Actions

Work Header

Kapag sarado na ang pinto

Summary:

Mga kaganapan pagkatapos ng birthday party ni Ken because I suck at summaries

Notes:

Next time na yung smut uwu

Work Text:

Kalalabas lang ng huling bisita. Sarado na ang pinto ngunit dinig pa rin sa loob ng apartment ang tawa ng mga ito. Ihahatid pa sana nina Paulo ang mga bisita kahit hanggang sa elevator lang, pero malalim na ang gabi at alam nilang pagod na ang mag-asawa kaya’t di na sila pinalabas pa ng mga ito.

Naibagsak ni Ken ang sarili sa sofa, bakas sa lalim ng nahugot na hininga ang hapo sa halos buong araw na paghahanda kahit hindi naman ganoon kalaki ang party niya, at di rin karamihan ang imbitado. Sila kasi ang naghanda ng lahat—pagkain, decor, mini program. Tapos ay magliligpit pa, bagay na inumpisahan na nga ni Paulo.

Bukod sa kapayapaa’y may iba pang nagbago sa maliit nilang tahanan ngayong silang dalawa na lang ang naroon. Halos wala nang tao ngunit mas uminit. Sa halip na lumuwag ay tila lumiit pang lalo ang paligid.

Mula sa salas ay dinig na dinig ni Ken ang agos ng tubig sa lababo, ang matinis na kiskisan ng mga kubyertos, ang mabigat na pagpapatong nga maruruming plato.

Bumalik si Paulo sa salas, may dalang tray para sa mga naiwang baso. Tumulong si Ken sa pagliligpit habang nakaupo pa rin, at dagling nagtama ang mga kamay nila, dahilan para dumaloy ang mahinang dagitab sa balat ni Ken, patungo sa kanyang gulugod at pababa pa.

“Ako na. Pahinga ka na,” ika ni Paulo, bitbit na ang tray bago lapatan ng halik ang bumbunan ni Ken. “Amoy pawis ka na. Maligo ka na.”

“Hoy, mabango pawis ko!” habol ni Ken nang lumayo ang asawa, nakakaloko ang ngisi, bago tumalikod at bumalik sa kusina.

Tumayo si Ken at sumunod na lang, hindi sa sinabi nito kundi patungo sa kusina.

Nakakarga na sa dishwasher ang mga hugasin pagdating ni Ken, patapos na rin si Paulo sa paghuhugas ng kamay. Inabot pa nga nito ang hand towel na nakasabit sa handle ng oven sa likod ni Ken, kaya tumama ang braso nito sa balakang niya, na para bang hindi nito pansin ang rolyo ng paper towel sa malapit.

Naunahan ng pagsinghap si Ken bago makapansin. Nakangisi pa rin si Paulo, hindi nakatingin sa kanya dahil abala sa pagtuyo ng kamay, ngunit kabisado na niya ang asawa.

“The hell are you doing, Pau?” Sa kung anong dahilan ay may nginig sa tinig ni Ken, bagay na di niya inasahang marinig sa sarili. Tumikhim na lamang siya at umiwas, naglakad papunta sa island para doon sumandal.

“Wala ah,” pagmamaang-maangan ni Paulo bago kumuha ng basahan para punasan ang counter— “Excuse me” —umpisa sa kung saan mismo nakasandal si Ken.

Nagtama ang mga katawan nila, halos yakapin na siya ni Paulo sa baywang, habang ang isa nitong braso’y nakaunat para punasan ang malinis naman nang marmol.

Matagal na silang mag-asawa. Ngunit kumalabog pa rin ang dibdib niya sa mga pakulo nito, at sa ngayon, may iba pang parte ng katawan niya ang pumipintig.

“Anong wala? Paanong wala? Eh anong tawag mo dito?” Itinuro pa ni Ken ang magkadikit nilang katawan.

“Nagpupunas lang ako rito eh,” palusot ng asawa...hanggang sa bumulong ito sa kanyang tainga. “Bakit, gusto mo bang may gawin ako?”

Mainit. Ang hangin mula sa mga labi nito. Ang dugong biglang umakyat sa kanyang mukha upang mamahay sa magkabila niyang pisngi. Ang buo niyang katawan.

“Ano bang gusto mo, birthday boy?” May diin ang huling mga kataga nito. Mabigat. Mapusok. Like a challenge, or perhaps an invitation.

And the idea made his pusle spike.

“Ewan ko.” Halos hangin na lang ang kumawala sa mga labi ni Ken, mabigat ang mga talukap, subalit nakainat ang leeg na parang ihinahain ang sarili. “Unwrap me like a present?”

Tumawa lang si Paulo, ngunit tila si Ken ang nakiliti, nanginig. Tinigasan.

Parang tuksong lalong itinapat ni Paulo ang bibig sa tainga ni Ken, ang kamay na kanina lang ay may hawak pang basaha’y nasa likuran na niya, humahagod, dahilan para lumambot ang mga tuhod niya.

“Ikaw ang may birthday, tapos ako ang magbubukas ng regalo?”

“Ayaw mo ba?” ganting panunukso niya, gumagapang na ang palad sa punongkatawan ng asawa, pababa matigas nitong tiyan, sa puson na hangganan ng malago nitong... buhok paroon, natatakpan ng pantalon nito’t ng mahabang kamiseta.

“Matatanggihan ba kita?” Gumalaw nang bahagya ang ulo ni Paulo, sapat lang upang umikli ang distansya sa pagitan ng nananabik nilang mga labi, husto upang magtama ang nanginginang nilang mga mata, sumasalamin sa kapusuka’t pananabik.

Isang halik. Maikli ngunit matamis. Magaan ngunit may pangako ng bagay na higit pa.

Hinigit ni Ken ang damit ni Paulo nang lalong magdikit ang kanilang mga katawan. Nag-iinit ang mga balat sa ilalim ng malamig na mga kasuotan.

“Ba’t parang napipilitan ka?”

Isa pang maikling halik sa labi. “Hindi naman.” Sa tungki ng matangos na ilong. “Kinikilig lang ako.” Sa pawisang noo. “Ang gwapo kasi ng asawa ko.” At pabalik sa naghihintay niyang bibig.

Tila tumigil ang mga sandali, naglaho ang mundo sa labas ng kanilang mumunting tahanan. Tanging ang matamis na halik at mainit na mga yakap ang pumuno sa kanilang isipan, ang bawat mahimig na singhap at panaka-nakang mga ungol ang musika ng kanilang paligid, musikang dahilan ng sabay nilang pag-indayog sa kakisigan ng isa’t isa.

“Happy birthday, Aken.” Nakangiting wika ni Paulo. “I love you “

“Thank you, Pauko. The best ‘tong birthday ko na ‘to dahil sa’yo.”