Actions

Work Header

Letra para sa aking mahal

Summary:

Tatlong letra para sa kanilang iniibig. Isa'y paalam, isa'y pagpapatawad, at isa'y pangako.

Notes:

Okay... Di ko actually in-expect na magiging ganito yung result pero... Ehe?

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Alalang-alala ko pa. Ang panahon ng ating ibigan, kung saan ako lamang ang nasa iyong paningin, isip, at puso. Ngunit ngayon, habang ako ay nakatayo sa harap ng daan magbabalik sa akin sa tunay kong kinaroroonan. Ika’y ikakasal sa babaeng pinangako sa iyo ng mga magulang mong kay giting. Hindi ako ang babaeng ito. Sapagkat, isa akong lalaki, isa kang lalaki, ako’y isang lalaki na hindi nabibilang sa iyong panahon. Ang katulad kong umiibig sa kapwa na lalaki ay hindi tanggap sa panahon mong babae at lalaki lamang ang pwede. Kaya’t ako’y lilisan na. Papalayo sa iyo upang hindi mo na ako masaktan. Papalayo sa lugar na ito na walang hustisya, at papalayo sa kaligayahan na nahanap mo sinta. Paumanhin sapagkat hindi na ako magbabalik. Hindi mo na ako maaaring makita pa, Rui. Pakiusap, kalimutan mo na ako at ang pinagsamahan natin. Hindi tayo para sa isa't-isa, bilang kaibigan, at bilang magkasintahan. Salamat sa lahat, at sana’y ang iyong kasal ay matagumpay. Ika’y aking mamahalin habang buhay, kahit na mali, kahit na hindi pwede. Paalam. 

Ang iyong kaibigan, Tsukasa.

 

 


 

Sinundan kita sa isang lugar na hindi ko nakasanayan, isang lugar na puno ng matataas na straktura, mga sasakyan, at iba pa. Ang kasal na hinahangad ng aking mga magulang ay hindi natuloy dahil sa aking pag tanggi. Hindi ko kayang umibig ng iba habang ika’y nabubuhay pa. Kung ako’y mahal mo rin, handa akong tumalon ng ibang lugar upang makasama ka. Labis kong ninanais na hagkan kang muli, maka-usap, at kung papayagan, ay halikan ka. Noong lumisan ka sa mundo na ating kinalakihan, para bang may parte ng aking puso na nawala, hindi kita kayang pakawalan. Kung hindi mo kayang baguhin ang paniniwala ng mga tao sa panahon natin, ako’y susunod sayo upang mahalin ka ng tama. Sabi mo’y ako’y mamahalin mo habang buhay aking sinta. Ngunit ano itong nadatnan ko? Masaya kang nakangiti at tumatawa sa isa pang ginoo na hindi tulad ko. Isang mahiyaing ginoo na humalik sa pisngi mo ng walang takot. Sa totoo lamang, ako’y nainis dito at handa nang atakihin ang lalaking ito. Ngunit, ang kasiyahan mo’y hindi na ako. Kundi't ang lalaking ito. Isa akong hangal para mag-isip na hihintayin mo ako habang-buhay. Paumanhin, kung ako'y nagmadali, kung nahanap kita ng mas maaga. Paumanhin muli, sana’y masaya ka sa lalaking ito. Isang lalaking hindi takot na ipakita ka sa mundo, isang lalaki na hindi tulad ko na hindi man lang masabi na mahal kita. Tsukasa, babalik ako sa panahon natin at ikakasal sa bagong babae. Hindi ko man nakamit ang aking kasiyahan, nakamit mo naman ang iyo. At sapat na ito sa akin. Paalam.

Ang iyong kaibigan, Rui.

 

 


 

Tsukasa, aking mahal, nahanap kita sa isang lugar na puno ng takot, sinauna ang iyong kasuotan at iba ang iyong paraan ng pagsasalita. Inuwi kita sa aking tahanan kung saan sinabi mo sa akin ang totoo. Mahirap man paniwalaan, walang makakatanggi rito. Tinuruan kita ng pamamaraan ng pamumuhay sa lugar na ito, inamin mo sa akin bakit ka lumisan sa iyong panahon, hindi ko alam bakit umiyak ako dahil dito. Mahal ko, natuto ka sa teatro at napamahal ka rito, nasanay ka sa pamamaraan dito. Sabay tayong nag-ganap ng iba’t-ibang tauhan. At sa pagtagal, ako’y napaibig sayo. Ngunit may lalaki na sa iyong puso, isang magiting na lalaki na hindi mo naibig ng maayos. Hindi ko kayang pantayan ang lalaking iyon, na siyang kasama mo ng ilang taon bago ako. Isa lamang akong lalaki na tumulong sayo upang manatili sa lugar na ito. Tinago ko ang aking nararamdaman upang hindi ka mapilitan na tanggapin ito. Ngunit sa isang gabi, lumapit ka sa akin at hinalikan ako sa sarili kong kwarto. Ang pangalan ng lalaki na lagi mong binibigkas sa iyong tulog ay napalitan sa pangalan ko. Hindi ko alam ang aking gagawin habang tinitingnan mo ako na may konting hiya, ngunit hinayaan kita at hinagkan, dahil ito ang matagal ko nang ninanais. Kaya’t Tsukasa, mahal ko, mas lalo kang sumaya nung naging tayo, hindi ako nahiyang halikan ka kung saan dahil sa iyo, hindi ka rin takot na halikan ako at sabihin na mahal mo ako. Mabilis akong magselos ngunit hindi ka nainis dito. Inamin ko, na ang lalaking dati mong iniibig ay nakita ko noong nasa labas tayo pagkatapos kong halikan ang iyong pisngi. Tumingin siya sa atin na para bang nasasaktan at may naiwan na letra. Noong binasa mo ito, natakot ako nang bigla kang umiyak. Natakot ako na iiwan mo ako para sa lalaking dati mong iniibig. Ayaw kong mangyari ito. Noong tulog ka, ang pangalan niya muli ang binibigkas mo.

 

Kay sakit na marinig ang pangalan ng ibang lalaki sa mga labi mo, ngunit may sumunod. Binulong mo ang pangalan ko na puno ng pagmamahal kahit na wala kang malay. Hindi ko napigilan ang mga luha ko na siyang nag-gising sayo. Inamin ko ang aking nararamdaman, at imbes na magalit, sinabi mo saakin na ako lamang ang iyong mahal at ang lalaking iyon ay isang matalik mong kaibigan. Umiyak ka dahil mas pinili niyang ikasal sa babae na pinili ng kaniyang magulang imbes na maghanap ng tao niyang mahal. Naawa ako at nagalit sa sarili dahil sa aking pag-iisip. Kahit na ganoon, hinagkan mo pa rin ako at hinalikan. Mahal ko, ako’y nagpapasalamat sa iyo. Balang araw, papakasalan din kita.

Iyong Sinta, Reki.

 

“Reki? Madaling araw na, ano pang ginagawa mo.” Inaantok na bilin ni Tsukasa. “May tinapos lang sorry.” Tinago agad ni Reki ang nota at sinamahan ang lalaki sa kama. “Mas lalong lalabo mata mo kung laging sa gabi ka gumagawa.” Tinanggal ni Tsukasa ang salamin ni Reki at hinalikan ang mga mata nito. “Hindi na mauulit mahal.” Nilagay ni Tsukasa ang salamin ni Reki sa nightstand bago ito kinumutan at niyakap. “Sabi mo yan. Ang cute mo pag may glasses pero ayokong lalabo mata mo to the point googly eyes ka na.” Hinampas ni Reki si Tsukasa na nagpatawa rito. “Baliw ka talaga. Tulog na tayo.” Hinalikan ni Reki ang kaniyang nobyo at pinikit ang mga mata nito. Naghintay siya ng ilang minuto bago marinig ulit ang boses ni Tsukasa. “Reki…isa pang hali…” Napangiti si Reki at hinagkan ang lalaki. “Baliw, pati sa panaginip wagas kung makahingi ng halik.” 

Notes:

I was going for like a Marria Clara and Ibarra type of fanfic but like Tsukasa went to the modern world to move on from Rui then Rui followed him to make him fall in love with him again and his hurdle is Tsukasa's ex, Reki. But I suddenly had the thought of not wanting Reki to be an ex, so what if Tsukasa broke his heart and returned to Rui? But I don't wanna break Reki's heart and make Tsukasa like an a-hole so I ended up with this. :3 I love Reki so much I don't want to hurt him wahahahah