Work Text:
nakakapagod nga naman mag-commute araw-araw pero bilang isang baklang mataas ang lipad, mas pinili ni mingyu maging isang iskolar ng bayan sa siyudad imbes na sa probinsya na sana’y malapit lang ang balur nila. tsaka si mingyu kim kasi ‘to, gusto niya ng challenging at draining na college life for the plot. sino relate diyan nak?
buong college life niya siguro ay stress lang ang emosyon na mararamdaman niya. hindi pala totoo ang mga nasa pelikula ng jadine at lizquen noon—walang nakakatuwa, walang nagpapakilig, walang pogi na blockmate, at walang hangouts every friday. kaloka! stress na nga sa program niyang architecture na para bang araw-araw ay free trial maging zombie sa train to busan gawa nga na hindi na niya maalala kung kailan siya huling nakatulog ng apat na oras idagdag mo pa ang walang silbing pampublikong transportasyon sa bansang ito. in neo’s tiktok words, “danas na danas” ni mingyu ang pagiging mahirap na iskolar ng bayan at komyuter!
“ano teh ‘di ka pa ba uuwi? ot na ot? feeling may sweldo yan siya?,” pabirong sambit ng kaibigan niyang si jihyo. paano ba naman kasi alas-otso na ng gabi ay parang balak pa yata ni mingyu na samahan ang utility staff na magsara ng mga naiwang ilaw sa building 3. tinatapos niya pa kasi ang natitirang plates niya na ipapasa niya sa biyernes. alam na alam ni mingyu sa sarili niya na pagkarating sa bahay ay hindi niya matatapos ang mga ito dahil diretso tulog na siya sa kama dahil sa pagod mula sa halos dalawang oras na biyahe pauwi sa probinsya nila at gigising ulit siya nang maaga para makipagpatayan sa istasyon ng bus na laging punuan ng mga estudyante at call center agents na parang naka-premium subscription din sa zombie training para sa kingdom season 3. mabuhay ang mga bayaning puyat!
pero hindi rin naman martyr si mingyu kaya tumigil na rin siya at tuluyang niligpit ang mga gamit para umuwi na. naglalakad pa lamang si mingyu papunta sa istasyon ng bus ay ramdam na ramdam na niya ang galit, init, at lagkit sa pakikipagpuksaan para sa isang natitirang bus na babiyahe sa kanilang probinsya. naging routine na ni mingyu ang makipagsiksikan at wala naman siyang magagawa kasi sino ba naman siya? char!
meron naman talaga at meron naman sanang solusyon sa problemang dinadaing ng mga mamamayang pilipino sa sistema ng pampublikong transportasyon sa ating bansa at ‘yan ay ang pagboto ng tama tuwing eleksyon. tama na sa pagluklok ng mga pulpulitiko at hindi nakaka-fresh ng daily commute moments ni mingyu please lang!
jackpot si mingyu sa gabing ‘to at may dalawang bakanteng upuan pa sa likod ng driver. sa isip niya ay mahal pa rin siya ng mga santo ng vallacar transit kung sino man ‘yon. pinili niya agad ang window seat (wow cebu pacific yarn?!) upang makaidlip at makasandal ang kanyang ulo habang nasa biyahe. suot na niya ang kanyang itim na zipped up hoodie at handa na rin ang kanyang wired earphones sa tenga niya sabay play ng kanta mula sa cup of joe na misteryoso. sabi nga ng mga bagets sa tiktok, “sexualizing my commuter life” or whatever that is. gets niyo na ‘yon!
nasa dreamland na sana si mingyu kung saan ay sinusubuan siya ni david licauco ng tapsilog nang bigla siyang naalimpungatan gawa nga ng may panay tapik sa kanya. inis na inalis ni mingyu ang panyong pinangtakip niya sa mata at hinarap ang kung sino man ‘tong tapik nang tapik na para bang bulag at ‘di siya nakitang tulog.
world stop!!!
“hesus! ang pogi…,” tama. yan nga ang unang pumasok sa utak ni mingyu nang harapin niya ang lalaking panay tapik sa kanya. matangkad ang lalaki, mukhang strikto pero ang pogi pa rin, chinito kaya pasok sa standard ni mingyu, nakasuot ito ng glasses, kulay puti ang polo na may nakalagay na “media” at logo ng ust. sa hindi malamang dahilan ay pilit na binabasa ngayon ni mingyu ang nakalagay sa i.d ng binatang nakatayo sa harap niya.
“w-wonwoo…john? j-jeon?,” pilit na basa ni mingyu sabay bigkas sa pangalan nito. ngunit napalakas yata ang sambit ng bading dahil biglang sumagot ang lalaki sa harap niya na siya namang ikinagulat ni mingyu.
“yes? are you done checking out my name? can i sit here now?,” sunod-sunod na sambit ng lalaking ang pangalan ay wonwoo jeon kaya ngayon ay gusto na lamang ni mingyu na lamunin sa lupa o di kaya’y tumakbo palabas ng bus na ‘to pero hindi niya gagawin ang pangalawa eme eme lang wala na siyang masasakyan pag umeksena pa siya.
“ah, oo.” tipid na sagot ni mingyu. hello? chinito lang ‘yan, bakit naman mahihiya si mingyu? nahihiya na talaga si mingyu hindi niya alam kung babalik ba siya sa pagtulog niya o hindi na muna kasi paano kung marinig ng katabi niya ang hilik niya o ‘di kaya'y makita siya nitong tulo-laway? hesus ko po! ‘wag na matulog, te!
naalimpungatan ulit si mingyu nang marinig nito ang busina ng bus na hudyat na dumating na siya sa terminal. wala na ang lalaking katabi nito kaya medyo nalungkot naman si mingyu at parang may idadagdag na naman siya sa listahan ng mga happy crush niya na siguradong hindi na niya muling makikita kasi kung hindi sa bus niya ito unang makita eh minsan naman ay sa palengke kung saan nakapwesto ang meat shop ng tatay niya. biktima si mingyu ng mga poging makikita mo lang sa bus, airport, palengke, at sa istasyon ng tren.
“kaloka? nakatulog ba ako?,” tanong ni mingyu sa sarili nang maramdaman niyang may muta siya sa mata niya. watdahek!!! nakatulog nga talaga siya. nakakahiya. baka humilik siya nang bongga kanina tas na-turn off si poging chinito with glasses at wala man lang ginawa ang gobyerno!
“dedma,” isip na lamang ni mingyu at pilit na kinukunsinti ang sarili na normal naman makatulog sa bus at humilik. hindi naman siya perpektong tao na bawal na magkaroon ng humble moments sa bus. maganda at matalino lang siya pero napapagod din, okay?
kating-kati na si mingyu na ikwento kay jihyo ang nangyari sa kanya kaya nang makauwi na siya ay nag-login agad siya sa facebook para ispluk ang ganap niya tonight pero bago pa niya buksan ang kanyang messenger ay may kumuha na ng atensyon niya mula sa bagong friend request notification.
“won jeon sent a friend request.”
“won jeon sent you a friend request that you haven't responded to yet.”
won jeon
studies in university of santo tomas
editor-in-chief for the varsitarian
from manila
joined in 2013
boogsh! sumakses ang vadeng!
ngayon ay iniisip na ni mingyu kung magwowork ba ang thomasian and isko love story kasi kung hindi ay sisimulan na ni mingyu ang pagpunta sa quiapo dahil ipipilit ni mingyu ‘to. ipipilit ni mingyu ang minwon. yes, may ship name na sila! franseth pwede na kayong mag-file ng early retirement!
*messenger notification sound*
new message request
from won jeon
heyyy! accept mo naman fr ko haha sumakit shoulder ko bcos of u eh so u r required to accept me as ur friend. :3
ANOOOO???!
masaya naman pala mag-commute...kung may katulad ni wonwoo jeon. eme!
