Chapter Text
Direction: Write your personal Information
Name: Achielle Zoren Jeon
Nickname: Azen
Age: 20 years old
Marital Status: Single
Program: Bachelor of Science in Nursing (3rd Year)
School: University of Santo Thomas
Other Information: Only child, picky eater, can't see without his glasses, loves to read books, loves anything that is color purple and has 2 cats (chichi & zoe).
Looking back, that day felt like the beginning of everything—ang araw na unang beses na tumanggap si Azen ng tulong mula sa iba, at ang panutong nagkamaling siyang basahin na habambuhay niyang dadalhin.
Timeline: Grade 12 — tatlong taon bago ang kasalukuyan.
Sa klase hindi naman talaga naiiwasan ang pagkokopyahan. Mapa exam, assignment, activity o kahit nga diagnostic test hindi mawawala ang "tol patingin naman kuha lang ako idea". Na kahit nasa harapan ang guro ay hindi talaga maiiwasan ang pagtingin sa papel ng iba para lang magkaroon ng sagot ang blankong numero sa exam.
Sabi nga nila, kung may nangongopya, malamang ay mayroon ding nagpapakopya.
Pero si Azen, wala sa dalawang 'yan. Hindi siya sanay mangopya at hindi rin niya gustong nagpapakopya. He actually likes studying. Ang lahat ng sagot niya sa exam, recitation, activity at assignment ay bunga ng sakripisyo niya sa pagbabawas sa oras ng paglalaro niya. Never siyang pumasok sa school na walang laman ang utak niya at hindi siya nakapagreview dahil takot siyang may mablankohan sa bawat exam, takot siyang hindi makasagot sa tanong ng teacher niya, at higit sa lahat, takot siyang bumagsak. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay kaya ng utak nating umintindi. Kahit ilang videos pa sa YouTube ang panoorin mo, minsan wala pa ring pumapasok sa isip mo.
Gaya ngayon.
Napakagat ng labi si Azen at pilit isinasaksak sa utak niya ang notes niya. Kagabi niya pa iniiyakan at pilit iniintindi ang lesson nila sa physics pero hindi niya talaga makuha kuha kung paano isolve. Hindi naman kasi siya ganoon kagalingan sa pagsolve ng math, masipag lang siyang mag-aral kaya kahit papaano ay naipasa niya ang calculus noong grade 11 siya. At ang buong akala niya rin ay wala ng math sa grade 12 dahil iyon ang sinabi sa kanila last year. Meron pa rin pala. Scam!
"Okay class, pakitago na ang notes and bring out one yellow paper. Magququiz na tayo."
Eto na. Eto na ang katapusan ni Azen.
Napabuntong hininga siya at isinara ang notes niya. Habang kinukuha niya ang yellow paper niya ay halos tawagin niya na ang lahat ng santo at bumulong na sana ay ipasa siya. Alam naman niyang malabo siyang mazero dahil palaging GRESA ang pagsagot sa quiz nila sa physics. Ang kaso lang, sampung puntos ang kada number. Lalagapak agad siya sa 7 points na solution at answer at ang paniguradong maitatama niya lang ay ang given, required at equation na nahahanapin mo nalang dun sa problem.
3 points lang kada number ang makukuha niya. Wala pa sa kalahati!
"Uy, Asin ay... Azen pala."
Napalingon siya sa katabing upuan niya at nakita niya si Exe na nakangiti at nakaturo sa papel niya.
There he is—the oh-so-smart math wizard boy.
"Pwede pahingi ako papel?" Halos pabulong na sabi nito habang nakangiti pa rin sa kaniya. Napataas ng kilay si Azen sa sinabi ng lalaki dahil first time nitong kausapin siya.
"Ako ba kausap mo?" tanong niya dito habang tinuturo ang sarili para makasiguradong siya nga ang kausap nito.
"Syempre, ikaw lang naman katabi ko. Unless may nakikita kang iba," sagot nito sabay mahinang tumawa.
"Huwag kaya kitang bigyan," pagtataray niya dito atsaka muling tinaasan ng kilay.
"Grabe ka naman, sige na bigyan mo na ko dali ayun na 'yung test paper oh," sabi nito kaya napatingin siya sa harap at nakita niyang pinapasa na palikod ang test paper na binigay ng teacher nila. Muli siyang humarap kay Exe at nakita niyang nakangiti pa rin ito at nakalahad ang kamay. Ang tali-talinong tao tapos walang dalang papel.
Inirapan niya ito atsaka binigyan ng dalawang pirasong yellow paper.
"Salamat, Asin," sabi nito pagkatapos kuhain ang papel.
"It's Azen. Not Asin," may inis sa boses na sagot niya sa lalaki.
"ah, gege. lamat pa rin dito."
Muli siyang napairap atsaka kinuha ang test paper na inabot ng nasa harap niya. Hawak niya na ang test paper nila sa physics at parang gusto niya nalang na umiyak at iuntog ang ulo niya sa pader.
Jusko po! jusko po! panginoon kaawaan mo po ako!
Pagkabasa niya palang sa unang tanong ay hindi niya na agad alam ang isasagot. Napasapo nalang ng noo si Azen atsaka sinulat ang given, required at equation sa bawat problem. Atleast secured na ang 3 points sa bawat number!
Bakit ba kasi hindi siya pinanganak na magaling sa math? Ano bang mga kinakain ng mga taong magaling dito? Kumakain ba sila ng calculator? Sinusubukan niya naman eh. Ang kaso may love-hate relationship talaga siya sa subject na may solving at equation. Minsan mabilis naman niyang nagegets kung paano, minsan naman gusto niya nalang maglumpasay sa sahig dahil hindi niya talaga makuha ang tamang sagot.
Kanina niya pa inuulit ulit basahin ang bawat problem at kanina pa rin siya nagsosolve sa scratch paper niya. Pero kagaya ng ballpen niyang malapit ng maubusan ng tinta, malapit na ring tumulo ang luha niya. Sa totoo lang, inggit na inggit talaga siya sa mga taong hindi na kailangang maglaan ng mahabang oras sa pag-aaral dahil natural na silang matalino. Kung tutuusin, hindi naman basehan kung may bagsak kang iskor sa exam eh, pero ewan ba ni Azen. Para sa kaniya, parang tanikala 'yung mababang marka—kumakapit sa leeg, sumasakal sa puso. At sa bawat pulang bilog na nakikita niya sa papel, pakiramdam niya, unti-unti siyang nauupos.
Nag-iisang anak lang siya, at dahil doon, mataas ang expectations sa kaniya. Wala siyang kapatid na kahati sa mga pangarap ng mga magulang niya—lahat ng pag-asa, lahat ng tiwala, nakapatong lang sa kaniya. Lahat binibigay sa kaniya—gamit, tuition, pang-review, kahit nga mga bagay na sobra-sobra na sa kailangan niya. Wala siyang dahilan para pumalya. Kaya sa simpleng pag-aaral na nga lang, na siya na lang dapat ang bahala, mababa pa rin ang iskor niya?
Lumaki siyang may kumpletong suporta—magulang na laging handang gumastos para sa edukasyon niya, mga taong laging may mataas na paniniwala sa kaniya dahil anak siya ng pamilyang kilala, respetado, at may pangalan. Kaya doble ang bigat—hindi lang para sa sarili niya ang bawat bagsak, kundi parang kahihiyan din para sa apelyido nilang dala niya.
Ewan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kasalanan ang hindi maging matalino.
Naputol ang pag-iisip at pagsusulat ni Azen nang may kumalabit sa kaniya. Napalingon siya sa gilid, at tulad ng kanina, nakangiti na naman si Exe sa kaniya. Naiiyak na siya pero ewan, parang bumilis ang tibok ng puso niya. Sa dami ng estudyanteng halatang puyat at lutang na sa stress, si Exe lang ang mukhang hindi apektado. Palagi pa itong nakangiti kaya kitang kita rin ang mga pangil niya. Exe had that kind of face that stood out without trying. His skin also had a warm golden tone that seemed to glow softly under the classroom lights. Siya na ang pogi, nasa kaniya pa ang dating.
"Hindi ka pa tapos?" halos pabulong na tanong nito sa kaniya.
Mabilis na umiling sa kaniya si Azen. Ayaw niyang makipag usap dahil pakiramdam niya ay maiiyak na siya.
Exe was one of the people Azen quietly envied. He was one of those students who could get perfect scores even without studying. It all seemed so easy for him. Almost all of their classmates would ask him for help or to explain lessons they didn’t understand. He was the type of person others naturally looked up to—not just because he was smart, but because he was always willing to help. He made difficult things sound simple, and he never made anyone feel stupid. Azen couldn't help but wish he was like that too.
"Mali yung ginawa mo po. wala ka pong isosolve dyan at hindi po naka GRESA," pabulong ulit na sabi sa kaniya ni Exe at tinuro ang direction sa papel.
Napakunot-noo si Azen, at muling binasa ang panuto sa test paper. Doon niya lang napansin ang katangahan niya. Gusto na lang niyang lumubog sa upuan niya. Kapag kinakabahan kasi siya, parang nawawala siya sa sarili. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya at kabaligtaran palagi sa panuto ang nagagawa niya kahit malinaw naman ang pagkakasabi o magkakasulat.
"Oh my god," taranta niyang sabi, sabay kuha ng bagong yellow paper sa bag niya.
“Last 3 minutes. Puwede na magpasa ang mga tapos na,” sabi ng guro nila mula sa harap.
Parang malalagutan ng hininga si Azen. Wala pa siyang naisusulat ni isang sagot. Pinilit niyang basahin ulit ang mga tanong, pero wala na—blangko na ang utak niya. Parang naglalakad siya sa ulap, at hindi niya alam kung saan siya pupunta.
"Kopya ka na sa'kin," Exe said with a warm smile. He also tilted his paper slightly so Azen could see it better.
"What? No." sagot ni Azen at bahagyang umiling, pero nagsimula nang tumulo ang mga luha sa pisngi niya.
"Isipin mo na lang, kapalit 'to ng binigay mong papel sa'kin kanina," Humarap siya saglit sa harap at nakita niyang marami na ang nagpapasa ng papel. Muli siyang tumingin kay Exe, at mas lalong lumawak ang ngiti ng lalaki sa kaniya—na para bang sinasabi nitong ayos lang. Napabuntong hininga nalang siya at dahan-dahang tumingin sa papel nito.
"Thank you... thank you" bulong niya nang paulit-ulit, habang pinapahid ang luha at kinokopya ang mga sagot nito.
Wala na siyang pride sa sandaling 'yon. At hindi na rin mahalaga kung mukha siyang desperado. Ang meron lang siya ay pasasalamat at isang bagay lang ang pumasok sa isip niya—nasabi niya na bang sobrang bait ni Exe?
-End of flashback
3rd year college na si Azen. Nursing sa UST. Sa dami ng requirements, halos hindi na niya maalala kung anong pakiramdam ng walang iniisip. Hindi pa man siya gumagraduate pero parang pagod na pagod na agad siya sa buhay. Lahat na lang ng klase nila may case study, return demo, clinical duty, quiz bee, at kung anu-ano pang nakakaubos ng utak at oras. Kaya nang biglang nag-message ang prof nila na hindi ito makakapasok, parang literal na bumaba ang langit. May dalawang oras siyang vacant. Sa wakas, makakapagpahinga rin kahit kaunti.
Ang kaso lang makakapagpahinga ba siya kung sa labas palang ay kitang kita na niya si Exe?
Nandito sila ngayon sa labas ng restaurant na ang may-ari ay ang pamilya ng boyfriend ng kaibigan niyang si Hannie. Nakita niya rin sa loob na nandoon na ang ibang kaibigan nila kaya nabuntong hininga nalang siya at sumunod na pumasok kay Hannie. Buti nalang masarap ang matcha rito!
Pagpasok niya ay agad siyang umupo sa tabi ni Shua—medyo malayo sa kabilang table kung saan naroon sina Seungcheol, ang boyfriend ni Hannie, at ang mga tropa nito… kabilang na si Exe.
At syempre, parang may radar na naman ang lalaki. Wala pa man limang segundo mula nang maupo siya, naramdaman niyang parang may nakatitig sa kaniya. Kaya tumingin siya sa gilid—at ayun nga. Exe was looking at him. No—staring, like he had absolutely nothing better to do. Staring at him like he was some kind of puzzle he wanted to mess up, not solve. That same playful look in his eyes, like he was waiting for a reaction. As if annoying Azen had become his favorite daily hobby.
Agad siyang tinaasan ng kilay ni Azen pero tinawanan lang siya nito at tumayo sa upuan tsaka pumunta sa may counter.
"Naorder ko na 'yung sainyo ni Hannie ah," Sabi ni Kwan habang busy sa pagkalkal ng bag niya.
“Thanks,” sagot ni Azen sabay abot ng pera, pero agad din naman iyong ibinalik ni Kwan.
"Hindi, libre raw 'yung sa inyo dyan" sagot nito sa kaniya dahilan para kumunot ang noo niya.
"Huh, sino—" He didn’t get to finish what he was saying because someone placed a glass of matcha in front of him. Pag-angat niya ng tingin, halos automatic na rin ang pagkunot ng noo niya.
Si Exe.
"Namali kuha ko eh, sorry. Pero libre na 'yan ng crush mo dati," sabi nito sa kaniya sabay kindat.
Napasalubong nalang ang kilay ni Azen, sabay irap. Kung puwede lang sanang ibato ‘yung baso ng matcha sa mukha nito, baka ginawa na niya.
Dalawang oras na bakante. Dalawang oras na sana'y para sa katahimikan.
Pero ngayon, hindi na siya sigurado kung dalawang oras nga ba ito ng pahinga...
…o dalawang oras ng ulit-ulit na pang-aasar mula sa isang lalaking tila ginawang full-time job ang inisin siya.
19:30 pm
Imessage
Ate Weng
Ate Weng:
Nak, papatayin 'yung kuryente ngayon sa building. May kailangan kasing ayusin.
Me:
Hello po, saglit lang po ba iyan?
Ate Weng:
Nako baka medyo matagalan eh.
Napabuntong-hininga si Azen habang isinakbit ang bag sa balikat. Katatapos lang ng klase niya, pagod na pagod na siya, at may quiz pa sila bukas—major subject pa. Sa isip niya, siyempre, kailan ba naging madali ang buhay nursing? Gusto niya sanang umuwi para makapag-review nang maayos, kaso ayun nga, walang kuryente. At wala ring signal sa unit kapag walang power. Kainis.
Puno rin ang library—as usual—at hindi siya makapag-concentrate sa mga lugar na parang palengke ang ingay. He was about to chat Hannie kaso naalala niyang nagsabi pala ito kanina na didiretso sa groupings niya. Walang ring silbi kung makikituloy siya kina Kwan, Jun, at Shua dahil pare-pareho lang sila ng condo building—lahat apektado ng brownout.
Wala naman sigurong masyadong tao dun sa restaurant nila Seungcheol no? Anong oras na rin naman atsaka malakas kasi ang wifi doon at may saksakan naman. Sana lang din ay wala dun ang ultimate source of stress niya.
Halos 15 minutes ang nilakad ni Azen para makarating doon, sakto dahil wala talagang masyadong tao. Nasa tatlo o apat nalang ang tao sa loob, Hindi siya sigurado, may isang table kasi na puro kalat at drawing. Art student siguro, naisip niya habang diretsong naglakad papunta sa counter. Umorder agad siya at pagkatapos ay saka umupo malapit sa saksakan—katabi ng mesa na may magulong papel.
Habang naglalabas ng gamit si Azen—iPad, notebook, highlighter, napatingin siya saglit sa mga drawings sa tabi niya. Maganda. Precise. Detalyado. In fairness, bulong niya sa sarili, may talent.
Nagsimula na siyang magbasa. Review, highlight, memorize, ulit. Paulit-ulit hanggang sa maramdaman niyang may naglapag ng tray sa harap niya.
“Thank—ikaw na naman?!” Halos lumundag ang boses niya pagkakita kay Exe. Kailan ba ako lulubayan ng lalaking'to?
"Grabe naman, parang sawang sawa ka na sakin. Parang hindi naging crush dati ah," Sabi nito sabay halakhak at inalis sa tray ang pagkain ni Azen. Azen rolled his eyes. Hard. So hard he could see his soul.
"You're so annoying," iritang sagot niya dito.
Exe grinned wider. “You’re welcome,” sabay talikod sa kaniya.
Azen stared at his food for a few seconds, trying to process kung anong mas nakakapagod—yung review materials niya o ‘yung presensya ng lalaking 'yon. Why is he always here?
Hindi niya maintindihan. Bakit ba laging nandito si Exe eh ang layo-layo naman ng school nito. UP Diliman?? Like, hello? QC to España?? Sa traffic ngayon, para na ‘yang long-distance relationship. Atsaka wala bang masyadong ginagawa 'to at talagang dito niya naiisipan tumambay lagi?
Napailing nalang si Azen atsaka nagsimulang kumain habang nagrereview. Halos ilang oras din ang nilaan niya sa pag-aaral ng mapagdesisyunan niyang magpahinga ng kaunti. Inilapag niya ang highlighter niya atsaka pinikit ang mata.
Pero syempre, kailan ba siya pinatahimik ng universe?
Azen felt the chair across from him scrape against the floor, the screech of metal on tile made his brow twitch so he quickly opened his eyes.
And yep, there it was.
Si Exe nanaman. He was holding a tray and smiling like he knew exactly how annoying he was—and enjoying every second of it. His golden skin caught the warm cafe light, and that little fang peeked out just enough to make his smirk look even more smug. Parang sinadya talaga ng tadhana na hindi siya matahimik ngayong gabi.
Umupo si Exe sa harap niya habang kinuha nito ang plato niya at inilagay sa tray.
"Pagod?" Tanong nito habang pinunasan ng tissue ang lamesa niya.
"Oo at wala akong panahon para sa pang-aasar mo." Azen shot back immediately, not even bothering to look at him. He pressed his forehead against the table, hoping that would be enough of a signal for Exe to leave him the hell alone
Hindi sumagot si Exe kaya natahimik sila ng ilang minuto. But of course, silence wasn’t victory—it was bait. Inangat ni Azen ang ulo niya para tingnan kung ano ang ginagawa nito but Exe was just sitting there, looking at him. Chin propped on one hand, eyes fixed on Azen like he was some sort of live drama series and Exe had front-row tickets.
"Bakit ka ba nandito? Don’t you have classes? Wala ka bang kailangan i-review?" tanong ni Azen habang nakakunot ang noo.
"Tapos na ako," Exe replied simply.
"Layo-layo ng school mo, bat trip mo rito tumambay? QC to España? For what? Kape? Matcha?" sarkastikong tanong niya dito.
"Di ba pwedeng namimiss lang kita." sagot ni Exe habang kinukuha ang isa sa mga highlighter ni Azen at pinaglaruan ito sa daliri niya. Azen’s breath caught in his throat at ramdam niya rin na namula ang pisngi niya kaya agad niyang inirapan ito at binawi ang highlighter.
“Touch my stuff again and I’ll stab you with this. Seriously.” pagsusungit niya. Exe grinned wider, that fang flashing again like he knew exactly what he was doing.
“Uy, kinilig. Confirmed. May feelings pa rin si Future Nurse,” he teased, then chuckled like he won something.
"Bwiset ka umalis ka na nga dito!" Inis na sabi niya at sinipa ang tuhod nito sa ilalim ng mesa.
"Aray! masakit ah. Ganyan ba ang mga nurse? Paano kapag ako pasyente mo, susungitan mo pa rin ako?" Tanong nito habang hinihimas ang tuhod niya.
"Depende, kung pasyente kita, baka lagyan kita label na ‘Annoying – Handle with Caution.’ at malamang, ipapasa agad kita sa ibang nurse na may mahaba ang pasensya! " Inis na sagot niya.
“Tsk,” Exe clicked his tongue, leaning back on his chair but still staring at Azen with that annoying smile.
"Grabe ka talaga," he said, tilting his head a little. "Paano kung sayo ko lang gusto magpa-alaga?"
Azen’s jaw tightened. He tried to ignore the small, quick skip of his heartbeat and kept his face straight.
“Then you’ll be the most neglected patient in history,” he answered in a sarcastic tone.
"Impossible, kayang kaya ko kuhain attention mo eh." Nakangiting sabi nito sa kaniya.
Napapikit nalang si Azen dahil mukhang wala talagang balak na si Exe na tigilan siya. Umiling siya dito at tumingin sa orasan. His eyes widened. Lagpas alas-nuebe na pala. He remembered his cats—who probably hadn’t eaten yet—and quickly started fixing his things.
“Uy, bakit nagmamadali?” Exe asked.
“’Yung mga pusa ko, hindi pa kumakain,” Azen replied while putting his stuff away.
Exe stood up too, stretching his arms lazily. “Sige na, ihahatid na kita. Delikado na maglakad mag-isa sa ganitong oras.”
Azen gave him a side glance, about to refuse, but decided he didn’t have time to argue. “Fine.”
They walked side by side along the dimly lit street. The air was cooler now, and the sound of crickets filled the silence between their footsteps. Every few minutes, Exe would make small comments about random things they passed by—a parked tricycle, a stray dog sleeping by a sari-sari store, even a lamp post that flickered like it was about to die.
After a while, Azen slowed down, looking around. “Uh… teka lang… parang nakita ko na ‘to kanina.”
Exe stopped too, turning his head slowly before letting out a short laugh.
“Nakadaan na tayo dito kanina.”
Azen frowned. “Sigurado ka?”
“Sigurado. Kapag talaga kinakabahan ka o kung may iniisip ka, nawawala ka sa direction, no?” nakangiting sabi nito sa kaniya.
“Parehas lang kayo ni Shua ng condo, diba? Doon ang daan papunta ro’n. Tara na,” dagdag ni Exe, bago pa siya makatanggi ay hinawakan na nito ang kamay niya para tumawid.
Azen stiffened a little at the sudden touch but didn’t pull away, just followed his lead across the street.
After a few more turns—this time without getting lost—they finally stopped in front of Azen’s condo. The building’s lights were back on, the warm glow spilling out of the windows and the lobby, a clear sign na may kuryente na ulit. Azen adjusted his glasses and glanced at Exe.
“Thank you… and sorry, naligaw pa tayo,” nahihiya niyang sabi dito at bahagyang ngumiti
“Ayos lang,” Exe replied easily, his grin returning.
“Alam ko namang gusto mo lang akong makasama pa.”
That instantly erased Azen’s smile and replaced it with a frown. Nasabi ko na bang sobrang nakakainis si Exe?
