Work Text:
"Have you tried kissing him?"
Napakunot ang noo Wonwoo nang marinig ang kaibigan.
"Gaga ka ba?! Ba’t ko naman siya hahalikan?"
Parang mas lalong na-stress si Wonwoo sa suggestion ni Jeonghan. Mali yata na binuksan naman nila ang topic na inlove siya sa Straight™ niyang best friend at tila walang hahantungan ang nararamdaman niya.
Hindi naman sa aamin siya anytime soon pero, shet. Ilang taon niya na rin ‘tong kinikimkim. Hindi rin nakakatulong na palagi silang pinagtutulakan ng barkada kahit ilang beses na silang pinagsabihan ni Wonwoo na baka mailang si Mingyu sa gawain nila.
(In their defense, they all think na bulag lang talaga si Mingyu sa kung ano ang nasa harap niya.)
"Why not? Nag-suggest lang naman ako. It’s the only thing you haven’t tried before sa lahat ng advice namin sayo.” Jeonghan shrugged, sabay dukot sa fries na hindi na malutong kasi kanina pa ‘to inorder ng mga kasama nilang dapat ay kukuha lang ng drinks pero hindi pa rin nakakabalik, “Plus, it worked for me and Cheollie."
Nag-aambang sasagot pa sana si Wonwoo pero speak of the devil nga naman.
“Hmm, what worked for us, langga?” malambing na tanong ni Seungcheol na may kasamang akbay at halik sa bumbunan ni Han. Dapat talaga hiwalay ang bar ng mga may jowa.
“Kissing. Kakasabi ko lang dito kay Wonwon na baka isang malupit na momol lang naman ang katapat ni Mingyu.”
Natawa si Seungcheol sa sinabi niya pero he paused to consider the idea because when you actually think about it…
Oo, babae nga lahat ng mga naging ex-fling ng kaibigan nila pero ilang beses na rin nasabi ni Mingyu na kaya nga hanggang fling lang lahat sila kasi palaging may kulang.
“Wons. I’m gonna try something.”
“Parang-awa ‘wag niyo akong idamay sa kagaguhan niyong mag-shota.”
Hindi na naka-angal pa si Wonwoo kasi pabalik na rin sa table nila si Mingyu na may dala-dalang bote ng alak.
“On the way na raw sila Soons at Ji, kasama nila sina Seok at Chan. Hahabol na lang daw yung iba.” bungad niya sa mga kasama. “Oh, ‘bat ganyan kayo makatingin? May nangyari ba Won?”
Lalong lumawak ang ngiti ng dalawa pagkatapos niyang i-single out sa tanong si Wonwoo.
“Namention lang ni Wonwoo na hindi pa niya nararanasan magmomol. Sabi namin hanapan siya namin ngayong gabi pero ayaw naman niya sa hindi niya kilala.”
Putangina. Kung abot lang talaga sana ni Wonwoo si Jeonghan ay siguradong nakurot na niya ‘to ng pinong-pino. For now, magsesettle muna siya sa paninipa.
“Valid naman ah. ‘Wag niyong ngang pilitin kung ayaw. Baka kung sino-sino pa diyan mapulot niyo tapos di naman pala magaling humalik, edi na-disappoint lang si Wons.”
Tila demonyo naman ang ngisi ni Jeonghan ng marinig ang sagot niya. Hay nako Kim Mingyu.
“Kung ikaw na lang kaya?” agad na suggestion ni Seungcheol. Internally, nag-aapir na sila ni Jeonghan kasi kahit hindi nila napag-usapan ang plano ay isang direksyon lang ang daloy ng pag-iisip nila.
Nagulat si Mingyu, malamang, pero hindi naman siya sumimangot or agad na na nireject ang idea. In fact, nakangiti siya ng bahagya pero hindi siya nakatingin kay Cheol kundi kay Wonwoo na napahilamos dahil sa hiya? inis?—hindi siya sure pero, to him, it was amusing.
Bago pa man maka-reklamo si Wonwoo ay pinandilatan na siya mga mata ni Jeonghan. “Okay, hear me out. Tama si Cheol. Single ka. Mag-best friend kayo. Obviously, he can trust you. And besides, may reputasyon ka for being a good kisser…unless, gawa-gawa lang yun ng mga babae mo?”
Alam ni Jeonghan na Mingyu won’t back down when challenged. At alam niyang he pushed Mingyu’s buttons with the last sentence.
“Bakit, ilang minutong laplap ba gusto mo Wons?”
–
Hindi pa lasing si Wonwoo. Promise. Tipsy lang talaga.
Sino ba naman hindi mapapa-inom ng marami ‘pag binanatan ka ng laplapan ng bestfriend mo na minahal mo lang naman ng patago ng 7 years (and counting). ‘Di rin naman kasi na-inform si Wons all those years ago na ang “ I’m Drunk, I Love You ” pinapanood, hindi isinasabuhay.
Ayun nga lang, hindi na natuloy ang sagot niya sa tanong ni Mingyu dahil biglang dumating ang mga kaibigan nila. Lalong nabaon ang pinaguusapan nila nang nag-announce si Jihoon na nag-propose na pala si Soons sa kaniya kahapon, kaya nag-aya sila ngayong gabi para makapag-celebrate ang buong barkada.
Wala eh, nasapawan na yung moment nila. Hindi rin siya sigurado kung magpapasalamat siya dahil hindi na na-bring up yung kanina or manghihinayang kasi parang seryoso si Mingyu sa tanong niya.
Pahamak talaga si Seungcheol at Jeonghan.
“Wons, ayos na. Iuuwi na kita . Nauna na yung iba oh.” Marahan na hinawi ni Mingyu pataas ang buhok ni Wonwoo na nakadikit sa pawisin niyang noo dala ng init ng kanyang katawan.
“No! I’m not drunk pa nga! I want to stay pa!” pagmamaktol ni Wonwoo. “Look oh, I can stand pa nga eh!”
Kumawala siya kay Mingyu at sinubukang tumayo pero sa sobrang bilis rin ng kanyang kilos ay biglang siyang nahilo. Muntik na siyang matumba kung hindi siya inalalayan ni Mingyu na umupo balik sa tabi niya.
“Oh asan yung stand ‘dun?” biro ni Mingyu na sabay niya ring binawi nang sinubukan ulit ni Wonwoo na umalis. “Joke lang. Sige na, uwi na tayo. Huwag nang makulit, please?”
“Ayaw nga! Sabi mo kanina kiss mo ako, pero wala naman!”
Ano?
Beat.
Nanatiling nakatitig si Wonwoo sa kanya, nakanguso at nangungusap ang mga mata.
Beat.
Hay.
Beat
Bahala na.
Mingyu held Wonwoo’s face, tenderly, and leaned in. The first one was tentative. It was barely a kiss, if you ask him. A fleeting touch of their lips. Hanggang dun lang dapat eh. Pero masisisi niyo ba siya? Mahinang nilalang lang si Mingyu kung si Wonwoo ang pinaguusapan.
He pulled away, just inches between their faces.
He really should’ve stopped there. Pero—
“Min…” mahinang sambit ni Wonwoo. “Please.”
Hindi na napigilan ni Mingyu. Putangina. Parang siya ata yung may tama sa kanilang dalawa.
Inayos niya ang pwesto nila at pinaupo si Wons sa kanyang hita para hindi mangalay ang leeg nila bukas. Mabuti na lang at medyo nahaharangan yung pwesto nilang dalawa. Si Han at Cheol na lang din naman ang kasama nilang naiwan pero umalis pa yung dalawa para i-settle ang bill. Again, bahala na.
His lips returned to Wonwoo’s, and this time, wala nang pag-aalinlangan. It was passionate and intense. It burned with desire. Mainit. Mapusok. Nakakaliyo.
For Mingyu, it felt like a free fall. He knew that he’d crash eventually—it was inevitable, but right now, he just wanted to savor the feeling.
He was brought back to reality nang maramdaman niyang gumalaw si Wonwoo habang nakakandong sa kanya. Mukhang dito yata siya magkakaproblema. Ibinaba niya ang kanyang kaliwang kamay at hinawakan sa bewang si Wonwoo para pigilan ito. Not here . These people did not deserve to see Wonwoo in this state.
As much as Mingyu didn’t want to, he had to push him away. “Wons. Baby .” A slip of the tongue.
Pareho silang hinihingal. Wonwoo leaned his forehead against Mingyu for a moment to catch his breath before he completely sunk into Mingyu’s torso.
Hindi alam ni Mingyu kung ilang minuto silang nanatili sa pwesto nila kung saan nakakandong pa rin si Wonwoo sa kanya habang nakasandal naman ang ulo nito sa kanyang balikat. Nararamdaman ni Mingyu ang unti-unting pag-bigat ni Wonwoo at ang paglalim ng paghinga niya.
“Wons?” he called out to check. Tulog na nga.
Mingyu sighed.
“Yan tayo eh. Tutulugan mo lang ako tapos hindi mo naman maaalala kinabukasan.”
