Work Text:
ngayon ang huling gabi na magkakasama ang magkakaibigang sina mingyu, cheol, vernon, at joshua bago magsimula ang kanilang term break. napagkasunduan nilang apat na magkita kita sa bar, 30 minutes away from their school para sa simpleng chillnuman. panigurado kasing ang mas malalapit na inuman malapit sa eskwelahan nila, ay dudumugin ng mga katulad nilang estudyante na susulitin ang gabi para magwalwal magdamag.
naggrab nalang silang apat kaya eto ngayon ni joshua, vernon, at mingyu na nagsisiksikan sa likod habang si cheol ang nauna umupo sa passenger seat.
"tol dapat kasi pinakamatangkad dyan sa harap! nangangalay na binti ko dito!" naiinis na saad ni mingyu na hindi parin mapakali kung ano ang tamang pwesto sa pagupo.
"yaan mo na pre, saglit lang naman byahe natin! pati ayoko gumitgit dyan sa inyo, baka manlagkit ako, maturn off pa mga chiks sakin mamaya" pinakitaan nalang ni mingyu ng middle finger si cheol through the rearview mirror nang makita nya itong nag aayos pa talaga ng buhok. kakupalan!
makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin sila sa lugar na iinuman nila. hindi pa man nakakababa, napansin na agad ni mingyu ang kumpol ng tropa-- na pamilyar sa kanya ang mga mukha, na nakatambay sa tapat ng bar.
"nandito pala si jeonghan pre eh. yan ba chiks mo?" nangiinis na tanong ni joshua kay cheol.
"ulol" nalang ang tugon ni cheol at bumaba na rin pagkatapos nitong magbayad.
hindi close ni mingyu ang tropahan nina jeonghan. nakilala nya lang ang nakakatanda noong isama ito ni cheol sa inuman nila ilang buwan na ang nakakalipas. kaya simpleng tango lang ang ginawa ni mingyu nang magkatinginan sila nito.
at dahil hindi lang inom ang habol ni mingyu sa gabing ito, nagsimula nang umikot ang tingin nya sa mga tao ma pumapasok at lumalabas sa bar na iinuman nila. eto ang gusto nya sa mga tropa nya, laging ang natitipuhang puntahan ay paniguradong maraming papasok sa type nya. tangina, ang ganda 'nun oh.
pasimpleng mauuna na sanang papasok si mingyu sa bar nang biglang may mabigat na braso ang dumantay sa balikat nya.
"....tapos eto naman si mingyu" nalang ang narinig ni mingyu nang iharap sya nito kena jeonghan.
at dahil distracted nga si mingyu dahil sa babaeng natipuhan nyang papasok sa bar, ay tumango nalang rin sya para iacknowledge ang presensya ng mga tropa ni jeonghan.
hindi nagtagal ay nagkayayaan na rin naman ang parehong grupo na pumasok sa loob. nauna na si mingyu, at sya narin ang pumili ng table (na malapit sa babaeng natipuhan nya kanina) bago umorder ng drinks para sa kanilang lahat.
naging maingay at magulo ang table nila dahil mahigit sampu sila ngayong magkakasama. naghahanap pa ng tyempo si mingyu kung paano sya lalapit sa kabilang table kaya sumali muna sya sa kaguluhan ng mga kasama nya sa table.
paglingon ni mingyu sa gilid ay nakita nyang hindi pala nya ang tropa ang katabi nya ngayon. napatitig si mingyu, at taimtim na inaral ang mukha ng katabi dahil parang may kung anong nagbulong sa kanya na..... lahat ng katanungan nya sa buhay, ay makikita sa mukha ng katabi nya ang kasagutan.
bagsak na buhok, maputi, chinito, na nakasoot ng horn rimmed glasses, may taling sa ilalim ng mata.... wow.
"oh, dapat lahat sasali ha! walang KJ!" parang nagising si mingyu sa pagkakatitig nang marinig ang malakas na sigaw ni jeonghan. nakita nyang may bote na sa gitna ng table nila, at sakto ang ayos nilang lahat na nakapabilog ngayon.
hindi na alam ni mingyu ang nangyayari, at nagulat nalang si mingyu nang tumayo si vernon at lumapit sa kabilang table para magabot ng tissue. nabalik tuloy ang tingin ni mingyu sa babaeng kanina nya pa binabalik balikan ng tingin.
"tangina pre, contact number mo nakalagay don ha! mamaya telephone number nyo nanaman sa bahay, nanay mo nanaman sasagot!" humagalpak sa tawa ang tropahan nila.
"okay next, si wonwoo! truth or dare?" parang nahihilo nalang si mingyu sa nangyayari sa paligid nya. high tolerance naman sya pero lasing na lasing na ang pakiramdam nya.
"truth nalang! hahaha" napatitig ulit si mingyu sa katabi nya nang magsalita 'to. ano daw ulit ang pangalan? wonwoo?
"boring mo naman! pero sige, may natitipuhan ka na ba dito? kanino mo gusto magpareto?" parang nagpintig ang tenga ni mingyu sa narinig. eh hindi naman sya ang kausap?
"kahit hindi dito satin lang. dito sa bar in general, baka may minamata ka na. dali, won! minsan ka lang sumama sa ganito, sulitin na natin yan!" napatawa si wonwoo sa litanya ng mga kaibigan. mahinang tawa lang, pero sobrang linaw nito sa pandinig ni mingyu.
pasimpleng lumingon si mingyu sa gilid ni wonwoo, at nakita nya itong iniikot ang paningin sa crowd. na para bang naghahanap sya ng target na pwedeng sabihin sa mga kaibigan nya.
"uhmm, parang wala eh." saktong nagkatinginan si mingyu at wonwoo mata sa mata bago ito sumagot. hindi alam ni mingyu kung bakit, pero parang nararamdaman nyang nagiinit ang buong katawan sa simpleng titigan nilang dalawa. hindi rin magawang iiwas ni mingyu ang tingin, dahil ramdam nya ang talim ng titig sa kanya ni wonwoo. parang tumatagos, tangina.
hindi alam ni mingyu kung ilang segundo ang lumipas na magkatitigan lang silang dalawa, at hindi nya rin alam kung naramdaman ng mga kasama nila sa table ang tension na naramramdaman ni mingyu sa mga oras na 'yon.
"ok dude what the fuck was that" nalang ang narinig nya bago maramdamanan ang malakas sa palo sa likod nya. napalingon sya rito at nakitang nandun si vernon na natatawa ang mukha.
"tangina mo pre, titig na titig yan?" hindi na talaga alam ni mingyu ang nangyayari sa kanya. hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. para syang ginagayuma na hindi malaman. napalingon sya ulit kay wonwoo at nakitang bumalik na ang atensyon nito sa mga kaibigan nilang naglalaro.
napainom nalang si mingyu ng coke na nasa harap nya at muling lumingon sa table kung nasaan ang babaeng kainina nya pa gusto lapitan. napansin nyang nakatitig rin ito sa kanya, at nakitang nagtatawanan kasama ang mga kaibigan pa nitong mga babae
"bro, type ka ata ng chiks don sa kabilang table oh. kung saan saan ka kasi tumitingin pre, kanina pa yan nakatitig sayo simula nung bumalik ako dito galing sa table nila"
napangisi nalang si mingyu at nagpasalamat sa panandaliang distraction. tumango si mingyu sa nasabing babae at tumayo na nang--
"ayan, puta. kim mingyu, turn mo na!" sigaw ni cheol. bumalik ang tingin ni mingyu sa mga kaibigan at nakitang sa kanya na nakatutok ang bote sa gitna.
"wala nang truth, pre! sold out na. dare ka na ha!" sa sobrang distracted ni mingyu ay hindi na sya nakaalma.
nakita nyang tumayo rin si jeonghan at tinuro sya.
"ikaw! pili ka ng hahalikan mo dito sa circle natin" saglit na natahimik ang table nila, bago humagalpak sa tawa si cheol na sinundan ni joshua.
"gago, anong halik eh puro lalaki tayo dito?" litong tanong ni mingyu. kung may hahalikan man sya, lilipat nalang sya ng table, walang problema!
"kaya nga dare eh? boring mo naman!" humalukipkip si jeonghan at padabog na umupo.
"gyu, sige na! minsan lang eh. tayo tayo lang naman, hindi to makakalabas!" dagdag ni cheol.
"go choose na pre. gusto mo ako nalang, 5 seconds walang malisya" napasimangot si gyu sa suggestion ni vernon. kahit one second pa, never!
"ayaw mo mamili ha, ako na magddare! kiss mo si wonwoo 5 seconds lang-- o kahit three seconds na peck lang! para hindi ka na rin lumayo. go!" parang tumigil ang mundo ni mingyu sa narinig. wonwoo? kiss? 5 seconds? ano daw?
"ha?" natulalang napatingin nalang si mingyu sa katabing si wonwoo na nakaupo at nakatingala sa kanya. putangina! bakit ang ganda?
"okay lang won? keri makiss?" habol na tanong ni jeonghan. nakita ni mingyu ang simpleng ngisi ni wonwoo, at marahang pag tango nito.
"okay lang, para yun lang e---
hindi na natuloy ni wonwoo ang sasabihin nang muling umupo si mingyu, at sinunggaban sya nang halik. tangina. 5 seconds lang-- hindi, 3 seconds lang, mingyu. peck lang! tangina. pero bakit parang mas nalasing sya nang makita si wonwoo na nakatingala sa kanya, na parang nanghihingi pa talaga ng halik? at bakit parang mas nalasing sya nang mapatingin sa labi ni wonwoo na parang perfectly made for his own? at parang maaadik nalang si mingyu nang naramdaman ang labi ni wonwoo na sinasabayan na ang halik nya. TANGINA. 3 seconds na peck. ANONG NANGYAYARI?
parang nagblack out na ang lahat para kay mingyu. walang ibang makita, walang ibang naririnig. bumalik nalang sya sa katinuan nang kinailangan nya ulit humugot ng malalim na hinga, mula sa pagkalunod sa halikan nila ni wonwoo.
pagdilat nya ng mata ay nakitang nyang nakapikit pa si wonwoo, at mahigpit na nakakapit sa braso nya. napalingon si mingyu sa mga kaibigan nya at nakitang lahat ito ay nakatitig sa kanila-- walang humihinga, walang gumagalaw. tangina talaga!
si vernon ang naunang bumalik sa wisyo sa kanilang magkakaibigan. dumamba ito sa likod ni mingyu at pabiro itong sinakal.
"tangina mo mingyu, 5 minutes in heaven? sarap na sarap ka!"
hindi alam ni mingyu ang gagawin dahil sa totoo lang, sa buong buhay nya-- wala syang magpakukumparahan sa nararamdaman nya ngayon. tangina, i dont know how long it lasted, but i can already say that that's the hottest momol i've ever had in my life.
napatingin ulit si mingyu kay wonwoo at nang makita itong nakatungo na kagat ang labi, ay hindi na napigilan ni mingyu ang sarili at mabilis na hinawakan ang kamay nito at hilahin tungo sa labas ng bar
"tangina mo, kim mingyu! edi tite awakening ka ngayon!" nalang ang narinig ni mingyu bago harapin si wonwoo, at sunggaban muli ito ng halik.
