Chapter Text
« At baka biglang magkita pa tayo sa QC, sa UP, sa kalsada ng BGC… »
“Oh Katipunan po, Katipunan. Yung mga bababa po sa Katipunan, pumunta na sa harap,” sabi ng bus conductor sa mic ng bus na sinasakyan ni Chaeyeon. Naalis ang tingin ni Chaeyeon sa bintana ng bus, tinanggal ang earbuds na suot n’ya, at nagsimula nang kunin ang gamit nya na nasa top compartment ng inuupuan n’ya.
Tumigil ang bus sa tapat ng pedestrian lane sa baba ng Katipunan Avenue, at nagsimula nang bumaba ang mga pasahero ng bus galing probinsya. Bitbit ang kanyang laptop backpack at dalawang ecobag na puno ng grocery at pagkain, nagsimula nang maglakad si Chaeyeon papuntang overpass sa baba ng Flyover upang makarating sa terminal ng tricycle papasok sa kanilang dorm sa loob ng Ateneo.
Dalawang taon nang binabaybay ni Chaeyeon ang rutang ito tuwing galing s’ya sa probinsya. Nasanay na s’yang nagcocommute lalo na at hindi naman s’ya galing sa mayamang pamilya. Maswerte na s’ya at nakatanggap s’ya ng scholarship mula sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong unibersidad sa bansa.
“AHHH!” Hindi mapigilan ni Chaeyeon na sumigaw. Habang tumatawid ay muntik na s’yang mahagip ng motor na gustong pumwesto sa harap ng pedestrian lane. Buti na lang at may humigit sa kanya papunta sa sidewalk
“Miss, are you okay?”
Napatingin si Chaeyeon sa taong may hawak ng balikat n’ya.
Matangkad, malaking mata, mahabang buhok. Yan ang mga unang napansin ni Chaeyeon sa taong may hawak sa kanya ngayon.
“Uhm, miss? Are you okay? Are you hurt?” muling tanong ng babae sa kanya. Tila bigla namang natauhan si Chaeyeon. Napansin n’ya na sobrang magkadikit silang dalawa ngayon at nakakapit pa rin ang babae sa balikat n’ya.
“Oh, sorry. Yes, I’m okay. Thank you.” na para bang naubusan ng salita si Chaeyeon. Umayos s’ya ng tayo at dumistansya nang konti sa babae. Hindi pa rin nagsisink in sa kanya ang nangyari, at kung paano s’ya niligtas ng babae.
Hindi n’ya makita nang ayos ang mukha ng babae dahil sa suot nitong mask na itim at cap na may tatak na “Lee”. Mas matangkad ito sa kanya, kahit na matangkad si Chaeyeon.
“Miss, I think you’re still in shock because of what happened. Do you want a drink? I’ll libre you. Lawson’s a few steps lang naman. Can you walk ba?”
« shet, conyo. burgis ‘to panigurado »
Inalok ng babae ang kanyang kamay kay Chaeyeon na hanggang ngayon ay nakatitig lang sa mukha ng babae. Naghalo ang pagkamangha at panghihinayang ni Chaeyeon. Paghanga dahil sa pagligtas ng babae sa kanya (at sa physical build nito), panghihinayang dahil conyo ang babae.
« kung hindi lang ‘to conyo, nahingi ko na IG n’ya »
“Thank you, but I’m really okay. I can still walk. I’ll just ride a trike. Thanks for the offer tho.” Pagtanggi ni Chaeyeon sa alok ng babae. Maliban sa hindi naman n’ya kilala ang babae, nabibigatan na si Chaeyeon sa dala n’ya at gusto na n’yang makarating sa dorm agad para makapagpahinga.
“No, miss. I insist. Here, let me help you carry those. I’ll buy you water, then I’ll hatid you to the terminal also.” Pagpipilit ng babae sa kanya. Agad naman nitong kinuha ang dalawang ecobag ni Chaeyeon at binitbit gamit ang kaliwang kamay. Hinawakan n’ya ang pulsuhan ni Chaeyeon at marahang hinigit ito papunta sa Lawson sa baba ng One Katipunan Residences, tapat ng pedestrian lane kung saan tumawid si Chaeyeon. Hindi na nakaangal si Chaeyeon dahil hawak na ng babae ang braso at mga ecobag n’ya.
Nang makapasok sa Lawson ay agad ibinaba ng babae ang mga ecobag sa lamesa sa gilid ng counter at naglakad papunta sa beverages habang marahang hinihigit si Chaeyeon kasama s’ya. Kumuha ito ng isang bote ng mineral water at agad ding binayaran. Matapos bayaran ay binuksan niya ang bote at kay Chaeyeon.
“Here, drink up.” Kinuha naman ni Chaeyeon ang tubig at ininom. Nangalahati ang tubig bago niya ito takpang muli. Nang makitang tapos na uminom si Chaeyeon ay naglakad na ulit ang babae, kinuha ang mga ecobag na nakapatong sa lamesa, at lumabas sa Lawson habang higit pa rin si Chaeyeon.
Nagtataka si Chaeyeon kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya binibitawan ng babae. Naisip n’ya na baka kidnappin siya nito, pero mukha naman s’yang mabait, niligtas nga s’ya sa may pedestrian tapos binilhan pa ng tubig, bitbit pa yung dalawang ecobag. « What if ginawa lang n’ya to para hindi ako makatakas? » Kung saan saan na nakarating ang pag-iisip ni Chaeyeon habang hinahayaan pa rin na higitin s’ya ng babae papunta sa kung saan. Sa pag-iisip n’ya, hindi n’ya namalayang nasa terminal na silang dalawa.
“Ate, trike po? Saan po kayo?” Natauhan si Chaeyeon sa boses ng tricycle driver sa tapat n’ya. Napansin n’ya na nakatingin sa kanya ang babae habang hawak pa rin ang kanyang braso.
“Miss? We’re here na. Where will you go ba? I can go with you.” Sabi ng babae na para bang gusto pa s’yang ihatid hanggang sa pintuan ng dorm nila.
“Uh, no, I can go na on my own. Thanks sa pagsama hanggang dito. Sorry sa abala.” Pagtanggi ni Chaeyeon sa babae. Hinigit n’ya ang kanyang braso, dahilan para mapabitaw ang babae. Kinuha na rin n’ya ang mga ecobag sa kamay nito, at naglakad papalapit sa tricycle driver. “Kuya, Ateneo po. Sa UD lang.”
Nang tumango ang driver ay agad na sumakay si Chaeyeon sa loob ng tricycle. Napansin naman niyang nakatayo pa rin ang babae sa may tent ng terminal habang nakatingin sa kanya. Umalis naman agad ang tricycle habang magkatitigan pa rin ang dalawa.
—————————————————————————————
The girl was still at the terminal, standing while looking at the tricycle slowly getting smaller from her view as it goes farther. She still can’t get the girl’s face out of her mind.
« She’s so cute, I hope I meet her again »
She regrets that she did not ask for the girl’s name or Instagram handle, but she knows that they will meet again. She will recognize that face in the middle of the crowd, that cute, puppy-like face.
She felt her phone buzzing in her pocket. «Oh shit, they’re calling.» She answered her phone and heard the loud music from the background.
“Lee, where are you? I thought you’ll sundo Yubin lang? Her condo’s so near lang sa Pop-Up ah? What’s taking you two so long?” Her friend shouted as she tries to make her voice louder than the music.
She remembered why she was at One Katipunan in the first place. She got so distracted by the girl she met that she forgot to fetch her friend. They were supposed to go partying at Pop-Up and she was tasked to fetch their friend who’s staying at a nearby condominium.
“Yeah, I’m near One Katipunan na. Sorry, I just bumped into someone. I’ll go to Yubin’s na.” She said as she started walking towards the condo, again.
“Someone? A friend ba? You can invite them if you want!” Her friend answered. She can hear the commotion in the background mixing with the loud music. Her friends are making someone chug, as she can hear from the noise.
“No, dude. She’s not a friend.” She paused, as she remembered what happened earlier. Her puppy eyebrows, sparkling eyes, cute nose, pink lips, the way she talks, her soft skin. She felt her heart beating fast as she thinks about the girl. She may not know her name, but she felt it, she knows. “Bro, I think she’s the one, I think I’m in love.”
