Actions

Work Header

electric hearts

Summary:

it took one touch—for feelings to arise and realize.
it took one single touch for their hearts to go electric.
and like neurons and nerve endings firing and sending signals to the brain—the other hopes the electricity would trigger something and finally electrify and capture the other’s heart.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Haechan was no stranger to the idea of love, for him, love was everything, love was everywhere, love is when you remember someone’s favorites, love is when you listen to a song and suddenly remember a certain person, love is when you think of a person even on little things. Love is … Mark Lee. He is everything. He is everywhere. Kapag may Haechan, automatic na may Mark na kasama. Haechan remembers Mark’s likes, dislikes, pati nga ang paboritong order nito sa silogan nina Ate Renalyn kabisado niya. Tapsi na may chilli oil kasama ang libreng sabaw ng pares na may dalawang kutsarita ng paminta—weird enough, hindi naman kumakain ng itlog si Mark pero sinasama niya pa rin ito sa order nito. 

 

Haechan listens to different variety of songs—pero naiisip niya pa rin na “magugustuhan ‘to ni Mark” “this is something Mark would listen to” “this is so Mark” yes, puro Mark. Masisisi niyo ba siya? Eh sa tinamaan siya. Cliche enough, hindi naman talaga sila magkabati ni Mark noon, may weird vibe kasi ang kababata noon at siyempre ramdam agad ito ni Haechan, kaya naman he always does his best to avoid the other. Kahit pa paminsan-minsan ay dumidikit ang kababata sa kanya, ipinagsawalang-bahala lang ito ni Haechan, dahil nga sa weird feeling niya.

 

Eh ang kaso, ang weird feeling na ‘yun pala ay … natamaan na pala siya sa nakakatanda.

 

Was it love at first sight? Ewan. Ano ba ang alam ni 15 years old Haechan sa pag-ibig, eh ang recent kilig na naramdaman niya lang naman ay sa mga fanfictions. Nakasentro ang buhay ng binata sa mga libro, sa unrealistic and idealistic romantic relationships. May mga naging crush naman siya pero naglalast lang ‘yun ng isang linggo or isang buwan, well, not until Mark Lee happened.

 

Naaalala niya pa tuloy yung eksaktong moment at oras na narealize niya na he is in too deep with whatever shit he is feeling, na mahihirapan talaga siyang makaahon sa kung ano man ang nararamdaman niya.

 

Mark Lee and Haechan Lee were not enemies and well, not friends either. The thing is, hindi naman talaga sila polar opposites, like many would assume. They have the same interests, they have been classmates (and seatmates) since kindergarten. Both even join the same clubs and are both passionate about one thing… music. Pero napapakamot-ulo rin ang iba miski mga nanay ng dalawa na consistent PTA Classroom Officers (kaya nagkaclose rin ang mga ito) kung bakit sa daming rason para mag-usap sila, eh hindi pa rin sila magkaibigan.

 

They literally have so many things to talk to pero umabot nalang ng high school at ngenga pa rin. Wala pa rin talagang friendship na nabuo—well, not until 10th Grade. Kung kailan pa patapos na ang Junior High, doon pa sila naging friends. Better late than never, ika nga nila.


10th Grade - Section Mt. Makiling

Kaba National High School

 

Mataas ang pride ni Haechan, kaya kahit nagkasakit ay pumasok pa rin ang binata. Lagnat lang ‘to, si Haechan ako. Well, ang lagnat na ‘yun pa ata ang muntik na pumatay sa kanya (OA siya). 

 

“Lee, may ipapapasa daw si Ms. Cruz sa atin. Tayo daw muna maghahandle ng seat works kasi may meeting daw sila for the upcoming events.” sambit ni Mark sa katabi nitong nakayuko. Tanging tango lang ang itinugon ni Haechan sa katabi nito, kasi naffeel niya na talaga ang hilo, ang init, at ang pagod, kahit wala naman siya masyadong ginawa sa araw na ‘yun.

 

Napansin naman ni Mark ang pawang katahimikan ng katabi kaya naweweirdohan niya itong tinapik. Napaangat naman ng tingin si Haechan na pulang-pula na ang mukha dahil sa init. 

 

“Shit, nilalagnat ka ba?” tanong ni Mark, the younger tried to shake his head para ideny (kahit halata naman na) pero nahilo na ito. And the next thing he knew, there was Mark touching his forehead—para icheck kung nilalagnat nga ang nakababata. Kung kaya, naestatwa naman si Haechan because of the sudden act, ang kaninang mapulang mukha ay mas pumula pa.

 

‘What the fuck!’ was the only thing Haechan could mutter under his breath. Nakuryente siya because of the sudden touch and putangina, para siyang sinisilaban sa kaloob-looban. A mixture of heat and a wave of electric shock was all he could feel, kung kaya’t he just shut down and fainted right then and there.

 

He woke up with the sight of pastel green painted walls, at ang bulto ni Mark Lee na kasalukuyang nakatitig sa kabuuan niya. Nag-init ulit ang pagmumukha nito nang maaalala ang nangyari kanina.

 

“Hey, okay ka na ba?” Mark asked, breaking the deafening silence. Haechan can only nod, hindi pa rin siya nakakamove on sa nangyari kanina at sa naramdaman niya. It was weird, that electric feeling, ano ‘yun? 

 

“Nurse Santos said na you just need proper rest for now. Tinawagan ko na rin si Tita about what happened, and I think she’s on her way na. Bakit ka pa ba pumasok?” litanya ni Mark, there was a subtle hint of irritation between his words, or baka nababaliw lang si Haechan.

 

“Ayaw ko lang makamiss ng class.” Mark raised his eyebrows after hearing the others' reason.

 

“Mas importante ang pahinga, Haechan. Especially now na may lagnat ka pa.” sambit ni Mark that made the other pout.

 

“Sorry…” was the only word he could utter. “…and thank you sa pagdala sa’kin sa clinic. Nabigla lang ako kanina.” Haechan said, trying to avoid the others' piercing gaze.

 

Magsasalita pa sana si Mark nang biglang pumasok ang nanay ni Haechan.


Ang pangyayaring iyon na siguro ang naging turning point ng kanilang istorya. Now on their sophomore year in college, mas naging close na ang dalawa at halos hindi na mapaghiwalay. May iba pa nga ang nagsasabing para silang magkapatid—kambal to be exact, dahil halos magkasama at magkasundo sila sa lahat ng bagay—na kinokontra naman ni Haechan. Aba, ayaw niyang maging kapatid si Mark no! Mag-asawa pwede pa! 

 

“Haechaaaan!” nabalik sa wisyo si Haechan dahil sa sigaw ng kaibigan niyang si Jaemin. 

 

“Ano na naman bang iniisip mo at parang napapalayo ka na sa mundo?” singhal naman ni Renjun

 

“Aba, malamang! Si Mark Lee na naman ‘yan at ang di matapos-tapos na pagtingin—” 

 

“—ingay mo teh, tama na please” putol ni Haechan kay Jaemin. Naparolyo nalang ng mata si Jaemin dahil sa pagputol nito sakanya, at inayos ang bangs nito habang ginagamit na salamin ang cellphone nito.

 

“Speaking of the devil, the devil is here.” ani ni Renjun ng makita ang love of Haechan’s life—si Mark. Kaya napalingon si Haechan sa direksyon nito, at doon niya nakita si Mark na nakaporma, suot pa nito ang spiderman graphic tee na nabili ni Haechan sa ukay last December. Dala-dala nito ang Jansport na black na may couple keychain nila ni Haechan at ‘yung Spiderman Lego Keyring na binili rin ni Haechan 2 years ago. Dala rin ng nakakatanda ang Aquaflask nitong color blue pero yellow naman ang band—kasi nag exchange sila ni Haechan ng band nito (yes, uso pa ‘yan). 

 

“Chan, sorry late! Nag overtime prof namin” bungad ni Mark sabay kamot sa batok nito. Haechan smiled and nodded. Cute. 

 

“Okay lang, Mak. Kakalabas lang din naman namin.” Haechan assured Mark, making the older smile. He, then turned to the other two guys na nagngingiti sa gilid at tinanguan ito.

 

“Hi Jaem! Hi Renj!” tumango rin ang dalawa at sabay ngiti ulit ng matamis sa binata.

 

“Sige, alis na kami, Mark! Babalik pa kami sa dorm, andami ko pang pendings na need tapusin.” sambit ni Renjun, kaya tumango ulit si Mark dito.

 

“Ingat kayo, Jem, Renji!” sambit ni Haechan sa magkaibigan at niyakap ang dalawa. “Chat mo kami maya” pasimpleng bulong ni Jaemin kay Haechan sabay kindat pa. Baliw talaga.

“Kumain ka na ba?” paunang tanong ni Mark sa nakababata. Haechan shaked his head as an answer, which made the other smile a bit. “Okay, kina Ate Renalyn tayo” sambit naman nito, habang inaabot ni Mark ang bag ni Haechan para di ito mabigatan.

 

Walking side by side together made Haechan’s heart beat like crazy. May kakarampot na espasto naman sa gitna nila, halos hindi nga nagtatama ang balat ng mga ‘to, pero malakas pa rin ang epekto kay Haechan. This is what Mark Lee does to Haechan Lee. Si Mark lang ang nakakapagparamdam sakanya ng gan’to. Si Mark lang talaga at wala ng iba pa.


Ate Renalyn’s Silog and Pares

 

“Naku! Ang paborito kong mga suki, andito na!” bungad ni Ate Renalyn sa dalawang binatang kakarating lang. Haechan smiled at the sight of his favorite tindera at saka umupo. “Alam mo na order namin, Ate Lyn!” Haechan exclaimed habang tinataas baba ang kilay nito na siyang tinawanan naman ng kausap. 

 

“Aba, siyempre! Kayo pa ba!” sambit nito sabay kindat, na siyang nagpatawa sa dalawang binata. “Mak! Tama pala, I heard kay Jemjem na intramurals na daw next next week! I’m so excited!” pakilig na ani ni Haechan habang pinapaypay ang sarili gamit ang kamay nito. Napangiti naman si Mark sa nakababata at pasimpleng kinuha ang Jisulife sa bag at tinutok kay Haechan. 

 

“Of course, excited ka, walang pasok eh.” ani Mark. Humalakhak naman si Haechan dahil sa naging sagot ni Mark, patango-tango pa ito, dahil sino ba naman kasi ang di gaganahan sa thought na walang pasok! Lalo na ngayon na kakagaling lang nila sa punyetang midterms na ‘yan, buti nalang di pa siya namatay sa daming need ireview last week. A true survivor, indeed! 

 

“Siyempre! Pagod na pagod na ako, need ko ng hashtag rest. Wala na talagang binigay ang university na ‘to kundi pasakit sa buhay ko!” madramang ani nito na siyang kinatawa ng nakakatanda. Wala talagang dull moments pag si Haechan ang kasama.

 

Kahit walang halos nakakatawa sa mga pinagsasabi ni Haechan ay ngumingiti at tumatawa pa rin si Mark. He finds himself lost in Haechan’s voice. Whenever they are alone, he can’t help but just stare endearingly at his bestfriend. Paano nalang kaya pag hindi niya nakilala si Haechan? Wala na rin sigurong kasiyahan ang buhay niya…

 

“Eto na order niyo mga ‘nak. Enjoy!” biglang pasok ni Ate Renalyn. “Thank you po, Ate Rena!” sabay na saad ng dalawa habang inaabot ni Mark ang kutsara at tinidor ni Haechan. Palihim din nitong nilipat ang itlog malasado nito sa plato ni Haechan, sinisiguradong hindi ito masira at magkalasog-lasog. Alam niya kasing paborito ni Haechan ang ganitong luto na itlog, kaya kahit na hindi niya ‘to gusto ay pinapasama niya pa rin ang itlog, kasi para kay Haechan ‘yun eh. 

 

Makakalimutan ba ng golden duo ang paminta at chilli oil? Siyempre hindi! Kaya eto aksidenteng sabay nilang nahawakan ang pantakal ng chilli oil. 

 

Lub-dub

Lub-dub

Lub-dub

Lub-dub

 

At parang nabalik ang moment nila sa classroom nung Grade 10, natigilan ang dalawa, nagkatinginan at para bang nag slow mo ang paligid tas biglang umawit ang mga ibon at para bang nasa kanilang sariling mundo nalang ang dalawa. 

 

Sa mainit na Tapsihan ni Ate Renalyn, sa harap ng mainit na kakaserve lang na tapsilog nila kasama ang libreng sabaw ng pares, kasama ni Mark si Haechan niya. The sun that warms his heart, his Haechan. The only person that could ever capture his heart, over and over again.

Notes:

hai ! it's me againch with another fic na drinaft ko since august pa ... hope you guys will enjoy this one! :) huge shoutout sa proofreader ko (as always) i love you bessy kowch! <3

[twt] eaudeparfumz