Chapter Text
Si Isagi ay nagpapahinga lang sa bahay niya, nakakapagod naman ang practice nila diba? Nagcheck siya sa gc niyang kasama ang mga ka-team niya sa soccer/football. Minsan nakakasakit sa ulo sila. Pero okay lang naman, kasi mag-kaibigan sila. Nakita niya nagchat si Bachira sa gc, malamang magseseen siya.
- soccer lang alam -
Bachira: "Guyss!! Meron akong message. Ang weird!! Nagtatanong ng Paa, Tuhod, Balikat, Ulo!!"
Si Isagi ay nagtaka. Sino nagsend kay Bachira?
Isagi: "Meron kang proof Bachira?"
Bachira: "Oo!! Eto!!"
Nagsend si Bachira ng screenshot na kinuha niya. Unknown number daw. Nagchat nga sakanya ng paa, tuhod, balikat, ulo. Merong additional message na kailangan niya daw pumili.
Bachira: "Kailangan ko daw magpili.. Anong pipiliin ko?"
Reo: "Piliin mo ang gusto mo."
Bachira: "Sige, piliin ko... Ulo!"
Nagreply si Bachira. Sinagot niya ulo.
- Sa unknown number -
Unknown number: "Paa, Tuhod, Balikat, Ulo?"
Unknown number: "Kailangan mong pumili."
Bachira: "Sige, ulo!"
Unknown number: "Salamat."
- Kay Bachira -
'Hay Nako, merong nagchat saakin ng ganyan? Ang weird!! Pero gutom ako... Gawa nga ako ng pagkain.' Inisip ni Bachira bago siya pumunta sa kusina. Madilim na sa labas at nakakatakot. Baka kasi sa dilim. Gumawa si Bachira ng microwaved na popcorn at habang hinihintay niya ang popcorn niya, tumingin siya sa bakuran nila. Meron isang silhouette ng tao sa labas. Di makita ni Bachira ang mukha sa sobrang dilim. Kaya ayun, di nya pinansin.
Tumapos na ang popcorn ni Bachira at mainit. Kaya dahan-dahan niyang linagay sa isang lagayan. Pumunta siya sa kuwarto niya at nagchat nalang sa gc nila.
- soccer lang alam-
Bachira: "Guys, di ko alam ko kapag naghahallucinate ako, pero meron akong nakitang anino ng tao sa bakuran ko😞"
Chigiri: "Baka sa delusion mo lang yan"
Bachira: "Hindi guys, I swear, ang real😭"
✧・゚: *✧・゚:*
Nung chinat ni Bachira yun, meron siyang narinig ng footsteps ng tao. Nagtaka siya kasi wala pa ang ina niya. Kaya nilock niya yung pinto para maging safe. Narinig niya ang footsteps ay mas lumalapit sakanya. Kaya nagcall na siya ng mga police.
"Hi uhm, meron pong intruder na nakapasok po sa loob ng bahay ko po, pwede nyo pong pakibilisan papunta dito?"
"Sige po sir, nasaan po kayo?"
"Nasa *********** po."
"Sige, meron na pong papunta diyan."
"Salamat po."
Nung nag end call si Bachira, meron siyang narinig ng katok sa pinto niya. Natakot siya at nagchat sa gc niya.
- soccer lang alam -
Bachira: "Guys, merong nagkakatok sa pinto ko. Wala pa dito ang Nanay ko"
Nagi: "Eh bka ndyan nga sya :x"
Bachira: "Hindi, sabi niya babalik siya bukas eh, business trip daw"
Reo: "Baka may intruder. Nagtawag kana ba ng tulong?"
Bachira: "Oo, papunta na sila."
✧・゚: *✧・゚:*
Nung chinat yun ni Bachira, meron siyang na kitang isang axe ay naka sira sa pinto niya. Sumigaw siya. Nakapasok ang tao at lumapit kay Bachira. Sinapak ni Bachira ang tao at bumaba sa kama niya para makatakas. Pero mabilis ang tao at blinock ang sira na pintuan. Si Bachira ay meron lang bintana. At malalim ang hulog. Pero bago makaisip si Bachira, yung tao ay ibinato ang kanyang axe sa ulo ni Bachira. Yung ulo ni Bachira ay nahulog sa sahig, ang kanyang leeg ay nagsasaboy ng dugo na parang geyser. Bumagsak sa sahig ang pugot niyang katawan.
✧・゚: *✧・゚:*
- soccer lang alam -
Chigiri: "Guys, hindi pa nagrereply si Bachira."
Rin : "Baka nagaano lang yun, di ko na alam."
Isagi : "Baka nasa panganib si Bachira guys😕"
Nagi: "Eh, kya nya yan, bnta na sya"
Chigiri: "Translation daw @Reo"
Reo: "Eh kaya nya yan, binata na sya"
✧・゚: *✧・゚:*
Si Isagi ay nagaalala pa pero hatinggabi na. Kaya natulog nalang siya sa kama niya. Pero... Di siya gaano makatulog dahil nagaalala siya kay Bachira... Tama sila. Kaya eto ni Bachira.
✧・゚: *✧・゚:*
Gumising si Isagi at ang daming spam sa gc!! Kaya chineck niya kung ano yung nangayayari.
- soccer lang alam -
Isagi: "Anong nangyari??"
Chigiri: "Backread"
Isagi: "Yoko nga"
Reo: "PATAY SI BACHIRA."
Isagi: "ANO."
✧・゚: *✧・゚:*
Kailangan magpause ni Isagi. Patay? Si Bachira? Tinignan nya ang news sa TV nila. At oo nga. Patay na si Bachira. Pinugutan daw ng ulo. Gusto ni Isagi sumuka, pero pinigilan niya. Di pa alam ni Isagi, siya palang ang unang biktima.
