munting talulot. “Daisies are quiet. Hindi sila flashy. Pero ang tibay. Kayang mabuhay kahit sa gilid ng kalsada, basta may konting araw.”
“Resilient,” sambit ni Eva, halos para sa sarili.
Tumingin si Precious sa kanya. “Kaya pala parang ikaw ang pinili ng bouquet na ’to.”
Natigilan si Eva. “Ako?”
Tumango si Precious. “Minsan kasi, hindi talaga tayo ’yung pumipili ng bulaklak. Sila ang pumipili sa atin.”
Hindi agad nakasagot si Eva. Hindi niya alam kung paano babalansihin ang biglang init sa dibdib, at ang pakiramdam na may binubuksan sa loob niya—dahan-dahan pero hindi na mababalik.
Inabot niya ang bayad, pero sa halip na ilapag lang, sumayad ang mga daliri niya sa palad ni Precious. Saglit lang. Isang iglap. Pero sapat para mapansin ng pareho.
Nag-init ang pisngi ni Eva. “Sorry—”
Ngumiti si Precious, hindi siya nagulat. “Okay lang. May ganyang ugali talaga ang mga bulaklak—’yung parang sinasadya nilang ilapit ang mga tao.”
Ngumiti si Eva, mas totoo kaysa sa alinmang ngiti na naipinta niya nitong mga huling linggo. Hindi niya namalayang mahigpit ang pagkakakapit niya sa bouquet—parang may ayaw siyang pakawalan.
Paglabas ni Eva ng flower shop, sinalubong siya ng ginintuang sikat ng araw na lumapat sa batok niya na parang halik, habang ang malamig na simoy ng hangin ay dahan-dahang humaplos sa pisngi niya—parang kamay na marahang tumutukso, nang-aanyaya. Sa dibdib niya, may sumiklab na matagal nang natutulog: hindi lang inspirasyon, kundi matinding pagkasabik. Parang nagliwanag ang mundo, at ang lahat ay biglang mukhang bago.
Sa mga bisig niya, nakayakap ang mga mga bulaklak na si Precious mismo ang nag-ayos—maliwanag, buhay, at walang takot. Tulad ng ideyang biglang lumitaw sa isip niya, buo na, malinaw, sigurado.
Alam na niya ang susunod niyang design. At alam niyang nagsisimula na ang kung anuman ’to .
