Actions

Work Header

The Line Of You

Summary:

"So hindi ka straight? At gusto mo ako? Kasi kung oo gusto rin kita" Kinikilig na sabi ni Josiah sa lalaking yakap niya ngayon

"Hindi kita gusto...." Hinihingal na sabi ni Dominic........

Chapter 1: 1: Crush ko siya dahil pogi siya!

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

Josiah's

 

“hindi ka pa tapos jan?’’

 

Tanong ni jaimiel na workmate ko dito sa company na pinagta-trabahohan ko 

 

 “wala ka bang magawa sa office mo jayi, kaya dito ka nangungulit?’’ sabi ko at napatingin sakanya 

 

Nakapamewang ito at nakabusangot ang mukha dahil sa sinabi ko 

 

“uwian na po kasi Archi.Hong kaya po kita pinuntahan dito” sabi nito na nakapout pa kala mo cute, kaya natawa ako 

 

Sisilipin ko dapat ang office ng head manager namin ng biglang nagsalita si jayi

 

“kanina pa naka-alis si Sir Noel kaya I think tayo nalang ang nandito” sabi nito kaya hindi ko natuloy ang pagsilip at nagsimula na mag-ayos ng gamit 

 

Nang makapunta sa may elevator ay nagulat ako ng pagbukas nito ay halos mapuno na ito sa daming tao nito

 

‘’pasok na, kasya pa naman kayo” sabi ng isang workmate namin, pumasok na kami dahil uwing-uwi na itong kasama ko 

 

“Alam mo ba yun chika?” Tanong ng babae sa likod ko

 

“Anong chika na naman yan?” Tanong naman ng babae sa likod ni jayi, kaya napatingin ako kay jayi na seryoso lang mukha pero halatang nakikinig 

 

“Yun ex daw ni sir chevy ikakasal na” sabi no'n babae sa likod ko, sir chevy di'ba yun CEO namin? Bakit pati si boss pinag-uusapan ng mga ito?

 

“Hala di'ba mahal na mahal ni sir chevy yun?” Tanong ng babae sa tabi nito, oh ano naman? Buhay niyo? Buhay niyo!?

 

“Ito pa ang sabi-sabi invited daw si sir chevy” sabi no'n babae sa likod ko kaya na pa shock sound naman ang katabi nito, so? Hays bakit ba ako nagre-react eh di naman ako yun pinag-uusapan nila

 

“Alam niyo ba na pwede kayong makasuhan sa pagkakalat ng maling infomasyon?” Sabi ng lalaki sa tabi ko kaya napatingin ako dito, anong mali doon? or may di totoo sa pinag-uusapan nila?

 

Pero nawala lahat ng tanong sa isip ko ng makita ang katabi ko dahil shit ang pogi,

 

matangkad ng katamtaman ito sakin at may itsura kaya napatitig talaga ako dito ng sandali pero may humawak sa kamay ko kaya nabalik ako sa realidad 

 

“Hala Atty.Lee!” Sabay na sabi ng dalawang babae sa likod namin at napansin kong hawak na ako ni jayi sa kamay

 

Pero biglang tumunog ang elevator. Sign na magbubukas ito kaya ng bumukas ito ay agad akong hinila ni jayi palabas ng elevator

 

“Bagong attorney lang ba yun?” Tanong ko kay jayi sa tabi ko, ang driver ko char nakikisakay lang pala ako sa kotse nito hahaha

 

“Head attorney yun ng company natin at personal attorney rin ni CEO” seryosong sagot ni jayi habang inaayos ang phone niya sa lalagyan nito

 

“Ngayon ko lang siya nakita….” Bulong kong sabi sa sarili ko, shesh may crush na ata ako kala ko walang pogi sa office bukod kay jules

 

“Madalas ka kasing tambak ng paperwork at minsan lang rin pumunta si Attorney dito sa company” sabi ni jayi kaya napatingin ako sakanya 

 

“Ang gwapo niya” biglaan sabi ko kaya napalingon sakin si jayi ng nakakunot ang noo tila bang hinuhusgahan ako 

 

“bakit?” Tanong ko dito at tinarayan ito, totoo naman bakit ako jina-judge nito

 

“Straight siya”

 

Yummy Attorney na, Naging ruler pa.

Notes:

First post ng oat na'to dito hehehe