Work Text:
Maingay,
Magulo,
Sari-saring mga boses, tunog ng kotse, at kung ano-ano pa.
Hindi ko na mapigilang tumayo at lumabas ng cafe, hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko. Naiirita lang ako lalo. Uuwi nalang ako. Nagtungo ako sa daan papuntang train station, suot ang headphones at nagpapatugtog ng pagkalakas-lakas na metal music. Habang naghihintay sa tren ay nakatulala lang ako. Nitong mga nakaraang araw... ano bang ginagawa ko?
Kumain,
Matulog,
Magtrabaho.
Ayon lang.
Napabuntong hininga ako. Paulit-ulit, nakakapagod.
But there was a time,
Noong masaya pa kumain,
Noong masaya pa matulog,
Noong masaya pa akong umuuwi galing trabaho,
Kasama siya.
Napailing ako, eto na naman, palayain mo na Katsuki, ang tagal na non.
Napangiti ako nang mapait, matagal na nga, pero nandito pa rin.
Biglang humangin ng malakas sabay ng pagdating ng tren, pagbukas ng pinto ay ang paglabas at pagpsok ng mga tao. Pagkatapak ko sa tren ay may bumangga saking palabas naman. Para akong sinampal ng amoy ng pabango niya, at dahil doon samu't saring ala-ala ang nagbalik sakin.
Lahat yon ay laman siya.
Bago pa ako lumingon ay nakalabas na ang taong yon, at hindi ako magkakamali,
Siya iyon.
Pasara na ang pinto bago pa ako makalabas, nahampas ko nalang ang pinto ng tuluyan na itong sumara. Tanaw tanaw ko ang papalayo niyang pigura, hanggang sa ang kulot at berdeng buhok niya nalang ang natatanaw ko. Hindi ko mapigilang maluha.
Akala ko okay na, akala ko wala na.
Pero ikaw pa rin talaga, Izuku.
---------------
"Tangina, Bakugo, gaano karami pa ba inumin mo boi? Di ko na kaya gago—blegh!"
"Putangina," ang tanging nausal ni Bakugo ng muntik na siyang sukahan ni Kirishima.
"Mahina ka pala ehehhehehhe," saad ni Kaminari na gumegewang na at sumandal sa natutulog na si Mina. Napabuntong hininga si Bakugo, bakit ba ganito mga kaibigan niya.
"Ano ba kasi nangyari, pre?" Tanong ni Sero, si Sero lang ang nakakasabay sa lakas ng pag-inom ni Bakugo, kaya siya nalang din ang di lasing sa kanila. Tumungga muna si Bakugo bago nagsalita.
"Nakita ko siya," huminto siya, parang inaalala ang nangyari nung nakaraang araw. Nakaraang araw pa iyon pero hanggang ngayon malinaw pa rin sa kaniya ang nakita niya.
"Nakita ko si Deku." Dugtong niya. Si Sero na mukhang pagod na sa ganitong gawi ay napabuntong hininga.
"Usad na, pre. Ang tagal na oh, tsaka ang labo na, sobrang labo." Saad ni Sero. Humigpit ang hawak ni Bakugo sa basong hawak niya.
"Kung ganon lang kadali e, kaso kahit saan ako tumingin, nakikita ko siya," saad nito at tinungga ulit ang hawak na baso at napayuko. Doon nagsimulang tumulo ang luha niya. Walang nagawa si Sero kundi bumuntong hininga at tapikin ang likod ng kaibigan.
------------------
Nagising ako sa pamilyar na amoy at boses.
Ang amoy ng paborito niyang liquid detergent,
at ang boses niya.
Hindi man niya nakikita pero alam niyang nakatingin ito sa kaniya at nakangiti.
"Kacchan, bangon na, malalate ka na."
Napabalikwas ako ng bangon, at napatingin sa paligid. Ganon pa rin, madilim na kwarto. Wala yung pamilyar na amoy at boses. Dilim lang. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdamang basa ito, naiyak na naman ako. Nagulat ako ng biglang tumunog ang alarm ko, pinatay ko ito at napahilot sa ulo kong parang binibiyak sa sobrang sakit. Tangina, gaano ba karami ininom ko kagabi? Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table na kanina pa tunog nang tunog.
bakusquad
Sero Hanta: wag na kayo iinom ulit please please please
Sero Hanta: tangina, ako kawawa palagi e, mga bwisit kayo
Kaminari Denki: e sino bang nag aya?
Sero Hanta: yun na nga e, si bakugo ang nag aya pero siya pa tong hindi masyado nalasing
Sero Hanta: PUTANGINA ALAM NIYO BANG MUNTIK PA SUKAHAN NI KIRISHIMA YUNG KOTSE KO
Sero Hanta: TAPOS IKAW KAMINARI ALAM MO BANG MUNTIK NA TAYO MABANGGA KAGABI DAHIL INAGAW MO YUNG MANIBELA
Kaminari Denki: AY
Kaminari Denki: BWHAHAHHAAHHAHAHAHHAHA
Kaminari Denki: KAYA BA MAY BUKOL AKO HAHAHAHAHAHHAHHHA
Sero Hanta: oo kasi INUNTOG KO ULO MO TANGINAKA
Mina Ashido: sorry na sero, di na mauulit, promise ><
Sero Hanta: ikaw naman, di nga lasing pero tulog GAANO KA BA KAMANTIKA TE
Mina Ashido: SORRY NA NGA DIBA
Bakugo Katsuki: wala ba kayo balak manahimik ng isang araw?
Sero Hanta: eto na ang pasimuno
Sero Hanta: wag ka na ulit mag aaya HA
Bakugo Katsuki: talaga
Bakugo Katsuki: mga mahihina kayo e
Kaminari Denki: porket lasinggero ka
Mina Ashido: WYAHABAJHAJHAAHAHAHAHAHAHAHHAHHA
Mina Ashido: TANGINAMO TALAGA E NO
Bakugo Katsuki: papunta na ako diyan kaminari
Sero Hanta: bilangin mo na araw mo boi
Mina Ashido: spam F for kaminari denki
Kirishima Eijiro: ANONG NANGYAYARE
Pinatay ko na ang telepono ko at napabuntong hininga. Napatingin siya sa picture frame na nasa ibabaw ng bedside table niya.
Litrato nila ito ni Izuku,
Noong panahong masaya pa sila.
Hinimas niya ito, katulad ng paghimas niya sa mukha ni Izuku. Nararamdaman niya na ang luha sa mga mata niya kaya tumingala siya, umaasang wala na muling luhang tutulo.
--------------------
"Isa pa nga," saad ni Bakugo sa bartender. Balak niyang hindi uminom dahil kakainom lang nila kagabi, pero katulad nga ng sinabi ni Kaminari, lasinggero siya. Well, that was after mawala si Izuku sa kaniya. Tinungga agad ni Bakugo ang inabot na baso ng bartender. Naramdaman niya ang pait na gumuhit sa lalamunan niya, pero para sa kaniya ay wala lang yon. Sanay na siya sa pait ng alak, pero yung pait sa puso niya, kailaman hindi siya masasanay doon. Habang umiinom ay yun ding pag alala niya sa nakaraan nila ni Izuku.
Matagal na silang magkakilala, childhood friends kumbaga. Naging magkaaway pa dahil laging binubully ni Bakugo si Izuku nung highschool. Pero nagbago iyon nung tumuntong sila ng college. Biglang nag iba nalang ang tingin niya kay Izuku. Hindi na siya naiinis sa presensya nito, mas naiinis siya kapag wala ito o hindi niya nakikita. Yung dating kinaiinisan niyang kulay berdeng kulot na buhok ay naging paborito niyang amuyin at hawak-hawakan. Naging paborito pa nga niya ang kulay berde dahil naalala niya si Izuku rito. Hanggang sa napagtanto niyang gusto na niya ito. Gusto na niya si Izuku. Umamin siya rito nung 2nd year college sila, akala pa nga ni Izuku ay pinagttripan siya ni Bakugo, kaya halos isnag taong kinumbinsi ni Bakugo si Izuku na totoo ang nararamdaman niya. At pagtungtong nila ng 4th year, doon na nagsimula ang relasyon nila.
Hanggang makagraduate ay maayos naman ang relasyon nila, sabay silang nakahanap ng trabaho, nakatira sa iisang bubong. Oo, may mga oras na nag aaway sila pero agad din naman iyong naaayos. Pero itong away na ito, hindi nila inaasahan to.
Biglaan. Hindi nila alam kung paano nangyari o kung anong naging mali. Napagod nalang sila, sinubukan nilang ayusin pero habang tumatagal lalo lang lumalala. Lalo lang silang hindi nagkakaintindihan, hanggang isang gabi hindi na nila kinaya.
"Izuku, ano bang hindi mo maintindihan? Pagod na nga ako diba? Ayoko na, sawa na ako!"
"Gusto ko lang malaman kung bakit? May nagawa ba ako? May mali ba sa akin?"
"Wala, Izuku. Ayoko lang ng ganito. Ayoko yung ganitong nasa iisang bahay tayo pero hindi man lang tayo magkita. Ayoko nung ganitong halos wala na tayong oras sa isa't isa. Ayoko nito." Pahina nang pahinang saad ni Bakugo. Nasasaktan siya, nasasaktan siya dahil nasasaktan si Izuku. Kitang kita niya ang luhaang mukha ni Izuku. Parang sinasaksak ng ilang milyong beses ang puso niya. Gusto niyang yakapin si Izuku pero para siyang napako sa kinatatayuan niya.
"Ayaw mo na? Sige. Sige, maghiwalay na tayo. Wag na wag mo na akong hahanapin ulit, Katsuki." Pagkasabi non ni Izuku ay agad itong tumakbo palabas ng unit nila. Napaluhod nalang si Bakugo habang pinapanood ang papalayong pigura ni Izuku, napakapit siya sa dibdib niya, nararamdaman niya itong unti-unting sumisikip, na parang kahit hangin ay ayaw nitong padaluyin. Pinilit niyang tumayo at habulin si Izuku. Hindi na niya ininda ang ulan paglabas niya ng kanilang unit, luminga linga siya pero kahit anino ni Izuku ay hindi na niya makita.
Sa ilalim ng ulan ay binuhos niya ang luhang kanina niya pa pinipigilan,
Sa ilalim ng ulan ay unti-unting nabasag ang puso niya,
Sa ilalim ng ulan nawala ang pinakamamahal niya.
Napabuntong hininga si Bakugo at tinungga ang alak na hawak niya. Sunod sunod lang ang pag inom ni Bakugo, sanay na rin ang bartender ng pinupuntahan niyang bar, dahil alam naman niyang kaya ni Bakugo ang sarili niya.
Nakailang baso na si Bakugo at nagsisimula na ring umikot ang paningin niya. Napayuko nalang siya dahil sa hilo,nakapikit lang ang mga mata niya nang may marinig siyang pamilyar na boses.
"Uh, isa nga po nito, padala nalang sa table na iyon. Salamat." Saad ng boses. Hindi alam ni Bakugo kung saan niya narinig ang boses na yon, pero pamilyar ito sa kaniya. Narinig niya ang tunog ng yapak nitong papalayo kaya pinagdesisyunan na niyang tignan ito, na dapat ay mas ginawa niya nang mas maaga.
Ang pigurang papalayo, ito ang matagal na niyang hinahanap,
yung boses na narinig niya, ito yung boses na matagal na niyang gustong marinig ulit,
kaya pala pamilyar, kaya pala parang masarap sa pandinig niya,
dahil ang boses na iyon at ang pigurang naglalakad palayo sa kaniya,
kay Izuku.
Hindi siya makagalaw, katulad noong sa tren ay nanigas siya sa pwesto niya, para siyang usa na naestatwa sa harap ng paparating na kotse. Ang lakas ng tibok ng puso niya, parang gusto na nito kumawala sa dibdib niya. Para siyang mawawalan ng hangin sa paghahabol niya ng hininga. Hindi niya alam ang gagawin. Hahabulin niya ba? O hahayaan niya nalang? Kung hahabulin niya ano namang sasabihin o gagawin niya? Yayalapin niya ba ito? Baka naman iyakan niya lang si Izuku?
Mas lalong bumilis ang paghinga niya nang makita si Izuku na palabas ng pinto. At bago niya pa maproseso ang lahat ay gumalaw nalang nang kusa ang katawan niya at hinabol ito. Hindi na niya hahayaang lumabas ulit ng pinto at mawala ulit si Izuku sa kaniya.
-------------------------
Paglabas ng bar ay agad akong luminga. Hindi ko alintana ang ulan na bumubuhos. Nakita ko siya, hindi ako nagkakamali, si Izuku iyon. Alam kong siya iyon. Habol habol ang hininga ay nagsimula akong hanapin siya, hanggang sa may makita akong pamilyar na pigura.
Izuku.
Agad ko itong hinabol at pinigilan.
"Izuku, Izuku ang tagal kitang hinintay—" ngunit labis ang dismaya ko nang makitang hindi siya iyon.
"Ah, s-sorry, akala ko ikaw yung hinahanap ko." Agad kong hingi ng pasensya at umalis doon. Nasapo ko nalang ang noo ko. Tangina, dahil lang ata sa alak at ulan to, o baka nababaliw na ako? Nagsimula akong maglakad pabalik sa bar. Para akong mababaliw, kung ano ano nalang ang nakikita ko. Miss na miss ko na siya. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Kada lakad ay siya namang pag punas ng luha ko. Tangina naman oh, simula nang mawala ka Izuku, naging iyakin na ako.
"Kacchan?" Nahinto ako sa paglalakad.
Kacchan?
Sinong tumawag sakin ng Kacchan? Isa lang ang tumatawag sakin ng Kacchan.
Si Izuku lang yon.
Hindi kaya...
Naramdaman ko agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Natatakot ako, natatakot akong madismaya ulit, natatakot akong makita na hindi siya ang nasa harap ko.
Parang wala akong kontrol sa sarili kong katawan at nakita ko nalang ang sarili kong nakaharap sa isang pigura habang nakayuko. Natatakot akong tignan, baka hindi siya ito.
"Kacchan? Bakit ka nagpapaulan? Baka magkasakit ka." At bago pa ako makasagot ay nakita ko nalang ang sarili kong nakatingin sa taong nasa harap ko.
Mula sa berdeng buhok, bilugang mga mata, ang freckles niya sa pisngi, at ang mabait niyang ngiti.
Siya ito,
ang pinakamamahal ko.
"I... I-izuku? I-izuku... Izuku!" Hindi ko na namalayan na tumatakbo na ako papalapit sa kaniya habang umiiyak nang malakas. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, kasabay ng bilis ng paghinga ko, at ang buhos ng ulan kasabay ng mga luha ko. Nahanap ko na siya, nandito na siya ulit.
Hindi na ako nag alinlangan at niyakap siya. I buried my face on his neck and inhaled his scent. I miss this, i fucking miss this. Mas lalo akong naiyak dahil yakap ko siya, para akong batang iniwan ng nanay sa pag iyak ko sa kaniya. Pinawi ng init ng katawan niya ang lamig na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nakauwi na ako.
"Woah, Kacchan, ayos ka lang ba? Hindi ka dapat tumakbo, baka nadapa ka pa." Saad niya habang hawak ang mukha ko at pinupunasan ang bawat luha ko.
"T-totoo ka na ba? Hindi na ba ako nag iilusyon? T-totoo na ba ito?" Sunod sunod kong tanong habang nanginginig na hinawakan ang pisngi niya. Ngumiti siya at diniin ang palad kong nakahawak sa pisngi niya.
"Totoo ako, Katsuki. Nandito na ako ulit." Para akong nabunutan ng napakalaking tinik, parang gumaan na ulit ang pakiramdam ko. Nandito na siya. Nandito na siya ulit sa piling ko. Totoo na siya. Hindi ko na napigilan at siniil siya ng halik. Nang magbitaw kami ay isinandal namin ang noo sa isa't isa.
"Tangina, namiss kita. Tangina, miss na miss kita." Kasabay non ang nga luhang unti-unting tumulo. Narinig ko siyang bahagyang natawa.
"Ako rin, namiss kita. Sobra." Saad niya at pinatakan ng halik ang labi ko.
-------------------------
"Kacchan? Gising ka na ba? Nagluto na ako hehe." Ibinaon ko ulit ang mukha sa unan ko. Ingay.
"Alam kong sinasabihan mo na akong maingay sa utak mo, pero kailangan mo na tumayo kasi baka lumamig yung pagkain natin." Saad ng boses.
Teka?
Boses?
Agad akong napabangon na agad ko namang pinagsisihan dahil biglang sumakit ang ulo ko. Tangina, uminom nga pala ako. Malabo pa ang paningin ko dahil sa liwanag at biglaang pagtayo, pero alam kong may tao sa harap ko. Napangiti ako nang mapait ng mapagtanto ang nakikita ko.
Nagiilusyon na naman ako,
Nandito na naman si Izuku.
Napahilamos ako ng mukha at mahinang napatawa.
"Kailangan ko ng tigilang ang pag inom," mahina kong bulong.
"Buti alam mo, alam mo bang hirap na hirap akong iuwi ka? Buti nalang nasa bulsa mo lang ang susi ng unit natin." Napahinto ako. Bakit ba sumasagot tong ilusyon na to? Tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa mukha ko.
Ngayon ay kitang kita ko ang malinaw na mukha ni Izuku. Nakangiti at natatawa sa akin. Nanlaki ang mata ko. Lahat ng ilusyon ko sa kaniya ay malabo, pero ngayon sobrang linaw, na para bang nasa harap ko siya.
"Bakit parang nakakita ka naman ng multo diyan?" Saad niya. Nararamdaman ko ang panunubig ng mata ko.
"T-totoo ka ba?" Nauutal kong tanong.
"Ano bang klaseng tanong yan? Magkasama na nga tayo kagabi e. Oh, hawakan mo ko," nilapit niya ang mukha niya sa akin, animo'y pinahahawak ito. Nanginginig man ay dahan dahan kong inangat ang kamay ko, at nang madama ko ang malambot niyang pisngi ay napaiyak na ako.
"I-izuku!" Sigaw ko at niyakap siya. Totoo siya, hindi panaginip yung kagabi. Nandito na siya, ang pinakamamahal ko.
"Hey, tama na kakaiyak, kagabi ka pa umiiyak, baka mamaga na mata mo." Saad niya at pinatakan ng halik ang mga mata ko, bagay na lagi niyang ginagawa tuwing umiiyak ako dati.
"Izuku, patawad. Yung mga sinabi ko noon, pinagsisihan ko lahat yon. Patawad, Izuku." Sumiksik ako sa leeg niya, hindi ko kayang tumingin sa kaniya. Sobrang pinagsisihan ko ang mga sinabi ko nung gabing iyon. Ilang beses kong hiniling na sana hindi ko nalang sinabi ang mga iyon. Naramdaman ko ang kamay niyang dahan dahang sinusuklay ang buhok ko.
"Alam ko, alam kong hindi yon totoo, na nadala ka lang sa emosyon mo," Inangat niya ang mukha ko at tinitigan ako, animo'y minememorya ang mukha ko. His thumb slightly brushed my cheeks, i closed my eyes and felt the warmth of his hands.
"Sorry din, kasi umalis ako, kasi sinukuan kita." Saad niya habang nakatitig sa mga mata ko, at unti-unti akong hinalikan, na agad ko ring sinagot. As i deepen our kiss, i felt something wet on my cheeks.
"Don't cry, baby." I said and pulled him in my arms. If there's one thing that makes me weak, it's him, crying. He continued sobbing, as I pulled him closer to me. He remained in my arms until he calmed down.
"Okay na?" I asked softly as I looked at his face, his eyes and nose are red, I can't help but to smile. He's so fucking cute, is this even legal?
"Bati na tayo ah?" He asked, sniffing and wiping his tears. I chuckled and pinched his cheeks.
"Oo naman."
-----------
Days passed by, and it all felt like a bliss. Those days with Izuku made Katsuki feel like he's on cloud nine. He feels like he's complete and contended. They spent their days together, laughing, eating, talking about their time while apart from each other. They start the day with morning kisses and sweet hugs, and end it by saying how much they love each other.
Tonight, they decided to have a movie night. They're down on the couch, cuddled up with each other, popcorn on their lap, and the movie playing. They're halfway through the movie when Izuku suddenly has a thought in mind.
"Kacchan," he said looking up at Bakugo, Bakugo looked down on him with soft eyes muttering a soft 'hmm?'
"Gusto ko uminom." Izuku suddenly sai, Bakugo's eyebrows furrowed. Hindi umiinom si Izuku, he rarely drinks. Although there were times na sinasabayan siya nito, but he only took sips.
"Gusto ko lang, please? Namiss kita kainuman." Izuku said with his puppy eyes and pouty lips. As if Katsuki could resist this, he only sighed and got up.
"Stay here, bibili lang ako." He said and planted a kiss on Izuku's forehead. Izuku smiled and hugged Bakugo's waist.
"Thank you." he said, looking up to him. Bakugo only smiled and ruffled his hair. He grabbed his jacket and went out.
While walking towards the convenience store, he can't help but smile. this light feeling in his heart, the feeling that everything heavy just disappeared, and you just feel... genuinely happy. He missed this feeling. this is the only thing that he feels whenever he's with izuku.
He entered the convenience store, grabbed himself a drink and some light drinks for izuku, several chips and got up to the cashier. After getting his things he walked back to their unit. He shivered when the wind blew, he looked up and saw the moon shining brightly, after izuki got back the way he viewed the world became much more colorful, it's like it's more beautiful. Having izuku on his side really has a different effect on him.
He's on the crosswalk, the traffic light turned red indicating that he can cross, as he's walking a bright light suddenly appears on his left side, and before he can turn to it, everything went black.
He opened his eyes and it's bright, really bright, but somehow it feels safe... and peaceful.
"Am I dead?" Katsuki asked himself. He stood up and started walking to what seemed like an endless white room, when suddenly he saw a really big bright light in front of him. He doesn't know what got into him but he suddenly starts walking towards it.
"Kacchan," he stopped. A familiar voice called him. He turned around and he saw Izuku.
He's smiling but somehow it looked... sad.
"Izuku, where are we?" He asked as soon as he got closer to him. Katsuki held Izuku's rough hands.
"Kacchan," Izuku said and held his face. Katsuki panicked when he saw tears in Izuku's eyes.
"Hey, hey, what's wrong? Hmm?" He said and wiped Izuku's endless tears.
"Kacchan,"
"You need to wake up."
Katsuki froze. Wake up? What is Izuku saying? Katsuki looked up at Izuku's crying face.
"You need to wake up, kacchan. you can't stay here any longer." Izuku said. Katsuki doesn't know what to say. His hand drops on his side.
"W-what are you saying? What woke me up? Are you pranking me, love?" Fear is evident in Katsuki's voice. his hands started shaking as many questions started forming on his head.
"Hey, look at me," Izuku held Katsuki's face and wiped the tears that had unknowingly fallen on his cheeks.
"You have to wake up, and promise me that after that you will move on —" before Izuku can finish what he's saying, Katsuki lashed out.
"what the fuck are you saying? What wake me up and what move on? What would I move on from? huh?!" Katsuki shouted. Izuku didn't flinch, instead he closed his eyes and cried. He can't bear to see Katsuki like this.
"Baby, calm down. I promise it's for your own good—"
"How is it for my own good if I don't even understand a damn thing about what you're saying?" Katsuki shouted, his heart racing and full of emotions he can't name. He fell to the ground, sobbing, he feels like he knows what Izuku's talking about but for some reason he can't bring himself to remember or rather, accept it.
Izuku kneeled and hugged the sobbing Katsuki. Katsuki melted into his arms, crying like a child.
"I-izuku, I don't want to leave you. I'm sorry, okay? I'll change, I'll be better, just please? Not like this. I don't want this." Katsuki's begging broke Izuku's heart, he wiped his lover's tears, he doesn't know what to do, but he needs to leave. Katsuki needs to live.
"Baby, listen, okay? You have a great life ahead of you, you need to explore new things, visit new places, okay? You need to move on." He softly said, Katsuki looked at him, tears welling on the side of his eyes.
"B-but what about you? I can't leave without you, I don't want to move on." he said, wrapping his arms around izuku, refusing to let go.
"Then, do it for me." Katsuki looked up. He doesn't know what's going on or if it's his tears but Izuku started to get blurry.
"W-what? what's going on izuku?" He panicked, it feels like izuku is disappearing, like he's slipping away.
"Do it for me, Kacchan,"
"I love you so much,"
"Please live for me." He felt izuku hugged him one last time and before he got to say anything everything disappeared.
—---------------
The sound of the monitor beeping was the first thing he heard. He opened his eyes and noticed that he's not in his room. He's in a hospital, he looked around and saw his mom beside him. He got up and awoke his mom.
"K-katsuki! Oh my god, you're awake! Wait, let me call the doctor— hey! you shouldn't be moving around too much—"
"Mom, where's izuku?" This question left his mother stunned, she's looking at him with tears in her eyes, she can't help but hug her son, and as if Katsuki knew, his eyes started welling up as well, until he's full on crying in his mom's arms.
----------
The train stopped, he got off and immediately went to the exit. with a flower on his hand he walked towards the path that he knows all too well.
He stopped, and grabbed the wipes on his bag, he kneeled and wiped the tomb. He laid down the flowers and the food he got for him. He lit up a candle and sat in front of him. He smiled while looking at it. He caresses the name of his lover engraved on the tomb.
Midoriya Izuku
July 15 - December 8
"Its been a while, hasn't it love?" He said pouring a drink on a cup and placed it in front of the tomb.
"I just came back from Amsterdam, I went to the place where they have a land full of tulips, you said you want to go there right?" He said smiling, sadly.
"I just wished I came with you," He pulled a box in his pocket, inside is a ring.
"I could've proposed to you there." He let out a sad laugh. He went silent for a while.
"I fulfilled our promise,"
"I went to our dream destinations,"
"I ate the foods we wanted to eat," He stopped, his breath hitching, tears fell down and all he can do is just cry.
"I lived for us, love."
The night they broke up, izuku got into a car accident that led to his death. Katsuki couldn't accept it, so he convinced himself that they just broke up and moved into separate ways, and he believed that some day izuku would go back to him. That delusion led him to drowning himself in alcohol, and because of that he kept on having constant delusions of seeing izuku. His friends and family didn't know what to do with him, until one night, when he thought he saw izuku again, he also got into a car accident and luckily he lived, but fell into a coma.
The days he thought he spent with izuku were all just a dream, something to give him peace and closure, something to help him move forward, something to help him move on.
Katsuki wiped his tears, stood up and started tidying up his things.
"I'll be back, baby, I love you so much." he said and caressed the tomb, before he went away, the wind blew and somehow he felt a warm embrace. as if its izuku's way of telling Katsuki that he loves him too. Katsuki walked away, his heart felt a little bit lighter. He's finally moving forward but he knows in his heart he has Izuku moving forward with him too. He carries izuku's fragments with him and he knows that one day, they will be together again.
A few years later, there lies Katsuki's tomb next to Izuku.
