Chapter Text
"Putangina."
"What?" Sabat ni Keifer
"Ang sabi ko, putangina mo."
"You mad I beat you in the Statistics exams?"
Isa nalang, itatapon ko na ang lalaking ito sa Mars.
"Come on, why can't you just accept defeat? It's easy!"
"Mas gugustuhin ko pang madapa kesa magpatalo sayo."
"Sure, Jay. Be my guest." Sabi niya na may kasamang smirk.
Dumating ang aming guro para sa next subject. Umalis na si Keifer sa aking harapan at umupo sa kanyang desk. Nang tumingin siya sa akin ay binigyan ko siya ng patagong nakataas na middle finger.
Para yan sayo, gago.
At tumawa pa nga.
"Mr. Watson, may I know what is funny?"
"Nothing, sir. My apologies."
Bumalik sa pagdidiscuss si Sir Alvin nang lumingon ako sandali kay Keifer para sabihin sa kanyang "deserved" kahit walang lumalabas na ingay sa bibig ko. Nakatutok lang ako sa whiteboard habang tinuturo ni Sir Alvin ang isang mahirap na konsepto sa Calculus.
Punyeta, ba't nga ba ako nag STEM? Isang oras nakalipas ay natapos din ang klase ni Sir Alvin na halos naubos na ang whiteboard dahil sa solving na hindi makamasa. Bago pa magpaalam si Sir Alvin ay may nilagay siya sa aming announcement board.
"Everyone, I posted the highest scoring individuals in the prelim exams of Calculus. You can check them. Good bye, class."
Matapos sabihin ni Sir iyon ay nagsitakbuhan na ang aking mga kaklase upang tingnan ang kanilang naging performance sa Calculus. Pinilit kong sumingit upang matingnan ang listahan at sana naman ay nasa last si Andres.
TOP PERFORMING STUDENTS IN BASIC CALCULUS (11 - E)
1. Mark Keifer Watson
2. Cinco Neith Peralta
3. David Theodore Braselton
4. Jasper Jean Mariano
5. Yuri Hanamitchi
...
Biglang may umakbay sa akin at ngumiting nakakaloko na siyang ikinagalit ko.
"Tsk tsk, I beat you in Calculus. Is that a 2 win streak for me again?"
Halos sumabog ako sa aking narinig.
"Chamba lang yan!"
"Chamba? Or you forgot to simplify again to its reduced forms?"
Huh? May ganun?
"Ano bang sinasabi mo? Wala namang ganun eh!"
"Jay what-" Lumakas ang tawa niya. "It's a golden rule in Calculus to simplify your answers to the reduced expression. You've been making the same mistakes since Pre-Calculus. You even forgot how to put the second 3 in the fourth layer of the Pascal triangle."
Oh edi ikaw na magaling!
"Oh ano ngayon? Sige, ingudngud mo sa mukha ko!" Pasigaw kong sabi, kaya napatingin ang iba sa amin ni Keifer na kasalukuyang nag-aaway sa gilid na ng entablado.
"Hey, Jay, I didn't mean to ridicule you—"
"Uy LQ na naman!"
"Ang sweet!"
"Oh pustahan sino mananalo!"
"Ikain mo lang yan Jay!"
MANAHIMIK NGA KAYO!
Nag walk out ako sa classroom at pumunta sa school garden. Buti nalang pala walang tao, baka mapagbuntungan ko ng galit pag meron man.
"Jay!" Tawag ni Keifer.
Lumingon ako sa kanya na may matinding galit sa mukha. Ayoko siya makita kahit dito man lang.
"Pwede ba? Pwedeng bang iwan mo na ako kahit dito man lang—"
Bigla niya akong niyakap.
"I'm sorry. I was too much, and I know I pissed you off. I'm sorry, Jay. I didn't mean to hurt you. I'll try to tone down my teasing." Sabi nito habang nakayakap.
Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa aking tiyan. Alam ko din na masyadong malakas ang tibok ng puso ko. Kaya bago ang lahat, tinulak ko siya palayo.
"Oo na. Sige na. Apology accepted."
Lumitaw ang ngiti sa kanyang mukha.
"Thanks, Jay."
Shet, ang ganda niya pala ngumiti no? Ngayon ko lang napansin. Parang mas lumiwanag—
Jusko wag po.
Pumasok kami ulit sa aming classroom para sa aming 4th subject bago lunch— Earth Science.
"Good morning, class. Have a seat."
Nagsiupuan ang lahat para makining sa aming DRRM teacher slash adviser
"Guys, palapit na ang Sci-Math festival. Nakahanda na ang mga activities para sa isang linggong activity. Keifer, ikaw ang aatasan kong magle-lead sa buong klase niyo."
Tumango si Keifer.
"Una sa lahat ay ang Sci-Math quiz bowl. Jay-jay at Keifer, kaya niyo na to diba? Lagi naman kayo ang pambato at ang nananalo." Anunsyo ng guro.
"Okay lang po." Sambit ko.
"Ay teka nga pala, nag-iba na ang guidelines. Mauuna muna ang year level competition tas lalaban ulit kayo sa mga nanalo sa ibang year level. Kung sino ang mananalo ay sila ang gagawing pambato ng HVIS sa City Wide competition."
Luh, meganon? Ayoko na nga kasama tong kumag na to eh.
"Heard that, Jay? Means we need to exert our efforts twice or thrice!" Napasampal ako sa noo dahil sa sinabi ni Keifer.
"Eh paano ba yan? Ayoko na makasama ka." Totoo naman eh! Lagi nalang nag-aaya ng study out sa library tas tatawanan lang ako.
"Tsss. Childish."
Childish mo mukha mo!
Matapos ang announcement, nagsimula na magturo ng bagong lesson ang guro. Nang nag ring ang bell ay naging cliffhanger ang lesson, ngunit bago siya umalis ay nag announce bigla si Maam na...
"Everyone, pinapasabi nga pala ng Sir Eric niyo sa PE na dumiretso nalang sa pool after lunch at magbihis na ng swimming uniform niyo para makasimula agad kayo."
Shit, swimming? Punyeta, di ako marunong lumangoy! Napatulala ako sa kaba hanggang sa—
"Jay!"
"Ay anak ng tuta! Ano ba, Ci-N!"
"Tara, lunch na! Bagal bagal neto, edi ubusan na naman sa caf!"
"May baon ako no! Ikaw nalang pumila doon!"
"Ayoko! Gusto ko samahan mo ako!
"Ano ba, Ci-N! David, samahan mo nga tong batang kumag na to!" Reklamo ko kay David.
"Sorry, Jay. Kukunin ko pa baon ko sa guard. My girlfriend texted me na may iniwan siyang baon sa akin." Sagot ni David.
"Ci-N! Magbaon ka nga!"
"Tinatamad akong magdala, Jay!"
"Ah basta! Hindi ako sasama sayo! Kakain na ako."
Binuksan ko na ang aking blue tupperware at susubo na sana ng biglang may naglatag ng Iced Milo sa desk ko.
"Your favorite. Napadaan ako sa caf." Sabi ni Keifer.
"Uhm...sa...salamat..." Ngumiti si Keifer at bumalik sa kanyang desk kasama ang binili niyang lunch.
"Yieee, ano yon? Ikaw Jayjay ha, crush mo ba si Keifer?" Tanong ni Ci-N.
"Gago, hindi no!"
"Eh bat pulang pula cheeks mo?"
"Tantanan mo ako, Ci-N! Malilintikan ka sa akin! Bumili ka na nga lang ng lunch mo. Malapit na mag 1 oh! Magpapalit pa tayo para sa swimming class!
Nagsimula na akong kumain at dumating ulit si David at Ci-N na naki parasite sa lunch ni David. Pagkatapos ay pumunta na kami sa swimming lockers at nagbihis, separately.
Ako lang ang bukod tanging naka rash guard dahil ang mga kalalakihan ay naka swimming trunks lang. Agad agad akong tumabi kina David at Ci-N at umupo.
"Jay, 5:00 o'clock." Ani David.
"Huh? Bakit?
"Basta tingnan mo!"
Lumingon ako at nakita ko si Keifer na naglalakad na naka swimming trunks. Gago, may muscles at abs pala ang mokong. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako ng matagal hanggang sa tinawag na ako nina Ci-N at David. Agad akong lumingon pabalik kina Ci-N at David habang namumula ang aking pinsgi. Naka smirk ang dalawang gago.
Mga tarantado!
Dumating na si sir Eric para turuan kami ng basic strokes para sa swimming at kung paano mag dive papunta sa pool. Mahigit dalawang oras ay nagkaroon ng switching hanggang sa pinagsabihan niya kami na kailangan naming languyin ang swimming pool from one end to the other end gamit ang mga basic strokes na tinuro sa amin na walang pagtigil o pag pause.
GGWP ako nito! Shet! Di nga ako marunong lumangoy Sir!
Nauna ang batch nila Josh, sunod naman kina Drew, then Yuri, at Ci-N. Last batch ay kami ni Keifer at iba pa.
Nag dive na ako sa tubig at lumangoy na. Mabilis naka dating si Keifer at nasa gitna palang ako ng pool ng makaramdam ako ng cramps.
Shoot! Malalim na sa parte ng pool na ito!
Hindi ako makagalaw at para na akong nalulunod. Napasigaw ako ng tulong, pero parang walang nakakarining sa akin. Please, tulungan niyo ako!
"Hala! Si Jayjay!" Sigaw ng kung sino.
Parang wala na akong nakikita ng biglang may kumalabit sa akin at nilalangoy ako papunta sa mababaw na parte ng pool.
"Jayjay! Listen to me! Are you okay? Can you hear me?" Yan ang naririnig ko ngunit parang di ko maituro kung kaninong boses yun.
Pagbuklat ko ng mata, nakita ko si Keifer at si sir Eric na alalang-alala sa kondisyon ko.
"Jayjay! Please!"
Nang huminahon ang breathing ko ay bigla akong humagulhol. Takang-taka ang lahat maliban kay Keifer. Niyakap niya lamang ako at hinayaang umiyak hanggang sa tumahan ako.
Kumalma na ako at tinulungan ako ni Keifer pabalik sa swimming lockers ng kababaihan. Naghintay siya sa labas at siniguradong hindi ako maiiwan. Matapos ang ilang minuto ay lumabas ako pero nanginginig pa din ako.
"Jay, gusto mo na bang umuwi? Pwede ko sabihan ang next subject natin para mahatid kita pauwi."
"Okay lang ako, Keifer. Salamat."
"Sure ka ba, Jay?"
"Oo."
"Sige, pero pag di mo na kaya, sabihan mo ako."
Bago ako napatango ay bigla niya ulit akong niyakap.
"I was afraid something would happen to you. Please don't do that again. Please know that we would all understand. Not everything is a competition, you know? Please, Jay. Please don't pull something like that next time. I could only do so much."
Tumingin siya sa mga mata ko.
"Promise?"
"Pr...Promise."
Ngumiti si Keifer at niyakap ako ulit. At dahil doon, parang sasabog na ang puso ko at parang halos bumaliktad na ang kalamnan ko.
