Actions

Work Header

Mayor, Baka Naman

Summary:

At umabot na nga sa kaniyang atensiyon ang gwapong alkalde ng Sto. Rosario at sa hindi malamang paraan ito ay naging panatiko at taga-sunod ika nga ng mga tao ay siya ang presidente ng "Fansclub" ni Mayor Wonwoo Jeon na dating anak ng Barangay Captain na si Arthur Jeon sa kanilang Barangay.

Hindi lubos maisip ni Mingyu Kim na ganun ang kaniyang kahihinatnan.
Tila ba ay pinaglalaruan siya ng puso niya para ma-inlove sa isang Mayor o dahil sadyang gwapo lamang ito sa kaniyang paningin.

Samahan si Mingyu Kim sa pag-tuklas ng tunay niyang nararamdaman.
Welcome sa Sto. Rosario, ang lugar kung saan natutupad ang mga pagmamahalang nabuo.

Notes:

Una sa lahat halos hindi ko na matandaan kung kailan yung huli kong sulat dito pero hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nagkaroon ng atensyon sa SEVENTEEN. Siguro dahil busy ako sa trabaho at sadyang nalimutan ko lang sila panandalian pero sana ngayon tuloy-tuloy na.

Hindi ko alam hanggang saan ang Mayor, Baka Naman pero ang nais ko lang naman iparating na minsan hindi lahat ng opisyales ay corrupt at may kinalaman sa flood control. Gusto lang naman nila ring maglingkod sa bansa at para sa Pilipino.

I hope you will like this alternative universe AU I have written, at this point nasa 5% nalang ako pero kakayanin sir.

Chapter 1: Si Mayor at si Mingyu.

Chapter Text

Ang buhay sa Sto. Rosario ay tahimik lamang palibhasa isa itong lungsod na kung saan maayos ang mga namumuno at walang kurakot, pero siyempre hindi naman nawawala ang katiwalian at minsan nadadamay lang rin ang iba. Pero hindi ito dahilan para gumawa ng masama at magkaroon ng takot ang mga tao sa pulitiko sa halip ay maging daan ito para sa ikakaganda ng bansa. Isang tahimik na araw ng Biyernes sa lungsod ay nagsisimula nang magbukas ang mga tindahan sa harap ng munisipyo, may mga bata rin sa daan na patungo sa public school na kalapit lamang sa munisipyo dahil tuwing Biyernes kasi ay walang pasok ang mga nasa gobyerno kung kaya ang payo ng alkalde ay magtayo ng mga stalls sa area na napag-meetingan. 

"Dalian mo naman Mingyu! Para ka namang baliw diyan, kaya nga sabi ni Mayor walang pasok ngayon para makapagtinda ako ng mga pagkain" ika ni Ludette "Ludy" Kim, nanay ni Mingyu na ating bida. 

Nagamamadali na naman silang mag-ina dahil paano ay ang tagal bago makaalis ng kanilang ama kung kaya ay late na silang nakapag-handa ng pagkain. 

Si Nanang Ludy o kilala bilang Tita Luds ng Sto. Rosario ay ang nag-iisang tagaluto sa canteen ng munisipyo at halos ilang dekada na rin siyang nagsisilbi doon, di yata ay napagtapos niya si Mingyu at Amy sa pag-aaral dahil lang sa pag-luluto. Ika nga ni Mayor Pogi ay manyaman ya ngan lutu. 

"Si Mama parang ewan naman akala mo naman talaga si Mayor ang kakain ng luto mo ano!" sagot naman ni Mingyu na nakabusangot na sa init. 

"Mahalaga ay may kinikita pa rin tayo, pareho kayo ng ama mo masyadong negative pero balita ko dadaan si Wons ngayon dito dahil kada biyernes naman ay nilalakad nun yung aso niya hindi ba?" tanong ng kanyang ina. 

 

Sa totoo lang alam na ni Mingyu ang schedule ni Mayor, pero ayaw lang niyang ipahalata dahil baka sabihin ng mga kasama niya sa trabaho ay may crush siya sa alkalde pero ang totoo naman ay patay na patay siya rito. Pagkatapos silipin ni Mingyu ang groupchat nila ay minabuti nitong maghanda ng maiinom kung sakali mang dumaan ang Mayor nila ay mayroon siyang ibibigay na pamatid uhaw. 

Pagkatapos nilang mag-latag ng mga paninda at ulam ay kaagad na dinumog ito, siyempre lahat nga naman masarap lalo na yung taong parating na malayo palang naaaninag na ni Mingyu. 

"Tita Luds, isa ngang binagoongan" malambing na pagsasalita nito. Napansin naman siya ng ibang mga bumibili at agad silang sumaludo at binati ang batang alkalde. 

"Anak, iuuwi mo ba ito o dito ka kakain?" tanong ni Nanang Ludy. 

 

Humanap naman ng pwesto si Mayor at tumapat pa sa lugar ni Mingyu na tahimik na kumakain rin.

"Dito ho, wala namang tao sa bahay eh alam mo naman yung mga tao doon Tita Luds, masyado pong busy sa pag-aaaro sa bukirin ni Tatay" sagot naman nito at umupo. 

"Buti ho hindi ninyo kasama si Amy? May part-time po?" tanong nito. 

"Kasama si Margie, yung kapatid ninyo eh alam niyo naman po yun masyadong idol si Margie kaya panay sama nasa library daw sila ngayon eh" 

"Si Gigi talaga hindi man lang tumulong eh, ikaw Mingyu? anong atin ngayon?" bumaling ang tingin ng alkalde sa sumasandok ng pang-anim na kanin niyang si Mingyu. 

"Usual Mayor.. wala namang bago" sagot nito. 

 

Si Mingyu Kim naman ay ang secretary ni Mayor Wonwoo Jeon sa kaniyang opisina, hindi naman sila gaanong busy dahil madalas ay nagagampanan ni Mingyu ang mga tungkulin dapat ni Mayor pero minsan naman ay palitan sila ng mga ginagawa. Di yata ay sila ang tinatawag ng buong lungsod na dream team dahil masyado silang close sa isa't- isa. Di yata ay magkaibigan na sila mula pa elementarya at hanggang kolehiyo at hanggang sa kanilang pagta-trabaho ay magkasama sila kaya kilalang-kilala na nila ang hilig at ayaw ng bawat isa. 

"Walang girlfriend?" biro ni Mayor. 

Sus. Girlfriend, ikaw nga gusto ko. ika ng isip ni Mingyu. 

"Wala. eh ikaw Mayor, pinopormahan mo raw si Anna yung sa release ng permit?" seryosong tanong nito. 

Napatingin naman sa malayo si Mayor, hindi naman sa ayaw niyang sagutin pero kasi hindi naman na totoo ang mga paratang na iyon at minsan lang naman niya tinulungan si Anna dahil nahirapan noon. 

"Si Anna may boyfriend yun, ka-batch rin natin. Tanda mo si Jun? yun ang boyfriend nun, ikaw kung kanino mo ako chinichismis kaya kumakalat sa opisina eh" ika nito. 

Sinamaan naman ng tingin ni Nanang Ludy ang anak, "Ikaw kalalaki mong taong huwag kang nagkakalat ng chismis ha" ika nito at tumango naman ang anak. 

Halos ilang oras rin namalagi si Mayor doon at tuluyan nang umuwi doon ay nilabas ni Mingyu ang cellphone at tinipa ang keyboard nito. 

To: Seokmin 

Ang pogi talaga niya bading! Pero hindi daw totoo yung chismis na pinopormahan niya si Anna eh jowa pala nun si Jun eh.

SENT.

Alam niyang mamaya pa magrereply ang kaibigan pero dahil wala siyang mapagkwentuhan ay nanumbalik sa kaniya kung bakit gustong-gusto niya si Mayor Wonwoo. 


2012

"Ah! Kamote lang baon! Kamote lang! Kawawa ka naman Mingyu, highschool ka na tapos ganyan lang baon mo!" sabay tulak sa may katangkaran at katabaang si Mingyu.

"Kita mo naman Nanay niya bordagol baka kinain lahat ng Mama niya yung mga pagkain nila" ika naman ng isa. 

Sanay na sanay na si Mingyu pero hindi naman rin kasi ganun kadaling tanggapin ang mga bagay bagay.

"Aba ayos ka ah! sigaw ni Mingyu at tinulak rin ito. Hindi naman pala-away ito pero natuto narin.

 

Doon lumapit sa kanya si Wonwoo na may bitbit na lunch box. 

Simula noon hindi na nagutom si Mingyu dahil mayroon nang Wonwoo sa kaniyang tabi. 


Mayor Wonwoo

Mings, dala ka naman lugaw sa bahay lalagnatin ata ako. 

 

Ang bebe niya ay maysakit kaya pala kanina ay napaka-tamlay na nitong tignan. 

Isa na namang araw na papatunayan na naman ng tadhana kung gaano niya kamahal si Wonwoo,

Sana ay may paraan para masabi niya ito pero dahil sa estado nilang dalawa ang hirap yata sirain nung pagkakaibigan nila dahil lang may gusto si Mingyu sa kaniya. 

"Mama, nagpapaluto si Mayor ng lugaw dadalhin sa kanya" sigaw ni Mingyu. 

"Osige anak, magluto na ako bago tayo umalis dito sa pwesto" ika naman ni Nanang Ludy. 

 

Halos kalahating minuto lang ay luto ang lugaw na kapantay ay pangkinabukasang kainan na rin. 

Habang minamaneobra ni Mingyu ang tricycle ay binuksan nito ang munting radyo. 

.......Have I told you lately...that i love you...

Have I told you there is no one else above you

 

"Anak ng! Nananadya naman ang radyo.. Oo na! Sige na ako na single" sigaw nito habang papunta sa bahay ng makisig na alkalde. 

 

Ang susunod? Abangan nalang natin.