Actions

Work Header

Kapag Tumibok Ang Puso

Summary:

samahan si student assistant jeon wonwoo para sumakses sa Plano:

ang jowain si ssc president kim mingyu

Chapter Text

may mga pagkakataon talaga na hindi mo mawari kung bakit bigla bigla na lamang titibok nang mabilis ang puso mo—as far as wonwoo knows wala naman siyang sakit para mangamba pero kasi nitong mga nakaraang linggo, nagwawala ang kanyang puso kapag nagkakaroon sila ng interaction.

 

i mean, magegets naman ng lahat kapag kinakausap ka ng nag-iisang student council president tapos parte pa ng smart mouth club at natutulak pa minsan (lagi) maging miyembro ng isang basketball team tuwing may palaro ang school at consistent DL pa. in short, si kim mingyu. san ka pa diba? 

 

si kim mingyu na laging dahilan kung bakit parang laging nakakape si wonwoo dahil sa sobrang kabado niya tuwing kausap ito. 

 

ilang linggo na silang nag-uusap dahil si jeon wonwoo ay isang student assistant ng school nila at lagi itong nakatoka sa admin desk kung saan normally katabi ang opisina ng student council. 

 

simpleng exhange of conversations lang naman katulad nito: 

 

“hi, wonwoo!”

 

“good morning, wonwoo.”

 

“what time class mo?”

 

“pumasok na ba si sir Rey? may papacheck sana akong document.”

 

“wonwoo? ba’t wala ka kahapon?”

 

“hinanap ka ni miss elle, may need ata siyang ipalakad sa’yo sa registrar.”

 

“hi, wonwoo. thank you!” 

 

diba simple lang? pero ang puso ni wonwoo hindi maikalma na para bang may nabuo na silang relationship — ang trope ay student council president x student assistant

 

ACK! kilig akoooo 

 

itutuloy pa sana ni wonwoo ang kadeluluhan ng biglang lumabas ng ssc office si mingyu.

 

babatiin niya sana ngunit mukhang wala ito sa mood dahil nakakunot ang noo nito (jusko ang pogii!!!) at maraming hawak na papel. first time niyang makitang ganito ang lalaki sa buong buhay niya— okay, medyo OA pero totoo ngang first time niya itong makitang parang ang bigat ng vibes niya sa buong one month niya bilang student assistant.

 

ayaw niya naman maging papansin kaya naman itutuon niya na lang ang ginagawa sa desk niya—maggupit ng student permits para sa midterms exam nila. 

 

nakita niya na naman ang binata ngayong araw, okay na yun. bukas mo na lang batiin, wonwoo! 

 

ipinagpatuloy niya ang paggupit ngunit nakikita niya pa rin si mingyu na busy sa mga papel niya habang palabas at biglang tumigil—wait, bumalik? whattt i mean papunta sa pwesto niya si mingyu!!

 

hindi na pumantay yung gupit ni wonwoo dahil sa kaba at sa papalapit na kim mingyu sa kanya.

 

“hi, wonwoo.” matipid na bati sa kanya ni mingyu. ibinaba ang mga papel sa desk niya.

 

at tuluyan na talagang tumabingi ang gupit ni wonwoo. pagsasabihan na naman siya nito ni miss fatima sa accounting, perfectionist pa naman yun si miss :’(

 

naaligaga si wonwoo dahil sa pagkausap sa kanya ni mingyu.

 

“hello, mingyu. may kailangan po?” pilit na ngiti ni wonwoo at kinakamot ng paa niya ang nangangati niyang tuhod ngunit tuloy lang ang pagpapanggap.

 

“can i borrow your scissor? mabilis lang.” agad maman itong binigay ni wonwoo at ngumiti ulit ng hilaw.

 

mahinang thanks ang nakuha niya pabalik at habang naggugupit si mingyu, ito namang si wonwoo ay pinagmamasdan lang ang kaharap.

 

eh sa wala siyang extrang gunting kaya naman titingnan niya na lang ‘tong nasa harap niya

 

kung pwede lang punasan ang pawis sa noo ng binata, gagawin niya na! masyado ata siyang pinapahirapan ni sir Rey, marami pa naman mag-utos lagi yon. isa ring perfectionist. juskong school ‘to!

 

mga 2 minutes pa lamang ang nakalilipas nang may tumawag kay mingyu. kaibigan ng binata, kilala na ni wonwoo dahil nastalk niya na ang buong circle of friends ni mingyu, eme not eme!

 

“boi, dyan ka pa rin? tawag ka ni atty.“ salubong sa kanya ni dokyeom, ito yung pala-story at dakilang friendly talaga siya.

 

nginitian ni dokyeom si wonwoo nang makita. at ngumiti rin siya ng pabalik. plus points yun.

 

“ha? thursday pa class natin sa kanya ah,” reply ni mingyu habang pa rin sa paggugupit.

 

“nasan daw beadle boi eh may itatanong sayo,” 

 

“bakit naman kaya?” 

 

nakikinig lang si wonwoo sa usapan ng dalawa.

 

“may nagraise ata ng concern about dun sa last quiz niya, parang nabadtrip si atty, boi.”

 

inaayos ni wonwoo ang mga ginupit niyang permits pero bukas pa rin ang tenga sa pakikinig ng usapan. 

 

huminga na lang ng malalim si mingyu. “siguro hindi maayos yung way ng pagreraise nung concern, boi.” dagdag ni dokyeom.

 

binitawan ni mingyu ang gunting at ibinaba sa desk. “ngayon na ba?” tanong nito na ikinatango naman ni dokyeom.

 

“nasa room nga eh,” 

 

buntong hininga ulit ang sagot ni mingyu at tumingin sa mga papel na hindi niya pa tapos gupitin.

 

at bilang dakilang lover si wonwoo, mas naunang umaksyon ang puso niya kesa sa utak niya.

 

“ako na lang magtatapos nito,” presenta niya. 

 

napatingin sa kanya ang dalawang magkaibigan.

 

umawang ang labi ni mingyu sa narinig habang napangiti naman si dokyeom.

“ayan na pala, boi. si student assistant daw muna maggugupit niyan. ikaw naman minus points sa akin dokyeom. akala ni wonwoo kilala na siya nito dahil friends na sila sa fb. maling akala pala siya. 

 

“may ginagawa ka rin, wonwoo. i’ll get back to this na lang mamaya. patabi na lang sa desk mo, wons.” one word— HULOG

 

dahil sa narinig, another reason na naman para humimlay. kim mingyu, sobrang considerate!

 

“ah, sige akong bahala dito.” aniya wonwoo na kinikilig internally!!!

 

umalis na ang dalawa habang si wonwoo ay wala pa rin sa mundong ito dahil lumilipad ang kanyang utak at puso sa nangyari.

 

okay, OA na pero thankful siya kay mingyu dahil kahit nagpresinta itong siya na ang maggupit, hindi niya hinayaang mangyari yon kahit pa udyok din ng kaibigan niyang si dokyeom!

 

ayaw niyang mapagod si wonwoo hngg 

 

-

 

hindi na nakabalik si mingyu buong maghapon na ikinadismaya naman ni wonwoo. natapos niyang gupitin ang mga permit at ibinigay na sa accounting office. hindi niya ginalaw ang mga papel ni mingyu kahit gusto niyang maggupit baka kasi mali ang magupit niya, vellum board paper pa naman ang gamit dito. ang alam niya para ito sa gaganaping department week. 

 

tapos na rin siya sa shift niya at pumanhik na rin sa klase niya. ibinilin niya na lamang ito sa kapwa niya assistant sakaling bumalik si mingyu agad.

 

pagkatapos ng klase ay bumalik ito ng admin office at wala pa ring mingyu’ng dumating. 

 

alas singko na at nagliligpit na ng gamit si wonwoo para magclock out. napagdesisyunan niyang ilagay sa ssc office yung mga papel ni mingyu. baka kasi mawala sa desk niya at ayaw niya naman dalhin sa bahay nila baka maiwan niya bukas. 

 

bukas pa naman ssc office kaya before siya umuwi, ibibilin niya na lang ito sa mga council members.

 

nasa harap na siya ng pinto ng ssc office nang marinig niya ang pangalan niya.

 

“wonwoo?” napalingon naman si wonwoo sa narinig and lo and behold, kim mingyu is back.

 

“hi, mingyu. “ bati ni wonwoo.

 

napatingin naman ang binata sa hawak ni wonwoo. lumapit ito, “hello, wonwoo. sorry natagalan. mukhang naghintay ka.” ngumiti si mingyu sabay kamot sa ulo nito–na parang nahihiya.

 

jusko ikaw pa ba, kim mingyu, iuwi mo na lang ako kung ganoon. mga boses sa utak ni wonwoo.

 

“naku okay lang, shift ko naman ngayon.” kinuha ni mingyu sa mga kamay ni wonwoo ang mga papel—naramdaman niyang nahawakan siya nito. ramdam niya.

 

“pauwi kana ba?” tanong ni mingyu at pumasok sa office nila.

 

“pasok ka, wons, wait lang,” 

 

hindi na pumasok si wonwoo at naghintay na lamang sa labas ng pinto.

 

napansin naman siya ni mingyu at sinenyasan pumasok ngunit umiling na lang itong si wonwoo. 

 

“hindi na, pauwi na rin ako. ibibilin ko lang sana dito yung mga papel baka kasi hanapin mo.” pag-explain ni wonwoo.

 

nailapag naman ni mingyu ang mga papel at lumapit kay wonwoo.

 

“palabas ka? tara, hatid na lang kita papuntang sakayan.” bigla namang wika ni mingyu.

 

nagulat naman si wonwoo at umiling-iling. jusko po! bakit may paghatid? baka ako talaga ang mag-uwi sa’yo sa bahay namin, kim mingyu!

 

“okay lang, as my thank you na rin, wons.” 

 

wala nang nagawa si wonwoo (read: wala siyang ginawa) kundi pumayag sa gusto ng binata. sino ba naman siya para tumanggi?

 

chance niya na ‘to ano! might as well grab it while it's hot! 

 

sabay silang naglakad palabas ng gate ni mingyu. tahimik lang silang dalawa.

 

si wonwoo, hindi talaga nagsasalita dahil kinikilig pa siya internally! ikaw ba naman ihatid ng isang kim mingyu. kahit hanggang sakayan lang yan, achievement pa rin ‘to dahil talagang may moments na sila ng mingyu outside sa office kung saan tanging hi, hello lang ang palitan nila ng mensahe. 

 

si mingyu ang unang bumasag sa katahimikan nila. 

 

“accountancy ka pala, wons?” tumango naman si wonwoo. hindi niya magawang gawing personality lately ang pagiging bsa student dahil medyo nakakahiya ang mga nakukuha niyang scores these past few quizzes kaya larong lowkey by niki muna ang ganap niya. 

 

“prelaw? may plano mag law school?” tanong ni mingyu. jusko ito naman si crush, walang preno. nag-eexistential crisis pa ang oat na ‘to!

 

“ah, ano pag nasurvive muna ‘to, dito muna ang focus ganon,” tanging paliwanag ni wonwoo.

 

ngumiti sa kanya si mingyu na para bang proud(?!) ito sa kanya.

 

“kaya mo ‘yan, future CPA.” 

 

nahiya naman si wonwoo dahil sa totoo lang ayaw niya munang umasa. parang hindi talaga sure eh, may sabit pa. 

 

bigla naman naalala ni wonwoo ang kurso ni mingyu. 

 

“ikaw ang totoong future atty! mr. political science of 2024!”

 

tumawa naman si mingyu. “wala pa nga sa law school, mukhang may potential client na agad.” pang-aasar ni mingyu.

 

omg, masyado na ba silang close para magjoke ng ganito?

 

tumawa naman si wonwoo bilang sagot at nagkunwaring na-offend. 

 

“malay mo, partners pala tayo niyan,” dagdag na asar ni wonwoo.

 

“malay natin.” tanging sinabi ni mingyu.

 

tulad ng mga nangyayari sa pelikula, nagtapos ang kanilang pag-uusap dahil dumating na sila sa destinasyon. 

 

ang destinasyon: sakayan pauwi kila wonwoo.

 

sabay silang tumigil na dalawa. tumingin si wonwoo kay mingyu.

 

“okay lang naman sakin wag na ihatid dito pero thank you mingyu.” 

 

ngumiti naman sa kanya ang binata. “thank you dun sa pagbantay sa mga papel kanina saka pambawi na rin to doon kaya ako dapat mag thank you sayo wons.” 

 

umiling naman si wonwoo. pero nakangiti duh syempre! “una na ko, bye mingyu!” paalam ni wonwoo.

 

kumaway naman sa kanya si mingyu. “ingat ka, wons! see you tomorrow!” paalam rin ni mingyu. babalik pa ito sa school. mukhang gagabihin siya ng uwi. sipag naman. 

 

at sumakay na si wonwoo ng jeep. napangiti na lang siya sa nangyari saka inilabas ang earphones niya para makinig ng music habang nasa byahe. 

 

Kapag Tumibok Ang Puso 

Song by Donna Cruz 

 

Sha-ram-da-ra, sham-da-ra (sha-ra-ram-da-ram-da-ra)

Sha-ram-da-ra, sham-da-ra, oh (ah-ah, ah)

 

sakto pa nga naman ang tugtog.

 

Heto na naman naririnig

Kumakaba-kaba itong dibdib

Lagi na lang sinasabi

"Puwede ka bang makatabi?"

 

nakakakilig ang mga nangyari ngayong araw na ‘to kaya paniguradong irarant niya ito sa ig dump acc niya na may 2 followers (main acc ni wonwoo at acc ni soonyoung na bff niya) 

 

Kahit sandali lang (kahit sandali lang), puwede ba?

Sana'y pagbigyan, sige na

Mukhang tinamaan yata ako

(Sana'y pagbigyan, mukhang tinamaan)

 

mingyu, sige na please umusad na tayo. as graduating student, gusto na ni wonwoo maranasan man lang ang school romance at ang ganda pa ng trope nila kung sakali! 

 

ackkk ssc president x student assistant

 

Kapag tumibok ang puso (wala ka nang magagawa)

Wala ka nang magagawa kundi sundin ito

Kapag tumibok ang puso

Lagot ka na (lagot ka na), siguradong huli ka

 

dinggin ang dalangin. 

 

 

minwon couple by the end of the semester.

minwon couple by the end of the semester.

minwon couple by the end of the semester.