Actions

Work Header

alak, kape, ikaw at ako

Summary:

First time um-attend ng debut ni Colet at ayon sa kanya, kakaiba raw ang tama ng alak sa Calamba.

 

or a colaiah oneshot au wherein naki inom si colet sa smirnoff ni aiah tapos tinamaan siya

Notes:

Sooo you may have read this fic before from another ao3 account. Hi! This work was my entry to The Blook Club's 3-Word Prompt Writing Contest for the short-fiction category. I had fun writing this so I hope you enjoy reading it!

PS: this may or may not be (partially) based on real-life events.

:D

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Kailan nga ulit yung debut ng roommate mo?"

 

 

Tanong ni Gwen kay Colet habang naglalakad sila papuntang Espanya. Naalala niya na naman na inimbitahan nga pala siya ng dati niyang roommate sa debut nito.

 

 

Siya ay napabilang sa '18 candles' ng kaibigan.

 

 

"Sa 19, sa sabado. Wala pa nga akong susuotin eh." Napakamot siya ng kilay.

 

 

Sa totoo lang, unang beses niya pa lang aattend ng debut. Excited na kinakabahan ito sa mga mangyayari.

 

 

Taga Calamba kasi iyong si Jhoanna, at duon gaganapin ang party niya.

 

Ang problema, siya lang ang kilala nito roon dahil hindi makakasama ang bestfriend niyang si Maloi na roommate rin nila dahil may NSTP ito na hindi puwedeng hindi attendan.

 

 

Unang beses niya rin makakapunta ng Calamba kaya naman talagang excited siya.

 

(At nabanggit ni Jhoanna na may mobile bar sa kanyang party.)

 

 

"Sakto, papunta naman tayo sa Cubao. Tumingin ka ng damit sa Farmers." Aniya ni Gwen.

 

 

Ganun na nga ang gagawin nila, sasamahan niya ang kanyang bestfriend sa appointment nito sa dentista pagkatapos ay didiretso sila sa Farmers Market para bumili ng susuotin sa debut.

 

 

Hindi pa man din siya sanay magsuot ng dress. Bahala na siguro, minsan lang naman ito.

 

Atsaka first time niya magbibigay ng message sa birthday celebrant sa harapan ng mga bisita, siguro naman ay dapat presentable siya. 

 

 

Jhoanna Robles

COL

PUPUNTA KA HA PROMISE AH KAHIT WALA SI MIKHS AT LOI

PAG DI KA PUMUNTA, MAGTATAMPO AKO SAYO >:(

 

Colet Vergara

oo ngaaa

ready na nga speech ko eh

sabi mo diba may van na susundo samin ng mga blockmates mo

 

 

Jhoanna Roble s

oo ngaaa don't worry pati hatid pabalik ng ust

sa p noval kayo hihintayin ng van ah, mga 7 alis niyo

ililista na kita ah para sa headcount ng van. Bigay ko rin number mo sa driver para matawagan ka if ever late ka

 

Colet Vergara

ok ok sige

 

Jhoanna Robles

ok ok see u! love u!

 

 

 

Napabuntong hininga na lang si Colet sa kanyang nabasa. Sa totoo lang ay mahiyain talaga siya, hindi niya alam kung makakasundo niya ba ang mga blockmates ni Jhoanna pero kung kakausapin naman nila ito ay paniguradong sasagot ito. 

 

 

Nagsimula na mag impake si Colet ng kanyang mga damit dahil ilang araw na lang ay gaganapin na ang debut ni Jhoanna. Nagdala ito ng mga extrang damit dahil nagbilin si Jhoanna na may swimming pool sa private resort na pupuntahan nila.

 

 

Sa totoo lang, hindi naman marunong si Colet maglangoy pero minabuti niyang magdala na rin ng pamalit kung sakali mang may mababaw na swimming pool doon na puwede niyang babaran.

 

 

Inimpake na rin niya ang regalo niyang libro kay Jhoanna. Ito ang napili niyang iregalo sa kaibigan dahil napansin kasi niya na mahilig ito magbasa ng libro tuwing wala itong ginagawang assignments.

 

Nagpatulong si Colet sa kanyang ate sa pagpili ng libro na ireregalo.

 

Huling sinukat ni Colet ang nabili niyang floral dress at saka umikot ikot sa harap ng salamin. Bohemian kasi ang theme ng party at isa sa mga peg ay ang magsuot ng dress na may disenyong bulaklak. Medyo naiilang pa ito pero hindi niya maipagkakaila na bumagay sakanya ang napili niyang dress.

 

Kanya itong hinubad atsaka tinupi dahil balak niyang magsuot muna ng kaswal na damit papunta ng Laguna. 

 

Pabagsak siyang humiga sa kanyang kama at saka bumuntong hininga.

 

 

Maagang gumising si Colet dahil 6:30 am ang itinakdang oras ng pagsundo sa kanila. Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Siya namang inikot ang tingin sa kanyang condo unit para siguruhing wala siyang naiwang appliances na naka saksak. Dali dali siyang naglakad papunta sa Padre Noval St. kung saan naghihintay ang van na maghahatid sa kanila sa Calamba.

 

 

 

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad kay Colet ang mga kaklase ni Jhoanna. Siya nama’y nginitian ng mga ito.

 

 

 

Natural na mahiyain si Colet. Mabibilang sa mga daliri ang maituturing niyang matalik na kaibigan. Hindi naman ito suplada, sadyang pinipili lang nito ang kanyang kakaibiganin.

 

 

 

Nakilala niya si Jhoanna, Mikha at Maloi noong freshmen pa lamang sila sa UST. Nagkataong sila sila ang magkakasama sa dorm na kanilang nakuha sa may bandang Dos Castillas St.

 

 

 

Bagamat lumipat na ng kanya kanyang condo si Jhoanna, Colet, Mikha at Maloi pag tungtong nila ng 2nd year college, nanatili pa rin silang matatalik na magkakaibigan.

 

Paminsan minsa’y nagkikita kita pa ang mga ito para sabay sabay kumain ng hapunan at mag catch up sa kani kanilang buhay buhay.

 

 

Sumakay si Colet at tumabi sa isa sa mga kaklase ni Jhoanna. Nang makumpirma ng driver na kumpleto na ang mga pasahero, nagdasal muna silang lahat at saka nagsimulang bumyahe papunta ng Laguna.

 

 

“Hi, ano nga pala name mo?” Tanong ng kanyang katabi kay Colet.

 

 

“Ahm.. Colet.” Sagot nito sabay ngiti.

 

 

“Hello, ako nga pala si Stacey. Eto naman si Justin tapos yung nasa likod si Dave. Blockmates kami ni Jhoanna.” Nginitian isa isa ni Colet ang mga kasama sa sasakyan.

 

 

“Ikaw ba yung high school best friend ni Jho?” Tanong nito sa kanya.

 

 

“Ay, hindi. Si Maloi yun. Magkakasama lang kami nila Jho at Loi sa dorm last year.” Sagot naman niya nang marahan.

 

 

Tumango ang ito at saka nagpatuloy sa pakikipag chismisan sa kanyang mga kaklase. Unti unting nakaramdam ng antok si Colet kaya minabuti niyang pumikit muna.

 

Tantiya niya ay 2 oras pa ang lalakbayin nila bago makarating sa Calamba.

 

 

Tumambad kay Colet ang isang napakaluwag at napaka gandang resort. Ito ay napalilibutan ng mga puno at damo. Unti-unting nag seset-up ang mga suppliers ng party.

 

 

 

Natanaw naman ni Colet na kasalukuyang kinukuhanan ng litrato si Jhoanna. Nakasuot ito ng puting dress at may flower crown pa ito sa ulo. Napangiti si Colet nang makita ang kaibigan.

 

 

 

“Colet! Tara dun sa kwarto! Sama sama raw tayong mga thomasians sa kwarto run.” Tumango si Colet kay Stacey at saka sumunod ito bitbit ang kanyang mga gamit.

 

 

 

Kahit papaano’y naging komportable na si Colet kila Stacey at ang iba pa nitong mga kasama dahil nakapag kwentuhan sila nang kaunti habang naipit sa traffic.

 

 

 

Napagtanto niyang mababait at palabiro ang mga ito. Hindi nila hinayaang ma-OP si Colet kahit pa ngayon lang sila nagkakilala.

 

 

 

“Dito ka maglagay ng gamit mo, Colet. Itabi mo sa gamit ko. Tapos mamaya, tabi tabi tayo sa kama ah!” saad pa nito. Tumango lang si Colet at saka ngumiti.

 

 

 

Sumilip sa kwarto nila si Jhoanna para bumati at mag pasalamat sa pagpunta. Isa-isa niyang niyakap ang mga kasama pati na rin si Colet.

 

 

 

“Yehey nakapunta ka!” Tuwang tuwang sambit nito kay Colet habang akap akap ito.

 

 

 

“Of course, pwede bang hindi? Eh may mobile bar ka mamaya, ‘di ba?” Pabirong sagot ni Colet kay Jhoanna. Hinampas naman siya nito pabalik.

 

 

 

“Ayan, ‘yan lang ang pinunta mo. Alak! Hmp. By the way, kain muna kayo. May in-order si Mommy na mga pagkain. Halos brunch na eh.” Sabi nito sa kanya.

 

 

 

“Sige, sige. Salamat. Enjoy ka lang later, ‘wag mo kami alalahanin.”

 

 

 

“Sige sige, thank you ulit ah!”

 

 

 

Lumabas na ulit si Jhoanna. Sakto nama’y nakaramdam na siya nag pagkalam ng tiyan. Hinintay nito sila Stacey at saka sila kumuha ng pagkain.

 

 

 

Pagkakain, lumabas ito saglit at nagpahangin at saka inilibot ng tingin ang buong private resort. Ito ay may kalakihan rin, may swimming pool at maraming puno. Preskong presko ang simoy ng hangin at talagang nakaka relax sa pakiramdam.

 

 

 

Napansin ni Colet na unti-unting nagsisi datingan ang mga bisita ni Jhoanna.

 

 

 

Pagkatapos mag masid ay pumasok na ulit si Colet upang magsimulang magbihis. Paglabas nito sa palikuran ay siya namang binati ni Stacey.

 

 

 

“Wow Colet! Ganda ng dress mo ah!”

 

 

 

Nahiya naman si Colet dahil siya ay pinagtinginan ng iba pang mga tao na kasama nila sa kwarto.

 

Bukod sa hindi ito sanay makatanggap ng compliment ay mas lalong hindi rin siya sanay na makakuha ng atensyon ng mga taong hindi niya kilala.

 

 

 

Ngumiti na lang ito at umiling kay Stacey.

 

 

Naupo siya sa isang tabi at inilabas ang pouch na may lamang kakaunting make up. Hindi rin sanay masyado si Colet mag make up pero naisip niya na masyado namang plain kung wala man lang siyang ilalagay sa kanyang mukha.

 

 

Nagsimula itong maglagay ng pressed powder sa mukha at saka gumuhit ng kilay. Nang matapos ito magkilay ay saka siya naglagay ng lipstick sa labi.

 

 

Nang makuntento na siya sa kanyang itsura ay saka ito lumabas ng kwarto at naglakad lakad. Pinapanood niya kung paano isa-isang napupuno ang mga lamesa.

 

 

Pamaya maya pa ay tinapik na ito ni Stacey.

 

 

“Doon daw tayo upo, Col. Tara!” Sabi nito habang tinuro ang isang pabilog na mesa.

 

 

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsimula na ang party.

 

 

Maririnig mula sa naglalakihang speakers ang boses ng host na nagpapakilala. Maya maya ay tinawag na nito ang pangalan ni Jhoanna.

 

Siya namang hudyat para lumakad si Jhoanna sa inilatag na red carpet sa gitna ng mga bisita.

 

 

Pagkatapos ng opening remarks ay nagsimula na ang program. May ipinalabas na audio-visual presentation ng 'save-the-date' video ni Jhoanna pati na rin ang mga pictures nito mula sanggol hanggang sa siya ay mag-18.

 

 

 

Pagkatapos ipalabas sa malaking screen ang AVP ay siya namang naging hudyat para magsimula ang 18 dance ng dalaga. Nagsimula sa kanyang ama, sumunod ang mga pinsang lalaki at pagkatapos ay mga kaibigan.

 

 

 

Sumunod naman sa programa ay mga performances na inihanda ni Jhoanna kasama ang iilan sa kanyang mga pinsan at kaibigan. Napuno ng tawanan at palakpakan ang resort dahil sa kulit ng mga pinsan ni Jhoanna.

 

 

 

 Bagamat nag-iisang anak lang ito, kailanman ay hindi niya naramdaman na siya’y malungkot dahil sa kanyang mga pinsan at kaibigan.

 

 

 

Maya maya pa’y pumila na sila Colet at ang mga kasama nito para kumuha ng pagkain. Maraming pagpipiliang pagkain mula sa catering na ikinatuwa naman nila Colet at Stacey.

 

Naglolokohan pa ang mga ito na pipila ulit sila mamaya para sa round 2.

 

 

Habang kumakain ay patuloy lang ang daloy ng programa ng debut. Dumaan na ang 18 blue bills at 18 gifts na ikinatuwa naman ng birthday celebrant.

 

 

“Colet, umiinom ka ba?” tanong ni Justin na blockmate ni Jhoanna.

 

 

“Oo, bakit?” sagot nito sa binata.

 

 

“Open na raw ‘yung mobile bar eh. Puwede na kumuha. Tara?” Aya nito sa kanya.

 

 

 

“Tara!” Masayang sagot ni Colet.

 

 

 

Sa totoo lang ay nagsisimula na siyang kabahan dahil susunod na sa programa ang 18 candles kung saan siya napabilang. Hindi kasi ito sanay sa public speaking at alam niyang kailangan niya magbigay ng maikling mensahe sa kaibigan ‘pag tinawag na ito sa harap.

 

 

 

Lumapit sila sa mobile bar kung saan maraming baso ang naka latag na may lamang cocktails at shots. Binasa ni Colet ang menu:

 

 

Cocktails

  • Tequila Sunrise
  • Long Island Iced Tea
  • Margarita

 

Shots

  • Tequila
  • Vodka
  • Choco Shot

 

 

Parang bituin kung magningning ang mga mata ni Colet. Sa totoo lang ay nae-enjoy niya ang pag-inom ng alak paminsan minsan. Kumuha ito ng isang basong Tequila Sunrise at saka bumalik sa kanyang upuan.

 

 

Nang kanya itong tinikman, napangiti ito sa tuwa.

 

Masarap.

 

Dali dali nitong inubos ang laman ng baso at napag pasyahan na bumalik sa mobile bar upang tikman lahat ng cocktail at shots na mayroon.

 

 

Pabalik balik si Colet mula sa mobile bar at sa kanyang upuan. Bawat uri ng inumin ay kanyang tinikman.

 

Parang mga juice lang! Ang sarap! Sambit nito sa sarili.

 

 

Nakaka apat na shots na siya at apat na baso ng cocktails nang kanyang marinig ang pangalan.

 

 

Shit. Ako na pala susunod.

 

 

Dahan dahang naglakad si Colet papunta sa stage kung saan nakaupo si Jhoanna. Medyo gegewang gewang pa ito dahil hindi niya napansing nakakarami na pala siya ng nainom na alak.

 

 

Pag akyat ay kanyang niyakap ang may birthday at saka inabot ang mikropono.

 

 

“Uhh.. Happy birthday, Jhoanna. Alam ko hindi na tayo magkasama sa dorm ngayon pero yung isang buong taon na magkakasama tayo nila Maloi at Mikha, tine-treasure ko yung mga moments natin together.”

 

 

Bumuntong hininga si Colet, na para bang nag-iisip ng idadagdag sa sasabihing mensahe. Hindi ito makabuo ng konkretong sasabihin dahil napagtanto niyang tinatamaan na siya.

 

 

“Sana ay maging masaya ka palagi at sana maging okay ang college life natin sa UST. Please know na I’m always here if you need me, message ka lang sa akin. Okay? I love you, Jho!”

 

 

 

Lumapit ulit si Colet kay Jhoanna para bigyan ito ng mahigpit na yakap at para makuhanan sila ng litrato ng photographer. Matapos silang makuhanan ay bumaba na ito sa stage at dahan dahang bumalik sa kanyang upuan.

 

 

 

“Whoo! I survived” Sabi ni Colet kina Stacey pag-upo nito. Nabanggit niya kasi sa mga kasama na kinakabahan ito sa pagsasalita. Hindi naman nagkulang ang mga kasama sa pagpapalakas ng loob sa kanya.

 

 

 

“Nice one, Colet!” Sabay apir naman ng mga bagong kaibigan. Umupo ito saglit at nagpahinga.

 

 

Maya maya ay naisipan na naman niyang bumalik sa mobile bar upang kumuha ulit ng inumin.

 

 

 

“Ladies and gentlemen, that concludes our program. The Robles family would like to thank you all for coming and spending this momentous day with Jhoanna. We hope that you all enjoyed the program. Please feel free to indulge yourselves with the free-flowing drinks available at the mobile bar and please enjoy the rest of the night!” sambit ng host sa mikropono.

 

 

Tila sabay sabay na naghiyawan ang mga bisita sa narinig.

 

 

Lumalalim na ang gabi at kakaunti na lang din ang natitirang bisita. Halos mga kamag-anak at mga kaibigan na lang ni Jhoanna ang natitira sa resort. Mayroong mga sumasayaw sa tugtugan ng DJ, may mga kumakain ng naka handang pika pika, may mga patuloy na umiinom at may mga nagbababad sa swimming pool.

 

 

Nakaupo si Colet sa isang tabi na bagsak ang balikat. Ubos na kasi ang cocktails sa mobile bar. Medyo lasing na ito kaya ito nagmumukmok.

 

“Colet, tara!” Tawag ni Stacey sa kanya.

 

 

 

“Saan?” Nagtatakang tanong nito sa dalaga.

 

 

“Sa swimming pool! Pawala tayo amats!” Aya nito sa kaniya.

 

Nag-isip saglit si Colet at ibinaba ang tingin sa kanyang suot na dress.

 

 

“’Wag ka na magpalit! Hindi naman kami magpapalit. Tara na!” sambit nito sabay hinigit ang braso ng dalaga papunta sa pool area.

 

 

Wala namang nagawa si Colet kung hindi sumunod sa bagong kaibigan. Pag dating nila sa pool area ay nakita nilang may iilang tao ang nakababad na rin sa tubig na tila ba mga tinamaan na rin ng alak.

 

 

Dahan dahan bumaba si Colet sa hagdaan at kumapit sa dulo ng pool. Hindi naman ito sobrang lalim pero dahil hindi nga marunong lumangoy si Colet (at nahihiya siyang kumapit sa mga kaibigan) ay napag pasiyahan niyang huwag na lang umalis sa gilid ng swimming pool.

 

 

Malungkot na nakalingon si Colet sa direksyon ng mobile bar nang may isang babaeng lumakad papalapit sa swimming pool.

 

 

 

Tila ba tumigil ang paghinga ni Colet habang pinagmamasdan ang babaeng papalapit na may hawak na bote ng alak.

 

 

Maganda ang dalaga, may pagka morena ang kanyang kutis.

 

 

 

May katangkaran ito, tantiya niya ay nasa 5’6 ang dalaga.

 

 

 

Nakasuot ito ng isang magandang bohemian dress na bumagay sa kanyang balat at dreamcatcher na hikaw na nakasabit sa kaniyang tenga.

 

 

Mayroon itong magandang ngiti at mapungay na mga mata.

 

 

 

Mayroon itong aura na pang modelo.

 

 

 

Lasing ba ako o sadyang may anghel na papalapit sa akin?

 

 

 

Hindi naman si Colet ang tipo ng tao na forward. Sabi nga ng bestfriend niyang si Gwen, medyo may pagka torpe ito pag dating sa mga babae.

 

 

 

Pero sa hindi malamang kadahilanan (walong cocktail drinks at apat na shot), naglakas loob si Colet kausapin ang binibini.

 

 

 

“Hey, are there any drinks left?” tila ba nagulat pa si Colet sa sarili nang kanyang matanong iyon sa babae.

 

 

 

Una, hindi naman siya pala-kausap ng hindi niya kakilala at pangalawa, hindi rin naman siya pala English.

 

 

 

Lasing na nga ata talaga ako. Pero shet, sobrang ganda niya.

 

 

 

Tumingin ang babae sa kanya at sumagot, “I don’t think so..”

 

 

 

Sumimangot naman si Colet. Napadpad ang mata nito sa bote ng Smirnoff mule na hawak ng babae.

 

 

 

“What about Smirnoff?”

 

 

 

“Uhm… no more, eh. Do you want some? It’s not cold, though…” pag-alok ng dalaga kay Colet.

 

 

 

Para bang naubos ang lahat ng hiya sa katawan ni Colet nang sandaling iyon. Tumango si Colet sa dalaga.

 

 

 

Inabot naman nito sakanya ang hawak hawak na bote ng Smirnoff.

 

 

 

Nag-alangan pa saglit si Colet kung kanyang direktang iinumin ang alak mula sa dulo nito pero kanya rin itong tinungga bago ibinalik sa dalaga.

 

 

 

Parang kakaiba ang lasa ng Smirnoff mule dito sa Calamba. Isang tungga pa lang, tinamaan na ako.

 

 

 

“Thank you.” Bulong nito sa dalaga.

 

 

 

“No worries.” Kibit balikat nitong sagot at ngumiti sa kanya.

 

 

 

Matapos lumublob ay isa-isa na silang umahon sa tubig at nagbihis para matulog. Katabi ni Colet si Stacey sa foam na nakalatag sa sahig.

 

 

 

Bagamat nalasing siya sa kanyang mga ininom, hindi maalis sa isip ni Colet ang mukha ng dalaga. Mayroon itong kaunting pagsisisi na hindi nito tinanong ang pangalan ng kanyang nakilala.

 

 

 

Unti unti ay nakatulog na rin ito.

 

 

Ilang araw na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ni Colet ang babaeng kanyang nakilala. Biro nga sa kanya ni Gwen, “love-at-first-sight na ‘yan!”

 

 

 

Habang nag-iiscroll si Colet sa kanyang Facebook, nakita niyang naka upload na sa profile ni Jhoanna ang mga pictures na kuha noong kanyang kaarawan. Tila ba may nag-ilaw na bumbilya sa isip ni Colet.

 

 

 

Isa isa niyang tinignan ang mga litrato, nag babakasakaling  makita ang dalagang nagbigay sakanya ng Smirnoff.

 

 

 

Ilang minuto lang ay nakita na niya ang picture nito kasama ni Jhoanna. Sakto namang naka-tag pa ito.

 

 

Aiah Arceta and 3 others are tagged in this photo.

 

 

 

Tang-ina. Kahit pangalan niya, maganda. Parang diyosa.

 

 

 

Dali dali siyang lumapit sa kanyang best friend at ipinakita.

 

 

 

“Baks! Ito ‘yun, baks! Siya ‘yun! ‘Yung kinukuwento ko sa’yo na nagpainom sa akin ng mule!” Excited nitong inabot ang cellphone sa kaibigan.

 

 

 

“Ayan siya, yung maganda sa likod na naka dress!”

 

 

 

Napanganga naman ang kaibigan at dahan dahang lumingon sa kanya ito.

 

 

 

“BAKS. KILALA KO SIYA.”

 

 

 

Natigilan naman si Colet sa narinig.

 

 

 

“Huh? Kilala mo siya?” Takang tanong nito.

 

 

 

“Aiah, ‘di ba? Aiah Arceta as in Maraiah Queen Arceta? Baks! Fina-follow ko ‘yan! Influencer ‘yan eh!” masayang tugon ni Gwen sa kanya na para bang hindi pa makapaniwala sa nangyayari.

 

 

 

“TOTOO BA?”

 

 

 

“Oo, baks! Haliparot ka! ‘Yan pala yung naka-indirect kiss mo ah!” loko nito sa kanya.

 

 

 

“Baliw! Walang ganon!” Tinulak niya ito ngunit hindi maalis sa kanyang mukha ang ngiti.

 

 

 

“Talagang englishera yan baks, taga Benilde ‘yan.” Dagdag pa ni Gwen.

 

 

 

“Gusto ko mag message sa kanya. Nahihiya ako, baks. Naki inom pa ako sa mule niya. Sobrang lasing ko lang nun.”

 

 

 

“Para-paraan ka pa ah.”

 

 

 

“Gaga, hindi. Totoong nahihiya ako na ginawa ko ‘yun. Kasi parang naawa na lang siya sa akin eh baka napilitan lang siya bigyan ako ng inumin nun.”

 

 

 

“Sige, sabi mo eh. Kwento mo ‘yan, mahiyain ka diyan.” Tatawa tawang biro sa kanya ni Gwen.

 

 

 

Agad hinanap ni Colet ang Twitter account ni Aiah. Matagal niyang tinitigan ang message button. Tila nag-aalangan ito kung magme-message nga ba siya o hindi na. Duda niya ay naaalala pa siya nito dahil ilang araw na rin ang nakalipas.

 

 

Saka big deal ba talaga yung nangyari? O naghahanap lang ako ng rason para makausap siya? Ah bahala na!

 

 

Colet Vergara

Hi! I don’t know if you remember me, but you handed me your drink last Saturday night at Jhoanna’s party. I just want to apologize for how I behaved that night. I’m not usually like that I swear. I didn’t mean to drink from your bottle but thanks for letting me have a sip anyway. Just thought I should apologize. 😊

 

 

 

 

Tinitigan ni Colet ang mensaheng isinulat. Okay lang kaya ito? Ah bahala na.

 

 

 

Pinindot niya ang ‘send’ button at saka pinatay ang cellphone.

 

 

*Notifications*

 

Twitter

Aiah Arceta sent a message.

 

 

 

Napabalikwas ng pagkakahiga sa kanyang kama si Colet nang makita ang notification sa kanyang telepono.

 

 

 

“Shit! Shit. Shit. Shit.” Kinakabahang binuksan ni Colet ang kanyang telepono upang basahin ang message ni Aiah sa kanya.

 

 

Colet Vergara

Hi! I don’t know if you remember me, but you handed me your drink last Saturday night at Jhoanna’s party. I just want to apologize for how I behaved that night. I’m not usually like that I swear. I didn’t mean to drink from your bottle but thanks for letting me have a sip anyway. Just thought I should apologize. 😊

 1:22 pm

 

 

Aiah Arceta

Omg!

It’s fine!

I asked you if you still wanted to drink even if you’re a bit drunk and you said yes

I didn’t mind it! Don’t worry. It was my own initiative anyway 😊
2:27 pm
 

 

 

 

Nag pagulong gulong si Colet sa kanyang kama. Hindi niya maipagkakaila, kinilig siya sa message ni Aiah sa kanya.

 

 

 

Oh my god. Sobrang bait niya. Ang ganda ganda na niya, ang bait bait pa niya.

 

 

 

Habang hindi pa maka-isip ng isasagot si Colet ay kanya munang binisita ang profile ni Aiah. Mabilis nitong pinindot ang Follow button.

 

 

 

Napag alaman niyang isa itong Art student sa College of Saint Benilde at parehas sila ng pinanggalingang eskwelahan ni Jhoanna noong high school. Mahilig din itong manood ng mga concerts, uminom ng kape at mag workout.

 

 

“Sobrang ganda, artsy at active? Damn.”

 

 

Ilang buwan na ang nakalipas mula nung nagmessage si Colet kay Aiah. Ang totoo niyan ay hindi na rin siya nakapag reply dito.

 

 

Kuntento na lang si Colet na makita ang pinopost nito sa Twitter at Instagram. Minsan ay nag la-like at nag cocomment ito sa mga posts ni Aiah.

 

 

Minsan naman ay nagrereply si Aiah ng thank you sa kanya. Sapat na ito para kay Colet.

 

 

Better than nothing, am I right?

 

 

 

Isang araw, habang nanonood si Colet ng mga IG stories ng kanyang friends ay dumaan sa kanya ang IG story ni Aiah. Kumakain ito sa isang Japanese restaurant malapit sa UST.

 

 

 

Matagal niyang pinagmasdan ang litrato ni Aiah. Nakangiti ito habang may ipit ipit na piraso ng katsudon sa pagitan ng chop sticks nito.

 

 

 

Sa baba ay may nakasulat na:

Suddenly, I’m in the Tigers Den! Is anyone up for coffee? Show me your favorite coffee spots here in UST please!

 

 

 

Napapikit si Colet at napadasal. Lord, is this a sign? Is this an opportunity from you? Papatusin ko po ito. Huhuhu.

 

 

 

Nagtype ng reply si Colet.

 

 

 

Colet Vergara
Hi! I’m a Thomasian and I can show you around. Madaming underrated coffee spots here. 😊

 

 

 

Napa sapo ng ulo si Colet. Hindi naman talaga siya mahilig sa kape pero napasubo na siya kaya paninindigan na lang niya ito. Hindi rin naman siya sigurado kung papansinin ni Aiah ang message niya. Panigurado ay maraming magrereply dito.

 

 

 

Maya maya ay nakakuha ng notification si Colet.

 

 

 

*Notifications

Instagram

Aiah Arceta replied to you

 

 

 

Parang hihimatayin sa kaba si Colet habang binubuksan ang kanyang inbox.

 

 

 

Aiah Arceta

Hey!! Really? Omg thank you! I’m at P. Noval lang. Let me know if you’re available now!!

 

 

 

Nanginginig pang nagtype ng reply si Colet.

 

 

 

Colet Vergara

I’m a few streets away lang! Give me 5 minutes tops, puntahan kita diyan. 😊

 

 

Dali daling nagbihis si Colet. Sinuot niya ang pinaka maganda niyang polo at halos pinaliguan ang sarili ng pinaka mahal niyang pabango.

 

Sinuklay niya nang mabuti ang buhok at siniguradong hindi oily ang kanyang mukha.

 

 

 

Notifications

Instagram


Aiah Arceta

No rush! I’m just here sa labas ng Illo. Take your time 😊

 

 

Halos madapa na ito sa pagmamadali papuntang Padre Noval. Nakita niya si Aiah na nakatayo sa labas ng restaurant. Hindi naman ganoon kainit ang panahon pero nagbubutil butil ang pawis niya sa noo.

 

 

 

“Hi.” Bati ni Colet kay Aiah.

 

 

 

“Hi Colet!” Lumapit si Aiah at bineso ito.

 

 

 

Lingid sa kaalaman niya, halos maubusan na ng hangin sa baga si Colet sa sobrang pagpipigil ng hininga. Hindi niya inaasahan na ibebeso siya nito sapagkat pangalawang beses pa lamang nilang nagkita.

 

 

 

“Thank you for accompanying me ha? I’m going to blog about this kasi eh. Much better na Thomasian ang mag tour sa akin para mas legit yung choices.” saad nito.

 

 

 

 Halos mag short circuit na ang utak ni Colet tuwing nagsasalita si Aiah pero pilit niya itong hindi pinapakita sa dalaga.

 

 

 

“U-uhm no worries. So bale, unahin muna natin yung favorite coffee shop ko sa Dapitan. Are you okay with walking?” Tanong nito na may bahid ng pag-aalala.

 

 

 

“Of course! Sakto lang rin kasi kakakain ko lang eh. Tara? Lead the way please.”

 

 

 

Nagsimula na silang maglakad. Medyo nangangapa pa sila sa isa’t isa pero mas minabuti na rin ni Colet na kausapin si Aiah.

 

 

 

“So.. uhm… do you recognize me?” Nahihiyang tanong nito sa babae.

 

 

 

“Of course! Nandun ka rin sa birthday ni Jhoanna, right? Grabe ka naman!” sabay mahinang palo nito sa balikat niya.

 

 

 

“Yup.. yup… yung pinainom mo ng Smirnoff..”

 

 

 

Nanlaki naman ang mata ni Aiah.

 

 

 

“RIGHT! That was you! I’ll admit, I only recognized you kasi you went up the stage and gave Jhoanna a message but hindi kita masyado narecognize nung inabutan kita ng mule sa pool. Right, that was you!”

 

 

 

“Yup, sorry about that again. Talagang nalasing lang ako non eh. Took advantage of the mobile bar. Hehehe.” Napakamot ng batok si Colet.

 

 

 

“Hey, no worries. I didn’t mind naman talaga. You were pouting so hard at the edge of the pool, asking me if may alak pa. Parang batang inagawan ng lollipop. Haha!”

 

 

 

Napatakip ng mukha si Colet sa sobrang kahihiyan.

 

 

 

“Nakakahiya talaga. Buti na lang hindi ako nagkalat.”

 

 

 

“You were very chill naman. I was keeping an eye on you that night kasi you were holding on the edge of the pool like you didn’t know how to swim, tapos you were a bit drunk pa. Baka makabitaw ka and drown.”

 

 

 

Binantayan niya ako ng tingin that night? What the actual fuck.

 

 

 

Umiwas ng tingin si Colet nang marinig ang sinabi ni Aiah. Parang hihimatayin ito sa kilig ngunit hindi naman siya puwede magreact at baka isipin ni Aiah na weirdo ang mga thomasians.

 

 

 

Buti na lamang ay nakarating na rin sila sa Dapitan.

 

 

 

“Favorite ko nga pala dito kasi for its price, sobrang goods na nung kape. Halika, pasok tayo.” Pag-aya nito kay Aiah.

 

 

 

“Pili ka na lang ng gusto mo and ako na bahala pumila for us. Upo ka na lang muna.” Suhestiyon nito kay Aiah.

 

 

 

“Hmm, okay. Ano ba best seller nila?” Tanong ni Aiah habang binabasa ang menu ng kapihan.

 

 

 

“Masarap naman lahat ng drinks dito, siguro depende na lang sa blend na gusto mo. I’d suggest yung Spiced Spanish Latte.” Sagot nito kay Aiah.

 

 

 

“Okay then, I’ll have that one. What about you, what are you having? It’s on me ha! Sinamahan mo naman ako.”

 

 

 

“Aiah, no. It’s okay. I can pay for my own drinks naman.” Mariing tanggi ni Colet kay Aiah. Pilit itong inaabutan ng dalaga ng 1000-peso bill ngunit ayaw nito tanggapin ni Colet.

 

 

 

“Ganito na lang, sige ako na dito tapos the next few stops natin, ikaw na. Okay? Let me have this, pambawi man lang sa pag-inom ko sa mule mo.”

 

 

 

Natawa na lang si Aiah sa katigasan ng ulo ni Colet.

 

 

 

“Fineeee, fine. The next rounds are on me, okay?” Ibinalik ni Aiah ang pera sa kanyang wallet at saka humanap ng mauupuan nilang dalawa ni Colet.

 

 

 

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Colet dala dala ang kanilang mga inumin. Ibinaba niya ito sa kanilang mesa sabay sabing,

 

 

 

“Orders complete, ma’am.” Tumingin ito nang nakakaloko kay Aiah sabay tumawa.

 

 

 

“Loko ka!” ani ni Aiah at humampas ng bahagya sa braso ni Colet.

 

 

 

Umupo si Colet sa harapan ni Aiah at nagsimulang inumin ang kanyang kape. Matapos kuhanan ni Aiah ng picture ang mga kape nila ay tinikman na rin niya ang napili niyang kape.

 

 

 

“Hmm, this is good! For its price, it’s really good. I can see why students love this! And the ambiance, so cozy and chill lang.” saad nito habang tumatango tango.

 

 

 

Nakangiti lang si Colet kay Aiah habang masaya itong umiinom ng kape. Nacurious naman si Aiah sa order ng kanyang kasama.

 

 

 

“What did you order for yourself?” Tanong nito kay Colet.

 

 

 

“Spanish Latte rin but sub premium beans sub oatmilk sub breve” sagot nito kay Aiah.

 

 

“Wow, that’s mouthful and specific. Is it good?”

 

 

 

“Yup! It’s my go-to order. Do you want to try?” pag-aalok nito kay Aiah. Tumango naman si Aiah bilang sagot.

 

 

 

 

“Sige, I’ll get you a stra—" akmang tatayo na sana si Colet para ikuha ng straw si Aiah nang kuhanin nito ang kape at uminom mula sa straw ni Colet.

 

 

 

 

 Napanganga naman sa gulat si Colet nang makita ang ginawa ni Aiah. Sinagot niya lang ito ng pagtaas ng kilay.

 

 

 

 

“Hmm, that’s really good too. Nice.” Sabay abot ng kape pabalik kay Colet.

 

 

 

 

Nagmistulang tuod naman si Colet sa kanyang kinatatayuan dahil hindi niya malaman kung paano magrereact sa ginawa ni Aiah.

 

 

 

 

“What? I let you drink from my bottle, but I can’t drink from yours? That’s unfair.” Pang aasar nito kay Colet.

 

 

 

 

Shit. Shit. Shit. Did she really just do that? What. The. Hell.

 

 

 

“I-uhm hindi naman!” Paniguradong pulang pula na ang mukha nito. Tatawa tawa na lang si Aiah sa harapan niya at patuloy nilang ininom ang kaniya kaniyang order ng kape.

 

 

 

 

Hindi nila namalayan at dalawang oras na pala silang nagkukuwentuhan sa loob ng coffee shop na iyon. Napagkwentuhanan nila ang college life ng isa't isa bilang isang thomasian at isang lasallian. Parehas nilang na-enjoy ang company ng isa’t isa.

 

 

 

 

Napatingin si Colet sa cellphone niya at nagulat ito nang makita ang oras.

 

 

 

 

“Oh shit. Anong oras na pala, nakaka isang coffee shop pa lang tayo. Sorry!”

 

 

 

“Colet, don’t worry! I enjoyed talking to you anyway.”

 

 

 

“Eh paano na yung blog mo?” pag-aalalang tanong ni Colet sa kanya.

 

 

 

 

 

“Don’t worry about it. Next time na lang natin ituloy yung ibang spots sa list mo.”

 

 

 

 

Para namang nabingi si Colet sa kanyang narinig.

 

 

 

 

“Next…time? May next time pa?” maingat niyang tanong sa kasama.

 

 

 

 

“Kung gusto mo lang.” Maikling sagot niya dito sabay ngiti.

 

 

 

 

Lord, ikamamatay ko ata siya. Awa na lang sa bading.

 

Notes:

To everyone who read this, thank you so much!

your feedback is very much appreciated. <3

Let me know your thoughts below in the comments or through X at @sapphicolaiah :)