Work Text:
It was inevitable.
Kahit mga kaibigan nila, ‘yun din ang nakita at inaasahang mangyayari. All of them were just waiting when.
Seungcheol was pissed about it. Parang wala raw silang tiwala sa kanilang dalawa—sa kaniya raw mismo. Gusto naman niyang ilaban, ah. Puta, nilalaban naman niya nang tunay.
“Kaso ang hirap, tangina,” minsang mga bulong ni Seungcheol nang umuwi siya sa unit nila ni Jeonghan na para bang isang tao lang nakatira kung gaano kadalas hindi umuuwi si Jeonghan sa kaniya.
Bitawan na raw si Seungcheol. Itigil na daw niya. Kung paano raw siya mangulit at magmakaawa—itigil na raw niya. Nagmumukha na lang daw siyang tanga sa mga pinaggagagawa niya.
“Kayo ba ‘yung nauubos? Hindi naman, ah. Bakit ba kayo nangingialam?
Bakit ba kayo nandito?”
He was pushing everyone who cared for him—for telling him harshly of the ugly truth. It was as if Seungcheol made sure it was just him against all the odds. Just so happened that the odds were if Jeonghan still wanted him or not.
But Seungcheol did know.
Alam niyang may dead-end. Alam niyang nagkaroon ng biglang dead-end ang relasyon nila ni Jeonghan. Noong mga panahong puro na lang sila sigawan at sumbatan. Alam niyang matatapos sila. Alam niyang malapit na silang matapos.
It was the inevitable.
Both of them knew it was going to happen sooner than later.
“Baka pwedeng next week na lang?”
Seungcheol just hoped it could be postponed.
Imbes na dead-end, baka pwedeng expiration date na lang ang ihain sa kaniya muna.
May palugit sana. “Next week na lang, mahal. Pwede ba ‘yun? Parang ‘di ko pa kaya, eh,” ani ni Seungcheol habang pinupunasan ang luha at sipong tumutulo sa ilong niya, na siyang tinulungan din ni Jeonghan.
Lumuluha si Jeonghan. “Parang ang daya mo naman, mahal. Bakit umiiyak ka? Ikaw nga ‘tong gustong iwan ako, eh,” pabirong sambit ni Seungcheol.
Mahina pinalo ni Jeonghan ang braso ng nobyo niya. “Kasi masakit din sa’kin. Mahal kita, alam mo naman ‘yun, ‘di ba?”
Napatago si Seungcheol sa dalawa niyang palad—pinipilit itago ang mga hikbi. “Tangina, ang hirap naman nito.” Tinatapik-tapik ni Seungcheol ang dibdib niya, “ang sakit.”
“Mahal,” tawag ni Jeonghan.
Mabilis na umiling si Seungcheol. “Next week,” garagal pa ang boses. “Next week na lang.”
It was inevitable.
Baka this time next week, kaya na ni Seungcheol.
“Kaya ko na siguro next week.” Maasim na ngumiti si Seungcheol, gamit ang isang palad na panghilamos sa mukha niya at sa matang namumugto. “Kakayanin ko na next week. Bukas hanggang tatlong mahal kita na lang. Sa makalawa, isa na lang. Sa isang araw, hanggang mahigpit na yakap na lang. Hanggang sa isang linggo, ngitian mo na lang ako sana.”
Ang daming hinihingi ni Seungcheol. Pero kahit sana dito man lang mapagbigyan siya ni Jeonghan, dahil kung alam nila parehas na matatapos din ang relasyon nila at some point—both of them knew as well that Seungcheol was doing more in the relationship. Kaya sana kahit dito man lang—
“Okay,” pagsang-ayon ni Jeonghan. “Next week.”
Both of them saw it coming. Seungcheol was just making a grounding effort to not let it happen sooner. Pero biglang luminaw, eh.
There was no protest at all. Just plain okay. Na para bang ayaw na talaga ipaglaban ni Jeonghan si Seungcheol.
Kaya sige, hanggang next week na lang. “Next week na lang, mahal.”
Hanggang sa wala nang matirang sana sa kaniya
