Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-04-07
Updated:
2025-04-07
Words:
2,672
Chapters:
2/?
Comments:
1
Kudos:
6
Bookmarks:
1
Hits:
160

Please, Please, Please

Summary:

A stranger may harm or help you, when you need someone's help. Just like what happened to Elijah Hong, when someone unexpectedly pulled him out through the crowd by the stranger—named Darwin Lee, the iskolar ng bayan of UPD.

Notes:

every chapters aren't proof read.

Chapter 1: Hey Mr. Stranger.

Summary:

Sa magulong pagtitipon sa unibersidad ng pilipinas, magtatagpo ang dalawang taong sobrang magkaiba ang mundo.

Notes:

Please bare with my narrations, the last time I wrote full narration story was way back 2023 pa.

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

Sa isang gabi ng pagtitipon ng mga estudyante sa sunken garden ng Unibersidad ng Pilipinas, naroon ang isang binata na kanina pa gustong-gusto umalis sa napakaraming taong kasalukuyang nakapaligid sa kanya.

Napilitan lang naman kasi itong sumama sa pagtitipon na ito dahil sa pilit ng kaibigan niyang ni maxine na wala raw kasama kuno magpunta. Pero pagkarating pa lamang nila ay nakaabang na sa kanila ang isa binata na sa tingin niya ay may lahing chinese.

Hindi niya naman inaasahan na maghihiwalay silang dalawa ng kaibigan niya. Kaya heto siya sa kawalan, hindi alam kung saan tutungo dahil sa napakaraming taong nakapaligid sa kanya. Hirap din siyang makaalis sapagkat siksikan na, nagsisimula na rin tumugtog ang mga banda sa kanilang harapan. Parang wala na talaga siyang choice kung hindi mag-antay na mabawasan kahit papaano ang mga tao sa paligid.

 

“Bakit ba kasi ako pumayag sumama kay max?” eli questioning himself. Halos sabunutan na niya ang sarili dahil sa dami ng iniisip. Ngunit napatingin siya sa stange ng marinig ang pamilyar na kanta.

Estranghero. It's the cup of jeo, performing their songs on the stage. Napangiti siya ng bahagya. At least may alam siyang banda na punta sa event na ito. Eli was not really a fan of music, he knew some, but not so many. Ngayon ay hindi na inis at pamomroblema ang bumabagabag sa kanyang isipan, sapagkat isinawalang bahala niya na ang mga ito. He's now enjoying the music.

And little he didn't know, kanina pa may isang pares ng mga mata ang nakamasid sa kanya. Pinagmamasdan lamang ang binatang pinoproblema kung papaano makalalayas sa mataong lugar na ito. Na ngayon ay tila nagbago ang ihip ng hangin dahil nagsasaya na ito.

Napangisi ang binata, at patuloy pa ring pinagmamasdan ito.

“Pst.” pag-agaw ng pansin ng isa niyang kaibigan sa kaniya. Agad naman niyang nilingon ang katabi at tinaasan lamang ng kilay. “Parang kanina kapa nag-e-enjoy silayan ‘yang nasa unahan mo ah.” asar ni saph sa kaibigan.

“Ganda ba nak?” ani ni amie, sabay akbay kay darwin.

“Ang i-issue niyo!” saway niya sa dalawang kaibigan. “Para ngang nawawala ‘yan eh, kanina pa palinga-linga.” pagdadahilan niya pa sa dawalang kasama.

“Sus, huwag ako Darwin, magtigil.” pang-aasar ni amie sa nakababata.

“Itong event pinunta natin ah, hindi maghanap ng sho-shotain.” dugtong pa ni saph.

 

“Wala pa ring signal?!” reklamo ni eli ng hawakan muli ang cellphone upang tawagan sana ang kaibigan. Dalawang oras na rin nag nakakalipas. Sigurado ay pareho na silang naghahanapan sa mataong lugar na ito.

“Ayoko na rito please lang, nahihilo na ako.” as the new set of band walk in, the crowd went wild. Kaya mas lalo lamang sumakit ang ulo ni eli.

Nagulat siya ng biglang may tumapik sa balikat niya. Napalingon siya sa kaniyang likuran at nakita ang isang morenong binata na ilang sentimetro lamang ang tangkad sa kanya. The man’s eyes were full of concern.

“Ayos ka lang?” tanong nito. Ngunit hindi iyon marinig ng maayos ni eli sapagkat napakaingay na ng mga taong nasa paligid nila.

“Hindi kita maintindihan!” sigaw niya sa binatang nasa harapan.

“Ayos ka lang kako?” pasigaw na tanong nito sa kaniya. Agad namang umiling si eli sa binatang nasa harapan.

Lumapit ito sa kaniya kaya unting napaatras si eli. At mas ikinagulat niya ng bigla nitong ilapit ang mukha sa kaniya.

“Alis na tayo rito?” bulong nito sa kaniya. Tanging pagtango lamang ang nagawa ni eli sa binata.

Hinawakan ng binata ang kaniyang kamay at hinigpitan ito. Lumingon ito sa kaniya sabay sabing, “Hawak ka mahigpit, baka mawala ka!” malakas ang boses nito upang marinig niya.

Pagkatapos noon ay nilusong nila ang alon ng mga tao. Ilang minuto rin silang naglakad hanggang sa makapunta sila sa pinakadulong bahagi.

“May kasama ka pa bang iba?” tanong ng binata kay eli. Ngayon niya lang narinig ng maayos ang boses nito. Saka ang mukhang natatakpan ng sumbrero. Bakit ang pogi?!

“Meron, y-yung kaibigan ko.” nahihiyang sagot niya, panigurado ay namumula na ang buong mukha niya.

“Ah sige, try mo ulit tawagan. Mahina kasi talaga signal dun kasi sobrang daming tao.” suhesyon nito sa kaniya. Agad naman niyang kinuha ang cellphone para tawagan ang kaibigan. Ngunit sa kasamaang palad, cannot be reached ito. Siguro ay mahina ang signal nito, or worse walang signal.

“Hindi ko ma-contact. Siguro mauuna na lang ako umuwi. Thank you.” yumuko siya at aalis na sana ngunit naalala niya na hindi niya nga pala dala ang sasakyan niya.

“Fuck.” napatigil sa paglalakad.

“Bakit?” tanong ng binata sa kaniyang likuran.

“Ano… hindi pa pala ako makakauwi.” napakamot na lamang ng batok si eli.

“Nawala wallet mo?!” gulat na tanong ng estranghero sa kaniya.

Mabilis na umiling si eli sa binata. “No! it's just, hindi ko pala dala yung car ko kasi sabay kami ng friend ko nagpunta dito…”

“Ahh, so hindi ka marunong mag-commute?” tanong ni darwin dito, agad naman itong umiling at napayuko na lamang.

haha, cute.

“Tara, sabay na lang tayo. Pauwi na rin ako eh.” pag-anyaya niya. “Taga saan kaba?” tanong nito saka tiningnan ang kasama. “Kung ayos lang.”

“Makati.” maikling sagot nito.

“Ay, layo.” bulong ni darwin sa sarili.

“Hatid na kita tara, malapit na rin mag-alas dose baka mapa'no ka pa rito.” at doon ay sabay na naglakad ang dalawa upang mag-abang ng jeep.

“Ngayon ko lang na realize na kanina pa tayo magkasama pero hindi pa natin alam pangalan ng isa't isa.” Panimula ni darwin, kasalukuyan nilang nilalakad UPD campus. “Ako nga pala si Darwin, Darwin Lee. Win na lang for short.” tiningnan lamang siya ni eli at ngumiti.

“Eli. Elijah Hong.”

“Hindi ka estudyante rito?” tanong ni win, iling lamang ang isinagot sa kaniya ni eli.

“I studied in La Salle.”

“Wow, yaman!”

“No naman.” nahihiya nitong tanggi.

“Anong course mo pala boss?”

“Boss?” takang ani ni eli.

“Wala lang, endearment ba.”

“Okay… Fourth year Psychology. How about you?” saka siya nilingon nito.

Ang ganda talaga ng mga mata niya. Imposibleng wala ‘tong jowa. Sa isip ni win.

“Same year pala tayo boss eh! pero ano ako, Civil Engineering.”

“So you're good at math?”

“Sus, ‘di naman masyado.”

“You're humble pala.” eli then chuckled softly.

Pati yung tawa ang ganda rin.

 

“Pwedeng magtanong?”

“Sure, ano ‘yon?”

“May girlfriend kana?” agad naman napakunot ang noo ni eli sa tanong ni darwin.

“Oh my gosh! You think papatol ako sa babae?! I'm gay bro, Bading! Bakla!” saka siya tiningnan ng masama ni eli.

“Ito naman, galit na galit gustong manakit. Naninigurado lang yung tao.” saka siya tumawa ng malakas na mas kinainis pa ni eli. Kaya naman binilisan nito ang paglalakad at iniwan ang kasama na tila baliw na sa kakatawa.

“Uy! saglit lang!” saka tumakbo si win upang mahabol ang binata.

“Matapos kitang ilabas sa mataong lugar na ‘yon iiwan mo ako, sige ganyan kana elijah.” pagdadrama ni win.

“Edi, thank you so much!” dinig ang inis sa boses ni eli.

“Pero seryoso nga, kahit boyfriend? wala ka rin?” pangungulit ni win.

“Wala! None! okay? I'm too busy for that thing.” inis na sagot ni eli. “We just met and you're so nakakainis na ah.”

“Grabe ka naman sa akin boss, sakit mo magsalita.”

“Ano ihahatid mo pa ba ako or hindi na?”

“Ito na boss, tara na.”

 

And just with that, elijah hong, the most quiet person na sobrang ayaw sa maingay, meets the most maingay person— darwin lee.

Notes:

any thoughts about this chapter? ><

https://neospring.org/@hannieryh