Work Text:
it’s been three weeks since the poging-kuya-na-grabe-makabukaka-dahil-sa-pigsa-incident of wonwoo. that day, nakarating naman sya sa bababaan nya nang hindi napapaaway. ang problema nga lang, kung saan bumaba si wonwoo, nagulat sya na kasabay nya pang tumayo yung dalawang lalaki sa tabi nya. hindi PA pala napapaaway. what if dambahin sya nitong mga to pagkababa?
pero overthinker lang siguro si wonwoo dahil pagkababa nya, napalingon sya sa likod at nakita nyang iika-ika na inaalalayan ni friend si kuyang pogi sa likod. hashtag somakses sa pagtatago si badeng.
naawa pa nga si wonwoo at muntik pa syang bumalik para sana tumulong. pasenshea na, nananaig nalang talaga minsan ang kabadingan.
pero bukod sa ang kapal naman ng mukha ni wonwoo para lumapit pagkatapos ng ginawa nya, eh naalala nyang kailangan nya na dalian dahil may imimeet pa syang professor para magpasa ng requirement nya.
anyway, back to the present. kasalukuyang nasa 7-evelyn si wonwoo dahil kikitain nya ang mga kaibigang si jeonghan at seungkwan. it's a friday at nagkayayaan silang kumain sa labas dahil wala naman silang pasok kinabukasan.
sabi ni wonwoo ay magtitipid na sya, pero ano 'to? gastos nanaman!!!! pero batak naman sa paggagaslight si wonwoo sa sarili, kaya inisip nya nalang na yung pamasahe nya sa dapat na klase bukas eh ipangkakain nya nalang ngayong gabi. hashtag bading math !
gc na walang bading
san n kau mga teh d2 n me
otw baks late nanaman nagpalabas si sir
otw din aq kuya won and kuya han !! euehue
di aq makaspeedwalk kasi nasa harap q c crush 😝
bakla k paano ka mapapansin nyan kung lagi mong sinasight from da back
iiihhh 😢😢😢 kasi pg nasa harap q sya nagiimagine n aq na kinacuddle shea 😢😢😢
kengenamwah beh grabe ang imahinasyon !!!
dedma sau beh ang mahalaga ay kinikileg ang aking pempem
wala kang ganun bading
hep hep ! dalian nyo na nga nagugutom n aq
K 👍🏼🖕🏼
HAUWHSUJWHAHAA OTW KUYA WONWOO TUMATAKBO NA
saktong pagtingala ni wonwoo ay napatingin sya sa lalaking nakatayo sa tapat nya. may salamin sa pagitan nilang dalawa, at gilid lang naman ng mukha nito ang natatanaw ni wonwoo, pero the side profile traumatised him enough na kahit ang matangos na ilong at mahabang pilikmata lang nito ang kita ni wonwoo ay alam nyang si kuyang pogi (awa nalang sa pigsa) itong nasa harap nya.
matatawa nalang sana si wonwoo at palalampasin ang muling pagkakita nya rito, nang mapansin nya ang ID lace na soot nito. because what are the chances na sa parehong school pa pala sila nag-aaral?! never in his four years of college did he ever see that guy.
which is really surprising, kasi sa mukha nito-- na sobra naman talagang gwapo, ay imposibleng mapapalampas ito ni Wonwoo o ng mga kaibigan nyang si Jeonghan at Seungkwan. wala kasi silang ibang ginagawa kundi mag pogi hunting tuwing magkakasama silang tatlo.
saktong dumating ang mga kasama ni kuyang pogi kaya hindi nya na natitigan pa ang mukha nito. pero bago makaalis ay natanaw pa ulit ni wonwoo ang ID, at nakita ang course nitong hospitality management. Kaya pala never nagtagpo ang landas sila, dahil magkalayong building rin silang dalawa since communication arts major naman si wonwoo.
natawa nalang mag-isa si wonwoo sa naisip nyang..... wala namang problema sa kanya ang LDR. (paano yun naging LDR?) nagayuma ata sya ng pigsa ng pogi na ‘to!
ilang minuto pa ng pagiintay ay dumating na rin sa wakas ang mga kaibigan ni wonwoo.
"talagang sabay pa kayo dumating kahit magkaibang way naman pinanggalingan nyo ha binabackstab nyo nanaman ako" pagdadrama ni wonwoo as your resident OA.
pagkapasok naman ng mga kaibigan sa 7-evelyn ay lumabas rin agad sila, talagang sinundo lang ng mga 'to si wonwoo. Thank you sa aircon, 7-evelyn.
"si overthinker naman! inintay ko lang si kwan para sabay na kaming sumundo sa prinsesa namin" natawa nalang ang tatlo at dumiretdo na sa daan pa-LRT.
oo, at talagang mamamatay nalang si wonwoo sa gutom dahil sa hindi malamang dahilan ay gusto pa ni jeonghan na sa cubao kumain.
"may kikitain ka ba don madam? pwede bang mag tusok tusok nalang tayo dyan sa kanto?" salamat sa suggestion seungkwan at ayan ang pasok sa budget ni wonwoo.
"ako bahala sa inyo beh! may bagong bukas na kainan sa cubao. may masarap don!"
"san ba kasi yan? kung sa mall pa eh baka naman sobrang mahal? libre mo ba kami dyan?"
"basta nga sumunod lang kayo sakin, okay? i gotchu"
pag-akyat ng tatlo sa platform ay sakto lang na paparating na ang tren. no more waiting para sa mga bading na mamamatay na sa gutom! at thank you lord rin at saktong may bakanteng upuan para sa kanilang tatlo. komportable, malamig, ngunit gutom na maghihintay na makarating sa kanilang destinasyon.
nagulat nalang ang lahat ng nasa loob ng tren 'nung tila bang dumagundong ang buong istasyon ng may magkakasunod at mabibigat na yapak ang umaakyat sa platform kung nasaan sila
"kuya guard wait lang po paki-hold!!!!!!!!" kailan pa pwedeng maghold ng pinto ng tren? ano twah, elevator ??
"stopkkanmanyo!!!!!!!!!" nagulat sila nang may isa, dalawa, tatlo, apat, lima, at poging pang anim ang sunud sunod na pumasok sa bagon kung nasaan sina wonwoo.
napaiwas ang tingin nya nang bigla syang sikuhin ni seungkwan. talagang sapul sa ribs kaya napayuko pa si wonwoo sa sakit.
"bakla!!!! si vernon!!" may gigil na bulong nito kay wonwoo.
"walangya ka teh ang sakit ng siko mo!" pasimpleng sinabunutan ni wonwoo si seungkwan at binalik ang tingin sa grupo ng kalalakihan na pumasok sa bagon. pumwesto pa ang mga ito sa gilid kung saan sila nakaupo kaya akala mong uod na inasinan si seungkwan sa kilig.
tiningnan ni wonwoo isa-isa ang mga lalaki dahil parang noong pumasok ang mga ito ay may namataan syang gwapo. hindi nya alam kung nagiilusyon lang ba sya, o talagang may poging pumasok sa grupo ng lalaki na muntik pa gumawa ng eksena para lang hindi maiwan ng tren.
iiwas na sana si wonwoo ng tingin nang napatingala sya sa lalaking nakatayo at nakasandal sa gilid nya. nalintikan na, sabi nya na't may poging pumasok eh! si kuyang pogi pala ulit 'to! jinojoke time na ata sya ng tadhana.
napakurap nalang si wonwoo at dahan-dahang tumayo.
"huy kuya won san ka pupunta di pa tayo bababa" hindi pinansin ni wonwoo si seungkwan at mahinang kinulbit si kuyang pogi.
"kuya, ikaw nalang po umupo hehe" umusod nang konti si wonwoo para tumayo sa tapat ni jeonghan.
"ay hala. okay lang po ako kuya. upo ka nalang po ulit"
"hindi na po. kanina parin kasi ako nakaupo, kaya mas gusto ko na tumayo nalang muna"
"gyu kung ayaw mo umupo ak---"
"sige kuya, salamat po."
mabilis na sagot si kuyang pogi dahil muntik pa syang unahan ng kaibigan nya na umupo.
gc na walang bading
MGA BADET
bakla anong eksena mo bat ka tumayo
KUYA HAN NAKITA MO BA YON
oo pero di q narinig!
wonwoo anong ganap mo bading ang fukeshea mo nanaman
KALOKA KA KUYA WON
PERO!!!! WOW ANG AKIN LANG NAMAN
magpapaupo ka nalang, hindi pa si vernon tinawag mo!!
anong klaseng kaibigan yan!!!!! T____T
HINDI!!!! kasi!!!! MYGOD
remember kuyang pogi !!!
????
paki expound beh
yung sa bus last time!!
expound more bading
YUNG UMIYAK SA BUS KASI MAY PIGSA !!!!
that's him!!
NO WAY
HAHAUWHAHWHAUSSHAJA
wonwoo BAKLA KA TOTOO BA
WAG KAYO TUMAWA MYGOSH HALATA KAYO
wag NA KAYO MAGCHAT
binaba ni wonwoo ang cellphone at mahigpit na humawak sa handrails. nakita nya ang mga kaibigan na patuloy parin sa magbabato ng messages sa gc, pero hindi nya nalang 'to pinansin. halatang ring may kalokohang ginagawa ang dalawa kasi pareho silang nanginginig na kakatawa!
sa gitna ng ingay ng mga kaibigan ni kuyang pogi sa gilid nya, at pati na rin ang sarili nyang mga kaibigan na hindi parin tumutigil sa pagbubulungan, pinilit ni wonwoo na ibaling ang atensyon nya sa iba.
–
"hi kuya. pansin ko lang, tiga-SVTU college rin po kayo?" muntik nang mabali ang leeg ni wonwoo nang marinig nyang itanong ito ni seungkwan kay kuyang pogi. pasimple nyang sinipa ang binti ni seungkwan para pigilan 'to sa kung ano mang balak nya.
"ay opo hahaha kayo rin po ba?" napatingin si kuyang pogi sya sa ID lace ni seungkwan at napangiti. pota ang gwapo talaga!!!!!! "uyyy ayos hahaha nice to meet you"
"anong pangalan mo kuya? parang never kitang nakita sa school before eh bagong lipat ka po?"
"ay hindi, SVTU na ako first year palang haha mingyu nga pala. HM ako eh, mukhang college of arts ka kaya siguro hindi tayo nagtatagpo" gustong sumingit ni wonwoo at magsabi na wala lang naman talagang paki alam si seungkwan sa lahat bukod sa crush nyang si vernon.
"ohhh kaya pala. seungkwan nga po pala hehe"
"wag mo na ako i-po, mukhang magkaedad lang naman tayo haha" saglit na natahimik ang dalawa. ang awkward tuloy! papansin kasi 'to si seungkwan!!
"mingyu, friends ba kayo ni vernon?" gusto nalang talaga magpalamon ni wonwoo sa lupa. hindi nya na kinakaya ang kakapalan ng mukha ng kaibigan nya! mukhang nagulat rin si kuyang pogi--- na may pangalan na ngayon-- at natawa.
"uyyy hahaha kilala mo? tawagin ko ba?" tangina, ang pogi tumawa!!
"huy hindi! nagtatanong lang--
"oo kuya tawagin mo, crush nito 'yang tropa mong si vernon eh" singit ni jeonghan sa paguusap ng dalawa.
"kuya han, hindi! mingyu wag ka maniwala! eto si wonwoo sabi pogi k—
"arriving at araneta cubao station. paparating na sa araneta cubao station"
mabilis na hinila ni wonwoo si seungkwan at jeonghan patayo at tumungo sa pinto ng bagon. hindi na sinubukang limingon pa ni wonwoo kay kuyang pogi-- na again, may pangalan na ngayon... ✨mingyu✨. kahit pangalan ang pogi!!
pagtapak nila sa platform palabas ay nagulat si wonwoo nang makitang lumabas sa kabilang pintuan ang grupo ng kaibigan ni mingyu. potek, talagang sinusundan ba talaga sya ng kahihiyan?
"bakla, tingnan mo bumaba rin crush mo!" mahinang bulong sa kanya ni jeonghan, kaya nasample-an sya ng matalim na tingin ni wonwoo.
"anong c--
"kaya nga kuya han eh, sinusundan ba ako ni vernon?!" natatawang nagkatinginan si jeonghan at wonwoo.
"kaya nga bading! gusto mo tanong ko saan sila pupunta?"
"ako nalang magtatanong! kay mingyu!" walang prenong tugon nito.
"kwan, crush mo na ba si mingyu? talagang sa tropa ka pa ni vernon lilipat?"
"baliw ka ba kuya won, bat naman kita aagawan!! syempre baby steps tayo, kakaibiganin muna yung tropa para mukhang natural ang pagtatagpo!" dahil sa pagchichismisan nilang tatlo, hindi na napansing natabunan na ng ibang tao sina mingyu.
"pero kuya wonwoo, talaga bang si mingyu yung nakasabay mo sa bus last time?"
"teh totoo, sa laking tao non? yun yung pinaiyak mo sa bus?" nagtawanan nanaman ang dalawa at talagang nagapir pa sa harap ni wonwoo.
"oo nga! alam nyo ba nakita ko na sya kanina sa tapat ng 7-evelyn habang iniintay kayo! hindi ko na nga binanggit kasi hindi nyo rin naman naabutan, tapos makakasabay pa natin sa LRT?!" lalong humagalpak sa tawa ang mga kaibigan nya.
"meant to be ata kayo teh! pagmamahalang nabuo mula sa pigsa? BAKLA KAAAAA" gusto pigilian ni wonwoo ang sarili sa pagtawa, hindi nya na nagawa dahil hindi narin natigil sa pagtawa ang dalawa nyang kasama. nahihiya na nga si wonwoo dahil pinagtitinginan na sila ng ibang tao.
"teh pogi lang kasi, di ko naman sinabing crush ko! kita nyo namang pogi diba? pauso ka kasi boo seungkwan!!!"
"pero oo, pogi naman talaga infairness. pero kasi ngayon ka nalang ulit nakaencounter ng pogi sa taas ng standards mo eh! kaya sigurado ako na love at first sight ka dyan"
"first sight sa pigsa ba, kuya han?"
"tangina mo beh" humagalpak lalo sa tawa ang dalawa nang marinig na nagmura si wonwoo. dahil kung gaano kadalang makakita ng pogi si wonwoo, ganun din kadalang na maririnig mo itong magmura.
"kuya han dinidistract mo kami. saan mo ba kami dadalhin ni kwan?" hindi sumagot si jeonghan at hinila lang ang mga kaibigan palabas ng LRT.
"basta doon sa may masarap!!!"
"ano ba kasi yang masarap na yan!" nagpatuloy lang si jeonghan sa paghila sa kanila. napansin nilang hindi sila sa direkson ng mall papasok.
"san mo kami dadalhin kuya ha--
"charaaaaan!!!!" tumalon si jeonghan at tinuro ang lugar kung saan sila dinala ni jeonghan.
sa harap nila ngayon, ay isang cart ng.... pares??? PARES????
"dumayo tayo sa cubao para dito?!!!" hindi makapaniwalang tanong ni wonwoo. wala namang kaso sa kanya ang kumain ng pares, pabor pa nga sa kanya dahil mura lang at pasok sa kanya na petsa de peligro na. pero kung sasadyain lang rin naman nila yung kakainan, eh sana naman doon sa mas maayos na lugar kung saan makakakain sila ng komportable. wala pa ngang upuan dito!
"kasi nga may masarap dito mga beh shut off nalang!" lumapit si jeonghan sa cart at iniwan sila ni seungkwan sa kinatatayuan nilang hindi rin naman kalayuan. paglingon ni wonwoo sa kabilang gilid ay napansin nyang may kumpulan doon ng tao. wag mo sabihing....
"uy mingyu!! nandito rin kayo!" hindi pa nga nagsisink in kay wonwoo kung sino ang grupo na kasabay nila sa paresan, nagulat sya nang makitang kasama na sa grupong 'yon si seungkwan. na katabi nya lang naman kanina?!
niloloko ba sya ng universe?! si mingyu na never nya naman nasilayan sa apat na taon nya sa kolehiyo, eh bakit napapadalas ang pagsulpot sa harap nya ngayon?!
"uyyyy! long time no see!" natatawang sagot ni mingyu. pati ang tawa.... sobrang gwapo talaga.... mukhang delikado nanaman ako... bakit ba kinikilig ang fukeshea kue....
"dito rin pala punta nyo, sana nagsabay na tayo!" hindi alam ni wonwoo kung saan sya ppwesto. kay jeonghan na kausap yung tindero ng pares, o kay seungkwan na feeling close kay mingyu.
parang dapat ata umuwi nalang sya.
nagulat si wonwoo nang makita na nakatingin na sa kanya si mingyu. oh baket! wala naman akong ginagawa!
"ayyy eto pala si kuya wonwoo! mingyu, meet wonwoo. wonwoo, meet mingyu. hehe" hinablot ni seungkwan ang braso ni wonwoo at nilapit ito kay mingyu. natawa nalang si mingyu na nakipagkamay kay wonwoo na mukha lang namang napilitan.
"nice to meet you. nagkita na ba tayo before? you look familiar eh"
"oo nagkita na kayo nyan---"
"ay hahaha baka kanina sa LRT. doon tayo unang nagkita eh ahahahhaa" pasimpleng kinurot ni wonwoo si seungkwan sa tagiliran.
"joke po ba yan? hahaha pero baka nga." hindi nalang sumagot si wonwoo dahil sobrang awkward na talaga ng nangyayari para sa kanya. napopogian sya kay mingyu, oo. pero pag naaaalala nya kung paano sila unang nagkita, gusto nalang magpalamon ni wonwoo nang buo sa lupa. hindi naman ganun kabigat ang kasalanan nya, pero nahihiya parin syang harapin si mingyu.
"nga pala, pakilala ko kayo sa mga tropa ko. para mameet mo na rin si vernon, seungkwan" mahinang pangaasar ni mingyu kay seungkwan. aba't bakit parang close na sila agad?!
tinapik ni mingyu ang likod ng kaibigan nya. namumukhaan nya 'to. eto yung kasama ni mingyu sa bus last time! pinakilala ito ni mingyu bilang "dk" . ok me dk too i'll just pretend not to know you as well, kuya. bukod doon, pinakilala rin si mingyu ang iba pa nyang kasama na si vernon, minghao, at jihoon.
mukhang mababait naman ang magkakaibigan. mukhang talagang makakasundo naman sila ni wonwoo-- kung hindi lang dahil kay mingyu. it's a me problem lang talaga -- isip ni wonwoo.
bago pa malunod si wonwoo sa pakikipag getting to know each other ni seungkwan sa mga kaibigan ni mingyu (si bakla, kay vernon na nakadikit) lumingon sya kay jeonghan na nakikipagusap parin sa tindero ng pares.
"si seungcheol yan, tropa rin. sya may ari ng paresan dito" napatalon sa gulat si wonwoo nang biglang may magsalita sa likod nya. jusko, masyadong malapit! tumayo balahibo ko don!
"ah ganon ba haha" wonwoo umayos ka, halatang halata ka na bading!
"tara lapit tayo, first time din namin to mattry eh. soft opening kasi nyan today. kaya rin kami nagmamadali kanina sa LRT kasi nababadtrip na kapatid nya na pinagbantay nya buong maghapon ng paresan nya"
"ay ganun? hahaha nagmadali pa kayo kanina eh ang tagal rin naman tumigil ng train kanina kahit nung nakapasok na kayo"
"naninigurado lang. takot maiwan eh" okay, act normal, wonwoo. ikaw lang ang awkward sa inyong dalawa!
nilingon nya ulit si seungkwan at nang makitang mukhang okay naman ito (paanong hindi, one on one ba naman sila ni vernon), ay sumunod na sya kay mingyu.
"tol, baka gusto mo kami pagbentahan?" nilapitan ni wonwoo si jeonghan at mahinang hinila ito.
"amats ka teh? talagang dito lang tayo kakain?"
"oo nga! may masarap nga kasi dito" at nakita ni wonwoo na ngumuso ito sa paresan. it took wonwoo sa few seconds bago nya magets ang gusto iparating ng kaibigan.
"bwisit ka teh, yung tindero lang pala ang bet mo?!" muling nilingon ni wonwoo ang direksyon ni mingyu na ngayon ay kinukuha ang order na pares na inaabot sa kanya ni seungcheol.
sakto namang lumingon si mingyu sa kanya at sinenyasan syang lumapit. oh, ano nanamang ginawa ko?
"dito na yung pares nyo, ako na umorder para sating lahat" mukhang napansin ni mingyu ang pagaalinlangan ni wonwoo na lumapit.
marahang tinulak ni jeonghan ang kaibigan "lumapit ka na teh inaaya ka ng date oh"
"gago ka talaga" lumapit si wonwoo na kasunod si jeonghan kay mingyu. nilingon nila si seungkwan at tinawag na rin ito kasama ang mga kaibigan ni mingyu para kunin ang kani-kanilang pagkain.
at talagang walang upuan sa pwesto ng parehasan kaya lahat sila ay nakatayo lang at nakapaligid sa cart ng paresan ni seungcheol. isipin nyo nalang na siyam na tao (kasama ang kapatid ni seungcheol na nakilala nila bilang ichan) ang nakakumpol sa bangketa habang kumakain. ramdam talaga ni wonwoo na hindi tatagal 'tong puwesto na to, mukhang madadampot pa to ni gabriel go anytime!
"kamusta naman mga tol, and new found friends-- seungkwan at wonwoo? masarap naman diba?" parang nawalan ng karapatang humindi si wonwoo, kaya tumango nalang sya sa tanong ni seungcheol.
"dahil kayo ang una kong pinagservean, libre ang first three customers ko!" hindi alam ni wonwoo kung magpapasalamat sya dahil nakapasok sya sa first 3 customers, o matatawa para kay mingyu na imbis na makasama sa first 3, eh nagpaubaya kay jeonghan at seungkwan na mauna. hindi naman siguro mahal yung pares, it's just that... the thought of mingyu being the first one to order, but gave way for wonwoo and his friends to have get served first if just too funny for wonwoo.
"sayang, hindi ka nakasama" mahinang bulong ni wonwoo kay mingyu, kasi yes, silang dalawang parin ang magkatabi.
"nga eh, yaan mo na. buti nga kayo yung nakatanggap ng free kasi kung kami yan, sisingilin rin kami nyan ni cheol pag balik sa school" napangiti nalang si wonwoo sa sagot ni mingyu at binaling na ulit ang atensyon sa kanilang new found friends.
–
"so, jeonghan, seungkwan, at wonwoo! saan kayo after nito?" napalingon silang lahat sa nagtanong na si dk.
"hindi naman namin napagusapan, pero ako hindi pa naman uuwi after dito" sagot ni jeonghan, at tumingin sa mga kaibigan.
"hindi ka pa uwi kuya han?"
"may dadaanan pa ako eh. may plano ba kayo ni wonwoo?"
"yayayain sana namin si seungkwan at wonwoo, if okay lang kuya han hahaha coffee lang after" sagot ni vernon na katabi ngayon ni seungkwan. nako vernon, kahit iuwi mo ngayon si seungkwan hindi aalma yan.
"okay lang ba sayo malate ng uwi, kwan? diba may curfew sa dorm mo?"
"okay lang naman, kuya han. walang curfew doon kapag friday hehe pero hindi naman ako magpapalate nang sobra" tumango nalang si jeonghan at sunod na tiningnan si wonwoo
"uwi na ako kuya han. dadaan lang ako sa dorm salit pero uuwi rin kasi ako sa cavite ngayong gabi eh" tumango si jeonghan, at bumalik na sa kanya-kanya nilang topic pagkatapos magdesisyon kung saan sila didiretso after nilang kumain. doon napansin ni wonwoo na masyado atang close si jeonghan sa tropa na mingyu na si seungcheol. kailan pa sila naging magtropa? eh ngayon nga lang nakita ni wonwoo lahat ng kaibigan dito ni mingyu.
hindi nya matanong ang kaibigan ngayon dahil magkalayo sila at nasa magkabilang dulo. mamaya to sakin ah nalang ang naisip ni wonwoo
nang matapos silang lahat na kumain at magkwentuhan, napagdedisyunan nilang lahat na maghiwa-hiwalay na ng landas. sinara na rin si seungcheol ang paresan nya kahit na bukod sa kanila ay wala nanamang sunod na bumili. duda talaga sya na bukas eh nandito pa tong paresan na 'to eh.
mag-LRT lang naman pabalik si wonwoo sa dorm nya. at dahil may ibang plano na si jeonghan at seungkwan, mag-isa nalang syang magcocommute pabalik. mukhang halos lahat rin kasi ay sasama magkape bago umuwi.
"una na ako kuya han, kwan" tumango si wonwoo sa iba pa nilang kasama para magpaalam "baka lalo akong gabihin sa byahe eh, hindi ako masusundo si papa"
"sige won, ingat ka pauwi! message ka pag nakauwi ka na sa inyo ha" kumaway si wonwoo sa kanilang lahat at nagsimula na maglakad sa direksyon ng LRT.
---
pagkapasok ni wonwoo sa estasyon ay saka nya naalalang kailangan nya pala paloadan ang beep card nya. commuter moments ! sana po magkajowa na si wonwoo ng may kotse. Amen.
at saktong wala namang pila kaya nakapila agad si wonwoo. nung inabot nya ang bayad ay nakita nya sa reflection na may matangkad na lalaki sa likod nya. hindi nya naman dapat papansinin, pero walang malay syang napatitig saka narealize nyang si mingyu pala ‘tong nasa likod nya.
akala nya ay matatanggal ang leeg nya sa bilis ng paglingon nya sa likod. anong ginagawa nito dito?!?
" medyo oa yung lingon ah. baka mabali naman leeg mo nyan hahaha"
"bakit nandito ka?!" gulat at medyo napakalakas na tanong ni wonwoo kay mingyu.
kinuha nya ang beepcard, at hinintay si mingyu na matapos rin sa pagpapaload ng beep card nya (hindi nya rin alam bakit inantay nya pa eh), at muling hinarap ito.
"hindi ka ba sasama sa mga kaibigan mo?" litong tanong ni wonwoo.
"hindi na, kailangan ko rin umuwi ng maaga eh" napa- oh nalang si wonwoo at tumuloy na sa papasok. pero nararamdaman nya parin na nakasunod sa kanya si mingyu. pasimple syang lumilingon lingon dito, nang hindi ito kinakausap. niloloko ba ko nito?
sa huling paglingon ni wonwoo kay mingyu ay saktong nakatingin rin sa kanya ‘to. napansin ata ni mingyu ang pagtatanong sa mukha ni wonwoo dahil tinaas nito ang kanyang kamay bilang depensa at nagsabing "same ata tayo ng way. hindi kita sinusundan ah"
"wala naman akong sinabi" tumuloy lang si wonwoo sa paglalakad at nasaktong pagdating nila sa platform ay may papalapit na ring tren.
pagpasok nilang dalawa ay maluwag pa sa loob kaya wala silang choice kundi magtabi. iniling nalang ni wonwoo ang ulo dahil ngayong nagkatabi ulit sila ay bumalik sa kanya ang insidente nya sa bus noong nakaraan with mingyu.
pasimpleng kinuha ni wonwoo ang cellphone para ichat ang mga kaibigan.
lahat ay aangat. lahat ay sasakses.
wonaoo bAKLA NAKASUNOD SAYO SI MINGYU
yoon jeonghan changed the group name to “lahat ay aangat. lahat ay sasakses.”
HELP !
ay pota salamat sa warning !
BAKIT NGA NANDITO TO ??? bat hindi mo sinama sayo seungkwan!!!!
san ba to nakatira!!!
HAHHAHAHAHA AYAN NA SYA
tinanong ko si cheol same daw pala kayo ng bababaan!
KALOKOHAN
true kuya won naconfirm ko rin kay nonie <3
bULWAAAKK sa nonie
na para bang nasa talking stage na sila HAHAHAHAUHAHA
LOH IKAW RIN KUYA HAN EH
BAKIT KAYO CLOSE NI SEUNGCHEOL
n E WAY
ILAYO NYO TO SAKIN AAAAHHHH
youre on your own kid!!! GOW MO N YAN SI POGI
bye kuya won enjoy your date with mingyu and i'll enjoy mine with vernon
and u kuya han with kuya cheol kasi apprarently ang gala ni kuya han ay kasama si kuya cheol ?!
what is happening to the world!!!!!!!!
pagkatapos isend ni wonwoo ang huling mensahe ay binaba nya na ulit ang phone nya.
"uy wonwoo" tapik sa kanya ni mingyu. tumingin lang si wonwoo sa kanya at hindi sumagot.
"hindi naman sa nagaassume ako, pero bakit parang ang distant mo sakin? kanina mo pa ako hindi pinapansin"
"excuse you--napapansin! hindi ko naman sinasadya no" sige wonwoo, denial is cure to embarassment! chos, pausoh !
"eh kahit naaa bakit kanina naman nung kasama natin mga tropa ko lahat sila kinakausap mo" crush mo ba ako? gustong ituloy ni mingyu as a joke pero baka mas lalo syang hindi pansinin ni wonwoo kaya hindi nya na tinuloy
"wala lang, wala naman tayong mapaguusapan eh. pati hello, today lang naman rin tayo nagmeet! introvert ako noh!" ALSO, bat parang nagpapacute si mingyu sa paraan ng pakikipagusap nito? oo, si wonwoo nalang ang magaassume!
"okay sige edi gagawa tayo ng topic! saan ka ba bababa? mga tatlong station pa ako from here eh" at ayun, naconfirm na nga.
"sinusundan mo ba talaga ako? j.ruiz rin ang baba mo?" tanong ni wonwoo kahit alam nya nanamang pareho sila ng bababaan
"doon ka rin?! oh tingnan mo! meant to be ata tayo eh!" gusto nalang sabunutan ni wonwoo ang sarili nya. wag ka magsalita ng ganyan mingyu at sa utak ko, ako na ang naglilinis ng pigsa mo!!
"meant to be mo mukha mo"
"dali na, mas sinusungitan mo ako mas nagdududa na ako ha" napaayos si wonwoo ng upo. nagdududa saan ?! hindi naman sya biglang marerecognize at maaalala ni mingyu diba?!
"ang kulit mo mingyu. oh ano ba? isang tanong kada station" kung makikita nyo lang ang mukha ni mingyu ngayon. ayan ang sumakses.
"ayan wahahaha sige basic lang naman. ilang taon ka na, anong course mo, at anong year ka na?"
"ay grabe naman sya maglapag ng tanong, isang question per station nga diba?"
"huy isa lang yan. isang bagsak ng tanong, counted as one lang yan dapat" pabirong umirap lang si wonwoo dahil dito. sakto rin naman malapit na sila sa unang stop.
"now arriving at betty-go belmote. paparating na sa betty-bo belmonte"
"dami mong alam. pero sige dahil parang gusto mong iparating kanina na maldita ako, sasagutin ko yan lahat ngayon to redeem myself.” “i just turned 22. taking up communication arts, 4th year. okay na?"
"tipid mo naman sumagot"
"baliw ka ba? hindi naman need ng explanation nung mga tanong mo eh" tumawa nalang si mingyu. shet ang pogi talaga tumawa. awa nalang
"sige na nga. at dahil one sided q&a to, sasagutin ko nalang rin yung parehong tanong para makilala mo rin ako. 21 naman ako, mas bata ako sayo ng 1 year! kuya wonwoo rin pala kita eh. hospitality management naman course ko" (alam ko-- sa isip ni wonwoo) "magkabilang dulo pala ng univ buildings natin. no wonder ngayon lang tayo nagkita. 3rd year ako, kasing year ko si dk, vernon , at hao" ganito pala ang ineexpect nyang way ng pagsagot. na para bang nasa defense sa haba
"okay next question"
"now arriving at gilmore station. paparating na sa gilmore station"
"napansin ko ko lang na super close kayo ni seungkwan at kuya jeonghan. paano kayo naging close? parang magkakaiba year nyo eh"
"ah, magkakaprobinsya kaming tatlo. lahat kami laking cavite." saglit na katahimikan, tila nagiisip si wonwoo ng idudugtong sa sagot nya "kaya parang magkakapatid na rin turingan namin. magkakaiba kami ng year, pero sila lang yung super close ko talaga."
"hmmm. sa 4 years mo sila lang talaga kasama mo?" sinamaan ulit ng tingin ni wonwoo si mingyu.
"akala ko ba 1 question pero station?" pero dahil marupok si wonwoo... "meron naman ako ibang naging kaibigan. may mga clubs rin naman akong nasalihan sa 4 years kaya marami rin akong nakakasalamuha hahaha pero yung solid ba na matuturing, si kuya han at kwannie talaga" hindi nakatingin si wonwoo kay mingyu habang sumasagot, kaya hindi nya kita kung gaano kalawak ang ngiti ng huli dito.
"ohhh that interesting. kaya pala kahit saglit ko lang kayo kasama very evident na super close kayong tatlo.” tumango lang si wonwoo. “kami naman, dito lang sa college nagkakilala. pare-pareho kaming lahat ng course eh. ahead lang si cheol at jihoon ng isang taon samin. yun, ka-year mo. makakasundo mo yung mga yon, panigurado.”
pero duda si wonwoo dyan. dahil 4th year at graduating na naman sya, hindi nya na inaasahan pang magkaroon ng mga bagong kaibigan. baka nga after this day, hindi na ulit nya makita si mingyu at ang mga kaibigan nito. he’s lived his 4 years of college na bilang lang sa isang kamay ang naging kaibigan, kaya duda syang maging close nya pa ang circle of friends ni mingyu sa natitira nyang buwan sa kolehiyo. wala namang problema kay wonwoo kung maging friends nya ang mga ito– lalo na ngayong pati si seungkwan at jeonghan na kilalang social butterfly eh nakasundo na nila. give na siguro ni wonwoo ang pakikipagkaibigan sa iba, ganda nalang ang iaambag ni wonwoo dyan.
“now arriving at j.ruiz station. paparating na sa j.ruiz station"
nauna nang tumayo si wonwoo nang marinig ang estasyon kung saan sila bababa ni mingyu.
“wait lang wonwoo, may isa pa akong tanong eh” sumunod si mingyu sa kay wonwoo na dumiretso na sa escalator pababa ng platform.
“oo, sasagutin ko naman eh. ang clingy ha” pabirong tugon ni wonwoo.
“okay hehe pagbaba nalang natin” tahimik nalang na sumunod si mingyu kay wonwoo palabas ng LRT station. nagiisip, at kumukuha ng lakas ng loob sa huli nyang itatanong.
nang makarating sila sa baba kung saan sila maghihintay ng jeep (nabanggit nilang magkaibang way pala ang jeep na sasakyan nila), ay tumigil sa paglalakad si wonwoo at humarap kay mingyu.
“sige go na, ano ba yang last na tanong mo” at this point, dedma na naman si wonwoo sa kung anong itatanong ni mingyu. base kasi sa naunang mga tanong ni mingyu, sobrang basic na information about him lang naman ang gusto nitong malaman. baka nga last question pa nito kay wonwoo eh “anong favorite mong kulay?”
“hehe kasi wala lang baka hindi na kasi tayo agad makapagkita ulit after nito” buti naman at naisip rin ni mingyu ang nasa isip ni wonwoo kanina “pero gusto pa kasi sana kita kilalanin if okay lang sayo. you know, tropa tropa lang. para next time pag may gala, makakasama ulit kayo– kasama si seungkwan at kuya jeonghan rin ganon” hindi na alam ni wonwoo kung saan pa papunta tong tanong na to. “so ayun, kung okay lang. kung okay lang naman! maging friends tayo sa facebook hahahhaa” natahimik si wonwoo sa litanya ni mingyu. anong facebook? bakit?
“i mean, feel ko kasi ngayon sina dk at seungkwan friends na sa facebook. eh ayoko naman ma-fomo hahahhaa dapat ako rin may bagong friend sa facebook. yung ganun ba hahhaha” gustong isuggest ni wonwoo na si seungkwan nalang rin ang i-add nya. “pero like… if youre not comfortable sharing naman, okay lang rin. maybe after we get closer ganon, saka pa pwede, okay lang naman” at this point, ramdam at rinig na ni wonwoo ang hesitation sa boses ni mingyu.
pero let’s be real, mukhang matino at mabait naman si mingyu. sobrang gwapo pa! kaya incident sa bus aside, this is a win for wonwoo. kuhang kuha ni mingyu lahat ng type nya sa lalaki eh. bading! kaya wala naman sigurong problema kung magiging friends sila sa epbi dot com, diba? friends lang naman! at katulad ng sabi ni mingyu, at this moment baka nga friends na ni seungkwan lahat ng tropa ni mingyu, so there shouldn't be any problem with it. diba? facebook lang! walang malisya!
pero hiling ni wonwoo na kung walang malisya ngayon, sana in the future magkaroon na. talagang gusto nya nalang lumuhod at magdasal. pasensya na ulit, bading lang.
“ang dami mo namang sinabi hahhaha sige na, facebook friends lang pala. para namang celebrity ang atake ko kung ipagdadamot ko pa yan” muntik na nga syang mag-ala celebrity. thank his karupukan, mingyu!
“ayos! hahaha sige, patype nalang dito account mo, add kita” inabot ni mingyu ang phone nya kay wonwoo. nakita nyang sinearch ni wonwoo ang sarili gamit ito, ang nang makita ang profile ay binalik nya na to kay mingyu.
“ayan, friend request sent. pa-accept ah! si jeon wonwoo pala to ih” pabirong sabi ni mingyu sa kanya.
“sige na, mamaya pag-uwi ko. dun ka na nga, tatawid ka pa diba!” mahinang tinulak ni wonwoo si mingyu sa direksyon ng pedestrian at kinawayan ito.
“sige, bye kuya wonwoo! hahaha pa-accept ah!” hindi na ito sinagot ni wonwoo at sinenyasan nalang si mingyu na dumiretso at tumingin sa dinadaan habang tumatawid.
sakto rin na may jeep na parating, kaya bago pa man tuluyang makatawid si mingyu sa kabilang kalsada ay nakasakay na si wonwoo sa jeep.
nang makaupo ay kinuha ni wonwoo ang cellphone para icheck ang friend requests sa account nya. oo, pag upong pag upo ay yun agad ang una nyang ginawa. kung sinabi nyang paguwi nya pa tatanggapin ang friend request ni mingyu, eh sarili nya nalang ang niloloko nya. dahil the moment na makita nya ang word na confirm, ay walang pagaalinlangan nya itong pinindot. hindi manlang napatingin si wonwoo sa word na “decline”
papatayin nya na sana ulit ang cellphone nang biglang may pumasok na notification sa phone nya.
Kim Mingyu
thank you sa pagaccept kuya wonwoo ^^
Jeon Wonwoo
please drop the kuya na kim mingyu!
Kim Mingyu
eh? bat si seungkwan pwede. magkaage naman kami ah
Jeon Wonwoo
basta!!! si kwan lang pwede sakin magkuya. wag mo na ako lalo patandain!
Kim Minguyu
hehhe oki wonu !!
ingat ka po pauwi
and ingat ka rin sa byahe pauwi mo ng cavite ^^
Jeon Wonwoo
haha salamat. ikaw rin
if wonwoo got flustered with how mingyu addressed him, he doesn't say it. if he felt kilig when he realized na mingyu paid attention, enough to know na uuwi sya ng cavite kahit isang beses nya lang naman to nabanggit kanina, he most certainly would never mention about it to anyone.
this is the first time he formally, and properly met mingyu, but he can't help but admit how cute the younger is. suddenly, he doesnt mind having new set of friends before his college journey ends. akalain mo nga namang kung kailan patapos na, saka biglang magkakaplot twist ang buhay nya? mareng niki, pasok! sa wakas, hindi na sa backburner makakarelate ang bading na toh!
sobrang oa ni wonwoo dahil sa isip nya, maguusap sila ni mingyu magdamag sa messenger habang nakahiga sa malambot nyang kama sa cavite. oh, to be daydreaming at 8 in the evening. only wonwoo does that!
