Actions

Work Header

can i have the day with you?

Summary:

ayaw naman talagang umalis ni wonwoo pero kailangan eh. kaya ang tanging nagawa na lamang ng kanyang asawang si mingyu ay humiling ng isang buong araw kasama siya.

Notes:

ako ay nagbabalik with another alay (gasp!). this one's inspired by sam ock’s “can i have the day with you” and lowkey wonwoo's e—hehe enjoy~!

Chapter Text

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

‘Nung unang inoffer sa kanya ng kanyang supervisor ang senior software developer position sa Australia ay tinawanan lamang ito ni Wonwoo.

“Ano ‘yan, sir? Bakasyon? Pwede ko isama mga mag-ama ko?” Biro ni Wonwoo na siyang nagpailing sa boss niyang nagsilbi na rin niyang kaibigan sa trabaho.

“Sabi ko naman sa’yo, Wonwoo eh. Seryoso ‘yung management sa offer nila last time about you leading the new team sa Melbourne. Nakausap mo na ba si Mingyu? Sayang kasi ‘yung opportunity.”

“Sir Gi, alam mo naman ‘yung conditions ko ‘di ba? Willing naman ako maging lead pero remote lang. Ayokong malayo sa pamilya ko.”

Hindi mapigilang mapabuntong-hininga ng kanyang supervisor. Halos anim na taon na silang magkatrabaho ni Wonwoo kaya’t alam niya na dekalibre talaga ito magtrabaho.

Wonwoo is not only knowledgeable about his job, but is also passionate about it—making him the perfect candidate to be the supervisor to lead a huge team in their office abroad.

Ilang taon na ring inaawitan ng mga boss si Wonwoo tungkol sa pag-migrate sa ibang bansa ngunit palagi niya lamang itong tinatanggihan. Giit niya ay maliliit pa ang kanilang mga anak at ayaw niyang mawalay sa kanyang asawa.

“Think about it, Won. Malaking offer ‘to. Malay mo pag nakaipon ka agad pwede mo na isama si Mingyu at mga bata doon.”

“Hindi pwedeng malayo si Mingyu sa mga magulang niya, sir. Alam mo na, panganay duties. Tiyaka ayoko rin naman ilayo sina Bora at Eunji sa mga kaibigan at mga kaklase nila dito. Lalo si Bora, highschool na ‘yun ngayong pasukan,” ani Wonwoo.

Isang tapik ang iginawad sa kanya ng kanyang supervisor. “Basta, pag-isipan mo muna and talk to your husband. I’m sure mabibigyan ka ni Mingyu ng ibang perspective.”

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

Kagabihan matapos ang naging pag-uusap nila ng kanyang supervisor ay excited siyang sinalubong ng dalawang anak sa pangunguna ng bibo at masigla nilang bunso na si Eunji.

“Papa!” Masayang sambit ng pitong taong gulang nilang anak bago nagpakarga at yumakap nang mahigpit sa leeg ni Wonwoo.

“Hi, baby. How was your day?” Malumanay na tanong ni Wonwoo habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok.

“Hay naku, papa. Ayaw po gumawa ni Jiji ng homework,” sumbong ng kanilang panganay na si Bora bago humalik sa kanyang pisngi.

“Oh no, nakakunot nanaman ang noo ng ate namin. Wag na ma-stress, baby. Tutulungan na lang siya ni Papa sa homework niya mamaya. Right, Jiji? Gawin natin homework mo later?” Malambing na tanong ni Wonwoo kay Eunji na nakasiksik pa rin ang muka sa kanyang leeg.

Tumango lamang ang bata bilang sagot, still refusing to detangle herself from his father. Hindi rin naman nagrereklamo si Wonwoo.

“Ikaw naman, ate? How was your day?” May ngiting tanong ni Wonwoo sa kanilang 13-year-old na dalagita.

“I’m so tired, papa. Ulit-ulit ako sa stage kanina ‘nung graduation practice,” sagot nito habang nakanguso na siyang ikinatawa ni Wonwoo.

“Ikaw kasi, ate. Ginalingan mo masyado ang dami mo tuloy awards,” biro ni Wonwoo sa anak na magtatapos ng Grade 6 with highest honors.

Wonwoo couldn’t help but grin proudly at their eldest. Walang pagsidlan ang kaligayahan nila ng asawa ‘nung unang ibalita ng adviser ni Bora na gagraduate itong may anim na awards, kabilang na ang pinakamataas na karangalan.

Hindi naman nila pine-pressure ang mga anak sa pag-aaral kaya daig pa talaga nila ang naka-receive ng 14th month pay kapag may mga medalyang natatanggap ang mga ito.

“Na-checkpoint niyo nanaman ang papa niyo. Hindi pa ‘yan nakakapagbihis.” Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa direksyon ng kanilang kusina.

Doon ay nakatayo si Mingyu na nakangiti silang pinagmamasdaan habang nagpupunas ng kamay sa kanyang apron. Mukang kakatapos lang nitong magluto ng hapunan.

Napangiting lalo si Wonwoo nang masilayan ang asawa. Shet, ang pogi pa rin talaga, isip niya.

Inayos niya ang pagkakakarga kay Eunji bago kinuha ang kamay ni Bora at tiyaka nilandas ang maikling distansiya sa pagitan nila ng asawa.

“Hi, mahal. I missed you,” Malambing na bati ni Wonwoo kay Mingyu bago ito halikan sa pisngi.

“Para ka namang galing abroad niyan,” Biro ni Mingyu pero dinampian pa rin naman niya ng isang matunog na halik sa labi ang asawa. “Bihis na, mahal. Kain na tayo.”

Nang makapag-ayos ay sandaling iniwan ni Wonwoo ang kanilang mga anak sa sala upang makapaghain na.

Ganito palagi ang siste nila sa bahay, si Mingyu ang nagluluto habang si Wonwoo ang naghahanda at naghuhugas. Si Bora naman ang taga-ligpit at taga-tuyo ng mga nahugasan. Soon enough ay bibigyan na rin nila ng toka si Eunji pero for now ay siya muna ang cute mood booster nila habang nagawa ng mga gawaing bahay.

Nakatalikod na nagbabalat ng prutas si Mingyu nang pumasok si Wonwoo sa kusina kaya naman agad niyang sinamantala ang pagkakataon at mahigpit na niyakap ang asawa.

“Miss na miss mo naman ako. May kasalanan ka siguro,” biro ni Mingyu habang nililipat sa mangkok ang mga nahiwang prutas na gagawin nilang dessert after dinner.

“Si tamang hinala naman. Nagre-recharge lang, love. How was your day?” Pabulong na tanong ni Wonwoo at tiyaka pinasadahan ng maliliit na halik ang kahabaan ng leeg ni Mingyu.

“Hectic, pero kinaya naman. At sa wakas ng panahon ay natapos na rin lahat ng revisions ‘nung isang client ko.”

Mingyu is a graphic designer. He used to work for a media company before ultimately choosing to be a freelance designer and consultant after years of service.

Okay naman, mas decent naman ang kinikita niya, well, as decent as a creative working in a country that puts little to no value on creatives would allow.

At dahil nga freelancer ay si Mingyu ang madalas na naiiwan sa bahay kasama ang mga bata.

“Good job, love. Sabi naman sa’yo, mapapagod din ‘yun kakareklamo eventually.”

“I know, I know. Naunahan lang talaga ko ng inis kasi ang demanding niya. Ikaw ba, mahal, how was work?” Tanong ni Mingyu nang humarap na ito sa asawa. Magkayakapan na ang dalawa habang bahagyang nakasandal si Mingyu sa kanilang lababo.

Saglit na napatahimik si Wonwoo nang maalala ang naging usapan nila ng supervisor. “Ganun pa rin, mahal. Kupal pa rin si Dustin at gusto nanamang ipasa sa’kin yung tasks niya kanina.”

Sasagot pa sana si Mingyu nang biglang pumasok si Eunji sa kanilang kusina, prompting the two to separate from their comfy embrace.

“Yes, baby?” Mingyu asked their youngest.

“Sorry dada and papa, ate and I are hungry na po. Kakain na po?” Inosenteng tanong ni Eunji kaya naman natawa sina Mingyu at Wonwoo. Hay, there’s never a dull moment with their little one talaga, Mingyu thought.

“Ito na po, aming prinsesa. Sabi nga ni papa ay maghahain na siya. Hirap naman mag-bebe time dito,” biro ni Wonwoo bago simulang kolektahin ang mga plato at kubyertos na gagamitin nila.

Nang kukuha na sana ng pitchel sa loob ng ref ay ‘di sinasadyang natuon ang atensyon ni Wonwoo sa dalawang papel na may ‘disconnection notice’ na nakadikit sa pinto nito.

“Mahal? Hindi pa tayo nakakabayad ng bills?” Tanong ni Wonwoo sa asawa na nagsasandok ng ulam sa kaldero.

“Okay na, nabayaran ko na ‘yan, love. Sorry, nasagad ko sa due date. Na-delay kasi ‘yung bayad ‘nung isang client e ‘yun ‘yung pinambayad ko this month. Pero bayad na ‘yan. Kakapadala lang rin niyang mga notice kanina,” paliwanag ni Mingyu.

“Ah, okay. Nagulat lang ako akala ko nalimutan mo. Pero okay pa naman ang budget mo this month, mahal? Sabihan mo lang ako ha.”

“Oo kasya pa naman, mahal. Don’t worry. Tiyaka kaya ko na ‘to. Ikaw na ang nagbayad ng reservation fees para sa next school year nila ate at bunso eh.”

Mingyu and Wonwoo started living together when they got engaged after almost a decade of being together. Marami na silang narinig na mga horror stories about couples separating after living together kaya naman determinado sila na hindi ito mangyari sa kanila.

Isa sa madalas na pag-awayan ng maglive-in partners ay pera kaya ito ang pinaka-unang kinlaro nila sa isa’t isa at nang makasal ay halos ni-retain lang rin naman nila ang “rules” nila about finances.

Ang tanging nabago lang ay nakatoka na si Mingyu sa pagbabayad ng utilities monthly kagaya ng tubig, kuryente, internet, at gas. Siya rin ang namimili ng groceries. Si Wonwoo naman ang naghuhulog ng bahay at kotse nila. Hati sila sa pagbibigay ng baon sa mga anak at sa pagbabayad ng tuition fees ng mga ito na kapwa sa private school nag-aaral.

Habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan ay hindi maiwasang muling tignan ni Wonwoo ang mga ‘disconnection notice’ na nakadikit sa ref.

At sabay sa pag-ikot ng sponge sa kanilang mga plato at mga baso ay ang paulit-ulit ring pag-ikot ng pag-uusap nila ng supervisor sa kanyang utak.

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

Kaya nga lang ay tumataas ang mga bayarin, nagsisipaglakihan na ang mga bata, at nagmamahal pang lalo ang mga bilihin.

Sumabay pa ang lintik nilang ref at washing machine na para bang nagkuntyabaan na sabay masira at maghanap ng kapalit.

Dahil nga hindi naman talaga kasama sa monthly budget at maging sa maliit nilang emergency funds ay walang choice sina Wonwoo at Mingyu kung hindi ang i-installment muna ang bagong ref at washing machine.

Habang pumipirma sa cashier ng appliances store ay muling nag-flashback kay Wonwoo ang usapan nila ng supervisor tungkol sa Melbourne two weeks ago.

Hindi niya maiwasang isipin na paano na lang kung—wag naman sana pahintulutin ng tadhana—ay mangailangan sila ng mas malaking pera in the future? Kakayanin ba nila financially kapag nagkaroon ng emergency? Sapat ba ang savings nila sa biglaang mga gastusin?

“Pasaway talaga ‘yang ref at washing machine. Talagang sumabay pa,” naiiling na bulong sa kanya ni Mingyu habang inaantay nilang matapos ang pag-proseso ng mga binili.

“Kaya nga eh. Kakaiba rin ang timing,” sagot naman ni Wonwoo. Timing na timing nga naman.

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

At kapag umalis siya ay sino na lang ang makakasama ng kanyang asawa na mag-budget at mamroblema sa mga nagtataasang gastusin?

Sa kada huling araw kasi ng buwan ay naglalaan sina Mingyu at Wonwoo ng ilang oras para mag-set ng budget sa paparating na buwan.

That month, ang “Budget Day” nila ay tumapat ng Biyernes—isang buwan matapos ang naging pag-uusap ni Wonwoo at ng kanyang supervisor.

Laging excited ang mag-asawa sa “Budget Day” dahil kahit karumaldumal ang presyo ng mga bayarin habang hindi gumagalaw ang kanilang mga sahod ay para na rin kasi itong pseudo-date night nilang dalawa.

‘Matic yan, ‘pag nailatag na ni Wonwoo ang mahiwagang ledger sa center table ay maglalabas na ng pinalamig na bote ng convenience store wine si Mingyu. Alcohol is the solution to all problems, after all.

Ngunit nung gabing ‘yun ay kapansin-pansing tahimik si Wonwoo na tila may malalim na iniisip.

“Mahal, may problema ba? Kanina ka pa parang may iniisip eh,” tanong ni Mingyu sa asawa. Wonwoo hesitated, but his husband urged him with a soft smile.

“Naalala mo ‘yung sabi ko dati na may bagong team sa Melbourne?” Mingyu nodded.

“Kinausap ako ni Sir Gi last month. Gusto daw ng upper management na ako ang mag-lead ‘nung team.”

Mingyu gasped happily at Wonwoo’s news. “Oh my god! Congratulations, mahal. You’re finally leading your own team.”

Wonwoo gulped when he saw the genuine happiness in his husband’s eyes. Parang ayaw niya na lang ituloy ang sasabihin. Pero time’s ticking at sa totoo lang ay kailangan na niya ng opinyon ng asawa kaya naman isang buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita.

“Gusto nila akong mag-lead ng team. Pero sa Australia. They want me to transfer to Melbourne, mahal.”

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

Mingyu and Wonwoo have been inseparable since high school. Classic friends-to-lovers ang trope ng love story nila na nagsimula sa typical alaskahan noong first year days pero nagbunga lamang noong huling quarter ng fourth year.

Dahil nga magtropa muna bago naging mag-jowa ay matagal na nilang pinlano na mag-entrance exam sa parehas na universities kahit magkaiba sila ng kursong kukunin–Computer Science si Wonwoo habang Fine Arts naman si Mingyu.

At may kapit ata talaga sina Mingyu at Wonwoo sa tadhana dahil hindi lamang sila nakapasa sa parehas na unibersidad pero sa “dream school” pa nilang dalawa.

Magkalayo ang building nilang dalawa, halos dulo-dulo ng campus, ngunit hindi pa rin ‘to naging hadlang para magkita sila nang madalas.

At dahil nga favorite sila ng universe ay pinahintulutan pang naging magkaklase sila sa isang GE course at dalawang beses sa PE noong unang mga taon nila sa college.

Pero kahit na swerte sina Mingyu at Wonwoo kung tutuusin ay hindi pa rin naging madali ang college life nila.

Andiyan ang academic stress at pressure na sinamahan ng personal matters, topped with some early relationship woes.

Dalawang beses silang muntik mag-break at isang beses na nag cool-off, pero ganun siguro talaga kapag tinadhana kasi tatlong beses rin naman nilang piniling muli ang isa’t isa.

Sa awa ng universe (at patnubay ng kanilang favorite tapsihan at fishbolan) ay naka-graduate silang parehas on time.

Muling nasubok ang kanilang pagsasama ‘nung unang mga taon nila bilang alipin ng kapitalismo.

Hindi lamang pressures of adulting and coping with the working world ang kinailangan nilang bakahin kundi maging ang direksyon na tatahakin ng kanilang relasyon, and what it takes to maintain and nurture it.

By this time ay nasurvive naman na nila ang highly-debated seven-year itch pero medyo nagdelikado sila sa period na tinawag nilang “eighth-year slump.”

Slump na hindi lamang pagdating sa relasyon nila pero in general dahil hindi nila alam parehas kung saan sila tutungo at kung anong landas ba talaga ang tutunguhin nila.

With much tears, self-reflection, and a whole lot of communication na sinamahan ng taimtim na dasal ng kanilang guardian angels ay nalampasan rin naman ito nina Wonwoo at Mingyu.

And in their 10th year, they decided to move in together after finally getting engaged.

They got married the year after that in a simple ceremony attended by their families and loved ones. Nothing grand, just an intimate celebration of their enduring love, just the way Mingyu and Wonwoo wanted.

Hindi man perfect ay blissful pa ring i-dedescribe ng dalawa ang unang mga taon bilang ganap na mag-asawa.

Siyempre may tampo at paminsanang away pa rin pero napagtibay na talaga ng panahon ang kanilang relasyon dahil pinagsusumikapan pa rin nilang hindi matulog nang hindi nagkakaayos o kahit magkausap man lang.

In their second year of marriage, Wonwoo and Mingyu made another life-changing decision when they decided to adopt Bora, who was seven years old at that time.

As first-time parents ay talagang nangapa ang dalawa at maraming mga bagay na they had to learn the hard way. Nevertheless, Wonwoo and Mingyu would never trade the feeling of being parents for anything in the world.

Dahil kapwa lumaki na may mga kapatid ay gusto rin sana iparanas ni Mingyu at Wonwoo ang chaotic pero masayang feeling of having siblings kay Bora.

Kaya naman ‘nung tumuntong ito ng sampung taon ay inopen nila ang usapin sa pagkakaroon ng kapatid, which was enthusiastically welcomed by their eldest. Four-year-old Eunji then arrived in their lives a few months later.

It wasn’t their first rodeo but raising Eunji still had its challenging moments.

Sure, nakatulong naman talaga ang prior experience nila with Bora, pero siyempre, iba-iba naman ang mga bata. Iba-iba rin ang circumstances at mga considerations sa paligid at buhay nila kumpara noong si Bora pa lang ang anak nila. But still, they managed to pull through. And Wonwoo and Mingyu are still pulling through.

At kahit na anong porma ng pagbabago ang sumalubong sa kanila, kahit na ilang pagsubok ang ibato sa kanila, isang bagay lamang ang tiyak na kailanman ay hindi magbabago–Mingyu and Wonwoo are inseparable.

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

Mas lalong nadagdagan ang kagustuhan niyang manatili nang makita ang reaksyon ng asawa. Tikom lamang ang bibig ni Mingyu, ngunit mababakas mo sa mga mata nito ang bawat emosyon–gulat, lungkot, kaba, balisa, pangamba.

“Melbourne?” Mingyu repeated in a quieter voice. Wonwoo reluctantly nodded.

“Ga’no katagal?”

“Five years ang kontrata pero sabi ni Sir Gi, pwede naman raw umuwi every year after two years.”

Mingyu pursed his lips. “Five years… High school na si Jiji ‘nun tapos si Ate Bora, mag-dedebut na,” he said, a slight tremble in his voice when he realized just how much time five years would entail.

Parang nanikip rin ang dibdib ni Wonwoo nang ilatag ni Mingyu ang bilang ng taon sa ganoong perspektibo. Limang taon lang naman pero ang dami niyang mamimiss out na milestones ng mga anak niya. Ang daming mga pangyayari na wala siya sa tabi ng asawa. Limang taon lang naman pero bakit parang ang feeling ni Wonwoo ay limang dekada ang mawawala sa kaniya?

“Limang anniversaries rin natin ‘yun at limang birthdays mo,” dugtong ni Mingyu na tila ba ay kausap na ang kanyang sarili at nakatingin na lamang sa lamesa.

“Hindi ko pa naman tinatanggap, mahal. Alam mo namang ayokong mawalay sa inyo ng mga bata,” Wonwoo offered softly, making Mingyu look him straight in the eye.

“Gusto mo ba, mahal? Are you considering it? Tell me your honest thoughts, please. Hindi ako magagalit,” Mingyu said and attempted to give Wonwoo a small encouraging smile.

Muling napalunok si Wonwoo. Ito na ‘yun. Ilang linggo na siyang ginagambala ng offer na ‘to. Ilang araw at gabi na siyang hindi mapakali kakaisip ng dapat gawin. Ilang araw at gabi na rin siyang balisa kung paano niya ito i-oopen up sa asawa. Ito na ‘yun.

“‘Yung totoo, love? Torn ako. Ayaw kong mawalay sa inyo nang ganun katagal. Oo at pwede naman ako umuwi after two years pero shit, kaya ko bang ganun ang sitwasyon na'tin sa loob ng limang taon? Kahit kelan eh hindi naman ako nalayo sa‘yo at sa mga bata…”

Wonwoo paused to swallow down the emotions beginning to climb up his throat. “Pero… ang laki niyang opportunity. Bukod sa promotion, malaki-laking pera ang maiipon natin. Matatapos natin ‘tong hulog sa bahay, mababayaran natin ‘yung loan ng kotse, makakapagtabi pa tayo para sa tuition nina ate at bunso.”

Mingyu looked like he wanted to argue, and honestly, Wonwoo wanted him to argue. He had already spent the last weeks dwelling on the practicality and the logical aspects of the offer.

At this point ay hindi na utak ang kailangan ni Wonwoo. Ang kailangan na niya ay rason na hinugot lang sa puso at purong emosyon. Raw and selfish, if possible. As selfish as it could be. Kahit na alam niyang hindi naman ‘yun ang mapipili sa huli.

He hoped Mingyu would give him that selfish reason, that selfish pull, but instead, his husband softly said, “Five years lang naman, mahal. Kayang kaya natin ‘yun, ‘di ba? Makakauwi ka naman after two years. Kaya natin ‘yun. Para sa mga bata. Para sa’yo. Para sa’tin.”

As expected, his husband would grant him no such thing. Mingyu is the epitome of love and selflessness. He would never give in to his own desires, especially not when it involved his loved ones, his family.

“Ikaw ba, gusto mo ba kong umalis? Sabihin mo sa’kin lahat ng tumatakbo sa isip mo, mahal. Don’t hold back. Wag mong isipin ang iba. Just you and me. Do you want me to accept the offer?”

Hindi na napigilan ni Mingyu ang pag-uunahan ng kanyang mga luha sa mga salita ng asawa.

Kalahati ng buhay nila ay silang dalawa ang magkasama kaya kilalang-kilala na siya ni Wonwoo. Alam na alam na nito ang bawat hininga, bawat halinghing, at bawat silakbo niya. Alam na alam na rin nito kung kailan siya nagtatapang-tapangan at nagtitimpi para sa kapakanan ng iba.

“Ayoko. Wag kang aalis. Wag mo kong iwan mag-isa, Wons,” garalgal na sambit ni Mingyu habang tahimik na umiiyak.

Agad namang lumapit si Wonwoo sa asawa at niyakap ito nang mahigpit. Walang tunog at puro hikbi lamang ang naririnig ni Wonwoo mula kay Mingyu pero mas masakit pa itong marinig kesa sa palahaw na iyak ng asawa.

“I know, baby, I know. Hindi ako aalis, hindi kita iiwan,” pag-alo ni Wonwoo sa asawa.

Isang malamyang tango lamang ang sinagot ni Mingyu dahil kahit anong sabi, kahit anong iyak, at kahit anong pangako nila ay parehas nilang alam ang kahihinatnan ng sitwasyon nila sa huli.

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

And Mingyu doesn’t want Wonwoo to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa taong kalahati ng puso, ng kaluluwa, ng buhay mo?

Pero hindi na lang kasi sila at ang pagmamahal nila sa isa’t isa ang usapan dito. They have a family to keep, children to raise, a house to maintain.

Oo nga at sumasapat pa sa ngayon ang sahod nilang dalawa, pero hanggang kailan? Oo nga at kalidad pa rin naman ang buhay na naibibigay nila kina Bora at Eunji, pero hanggang kailan? Oo nga at may paunti-unti silang naiipon kada katapusan ng buwan, pero hanggang kailan?

Love, sometimes, demands sacrifice. Sacrifice that would give them a higher chance of providing a better future for their family.

So Wonwoo had no choice but to really consider the offer and Mingyu had no choice but to urge his husband to actually consider the offer.

Financial reason aside ay deserve naman talaga ng kanyang asawa ang promotion. It’s time he showed their management what he’s truly capable of—kahit na ang ibig sabihin ay ang panandalian nilang pagkakalayo.

“Kaya natin ‘to, love, ‘di ba?” Wonwoo softly asked as Mingyu back hugged him tightly in the darkness of their room.

Maliliit at maiingat na halik ang tugon ni Mingyu sa kanyang asawa. “Malalagpasan natin ‘to, mahal.” Soft, sweet, and assuring.

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

Lalo na kung kasing lambing nina Bora at Eunji ang mga anak na sasalubong sa’yo sa araw-araw?

Kaya naman ang pinakamalaking concern talaga nina Wonwoo at Mingyu sa sitwasyon na ito ay kung paano nila sasabihin sa mga bata ang nakatakdang pag-alis ng kanilang Papa Won.

“How do we break the news to the kids, mahal?” Wonwoo asked Mingyu during their “Budget Day” the next month.

It has also been a month since their talk and a month since Wonwoo formally accepted the job offer in Australia.

Mabilis na pinaproseso ng management ang mga papeles ni Wonwoo ‘nung nalaman nila ang naging pasya niya. Sa katotohanan ay gulat na gulat sila ni Mingyu nang sabihin ni Sir Gi kamakailan lang na baka makalipad na siya in less than two months.

Kaya ito sila ngayon nangangarag na kumpletuhin ang lahat ng kailangan ni Wonwoo bago umalis habang nangangamba sa magiging reaksyon ng dalawang anak.

“We’ll talk to them together. Wag kang mag-alala, love. Mababait at matatalino ang mga anak natin. Maiintindihan ka nila,” Mingyu assured Wonwoo with a sincere smile and a firm squeeze of his hand.

The moment of truth came on a random Tuesday night. Habang tutok sa kanilang favorite cartoon ay minabuti ni Wonwoo at Mingyu na ipaalam na kina Bora at Eunji ang nalalapit na pag-alis ng kanilang papa.

Hindi sapat ang mga salita para ilarawan ang naging takbo ng pag-uusap ng munting pamilya. It was every bit difficult and undeniably emotional, lalo na sa bunso nilang si Eunji.

“Papa, hindi na po ako magpapabili ng bagong bike. Hihiram na lang po ako sa friends ko. Wag ka na po umalis, please. Please, Papa Wons. Wag mo po kami iwan,” malakas na iyak ng bata habang mahigpit na nakayakap sa leeg ni Wonwoo.

Si Bora naman ay tahimik lamang na umiiyak habang inaalo ni Mingyu.

Noong una ay tango lamang ang sinagot niya sa paalam ng amang magtatrabaho pansamantala sa ibang bansa, pero hindi na nito napigilan ang pag-uunahan ng mga luha nang pumalahaw ng iyak ang kapatid.

Abot-langit naman ang pagpigil ng luha ng mag-asawa habang pilit kinakalma ang mga anak. Kada daing ng mga ito ay parang saksak na derecho sa kanilang mga puso.

Wonwoo and Mingyu locked gazes, the emotions swimming in their eyes mirroring the other’s.

“Sorry, mga anak. Babawi si papa. Pagbalik ko babawi ako sa inyo,” mahina pero mariin na pangako ni Wonwoo.

Nang gabing iyon ay hindi pumayag ang dalawang bata na umalis sa tabi ng kanilang Papa Wons kaya naman walang choice ang mag-asawa kundi pagkasyahin silang apat sa king size nilang kama. Kapwa nakatulog habang nakayakap nang mahigpit si Bora at Eunji kay Wonwoo.

“Hindi ko kayang ganto sila kalungkot, mahal. Gala kaya tayo? O kaya bilhan natin sila ng bagong laruan? Bilhin na natin ‘yung bike na nirerequest nila,” mahinang sambit ni Wonwoo.

Mingyu seemed to think for a moment before answering, “May free day ka pa ba after ng graduation ni Bora?”

Agad na tumango si Wonwoo. “Pwede akong mag-leave dahil pinapaubos na ng HR ‘yung mga forced leaves ko.”

“Sige, mahal. I-file mo ‘yun. I have something in mind,” Mingyu said with determination.

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

Ang kaso ay nakaplano na ang lahat at inaantay na lang niyang mapadala ang kanyang working visa. Ang sabi ng kumpanya ay maaaring sa susunod na linggo ay lumipad na siya pa-Australia.

Kagaya ng pinangako ay nag-file si Wonwoo ng ilang araw na leave pagkatapos ng graduation ni Bora. Sakto ay bakasyon na rin ni Eunji at wala pang deadline si Mingyu kaya wala namang naging problema sa plano nito.

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

Kaso ay kailangan na talaga habang may pagkakataon pa, kaya naman ang tanging nagawa na lamang ni Mingyu ay humiling sa asawa ng isang buong araw kasama niya at ng kanilang mga anak.

Maagang nagsimula ang araw nilang pamilya dahil gusto talaga ni Mingyu na masulit ang pagkakataon na ‘to. Ang dami rin kasi niyang pinlano kaya talagang time is gold ang motto niya.

Matapos mag light breakfast at magayak ang mga bata ay nag-drive na si Mingyu sa una nilang destinasyon—ang dati nilang university ni Wonwoo.

“Dada, where po tayo?” Tanong ni Eunji habang iniikot ang mata sa mapunong paligid.

“Dito po ba kayo nag-study, papa?” Tanong naman ni Bora na katabi ang kapatid sa backseat.

“Yes, bub. Dito kami nag-college ni dada. We also met your titos and ninongs here,” sagot ni Wonwoo habang naghahanap ng mapaparkingan si Mingyu.

“Wow! Ang laki naman ng school niyo, papa. Hindi po kayo naligaw?” Natawa na lamang ang dalawa sa tanong ng anak. Hindi nga naligaw, nagkaligawan lang lalo.

Inilatag ni Wonwoo ang dalang picnic blanket sa open field na madalas nilang pagtambayan dati habang sinilip naman ni Mingyu ang mga kiosks sa paligid.

Dahil maaga pa at weekday ay wala pang masyadong tao liban na lamang sa iilang nag-jojogging at mga estudyante na naka-upo sa benches. '

Wonwoo and the kids took in the serene surroundings, while Eunji asked more questions about their college life, something Wonwoo happily indulged her with.

Pagbalik ni Mingyu ay may dala na itong dalawang plato ng chilimansi pancit canton, dalawang stick ng fishball, at dalawang stick ng kwek-kwek—ang go-to combo nila Wonwoo at Mingyu ‘nung college. Bumili pa ito ng dalawang baso ng mango graham shake na kapwa favorite din nila.

Agad napangiti si Wonwoo nang ilapag ni Mingyu ang mga binili sa picnic blanket. “Na-miss ko ‘yang pancit canton na hinango sa ilang beses nang pinakuluang tubig.”

Mingyu chuckled. “I know right. ‘Yun talaga ang secret ingredient kaya ‘di mapantayan ng pancit canton na luto sa bahay.”

Kagaya noong college ay nilasap nina Mingyu at Wonwoo ang bawat hibla ng pancit canton at bawat piraso ng kwek-kwek, pero parang mas masarap ang pagsasalo nila ngayon dahil kasama na nila ang mga anak.

While eating, the couple couldn’t help but reminisce on some of their fondest memories at the university. Bora and Eunji were also happy to know more about their parents’ younger selves and eagerly asked them questions here and there.

“Naalala ko ‘yung sinigawan tayo ni ate sa bilihan ng shake kasi akala niya hindi pa tayo bayad.” Natawa naman si Wonwoo nang maalala ang kwento.

“Hiyang hiya talaga ako ‘nun, love. Ang lakas nung sigaw niya ng ‘Hoy! ‘Yung shake niyo hindi pa bayad’ tapos nung nag-explain tayo ang hina-hina ng sorry niya,” ani Wonwoo sabay higop sa straw ng shake.

Nadako rin ang kanilang munting throwback session sa consistent na pagpunta ni Mingyu sa building ni Wonwoo kahit na isang jeep ang pagitan nila.

“In love na in love ka talaga sa ‘kin, mahal. Inaantay mo pa ko kahit 7 pm last class ko tapos ikaw hanggang 3 pm lang,” pang-aasar ni Wonwoo sa asawa.

“Sus. Sabi ‘nung nag-cancel ng slot para lang makuha ‘yung isang GE kasama ko,” ganti naman ni Mingyu.

“Anong panama ‘nun sa nag-apply sa same org dahil may nagkaka-crush sa’kin?” Mayabang na sambit ni Wonwoo.

Natatawang nagtaas ng dalawang kamay si Mingyu, surrendering. “Ops, oks na. Sige na, di na po lalaban. Baka may iba ka pang maungkat eh.”

“Papa, dada, this is my dream school na rin!” Eunji exclaimed all of a sudden.

“Really, baby? Gusto mo rin dito mag-study?” Wonwoo fondly asked their youngest.

“Yes, papa! Para I can also meet the person I will marry forever here,” proud na proud na sambit ni Eunji at walang kamalay-malay sa natamemeng ama sa gilid.

“Marry agad, baby? Hindi pwedeng forever friends muna? Like how we found your ninongs and titos?” Singit agad ni Mingyu, making Wonwoo laugh out loud.

“Hindi po ba pwede both, dada? Like you and papa?” Inosenteng tanong ni Eunji na lalong ikinatawa ni Wonwoo.

“Jiji, slow down, anak. Baka himatayin na ang dada mo,” pang-aasar pa ni Wonwoo kaya sinamaan siya ng tingin ni Mingyu.

Bago pumunta sa susunod na destinasyon ay sinigurado muna ni Mingyu na kumuha ng maraming litrato nila gamit ang instant camera na niregalo pa ni Wonwoo noong fourth anniversary nila.

Hilig ng mag-asawa ang photography at gustong-gusto nilang may physical copy ang mga paborito nilang mga kuha. Kaya naman naisipan ni Mingyu na i-document ang araw nila sa pamamagitan ng instant photos para may madala si Wonwoo sa Australia.

Sunod na pinuntahan ng pamilya nina Wonwoo at Mingyu ang isang restaurant kung saan na-engage ang dalawa.

Sa kanilang tropahan, sina Mingyu at Wonwoo ang pinakamatagal na ang relasyon. College pa lang ay lagi na silang binibirong “married” at “parents” ng mga kaibigan kaya naman lowkey ay nag-expect ang mga ito ng bonggang kwentong engagement mula sa kanilang “OG ship.”

Pero minsan talaga hindi lahat aayon sa plano, kagaya na lang ng "accidental” engagement nina Wonwoo at Mingyu.

Matagal nang plano ni Mingyu ang mag-propose kay Wonwoo sa kanilang ika-sampung anibersaryo. Kaya naman sa araw na ‘yun ay sinigurado niyang plantsado ang lahat para makapagpropose na siya pagtapos ng dinner nila sa restaurant na matagal nang gustong i-try ng nobyo.

Kasado na ang lahat at maya’t maya ang pasikreto niyang pagkapa sa bulsa para i-check kung andun pa rin ang box ng singsing na binili niya ‘nung seventh anniversary pa lang nila.

Everything was smooth sailing, their day was perfect, dessert na lang tapos makakauwi na sila at maisasakatuparan na ni Mingyu ang plano. Ang kaso lang ay nahugot niya kasama ng panyo ang box ng singsing.

Okay lang naman sana, madali naman ‘yun isikretong ibalik sa bulsa—kung hindi lang ito bumukas at niluwa ang singsing sa sahig. At dahil nga tinag team siya ng tadhana at kamalasan ay saktong rumolyo pa talaga ito sa paanan ni Wonwoo.

Sa puntong ‘yun ay ‘di alam ni Mingyu kung tatawa ba siya o iiyak, kaya naman wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang mag-propose na agad.

And despite the hitch in his plan, Mingyu still tried his best to keep the proposal intimate and private kahit na nasa publiko sila.

He knew all too well how Wonwoo hates being the center of attention. He also didn’t want to pressure him by being publicly proposed to. Kaya naman para silang baliw noon na parehas iyak-tawa na magkahawak ang mga kamay sa ibabaw ng mesa habang mahina pero mariing dinideklara ni Mingyu ang pagmamahal nito sa kasintahan.

“Excited na ‘yung singsing, hon. Three years na kasi siyang nag-aantay. If you will, would you allow me the honor of being called your husband? Wonwoo, will you marry me?”

It was far from the plan, literal na aksidente, pero it was very them. It was very Wonwoo and Mingyu. A few years later and they returned to the same place they decided on forever, now joined by their beloved children.

Bora and Eunji let out a giggle upon hearing the engagement story of their parents. It was chaotic, but also romantic in its own way, something on brand for their parents.

After their hearty lunch, Mingyu drove his family to the last place on his itinerary, which is an overlooking nature park few hours away from the city that served as his and Wonwoo’s wedding venue years back.

Naupo sa isang picnic table sina Wonwoo at Mingyu habang pinagmamasdaan ang dalawang anak na naglalaro at nagbibike sa ‘di kalayuan.

“I can’t believe we’re here again tapos kasama na ang mga bata,” Wonwoo fondly said.

“Ang surreal ano? Parang kahapon lang ‘yun nangyari,” sagot ni Mingyu habang tinatanaw si Bora na napapalayo na ang pag-bike.

“Ang laki na ni Ate Bora. Naiyak pa ‘yan noon pag bibitawan ko ‘yung handle ng bike eh,” Wonwoo mused, also watching their eldest happily ride the bike.

Mingyu chuckled lowly. “Si Jiji ‘din. Tignan mo, may naka-close na agad. Samantalang ayaw lang niyan magpaiwan sa’kin sa school dati.”

Saglit silang nabalot ng katahimikan, pawang pinagmamasdan ang dalawang anak na masayang naglalaro at nag-eenjoy sa park.

“Did we do a good job as parents, mahal?” Biglang tanong ni Mingyu kasabay ng tanong din ni Wonwoo ng, “We’re doing alright naman raising them, ‘di ba, love?”

Sabay na napatawa ang mag-asawa. Talagang in sync pa rin sila sa mga bagay-bagay kahit pa patungkol sa kanilang worries as parents.

“Mabait at magalang na mga bata sina ate at bunso. Tama naman ata tayo ng pagpapalaki sa kanila,” Wonwoo assured his husband as he reached out to intertwine their hands and lace their fingers together.

Mingyu smiled and nodded softly. “Sa tingin ko rin we’re doing fine. Hindi man magarbo ang buhay na’tin, ang importante eh napoprovide pa rin na’tin ang mga pangangailangan nila. Sana palagi nilang maramdaman ang pagmamahal na’tin sa kanila kahit hanggang sa tumanda na sila.”

“‘Yun lang din ang wish ko, mahal. Sana palagi nilang maalala na lahat gagawin na’tin para sa kanila at palagi tayong handang gumabay at sumuporta sa kanila. Kahit nasa malayo,” Wonwoo seconded, letting out a sigh.

Mingyu tightened his hold around Wonwoo’s hand in comfort. “Wag kang mag-alala. Ikaw pa rin ang best papa nila at walang distansiya ang makakabawi ng title na ‘yun. Alam naman nilang gagawin mo ‘to para sa kanila.”

Nang inihilig ni Wonwoo ang ulo sa balikat ng asawa ay muling nagsalita si Mingyu.

“Pagbalik mo papakasalan ulit kita para maranasan nila ate at bunso ang maging flower girls,” he assured before gently placing a kiss on top of his husband’s head.

With a sigh, Wonwoo muttered, “Ano na lang ang gagawin ko kapag wala ka, love?”

“I love you, mahal. We’ll be fine. We’ll be alright.”

Pasado alas-otso na nang makarating sa bahay ang pamilya. Nag-dinner na rin sila sa isang fast food chain na favorite nila Bora at Eunji bago umuwi.

Dahil malapit na ang bed time ng mga bata ay inihanda na ni Mingyu ang gagamitin para makapag-ayos ang mga ito at nauna nang umakyat sa taas.

Bigla namang yumakap si Eunji sa kanilang Papa Wons na inaayos ang mga dala nila kanina.

“I love you, papa. Thank you,” sambit ni Eunji.

“I love you, bunso. Nag-enjoy ka ba today?” Malambing na tanong ni Wonwoo sa anak na agad namang tumango.

“Yes po, super enjoy po today! Gala po ulit tayo like that pag-uwi mo ha?”

Hindi na nakasagot si Wonwoo sa sinabi ng anak dahil tinawag na ito ni Mingyu para linisan. Pagka-akyat ni Eunji ay si Bora naman ang yumakap at humalik sa pisngi ni Wonwoo

“Thank you for today, papa. I love you po,” Bora sincerely said with a smile, which Wonwoo returned.

“I love you, ate,” Wonwoo said while gently caressing his daughter’s hair.

“Wag ka po mag-alala, papa. Behave and mabait kami kay dada habang wala ka. Aalagaan ko po sila ni Eunji. Promise po.”

Parang may kung anong pumintig sa puso ni Wonwoo nang marinig ang sinabi ng panganay.

“Thank you, ate. Sorry dahil kailangan kayong iwan saglit ni Papa,” Wonwoo said, the corner of his eyes starting to burn with emotions.

“Bakit sorry, papa? Ikaw nga po walang kasama eh. Hindi mo makakatabi si dada tapos malayo ka pa sa'min,” sagot naman ni Bora, making a tear escape from Wonwoo’s eyes. Tama nga si Min, Bora is all-grown up now.

Wonwoo hugged his daughter tightly. “Mahal ko kayo, ate. Never forget that. Kahit gaano kalayo si Papa, mahal na mahal na mahal ko kayong tatlo.”

Pagkababa ni Mingyu ay isang malawak na ngiti ang salubong ni Wonwoo sa kanya kaya tinaasan niya ng kilay ang asawa.

“Anong kalokohan nanaman ‘yang naisip mo?” May pagdududang tanong ni Mingyu na ikinatawa ni Wonwoo.

“Dudero. ‘Di ba pwedeng I’m just very happy to see you?”

“Sus. Ano nga ‘yan, babe? Kilala kita.”

Wonwoo smiled charmingly at his husband before offering his hand to him. Hindi naman nag-atubiling kinuha ni Mingyu ang kamay nito.

Wonwoo then gently led Mingyu to their small garden. He managed to set up a spread of cake slices and little bites of pastries, and two cups of coffee on top of the bistro table in the center of the lawn.

Wonwoo also turned the string lights on, making the area look even warmer and cozier.

Isang nagtatakang ekspresyon ang nasa muka ni Mingyu nang lingunin niya si Wonwoo.

“Isang buong araw ang pinangako ko sa’yo, ‘di ba?” Wonwoo simply said with a wink.

Tahimik ang mag-asawa habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin at ma-bituing kalangitan. Ang kalmado ng gabi, malayong malayo sa naghuhurumintado nilang puso at isipan.

Tanggap naman na nila ang panandaliang pagkakalayo at ang magiging sitwasyon nila sa hinaharap, pero siyempre ay hindi pa rin nila maiiwasan ang mangamba sa hindi siguradong bukas.

Five years is still a long time, after all, especially for a couple like them that have never been separated for that long.

The silence stretched for a couple of beats until Mingyu’s voice cut through the night. “Sorry kailangan mo pang umalis, mahal.”

“Mahal…” Wonwoo started. Alam niyang isa ito sa mga iniisip ng asawa ‘nung una pa lang kaya inantay niya talaga na mag-open up ito tungkol dito.

“Wala lang, nag’guilty lang ako. Hindi ko mapigilang isipin na hindi ka na sana mag-aabroad kung mas malaki ‘yung naiaambag ko sa bahay.”

Hinawakan ni Wonwoo ang kamay ng asawa at mariing pinisil ito bago magsalita. “Love, you’re doing enough. Actually, more than enough pa nga. Nagbubudget day tayo ‘di ba? Alam na’tin na pantay lang tayo sa financial obligations dito. Pero ikaw, ikaw pa ang naiiwan sa mga bata dahil work from home ka kaya mas malaki ang nagiging responsibilidad mo sa bahay kung tutuusin.

“Hindi lang naman pinansiyal ang pangangailangan ng tahanan, ‘di ba? Ikaw ang nag-aasikaso sa amin bago pumasok. Ikaw pa ang nagluluto. Napapagsabay mo ‘yun kahit ang dami mong workload. You keep our home afloat and steady, mahal. Kaya never ever feel guilty dahil lagpas lagpas pa ang ginagawa mo,” Wonwoo assured Mingyu.

Mingyu sighed and squeezed their intertwined hands in appreciation. “How do you always know exactly what to say, love? Alam na alam mo paano pagaanin ang loob ko at pakalmahin ang utak ko.”

“You do the same to me, babe. Presensiya mo pa nga lang, sapat na para maging sandigan ko eh.”

Mingyu playfully pinched Wonwoo’s side. “Sus, bolero ka,” bahagya siyang napatigil bago nagpatuloy, “Pero mamimiss ko ‘yang comfort na binibigay mo at ng mga words mo. Sobra.”

“Hindi naman ‘yun mawawala. I’ll do everything I can para maramdaman mo pa rin lahat ‘to kahit nasa malayo ako. Hindi distansiya ang magpapataob sa’tin, mahal. Pangako ‘yan,” ani Wonwoo sabay siksik ng muka sa leeg ng asawa.

Naramdaman ni Wonwoo ang mabagal na pagtango ni Mingyu na ngayon ay nakatitig na sa maliwanag na buwan. “Kailangan lang natin tandaan na despite the miles and the time difference, we’ll always be under the same moon and the same sun will always shine upon us.”

Napaayos nang upo si Mingyu nang maalala ang munting regalo na inihanda niya para sa asawa. “Wait, diyan ka lang, love. May kukunin lang ako mabilis.”

Pagbalik ni Mingyu ay may hawak na itong maliit na box na may tali pang ribbon.

“Here. At bago ka mag-react, hindi ‘yan mahal. Swear. It’s just a little something para kung namimiss mo kami,” Mingyu explained, making Wonwoo chuckle.

Pagkabukas ng regalo ay bumungad kay Wonwoo ang mga polaroid pictures nila ngayong araw at isang MP3 player.

“MP3? Hanep, love, very OFW ha,” Wonwoo joked.

“Baliw. Lagi mo kasi dala ‘yung MP3 mo ‘nung high school kaya naisipan kong i-revive ulit ngayon.”

“Thanks, mahal. You didn’t have to, but I appreciate this a lot. Lalo na ‘yung polaroid pictures. Pang homesick era ko ‘yan,” Wonwoo said before giving Mingyu a quick kiss on the lips.

“Nilagyan ko na pala ‘yan ng playlist ng favorite mong mga kanta kasama ‘yung mga kanta na’ting dalawa. Nag-record rin ako ng ilang short voice notes in between pero secret kung nasan sila. Basta wag mo muna i-shuffle sa unang kinig mo, okay?”

Wonwoo nodded again before kissing his husband longer and deeper. “I love you so much, Min. Alam kong ‘di magiging madali ang susunod na ilang taon para sa’tin pero tatahakin naman na’tin nang magkasama, ‘di ba?”

“Always, Wons. We’ll get through each year together always. I love you, never forget that.”

Wonwoo doesn’t want to leave. Sino ba namang gustong mawalay sa pamilya?

But then he remembers he will always have Mingyu by his side. He remembers he will always have Bora and Eunji to welcome him home. He will always have a kind and warm love to turn to, no matter the distance.

Mingyu wrapped Wonwoo in a tight embrace, bracing themselves from the chilly wind and the uncertain tomorrow, and Wonwoo silently thought, “I can’t wait to be home for the rest of our lives.”