Actions

Work Header

love set

Summary:

Bilang setter, marunong ka dapat makipag-communicate sa mga spikers mo, kailangan mong alamin kung anong klaseng set ba ang hiyang nila and Mark is good on communicating with his spikers, there is no doubt on that.

But when it comes to his crush, ibang usapan na ‘yan, mahina siya pagdating diyan. Pero anong magagawa niya? Tao lang naman siya na nahihiya at tinotorpe kapag nandyan si Donghyuck.

Pero iba kasi ang naging dating kay Donghyuck non, akala niya ayaw sa kanya ni Mark kaya siya iniiwasan ng binata.

or wherein Mark is the team captain and setter of his university’s volleyball team and Donghyuck is their courtside reporter.

Notes:

here’s a prompt na last year ko pa iniisip isulat. actually, i was hesitating to write it pa nung una for some reason but then i saw na may gaganaping fic fest kaya i submitted it na as a self-prompt. also, i just really wanted to write a specific scene for this fic pero di ko alam bakit naging 8.5k words siya bigla ?! 😭 enjoy reading po! and thank you to mahaeficfest for organizing this fic fest!

HAPPY BIRTHDAY HAECHAN !!!!!!!!!!!!!!!!!!! <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Mark’s life revolves around volleyball.

 

Bata pa lang si Mark ay nakitaan na siya ng talento pagdating sa volleyball at kasabay ng pagtanda niya ay ang pagdami rin ng mga nakukuha niyang awards dito. Pero bukod sa awards, dumarami rin ang expectations ng mga taong nakapaligid sa kanya, kaya naman halos training at pag-aaral na lang ang inaatupag niya sa buhay.

 

Volleyball din ang naging dahilan kung bakit walang ganap ang buhay pag-ibig niya ngayon. Minsan meron pero madalas talaga ay wala.

 

Bihira lang din magkagusto si Mark at madalas pang hindi nagtatagal ang mga ‘to. Hindi naman sa ayaw niyang pumasok sa isang relasyon o ano pero sadyang wala lang talaga siyang oras para rito, masyado kasi siyang busy to dwell on his feelings.

 

Tapos minsan, dahil nga alam na ni Mark ang ending ng mga bagay-bagay sa buhay niya, wala na siyang ginagawa kapag may natitipuhan siya. Ganon din naman kasi, mawawala rin feelings niya tapos in two weeks, paniguradong volleyball na naman ang nasa utak niya.

 

But there’s this one guy na hanggang ngayon ay hindi niya maalis sa isip niya. 

 

And he only saw that guy one time! He remembers starting that day and expecting it to be just a normal Wednesday for him—classes sa umaga at training naman sa hapon. 

 

But during lunchtime, something happened when he was buying his lunch, he thinks he saw an angel. Maybe it’s actually an angel because the guy literally saved his life that day.

 

Mark was alone at dala-dala lang niya ang cellphone niya noong oras na ‘yon. Ang akala niya ay nadala niya rin ang wallet niya pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya sa initan ay na-realize niyang hindi pala. Pero okay lang, kampante siya kasi nga he can pay naman using an online money app at tinatamad na rin talaga siyang maglakad ulit pabalik. Sigurado rin siya na yung pagbibilhan niya ng pagkain ay tumatanggap ng online payment, madalas naman kasi siyang bumili ng pagkain ron.

 

But maybe the universe doesn’t like him that much dahil biglang hindi gumana yung app while it’s his turn to pay. So he was kinda panicking and all since he forgot to bring any cash with him nga. 

 

Itatanong na sana niya kung pwede bang balikan na lang niya yung bayad pero all of a sudden, yung nasa likod niya ay biglang nag-offer na siya na raw ang magbabayad ng pagkain niya, nagmamadali na raw kasi ito and Mark is causing a long line already. 

 

Mark said a lot of thank yous to the guy and when he asked how he can pay him back, the guy only said ‘no, okay lang po’ and hurriedly walked away. Mark didn’t even have the chance to know his name or how to contact him dahil mukhang nagmamadali nga talaga ito. Also, Mark suddenly owes 464 pesos to a stranger, what the fuck.

 

But that was not the only reason why Mark couldn't forget that guy. It was mainly the guy’s face, his pretty and angelic face. 

 

And even though it’s sudden and out of the blue, he definitely developed a crush on the guy. Pero akala niya na sa katulad ng mga dati niyang nagustuhan ay agad ding mawawala ang feelings niya. But he’s wrong because after that day ay lagi na niya itong iniisip and wishing na sana magkasalubong ulit sila. 

 

May kakaiba kasi talaga sa mukha noong lalaking nakita niya kaya hindi niya ito maalis sa isip niya. Hanggang ngayon ay tandang-tanda pa rin ni Mark ang matamis nitong ngiti bago ito naglakad palayo. Mark really wants to see him again and also, maybe redeem himself dahil medyo nakakahiya talaga ang una nilang pagkikita.

 

But for months and months, Mark didn’t see him again. 

 

Dumating na si Mark sa point na inisip na niyang nananaginip lang siya nung araw na ‘yon because how come he never saw that guy ever again? They are studying at the same university! 

 

So when the training for the new season of UAAP started, sinabi ni Mark sa sarili niya na magfo-focus na lang ulit siya sa volleyball at gumana naman ‘yon kahit paano. Puro volleyball at pag-aaral lang ang inaatupag niya just like last time tapos dumagdag pa na siya rin ang inatasan na maging captain ng team at dahil nga sa sobrang busy niya ay hindi niya na rin masyadong naiisip yung lalaking nakita niya last time.

 

So imagine Mark’s shock when the guy showed up to one for their training and introduced himself as Donghyuck Lee, their team’s courtside reporter for this UAAP season. 

 

Maybe it’s true na kapag hindi mo hinahanap ang isang tao ay kusa silang magpapakita sayo.

 

He remembers how shocked he was that day, to the point hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya at pinanood lang si Donghyuck at ang mga teammates niya na mag-usap-usap. And he was supposed to be friendly and welcoming to Donghyuck! He’s the assigned team captain, for god sake!

 

Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya noong lapitan siya mismo ni Donghyuck, nag-hi ito at sinabi na he’s a fan daw of the team and he’s glad na nagkaroon daw siya ng opportunity to work with them. Mark was kinda waiting for Donghyuck to mention about their first encounter pero wala itong nabanggit at mukhang hindi na nito natatandaan si Mark. Naiintindihan naman ni Mark dahil halos hindi na nga siya tapunan ng tingin ni Donghyuck noong araw na ‘yon dahil sa pagmamadali.

 

The whole time Donghyuck was talking to him, he’s just standing there like a fool and still shocked kasi kinakausap ba talaga siya nung lalaking hindi na iniwan ang utak niya simula noong una niya ‘tong nakita? He can’t believe it! 

 

Gusto na lang niya pakinggan nang pakinggan ang boses ni Donghyuck hanggang maubusan ito ng kwento. Pero at the same time, gusto rin niyang daldalin si Donghyuck because that’s how usually he is with other people, madaldal siya at minsan siya pa ang unang kumakausap sa mga nakikilala niya! And also, maybe bring up the 464 pesos too. But there’s something about Donghyuck that just makes him only stare at him at humalo pa ang kaba sa dibdib niya kaya ang nagawa lang niya ay ngitian si Donghyuck at tumango sa mga sinasabi nito.

 

Yes, aminado siyang sobrang tanga niya banda ron, iniisip na siguro ni Donghyuck noong mga panahon na ‘yon na ang sungit niya.

 

“Why are you so quiet kanina? Ang suplado mo tingnan kanina tapos hindi mo pa kinausap nang maayos si Donghyuck.” sabi ng kaibigan niyang si Jaemin habang pauwi sila noong araw na ‘yon.

 

Sabi na e, nagmukha talaga siyang masungit sa harap ni Donghyuck. Fuck, sa lahat pa ng magiging unang impression ni Donghyuck sa kanya e pagiging isang kupal pa. Pero may chance pa naman siya to redeem himself to Donghyuck, right? But if he thinks about it, lahat ng mga interactions niya kay Donghyuck ay puro mga kung ano-anong katangahan lang ang ginagawa niya.

 

Hindi talaga malabo na sa mata ni Donghyuck ay isa siyang masungit na lalaking hindi nagdadala ng cash at magaling lang sa volleyball. Wow, what a good impression to have from your crush! 

 

“Mark, okay ka pa ba?”

 

Mark snapped out of his thoughts. “Sorry.”

 

Kwinento na lang niya kay Jaemin lahat ng katangahan niya, kung paano sila unang nagkita ni Donghyuck at kung paano hindi nilisan ng binata ang utak niya ng ilang buwan.

 

“Wait, si Donghyuck yung tinutukoy mo when you said you thought you saw an angel during lunch a few months ago while looking like a dumb fool, heart eyes and all?!” malakas na sabi ni Jaemin at tumawa pa and Mark had to cover his mouth because they are still on the campus grounds. “I am classmates with him!”

 

At doon na rin nagsimula ang pagsisisi ni Mark na nagkwento siya kay Jaemin.

 

Simula non ay palagi na siyang inaasar ng kaibigan kay Donghyuck at isama na rin ang iilan sa mga teammates nila na kwinentuhan nito. Pero kampante pa naman siya dahil mukhang hindi pa naman nakakahalata si Donghyuck hanggang ngayon.

 

Alam din ni Mark na sinabi niya sa sarili niya na magfo-focus na lang siya ulit sa volleyball at sa pag-aaral niya pero hindi niya ata talaga kaya this time. Mas lalo lang nagugustuhan ni Mark si Donghyuck ngayong lagi na silang nakikita, kuhang-kuha talaga siya ng mga ngiti ng binata. 

 

But despite that, Mark would still get nervous and shy around Donghyuck and still couldn’t talk to him properly. Kaya ginagawa niya talaga ang makakaya niya para iwasan ang binata dahil ayaw niyang magmukhang tanga sa harap nito. He would only talk to Donghyuck when it’s needed and the only way he could answer the younger’s questions is by not looking at him directly in the eyes.

 

Naiinis na siya dahil para siyang bumalik sa high school na hindi makatingin at makausap nang maayos ang mga crush nila. Idagdag mo pa yung mga kaibigan niyang nag-iiba yung mga ngiti kapag naglalapit sila, he would secretly flip them off while Donghyuck is not looking para lang mapatigil ang mga ‘to.

 

Naiinggit siya dahil halos lahat ng mga teammates niya ay isa-isa nang nagiging malapit kay Donghyuck. They could crack jokes with him and sometimes he would even see them talking outside the UAAP scene. Gusto niya rin mapalapit kay Donghyuck pero inuunahan talaga siya ng hiya at kaba.

 

Hindi naman siya umaasa na magugustuhan siya pabalik ni Donghyuck dahil malabong mangyari yun, hindi naman kasi sila close at nakakapag-usap nang maayos. (Oo, alam niyang kasalanan niya ‘yon.) Pero iniisip niya na kahit maging magkaibigan man lang sila lalo na ga-graduate na siya ngayong taon at may chances na hindi na sila magkita ni Donghyuck.

 

Hanggang sa malapit na matapos ang UAAP at hindi pa rin sila nagiging malapit sa isa’t isa. Hindi niya pa rin matingnan sa mata ang binata. Hindi pa rin niya nao-open up yung 464 pesos kay Donghyuck.

 

Then suddenly, something shifted nung bigla siyang nagkasakit, parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil wow, nawala ata katorpehan niya? Parang gusto niya na lang kausapin nang kausapin si Donghyuck without looking like a fool?



🏐



On the other hand, mukha namang walang alam si Donghyuck sa mga nangyayari.

 

And today, he is just expecting his day to be just a normal Wednesday for him—klase sa umaga, gampanan naman ang mga tungkulin niya bilang courtside reporter sa hapon.

 

Usually, ganyan lang naman umiikot ang araw ni Donghyuck kapag may laro ang Green Spikers. Isa kasi siyang courtside reporter para sa volleyball team ng pinapasukan niyang unibersidad na DLSU.

 

At ngayong araw, may laro ang mga ‘to mamayang 6 pm. But before that, he attended all his classes muna, finished all the things he had to do on the campus and ate lunch with his friends. It’s a good day for him kaya sana magtuloy-tuloy.

 

Then after all that, he immediately went to the venue of the game.

 

Pagkarating niya ng venue ay bumati muna siya sa mga staff na nakasalubong niya at pagkatapos non ay agad na siyang pumunta sa room kung saan sila inaayusan, kasama niya roon ang mga iba pang courtside reporters from other universities na may ico-cover din na laro ngayon. Nilabas din muna niya ang script niya at inaral ito while someone is putting some light makeup on his face, they will be broadcasted kasi mamaya nang live so they have to be presentable while reporting. 

 

He is a little bit early today than usual, may kailangan pa kasi siyang gawin kaya inagahan na niya ang dating ngayon.

 

And while he’s in the middle of reading his script, naalala niya bigla yung kulang sa report niya. ‘Yan actually ang dahilan kung bakit kinailangan niyang agahan ngayon, may kailangan pa kasi siyang interview-hin. Magiging mabilis lang naman ‘yon at sadyang may nangyari lang talaga dun sa player kaya hindi niya ito nai-interview nitong mga nakaraang araw.

 

Kaya pagkatapos niyang maayusan ay agad na siyang pumunta sa dugout ng Green Spikers para makausap na ang captain at setter ng team na si Mark Lee.

 

At habang naglalakad siya sa hallway ay nakita niya si Yangyang, libero ng DLSU. Agad niyang tinawag ang binata para magtanong. “Yangyang!”

 

“Donghyuck, hi!” bati nito pabalik at nilapitan siya agad.

 

“Si Mark?” tanong niya naman rito.

 

For some reason that Donghyuck couldn't understand, Yangyang suddenly giggled out of nowhere. “Dugout,” sagot ng binata sa kanya at nakangiti pa nang pagkalaki-laki. “He’s doing something ata pero he’s just there lang, pwede mo siya guluhin.” 

 

“Thank you.” sabi na lang niya rito at nagpaalam na.

 

At nang makarating siya sa tapat ng pintuan sa dugout ng mga ‘to ay kumatok muna si Donghyuck, pagkabukas naman niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang mga players at iilan sa coaching staff na may kanya-kanyang ginagawa. May mga nagdadaldalan, nagste-stretching sa gilid, kinakausap pa ng iba yung coach nila at ang iba naman ay parang dinala pa hanggang dito ang mga inaaral nila.

 

Medyo nahiya pa nang konti si Donghyuck dahil nakuha niya lahat ng atensyon ng mga ‘to at sabay-sabay nila siyang tiningnan. 

 

“Donghyuck!” sigaw ng isa sa mga players hanggang sa nagsisunuran na rin ang mga iba. Siya naman ay ngiti lang nang ngiti at tango sa mga bati ng mga ‘to, medyo nahihiya na sa nakukuha niyang atensyon.

 

Donghyuck is not exactly that close to some of the boys pero all of them are kind naman to him and madali naman kausap ang mga ‘to tuwing interviews. May mga players din na nakakausap niya at nakakasama pa rin outside the volleyball scene pero may mga iilan talaga sa mga ‘to na hanggang tuwing interview lang, kapag bumibisita siya sa training ng mga ‘to o kaya naman katulad ngayon na may laro ang team. 

 

Isa siguro sa mga players na hindi niya nakakausap outside volleyball ay si Mark and speaking of Mark, hindi niya pa ata ‘to nakikita? Akala ba niya nandito sa dugout ang binata?

 

“I’ll ask something lang po kay Mark.” sabi ni Donghyuck nang may magtanong na kung bakit daw siya napadalaw sa dugout nila.

 

“Mark, someone is looking for you!” sigaw ng isang player at ngumiti nang nakakaloko. Yung mga katabi rin nito ay nagsihagikgik na para bang may mga inside joke sila, hindi maintindihan ni Donghyuck pero mukhang si Mark ata ang trip nila ngayon. A while ago, even Yangyang looked thrilled with the mention of Mark’s name niya. Ewan niya, hindi na lang niya pinansin ang mga ‘to.

 

Then his gaze landed on the corner of the room and saw a guy sitting there, it’s Mark. Nakapatong ang isang kamay nito sa dibdib at may suot na headphones habang seryosong gumagamit ng cellphone.

 

Napailing na lang si Donghyuck, kaya naman pala hindi niya nakita ang binata pagkapasok niya kanina dahil nasa sulok ito.

 

Kaya siya na ang lumapit kay Mark at kumuha na rin siya ng isang upuan tapos nilagay ‘yon sa harapan nito dahil mukhang hindi napansin ng binata ang pagdating niya. 

 

Sa totoo lang ay kinakabahan siya tuwing kinakausap niya si Mark dahil sapalagay niya ay ayaw sa kanya ng binata. Minsan lang din kasi ito ngumiti sa kanya tapos mukhang pilit pa. 

 

Minsan din ay napapansin niya ang pagtitig ni Mark sa kanya mula sa malayo pero sa tingin niya ay hinuhusgahan lang siya ni Mark dahil ang seryoso ng mga tingin nito. Kapag titingnan niya naman ‘to pabalik e umiiwas ang binata, mukhang ayaw talaga sa kanya. 

 

Tapos tuwing nakakahanap din siya ng oras para makipagkulitan sa mga players after their training, Mark would not join them and will just busy himself picking up the balls that are scattered on the floor or he will shower first. Minsan pasimple niya ‘tong titingnan and Mark looks frustrated every time. Nakaupo lang ito sa sulok tapos tatayo bigla, hahakbang ng ilang beses tapos babalik na naman sa pagkakaupo. 

 

Pero at the same time, Mark is not rude to him naman kapag kinausap niya ito. Maayos naman itong kausap kapag ini-interview niya at may laman naman ang mga sinasabi nito.

 

It’s just that Mark wouldn’t look at him in the eyes at hindi niya alam kung bakit. Hindi ba siya gustong nakikita ni Mark? May nagawa ba siyang mali kay Mark? Hindi niya alam, hindi rin niya talaga ma-gets si Mark minsan.

 

“Oh… Hi?” nagtatakang sabi ni Mark nang maupo siya sa harap nito. Agad namang inayos ng binata ang pagkakaupo at hinubad ang suot na headphones.

 

“Interview?” tipid lang na sabi ni Donghyuck sabay taas sa hawak niya na notebook at ballpen.

 

“Oh shit, oo nga pala,” sabi ni Mark sabay ayos ulit ng upo. “I’m sorry pala ulit kasi I wasn’t able to—”

 

Bago pa maituloy ni Mark ang sasabihin, Donghyuck already stopped him by waving his hands. “No no, it’s fine,” agad na sabi ni Donghyuck. Nakailang sorry na ata si Mark sa kanya kahapon sa chat kasi hindi nga niya ito nai-interview. (Which is kinda surprising for him dahil nga ang sungit-sungit ni Mark sa kanya.) Naiintindahan naman ni Donghyuck dahil hindi naman kasalanan ni Mark ang nangyari. “Pero okay ka na ba talaga?” 

 

“Well, I wouldn’t be here if hindi pa ako okay, right?” malakong sagot ng binata.

 

Medyo napatigil pa si Donghyuck dahil first time atang makipagbiruan ni Mark sa kanya? If that can be called makikipabiruan. Madalas kasi na oo at hindi lang ang sagot ng binata sa kanya kapag mga ganyang tanong, humahaba lang ata ang sagot ni Mark sa kanya kapag tungkol sa volleyball.

 

Kaya naman sinakyan niya ang biro ni Mark dahil minsan lang ‘to. Pabiro niya ‘tong inirapan at sinabing, “Hey, I just don’t want the best setter of the league pushing himself too hard.”

 

Maybe Mark is in a good mood today dahil ngumiti ito at napayuko nang konti. “Best setter of the league, huh?”

 

Mark had to sit out for two games kasi dahil bigla itong nagkasakit, nilagnat kasi ito. He went outside daw to buy some food tapos biglang umulan at dahil nga nagmamadali ang binata dahil may gagawin pa raw ito, sinugod na nito ang ulan kahit walang payong at ayun, nilagnat.

 

Sumakto pa naman na kinabukasan e may laro sila. Pero nakapasok pa naman si Mark at nakasama pa ‘to hanggang venue ng game, kaso nga lang napansin na ng lahat ang pagiging matamlay ng binata kaya sa bandang huli ay napagdesisyonan na ng coach nila na hindi muna ito palaruin. 

 

Hindi nawala ang lagnat nito ng ilang araw kaya hindi muna rin ito pinalaro sa mga sumunod na games at pinagpahinga muna. 

 

Then Donghyuck heard from one of Mark’s teammate na Mark feels bad daw about what happened and that’s so irresponsible of him daw as the captain of the team. Pero wala na rin naman magagawa ang coaching staff at ang mga teammates nito dahil nangyari na ang nangyari at alam naman ng lahat na hindi ito sinasadya ni Mark. 

 

Tapos ayon na nga, dahil sa nangyari ay hindi nakaka-attend si Mark ng training at kaya hindi rin ito nai-interview ni Donghyuck. But Mark messaged him yesterday that he’s free na raw and they can just do a video call interview pero si Donghyuck naman ang may ginagawa buong araw kaya ito ang ganap nila ngayon. 

 

Donghyuck was able to gather some informations naman about what happened to Mark at nai-report na rin naman niya ang tungkol doon noong unang game na wala ang binata.

 

Isa yun sa mga trabaho ng courtside reporter, bukod kasi sa mga huddle report, game stats or just anything about the team, they also need to report and update about any incidents and health updates of the players.

 

“Sorry, ano ulit yun?” malakas na tanong ni Mark kay Donghyuck. Tinatanong na niya kasi si Mark sa kung ano ba ang pakiramdam ng mawala for two games kaso hindi na sila halos magkarinigan ngayon.

 

Ang ingay kasi ng paligid at halo-halo ang mga boses na naririnig nila dahil nga ang dami nila ngayon sa dugout. But Donghyuck still tried to repeat his question one more time at buti na lang ay narinig na siya ni Mark.

 

“Aside from being sad and frustrated kasi nga I can’t do anything but watch, it was also nice watching them from the bench. May mga napansin ako about the team and our game play na hindi ko napapansin when I’m playing on the court,” sagot naman ni Mark sa kanya.

 

Tumango-tango naman si Donghyuck habang pinapakinggan ang mga sagot ng binata at nagsusulat sa dala niyang notebook.

 

Hindi na bago ang scenerio na ‘to sa kanilang dalawa dahil ganito lang naman sila palagi kapag nag-uusap sila, puro about volleyball lang. Pero may kakaiba talaga, hindi intimidating ang vibes ni Mark ngayong araw? Parang ang gaan nito kausapin.

 

Hindi niya alam kung siya lang ang nakakaramdam non pero may halong pagkailang talaga sa pagitan nila kapag nag-uusap sila dati. Kagaya kapag sinusubukan niyang kausapin si Mark tungkol sa ibang bagay dahil nga sinusubukan niyang maging kaibigan lahat ng mga players, sasagot naman si Mark pero maikli lang tapos nakaiwas ang tingin. 

 

Kaya iba talaga ngayon dahil ngumingiti si Mark habang kinakausap siya.

 

“Pero I can say na mas nakakakaba talaga kapag nasa be—” 

 

“Fuck, nag-reply na siya!” Napalingon silang dalawa nang biglang sumigaw yung isang player na nakaupo malapit sa kanila. 

 

Hindi na tuloy narinig ni Donghyuck yung naging sagot ni Mark. Ano nga ulit ang sabi nito? Nakakakaba kapag nasaan? Kapag nasa bench ba? Ano ba ‘yan, hindi na sila nagkakaintindihan ni Mark. 

 

“Sorry, can you repeat that again?” tanong niya sa binata.

 

Inulit naman ni Mark ang sinasabi nito pero natatabunan talaga ang boses ng binata. Sinubukan ni Donghyuck na ilapit pa nang konti ang ulo niya sa pwesto ni Mark para mas marinig niya sana ito pero mas rinig pa rin talaga yung boses nung tatlong players na nagkukwentuhan malapit sa kanila, kilig na kilig pa yung isa kasi raw nakaka-chat na nito yung OH ng UP. 

 

Papakiusapan na sana ni Donghyuck ang mga ‘to na medyo hinaan ang boses kaso hindi niya na naituloy dahil bago niya pa magawa ‘yon ay bigla na lang hinila ni Mark ang upuan niya papalapit. Hinawakan nito sa dulo ang upuan sabay hila rito kaya nanlaki ang mga mata ni Donghyuck at hindi napigilan ang pagsigaw nang konti dahil sa gulat. 

 

“As I was saying…” Pinagpatuloy lang ni Mark ang sinasabi nito. 

 

Si Donghyuck naman ay nanatiling hindi makagalaw sa pwesto niya nang dahil sa gulat. What the fuck? Para saan yun?! May kakaiba talaga kay Mark today! 

 

Sinubukan niyang ibalik ang focus niya pero parang wala pa rin siyang maintindihan sa mga sinasabi ni Mark dahil iba naman ang maingay ngayon… Mas maingay na ngayon ang puso niya dahil sa lakas ng kabog nito.

 

Sino ba namang hindi bibilis ang tibok ng puso? Sobrang out of the blue nung paghila ni Mark sa kanya tapos masyado pa silang malapit sa isa’t isa ngayon. Pati mga mukha nila! Kung hindi lang nakayuko si Donghyuck at tinitingnan ang notebook niya e baka dalawang pulgada na lang siguro ang layo ng mukha nila sa isa’t isa.

 

Sinigurado pa talaga ni Mark na rinig na rinig niya talaga lahat ang mga sinasabi nito, he even brought his mouth closer to Donghyuck’s ear. And this is the first time that he is this close to Mark! Kailangan talaga na sobrang lapit nila? Ramdam na ramdam ng tenga niya ang bawat paghinga ni Mark, nakakaloka.

 

“Do you think na may naitulong sayo…” But Donghyuck still tried to do his job properly.

 

Sana lang talaga hindi halata na medyo kinakabahan siya. Hindi na yung kaba kasi intimidated siya kay Mark, iba yung ngayon… Fuck, ewan din talaga niya bakit ngayon pa siya nagkakaganito.

 

Tapos hindi na rin siya makatingin nang maayos kay Mark, kaya sa buong oras na kinakausap niya ang binata e sa notebook niya lang siya nakatingin which is kinda funny dahil lagi niyang iniisip kung may problema ba si Mark sa kanya dahil parang ayaw nga siya nitong kinakausap. Tapos ngayong nakatuon ang buong atensyon ni Mark sa kanya e siya naman ‘tong hindi makatingin pabalik. 

 

Buti na lang talaga ay konti lang ang mga itatanong niya kay Mark kaya agad din silang natapos. 

 

Pero nanatili lang si Donghyuck sa pwesto niya noong matapos sila dahil inaayos niya pa yung report niya. Pwede naman na siyang umalis pero baka may additional questions pa siya kay Mark kaya he decided to stay a little bit.

 

At habang busy siya sa sinusulat niya, ramdam niya ang titig ni Mark sa kanya. Tsaka bakit ba ang lapit-lapit pa rin ni Mark sa kanya?! Pero hindi na lang niya ito pinansin pati na rin ang kabog ng dibdib niya na hindi mawala-wala at nagpatuloy na lang sa ginagawa niya.

 

“Your handwriting is so nice.” biglang sabi ni Mark.

 

“Huh?” Inangat ni Donghyuck ang ulo niya para sana tingnan ang binata pero bago niya pa magawa ‘yon ay nanlaki na ang mata niya sa gulat dahil fuck, pag-angat niya ng ulo niya ay mukha agad nito ang bumungad sa kanya.

 

Nagtama ang mga tingin nila sa isa’t isa. Napatigil si Donghyuck sa paggalaw at pinagmasdan ang mukha ni Mark… Ang ganda pala ng mga mata nito— Huh?!  

 

Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi nang mapagtanto niyang nasobrahan siya sa pagtitig sa binata, kaya agad din niyang iniwas ang tingin niya mula rito.

 

Narinig niya ang mahinang tawa ni Mark. “Cute.”

 

Donghyuck cleared his throat at agad na tumayo mula sa pagkakaupo niya para makaalis na siya. Mark on a good mood and them being this close is not good for his heart, kailangan na niyang umalis dito!

 

But of course the universe won’t let him escape that easily.

 

“Donghyuck?!”

 

Agad na napalingon si Donghyuck nang marinig ang boses ni Jaemin, middle blocker ng DLSU Men’s Volleyball Team and at the same, kaklase ni Donghyuck. 

 

“Ikaw pala ‘yan! Akala ko sino kaya ‘di ako lumapit.” sabi ng binata sabay lapit sa pwesto ni Donghyuck. 

 

Ngumiti naman si Donghyuck. “Ah, I just interviewed Mark.” sabi niya rito. Wala ata si Jaemin kanina nung pagpasok niya kaya siguro hindi siya nito napansin.

 

“Akala ko talaga sino! I was like, damn? Doing PDA sa dugout? Sana all! Sobrang lapit niyo kasi sa isa’t isa kaya I thought may naligaw na couple dito!” dagdag pa ni Jaemin habang nakangiti nang nakaloloko.

 

Nanlaki ang mga mata ni Donghyuck at bumalik na naman ang init sa pisngi niya dahil sa sinabi ng kaklase. “Huh? Hindi ah…” Alanganin siyang ngumiti kay Jaemin dahil hindi niya na alam ang sasabihin pa. Hindi rin siya makaalis dahil inakbayan pa siya nito.

 

Habang si Mark naman ay hindi na lang pinansin ang sinabi ni Jaemin at napailing na lang. “Hey, akala ko ba you’re gonna tie my hair today?” pag-iiba nito ng usapan habang nakatingin kay Jaemin.

 

Agad namang napatangin si Donghyuck sa buhok ni Mark at napansin nga niyang mahaba na ang buhok nito at pwede ng itali. Madalas kasi ay headband lang ang suot ni Mark kapag naglalaro at ngayon niya lang ata ito makikitang magtatali ng buhok.

 

Bagay ng binata ang buhok nito ngayon, mas gwapo itong tingnan kapag mahaba ang itim nitong buhok. Oo, aminado naman si Donghyuck na gwapo si Mark dahil ide-deny niya pa ba? E lahat naman ng tao ay yun ang sinasabi sa binata, na bukod daw isa ‘to sa pinakamagaling na setter sa league, gwapo rin daw ito. 

 

“May sinabi ba akong ganun? I’ll do Renjun’s hair pa e tapos may pinapagawa pa sa ‘kin si coach. Next game ka na lang!” sagot naman ni Jaemin sa binata.

 

Nakikinig lang si Donghyuck sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi niya alam kung bakit pa siya andito pero ayaw naman kasi siyang bitawan ni Jaemin kaya hindi siya makaalis.

 

“Wait, alam ko na,” pagsasalita nito ulit. “Si Donghyuck marunong ‘yan mag-ipit, right? Siya na lang!”

 

“Huh?!” pasigaw na tanong ni Donghyuck kaya medyo natawa pa si Jaemin sa naging reaksyon niya. “Bakit ako?!”

 

Hindi mawari ang tingin ni Mark kay Jaemin. “Bro…” sabi nito at napailing na lang ulit.

 

“What?! I’m just helping you!”

 

Jaemin didn’t even give Donghyuck some time to protest. The next thing that Donghyuck knew, nakaupo na si Mark sa isang upuan habang siya ay nasa likod nito at may hawak na suklay at ipit.

 

“You don’t have to do it.” rinig niyang sabi ni Mark.

 

Agad namang napaayos ng tayo si Donghyuck. “No no, okay lang.” sabi niya agad sa binata.  

 

“Wala ka pa naman kailangan gawin diba?” tanong ni Mark. Habang siya naman ay sinimulan nang suklayan si Mark nang dahan-dahan. “I feel bad kasi Jaemin cornered you to do this.”

 

“Huh?” agad na sabi ni Donghyuck sabay iling kahit hindi siya nakikita ni Mark dahil nasa likod nga kasi siya nito. “No, it’s fine. Hindi pa naman ako pinapatawag.”

 

Actually, may mga gagawin pa siya pero sinabihan naman na niya si Jeno, courtside reporter ng UST, na tawagin siya kapag kailangan na sila. Nahihiya rin talaga siyang humindi kanina kay Jaemin, paano ba naman, tinulak-tulak na sila ng binata at iniwan pa talaga sila nito.

 

Pero maaga pa naman talaga dahil bukod sa inagahan niya nga ang dating kanina, mabilis lang din naman kasi silang natapos mag-usap ni Mark. 

 

“You know what, you’ve been doing that side of my hair for like 5 minutes na ata.”

 

Napairap si Donghyuck sa sinabi ni Mark. Not like he wants to! Hindi naman kasi talaga siya ganon karunong mag-braid. Saan ba napulot ni Jaemin yung impormasyon na marunong siya mag-ipit ng buhok? Batang kapatid niya nga lang ang iniipitan niya e! 

 

“Ang likot mo kasi.” sabi na lang ni Donghyuck, na kahit ang totoo ay kinakabahan talaga siya kaya hindi niya maitama yung ginagawa niya sa buhok ni Mark.

 

Hindi pa siya nangangalahati sa ginagawa niya sa buhok ni Mark e bigla niya ‘tong uulitin, kala mo nasa isang hair-tying competition siya kung maka-perfect sa ginagawa niya. Kapag siya na-badtrip, gagawin niyang ipit ay kagaya nung sa bata sa Monsters University na movie.

 

“I’m not even moving!” tumatawang sabi nito.

 

“Oh, ayan, ang gulo mo kasi! Nagulo na naman.” reklamo ni Donghyuck.

 

Okay, this time ay totoong nagulo na dahil gumalaw si Mark so Donghyuck tried to fix it. Pero habang inaayos niya ang buhok ni Mark ay biglang tinaas ng binata ang kanang kamay nito para hawakan ang buhok niya.

 

“What are you doing? Nagugulo lalo buhok mo!” 

 

“I’m just trying to check it!” paliwanag naman ni Mark.

 

Sinubukan alisin ni Donghyuck ang kamay ni Mark gamit ang suklay na hawak niya dahil nga nagugulo na naman nito ang tinatali niya pero patuloy pa rin ang binata sa pagkapa sa buhok nito.

 

“What are you even trying to check?!”

 

At habang nagkukulitan silang dalawa ay bigla na lang napapikit si Donghyuck nang magulat siya sa biglaang flash.

 

Tiningnan niya agad kung saan nanggaling ‘yon at ayun, kinukuhanan na pala sila ng picture nung official photographer ng DLSU. “Cute niyo naman.” sabi pa nito.

 

At bigla na lang din lumitaw si Jaemin sa likod ng photographer. Sa ngiti pa lang nito e alam mo nang may sasabihing kalokohan. “Wow, para kayong mag-jo—”

 

“I thought you were gonna do something pa?” pagputol ni Mark sa sinasabi ng binata. 

 

“Eto na nga!” tumatawang sabi ni Jaemin sabay lumakad na paalis.

 

Napailing na lang si Mark sa kakulitan ni Jaemin kaya ayun… nagulo na naman tuloy ang buhok nito.

 

“Mark!”

 

“Sorry!”





Noong makalabas si Donghyuck sa dugout ng Green Spikers ay nagpakawala siya nang malakas na buntong-hininga. 

 

Nababaliw na ata siya. Maybe he needs to see the doctor later dahil parang hindi na normal ang pagkabog ng dibdib niya. 

 

Akala niya na-reach na ng dibdib niya ang maximum na bilis ng pagtibok nito pero hindi pa pala. Mas lumala lang nung bigla na lang pisilin ni Mark ang pisngi niya kanina. Para saan yun? Hindi rin niya alam. Nag-thank you si Mark kanina dahil nga inayusan niya ito ng buhok tapos bigla na lang pinisil ng binata ang pisngi niya.

 

Kailan pa sila naging close at nasa pisilan ng pisngi level na sila today?! Nung huli niyang kita kay Mark e halos ayaw nga siya nitong lapitan tapos ngayon may paganon? Kakaiba naman ata ang side effects ng mga nainom na gamot ni Mark…

 

“Huy, ayos ka lang dyan?” 

 

Natigil si Donghyuck sa pag-iisip nang marinig niya si Jeno. Hindi niya napansin ang paglapit ng binata sa kanya, kailan pa ‘to narito? Nakita pa ata nito ang pag-malfunction niya today.

 

Donghyuck cleared his throat. “Pinapatawag na ba tayo?” 

 

“Ang aga pa. 3rd set pa lang yung game ng NU at FEU, mag-eextend pa nga ata sila ng 5th set e,” sagot ni Jeno sa kanya.

 

Tiningnan naman ni Donghyuck ang relong suot niya. What the fuck? Wala pa pa lang isang oras yung pag-stay niya sa dugout ng Green Spikers. Pero bakit parang sampung taon siyang nag-stay roon?

 

“Mag-cr lang sana ako tapos nakita kita na nakatulala dyan. Ayos ka lang?” sabi ni Jeno. Ah, nakita nga ni Jeno ang pag-malfunction niya today.

 

Kaya imbis na sumagot si Donghyuck ay hinila na lang niya paalis doon si Jeno. Ayos lang ba siya? Hindi rin niya alam.






Lumipas naman ang oras at sa wakas, oras na rin para sa laro ng DLSU at UST at ibig sabihin din non ay oras na rin para sa Courtside Reporter Donghyuck. 

 

“Move a little papuntang left side, Donghyuck… Okay, konti pa.”

 

Magulo, maingay at maraming tao ang pakalat-kalat sa buong Arena. 

 

May kanya-kanyang ginagawa ang mga tao. Si Donghyuck ay nasa bandang gilid ng court kasama si Jeno, mga commentators at iilang staff ng UAAP. They are ready to go live in any minute at inaayos na lang ang blockings.

 

Ang mga players naman from both teams na maglalaban ay busy sa pagwa-warm up. May nagste-stretching sa gilid, may makikita kang tumatalon-talon na lang bigla at bukod sa ingay ng mga tao sa paligid, maririnig din ang ingay ng mga bolang tumatama sa mga palad ng players at ang tunog ng pagbasak ng mga ito sa sahig.

 

Ang dami ng kwentong narinig ni Donghyuck tungkol sa mga courtside reporter na natatamaan ng bola tuwing nagre-report sila. Most of them managed to smile and stay professional kahit sa mismong mukha na natatamaan ang mga ‘to.

 

But thank god, Donghyuck never had the pleasure to experience that… yet.

 

Pero minsan hindi niya maiwasang isipin na paano kapag nangyari sa kanya ‘yon at ano kaya ang magiging reaksyon niya. Madalas niyang isipin ‘yon lalo na the players get too close to them especially during warm ups.

 

Kagaya ngayon, wala pang isang metro ang layo niya sa mga players ng DLSU. Mark and the other setter are practicing their sets, ang lapit niya sa mga ‘to. Sa hindi kalayuan naman ay may dalawang players na inaayos ang spikes nila. Konting maling palo lang talaga ng mga ‘to ay didiretso na ang bola sa ulo ni Donghyuck.

 

And maybe Donghyuck did a bad move thinking about it too much.

 

Payapa lang na tinitingnan ni Donghyuck ang hawak niyang papel, trying to double check his report, nang bigla siyang makaramdam ng isang bilog na bagay na tumama sa likuran niya. 

 

Hindi naman ganun kasakit pero it’s enough for him to lose a little balance dahil nga hindi niya naman ‘to inaasahan. Hindi pa naman sila airing kaya lumingon muna siya saglit sa likuran niya para tingnan kung sino nakatama sa kanya.

 

“Sorry, Kuya Hyuck!” Nakita niya ang dalawang lalaki na nagmamadaling lumapit sa kanya. Sila ‘yong mga nagpa-practice kanina ng mga spikes na malapit sa kanya and they are also one of the rookie players of the team, Riku and Yushi. “Sorry po talaga!”

 

“It’s okay! Hindi naman masakit.” nakangiting sagot ni Donghyuck.

 

Agad namang bumalik si Donghyuck sa pwesto niya pero bago ‘yon ay nagkasalubong muna ang tingin nila ni Mark, who’s just half meter away from him. He saw the concern look on Mark’s eyes or maybe he’s just hallucinating, hindi niya alam kaya nginitian niya na lang ang binata at tumalikod na nang tuluyan.

 

Agad siyang bumalik sa ginagawa niya at wala pang sampung minuto noong natamaan siya sa likod ay naulit na naman but this time ay deretso talaga sa ulo niya.

 

And again, Donghyuck is thanking the heavens above dahil hindi pa naka-on ang live broadcast. Feeling niya naalog ang buong pagkatao niya sa lakas nung tama. He’s so sure na magaling na player yung nakatama sa kanya kasi nakaramdam talaga siya ng hilo.

 

Hinawakan niya yung ulo niya saglit but then he felt a hand on his waist. Akala niya si Jeno ‘yon na stine-steady ang tayo niya pero nang maka-recover siya at humarap sa taong ‘yon ay laking gulat niya nang makitang si Mark ang nasa harapan niya. 

 

Huh?! 

 

“Are you okay?” tanong ni Mark sa kanya.

 

Hawak pa rin siya ng binata sa bewang. Tapos ayan na naman ang mga mata ni Mark na parang nilulunod siya. Dahan-dahang tumango si Donghyuck bilang sagot sa binata, hindi ma-process ang mga nangyayari. 

 

“Hyuck, sorry!” They got interrupted by Jaemin who’s running towards them. “Napalakas pala!” parang naiiyak pa na sabi nito.

 

“Ayos ka lang ba—” Napunta ang tingin ni Jaemin sa kamay ni Mark na nakahawak sa bewang ni Donghyuck, nag-iba ang itsura ni Jaemin at napangisi sa nakita.

 

Agad namang lumayo si Donghyuck kay Mark at tumikhim. “Okay lang. Sige na, bumalik na kayo sa pagwa-warm up niyo.” nakangiting sabi niya kay Jaemin.

 

Tumango lang si Jaemin at bumalik na sa ginagawa. Si Mark naman ay nanatili sa pwesto at nakatingin pa rin sa kanya.

 

“Are you sure you are okay?” mahinahon na sabi ni Mark.

 

Gustong manlambot ni Donghyuck, no, it’s not because of the ball that hit him. It’s because of Mark… Oh God, Donghyuck can’t believe he’s developing a crush again on the captain and setter of DLSU Men’s Volleyball Team on a random wednesday! 

 

It’s definitely not just about the interactions they had today because him having a crush on Mark is not something new, naging crush niya na dati si Mark.

 

First year pa lang siya during that time and still do not know his way around the campus. (He also didn’t attend the campus tour.) So he tried to ask someone for directions and it was Mark who helped him.

 

Hinatid pa talaga siya ni Mark sa mismong pupuntahan niya kaya he was really thankful to him. Sinabi niya pa kay Mark bago siya iwan nito na ‘Ililibre ko po kayo next time as a thank you.’ Pero wala ng next time kasi hindi na sila ulit nagkita after.

 

Actually, nakita pa niya naman si Mark pagkatapos non at yun ay nung nanood siya ng isang UAAP game. Noong napanood niya si Mark maglaro ay doon na rin nagsimula ang pagkagusto niya rito. Namangha siya sa galing ni Mark sa pavo-volleyball kaya niya ito nagustuhan. Tsaka, sige na, gwapo nga kasi talaga ang binata.

 

Pero dahil nga yung pagkagusto niya kay Mark is more like an admiration lang, agad din nawala ang feelings niya rito.

 

So him auditioning as the courtside reporter of their university’s volleyball team doesn’t have anything to do with Mark, matagal na niya talagang pangarap ‘yon.

 

But of course, that didn’t stop him from getting kinda sad noong hindi siya naalala ni Mark at napansin din nga niyang parang nilalayuan siya ng binata. 

 

Kaya him having a crush on Mark again is a bad thing. Paano pala kung may problema talaga si Mark sa kanya at hindi lang nito sinasabi? Paano kung good mood lang ito ngayon kaya maganda ang pakikitungo nito sa kanya ngayong araw.

 

Ewan na rin talaga ni Donghyuck.

 

Then when the game started, may mga oras na he’s getting distracted dahil hindi niya mapigilan ang mapatitig kay Mark. But hey, he’s still able to do his job properly, okay? Kapag lang talaga he’s not reporting e na kay Mark ang focus niya. 

 

Buti na lang it’s not a weird thing for a courtside reporter to be too invested in the game or to cheer for the team they are reporting for. Kaya normal lang para sa mga mata ng tao kapag napapatitig siya minsan kay Mark o napapasigaw kapag nakakapuntos ang binata.

 

But he actually likes seeing Mark play, feelings aside, si Mark ang all time favorite setter niya sa DLSU. Kaya masaya siya para sa binata dahil nakabalik na ito ulit sa paglalaro. Missing two games must be hard lalo na isa ‘to sa mga nangunguna sa pagiging Best Setter ngayong season.

 

And he was also happy because the Green Spikers won today and that means they are going to the semifinals. Also, Mark is the POG today, a great comeback game for him!

 

“What a performance from Mark Lee, our Player of the Game, with 6 points, 1 attack, 2 blocks, 3 aces and 24 excellent sets.” sabi ni Donghyuck noong oras na para interview-hin si Mark. “Wow, how does it feel playing again after missing two games?”

 

Ngumiti muna si Mark sa kanya at sa camera bago ito sumagot. “I’m so happy that I am able to help the team again. Sabi ko kay coach before the game started na babawi ako today kasi nga I missed some of our important games. Coach, are you proud?” Mark playfully said while looking at the camera.

 

“It seems like Mark Lee is in a good mood today and kitang-kita rin naman talaga sa performance niya.”

 

“Oh, I am.” makahulugang sabi ni Mark.

 

After that, Donghyuck asked a few more questions to Mark. Then before ending the interview, Donghyuck asked Mark, “May gusto ka bang batiin?”

 

“Ah yes, thank you to everyone who watched our game today, live man ‘yan or just online. Also, hi to my family, who are here today,” panimula nito at kumaway sa camera. “To the DLSU Community, thank you for the never ending support.”

 

Akala ni Donghyuck tapos na ‘to pero may isa pang sinabi si Mark na nagpagulat sa kanya. “Also, to you,” sabi ng binata sabay turo sa kanya. Nagtaka naman si Donghyuck because what?! Para saan? But even though he was confused, he still smiled at Mark kasi he had to be professional. “Guys, he did my hair today.”

 

Akala niya naman kung ano, yung about lang pala sa pag-iipit niya kay Mark! Okay but that made him kilig nang konti. Pero again, kailangan niya maging professional kaya ngumiti na lang siya and sinabi ang ending script niya.

 

Pero sa kalagitnaan non ay pareho silang nagulat ni Mark dahil nagsilapitan ang buong team sa kanila. Everyone was jumping in front of the camera and making poses here and there, it was chaotic!

 

Then all of a sudden, may naramdaman siyang parang malamig na tubig sa ulo niya. Hindi pa nag-register sa kanya nung una kasi he’s still not done with his report pero nung naamoy niya na kung ano ‘yun ay muntik na siyang mapamura sa loob-looban niya. Nadamay lang naman siya kakulitan ng mga nasa paligid niya at ngayon parang pinangligo niya ang isang energy drink!

 

Hindi naman ganun karami but it’s enough para mabasa yung kalahati ng buhok niya at mapunta sa ibang parte ng damit niya. Ang galing, wala siyang dalang damit bukod doon sa sinuot niya kaninang umaga.

 

But he just smiled and laughed while ending his report. Maybe the boys are too happy that their team captain is the POG today and since they also bagged their semifinals ticket. You can hear some of them chanting Mark’s name and shaking their team captain. They look cute kaya Donghyuck let it pass.

 

Pero ang totoong nagpagulat kay Donghyuck ay ang pagpalupot ng kamay ni Mark sa bewang niya. Really, in front of a live broadcast pa talaga? But Mark really had to hold him dahil kung hindi ay madadamay talaga siya sa kakulitan ng mga nasa harapan at likod nila na ngayon ay mga nagtutulukan na.

 

“Make sure to stay tuned for more UAAP Season 87 Men’s Volleyball action here in One Sports! Again, this is Donghyuck Lee, thank you for watching. And now, back to the panel.”

 

Pagkatapos non ay unti-unti nang naramdaman ni Donghyuck ang lagkit sa katawan niya kaya agad na siyang um-exit sa camera.

 

Pero hindi muna siya nakaalis agad dahil may humabol na mga players sa kanya na sina Jisung at Sion para humingi ng pasensya. “Kuya Hyuck, sorry!” sabay sabi ng mga ‘to. “Kala namin si Kuya Mark lang yung malalagyan.” 

 

“Okay lang, promise,” Donghyuck just laughed and waved his hand to reassure them. “Congratulations ulit sa game.”

 

Tumalikod na si Donghyuck para sana puntahan na si Jeno at itanong kung may extra pants ba ito dahil nga pangtaas lang ang meron siya. Pero hindi niya napansin ang pagsunod ni Mark sa kanya kaya nagulat na lang siya nang makita ang binata na sumasabay sa kanya sa paglalakad.

 

“Uhm… Hi?” nagtataka niyang tanong dito dahil alam niyang may isa pa ‘tong post game interview.

 

“Sorry, ang gugulo nila today,” bungad nito sa kanya. Tiningnan niya si Mark at pareho sila ng lagay ngayon pero mas malala nga lang ang pagkabasa ng damit at mukha nito. “By the way, do you have extra clothes? Ang dami palang natapon sayo.”

 

Donghyuck is still confused why Mark is being kind to him today pero sige na lang, kesa naman hindi siya nito pinapansin at all. Pero gusto niya pa rin itanong kung ano bang problema ni Mark sa kanya kaso natatakot siya dahil baka bumalik na naman sila sa dati.

 

“Okay lang,” pagkukubinsi niya rito. “May shirt naman ako, hihiram na lang ako don sa kakilala ko ng pants.”

 

“I have extra clothes, you can have them.” biglang sabi ni Mark.

 

Agad niya tiningnan ang binata at umiling. “Hala, okay lang. I can manage—”

 

“Para rin makabawi ako don sa 464 pesos.” 

 

Kumunot ang noo ni Donghyuck, hindi maintindihan ang sinasabi ni Mark. “464 pesos?” Kailan pa nagkautang si Mark sa kanya? Siya yung dapat manlilibre kay Mark diba? Also, akala niya ba hindi natatandaan ni Mark yung pagtulong nito sa kanya about sa directions? Or iba yung binabanggit nito?

 

“You still don’t remember?”

 

“Ang alin?”

 

“You paid for my lunch one time kaso nagmamadali ka kaya I didn’t have the chance to pay you back.”

 

Tumigil si Donghyuck sa paglalakad at pumunta sa isang sulok para hindi sila makaistorbo sa mga dumadaan at inalala ang sinasabi ni Mark. Lunch? He paid for Mark’s lunch? Kailan?

 

Tapos parang may lumitaw na light bulb sa utak niya nang maalala na niya ang araw na ‘yon. “That was you?!” gulat na sabi niya sabay turo kay Mark. 

 

Ngumiti si Mark sa kanya at napakamot na lang sa batok. “Sorry, ngayon ko lang nasabi.”

 

Kumunot ang noo ni Donghyuck nang may ma-realize siya. Sandali nga… “Wait… So, I’ve been kind to you all this time tapos ang isusukli mo lang sa ‘kin e kasungitan?!” parang bata na sabi ni Donghyuck. 

 

“What?” 

 

Napatigil siya sa paggalaw. He awkwardly laughed and tried to find an excuse. “Magpapalit na pala ako ng damit. Bye!”

 

Pero bago pa siya makatakas kay Mark ay hinawakan na siya ng binata sa palapulsuhan at hinarap siya nito. “What do you mean ang sungit ko sayo?”

 

Huminga nang malalim si Donghyuck bago magsalita. Okay, ito na yung chance na hinihintay niya to confront Mark. “Akala mo ba hindi ko napapansin na ayaw mo sa ‘kin and na you are just talking to me because I’m the team’s courtside reporter?” tuloy-tuloy niyang sabi.

 

“Whenever I try to talk to you, umiiwas ka. Kapag sinusubukan kitang kausapin na hindi related sa mga reports ko, you will just answer me nang maikli tapos iiwasan mo na naman ako. I’m trying my best here to be close sayo para maging friends tayo pero daig mo pa yung mga nang-ghost sa ‘kin kung makaiwas ka!”

 

Ang tagal na niyang kinikimkim lahat ‘yan. Naging last straw niya na lang talaga ‘tong araw na ‘to kasi bakit biglang ang bait ni Mark sa kanya? Tapos ano, bukas balik na naman si Mark sa pagiging masungit sa kanya? Ayaw pa naman niya kapag may galit ang isang tao sa kanya, nalulungkot talaga siya kapag ganon. 

 

But Mark is just staring at him at hindi pa rin nito inaalis ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya dahil mukhang nagulat ‘to sa tuloy-tuloy na sinabi ni Donghyuck. “Ano, wala ka man lang sasabihin?”

 

Huminga nang malalim si Mark. “First of all, I don’t hate you.” 

 

Umirap si Donghyuck sa sinabi ng binata. “Wow, ano yun? Trip mo lang na sungitan ako?”

 

“No, it’s not like that…” frustrated na sabi nito sabay gulo ng buhok. “Hindi ko sinasadya na maging mukhang masungit sayo. It’s just that… Umiiwas lang ako kasi nga I don’t want to look like a fool in front of you.” 

 

“Kakausapin mo lang naman ako? Ano bang mahirap don?” naguguluhan niyang sabi.

 

“You don’t get it—”

 

“Paano ko mage-gets e hindi mo pinapaintindi sa akin.”

 

“Do I really have to say it here? In some random corner of this arena while mukha tayong basang sisiw?” sabi nito sabay turo sa lugar kung nasaan sila at sa mga damit nilang amoy energy drink na.

 

Donghyuck just rolled his eyes again. “So papatagalin mo pa ‘yang sasabihin mo? I’m going home na niyan!”

 

“Well, I was planning to ask you out today para sana doon ko masabi…”

 

“Huh?!” gulat na sabi ni Donghyuck. Ano raw? Planning to ask him what? “Why would you ask me out?”

 

“Because I like you?”

 

“Huh?!”

 

“That was also the reason kaya hindi ako masyadong lumalapit sayo…” nahihiyang sabi ni Mark. “I don’t trust myself to function properly sa harapan mo… So, I just distance myself na lang.” 

 

Maybe Mark was right when he said that this is not the right place and time to say it because now, Donghyuck is just looking at Mark and still couldn’t process what he said while looking like a hot mess.

 

Kung tama ang pagkakaintindi niya, nagkita na sila ni Mark dati tapos hindi lang nila matandaan ang isa’t isa? And all this time na iniisip niyang ayaw sa kanya ni Mark ay gusto pala talaga siya nito? Na kaya umiiwas lang ‘to kasi ayaw nitong maging tanga sa harap ni Donghyuck? And lastly, matagal na pala nilang gusto ang isa’t isa pero sadyang mga tanga lang sila, ganon ba ‘yon? What the fuck? 

 

“Mark, pinapatawag ka…” Napalingon silang dalawa nang may magsalita at nakita nila si Jaemin na nakatayo sa hindi kalayuan. “Post game interview daw ulit.”

 

“Okay, wait,” sabi ni Mark sa kaibigan at binalik ulit ang kay Donghyuck. “Sorry, let’s have dinner na lang mamaya para we can talk about this more… Pero if gusto mo lang naman.”

 

Donghyuck is still processing everything but he still nodded to what Mark just said. “Okay… See you later.”

 

Wala ata talaga siya sa sarili niya ngayong araw dahil kusang lumapit ang katawan niya kay Mark at nilapit ang mukha niya sa binata para halikan ‘to sa pisngi.

 

Napagtanto na lang niya kung anong ginawa niya nang marinig niya ang mahinang tawa ni Mark at ang paglapit din nito sa kanya para halikan din siya sa pisngi.

 

“Hmm, see you later.”

Notes:

t/n: inalis na ata ng uaap yung post game interview ng mga POG with the courtside reporter (pero dati meron yun!) so medyo inaccurate yung part na yun :) pero nilagay ko pa rin kasi #itsfortheplot and #kilig 😞😞😞😞