Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-07-10
Words:
2,875
Chapters:
1/1
Comments:
16
Kudos:
182
Bookmarks:
38
Hits:
3,009

pagpili, pag-ibig

Summary:

Bilang isang taong mahilig magsulat, matuto, at magturo ng mga literatura, natural na para kay Wonwoo ang humiling at mag-antay ng nakalaan para sa kaniya.

Ngunit sa kay dami-raming pagkakataon na mahanap ang magiging konteksto ng kaniyang mga obra, hindi niya naman inakala na sa loob ng apat na sulok ng silid, sa isang papel, at sa mata ng mga batang nais matuto matatagpuan ni Wonwoo ang nakatadhanang maging mukha ng kaniyang salita.

Alternatively, it only took one long list of seating arrangement for him to meet Mingyu.

Notes:

I’ve been wanting to write minwon as teachers sooo here we are with my random amats hahaha

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Abala sa paglilinis ang mga tao sa room. Ang mga bag ay ipinatong sa arm chair upang hindi magsilbing sagabal sa mga nagwawalis, may dalawang naglilinis sa pisara, mga estudyanteng nanatili sa gilid habang nag-aantay na matapos sa pagwawalis dahil sila ang nakatoka sa pagfo-floorwax. Ang mga kalalakihan naman ay naatasaang maglinis ng ceiling fan at mga bintana, at ang mga iilan na hindi nabiyayaan ng tangkad ay naglinis na lamang ng banyo.     

 

“’Yung trash bin, pakihugasan na po. Tapos na ba mag segregate ang tuesday group?” May kalakasang tanong ng kanilang homeroom president. Naatasan silang mag-general cleaning ngayon dahil mayroong raw bisita ang kanilang paaralan kinabukasan. Bilang section na sakim sa award (kahit most neat-and-organized award pa ’yan) ay talagang isinabuhay nila ang paglilinis ng buong silid.

 

Abala sa pagbibigay ng instructions ang kanilang president nang bigla siyang kalabitin ng katabi. “Teh, tignan mo ‘to.” Aniya habang nakatitig sa isang pirasong papel na nakapatong sa mesa sa unahan.

 

Nagtataka, tinignan ng babae ang binabasa ng kaniyang kaibigan. Napasinghap siya sa nilalaman ng papel at napasigaw ng, “OH MY GOSH?!” Gulat namang lumingon ang kaniyang mga kaklase, naudlot sa ginagawang paglilinis. Hindi na mawawala ang pagiging mausisa (read: pagiging chismosa) sa mga ganoong edad kaya naman ay nagkumpulan agad sila sa harap upang masilayan ang nakasulat sa papel.

 

At hindi naman sila matatawag na first section kung wala silang pagkakaisa at synchronization kaya sabay-sabay silang napasabi ng, “MAY KALANDIAN SI SIR?!”

 

SEATING ARRANGEMENT 

SECTION I - Frugality

 

mali po pagkaprint niyo, sir. haha.

 

That’s their original seating plan. Baka naglilipat-lipat lang pag subject mo hahaha.

 

ayaw yata nilang malaman ko pangalan nila, sir. 

 

I don’t think it’s actually possible for you to forget their names, Sir Mingyu. Magaling ka d’yan, eh. haha.

 

Sigurado kang si Mingyu to, sir?

 

I know your handwriting well. Of course I’m sure : )

 

“To be loved is to be known!” Napatawa ang lahat sa sinabi ng kanilang kaklase. Nagpatuloy sila sa pagbabasa, deeply invested.

 

SEATING ARRANGEMENT 

SECTION I - Frugality

 

sir, ganito ba talaga sila? haha. 

 

Why? What did they do?

 

hi, sir. noong isang araw kasi ay nagpagawa ako ng group activity. ang  liligalig. haha. hindi ako sanay. 

 

In what way naman?

 

tanda mo iyong nakaraang taon? halos hindi na kumibo tuwing recitation. ngayon, ako naman lagi ang naghahanda ng tanong. para na akong mauubusan eh. haha.

 

I get you, sir. Compared to last year, they’re more competent and active. Even in my class. Ang saya tuloy magturo hahaha.

 

kuha mo, sir.

 

A realization came up. “Gagi, kaya pala minsan nagtuturo na lang si sir Mingyu kasi wala na siyang matanong tuwing recitation.” Napatawa naman ang buong klase.

 

SEATING ARRANGEMENT 

SECTION I - Frugality

 

I am so bored. They are taking a test right now and I have nothing else to do. Let me just scribble down my unnecessary thoughts. Have you seen the new policy posted by our school boards? I would love to raise an objection against the no cross-dressing policy. It’s sickening.

 

hello, sir. gumagawa sila ng written activity ngayon kaya isusulat ko na lang din ang sagot ko. oo, nakita ko na. kung nanaisin mo, tutulungan kita sa balak mo. 

maraming hinaing akong narinig sa mga estudyante. Kilala mo ba si Lian ng kabilang section? nag-aalala ako sa batang iyon. ayaw na ayaw niyang magsuot ng palda, sir.

 

Thank you for your concern towards the students, especially those who are heavily affected. I already talked to the head’s office but there’s really nothing we can do about it. I guess we'll just keep on hoping for the day to come where this school would finally be more welcoming.

 

sana nga po. ang hirap gumalaw sa paaralang hindi sanay sa reyalidad at katotohanan. 

 

“Over naman sa chika ‘to!” Sabay ulit na sambit ng ilan na nauwi sa tawanan. “Kaya pala hiram nang hiram sa ‘kin si sir Mingyu ng ballpen, ah.” Dagdag pa ng isa.

 

SEATING ARRANGEMENT 

SECTION I - Frugality

 

note: please proceed on the back of the paper.

 

Inikot ng kanilang president ang papel at nagsimulang magbasa ulit.

 

That’s very much true, sir. Hahaha. That’s why I highly encourage my students to join organizations or the student body so they could share their ideas on how to improve our system. I trust them that much.

 

may tiwala rin ako sa mga bata mo, sir. haha. isang beses, naging topic namin ang politiko at ang gaan sa puso nang sabihin nilang sila ang gumawa ng kodigo ng kanilang magulang noong botohan. haha. 

 

Unti-unti ng nagiging mulat ang mga kabataan, sir Mingyu : )

 

straight tagalog ka sir, ah. 5 stars ka sakin

 ★★★★★

 

Haha. Thank you, sir Mingyu. 5 stars ka rin sakin.

 

“ANG LANDI!” 

 

SEATING ARRANGEMENT 

SECTION I - Frugality

 

ang mahal na ng turon sa canteen, sir.

 

So random, sir Mingyu, but true.

 

hindi ko na tuloy minsan naililibre ng pagkain iyong isa kong estudyante. hindi kasi siya minsan nagbabaon ng pagkain.

 

Why so?

 

pera, sir. 

 

Oh. I honestly hate the fact that literal children are born to starve all because despite having insufficient funds, their parents still chose to build a family. It’s selfish.

 

naiintindihan ko punto mo, sir. hindi ko pa rin minsan kinakayang isipin na may mga taong kailangan tiisin ang tawag ng kalamnan dahil hindi kayang ibigay ng magulang nila, when in fact, iyon dapat ang kanilang kauna-unahang prayoridad. ang may maihain sa mesa tatlong beses sa isang araw. pero hindi rin iyon kasalanan ng magulang, sir wonwoo. may pagkukulang din ang gobyerno. haha. 

 

You get it, sir Mingyu. While it’s true that their parents were selfish, it’s important to remember that the government plays a crucial role, too. and they failed to do it right. unemployment? underpaid? high qualifications but minimum wages? all because of those stupid so-called leaders.

 

ipaglaban natin sa kalsada, sir wonwoo?

 

Feel free to contact me, sir. : )

 

“Mob date ‘yan sila.” Muli na namang napuno ng tawanan ang apat na sulok ng silid dahil sa hirit ng isa. Gayunpaman, hindi maiwasan ng iilan na matulala — mag-isip-isip sa tunay na estado ng bansa.

 

Dahil totoo iyon. Totoo ang lahat ng sinabi ng kanilang guro. Madaming bata ang paniguradong gutom na sa mga oras na ito. Madaming bata ang palaboy-laboy sa kalsada para lamang maramdaman ng kanilang mga dila ang lasa ng munting ginhawa, mga ngipin na tila nakalimutan na kung paano ngumuya. At kahit pa totoong kasalanan ng kanilang ama’t ina dahil isinilang sila sa mundong walang karangyaan (o anumang pribilehiyo sa pangunahing pangangailangan), hindi dapat kalimutang sisihin ang gobyerno.

 

Baka hindi naman talaga tunay na tamad ang lahat — hindi lang talaga mabigyan ng maayos na oportunidad.

 

SEATING ARRANGEMENT 

SECTION I - Frugality

 

ikaw pala ang chairman ng gaganaping event next month, sir wonwoo? 

 

Yes. I’m honestly praying for a great, if not the best, outcome. I don’t want to fail this. I can’t fail this.

 

ang ganda-ganda ng idea mo, sir. sabi na nga ba, maayos ang mga nasa student council ngayon. haha. nakaya niyong ipagpatuloy ang miss gay? mapupunit na yata ang labi ko kakangiti.

 

I was genuinely surprised, too. I mean, of course I’d give my everything just so they would allow the said event to happen, but knowing the higher ups? hahaha still a big news for me.

 

kayang-kaya mo yan, sir. haha. hinihikayat ko nga ang lahat ng section na hawak ko na sumali. gusto kong panoorin silang maging komportable sa kanilang tunay na anyo.

 

Thank you, sir Mingyu. That means a lot. You’re right. They deserve to be seen. We all deserve to be heard.

 

we?  

 

Happy pride, sir Mingyu :)

 

“HAPPY PRIDE!” Bulaslas ng lahat bago tuluyang napangiti.

 

Malapit naman talaga si Wonwoo sa kaniyang mga estudyante. Nagagawa niyang sumingit ng iilang biro tuwing discussion, kahit nga ang theme ng gc nila ay siya mismo ang nag-set (theme: inside out). Alam ng mga ito na paborito niya ang Wildflower dahil si Maja Salvador (Lily Cruz) ang kaniyang desktop wallpaper (na aksidente niyang nai-flash sa TV habang siniset-up ang powerpoint). Friends niya rin sa Facebook ang buong klase kaya sigurado siyang nakikita nito ang mga pinagpopost nilang iilang memes, wildflower lore, o madalas; mga isyung panlipunan. They know their teacher that well. But never to this extent. So to see this side of him — bare and pure — it’s something new to them. Something fresh to see, yet never weird. 

 

 

At tuluyan na nga silang napatalon at pinagtatampal ang isa’t isa nang makita ang huling sulat ng kanilang dalawang guro.

 

SEATING ARRANGEMENT 

SECTION I - Frugality

 

paubos na yung space na puwedeng sulatan, sir. haha. magpoprovide na ba ako ng coupon?

 

Save the trees, sir mingyu. haha.

 

edi tama na to?

 

09678543275 my number : )

 

tawagan kita pagkatapos nito. please save mine :(

 

Only because you said please. :) 

 

“JUSKO PO!” Hindi na mapigilan ng mga estudyante ang magtatalon sa kilig na animo’y nakatanggap ng tsokolate ng valentines day o kaya naman ay sinagot na ng kanilang nililigawan. Ni hindi man lang nila napansin ang kakapasok lamang na guro kung hindi pa sila nito sinita. “What’s happening? Didn’t I tell you guys to do a general cleaning today?”

 

Kaniya-kaniyang balik sa kanilang ginagawa ang mga bata ngunit namutawi ang mga ngiti; hindi hilaw, bagkus ay may laman at mumunting saya. Kahit abala sa paglilinis, hindi nakalagpas sa kanilang pandinig ang tunog mula sa cellphone ni Wonwoo. Agaran ang paglingon ng lahat.

 

Hindi naman napansin ng lalaki ang nakamasid na mga mata ng kaniyang mga bata, too immersed with the message he just received. At nang lumitaw ang isang ngiti sa labi ng guro na kaniyang sinubukang pigilan ay nagkatinginan ang mga mag-aaral at mahinang bumungisngis.

 

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang lahat sa paglilinis. Binigyang permiso na sila ni Wonwoo na umuwi dahil wala naman na silang klase ng hapon kaya kaniya-kaniya na rin silang ligpit ng gamit. Sa kalagitnaan ng ayaan na sumaglit sa kainan o mall, isang katok mula sa pinto ang nagpalingon sa mga ito.

 

“Sir Wonwoo, lunch na tayo?” Aya ni Mingyu na nakasilip nang bahagya sa may pintuan.

 

Impit namang napasigaw ang lahat. Pakiramdam nila ay may nangyayaring telenobela sa mismong harapan nila. Kathniel in another universe? Baka nga.

 

Isang magaang ngiti ang nanatili sa mukha ni Wonwoo. “Sige, ayusin ko lang ‘to.” 

 

Pipiliin pa sana nilang manatili sa silid upang panoorin ang dalawang maglaro ng mahal-mahalan kung hindi sila tinaboy (read: tinanong kung hindi pa ba sila uuwi) ni Wonwoo. They bid their goodbye before finally stepping out of the room, not forgetting to steal one last glance. Para talagang teleserye na pinagbibidahan ng JaDine!

 

Nang masiguradong maayos na ang kaniyang desk sa likod ng room ay saka lamang nagtungong canteen ang dalawa. Ang usapan kasi nila ay manlilibre raw ngayon si Mingyu dahil wow!, bagong suweldo sila ngayon. Paborito rin kasi ni Wonwoo ang menu for today (sinigang na baka).

 

Matapos makahanap ng mauupuan at maserve ang kanilang pagkain, agad naman nilang nilamutakan ito gawa ng gutom at buong umagang pagka-klase. Magkatapat sila ngayon kaya malayang napagmasdan ni Mingyu habang humihigop ng sabaw si Wonwoo. Pumipikit-pikit pa. Napangiti na lamang siya. 

 

One thing about them is: hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Palaging may baon, may nailalabas. Marahil ay talkative lang silang dalawa or they become so comfortable with each other that embarrassment  was no longer present to keep them from asking. Either way, they love it. Talking about random things (with each other), that’s what. Dahil tignan mo ngayon, pinag-uusapan na nila kung bakit teaching despite the long list of disadvantages of being one.

 

“Mahal ko ang pagtuturo. Pero mas mahal ko ang pagkatuto.” Simpleng sagot ni Mingyu ngunit ramdam ang diin ng bawat bigkas. “Teacher kasi mama ko. Minsan, sinasama niya ako sa school nila. Tapos hinahayaan niya ‘kong turuang magsulat o magbasa ang mga bata dahil alam niyang hilig ko ang pagtuturo. Ang gaan kasi sa pakiramdam na magbahagi ng kaalaman mo, alam mo ‘yon?” 

 

Wonwoo nodded. He continued. “Pero akala ko hanggang doon lang ‘yon — hindi pa pala. They managed to teach me things I have no idea about. Tinuro nila sa akin ang pag simpatiya at paglagay ng sarili kong mga paa sa tsinelas nila. Naalala ko noon, may nag-kuwento sa aking bata, may mga araw daw na sinasabihan siyang huwag na lang pumasok kasi.. walang pamasahe. But he didn’t listen. Nilalakad niya na lang daw para lang makapasok.”

 

“Napaisip ako noon.. pribilehiyo pala ang pagkatuto. Malungkot man isipin, hindi lahat ng bata ay kayang makapag-aral. Hindi lahat may access sa edukasyon. Kaya gusto ko.. gusto kong mabigyang daan ang lahat sa pagkatuto. I want to make a path for them — one that they didn’t even know existed.”

 

Malawak at may diing ngiti ang inilahad ni Wonwoo. Halos malaglag na ni Mingyu ang hawak na kutsara. “You’re a great teacher, Mingyu. A great person even.”

 

“E, ikaw? Bakit pagtuturo? Huwag mong sabihing dahil sa suweldo.” Marahan silang napatawa.

 

“I just love talking.” He paused. “I love talking about the things I’m disgustingly passionate about. I love flashing my worlds in front of them — I want to bring them inside it. I want them to realize what I have seen in those things for me to fall in love with the details. Literature, words — everything.”

 

Sana ay mabiyayaan din ako ng pagkakataon na pag-usapan mo. Ukit ng isip ni Mingyu.

 

I will tell the world about you once I’m ready to share what’s supposed to be just for me, Wonwoo said beneath his breath.

 

————

 

Nakasarado ang lahat ng bintana kabilang na ang pinto ng silid. May iilang hugis pusong gawa sa colored paper ang nakasabit sa dingding. Nasa gilid ang lahat ng mesa’t upuan. Abala ang lahat sa pagpapalobo ng mga balloons, iyong ilan ay inaayos ang christmas lights na ipinalibot sa pisara kung saan may nakasulat na malaking “HAPPY TEACHER’S DAY!”

 

Nagmamadali na ang mga estudyante ni Wonwoo dahil saglit na minuto na lamang ay darating na ang kanilang susurpresahin. Upang ipagdiwang ang teachers day, pinaunlakan ang buong paaralan ng libreng araw at walang kahit anong klase ang magaganap. Isang malaking tulong ito para sa section nila para maisagawa nang maayos ang halos isang buwan nilang pinagplanuhan.

 

Nang masiguradong maayos na ang lahat — nakasindi na ang cake, nakasalansan na ang mga pagkain, at nakahanda na ang tugtog ay saka lamang nila pinadalhan ng mensahe ang guro.

 

To: sir

sir punta ka na dito pls. need help

 

Sinarado nila ang mga ilaw. Dahil may kurtina ang mga bintana, hindi maaaninag sa labas ang kung ano mang kaganapan sa loob. Nag-antay sila ng ilan pang minuto hanggang sa may narinig silang yabag ng paa sa labas. Isang katok bago tuluyang bumukas —

 

“HAPPY TEACHER’S DAY, SIR MINGYU!”

 

Napako si Mingyu.

 

Hindi ito ang napag-usapan nila.

 

2 weeks ago, inaya siya ng mga estudyante ni Wonwoo upang tumulong sa paghahanda para sa surpresa para kay Wonwoo. Dahil gusto niya rin namang gawing espesyal ang araw na iyon para sa binata, hindi na siya nagdalawang-isip na sumang-ayon. They started with the planning. Nakahanda na raw ang lahat; pagkain, disenyo sa room, regalo, at cake. All Wonwoo had to do was show up. And that’s Mingyu’s job alone.

 

Pero nang makita niya ang pigura ni Wonwoo, hawak-hawak ang cake na may kandila sa ibabaw, may matamis at malawak na ngiti ang namamayani sa kaniyang labi, hindi mapigilan ni Mingyu ang maiyak.

 

Isang beses.

 

Ito ang kauna-unahang beses na masurpresa siya nang ganito. Bilang guro na walang advisory class, nasanay na siyang walang natatanggap na regalo sa mga okasyon. Papanoorin niya lamang ang kaniyang co-teachers na may bitbit na sandamakmak na tsokolate o bagong chalk, habang magpupuslit ng pansit na hinanda ng kanilang mga estudyante.

 

Kaya kahit sabihin pang simple, magarbo pa rin ito para kay Mingyu. And Wonwoo being a big part of all of it made it even more special.

 

Wonwoo makes every little thing special.

 

“Happy teacher’s day, sir Mingyu.” Nakangiting saad ni Wonwoo, bitbit pa rin ang cake. Mingyu smiled, “thank you for playing a big role in my everyday life.” Sagot niya.

 

And then the music came through.

 

With a Smile — Now Playing

 

“Sayaw tayo?” Aya ni Mingyu, nakalahad ang kanang kamay. Lumawak ang ngiti ni Wonwoo bago nilapag ang hawak sa mesa. He grabbed his hand with ease. Tila sanay na sanay, kahit ngayon pa lamang ang kauna-unahang beses na nahawakan niya ang kamay nito. Magaspang ngunit magaan.

 

Ipinatong ni Wonwoo ang kaniyang kanang kamay sa balikat ni Mingyu, habang ang isa naman ay nakahawak sa kanan ng guro. Ang braso ni Mingyu ay nakapulupot sa bewang ni Wonwoo.

 

Malumanay ang kanilang sayaw. Sumasabay sa tugtog; sa agos ng puso.

 

Walang kahit na anong kaba. Hindi pinagpapawisan ang sino man sa kanila. Mapayapa. Kapayapaan ang tanging bumabalot sa kanilang sistema.

 

Sa halos anim na taon na pagtuturo, isang bagay lamang ang dahilan ni Mingyu upang magpatuloy. Sa kabila ng mababang suweldo, pagod na halos nakakabit na sa kaniyang pagkatao, o ano pa mang hindi kaaya-ayang dahilan upang tumigil, nagpatuloy siya dahil gusto niyang magturo at matuto.

 

Ngayon, dahil na rin kay Wonwoo.

 

“Gusto mo bang maging anniversary natin ang teacher’s day?”

 

At sa mabigat na responsibilidad, nakabibinging hinaing ng kabataang nais matuto, ang kagustuhang magbahagi at mga nakaakibat na sakripisyo — nagawa niyang mahanap si Mingyu na kaya at gugustuhing umintindi.

 

“Ikaw bahala, sir.”

 

 

Notes:

talk to me here :) kudos are highly appreciated, i love u! <3