Actions

Work Header

ikaw sa lagi't lagi.

Notes:

this work is written in filipino. enjoy reading!

note: narration in mixed pov (first and third pov)

Chapter 1: Chapter One

Chapter Text

 

“Let's break up.” 

Kasabay ng mga binitawang kataga ng nobyo ay ang siya ring pag bitaw ng emosyon ng langit na tila ba’y sumasalamin sa kasalukuyang nararamdaman ng binata. Mula sa kulay na kahel hanggang sa unti-unting pagkawala ng liwanag at pag sakop ng dilim. 

 

‘Bakit? May nagawa ba 'ko?’ May problema ba Nakakaabala na ba 'ko sayo?’ 

 

Mga tanong sa isip ko na gusto ko mang ilabas, ngunit hindi ko magawa. Hindi ko kaya. 

Sa nanginginig na labi, sinubukan kong bigkasin. Kahit isang salita man lang, gusto kong mag tanong.

Isang tanong lang, Heart

Sa pag angat ng aking ulo, tumama ang paningin ko sa estado niya. Nakayuko lang at tila ba kahit ang tingnan lang ako sa mata ay hindi niya kaya.

Ang patuloy na daloy ng ulan na pumapatak sa kanyang buhok ay hinahayaan niya lang ang pag agos. Isa, dalawa, tatlo… hanggang sa umabot ng limang minuto na patuloy ka lang nakatayo. 

 

Hindi ko kaya, Pol.

 

Sa paninindigan mo pa lang sa harap ko, parang tinanggalan mo na rin ako ng karapatan magtanong. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Hindi ko kaya makita na ang paninindigan mo na isa sa tinitingala ko sayo ay magagamit mo rin laban sa akin. 

Habang hawak ang itim na payong sa isang kamay, dahan-dahan ay lumapit ako sa kanyang harap. Dito ko mas nawari ang kanyang mga mata na kahit pilit niyang iiwas, mababasa at mababasa ko pa rin. 

Pagod ka na nga siguro. Kita sa mga mata mo, mahal.  

Inabot ko ang kanyang kamay at dito ramdam ko ang lamig na dulot ng ulan at inilipat sa kanya ang kanina pang hawak na payong.

At sa huling pagkakataon, tulad ng laging nakasanayan ay ang pag himas ko sa palasingsingan mo. 

Nakasanayan natin sa isa't isa na ngayo’y nakapag pabasag sa emosyon na kanina mo pa pinipigilan. Kasabay ng unang patak ng luha mo ay ang pagtalikod ko.

 

Baka hindi ko kasi mabigay ang hiling mo kung mananatili pa ko.

 

Mahal kita, Khunpol. Lagi't lagi. 

 


 

“Hoy, ayos ka lang? Kinakabahan ka na naman.” Pagtukoy ng kaibigan sa mannerism niya– ang pag himas sa palasingsingan na daliri. 

“Ayos lang, alam mo namang ‘di ko lang maiwasang hindi kabahan kapag finals week.” 

Natawa ito at pinisil ang pisngi niyang nakalobo, “Naka nguso ka nanaman.”  

“Bitaw nga, Alan!” 

Binitawan naman nito ang pisngi niya at ginulo nalang ang buhok. Mahilig kasi talaga ang kaibigan niyang ito na asarin siya dahil nakakatuwa raw ang mga reaksyon niya. 

“Yung seryoso, Heart. Kumain ka naman ba? Matagal na rin simula nung nakasanayan mo ‘yang hindi pagkain sa tamang oras kapag pagod ka. Kailangan pa ba kitang puntahan lagi sa unit mo?” 

 

Tumango-tango lang siya habang patuloy sa pangaral sa kanya si Alan. Nakilala kasi niya ang kaibigan isang taon mula nung nangyari iyon. Doon niya rin kasi nakasanayan ang madalas na pag lipas sa pagkain sa kakalunod ng sarili sa pag-aaral bilang distraction. 

Napag alaman din niya ang pag lipat ng dating nobyo ng block, kabaligtaran sa ano mang schedule ang meron siya para lang makaiwas sa kanya. 

Na hanggang ngayon, palaisipan pa rin ang katanungan na “bakit?” 

At ngayong ika-apat na taon sa kolehiyo, lalo lang ata tumindi ang mga emosyon sa kanya. Na tila ba lahat ng pilit na ibinaon na damdamin ay posibleng sasabog nalang balang araw. 

 

“Bata mo yon ‘di ba? Papalapit dito oh.” Tanong ng kaibigan sa kanya at tinuro ang lalaking patungo nga sa kanya. Si Jungt.

Nang makalapit, agad siyang natawa dahil alam na niya agad ang rason bakit ‘nakabusangot’ ang binata. Ayaw kasi nito sa kaibigan niyang si Alan. Hindi raw niya feel ang vibes. 

“Tabi.” Pinatong ni Jungt ang bag niya sa lamesa at bahagyang tinulak palayo si Alan na nasa tabi niya. Ikina-iling nalang niya ito at nagpaalam nalang na muuna na raw siya. 

“Problema mo?” 

Tinitigan siya ng binata ng ilang minuto na agad namang nakutuban ni Heart ang pahiwatig. 

Dalawang taon na nga pala bukas. 

“Ano ka ba, ayos lang ako. Don't worry.” Saad niya sabay pisil sa pisngi ng nakababata. 

Umiling lang ito at nilapag sa lamesa ang hawak niyang plastik na may laman na kanin at ulam. Inuudyok siyang kumain. 

“Pag kumain ka, maniniwala ako sayo.” 

Alam niyang hindi ito basta-bastang maniniwala sa kanya pero para gumaan ang loob, sinimulan nalang niyang kainin ang pagkain. 

 

Kasamahan niya kasi sa organization ng school nila si Jungt. First year ito noon at kami naman ay second year. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya sa amin kaya nung nag hiwalay kami, isa rin siya sa pinaka naapektuhan. 

Kaya naman feeling protektor ang loko sa akin dahil may sama siya ng loob sa isa. 

Nang naubos ang pagkain, tiningnan niya ulit ako na para bang tinitimbang ang saloobin ko. 

 

“Nakausap ko siya.” Panimula niya. Agad naman akong napatigil. 

 

At para hindi mag alala ang kausap, dinaan ko nalang sa biro ang pagkabigla. “Talaga? Ikaw, kinausap mo?” 

Umirap naman ito at maangas na umayos ng upo, “Sus, kung ‘di niya lang ako tinakas sa guard hindi ko siya kakausapin.” 

May pagka pasaway kasi ang binata kaya madalas din masita ng mga gwardya. 

“Babalik daw siya sa dati niyang schedule. Doon sa parehas kayo.” Tumingin ulit ito sa kanya na tila ba nag hihintay ng reaksyon. 

“Ah, okay?” 

“Ano? Yan lang? Wala ka ng sasabihin?” 

“Oh, bat parang dismayado ka pa? Kala ko ba galit ka dun sa tao?” Pairap niyang tanong dito. 

“Puso, ‘wag ako. Kilala kita, pero mamaya na tayo mag tutuos dahil may klase pa ‘ko. Tatawag ako mamaya, sagutin mo.” 

Natatawa lang siyang tumango at tinaboy na ito. 

“Oo na! Salamat sa pagkain!” 

Paatras pa ang lakad nito at sumenyas sa kanya na mata sa mata raw. Na para bang pinapanood niya ako. 

 

Nang makalayo ay doon na rin ako tumayo at nag simulang lumakad palabas ng school. Hindi ko mapigilan ang pag muni-muni tungkol sa naging usapan namin ni Jung. Babalik sa dating block? 

Sa totoo lang hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko. Kung totoo man nga na babalik siya, ngayon ko nalang ulit ito makikita mahigit ang isang taon. Ganon siya kapursigi sa pag iwas na hindi kami magkita kahit nasa iisang campus lang kami.

Napapailing nalang na nag patuloy sa lakad si Heart nang may marinig siyang pag tawag sa pangalan niya. 

 

“Heart!” Maligalig ang tono ng kaibigan na halos isang taon na rin niyang hindi nakita. Si Phu, ang matalik na kaibigan ni Khunpol.

“Heart, long time no see!” Masaya nitong tinapik ang balikat niya. Hindi rin naman niya maitanggi ang kasiyahang makita ito. 

“Phu, musta?” 

“Ayos lang lods, eto nag aasikaso ng papel sa registrar para maayos na sched namin next sem.” Dire-diretsong sambit nito na para bang may nakalimutan siya. Napahinto rin naman agad ito nang may napagtanto. 

“Ah, hahaha sorry ang daldal.” 

“Wala ‘yon gago, goodluck.” Natatawang sabi niya rito dahil halata ang pagkahiya ng kaibigan.

 

“Phu.” 

Tangina.  

Matapos ang isang taon, ngayon ko nalang ulit narinig ang mahinahon na boses na iyon. 

Nag tama ang mga mata namin at halata mo ang gulat sa kanya. 

 

“Heart..” 

 

Habang ang dalawa ay tahimik na nakatingin sa isa't isa, ang kaibigan naman nilang si Phu ay naiilang na palipat-lipat ang tingin sakanila— nangangapa sa kanyang gagawin. 

Bago pa ito makapag salita, nauna na si Heart na pumutol sa interaskyon nila. 

“Phu, glad to see you again! Una na ko, goodluck ulit.” 

Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at nag patuloy nalang sa pag lalakad. 

 

Ang galing lang talaga ng tadhana. 

 

Bilib siyang nakarating pa siya nang maayos sa unit niya habang kanina pa siya wala sa wisyo dahil sa nangyari. 

Tila ba naramdaman niya bigla lahat ng pagod na nag patong-patong na dahil sa kanilang finals week sa unang semester. 

Pumayat siya. Nag bago rin ang buhok niya, ang dating nakasanayan na laging malinis ay ngayong medyo may kahabaan na. Pati na rin ang salamin na ginagamit niya ay iba na rin. 

 

Ano pa kaya ang mga nag bago sayo?

 

Natigil ang kanina pang iniisip ni Heart nang maranig ang mahinang tono na nag mula sa kanyang cellphone.

 

“T calling….”

 

Sinagot niya ito at bumungad ang kaibigan niyang si Jung na kumakain. Hindi pa rin pala talaga siya tapos sa usapan namin kanina. 

Huminto ito sa pagkain at pinag masdan siya ng ilang segundo. 

 

“Puso. Umiyak ka ba?” 

 

Sinubukan niyang punasan ang konting luha na kumawala sa mata niya. Hindi niya pala namalayan ang agos nito kanina. 

“Umiyak ka nga. ‘Wag mo na subukan itanggi. May nangyari ba?” 

Hindi na napigilan ni Heart ang pagkawala ng emosyon sa narinig niya sa kausap. Tuloy-tuloy ang naging agos ng luha niya habang pilit na pinapatahimik ang mumunting hikbi. 

 

“Pagod na pagod na ‘ko.” 

 

Hinayaan lang nito ang pag-iyak niya ng ilang minuto. Masakit din para kay Jungt na makita ang kaibigan niyang nasasaktan. Kahit kasi anong tanggi nito sa nararamdaman, alam niyang kahit kailan ay hindi naging okay ito. 

 

Parehas silang naiwan sa dilim, parehas na walang paliwanag.  

 

Alam din niya na ang tanging pwedeng gawin niya lang sa kaibigan ay ang hayaan ito. 

 

“Puso, pahinga ka hmm?” 

 

Tanging tango lang ang nabigay ni Heart bago mawala ang tawag na pinapasalamat niya.

 

Pagod na pagod na pala talaga ‘ko. 

 

Na sa tuwing mararamdaman ko kung gaano karahas ang mundo, gusto kong mag sumbong sayo. 

Gusto kong marinig na may kakampi ulit ako, Pol. 

Pero wala ka na. 

At sa pagsapit ng oras sa hatinggabi, bumalik lahat ng alaala na pilit kong kinakalimutan— tinatakbuhan.

 

Dalawang taon na pala simula nung iniwan mo ‘ko.