Actions

Work Header

"He's busy" prank with a lot more twist

Summary:

hid (lhs) tried the 'he's busy' prank with his partner, saint (psh) in the most wrong timing possible.

saint as psh
hid/hideo as lhs
jade as sjy
janus as pjs
sean as ksn
ryle as nrk
wade as yjw

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:


'He's busy' prank with a lot more twist

 

[ top-down 🫨 ]

 

Sean: ano buhay pa ba kayo?

 

Jade: tanginang semester 'to

 

Saint: teh parang first day pa lang pero pucha sobrang nakaka tanga na, tapos wala pang bebe time

 

Jade: ba't asaan kuya hid?

 

Saint: busy sa finalizing ng internship niya pati org duties 😓

 

Sean: hirap nang graduating ang jowa, kawawa ka naman

 

Saint: ok, tirador ng freshie

 

Sean: 🖕🏼

 

[ayat ko 🫳🏼]

Saint: ayat, musta?

grabe, love, kapagod na tong week na to

miss na kita 😓

please take breaks ha!!

masyado ka yata pinahihirapan ni janus diyan!

 

---

 

"Oh ba't lukot pa rin mukha niyan?" takang tanong ni Jade nang makita ang kaibigang si Saint na lugmok ang itsura sa kanilang table.

 

"Ilang araw nang di sila nag uusap ni Kuya Hid," sagot naman ng nakababatang si Sean.

 

"Bakit? busy pa rin ba sila sa Bio comm? eh bat si Janus naman nakakapag kita pa kami, president na ng org 'yon," singit ni Jade.

 

"Busy rin kasi siya sa pag wrap-up ng internship niya sa DENR, sumasabay lang. Pinapa tapos na raw mga gawain sakaniya tapos pinapa endorse sa bagong intern 'yong mga ibibigay na trabaho niya," paliwanag naman ni Saint.

 

"Onti na lang, less than 10 days na lang naman need niyang i-render diba?" Takang tanong nang nakababatang si Sean

 

Tanging tango na lang ang naisagot ni Saint dahil 'di na rin niya alam. Sa loob ng halos dalawang linggo, bilang na lang sa kaniyang daliri ang mga beses na nag usap sila nang maayos ng nobyo, madalas pa ay sa tawag na lang gawa nang di na nakakapagkita sila dahil nga busy ang nobyo at siya rin sa kanilang mga gawain.

 

Unang beses na ganito ka-busy si Hid, nag sabay ang first week ng classes sa last week ng internship niya, tapos opening pa ng semester kaya busy rin ito sa org duties bilang executive comm member, at bilang graduating this sem, aligaga rin ito sa pag finalize ng thesis.

 

Hindi naman siya galit o nagtatampo, nalulungkot lang siya dahil hindi na siyang sanay na sa araw araw ay di sila sila nagkikita.

 

Pero alam niyang kailangan intindihin lalo pa at graduating ang nobyo at maraming kailangan asikasuhin.

 

Habang hindi pa tapos ang mga kaibigan kumain, nag b-browse muna si saint sa kaniyang social media, nang mag notif na may pinost na IG story si hid.

 

@ikatlonghideo posted an IG story

 

Pagbukas ni Saint, ang bungad rito ay reposted na IG story kung saan ang nasa larawan ay si Hideo kasama ang isang babaeng parang kaedaran lamang nito katabi sa isang restaurant, selfie ang naturang litrato na may nakalagay na caption "Lunch treat by @ikatlonghideo! Thanks for patiently showing me the nooks and crannies of the lab 🫡"

 

Wala naman sanang problema sa litrato kung sana lang sinabihan ni Hideo si Saint na lalabas siya kasama ang kasama sa lab. Muling tinignan ni Saint ang messages sa nobyo, at tanging naka "sent" pa rin ito.

 

Gaano ba kahirap mag reply? Pero nagawang mag repost ng story.

 

Lalong sumama ang pakiramdam ni Saint, hindi nakakatulong na hindi niya pa nakikita ang nobyo tapos ganito pa ang bungad sakaniya.

 

Pinagbalewala na lang muna ni Saint ang litrato at hinintay na lamang na sabihin ni Hid ang tungkol rito.

 

Nakatanggap naman siya ng mensahe mula sa nobyo na ito'y nakauwi na mula sa laboratory at magpapahinga na at nabanggit rin na kasama kanina ang karilyebo sa lab, pero hindi pa rin nawala ang pangit na pakiramdam ni Saint.

 

Sa mga sumunod na araw, mas lagi nang kasama ni Hid ang babae sa laboratory na nalamam niyang Montana ang ngalan, dahil naitanong na niya kay Hid kung sino ang naturang babaeng nag post sakaniya sa IG story.

 

Sa palaging magkasama ni Hid at Montana sa laboratory, kung tutuusin wala namang ginagawa ang nakakatanda na dapat ikaselos ni Saint, pero hindi niya mapigilang mainggit dahil kasama nito lagi ang nobyo at nakakasabay pang kumain, may mga ilang beses rin sa dalawang linggo na naihatid pauwi ni Hid ang babae malapit sa kaniyang tinitirhan, na lahat naman ng ito ay sinasabi ni Hid kay Saint.

Mga bagay na halos hindi na magawa ni Hid para kay Saint gawa ng hindi nagtutugma ang kanilang schedule, kung may oras si Hid, nakauwi na agad si Saint o may kailangan asikasuhin  gawa nang nalalapit nitong theater play.

 

---

 

Friday, last day na ni Hideo sa laboratory at sa kaniyang internship. Kaya naman naisipan ng mga seniors nila na ilabas sila ni Montana for lunch.

 

Habang kumakain napag usapan nila ang mga current trends sa Tiktok na ginagawa sa mga jowa nila at nakwento niyang mahilig nga siyang i-prank ng jowa niya. Natawa naman ang lahat at sinabing subukan niya rin. Na-kwento ng isang senior nila na sinubukan niyang gawin 'yong "He busy" prank sa kaniyang asawa at halos paliparin raw ng asawa ang kotse nito mula Bulacan, kasi nasa site, para makita kung mayroon ba talagang lumalandi sa asawa nito habang nasa lab. Natawa naman si Hid at sinabing hindi naman seloso si Saint.

 

Pagkabalik nila ng laboratory, dahil halos tapos na si Hid sa assigned tasks niya, nakabantay na lang siya sa receiving desk upang mag log at receive ng mga samples na ipapasok sa laboratory for testing.

 

Napaisip siya sa kwento ng mga senior niya, ano nga kaya ang magiging reaksyon ni Saint?

Tinignan niya ang cellphone at saktong nakita na 2:30 na, sigurado maya-maya lang, mag me-message na si Saint na pauwi na dahil dismissal niya ng ganoong oras.

 

[my lifeline ☀️]

 

Saint: love, dismissed na kami. labas tayo to celebrate your last day!!

Saint: pero gusto sumama ng lahat, hahahah sina sean pati sina wade andito! pero gusto muna nila sumaglit ng mall kung 3 pa rin out mo, sakto lang 'yonnn, balik kami agad if ever message ka ha!! let me know kung kami puntahan mo or sundo ka namin hehe love you, fighting, ayat ko!

 

Huminga nang malalim si Hid bago binuksan ang message ng nobyo. Nothing could go wrong naman siguro no?

 

[my lifeline ☀️]

 

Hid: Are you messaging Hid? He's busy eh.

Saint: Ha?

Hid: You're the one who sent bunch of text messages though. Who's this? Hid's inside the Wet laboratory eh, do you need me to relay something to him?

Saint: Ha?

Ayat? hindi ikaw 'to? sino may hawak phone mo?

Hid: Kasama ni Hid 'to sa lab. Co-intern niya.

Saint: bakit po nasaiyo phone ni Hid? tsaka po wala po bang contact details? boyfriend po ni hid ito.

Hid: Ah, sorry, unregistered number eh. Should I let him know na you messaged?

Saint: Ah.. ganon po ba... 'wag na po baka maka abala. Salamat.

Hid: grabe, love? ganon lang 😭 wala ka reaksyon 😭 may ibang may hawak ng phone ko?

[ The message cannot be sent.]

[This used has blocked you.]

 

Nagulat na lamang si Hideo nang mag se-send na siya ulit ng message para sabihing siya lang 'yon ay ayaw nang mag-send nito.

 

Shit! Blocked!

 

Sinubukan pa niyang tawagan ang number pero talagang naka block na siya rito. Agad agad naman niyang pinuntahan ang messenger ng nobyo para tawagan pero hindi ito nag r-ring.

 

Fuck fuck fuck! Natataranta na si Hideo dahil baka kung ano nang iniisip ng nobyo niya.

 

[Saint Buenavidez]

 

Love! Please, prank lang 'yon! Walang may hawak ng phone ko

Ako lang kausap mo the whole time, promise!!

[Screenshot attached]

See oh! Registered number mo, ayon pa rin contact name. Please, unblock mo na ako

 

Tatawagang muli sana ni Hid ang messenger account ng nobyo nang mag-ring ang cellphone niya.

 

Janus calling....

 

Sinagot niya ang tawag at sigaw agad ng kaibigan nilang si Jade ang narinig niya

 

"Hoy! Putangina mo, Hideo! Anong ginawa mo kay Saint, umiiyak na umalis na lang bigla!"

 

"Ha?"

 

"Dapat aalis kaming apat nina Sean tapos nag se-selpon lang siya bigla na lang umiyak tsaka nagmamadaling umalis! 'Di na namin nahabol nakasakay agad ng taxi. Eh pangalan mo lang naman nakita ko na kausap niya sa phone!"

 

"Shit, wait misunderstanding lang 'to, Jade, promise! I'll fix this, teka mag a-out lang ako tapos pupuntahan ko na si Saint. Please, puntahan niyo muna siya sa apartment niya."

 

"Siguraduhin mo lang, Lernaez, sinasabi ko sa'yo pagka ikaw totoong ginagago mo kaibigan ko. Puputulin ko susunod na henerasyon niyo."

 

"Anong-? Alam mong 'di ko kayang gawin 'yan kay Saint, Jade. Mahal ko kaibigan mo."

 

"Ulol!" Tanging sambit na lamang nito at pinatayan ng tawag.

 

Tinignan niya ang oras at nakitang quarter to 3 na. Pwede naman na siyang mag-out tutal sobra sobra naman na ang hours na na render niya.

 

Nagmamadali na lang siyang nag paalam sa mga boss nila at nagpasalamat.

 

"Nako, nagmamadali ka! May problema ba?" Tanong ng senior niyang directly nag train sakaniya sa internship.

 

"Prank gone wrong, Sir. Manunuyo lang po," nahihiyang sambit na lamang nito habang pinapasok sa bag ang lab gown at mga papeles niya.

 

"Naku po! Emergency nga! Sige na, umalis ka na! Nice working with you, Hideo. See you soon sa field!"

 

"Salamat rin po, Sir! Marami po akong natutunan sainyo," kinamayan niya na lamang ito at tuluyan nang tumakbo pa-parking lot.

 

Hindi na muli niya na-check ang phone at pinaharurot na ang sasakyan papunta sa apartment nang nobyo.

 

Mga 30 minutos rin niyang binaybay patungo sa apartment ni Saint at pagkarating niya rito, naabutan niya ang mga kaibigan na sina Sean, Ryle at Wade.

 

"Wala ba si Saint dito?" Tanong nito pagka baba ng kotse, at paglingon na paglingon ni Sean rito, kamao nito ang bumati sa nobyo ng matalik na kaibigan.

 

"Sean, shit!" Nilayo ni Ryle si Sean at inalalayan naman ni Wade ang nakatatandang kaibigan na halos matumba sa sapak na natamo

 

"Tangina, anong problema mo?!" Sigaw nito kay Sean

 

"Ang kapal naman ng mukha mong itanong pa 'yan! Tangina, ano 'di ka makuntento kay Saint kaya naghanap ka pa ng iba?"

 

"Ano bang sinasabi niyo? Prank lang 'yong ginawa ko kay Saint, okay! Hindi ko sinasadyang palakihin ng ganito!"

 

"Kuya, alam mo namang malaki ang history ni Kuya Saint sa cheating tapos gagaguhin mo nang gan'to. Kung ayaw mo na, hiwalayan mo na. 'Wag mong i-two time." Madiing sabi ni Wade, ang pinaka malapit sakanilang magnobyo sa kanilang pinakababatang mga kaibigan, at sumakay na sa sasakyan niya.

 

"Ryle, hindi ko gets! Where is this coming from?!" Frustrated na sigaw ni Hid, dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganito na lamang kalala ang reaksyon ng mga kaibigan nila. 

 

"Babe, tara na. Subukan mong i-condone 'yang kaibigan mo at pati tayo mag b-break." Saad ni Sean sa nobyo.

 

"Kuya.. I am with them on this one." At tuluyan nang nagpahatak si Ryle pabalik ng sasakyan na siyang pinaharurot naman ni Wade.

 

Dumiretso ang tingin ni Hideo sa gate ng apartment ng nobyo at nakitang naka padlock ito, walang tao sa loob.

 

Bumalik siya sa sasakyan at balak na sanang paandarin ang sasakyan dahil may naiisip na siyang lugar kung malamang asaan ang nobyo nang maka tanggap siya mg message mula kay Janus, screenshot ng GC nila Saint, Sean at Jade kung saan may message si Saint

 

{ screenshot

 

[top-down 🫨]

 

Saint: guys

may iba na yata si hid... hahahahaha

hahahaha gagi ako pa ata talaga karma ng tatay kong babaero }

 

[Jan]

Jan: I'm only sending this message to you cause I know you damn well enough to know you cannot do this to Saint.

Ayusin mo 'to, Lernaez, tangina mo iyak nang iyak ngayon si Saint. Akala niya may babae ka. Ano ba kasing ginawa mong hayop ka?!

Hid: Bro, I fucking swear! Pinaprank ko lang si saint kanina na merong ibang may ibang may hawak ng phone ko

Di ko naman alam na maapektuhan siya ng ganito kasi you know Saint, parang all the years we have been together, never yan nagselos sa kahit na sino! Na curious lang naman ako kung paano siya mag re-react. Hindi ko naman in-expect na ganito! Please. Sabihin mo naman sakanya oh

Hindi totoo na may ibang may hawak ng phone ko, naka register rin 'yong number niya, siya pa wallpaper ko please wala akong iba

Jan: tanga! tanga ka talaga! teka susubukan kong lapitan sila ni Jade, tumawag ka ilalapit ko ang cellphone

Hid: Thanks, bro, I owe you one.

Jan: Ayusin mo lang 'to

 

Tumawag nga si Hid at hinintay niyang bigyan ng go signal ni Janus para makapag explain sana sa nobyo, mula sa tawag mukhang mas palapit si Janus kina Jade kasi may mahinang hikbi siyang naririnig mula sa kabilang linya.

 

Sumikip ang dibdib ni Hid sa narinig, kahinaan niya talagang umiiyak ang nobyo. Kahinaan niya ang nobyo kahit anong gawin nito.

 

Magsasalita na sana si Janus nang narinig ang mga sinasabi ni Saint sa nobyo netong si Jade.

 

"You know naman how he has been busy lately diba? Tapos he has been with his co-intern pa most of the time. The first time I heard about this girl was nung almost last last week pa, nakita kong tinag niya si Hid sa ig story, first day niya yata 'yon na kasama si Hid, tapos ni-restory ni Hid, nung time na 'yon sumama na loob ko kasi nakapag re-story siya, hindi man lang nakapag reply saakin tapos wala namang sinabi na kakain sila sa labas nang silang dalawa lang. Pero nawala rin kasi kinagabihan sinabi naman ni Hid 'yong tungkol ron. Simula non palagi na silang magkasama kasi nga siya 'yong papalit kay Hid as an intern, sila raw palagi magkasama kumain at mag break tapos may ilang beses pang hinatid siya ni Hid. Lahat naman 'to sinabi ni Hid sakin pero sabi ko okay lang walang problema. Kasi okay lang naman talaga, 'di ko lang mapigilan mainggit kasi buti pa siya nakakausap ng maayos si Hid, nakakasabay kumain at umuwi, eh kami parang sa loob ng isang buwan na 'to bilang lang sa daliri pagkikita at paguusap nang maayos. Hahaha 'di ko naman alam, ipagpapalit pala-"

 

Naputol na ang pagsasalita ni Saint kasi lumayo nang muli si Janus sa dalawa dahil balak nitong sigawan ang kaibigan sa telepono

 

"Gago ka pala eh! Nagseselos na si Saint sa co-intern mo wala ka man lang ginawa o ano!"

 

"Hindi ko alam...." Mahinang saad ni Hid, nagulat sa narinig.

 

Sinabi niyang hindi seloso si Saint, nang hindi niya na re-realize na wala pa naman kasi siyang ginagawang kahit ano para pag-selosin si Saint kahit kanino. Well, until now.

 

He did not realize that he has been lacking to his boyfriend for the past weeks, masyado siyang nilamon ng thought na naiintidihan ni Saint lahat ng kailangan niyang gawin, he did not even stop to think how much he has been neglecting his other half and did not even realize that the one has only been the one making an effort for their relationship.

Now the short late night messages have sunk in, the late replies, his late replies, the short updates and canceled dates. Lahat nang ito dahil siya ay busy sa internship at org duties, hindi rin nakatakas sa realization ni Hideo na sa lahat ng nabanggit niyang ganap at ginagawa niya ay nababanggit niya ang pangalan ng co-intern. Lingid naman sa kaalaman niya dahil para sakaniya normal lang naman ang mga interaksyon nila ni Montana, walang halong malisya, lalo pa at pareho naman silang may mga nobyo rin. Ginagawa niya lang ito bilang isang mabuting katrabaho, without realizing na nagpatong patong na ang sama ng loob sakaniya ng nobyo, marahil naging last straw na ni Saint ang prank na nagawa niya, nag-tunog pang tama ang mga hinala ni Saint sakaniya gawa ng prank na 'yon, na paulit ulit sinasabi ni Hid sa isip na hindi naman niya kayang gawin sa nobyo.

 

Hindi nga seloso si Saint kahit na kalahating dekada na silang magkarelasyon, bilang sa daliri ni Hid kung kanino at ilang beses lamang nagselos si Saint sa mga nakakahalubilo ni Hid, pero kasi nga paulit ulit naman siyang binibigyan ng assurance ni Hid na wala namang dapat ikaselos ang nakakabata, constant assurance was given, and that is where Hid was lacking for the past weeks, which he failed to realize. Alam niya, of all people, kung ano ang history ni Saint patungkol sa cheating, at hinding hindi niya hahayaang maramdaman ni Saint lahat ng 'yon nang galing sakaniya. Pero wala, huli na, hindi man niya sinasadya, nasaktan na niya ang nobyo at ang natatanging pwede na lamang niyang gawin ay humingi ng tawad at bumawi rito.

 

Pinatay ni Hid ang tawag matapos magpasalamat sa kaibigan, he knows where Saint is already. Malamang umuwi 'yon sa bahay nila dahil alam niyang sa apartment siya unang unang hahanapin ni Hid.

 

---

 

"You know na hindi ako selosong tao, Jade, but this was just too much to take in, tapos ganon pa ang na-receive kong message mula kay Hid kanina. Hindi ko alam kung paano i-take in, hindi ko alam kung ano ang iisipin, as much as I don't want to jump into conclusions, I cannot control if my fears are acting up and making me feel this way," malungkot na turan ni Saint habang inaalo pa rin ng mag-jowang Jade at Janus.

 

"This is not to invalidate you, Saint, and naiintindihan ko kung saan ka nanggaling, at hindi ito para ipag-tanggol si Hid, pero, trust me, hindi ka kayang gaguhin no'n. Again, as he said, he was just playing around when he replied those messages to you, sinendan niya pa ako ng screenshot to show na your number is saved on his phone, with the same registered contact, pati nga wallpaper niya sinend. Kaso ng bad timing lang talaga ang ginawa ng ugok na 'yon, and it is on him na hindi niya na-realize na hindi na maganda ang pakiramdam mo sa co-intern niya. Again, I am not saying this to save his ass, but I am saying this so you do not think that you are capable of being cheated on, na hindi ikaw ang "karma" ng tatay mo. Hideo loves you, tangang tanga sa'yo yon and trust me, I have never seen him this down bad for someone, consdering we have been friends our whole life. Pero, still gago pa rin siya for not assuring you enough and not making you feel na ikaw pa rin ang mahal niya. Plus, I am sure Sean was able to knock some sense into him already, like literal," mahabang lintanya ni Janus at tinuro pa ang pisngi nito para iakto kung saan sinapak ni Sean si Hid, ayon sa text ni Ryle sakaniya.

 

Medyo nagulat naman si Saint sa narinig, "Huwag kang mag-alala, pasa lang abot non, malayo sa bituka, sinabihan ko na rin si Sean," singit naman ni Jade dahil nakita ang pag-alala sa mukha ng kabigan pagkatapos marinig na nasapak ang nobyo nito.

 

"Jan, pakisabi kay Hid 'wag na munang mag-punta rito, please. Hindi ko pa siya kayang makita, I'm too tired and drained, I just want to rest for now," at tanging tango na lang ang sinagot ni Janus kahit naka tanggap na siya ng mensahe kay Hid na nasa labas na ito ng bahay nina Saint.

 

        [Hid]

Pre, 'wag raw muna ngayon. Ayaw ka munang makita ni Saint.

 

Kahit na gusto nang makita ni Hid ang nobyo, tinanggap na lang niya na hindi agad agad maayos 'tong gulong nagawa niya.

 

---

 

After that day, Hid did not fail to constantly message Saint, as the younger one has unblocked him agad after one day. Nahimasmasan na rin si Saint at naniwala namang walang iba o babae si Hid, pero hindi pa rin nawawala ang pagtatampo sa nobyo.

 

Hid would constatly message him as greetings in the mornings, remind him to eat and take breaks, and constantly assures him na siya lang.

 

[my lifeline☀️]

Hid: good morning, love

thank you pala ulit for unblocking me

love, i promise, walang iba. ikaw lang. gusto ko lang ulit ipaliwanag na promise, montana was just a colleague. nothing more.

may boyfriend na rin 'yon, love

sorry if i made you feel as if you are being cheated on or in any way na you are not worthy of real love, kasi, pangako, saint, hindi.

you deserve the greatest of loves and i hope i am being able to make you feel that, kahit na kaunti

mahal na mahal kita, i would know how i would be if it wasnt for your love.

your love keeps me going, ayat ko. you are my lifeline and i wouldnt be surviving everyday if it wasnt for you.

i am sorry for making you feel shitty and i completely understand if you need time, okay?

andito lang ako, pangako. i love you, saint, palagi.

 

[my lifeline ☀️ ]

Hid: good morning, love

dont forget to have breakfast ha

may coffee ako na pinaabot kay janus hehe since tapos na ako sa internship balik asikaso na sa thesis at regular class hours, buti wala ganap nung first week, wala pa ako habulin gaano na lecs. pangit naman kasi ng sched na nakuha ko, nag overlap pa sa last week ng internship

i love you, ikaw lang, palagi

 

[my lifeline ☀️]

Hid: wahaahah grabe love nag lab kami kanina, hindi ko alam na mag collect ng halaman agad sa first lab, naka white pants ako, marumi na tuloy hahahaha

pinaghukay kami agad

anyway, kain ka na lunch ha! nakay jade 'yong lunch na pinrepare ko for you

i love you. take breaks rin ha?

 

[my lifeline ☀️ ]

good night, love. you did great today

message ka lang sakin when you can ha

i love you.

 

Ganitong mga mensahe ang mga natatanggap ni Saint sa araw araw mula kay Hid, bumalik sa kung paano siya i-update ng nobyo bago ito maging busy sa pagtatapos ng internship nito.

Hindi na kasi ulit busy kaya naiisip na ako, ganon ba? Pano kung maging busy siya ulit?

 

Ganoong mga tanong ang naiisip ni Saint, na kahit ayaw naman niyang pag isipan pa ng masama ang nobyo dahil nakikita naman niyang sinusubukan nitong bumawi eh.

 

---

Pagkalipas ng ilang araw, unti-unti na rin nag rereply si Saint kay Hid, hindi na niya ito sini-seen lang, at dahil pakiramdam ni Saint nabigyan naman na niya ng pagkakataon ang sarili na makapag isip at makahinga, nag send ito ng message kay Hid na handa na siyang makipag-usap, at walang pag aalinlangan naman si Hid na pumunta sa apartment ng nobyo, may dalang bulaklak at ang paborito nitong dessert.

 

Kahit na mayroon naman siyang spare key sa apartment ni Saint, kumatok pa rin siya at inintay na pagbuksan ng nobyo. Pagkabukas nito ng pinto, pinilit ni Hid lahat ng makakaya niya para hindi dambahin ng yakap ang nobyo.

 

"Hi," was all he could breathe out after not seeing his boyfriend up close like this for almost three weeks.

Damn, paano kong kinaya na hindi makita 'tong mukhang 'to?

 

Saint just smiled at him as an answer at tuluyang binuksan ang pinto para papasukin si Hid. Inabot naman ni Hid ang bulaklak at pagkain na dala, munting ngiti naman ang iginawad ni Saint at dinala ito sa dining area niya. Mayroon siyang empty vase na palaging pinaglalagyan niya ng mga bulaklak na binibigay ni Hid sakaniya, doon niya rin inilagay ang bagong bigay na bulaklak ng nobyo ngayon.

 

Pagkatapos ay naupo sila sa dining ni Saint, mayroong hinandang tsaa si Saint para kay Hid at kape para sakaniya, alam naman niyang hindi ito mahilig sa kape kagaya niya. Naglabas na rin siya ng plaitito aora makain nila ang dala nitong pagkain. Na para bang makakain pa sila, gayong sila nga ay dapat mag-usap.

 

"So?" panimula ni Saint kay Hid.

 

"Saint... Love, I swear, I promise with all that I am, wala akong iba, ikaw at ikaw lang." marahang hinawakan ni Hid ang kamay ni Saint na nasa gilid neto, laking ginhawa niya nang hayaan lamang siya nang nobyo. Tinignan siya ni Saint at tinanguan upang magpatuloy sa gustong sabihin.

 

"Sorry rin kung sobrang naging neglectful ko sa'yo netong mga nakaraang linggo, nahirapan lang ako mag-adjust sa workload, Love, na-stress lang rin sa naging problemang overlap ng schedules ko. Alam ko namang maiintidihan mo ako palagi, pero I took that for granted, which I should have not. At, sorry rin kung sobra akong naging insensitive sa nararamdaman mo tuwing nababanggit ko si Montana, I knew I lacked giving you assurance kasi naging kampante ako, and that is on me. Wala kang kahit anong shortcomings, ako nga ang mayroon eh. Kasi patuloy kang nagpaalala na andiyan ka para saakin kahit na hirap na hirap ka nang kontakin ako. Sorry, Love. Hinding hindi ko kayang gawin na ipagpalit ka sa iba, sana alam mo yon, sorry rin sa insensitivity at wrong timing ng prank ko sa'yo. That was so out of line of me, hindi ko man lang naisip ang magiging cosequences. Pati, netong mga nakaraang araw, alam ko na maaring iniisip mo, hindi na kasi ako busy kaya nagagawa ko ang lahat ng pambawi sa'yo, at baka ganoon nanaman pag mas naging busy nanaman ako, pero, hindi, mahal. Natuto na ako, not just because I know you are able to udnerstand me does not give me the free pass to neglect my duties to you as my boyfriend, hindi ko man maipapangako na hindi na ako magiging busy nang ganon ulit, but what I can promise you is that I will never be the absent boyfriend that I have been for you for the past few weeks." mahabang lintanya nito sa nobyo na siya namang marahang pinakikinggan lamang ni Saint

 

"I would not say I was not hurt, confused and that I did not have my doubts, Hid. Pero hindi ko naman mapipigilan kung ayon ang initial reactions ko. Pero I would also want to say sorry for doubting you and your love for me, but then again, you cannot blame me for that, knowing what I have been through."

 

"I know, love, and I would say that it was totally valid. I am really sorry for having to resurface those thoughts, feelings and trauma for you. I am really sorry, pero again, wala kang dapat ikabahala, kasi ikaw lang, pangako," Hid said and kised Saint's forehead, and carefully hugged Saint.

 

Saint sank into Hid's body, all his doubts, worries suddenly being washed out. His guards suddenly went down, feeling his tears little by little escaping his eyes. Naramdaman ito ni Hid at mas hinigpitan ang yakap sa nobyo, kasabay nang paulit ulit na paghingi ng tawad at pagpapaalala na mahal niya si Saint.

 

Saint knows how much time and effort Hid have done to build the trust that they have founded in their relationship, they would have not lasted 5 years if it was not for that trust that he has for Hid. And, Hid knows how much strength has Saint put through their relationship to be able to let his guards down and let him in in his life.

 

And this was one of the few times all they have put into their relationship has been tested, nonetheless, they have both been able to get passed it, with something much stronger that they have put into their relationship together — their love and want to continuously choose each other.


 

Notes:

my entry to the growing heehoon fics 🙂‍↕️ heehoonists rise 😋 emz wahahah

first attempt at posting my drafts in public, hope you enjoyed it! kudos and comments would be greatly appreciated 💗