Work Text:
Hindi ako natatakot sa kamatayan, sapagkat minamahal ko ito.
Hinahabol-habol ko siya sa mga panahong iniiwasan niya ko, mga panahong wala akong matanggap na pagmamahal sa iba
Kasi ang pag-ibig ng kamatayan ay walang katulad.
Ang pag-ibig niya ay masakit, madahas, at hindi madali ngunit masarap ang pakiramdam, kaya’t susunod ako sa kanya na parang tutang walang amo.
Kamatayan ang nasa dulo ng aking kinabukasan, nakikita ko siyang kumakaway sa dulo ng aking kayang makita sa mga gabing nakapag gagawa ako ng bisyo, sa mga hapong tumatakas ako gamit aking bisikleta, sa mga umagang magang-maga na mata ko.
Ngunit, siya ang tila pag-ibig na walang kapalit; hindi niya kayang ibigay ang sarili niya sa'kin, sino naman ako para magalit? Ang pag-ibig ay isang mabigat na ibigay, at pag ibinigay niya na sarili niya sa'kin, wala nang atrasan.
Kaya, kahit ilang tableta pa ng gamot laklakin ko, ilang oras pa akong humiga sa tubig, ilang oras ko ialay ang aking sarili para sakanya; hindi pa rin siya lilitaw, kahit isang tingin sa aking mga namumulang mata.
