Work Text:
Wala naman akong in-expect nung sumakay ako sa jeep that afternoon—just another ride across campus, just another simple day. Umupo ako sa may dulo, nag-earphones at nag-scroll sa phone. Mainit, pero buti na lang may hangin na pumapasok sa loob ng jeep.
Tapos, dumating siya.
Wala lang sa una. Just another student, just another commuter. Pero napansin ko ‘yong dala niyang plastic bag—boiled eggs. Taga-CHE siguro? Siguro may activity? Malay ko. Pero mas napansin ko ‘yong pabango niya. Mabango, hindi overpowering. Medyo citrusy. Tipong fresh pero hindi trying hard.
Tapos, bigla na lang… bumigat balikat ko.
Nagkatinginan kami sandali—well, ako ‘yong tumingin, kasi siya, tulog na. Nakasandal na lang bigla sa balikat ko, parang biglang ang gaan ng mundo niya tas 'yong balikat ko mabigat.
Napatulala naman ako sa realization: Gagi, natutulog ‘to sa balikat ko.
Pwede ko siyang gisingin. O pwede akong gumalaw para matanggal siya. Pero hindi ko ginawa. Ewan ko. Siguro kasi mukhang pagod? Parang kailangan niya ‘tong tulog. O baka kasi…
… Cute siya.
So wala, steady lang ako. Hinayaan ko lang. Tiniis ko kahit medyo nangangawit na ‘yong balikat ko. Nag-adjust pa ako konti para mas kumportable siya.
Tahimik lang ang jeep. Maririnig mo lang ay ang hangin, ingay ng makina, tawa ng ibang pasahero. Tapos 'tong nasa balikat ko, mahimbing na natutulog.
Hanggang Sampaguita.
Bigla siyang gumalaw, parang nagulat sa sarili niya. Napabalikwas siya ng bangon, hawak agad ‘yong balikat ko, mukhang takot na takot sa kung anong nagawa niya.
“Oh my god—nag-laway ba ako?”
Ayon pa talaga una niyang naisip.
Nagpipigil ako ng tawa. “Hindi.”
Pero halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala. Chineck niya ‘yong balikat ko, tapos ‘yong plastic bag niya, tapos ako ulit. Tapos bumuntong-hininga siya, parang tinanggap na lang kapalaran niya.
“Uh… eto,” sabay kuha sa plastic bag niya. “Para hindi ka magalit.”
Binigyan niya ako ng itlog.
Ng itlog?
Tinitigan ko ‘yong itlog, tapos siya, tapos itlog ulit. Hanggang sa natawa na lang ako.
“Ano ‘to, apology egg?”
“Uh… oo?” seryoso niyang sagot. “Sobrang sorry talaga”
Umiling na lang ako habang tumatawa. Kinuha ko ‘yong itlog. Saka lang siya nagmukhang relieved, pero kita kong namumula na ‘yong tenga niya.
“Salamat, man,” bulong niya, tapos biglang baba ng jeep.
Ganun lang.
Walang pangalan. Walang number. Wala akong clue kung sino siya. Ang naiwan lang sa akin: ‘yong amoy ng pabango niya sa damit ko at isang pirasong itlog sa kamay ko.
Napangiti na lang ako mag-isa.
Well.
That made my day.
Kung makita ko siya ulit, ako naman ang magdadala ng itlog.
