Chapter Text
Pinoy Big Brother
@PBBabscbn
Paparating na ang sikat na hindi matitinag! Meet the Unkabogable Sunshine ng Cebu, Donghyuck! ☀️
Huwag palampasin gabi-gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mapapanood sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC! 📺
Weekdays | 10PM
Weekends | 6:15PM
#PBBTheBigCollab
#PBBCollabWithGMA"
Pinoy Big Brother
@PBBabscbn
He is here! Ang Talentadong Singer-Guitarist na magmaMARKa sainyong lahat from Taguig, Mark! 🎸
Huwag palampasin gabi-gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mapapanood sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC! 📺
Weekdays | 10PM
Weekends | 6:15PM
#PBBTheBigCollab
#PBBCollabWithGMA"
Hindi rin talaga alam ni Mark kung paano siya nakarating sa puntong ito. Kasalukuyan siyang nasa hotel na hinanda ng management para sa pinaka-aabangang collab na, ayon sa lahat, posibleng makatimbag sa matagal nang network war sa naghaharing networks sa Pilipinas. Bago pa lang si Mark bilang isang Sparkle artist, pero heto’t isasabak na agad siya sa isang sikat na reality show.
The truth is, Mark doesn’t really have much idea what he’s getting into. I mean, don’t get him wrong — binasa naman niya lahat ng nakasaad sa kontrata bago siya pumirma. It’s just that… wala talaga siyang solid na idea kung ano ba talaga ang Pinoy Big Brother. Hindi naman kasi siya nanonood nito.
All he knows about it ay yung mga napanuod niyang compilation clips sa YouTube two weeks ago na puro highlights, memes, at mga iconic na away sa loob ng bahay. Plus, ilang pabaon na survival tips mula sa manager niya: “Smile ka lang lagi,” “Wag kang sumigaw ng bastos kahit mabwisit ka,” at “Tumulong ka sa gawaing bahay kahit maghugas lang kasi di ka naman marunong magluto.” (Ang totoo niyan, hindi na talaga siya tatagal dahil pinagdadasal na nga ni Mark na sana siya agad ang unang ma-evict para makalabas na at makaligo ng walang nakabantay.)
May napanood din kasi siyang dalawang housemates na umiiyak sa comfort room.
Unang reaksyon pa talaga niya noon, "Wait, totoo talaga na may CCTV sa CR?!?"
Nashock talaga siya, lalo na nung mabasa niya nang buo ‘yung kontrata. Yes, may CCTV nga raw for security purposes. Hindi naman sa mismong cubicle, pero still ‘di ba? Kahit pa raw anong drama o breakdown mo sa harap ng salamin, recorded pa rin ‘yan. Napaisip tuloy siya noon, "Paano kung gusto ko lang umiyak in peace?"
Ngayon habang nakaupo siya rito ineembrace niya nalang yung bits of private life niya kasi once na pumasok siya sa bahay ni kuya, wala nang private moments. Kahit simpleng paghinga o pag-scratch ng ilong niya, pwede nang makita ng buong sambayanan.
Dahil nga bago pa lang siya as Sparkle artist ng GMA, wala pa siyang gaanong koneksyon sa industriya. Who would have thought naman kasi na kukunin siya ng GMA as one of their artists? Eh dati, simpleng upload-upload lang siya ng cover videos sa TikTok, videos that just happened to blow up dahil sa galing niya at sabihin na rin nating, sa pagka-crushable niya.
Mark, even without a management team, was actually doing pretty well on his own. He was earning real money from his own original song na naging trending at umabot ng 78 million streams sa Spotify (like, wow, sino’ng magaakala?). Plus, yung income niya rin sa TikTok na steady naman.
Kaya naman, when GMA offered him a contract, he actually turned it down at first. Ayaw niya kasi itong makasagabal sa pag-aaral niya. Besides, feeling niya kaya naman niya mag-isa. Self-made king, ika nga. Pero, well, when management really wants you, they’ll move mountains just to get you. Kaya naghintay sila hanggang sa makagraduate siya. Tsaka in-offeran siya ng deal na halos mahirap nang tanggihan.
Dalawang buwan pa lang siya under Sparkle, pero heto na, pinapasabak na agad sa PBB para raw mas dumami ang fans niya. Kasi daw, sabi nila, PBB is the place to gain supporters. ‘Yung mga fans na willing gumastos para sa’yo.
Talking about capitalism, right?
Medyo napa-isip din si Mark nang sabihin sa kanya ng manager niya na baka makalikha siya ng bagong kanta habang nasa loob. Baka may sumikat ulit na composed song inside PBB ala Win The Fight ni Ylona Garcia o Can’t Get Out ng Batch Otso.
“We never know, itry mo lang, sabi pa ng manager niya sakaniya.
After all, PBB has been a launching pad for a lot of artists. Maybe he could be the next one.
Ang problema lang siguro ay hindi siya sigurado on how he’ll survive being phoneless for weeks, na parehong mukha lang ang makikita niya araw-araw, na walang bagong scenery o hangin mula sa labas. Imagine mo ‘yun, walang kape sa favorite coffee shop, walang spontaneous gala with friends at walang late-night TikTok scrolling.
Pero wala nang atrasan ngayon. He’ll just make the best out of it. Baka nga, makahanap pa siya ng bagong friends at mga koneksyon sa showbiz. May nababalitaan din kasi siyang ilang sikat na pangalan na sasama ngayong edition.
And who knows? Maybe this strange little twist of fate will be the start of something even bigger for Mark.
Humiga na lamang siya sa kama na hinanda para sakaniya. Napatingin siya sa kisame, pinipilit pakalmahin ang dibdib na parang drum na sa lakas ng kabog. Tomorrow is the very big day. Ang launching ng bagong edition ng PBB na pinakaabangan ng lahat, kapuso ka man o kapamilya, at somehow, kasama siya dun. A collab between two networks. Ang wild lang, ‘di ba? Kung iisipin, kaunting oras palang siya as a member ng Sparkle, tapos ngayon, heto na siya, parang itinapon sa gitna ng battlefield na hindi man lang niya kabisado ang mapa. Isang historical moment sa larangan ng entertainment industry at mapapabilang siya as one of the cast doon.
Binalot niya ng kumot ang sarili niya at paulit-ulit niyang binulong sa isip niya habang pinipilit matulog, “Kaya ko ‘to. Kaya ko ‘to. Kaya ko ‘to.”
Go, go, go! Kaya mo na talaga ‘to, Mark Lee.
ALTKamuning
@starletsngkamuning
ansavehhhhh bago palang yang mark na yan sa kamuning pero pinapasok kaagad 👀 new golden boy na vahh? Michael Sager, kabahan kana 😂
“Let’s all welcome ang Talentadong Singer-Guitarist na magmaMARKa sainyong lahat all the way from Taguig, Mark Lee!” sigaw ng host na si Bianca sa stage sa tapat ng bahay ni kuya.
Kanina pa kinakabahan si Mark, hindi niya alam kung may magsisigaw ba o kung susundan siya ng tahimik na pasok, kaya nung mabanggit ang pangalan niya, may sumigaw din naman at nakarinig pa siya ng mga remarks na, “Ang pogi naman niyan!”
Hindi na siya makapaniwala, talagang papasok na siya sa loob ng bahay ni kuya. Huminga siya ng malalim, nagtakip ng kaunting kaba, at naglakad patungo sa dalawang host.
“Ano ang ineexpect mo sa loob ng bahay ni kuya, Mark?” tanong ng lalaking host sakaniya, mga mata’y puno ng curiosity.
“Uh, siguro… to introduce myself to the people. Kasi karamihan naman dito alam na bago palang talaga ako sa industriyang ito kaya I want to prove myself in this house,” kinakabahan na sagot ni Mark, ramdam ang kaba sa kanyang baga at dibdib, parang ang bawat salita’y may kabuntot na pangarap.
Biglang humiyaw nanaman ang mga manonood, isang sigaw na parang nagsisilbing halakhak sa hangin, and who knows what comments are flying online about him. Sana, sana lang, positive ‘to. Magpapakabait talaga siya, promise.
Nagkaroon ng konting chikahan bago siya pinapasok sa loob. Pagtapak niya palang sa mismong bahay, ramdam na niya ang tindi ng pagkabog ng kanyang puso. Shocks, andito na talaga siya.
Piniringan ang mata niya, tulad ng nakasaad sa kontrata na may paganito talaga, at tinulungan siya ng staff na maglakad sa kung saan man siya dalhin. He walked, slow but deliberate, every step a mix of excitement and fear. Pagpaupo niya sa sofa, ang bagong mundo na yata’y biglang nagbukas.
“Pwede mo nang alisin ang nasa mata mo, Mark,” narinig niyang sinabi ni Kuya, ang boses na palagi lang niyang naririnig sa mga clips na napanood.
Inalis niya ang piring sa mata at sa harap niya, nagtagpo ang mga mata ng mga taong nag-aabang. Kilala niya ang mga ‘to—mga Sparkle artists din ng GMA. Hindi pa nila nagkakasama, hindi pa siya nakakapag-usap nang buo, pero ngayon, narito siya, kabilang sa kanila.
Nagbigay siya ng isang matamis na ngiti at nagkamayan sa mga kasama. Habang ang kwarto ay unti-unting napupuno ng mga tao, tila lahat ay naghahanda sa pagpasok dito sa bahay ni kuya.
“Excited ba kayo?” tanong ni Renjun mula sa gitna ng kwarto.
Si Renjun Tanfelix, isang primetime actor ng GMA. Wow, hindi lang basta mga starlets ang pinadala dito, may big names na talagang ibang level!
Sumagot ang iba kaya sumagot na rin si Mark.
“To be honest, yes. Kasi basically parang first time ko rin talaga ‘to, to meet other entertainment personalities talaga,” sambit niya, tahimik pero may matinding kaba na nararamdaman. Pero kahit papaano, excited siya.
Nagkwentuhan sila, pinapaunlakan ng bawat isa ang presensya, nang marinig ang signal na oras na para lumabas sa kwartong ito para pumunta sa lugar kung saan makikita ang mga other artists from other network. Ang buhay nila ay magiging live na live na ngayon, on air, at it’s happening.
Mark Lee stood up and followed the other housemates. Housemates?! Naglakad sila papunta sa isang hallway, and Mark couldn’t help but feel like he was walking into an entirely new world. Pagdating nila sa pintuan, nandoon ang hudyat, and they waited as the tension keeps building. Nang marinig ang hudyat, si Jisung, isa pang Sparkle artist ng GMA, ang nagbukas ng pintuan.
And then, there it was. The Kapamilya artists, standing before him, already feeling like celebrities in their own right. But among them, one person immediately stood out.
It was like a star that couldn’t be ignored: brilliant, radiant, beyond the rest. Tila parang isang liwanag na hindi mayayapos, kandila na hindi matutunaw, at araw na patuloy lang na sisikat.
Teka, bakit may superstar dito?
In that moment, Mark realized that the universe had conspired to bring him to this exact place, at this exact time. And standing right in front of him—everyone of them—glowing like his name and like he always did, was none other than Donghyuck Shine Lee. Sabihin nalang natin na gay-awakening niya.
Nagrerepost pa siya ng mga edits noon ni Donghyuck sa TikTok kasi crush na crush nito ang lalaki.
At sa puntong 'yon, alam ni Mark na ang bahay na 'to, ang buhay na 'to, ay simula pa lamang ng isang kwento na higit pa sa kanyang inaasahan.
Something extraordinary. And all he could do is be excited for it.
Abangan sa susunod na happenings nalang siguro?!
jes✨
@jesiebel
the way donghyuck is doing charity works for this shit show pbb and the starlets na probably gusto siya maka loveteam para more clout 😂 direk lauren, u ain’t slick!
Here’s the thing about PBB, paiba-iba sila ng pakulo kada season. Kaya naman sobrang clueless ni Mark sa nangyayaring "duo-duo" na ito. Apparently, kailangan daw mag-partner ang isang kapuso at isang kapamilya artist habang nasa loob ng bahay. At ang twist? Magbabago raw ito every after eviction hanggang sa makaduo mo na ang lahat.
To be honest, Mark is still figuring things out. Para kasing lahat ng tao dito, established na, may pangalan na, may fanbase na, may career na. Tapos siya? He’s just Mark Lee, the TikToker. The guy with a guitar and a few viral vids. Parang hindi pa nga siya makahanap ng tamang timing para makipagkwentuhan kay Donghyuck dahil sobrang nahihiya siya. Eh paano ba naman, bumibilis talaga tibok ng puso niya kahit simpleng “Hi” lang ang palitan nila.
So far, si Chenle pa lang talaga ang pinaka nakakakuwentuhan niya. Isang kapamilya artist din, and into music, so pareho sila ng common ground. Instant connection kaagad nung una nitong nakakwentuhan. Kaya kahit papaano, may nakakausap siya sa loob ng bahay.
And for sure, baka iniisip ng iba na introvert siya. Pero hindi eh. It’s not that he doesn’t want to socialize, he’s just… adjusting. Bagong environment kasi, bagong mga mukha pa at bagong rules.
Cut the boy some slack, two days pa lang siya dito!
Kaya with the rest of the housemates, casual-casual lang muna si Mark. Lalo na kay Donghyuck. Kasi hello, crush niya yun?!
“Galing mo talaga mag gitara, Mark!” sambit ni Chenle habang nakaupo silang lahat sa living room. Si Mark naman, chill lang, hawak ang paborito niyang gitara, yung personalized na gitara niyang pinadala niya pa talaga dito sa bahay ni kuya. Naalala niya kasi yung sinabi ng manager niya na gumawa ng kanta habang nasa loob siya.
Pero syempre ang tinutugtog ni Mark, original na kanta niya lang dapat. Baka kasi pag iba, baka macopyright at mabuzz pa siya ni kuya for violation.
Habang focused siya sa pagstrum ng gitara niya, biglang may naramdaman siyang presensya papalapit galing sa kusina. Nang makalapit ang lalaki at umupo sa tabi niya, tila para siyang nalagutan ng hininga.
“Ang cute ng stickers sa gitara mo,” sabi ni Donghyuck habang tinititigan ang gitara niya.
“Thank you. Mahilig ako maglagay ng stickers, para mas personalized,” sagot ni Mark habang inaabot ang gitara para ipakita nang mas maayos.
Tahimik lang silang dalawa. Si Mark, pinapanood lang si Donghyuck na parang fascinated na fascinated sa mga design nung mga stickers.
“Wait, sunflower ba ’to? Mahilig din ako sa sunflower!” bulalas ni Donghyuck.
Kinabahan si Mark deep inside. Kasi ang sticker na 'yon ay nandoon ng dahil sa kanya. Alam niyang favorite ni Donghyuck ang sunflower, kaya nilagay niya yun secretly sa gitara niya.
“Talaga?” casual niyang tanong kahit sigurado na siya.
Tumango lang si Donghyuck with a soft smile. Inalis na ni Donghyuck ang gitara sa hita niya at tumagilid. Unti-unting pinapatong ang ulo sa balikat ng katabi.
‘OMG. TEKA. TEKA LANG. ANO 'TO?!’
Mark could literally feel his soul leaving his body. Hindi na siya makagalaw. Hindi makapag-isip nang maayos. Hindi na rin makahinga. Nakapatong sa balikat niya ang ulo ng crush niya!
“Alam mo ba, ikaw pinakagusto kong makaclose dito sa loob ng bahay ni kuya…” bulong ni Donghyuck.
WHAT!
“Bakit naman?” tanong ni Mark, trying to play it cool kahit internally naghuhuramentado na siya.
“Hmm… you seem so cool,” sagot ni Donghyuck nang nakangiti before getting up and walking away to go somewhere else that Mark does not even know where now.
Mark sat there, still shocked and frozen. As in, glued to the moment. Replay nang replay sa utak niya yung sinabi ni Donghyuck kanina–or yung nangyari kanina.
Gusto niya akong makaclose? Cool daw ako?
Mark doesn’t even know what to feel. He does not even know what to react or if he needs to react at all. Basta ang alam lang niya, hindi na siya makakalimot. Hindi sa gitarang pinagusapan nila. Hindi sa sunflower na sticker na nakadikit dito. At lalong hindi sa mga salitang gusto raw siya makaclose at he seems so cool.
Kuya, mukhang hindi lang duo ang mabubuo dito—baka may bagong love team ka nang inaabangan at lovelife para kay Mark Lee.
Andi
@Andieliem
hindi ako nanunuod masyado ng pbb pero nakakakilig si donghyuck at yung mark! First time palang ata nila nagkaroon ng proper conversation pero may spark na grabe GMA AND ABS BIGYAN MO NG PROJECT ‘TO
[Tiktok Edit Video Attached]
Qing
@kinginemerz
HOI TOTOO MAY PASANDAL PA SI DONGHYUCK SA BALIKAT E HINDI NAMAN SIYA GANYAN TALAGA ?!?! TAPOS YUNG MGA TINGIN NI MARK DOWN BAD BOI
MarkHyuck
@MarkHyuckFirstFan
Sana magkaanak na sila
Andi
@Andieliem
Baccla first usap palang awat ka naman
Aria
@shinelvr
Inistalk ko si Mark sa tiktok at nakita ko na nagrepost siya ng edit ni donghyuck dati! Totoo ata na may crush si down bad boi naten
MarkHyuck
@MarkhyuckFirstFan
Sana magkaanak na sila
Aria
@Andieliem
SJJAJSAJSAK BAKLA KA balak mo ba ispam lahat ng tweets about markhyuck?
Mark almost forgot, may tasks pala dito sa loob ng bahay. Kasi right now, kaka-announce lang nila Yangyang at Jeno, ang power duo slash task leaders this week , tungkol sa first ever weekly task nila for the house budget. Grabe din talaga ‘tong PBB, ano? Survival show talaga ang datingan. Imagine mo, kailangan niyong magtagumpay sa task para lang may matinong makain for the week. Like, who knew rice and ulam could be a luxury for these artistas?
So ayun nga, for their first weekly task, kailangan daw nilang bumuo ng isang “boygroup” na magpeperform sabay ang kanta at sayaw. May ipapadalang kanta si Kuya and they only have two days to pull off the performance. Tapos dapat lahat ng housemates visible sa stage—walang pa-cute lang sa gilid, walang pa-tingin tingin lang. G na G naman si Mark dito kasi singing and dancing? Easy. Kaya nga niya yan. Bonus pa na baka makatulong siya sa arrangements ng kanta, since hilig din naman niya ‘yon.
Habang sinasalita pa ni Jeno at Yangyang ang instructions, ayan na naman siya—nakaupo sa sofa, katabi siya ulit . Yes, si Donghyuck. Since nung legendary patong-sa-balikat moment na ‘yon, hindi na natapos ang connection between them. Hindi naman sa nagkakahiwalay sila sa ibang housemates ha. Pero let’s just say, mas natural na talaga silang dalawa magkasama. Totoo pala 'yung sinabi ni Donghyuck dati na gusto niya makaclose si Mark. Kasi ever since, si Donghyuck din ang laging nauuna magstart ng conversation between them. At doon nagsimula si Mark na maging comfortable, hindi lang kay Donghyuck, kundi sa buong bahay.
As days passed, the bond between Donghyuck and Mark grew even deeper and effortlessly, almost like a second nature between them. Hindi na nila kailangan ng specific na rason para magtabi sa living area, magkwentuhan sa tabi ng swimming pool o magkasama sa kusina habang naghihiwa ng bawang o sibuyas o di kaya’y naghuhugas ng pinggan. Parang may silent agreement na sila na they are each other’s safe space. Hindi man laging sweet or dramatic, but there’s comfort in the way they just exist beside each other. Minsan nagkakatinginan lang sila tapos sabay ngingiti.
Tapos ngayon nga, nakilala pa niya si Kuya Doie, isa sa close friends ni Donghyuck sa outside world. Slowly but surely, Mark is definitely building his place here inside the house.
Despite that, hindi sila ang magka-duo ngayon. Naunahan kasi si Mark ni Renjun sa pagpili kay Donghyuck. So ang official pair ngayon ay ang RenHyuck. Meanwhile, si Mark ay ka-duo si Chenle. No worries naman, okay si Mark with everyone ng mga housemates. Kay Chenle pa, his music bros since day one.
Going back to the task. After nito, magkakaroon na ng first nomination. At isang week to vote for the nominees hanggang eviction night. At kung dati, si Mark pa mismo ang nagwi-wish na mauna siyang ma-evict—ngayon? Ayaw na niya. Hindi lang dahil ayaw niyang madamay si Chenle na ka-duo niya, pero because he wants to see where this thing with Donghyuck is going. Eh sino ba naman ang hindi sa crush nila?
“We will assign nalang who will spearhead the singing and choreography,” sabi ni Yangyang habang nakatingin sa papel ng task. “We’ll put Mark and kuya Doyoung sa vocals. They’ll arrange the singing parts. Then sa choreography, Jisung and kuya Ten. Okay ba?”
Sabay sabay ang “okay” ng buong housemates, including Mark. Inexpect naman na niya ‘yon. Kasi nga, he mentioned before na into singing and songwriting siya, so maybe kaya rin malaki ang tiwala sa kanya ng mga kasamahan.
Then, here it comes again—the flutter moment. Habang nakaupo pa rin sa tabi niya si Donghyuck, this guy just casually held his hand and rested his head once again sa balikat ni Mark. As if routine na lang nila ‘yon. But to Mark? As always, he is internally combusting again kahit madaming times na ginagawa ni Donghyuck ‘yon sakaniya.
“Ikaw, Donghyuck?” tanong ni Mark habang sinusubukan pa rin maging chill. “Ano mas gusto mo pagsayaw o pagkanta?”
“Kaya ko naman both,” sagot ni Donghyuck habang nakangiti. “Pero for this one, I’d like to showcase my voice more.”
Mark gently placed his hand sa likod ng balikat ni Donghyuck. Close na talaga sila for Mark to do this. “Maganda nga voice mo… napanood ko dati,” sabi niya sa katabi, no pretensions, just real talk.
“Really? You’re watching me?” tanong ni Donghyuck, obviously happy.
“Yes. Sino ba di manonood sa’yo,” sagot ni Mark in a softer voice.
Donghyuck giggled— on his shoulder.
Mark couldn’t help but smile. Kung dati gusto lang niyang mag-stay sa bahay for the sake of agreeing to what the network wants. Ngayon, he’s staying for more than complying, more than the urge to be something more, more than just the survival.
He’s staying for the story that’s slowly unfolding—smile by smile, and maybe… heart by heart.
So here it is.
Taong bayan, be ready! Open the lights. Lit up the music. As MarkHyuck’s chemistry will take over the world. Ito na ang bagong patok na loveteam na yayanig sa buong Pilipinas!
MarkHyuck
@MarkHyuckFirstFan
The very first fan of Mark and Donghyuck | Since 2022
Joined April 2022
2 Followings 347 Followers
Pinned Post
MarkHyuck
@MarkHyuckFirstFan
since 2020, nagrerepost na si mark ng mga videos ni hyuck sa tiktok. unti palang followers niya nun. tapos nung april 2022, nung kakarelease lang ni mark nung kanta niya, si donghyuck isa sa mga first listeners. ito yung screenshot ng story niya na may lyrics nung kanta ni mark. di siguro alam ‘to ni mark ‘noh kasi wala namang speculations 😂 ako palang kasi talaga fan nilang dalawa
[Attached 4 Screenshots]
MarkHyuck
@MarkHyuckFirstFan
mark’s facebook post din (dw nakapublic ‘to) kapag nagscroll kayo pababa sa account niya. umaattend ng mall show ‘yan 😂
ALTIgnacia
@ALTIGNACIA
Imposible palang ginagamit nitong starlet ng kamuning si superstar ng ignacia. mukhang bata palang fan na eh 😂
faye
@sprhyck
wag mo lang talaga sasaktan ang donghyuck namin, mark lee! 😾
anika
@hyckies
hindi ‘yan!! baka si down bad boi yan na fan na since 14 years old siya!! cute ng lore nila together.
Klea
@klearein
Direk Kip Oebanda (Balota director), Direk Zig Dulay (MCAI director) and Direk Cathy Garcia Molina KINIKILIG SA MARKHYUCK?!! Project please !!!
