Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-05-25
Completed:
2025-05-25
Words:
1,445
Chapters:
6/6
Kudos:
14
Bookmarks:
3
Hits:
319

MEET THE PARKS

Summary:

JL was invited by his bestfriend Juwon to their family vacation.

What surprises await JL and his boyfriend?

Chapter 1: BF AND BESTIE

Chapter Text

Niyaya ni Park Juwon ang BFF niyang si JL sa family vacation nila. Lingid sa kaalaman ni Juwon, matagal nang magkasintahan ang BFF niya at ang kuya niyang si Park Han.

Lingid din sa kalaman ni JL na magkapatid si Juwon at Han.

“BFF, wait mo na lang si Kuya. Mabait naman ‘yon. Tahimik lang pero hindi ‘yan nangangagat.” Iyon na ang huling sinabi ni Juwon kay JL. Nakakahiya.

Pagdating ng sasakyan ay nagulat siya dahil iyon ang sasakyan ng boyfriend niya. Hani? Park Juwon… P-park Han?! Saktong bumaba si Han sa sasakyan at naglakad.

“Hon, bakit ka nasa labas? Akala ko sasama ka sa bakasyon ng bff m-…” Biglang tumahimik si Han. He realized the situation.

“Ikaw ‘yung kapatid ni Juwon?”

“Ikaw ‘yung BFF ni Juwon?”

After the shock, sumakay na si JL sa sasakyan.

“How come? I mean?” Nalilito at nakakamot sa ulo si Han.

“Tahimik ka kasi. Hindi mo man lang ako i-flex sa pamilya mo.” Nakasimangot si JL.

Biglang nag-ring ang phone ni JL.

“BFF, andiyan na ba si Kuya? Ang pogi niya ‘diba? Bet mo?”

*Kung alam mo lang, BFF.*

Nagkatinginan sila.

“Ah, oo… sige bi-biyahe na kami. See you later, BFF.” Binaba na ni JL ang phone.

“Nagtatampo ka pa rin ba, Hon?” Tanong ni Han kay JL.

“Hmm.” Tahimik na tumango lang si JL.

“I’ll make it up to you, Hon. I promise. I’ll formally introduce you to my family.” Nakapinky promise na si Han na siyang tinanggap ni JL.

🚗🤙🏻🥹💕👌🏻🤔🤭