Chapter Text
Ideya ni Sheena, treasurer, na gawin itong booth ng student council para sa kanilang bagong project. Ideya naman ni Aiah, President, ang nagbigay buhay sa booth.
Ngunit dahil parte si Colet ng student council, bilang Vice President, kasama rin siya sa nagpapatakbo nitong booth. Na medyo, konti lang naman, pinagsisisihan niya na. Hindi naman kasi dapat ganito ang mga nalalaman niya. Parang naging TMI na lang ang nangyari.
"Gusto ko yung feeling tuwing pawis na pawis ako lagi" saad ng isang lalaki mula sa kabilang side ng kanilang makeshift confessional booth.
Ang confessional booth nila na may dalawang side. Ang unang side, kung nasaan si Colet, ay ang Confidant. At ang pangalawang side naman ay ang Confessor. Pinagtulungang gawin ng student council at ng theatre club ang dalawang bahagi ng kanilang booth. May dalawang small spaces na kasya ang tag-isang desk chair.
Sa halagang isang daan ay maaari kang magsabi ng kahit anong sikreto o anumang problema nang hindi nahuhusgahan sa loob ng anim na minuto.
"Weird ba yung ganon?"
Napapikit na lang si Colet. Ito yung konting pinagsisisihan niya. Ilang minuto pa lamang nung nagsimula ang kanyang shift bilang Confidant at hindi na siya makapaghintay na matapos na ito. Hindi naman kasi ganito yung in-expect niyang maririnig sa mga pupunta sa kanilang booth. Well, hindi rin naman siya nag-expect ng mga sikretong malupit na manggaling sa mga schoolmates niya.
Ang nabuong idea ni Aiah ay ang makinig sa mga totoong sikreto at totoong problema ng mga kapwa nilang estudyante. Sa tingin nila ay magiging madali ito para sa kanila dahil hindi naman nila nakikita ang kanilang mapagsasabihan.
"Hello?"
Napabuntong hininga siya. "Ang booth po ay ang mapagsasabihan niyo lang. Hindi po kami tagabigay ng advice."
"Ha? Eh anong point?"
Gustuhin man ni Colet na sabihing hindi sila professional at wala silang enough experience para magbigay ng psychological advice ay hindi na niya ginawa.
"Yun po ang rules"
Nakapaskil sa labas ang mga flyers nila na kinalalagyan ng lahat ng rules para sa mga estudyante na interested sa booth.
"Kung ganon, edi ibalik niyo yung pera ko!"
Napa-roll na lang siya ng mata at napansing tapos na pala ang oras sa stopwatch (bawal ang phones sa loob).
"Time's up na po"
"Wait lang--"
"Kung may concerns, questions, o complaints po kayo, just drop them sa mailbox sa student council room 4-B. Thank you for coming."
Padabog nang umalis ang lalaki sa narinig. Napasandal na lang ulit si Colet sa kinauupuan. Hindi maganda ang simula ng shift niya.
Tumunog na ang pintuan sa kabila, may bagong pumasok. Umayos ng upo si Colet at nangalumbaba sa deskchair. Nakaka-isa pa lang siya pero parang napagod na siya masyado. Nabawasan na yung expectations niya sa mga susunod.
"Welcome to the Confession Booth where your secrets are safe and you can throw your worries away", sinabi niya ang kanilang naihandang slogan.
"Hello?", isang soft at feminine na boses.
Medyo nabuhayan siya sa narinig. Mukhang mayroon itong totoong sasabihin.
"So, sasabihin ko lang yung secret and then I can go na?"
"Yes, yun po yung idea"
"Hindi naman ako mapapahamak or kung ano?"
"All the secrets are confidential po at kung may concerning man ay it will be referred to the guidance counselor", one of their serious rules sa booth.
"Pero like that's for someone depressed or something, no?"
Napangiwi si Colet. Didn't have a better way to say it.
"Or something"
"Oh", may pause. "I'm not depressed or anything! I'm fine. Hindi sa ganun, I just wanted to make sure".
"Ano pong ipinunta niyo ngayon?"
"I have a crush"
Napatango si Colet kahit hindi naman siya kita. Crushes are common secrets na nasasabi sa booth. Na-enjoy niya ang mga kwento kung paano kinikilig ang mga tao. Kung paano sila napapasaya ng crush nila at kung gaano nila kagusto yung taong iyon. Malungkot naman tuwing may kwento tungkol sa mga hindi napansin ng crush. May kirot din yung mga na-reject na, yung may ibang gusto, at yung may feeling na they're too good for them.
"I know na hindi naman ito crazy secret, pero it sort of freaks me out. Crushing is not my thing, madalas it's the other way around. Sila yung nagkaka-crush sakin"
Napa-roll eyes si Colet, ngayon may kasamang ngiti. Isa siguro ito sa mga popular students. She's confident. Yung tipong hindi takot magshare ng opinions at yung makikita mong magandang rumampa sa hallways ng school.
Minsan nang naisip ni Colet na nakaka-intimidate yung mga ganitong popular. Pero sa mga naririnig niya dito, feeling niya tuloy may lamang siya. Lalo na dahil sa mga ganitong nasasabi nila kahit na hindi naman niya nakikilala kung sino sila.
"Anyway, medyo bothered lang ako kasi I can't stop thinking about her"
Colet choked. Nabigla yata siya masyado, parang nagkaroon pa ng bara sa lalamunan niya.
Wait. Her?
"Okay ka lang?"
Inabot ni Colet ang tubig niya at lumagok nang mabilis para mawala ang bara.
"Yeah, tuloy lang po"
"Hindi ka naman homophone, no?"
"I think you mean homophobe"
"Sounds like. Hindi ako pumunta dito para ma-judge. Nabasa ko yung print."
Nakalagay sa flyer nila ang No Judgment rule. Na-surprise si Colet na may nakabasa sa details ng ginawa niya. Na-appreciate niya na itong bagong bisita.
"Hindi kita jina-judge"
"Good", she cleared her throat. "Hindi pa yan yung worse part. Isa siyang nerd. Like a total nerd! We're literally opposites. Posible ba yun? I'm too pretty for that."
Wow, medyo harsh yon. Pero still, no judgement dahil entitled siya sa thoughts and opinions niya.
"Hindi naman sa hindi siya attractive. She is. Dapat lang."
"Dapat lang?"
"Are you mocking me?"
Oops, no feelings allowed. Kailangan maging objective sila dito.
"No"
"Uh-huh", parang hindi siya convinced pero nagpatuloy lang. "It's just that, ang unexpected niya. It made me moody na and hindi ko masabi sa friends ko."
Typical. Embarrassed siguro siya dahil doon.
"Wala ka talagang pagsasabihan nito, diba?"
"I don't even know kung sino ka."
"So?"
"One hudred percent confidential po."
"Is that in writing or something?"
"If you're worried, hindi mo na kailangang bumalik"
"Ikaw dapat yung worried"
Nakakatakot.
Tumunog na yung stopwatch.
"Time's up"
"Okay. Great. Most embarrassing six minutes of my life. "
Tumunog na ulit yung pintuan sa kabila at lumabas na yung babae, naiwang lito at nahiwagaan si Colet.
Ibang klaseng araw nga.
●●●●●●●●
Dinaanan niya ang booth sa pagtatapos ng araw. Kinuha ni Colet ang money box at dinala na ito sa student council room.
Nadatnan niya si Aiah at ang kanilang treasurer na si Sheena na nagdi-discuss ng mga upcoming activities. Nanatili siya at tumulong sa paglatag ng mga details hanggang sa inabot ng hapon at napagdesisyunan nilang pag-usapan muli sa ibang araw.
Isinukbit na niya ang kaniyang bag at nagpaalam sa kanila. Wala na masyadong estudyante sa pagdaan niya. Late na rin kasi talaga.
Sa kaniyang paglalakad sa lower floor ay may narinig siyang mga estudyanteng nag-uusap. Mga babaeng nagbibiruan. Tuwing ganito ka-late na ay sila lang din naman ang naiiwan dito. Mga kakatapos lang ng practice. Ang volleyball girls.
Sila ang pinagmamalaking athletes ng school, kasama ng basketball team. Hindi naman sila tulad ng tipikal pero minsan ay may pag-intimidating sila. Marami silang admirers at madalas ay mayroong times na lumalaki na ang mga ulo nila. Meron ding ilan na ang feeling ay angat sila sa nakararami.
Tatlo lang sila ngayon. Magkakaibang level ng pagka-intimidating. Sukbit ang kani-kanilang gym bags at suot pa ang uniform pati ang kanilang mga knee pads.
Iniyuko ni Colet ang kaniyang ulo sa kaniyang pagdaan. Hindi naman siya yung tipong takot sa ganito. Tingin niya ay nasa same level naman sila dahil part siya ng student council. Pinagkaiba lang ay nasa academics siya at athletics naman sila. May social hierarchy kumbaga. Hindi lang din niya gustong ma-involve sa kung anong meron sa kanila.
Sa pagdaan niya ay saktong pag-ikot ng isa, dahilan upang matamaan siya ng gym bag nito. Dalawa silang muntik matumba, mabuti at nasa may lockers side siya kaya napasandal na lamang siya doon. Hindi ito ang gusto niyang mangyari. Being noticed by them ang last thing na gusto niya. Lalo na ang ma-notice niya.
Ang nakabangga niya pala ay ang team captain, si Mikha. Hindi naman siya takot dito dahil hindi naman ganung klase si Mikha, pero nakita niya naman kung paano ito sa game. Magaling siya at malakas maglaro. Ang isang teammate naman nito na si Maloi ay narinig niyang natawa sa gilid.
Pero hindi siya bothered sa kanila kundi sa isa pa nilang teammate. Si Stacey. The other one na may magandang buhok at magandang ngiti at tawa na umaabot sa mata nito. The one na kayang gamitin ang ganda para walang kumontra sa kanya.
Si Stacey na kaklase niya sa isang subject. Na-witness niya yung maraming mga admirers na lumalapit dito. Babae man o lalaki. May malakas na charm na kahit sa teachers ay nagagamit niya, telling them na may practice sila para ma-excuse.
Si Stacey na minsan ay sumisilip sa papers niya para tumingin ng sagot. Saying random comments tuwing may presentation siya na nagpapatawa sa mga katabi nito.
Si Stacey na palaging nandiyan. Palaging bumabagag sa utak niya at ayaw mawala.
Stacey is someone Colet can't stand. She hated.
"Hindi tumitingin sa daan, huh?", ismid ni Stacey.
Gustong sumagot ni Colet. Gumanti ng salita, ismiran din siya. Ngunit wala na siyang nasabi. Natigilan siya sa paglapit nito, suot ang napakaganda nitong fitted practice uniform. Hindi rin kasi siya sanay na maraming naka-focus ang attention sa kaniya.
"Sorry", nasabi na lang niya.
Umismid muli si Stacey at ibinaling na ang atensyon kay Mikha. Asking if she's okay with her sweet voice. Of course okay siya, hindi naman siya yung nabangga ng napakalaking bag. Not that anyone noticed or cared. Not that Stacey cared.
Colet straightened at nagpatuloy nang maglakad palayo. Wondering why she even cared in the first place.
●●●●●●●●
Sa mga sumunod na araw sa ganoong oras ay sa booth lang ang tungo ni Colet. Siguro ay may mali lang sa gising niya ngayong araw dahil ito'y lumalala sa bawat secret na naririnig niya.
"Nag-cheat ako sa last exam kasi I was up all night playing games"
"Itong isa kong nunal, ang name niya ay Rizal"
"Ako yung nakasira nung isang gamit ni Ma'am, pero di ko masabi sa kanya sa takot"
"May nakatago akong bubblegum palagi sa locker ko"
"One time dinala nung tropa ko yung alaga niyang tuko tapos muntik na siyang makatakas"
She going insane. Parang konti na lang susugod na siya kay Aiah para sabihing itigil na nila itong booth. Na hindi ito nag-work the way they planned. Na baka nasasayang ang oras ng council members sa pakikinig sa random facts na lang na isini-share ng mga students. Na baka nasayang din ang pagtulong nina Jhoanna at Gwen, at iba pang theatre club members, sa paggawa ng booth.
Pero alam na rin niya ang sasabihin ni Aiah, ”Just because it doesn’t mean anything to you doesn’t mean it doesn’t mean anything to them.” And that is why si Aiah ang president at siya ang vice.
"I hate her"
Nagbalik ang atensyon ni Colet mula sa mga naiisip na pagka-inis. Na-recognize niya ang boses na narinig niya noong nakaraang araw. Bumalik na siya.
"Like, I seriously hate her."
"Sino?"
"Yung crush ko! Keep up naman."
Napailing na lang si Colet. Fault naman niya.
"Who does she think she is?" tunog inis na siya.
"Bakit hindi na lang siya mag-stay in her own lane? Why does she have to cross mine?"
Huminga muna siya bago magpatuloy. "At don't say na it's because we're in the same school. Alam ko yon but it's so hard!"
Napangiti si Colet. Nakuha na nito ang atensyon niya. Kaya kahit dapat limitahan ang conversations sa mga Confessor (ayon sa rules) ay napatanong na siya. "Ano bang nangyari?"
"Inatake niya ako! Ng mga mata niya!"
"Mata niya?" She deadpanned. Ang dramatic talaga ng high schoolers. Alam niya. Isa rin siya, pero she liked to think na she had a little more sense at control kaysa sa average teens.
"She has pretty eyes", the girl muttered.
"Pretty na matalim, I guess. And she goes around na parang sinasaksak ako. How am I supposed to cope with that? Hirap na nga ako kasi I liked a nerd", may nginig pa sa pagsabi niya nung last word.
"Ngayon, iisipin niyang pwede na lang niya akong tingnan kung kailan at kung paano niya gusto."
Colet bit the inside of her lip para hindi matawa. Honestly, ito na siguro ang funniest na narinig niya buong araw. Grateful siya. Ang mapakinggan siya ay parang paghawi ng mga madilim na ulap na tila sinusundan siya. Maybe hindi na muna niya ipo-propose kay Aiah na tanggalin ang booth anytime soon kung may ganitong quality content naman paminsan.
"Baka ganun talaga itsura niya"
"Are you calling her ugly?"
"Hindi, I mean—"
"She's not ugly. I don't like ugly people"
Napamasahe si Colet sa ulo niya. Sometimes, people are so shallow at confusing sa mga sinasabi nila. Madalas pang yung mga popular ang ganoon. Siguro dahil na rin doon kaya umiiwas na lang siya sa kanila. Magulo ang mga pag-uugali nila.
"I wish mawala na lang siya"
Colet couldn't hold back her snort. Very elementary ang datingan, naisip niya. Gets naman niya. Love made people silly.
"Seryoso", saad niya, medyo na-off dahil natawanan siya. "Mas madali."
Nag-ayos na siya ng upo. "Mas madali kaysa sabihin sa kanya?"
"Baliw ka ba!? I can't do that."
"Bakit hindi?"
"Kasi– Kasi I can't. Hindi nga kami nag-uusap."
Napataas ang mga kilay ni Colet. Right, she should've expected that. Hindi masyadong nakakahalubilo ng mga popular ang mga nerd. Kaya it was a wonder kung paanong ang katulad nitong seemingly popular girl na ito ay nagka-interes sa sinasabi niyang nerd.
"I know what you're thinking. Paano ko magugustuhan ang taong hindi ko naman nakaka-usap?", may halong inis itong huminga. Parang rinig pa ni Colet itong nagpaikot ng mata.
"Possible siya. Hindi siya parang love at first sight like—", she groaned in frustration. "Gets mo ba?"
"I think so..", she can try to at least. Admiring someone from afar is a thing and guilty na rin si Colet diyan.
"I wish I could talk to her."
"Bakit hindi mo gawin?"
"Akala ko ba hindi kayo allowed mag-advice?", balik niya. May paghuhusga siguro ang mga tingin nito ngayon.
"It's just a question."
"Don't ask questions."
"Okay. Walang questions."
Lumipas ang ilang segundong katahimikan. "Tapos na akong magsalita. Is my time up yet?"
Tiningnan ni Colet ang stopwatch niya. Hindi man lang pala niya ito na-start. "Yes."
"Great."
And just like that, nawala na siya.
●●●●●●●●
Habang naglalakad sa loob ng gym ay pinagmasdan ni Colet ang mga posters at signs na isinasabit. Ang mga ganitong event ay stressful at siya ang in charge sa pag-make sure na magiging maayos ang takbo nito.
Nag-check siya sa hawak niyang listahan sa clipboard, nag-observe at nagbigay ng ilang suggestions sa mga taong nagtatapos ng mga gawain.
"Ingat lang po," sigaw niya sa dalawang members sa hagdan na nagsasabit ng banner sa taas ng pintuan.
Binigyan siya ng mga ito ng thumbs up at nagpatuloy naman siya sa bleachers para mas makita ng buo ang setup. Masyado siyang focused sa ginagawa kaya hindi niya na siya napansing nakaupo sa isa sa mga upuan. Normally, hindi madaling ma-miss si Stacey. Nagliliwanag siya, sa madaling salita. Always put together, radiant, loud even when she wasn’t opening her mouth.
Palagi siyang napapansin ni Colet kahit hindi niya naisin. Na para siyang gamo-gamo na hindi mapigilang lumapit sa liwanag ng kanyang (magarang) mukha.
Kaya siya ay blindsided nang marinig na may biglang nagtanong—
"What are you doing here?"
Muntik nang mawalan ng balance si Colet pagtapak niya sa isang step. Her life flashed before her eyes sa posibilidad ng pagbagsak niya mula sa bleachers pababa at pag-face plant sa court. Better siguro iyong mangyari kaysa makaharap ng face to face si Stacey na nakaupo sa seat at lumingon sa kaniya.
Bukas ang kaniyang bag at mayroon siyang textbook at notebook sa lap niya. Medyo weird place ang gym para gumawa ng schoolwork pero to each their own.
"Working," ang nasabi niya.
"Oh, right. Student council ka nga pala."
"Vice President." Hindi lang siya basta student council, backbone siya.
"As expected."
Colet narrowed her eyes, iginala rin ang tingin sa paghahanap sa captain na si Mikha o sa isa pang member na si Maloi. Wala ang dalawa sa paligid at biglang sobrang kinabahan si Colet.
"Did you study para sa History test?"
Napataas ang mga kilay ni Colet. Tinatanong ba siya ni Stacey tungkol sa class..? Not like may iba pa silang pwedeng pag-usapan. Pero ito iyon, hindi sila nag-uusap. Hindi nagsasalita. Kahit may ilang taon na silang magkaklase, iniwasan nila ang isa't-isa. Si Stacey ay gorgeous at popular habang si Colet ay si Colet. Never nag-overlap ang circles at lalo na ang interests nila.
Hindi niya maintindihan kung bakit ngayon, of all the times na nagkasalubong sila, ay magtatanong si Stacey ng isang harmless question about sa test. But maybe it wasn't harmless. Baka may prank. Baka biglang lumabas si Maloi na may dalang kung anuman habang nagvi-video si Mikha na ipopost online para mapagtawanan siya.
That's it. Siguro iyon nga ito.
Nagkibit-balikat siya bilang sagot.
"Right. I bet hindi mo kailangang mag-aral for anything."
Kung meant as a compliment iyon, ay na-miss niya ang ibig sabihin. "Paano mo nasabi yan?"
"Don't act so modest." Tumawa si Stacey, yung tunog warm at light. "Everyone knows na you're like top sa class."
"No, I'm not." Si Aiah yon. Well, shared position naman, alternate silang dalawa. Si Aiah ngayon, and Colet was okay with that. What she wasn’t okay with is the way Stacey looked like offended siya sa answer niya.
"Oh." Eyes looked her up and down.
"Yeah, 'Oh'", sabi niya, naiinis na. "Don't act like kilala mo ako."
She inspected her nails cooly. Pink is a really good color on her. "Acting isn't really my thing."
"Magaling ka ngayon." bitaw niya. Napakunot-noo si Stacey at napasinghap si Colet sa pag-iisip na nagpapanggap itong hindi siya naintindihan. "As if you care sa history test or sa akin."
"It was only a question." angil nito. Ayan na, iyan ang kilala niyang Stacey. "Masama ba? God, it's not that deep, Colet."
Na-caught off guard siya nang marinig ang pangalan niya at naipit na lang sa lalamunan ang isasagot niya. It was stupid to think na hindi alam ni Stacey ang pangalan niya. Kilala nila ang isa't-isa. Matagal na. Alam niya ang kay Stacey kaya hindi surprise na alam nito ang kaniya pero may something weird na marinig na sabihin niya ito. Like they were familiar with one another. Na tila ba praktisado na nito ang paraan ng pagbigkas sa pangalan niya gamit ang bibig nito.
Napahigpit ang hawak ni Colet sa clipboard niya, trying to keep herself from combusting. Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman ito. Probably because Stacey was never this nice to her at ngayon ay tinawag pa nito ang pangalan niya like they were friends.
"Kailangan ko nang tapusin ang setup."
Stacey shrugged. "Whatever. Not like I care."
Tinalikuran na niya ito, naglakad pababa, iniisip na mawala na roon si Stacey Sevilleja.
