Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Language:
Filipino
Series:
Part 3 of BINI JHOMIKHA
Stats:
Published:
2025-06-08
Completed:
2025-06-08
Words:
9,375
Chapters:
3/3
Comments:
13
Kudos:
104
Bookmarks:
5
Hits:
1,595

It has been us since day one

Summary:

Did you know that it was JhoMikha from the start?

Chapter 1: Burgers

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

“Okay, trainees, good job. Let's have a break.” anunsyo ni coach at nakarinig ako ng mga pigil na pagbubunyi.

Hihinga-hinga akong lumapit kung nasaan ang bag ko—sa isang upuan kung saan nakapatong ang mga gamit din ng ibang trainees—at umupo na lang muna ako sa lapag.

Baka magulo ko pa gamit nila tapos may mabasag akong kung ano nang hindi sinasadya. Mahirap na lalo’t kauumpisa pa lang namin ng training.

May mga nakilala ako pero wala pa akong gaanong ka-close na kapalagayan ng loob.

Bida-bida lang ako pero hindi naman sobra-sobra.

Dahan-dahan kong kinuha ang bag ko at kinuha ang lalagyanan ko ng tubig mula sa gilid nito. Kinuha ko rin sa bulsa ng bag ang cellphone ko at nakita ang text ni Mommy.

From My
Nasa labas kami ng Daddy mo. Hintayin ka namin rito.
9:32 Sent

Napatingin ako sa oras at mabilis na tumakbo papalabas nang makitang 11:01 na.

To My
Pababa na po.
11:01 Sent

Tumakbo ako papalabas. Ang tagal na nilang naghihintay sa labas. Baka naburyo na sila Mommy sa paghihintay sa akin. Mahigit isang oras na mula nang mag-text sila.

Si coach naman kasi eh.

Bago pa man ako makalabas ay natanaw ko na sila sa labas at kumaway naman sila nang mapansing papalapit na ako sa kanila.

“Mommy! Daddy!” tawag ko at nabalot ng pag-aalala ang ekspresyon nila.

“Jhoanna, baka madapa ka!” Sita ni Mommy kaya binagalan ko ang pagtakbo hanggang sa hinihingal akong naglalakad na nakapunta sa kanila.

Inabutan naman ako ni Daddy ng tubig na binuksan niya. Kinuha ko ‘yon at uminom bago magsalita.

“Sorry, My, Dy. Ngayon ko lang nakita text. Tapos ano—”

“Ayos lang, ‘nak. Huminga ka muna. Hingang malalim.” sabi ni Daddy at sinamahan akong huminga.

“Okay ka na?” Tanong ni Dy at tumango ako.

“Opo.” Sagot ko. Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at ginulo ang buhok ko.

“Daddy naman!” Daing ko habang inaalis ang kamay niya at sinubukang iayos ang buhok ko.

“Anong daddy naman? Jhoanna, sinasabi ko sa’yo; takbo ka nang takbo kapag ikaw talaga nasaktan—”

“Naku, Dy! Maingat po ako. Takbo lang ‘yan oh! Kaya ko nga mag-tumbling diyan tapos ayos pa rin po ako.” Pagmamayabang ko na nagpatawa kay daddy habang ang mommy naman ay napailing.

“Oh, sige. Sample nga ng tumbling.” Hamon naman ni Daddy.

“Ha! Kaya ko po. Wait po.” Umatras ako ng bahagya palayo sa kanila at umaktong magt-tumbling nang bigla akong kurutin ni Mommy sa tagiliran.

“Aray, My!” Daing ko at tumawa nang tumawa si Daddy.

“Puro kayo kalokohan.” Sabi ni mommy at napanguso ako.

“Si daddy po kasi.” Pangdadamay ko at tinaasan niya ako ng kilay.

“Hep, hep. Bakit ako nadamay diyan? Hindi naman ako ang magt-tumbling?”

Taksil ka, Dy.

Magsasalita pa sana ako nang bawalin na kami ni Mommy. “Lumubay na kayo pareho at baka pareho pa kayong tamaan sa akin pag-uwi.” nagkatinginan kami ni Daddy at natatawang mahinang nagsisihan nang pumunta si Mommy sa kotse.

“Oo nga po pala. Bakit po ang aga niyong nandito?” Tanong ko nang mapansing mainit pa rin ang sikat ng araw bagamat malapit na matapos ang hapon.

“Maaga kaming natapos sa delivery kaya dumeretso na kami.” sagot ni Daddy.

“Hindi po ba kayo na-bored kahihintay sa akin lumabas? Isang oras at mahigit na po kayong naghintay.” tanong ko kay Mommy.

“Walang kaso, anak. Tsaka nakakausap ko rin naman kanina si Myrla.” napakunot noo ako sa sagot ni Mommy.

“Myrla po?” Tanong ko at tumango siya. Magtatanong pa sana ako kung sino ang tinutukoy niya nang may iabot siya sa aking paper bag.

“Oh, ito merienda mo.” sabi niya at kinuha ko naman ang bag. Sinilip ko ang loob at nakakita ng dalawang burger.

“Ang dami, My?” sambit ko nang may pagtataka. Hindi pa naman siguro ako ganon katakaw para maubos ang dalawang burger?

Napatingin ako sa mga magulang ko at si Daddy tatawa-tawa na naman.

“Hindi mo kakainin ‘yan pareho.” Sabi niya at tuluyan nang tumawa.

Masyado na siguro akong mahal ni Daddy. Wala naman akong ginagawa; tumingin lang ako sa kaniya napapasaya ko na agad siya.

Kinuha ni Mommy ang atensyon ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kaniya.

“Itong isa, sa’yo.” Sambit niya at kinuha ang isang burger tsaka inilagay sa kamay ko.

“Ngayon, ito,” hinawakan niya ang kamay kong may hawak na paper bag at itinaas para makita ko. “Abot mo kay Mikha.” sambit niya at napakunot muli ang noo ko.

“Mikha,” sambit ko sa pangalan. Ganda ng pangalan pero—“Sino ba si Mikha?” tanong ko sabay tingin sa mata ni Mommy.

“Yung makapal kilay.” turo niya sa kilay niya at natawa.

“Yung makapal kilay?” pag-uulit ko sa naging sagot ni Mommy at tumango siya.

“My, wala na ba ibang desc—” hindi na natuloy ang sasabihin ko nang makita kong nagtatakbuhan pabalik ang mga trainees sa loob.

Tapos na ba agad break?

“My, Dy, punta na ako sa loob baka mag-start na ulit!” paalam ko at nakitakbo rin gaya ng iba.

“Jhoanna, iabot mo kay Mikha!” sigaw ulit ni My at nag-thumbs up ako nang mailagay ko ang hawak kong burger sa paper bag.

“Opo!” sagot ko at kumaway bago makapasok sa loob.

Pagkarating ko sa training room bumungad sa akin ang ilang mga trainees na nakaupo sa sahig. May ilang nag-uusap at mayroon din namang tahimik lamang ang nago-obserba.

“Wala pa naman sila coach?” bulong ko.

So bakit sila tumakbo pabalik sa loob? Kausap ko pa sila Daddy.

Naglakad ako pabalik kung nasaan ang bag ko nang maalalang mayroon nga pala akong bitbit. Napahinto akp sa paglalakad at napatingin sa hawak kong paper bag.

“Makapal kilay…” pag-uulit ko sa pagkakalinlan na binigay ni Mommy. Napakamot ako sa ulo ko at natawa. “Si Mommy pinahihirapan ako.” mahina kong sambit na may konting dabog.

Sisilipin ko ba bawat kilay ng mga tao rito at magmumukhang ewan kapag nakita nilang tinitingnan ko sila sa mukha? Tapos sasabihin ko kapag di siya ‘yon, “Sorry po, hindi po pala ikaw. Naghahanap po ako ng may makapal na kilay.”

Napailing na lang ako nagsimulang maghanap ulit.

May nakita akong babae na naka-all pink. Tiningnan ko kung makapal ang kilay niya pero bigla siyang lumingon sa gawi ko kaya napatingin ako sa taas at lumakad palayo.

“Stacey,” narinig kong tawag sa kaniya ng kausap niya kaya’t nabaling sa iba ang atensyon niya.

Napahinga ako nang maluwag at napakapit sa paper bag na hawak ko.

Kainis naman kasi.

Kainin ko na kaya ‘to pareho nang wala na akong pinoproblema?

Teka, wait, sandali. Parang ang sama ko naman ata sa naisip ko na ‘yon?

“Excuse me,” isang malalim na boses mula sa likuran ko ang tumapos sa pagk-kwestiyon ko sa sarili kong moralidad. Unang beses ko pa lang narinig ang boses niya ngunit may dating, may tikas, may respeto.

“Hala, sorry.” bigkas ko at tumabi nang ma-realize na nakaharang ako sa daraanan niya. Hindi ko na siya tiningnan baka kasi galit siya dahil nakaharang ako.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at nang kapantay niya na ako, lumingon siya sa akin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

Nagtagpo ang mata namin at parang tumahimik ang paligid. Bumagal ang takbo ng mundo at wala akong ibang makita kundi siya.

Ate Kath, ito na ba ang slow mo ko?

Tumango siya bago tuluyang nakalampas sa akin pero naiwan ang magandang mukha niya sa utak ko. Buong-buo ang ganda niya, hindi lamang sa pisikal na anyo kundi kung paano niya dalhin ang sarili. May angas na hindi nakakaasar kundi nakakahalina.

Sa suot niyang black plain shirt at pulang jogging pants na may white stripes ay nakakaya niya akong dalhin papunta sa kaniya. Ano raw?

Baliw na ata ako.

Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang makapal niyang kilay, hindi siya mukhang mataray—sa totoo lang nagmumukha siyang malambing na para bang binabagayan ng magagandang kurba ang banayad na itim na kulay ng mata niya.

Nakakaramdam na ako ng sobrang kaba.

Kabadingan.

Ano ba naman, Jhoanna? May hinahanap ka di b—

“MAKAPAL ANG KILAY!” hiyaw ko sa utak ko nang mapagtanto na siya na talaga ang hinahanap ko. Kung bibigyan ko ng burger o yung mamahalin ko panghabangbuhay, ako na magdedesisyon kung alin sa dalawa at ang pipiliin ko ay ang huli.

Nasapak ko na lang ang sarili ko dahil sa naiisip. Para naman kasing tanga inuna pa, mag-isip ng kung ano-ano bago gawin ang inuutos ng magulang.

Nakita kong umupo siya sa isang gilid malapit sa speaker.

Okay, kaya ko ‘to.

Sinundan ko ang dinaanan niya para makalapit sa kaniya. Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at nagsimulang maglaro doon.

Jhoanna, sisimulan na natin ang istorya ng pagmamahalan niyong dalawa.

Tumapat ako sa harapan niya at nakita kong napatingin siya sa sapatapos ko bago mag-angat ng paningin para tingnan kung sino ang nasa harapan niya.

Muling tumama ang paningin niya sa akin at hindi na ako makaimik.

Ang ganda?!

“Uhmmm, hello? May kailangan ka from me?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

Hustisya naman bakit naging pogi?

“Excuse m—” akmang tatayo siya kaya bigla ko na lang iniabot ang dala kong paper bag.

“Okay—” at umalis na ako sa harapan niya.

Halos tumakbo ako papunta sa comfort room para magtago mula sa kahihiyan.

“Jhoanna, ano ‘yon?!” Tanong ko nang makaharap ako sa salamin. Magsasalita pa sana ako nang may lumabas mula sa isang cubicle.

“Ayos ka lang?” tanong niya at tinanguan ko lang siya. Tumingin muna siya sa akin ng ilang segundo bago magdesisyon na tanguan ako at iwan.

Kung tama ang pagkakatanda ko siya si Ate Colet na galing pa sa Bohol tapos sobrang galing niyang kumanta tapos ang angas din niya sumayaw. Sana maka-duet ng Ikaw ay Ako.

Nag-stay muna ako ng ilang minuto sa CR bago maghakot ng lakas ng loob para harapin ang kahihiyang ginawa ko sa sarili. Naglakad na ulit ako patungo sa training room.

Jhoanna, naman kasi. Hindi ka ganyan. Kaya mong makisama kahit kay nino tapos tumitiklop ka sa babaeng mabango tingnan na cute ang pagiging konyo, at maganda at pogi at the same time?

Ih, wala na sinira ko na ang pagkakataon masimulan ang pag-ibig na hindi niya makikita sa iba tapo—

“Hey,” isang salita.

Lord, isang salita lang gusto ko na ulit tumakbo. Hindi ko pa man siya nakikita ayoko nang makita niya ako ulit.

“Wait, wag ka mag-run.” nabasa niya ata ang balak kong gawin kaya hinawakan niya ako sa palapulsuhan at nagpunta sa harapan ko. Para akong nag-malfunction dahil sa ginawa niyang paghawak.

Bakit ang gaan? Bakit parang may pagkalinga’t pagmamahal?

“Thank you for this,” sabi niya at ipinakita ang paper bag.

“You’re welcome,” nakaprograma kong tugon at gusto na talagang magpalamon sa lupa.

“Wait, mag-stay ka muna kasi.” sambit niya habang natatawa.

Mommy, tumawa siya!

Ang ganda talaga. Gusto ko na lang umiyak. Bakit ganito siya, Lord? Paano ako magm-move on?

Move on agad, Jho? Dati ka bang adik?

Kinuha niya ang isang burger sa paper bag at iniabot sa akin ang bag.

“I appreciate the food but I don’t think I can finish two burgers. So here, eat one din may ilang minutes pa bago bumalik si coach.” sambit niya. Kinuha ko ang paper bag at pinoproseso pa rin ang mga nangyayari.

“Before anything else, I’m Mikha. Mikhaela Janna.” pakilala niya at iniabot niya sa akin ang isang kamay niya.

“I’m yours,” wala sa sarili kong bulong.

“Ha?” tanong niya habang nababalot ng pagkagulo ang ekspresyon niya.

“I mean, Jhoanna. Jhoanna pangalan ko.” pakilala ko at inabot ang kamay niya.

I really thought na it would be a great start of our first interaction. Dahil dito nagsimula na makausap kosiya at naging mas malapit kami sa isa’t isa. Dito rin pala magsisimula ang madaming pang-iinis niya sa akin na lagi-lagi niyang binabalikan kahit ilang taon na kaming magkasama.

Katulad ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas.

“I mean, Jhoanna. Jhoanna name ko.” Napasimangot ako sa babaeng kanina pa tawa nang tawa sa may sofa dahil inulit na naman niya ang pagpapakilala ko sa kaniya.

“Pangalan ko ang sabi ko hindi name!” depensa ko at tumawa ulit siya.

Kasalukuyan kaming nasa sofa ngayon. Nakaupo ako at nakahiga naman siya sa hita ko at unti-unti nang nauubos ang pasensiya ko sa pang-aasar niya.

“I’m yours.” napapikit ako nang mariin nang marinig kong ginaya niya ang tono ko na sinundan ng malakas na tawa.

“Moment of weakness ‘yon!” giit ko at patuloy pa rin siya sa pagtawa. Lumipas ang ilang segundo at humupa na ang pagtawa niya.

“Okay ka na? Tapos na?” Tanong ko at tumingin siya sa akin.

“Not yet,” at tumawa ulit siya.

“Mikha, sinasabi ko sa’yo kapag talaga ikaw iniwan ko rito.” pagbabanta ko at hindi pa rin siya tumigil.

Talaga ba, Mikhaela Janna?

Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang kamay ko. “No, bebe. Wait, I’m just teasing you lang naman.” wika niya nang may paglalambing at umupo.

Sinamaan ko siya ng tingin at binigyan niya ako ng ngiti.

“Ganyan, ganyan ka. Kinukuha mo ako sa pagiging cute mo. Alam na alam mo kahinaan ko,” walang lakas kong sambit at tumawa siya. Lumapit siya sa akin at pinagkabit ang pagitan ng mga daliri namin.

Tumingin ako sa kaniya at sinalubong ako ng nangungusap niyang mata. Inilapit niya ang kamay namin sa labi niya at pumikit. Binigyan niya ng halik ang likod ng kamay ko at inilapit sa kaniyang pisngi pagkatapos ay isinandal ang kanyang mukha.

Nahigit ang bawat paghinga ko nang buksan niya ang mapupungay niyang mga mata.

“Bebe, I have no intention na i-abuse ang kahinaan mo because you have the same effect with me.” sambit niya nang buong sinseridad. Nakurap ako nang dalawang beses dahil nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko.

“I love you, Jhoanna. Mahal kita.” wika niya. Tinakpan ko ang mukha ko dahil di ko na ata kaya ang kilig baka bigla na lang akong mangisay dito.

“And if you’re mine from the start, then I’m yours too before you even know it.” pagpapatuloy pa niya.

“And I think you made that clear with that post of yours on my birthday in the year 2021.” tinanggal niya ang pagkakatakip ng isang kamay ko sa mukha ko.

“Happiest birthday sa pinakauna kong nakasama na BINI! From callback na nag-abot ako sa’yo ng burger. I love you my Mikhaela Janna! Thank you for everything.” banggit niya sa content ng pinost ko.

“Bebe, bakit naman kinabisado mo!” Tinakpan ko ulit ang mukha ko nang marinig ko ang pagtawa niya.

“It’s my favorite greeting. You claimed me na eh.” pang-aasar pa niya at dahil hindi na niya kayang tanggalin ang kamay na nakatakip sa mukha ko; hinayaan na lang niya ako.

Niyakap niya ako at binigyan ng halik sa gilid ng ulo bago sumandal sa balikat ko nang hindi pinakakawalan ang magkasaklob naming mga kamay.

“I’m just glad na hindi ko kinuha agad ang burger kay Tita Jhonna,” narinig kong bulong niya.

“Ano?” tanong ko at akmang titingnan siya nang bawalin niya ako.

“Bebe, I’m resting na oh. Let your bebe rest.” sambit niya habang pinababalik ako sa pagkakasandal ko sa sofa.

“May sinabi ka, Mi—”

“No Mikha. It’s bebe for you. And yes, I said something but that’s another story to tell.” pamumutol niya sa sasabihin ko at hindi na ako nakalaban nang tuluyan na niyang inihiga ang ulo niya sa mga hita ko.

Nilagay niya sa may harapan ang kamay namin at niyakap ang braso ko. Napatawa ako sa ginawa niya.

Ang cute akala mong bata.

“And just to be clear.” napatingin ako sa side profile niya at nakita ang pagpikit niya.

“It has been us since day one.”

Notes:

This is inspired by this clip: https://x.com/TitoBlooms/status/1900059004468158643

Give me a video or photo and let my delulu follow. ☆*: .。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

This is a three-part AU. Hindi ko pa talaga kabisado AO3 kaya sasabihin ko na agad. HAHAHAHAHA

Tapos na 'to. Hinihintay ko lang talaga kung ano reaction ng una kong taga-basa bago mag-post.

Stream Shagidi!

And if you have time please, join Blooms Stationhead for a better streaming count. 🥰

See you in the next part!