Chapter Text
9:01 am
Ziggy: Where are you?
Madaling araw na nakita ni Arvin ang text ng kanyang boss. Halos buong araw na kasi siyang ginigisa nina Trisha at Sir Torran sa Civil Law kaya hindi na niya napansin na hinahanap siya nito. Nalimot niya ba ang shift niya? Hindi na niya maalala ang alam lang niya, isang buwan na lang ang natitira at boards na naman.
Pilit niyang tinipa ang mga letra sa kanyang phone kahit na pumipikit pikit na ang kanyang mga mata.
Sorry, Zig. Did I forget my shift? I’m really sorry I’ll double my shift next week.
Ngunit wala itong naging reply sa kanya. Kakabahan na sana siya nang makita niyang alas dos na nga pala. Panigurado ay tulog ang kanyang boss kaya nagbasa na lang siya muli at ni-review ang mga tanong na hindi niya masagot kanina.
Kakatapos lang niyang magtimpla ng kape nang maramdaman niyang mag-ring ang cellphone niya sa bulsa niya.
Ziggy calling…
Hello?
Hey bro. Don’t bother coming to the resto next week anymore.
Napaigtad si Arvin sa pagkakaupo.
Goodluck on your exams.
At natapos na ang tawag. Napatulala si Arvin sa lamesa niya kung kanina ay halos papikit na siya ngayon ay hindi na niya kailangang humigop ng kape para lang magising. Did he just get fired?
Alas-otso na at late na siya sa meet up nila nina Trisha. ‘Di niya maaalala anong oras na siya naka-idlip pero kailangan na niyang magmadali at talaga nga namang tinamaan siya ng malas hindi niya pa mahanap ang kapares ng medyas niyang butas.
Bwisit. Bahala na nga.
Sinuot niya ang tsinelas at lumabas sa inuupahang apartment.
“Vin!” matinis ang boses ng tumawag sa kanya, nilingon niya ito, si Ate Linda, caretaker ng apartment complex nila.
“Yung order mo kaninang alas kwatro nandito na, nagtataka ako e sino ba ang aga aga na nagpapadeliver naalala ko baka nag-aaral ka pa kanina kaso kinatok naman kita, hindi ka naman sumasagot.”
Order? Kinuha niya ang paperbag at sinilip ang loob, may mga tupperware at note.
It’s time for you to fulfill your dream but first, fight for today. - Z
Alas kwatro? Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ngunit wala ito. Hinanap niya ang susi ng apartment sa bag at agad binuksan ang kanyang kwarto. Gumawi ang tingin niya sa kama niya, iniangat niya ang kumot at nakita ang phone niya.
2:48 am
Ziggy: Are you still awake?
3:32 am
Ziggy: Will drop by later pala, I still have leftovers from yesterday.
5:16 am
Ziggy: I guess you’re asleep. Rest well, you deserve it.
Nanghina ang tuhod niya kaya napaupo siya sa kama. Hinawi niya ang buhok at suminghal, dama ang pagkawala ng tinik sa kanyang lalamunan.
Ah.
Nasa baba lang pala ng upuan niya ang medyas niya.
