Actions

Work Header

Sa lilim ng buwan

Work Text:

Maitim ang langit, tulog na ang lahat, at ang buwan lamang ang nagpapailaw ng buong siyudad. Isang binatang lalaki ay tila hindi mapakali, malalim ang kanyang iniisip at siya’y nakahiga sa kanyang kama sa loob ng kanyang dormitoryo, pinipilit na e serado ang kanyang mga mata. Siya ay si Basilio, hindi kasi siya makapaniwala na nakakaramdam siya ng matinding pagmamahal sa kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Isagani. “Anong nangyayari saakin!?” sigaw niya habang tinatanong ang kanyang sarili. Totoo nga na punong-puno si Isagani sa kagwapohan, katalinohan, kabaitan at naniniwala rin siya na kaya niyang ipa-ibig lahat ng mga babae na titigan niya, kaya hindi niya inaasahan na magiging bihag siya sa kagwapohan ni Isagani.

Pulang-pula ang mga pisngi ni Basilio kakaisip lamang kay Isagani, sapagkat siya ang lumalabas pag-isarado niya ang kanyang mga mata. Gulong-gulo ang isip ni Basilio at habang nag-iisip, may biglang kumatok sa kanyang pintuan. “Bas, gising ka pa ba?”

Napatayo kaagad si Basilio, "Isagani, ikaw ba yan?" Mahina niyang sinabi. Lumakad siya at nagtungo sa pinto at binuksan ito ng dahan-dahan.

Bumungad ang mukha ni Isagani na may dalang dalawang tasa ng mainit na tsokolate. "Hindi ako makatulog kaya inisipan ko na puntahan ka," pangiting niyang sinabi. Napalunok si Basilio, ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Pinilit ni Basilio na ipakalma ang kanyang sarili at kinuha ang tasa. " Salamat Gani. Pasok ka."

Umupo si Isagani sa gilid ng kama at umupo naman si Basilio sa kabilang dulo, pilit na iniwasan ang titig ng kanyang kaibigan. Tahimik silang uminom ng tsokolate, nung basagin ni Isagani ang katahimikan.

"Basilio... napansin kong iniwasan mo ako nitong mga araw. May ginagawa ba akong kasalanan sa yo?" Napalingon si Basilio sa kaibigan, at nakita niya sa mga mata nito ang pagalala. Gustong-gusto talaga ni Basilio sabihin ang totoo at ang mga damdamin niya kay Isagani. Pero siya'y natatakot at nag-aalala. Paano kung iiwasan siya at pagdidirian pag-sabihin niya ang lahat, naguguluhan si Basilio.

Kinuha ni Isagani ang mukha ni Basilio at pinaharap ito sa kaniya. Namula ang mukha ni Basilio at lalong bumilis ang tibok ng puso. "Wala kang kasalanan Gani, ako ang may problema. Parang---"

"Parang?" Usisa ni Isagani.

"Parang...iba na ang pagtingin ko sayo Gani, tila lang pagkakaibigan ang nararamdaman ko sayo Isagani, dahil iniibig kita."

Tahimik.

Napalingon si Basilio sa dismaya, ayaw niya sana ito sabihin, pero di niya na kaya ang pag-alala ng pinakamamahal na kaibigan.

Hanggang nakaramdam si Basilio ng dalawang kamay na yumakap sa kanya. Paglingon, niya isang matamis na halik ang sumalubong sa kanya. " Basilio," pangiting sinabi ni Isagani. " Matagal ko nang hinihintay marinig yan sayo!"