Work Text:
"Tahimik ka," napalingon ako sa kanya. Tinaasan ng kilay, may pagtatanong sa mata. "Gusto mo bang dumaldal ako dito?" umiling naman ito.
"Gusto ko sa'kin lang atensyon mo." bumusangot ang mukha ko bago ko siya inirapan at tinungo muli ang tingin sa harapan.
"Cheesy mo." sinilip nito ang mukha ko mula sa gilid, "Korni ba?" nakangusong nitong sabi. Muli ko siyang nilingon, "Mag-focus ka na lang sa harap, Fifth."
"Ang boring, mas gusto kitang pagtuunan ng pansin." ani nito habang kinukuha ang aking kamay na nakapatong sa hita, marahan niya itong pinisil-pisil bago pinagsaklop ang aming mga kamay.
"Kapag ikaw nahuli ni Ma'am Castro na hindi nakikinig d'yan." naiiling kong sabi bago hinigpitan ang kapit sa kanyang kamay. Ramdam ko ang init habang hawak ito kahit na nasa auditorium kaming punong-puno ng nakabukas na aircon.
"Ang lamig ng kamay mo." ngisi nito habang hinahaplos ang aking kamay.
"Ang landi mo." pagtataray ko sa kanya bago inambang kuhain ang kamay.
"Sa'yo lang ako lalandi." bago nito hilahin ang kamay ko pabalik sa kanya.
"Parang hindi naman halata, sa dami mong babae?" mataray kong sabi, ramdam ko ang titig nito at hindi nililingon.
"Sige nga, sino ang mga babae ko?" lumingon ako sa kanya, ang atensyon ay unti unting nauupos dahil sa pagdaldal ni Fifth.
"Kailangan ko pa isa-isahin? Eh alam mo na nga." pag-irap ko dito. "Wala naman kasi akong ibang babae." inirapan ko siya ulit, "Talaga ba? Anna? Francheska?" banggit ko sa mga pangalan na na-link sa kanya. "Ang tagal na nun! Tsaka hindi ko naman yun gusto." ani nito habang magkasalubong ang kilay. "Huwag ka na magselos, sorry na." nguso nitong sabi sa akin.
"Kung ako talaga niloloko mo lang, Fifth hindi ka tatantanan ng angkan ko."
