Actions

Work Header

Royal

Summary:

Memorize na ni Colet ang bibilhin ni Jhoanna.

Notes:

Short lang po ito! Thank you Ate Eu sa prompt XD

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Humihikab na inayos ni Colet ang pwesto sa van ng kanyang Tito Omar. 

 

Doon muna kasi siya titira habang maghahanda para sa unang taon niya sa kolehiyo. 

 

“Nicolette nandito na tayo.”

 

Yamot na napakamot sa leeg si Colet habang inaayos ang pagkakaupo sa van. The leather sheets were hot as that Hi-ace had a sorry excuse for airconditioning but she always felt as if it were home. 

 

Ang huling beses niyang dayo sa bahay ng tiyuhin at tiyahin niya ay nung elemntary pa lang siya kaya naman panigurado ay medyo nag-iba na ang mga makikita niya roon. 

 

“Tito, Colet nga lang po.” Sabi niya kay Tito Omar nang sakto ay nagpapark na ito sa tapat ng bahay. 

 

Hindi man marangya ay matiwasay ang bahay nila.

 

”Nicolette.” Sabi pa ulit ni Omar nang pagbuksan na siya nito ng pinto. 

 

Sinimangutan ni Colet ang tiyuhin na muling tumawa. Alam naman niyang inaasar lang siya nito. 

 

“Ate Colet!” Bumati sa kanya ang nakababata niyang pinsan na si Tupe. Halos lumundag ang bata para yakapin siya at agad naman niya itong sinalubong din. 

 

“Ikaw na ba yan Tupe?! Aba kaunti na lang kasing tangkad mo na ako!” Ani Colet habang ginugulo ang buhok ng pinsang lalaki. 

 

Hinila siya nito papasok sa bahay kung saan naroon na ang kanyang Tita Malou na nagluluto ng meryenda.

 

”Ma! Nandito na po si Ate Colet!”

 

“Tita!” Bati ni Colet habang hawak ang isang bag. Agad siyang bumeso kay Tita Malou.

 

“Ang ganda ganda mong bata nako dalaga ka na talaga!” 

 

“Mana mana lang yan tita!” Pambobola din ni Colet nang sakto ay nakapasok na din si Tito Omar na dala pa ang ibang bagahe ni Colet. 

 

“Excited ka na magkolehiyo?” Tanong ni Tita Malou sa pamangkin habang kumakain silang apat ng turon. 

 

Nilunok muna ni Colet ang kinakain. “Tita may summer pa wag po muna.” 

 

“Marami ka malilibangan dito ate kapag summer may liga din ng basketball! Maraming pogi!” 

 

“Ay itigil mo Tupe.” Sabi pa ni Tito Omar sa anak. “Pumunta dito Ate Colet mo para mag-aral at pinagkatiwala siyempre ng Tito Lucas mo. Tigil mo yan kaka reto sa mga lalaki.”

 

Napakamot na lang sa ulo si Tupe.

 

Humagikhik naman si Colet. Paano ba kasi niya sasabihin sa Tito niya na hindi naman lalaki ang hanap niya.

 

“O siya basta mageenjoy ka dito Colet.” Sabi pa ng tiyahin niya. “At mag-aaral ng mabuti kapag nagpasukan na, habang bakasyon e mag-enjoy ka muna.”

 

“Pero tutulong din po ako sa tindahan tita!” Agad na pagboluntaryo ni Colet. 

 

Matagal na kasi na may sari-sari store ang kanyang tiyahin at naisip agad ni Colet na tutulong siya dito para di naman nakakahiya ang pakikitira niya siyempre kahit na kapamliya siya.

 

“Tuturuan kita ate pano dayain yung pagkuha ng coke.”

 

”Tupe!”

 

“Joke lang!”

 

Tatawa tawang sinundan ni Colet si Tita Malou sa direksyon ng sari-sari store sa loob ng bahay. 

 

“Kahit sa hapon ka lang dito Colet.” Ani Tita Malou. “May practice lang kami sa karakol ngayong linggo. Pero sa gabi babalik naman na ako dito.”

 

“Yakang yaka ko po ito tita ako bahala. May calculator naman po kayo diba?”

 

Napatawa si Tita Malou sa sinabi ni Colet. Halatang medyo nagdadalawang isip pa nga ito. 

 

“Bigla ako nahiya anak, bakasyon mo pa sana eh.” 

 

“Tita ano po ba kayo ako nga po itong may utang na loob sa inyo.” And Colet shooed her aunt away. “Ako na po bahala dito, kapag kailangan niyo po ng tulong din sa pagsayaw tawagin niyo po ako.”

 

Ngumiti naman si Tita Malou at saka hinila palapit si Tupe. 

 

“Tupe tulungan mo muna Ate Colet mo dito ah.”

 

Kahit muhkang aangal ay napakamot na lang sa ulo si Tupe. 

 

Pumwesto na sa harap ng tindahan si Colet at saka naman inisa isa ni Tupe ang mga binebenta. 

 

“Ay ate ito na pala delivery ng mga case!” Anunsyo ng bata nang makita ang truck. “Ako bahala dito!” 

 

Wala na nga nagawa si Colet nang tumakbo palabas ang bata. 

 

Wala pa naman customer. 

 

Nakatalikod siya dahil tinitingnan ang mga paninda nang marinig niyang may magsalita. 

 

“Ta Lou lam nyo na po! Fave drink koooo!” 

 

Lumingon si Colet at nakita ang isang babaeng muhkang kaedaran lang din niya. Busy itong nakatingin sa telepono kaya ata hindi napansin na hindi naman siya si Tita Malou. 

 

Siya naman busy tingnan ang babae. 

 

Ang ganda tangina. 

 

Pero teka alam na nya? Fave drink? Gago baka suki!

 

At dahil hindi niya mahanap ang dila niya, bumunot siya ng isang bote ng Royal at nilagay iyon sa loob ng plastic bago pasakan ng green na straw. 

 

Nagbibilang na ng barya yung babae pagkabalik ni Colet. 

 

“Uhm…ito.” Sana tama yung Royal shet. 

 

Nag-angat ng tingin ang babae at natigilan nang makita siya. 

 

Colet chuckled. “Sorry hindi ako si Tita Malou, pamangkin niya ako.” 

 

The girl took the plastic of royal from her before sprinting away as she dropped the money on the wooden counter. 

“T-teka!” Colet called but the girl was already out of sight. 

Tatakbo sana siya palabas nang muntik na niya mabunggo si Tupe.

 

“O Ate saan ka pupunta?” Tanong nito. 


“May bumili e kaso umalis agad di ko man lang nabigay sukli.” 

Tupe looked at her warily. “Ano itsura?” 

And Colet had to compose herself as she visualized the girl again. “Uhm…mahaba buhok nakasalamin tapos maganda yung mata.” 

Muli ay tiningnan siya ng nakababatang pinsan. 

Saka ito nagsalita. 

“Ah si Ate Jhoanna! Suki ni Mama yon! Sabi ko tama lang kasi para kapag naging asawa ko na siya kilala na siya ni Mama—aray!” 

Pinitik ni Colet ang braso nito. “Asawa ka dyan bata mo pa.” 

Tumawa lang si Tupe. “Mabait yun si Ate Jho! Kapag bumili ulit siya papakilala kita!” 

So bibili ulit? 


And so Colet found herself still at the store until her aunt got home that evening. 

“Oh Colet! Si Tupe na dyan! Namumuro yung bata na yon!” 

Colet quickly gestured for her aunt that it was alright. “Tita enjoy naman po ako dito!” 

“Pagbilan po.” 

They both stopped at the voice. 

Agad na umikot si Colet para humarap.

 

Muhkang nagulat nananaman si Jhoanna nang makita siya. 

So Colet gave a gentle smile. “Hi, may sukli ka pa pala kanina, ano bibilhin mo ibawas na lang natin.” 

“Nagkakilala na pala kayo ng suki ko eh!” Tawa ni Tita Malou. “Jhoanna si Colet nga pala, pamangkin ko, dito na siya titira. Magiging magkaibigan kayo nako.” 

Jhoanna turned back to Colet, pushing her glasses up her face. “H-Hi.” Ngiti pa nito. 

Tungunu pakiramdam ni Colet lalabas puso niya sa dibdib niya. 

“Hi.” Bati niya din pabalik. 

“Ano ba ngayon Jhoanna? Iba binibili mo kapag gabi.” Tawa ni Tita Malou.

 

“Mantika po Ta, naubusan kami e magp-prito po mamaya si Mama.” Jhoanna grinned again. 

Isang ngiti pa ni Jhoanna at pakiramdam ni Colet matutunaw na siya sa kinatatayuan niya. 

“Sandali kuha lang ako sa likod.” Sabi ni Tita Malou. 

This was her chance. 

Hinarap ulit ni Colet si Jhoanna. “Malapit ka lang din dito nakatira?” 

“Uh oo actually two houses dyan. Kita mo yung may blue na gate?” 

Sinuot ni Colet ang ulo niya sa may bukana at sumilip. “Ohh lapit lang pala.” She turned back to see that her face was centimeters away from Jhoanna’s. 

“S-Sorry.” Biglang kinakabahan na sabi ng huli at napaatras, hindi kitang sa gilid na pala siya ng gutter. “Ahh!” 

Bago pa ito tuluyan malaglag ay agad itong hinila ni Colet palapit. 

And they were back to their faces so close. 

Hindi siya nagbibiro nang sinabi niya kay Tupe na maganda mata ni Jhoanna. Parang gusto niya malunod na lamang. 

“Ito na yung mantika! Last na bote na din pala.” 

Jhoanna and Colet both pulled away just as Tita Malou came into view. 


“Thank you po!” Sabi ni Jhoanna at kinuha na ang bote ng mantika. She turned to Colet as she stepped down the street. “Bye Colet, thank you ulit.” 

She waved as she walked down back to her house. 

Ngingiti ngiti si Colet na sinundan ito ng tingin habang napapangiti din si Tita Malou sa kanila. 

And it was the same as the following days.

 

May ibang araw pa si Colet para makapag-ikot sa neighborhood. 

Ngayon ang gusto niya ay makasilay sa magandang babae.


“Pabili po, ay hi!” 

Colet smiled at the three girls in-front of her. Ngayon lang niya nakita ang mga ito. Muhkang mga kaedaran lang din niya. 

“Hi! Anong sa inyo?” 

“Tatlong fudgee barr na chocolate.” Sabi ng babaeng may ribbon sa damit. 

 

Yung babaeng matangkad na maikli ang buhok ay hindi natiis. “Saan si Tita Malou?”

 

“Huy grabe ka.” The third girl, wearing a pink shirt said as she nudged the one with short hair. “Hindi mo man lang tinanong pangalan ni ate.” 

 

Colet laughed at that. “Hi I’m Colet, pamangkin ako ni Tita Malou.”

 

“Hi! Ako nga pala si Stacey, ito si Gwen saka si Maloi.” The third girl introduced them all. 

 

“Taga dito lang din kayo?” Colet asked. Maganda kasi yung location ng bahay nila gawa nang literal na tapat nito ang covered court. 

 

“Ay oo pero sa kabilang street kami. May practice lang ng saya. Mamaya daan kami ulit dito bili ng tubig.” Sagot ni Maloi. 

Tumango naman si Colet matapos ibigay ang fudgee barr sabay lista sa logbook na meron doon. 

She watched the three girls go back to the court just as she saw a familiar face walking to the store. 

“Fave drink mo ba?” Bungad niya kay Jhoanna na lumalapit. Walang isang sabi ay kumuha siya ng bote ng royal at binigay ito kay Jhoanna. Natigilan ang babae at napangisi si Colet.

 

Siyempre alam na niyang Royal ang bet nito. Ilang araw na kasi itong doon bumibili at memorize na ni Colet.  

Saka naman ngumiti si Jhoanna at tinanggap ang plastic ng kahel na inumin. “Thank you! Ikaw pa din pala nagbabantay dito.”

 

“Oo hanggang sa Linggo siguro pero magsasara si tita kasi piyesta.” Colet answered as Jhoanna sat on the make shift bench they had there. 

“What if samahan muna kita dito?” Tawa pa ni Jhoanna. 

Napangiti si Colet. Sa ilang araw kasi na nabili ito ay aalis din ito kaagad. Saglit lang tuloy siya nakakasilay. Pero ngayon muhkang magtatagal ito. 

 

“Pwede! Kwentuhan mo ako.” Colet answered back as she leaned on the window. 

Hindi niya ulit matiis ang mapangiti. Ang cute cute kasi ni Jhoanna habang umiinom sa plastic. 

“Bakit pala hindi ka kasali sa sayaw? Kilala mo sila Maloi?”

 

“Mm! Uhm…hindi kasi ako sa sayaw kasali…sa ibang event.” Tawa pa ni Jhoanna. She had just thrown the plastic of what she was drinking when the three girls returned. 

Pawis na pawis na ang mga ito at halatang nakailang ulit na sa ineensayo na sayaw. 

“Jusko ang init.” Gwen breathed in. 

Lumapit si Maloi pa. “Hi ulit! Pabili naman kami tatlong ice tubig!” Saka nito binaling ang tingin kay Jhoanna. “Jho magtubig ka din sagot ni Staku!” 

“Staku?” Sabi naman ni Colet. 

 

Jhoanna chuckled as she leaned in and whispered in her ear. “Nickname ni Stacey.” 

 

Buti pumasok talaga ang sinabi ni Jhoanna kasi pakiramdam ni Colet nag short circuit yung utak niya nang bumulong si Jhoanna. 

 

Colet later gave them four plastic bags of searing cold water. 

 

Iba ang sarap kapag iniinom talaga sa plastic eh. 

 

“Sama ka samin mamaya Colet!” Aya ni Stacey habang pare pareho sila umiiyak ng tubig. 

 

Colet looked at them in wonder. “Sama saan?”

 

“Nuod tayo ng volleyball game nung isa pa namin na friend.” 

 

Wala sa sarili na tuminign si Colet kay Jhoanna. “Manunuod ka din?”

 

From the side, Gwen smirked as she watched them. 

 

In answer, Jhoanna nodded lightly, her doe eyes shining. “Oo magaling yung friend namin na yun si Mikhs! As in lahat nga crush siya eh.” 

 

“Diba ikaw din?” Hirit ni Gwen sabay siko naman ni Jhoanna sa kaibigan.

 

“Huy!”

 

Napatingin naman si Maloi kay Gwen na nakangisi pa din tapos balik kay Colet na nakita niyang bahagyang napanguso. “Sama ka Colet ah!” 

 

And so Colet found herself heading to the court later that night. 

 

Si Tita Malou pa niya ang nagudyok talaga sa kanya. Hila hila din naman siya ng pinsan niya dahil gusto din manuod ni Tupe. 

 

“Hindi ka ba doon sa basketball manunuod?” Tawa ni Colet. Siyempre aminin man ng iba o hindi mas sikat ang larong basketball sa Pilipinas. 

 

Pero bilang sagot ay umiling lamang ang kanyang pinsan. 

 

“Nako te Colet kung makikita mo lang gano kalakas pumalo mga player dito mas exciting talaga!” Ani Tupe na nauuna maglakad sa kanya. 

 

Malayo pa lang ay naririnig na ni Colet ang ingay ng mga tao na halatang inaantabayanan ang sinasabing laro. 

 

“Colet!” 

 

They were nearing the bleachers when Colet saw Jhoanna waving at her. 

 

“Hala te Colet ayan na asawa ko!”

 

Kinurot ni Colet patilya ng pinsan. “Tigil mo yan ‘Pe, akin na yan.” 

 

“Luh! Aagawan pa ako!” Balik ni Tupe pero natatawa din naman. 

 

Jhoanna wasn’t by the bleachers though. Naroon ito sa nagbebenta ng tusok tusok. 

 

Colet fixed the backwards cap she was wearing and made her way over to where the pretty girl was. 

 

Jhoanna wasn’t alone. She was with another girl who was enjoying a cup of gulaman. 

 

“Sheena, ito si Colet yung pamangkin ni Ta Malou, siya yung nagbabantay ngayon sa tindahan.” Biglang pakilala naman ni Jhoanna. 

 

Colet gave the girl a smile. “Hi!”

 

”Kapatid ko si Sheena.” Ani pa ulit Jhoanna. 

 

“Ah ikaw pala si Ate Colet…gets—aray!” Nakanguso na tiningnan ni Sheena si Jhoanna. Kinurot kasi siya sa tagiliran. 

 

Jhoanna chuckled nervously as she ruffled Tupe’s hair. “Gusto niyo? Libre ko.” 

 

Binaling nito ang tingin kay Colet. “Hey, gusto mo ng fishball? Or maybe isaw?”

 

Hindi kaagad nakasagot si Colet. Paano ba naman naliligaw nanaman siya sa mata ni Jhoanna. Why do they look like they hold the whole galaxy? No joke. 

 

“Ikaw daw Ate Jho gusto ni Ate Co—aray aray joke lang eh!” Tawa ni Tupe. Ayan kinurot nanaman kasi patilya niya. 

 

“Kahit ano Jho ikaw na pumili para sa akin.” Colet said, clearing her throat. Mamaya talaga si Tupe sa kanya sa bahay. 

 

“Tupe halika dito chikahan mo ako.” Sabi ni Sheena at hinihila si Tupe. 

 

Bago pa mapigilan ni Jhoanna ay nakalayo na ang dalawa. 

 

Napabuntong hininga ito at si Colet naman ay napakamot din sa cap niya. 

 

“Bahala na yung dalawang yun sa atin na lahat itong isaw.” Jhoanna chuckled as she and Colet poured over the tusok tusok. 

 

“Sila Maloi pala?” Colet asked Jhoanna as they ate the isaw. 

 

Bahagyang natigilan si Jhoanna na kumakagat sa isaw. 

 

She breathed in first before smiling at Colet. “Nandoon na ata sa mga bench, I think nag save sila ng seat para sa atin. Gusto mo ba mauna doon? Hintayin ko lang ito binilhan ko din sila eh, sunod ako.” 

 

Colet drank from her gulaman, throwing it to the trash. “Nope, dito lang me. Sabay na tayo.” As if iiwan niya ito. 

 

Jhoanna nodded her head, looking to the side for a second. Saka ito napangiti.

 

Nang maluto na ang mga order ay pinagtulungan nila ang mga pagkain buhatin papunta sa kung nasaan sila Stacey.

 

Colet saw that Sheena was also there along with Gwen, Maloi and Stacey. But there was one unfamiliar girl talking animatedly with Stacey.

 

“OMG thank you Jho shet ang sarap ng fishball!”

 

“Hindi mo pa nga nakakain.” Pang-aasar ni Gwen kay Maloi na binelatan lang ito.

 

“Jho ingat.” Sabi naman ni Colet baka kasi madapa si Jhoanna sa benches. Agad siyang humawak sa bandang braso nito.

 

“Naks Ate Jho close na agad kayo nito ni Ate Colet.” Sabi pa ni Sheena sa nakakaintriga na tono.

 

”Oh so she’s Colet!” Biglang sabi ng babae na first time nakita ni Colet.

 

Agad siya napatingin dito kaya naman kumaway ang babae sa kanya. “Hi I’m Aiah!”

 

“Hi.” Colet greeted warily. Ang dami pala nilang magkakaibigan.

 

“Babi yung towel ko nandyan?”

 

Colet turned at the voice and saw a girl in her volleyball jersey heading Aiah’s way.

 

“Ay nandito babi wait.”

 

“Ito nanaman sila jusko respeto talaga sa single!” Sheena sighed, shaking her head as she looked at the two.

 

Aiah on the other hand was already pulling out a towel from inside the bag she had behind her, giving it to the girl.

 

“Goodluck kiss ko?”

 

“Tamo humingi pa ng goodluck kiss!” Himutok ni Maloi nang paluin ito ni Stacey sa braso.

 

“Beh payagan mo na may pusta ako dito sa laban na ito kailangan manalo nila Mikhs.”

 

Ah so this was Mikha. pero girlfriend pala nito si Aiah? 

 

Naalala ni Colet ang sinabi kasi ni Gwen kahapon.

 

Pasimple siya napatingin kay Jhoanna. Only for her to see that the girl was looking at her.

 

Agad agad naman nag-iwas ng tingin si Jhoanna.

 

“Wala talaga kayo dulot.” Tawa pa ni Mikha bago lumapit para halikan ang pisngi ni Aiah. 

 

Magsisimula na din pala kasi talaga ang laro. 

 

“Ate Jho patabi!” Biglang litaw ni Tupe sa kung saan. May dala itong gulaman. Umupo ito sa tabi ni Jhoanna dahilan para tumaas ang kilay ni Colet. 

 

As if naman papayag siya diba. 

 

“‘Pe, tayo.” 

 

Sinimangutan ni Tupe ang pinsan pero nang pandilatan ito ni Colet ay agad naman umusog para may espasyo. 

 

Sumiksik si Colet sa gitna nila. 

 

“Ay sorry masikip ba?” Tila nag-aalala na sabi ni Jhoanna. 

 

Akmang gagalaw pa ulit ito pero pinigilan naman ni Colet. “Deh okay lang.” 

 

Aarte pa ba siya? 

 

Their arms and kneed were bumping into each other but Colet cared not one bit. Sana hindi siya masyado pagpawisan sa init nakakahiya kasi kay Jhoanna.

 

“BABI KO YAN!” 

 

The cheers started as the game began. 

 

Colet had to give it to what they were all saying. Grabe talaga ang hampasan. Si Mikha pala ang setter ng team nito. 

 

“Ayan ayan!”

 

“PALO MO!” Maloi and Stacey cheered.

 

The rally was intense as the other team had this massive player who spiked like she ate volleyballs for breakfast. 

 

PAK!

 

One such move caused the ball to fly over to where they were. 

 

Particularly to Jhoanna. 

 

“Ahhh!” Tumili na ito pero mabilis si Colet. 

 

Hinarang niya ang braso at sinabayan na din ng pagtayo dahilan para tumama sa kanya ang bola. 

 

She could take the pain. 

 

But she wasn’t able to catch herself from falling. 

 

Sakto lumanding muhka niya banda sa may balikat banda ni Jhoanna. 

 

“Hala! Colet okay ka lang?!” Alalang alala na tanong ni Jhoanna. 

 

Hindi. Hindi siya okay. Kasi gago dumudugo ilong niya!

 

Napatingin na din ang iba sa kanila. 

 

Hala. Ayaw ni Colet ng atensyon!

 

Ang iba pa nilang kasama ay nag-aalala na din.

 

Pang-ilang araw pa lang talaga niya agaw pansin na agad. 

 

Sumenyas siya na ayos lang naman siya. 

 

“Halika halika.” Ani Jhoanna at inalalayan si Colet na pumunta sa may homeowner’s office. 

 

Nandon si Kuya Kulas na siyang caretaker dahil gabi na.

 

“Hala ano nangyari?” Kuya Kulas asked.

 

“Tumama siyas sa braso ko eh.” Jhoanna replied. They had Colet sit down on a monobloc, making sure to wipe the blood. Saka nito ininstrucan si Tupe.

 

”Kuha ka yelo sa inyo.”

 

Dali dali ginawa ng bata ang sinabi niya.

 

Colet coughed as she felt Jhoanna making her lean forward.

 

“P-press ko lang ah. Sorry.” Jhoanna said as she pressed the soft part of Colet’s nose.

 

Masakit pero parang gago mas kinikilig si Colet.

 

Malala na ito.

 

Tupe came back after a few minutes but Jhoanna made sure that the bleeding stopped before she sat in front of Colet and applied the ice pack.

 

“Okay ka lang?” Jhoanna asked, pushing a strand of Colet’s hair away from her face.

 

Nakatayo doon si Kuya Kulas at Tupe na nanonood.

 

Pasimpleng bumulong si Kuya Kulas sa bata. “Nakakaistorbo ata tayo.”

 

“Onga eh. Balikan na lang natin kuya libre mo na lang ako cheese stick.”

 

“Sige.”

 

Colet couldn’t stop the smile on her face.

 

Mahinang natawa si Jhoanna. “Ikaw lang kilala ko na dumugo na nga ang ilong ngumingiti pa.”

 

The ice pack still by her nose, Colet answered. “Ano kasi, ang bango ng kilikili mo—aray!” 

 

Diinan ba naman yung yelo!

 

”Okay ka na ata iwan na nga kita.” Asar pa ni Jhoanna at tumayo. 

 

Natatawang sumunod si Colet habang nakalapat ang yelo sa bandang ilong pa din niya. 

 

They walked into the streets, the night breeze accompanying them. 

 

“Uwi ka na para makapahinga ka na.” Ani pa Jhoanna. They walked side by side, back to where the store was. 

 

Nakita ni Colet na namumula pa ang muhka ni Jhoanna. Ayan mas lalo lang niya gusto asarin. 

 

“Pero promise, nung tumama muhka ko sa bandang bicep mo, naamoy ko ang bango nga.”

 

“Paduguin ko kaya ulit yan?” 

 

Colet chuckled at that. Hindi naman siya iiwan ni Jhoanna kasi bakit ito umuupo doon sa may bench sa tindahan nila diba?

 

Tita Malou may have closed for the night but they could stay there. 

 

“Tsk, patingin nga.” Nag-aalala pa din na sabi ni Jhoanna at hinila palayo ang ice pack. “Sayang tangos pa naman ng ilong mo tapos mababali lang.” 

 

“Hindi naman siya bali saka kaysa matamaan ka pa nung bola.” Colet replied as they sat side by side.

 

Pero okay na lang na talaga ilong niya. Di bale na ma-injure ulit basta makasama lang niya ang crush niya. 

 

Jhoanna bit her lip, fixing her glasses again. “But thank you, ikaw talaga. Paano ba ako babawi?” 

 

“You already fixed my nose. Tamo hindi na nadugo.” Colet said.

 

Napailing si Jhoanna at napatingin na lang sa langit. Gabi na talaga dahil lumalabas na ang mga bituin. 

 

“Hindi ka naman ba hahanapin ng friends mo?” Colet asked, placing the ice pack to the side.

 

“Alam naman na nila yun saka friends mo na din sila from now on kasama ka na sa barkada wala ka na choice.” Jhoanna pointed out as an answer to what the latter said. 

 

It’s only been a few days but Colet realized she was going to like living here. 

 

Saka siya muli tumingin sa kasama. “May naisip na ako pano ka babawi.” 

 

And the bespectacled girl merely looked back at her, waiting for what she was going to say. 

 

“Bili ka lang ulit bukas dito sa tindahan.”

 

 Jhoanna raised an eyebrow. “Uhm araw araw naman talaga ako nabili?”

 

“Basta punta ka dito bukas.” 

 

Sighing, Jhoanna nodded her head before she wiped a small streak of dried blood by the side of Colet’s nose. “Fine.”

 

Saka ito tumayo mula sa kinauupuan. 

 

Colet stood up as well. 

 

“Good night.” Ani pa Jhoanna sa kanya bago ito maglakad papunta sa bahay nito na ilang dipa lang ang layo. 

 

Tinanaw niya ito at kumaway nang masiguradong nakapasok na ito. 

 

Nang maiwan doon ay napangiti si Colet. Tangina kilig na kilig siya. 

 

It’s only been a few days. Siyempre sa mabilisan na siya. 

 

Hindi naman kasi siya ang magbabantay kinabukasan. Si Tupe ang inassign ni Tita Malou. So aakto na siya. Sayang ang panahon. 

 

The next day, she prepared a tub full of pesto pasta. 

 

Nagluto din siya siyempre para sa tito at tita niya. Pati kay Tupe na sarap na sarap. 

 

“Akala ko mag-aalala ako sa lalaki hindi pala.” Pang-aasar pa ni Tito Omar nang matapos silang kumain. 

 

“Mabait na bata yun si Jhoanna.” Komento pa ni Tita Malou na siyang naghuhugas na ng plato. 

 

Colet bit her lip. Kinikilig lang talaga siya. 

 

Pumwesto na siya sa may bench sa tapat ng tindahan. Simple lang pero dito niya kasi sisimulan. 

 

At maya maya lang ay nakita na nga niya si Jhoanna na naglalakad palapit. 

 

The girl was wearing a simple green sleeveless shirt and shorts. Pero huling huli ang kiliti ni Colet. 

 

“Ano ‘to?” Jhoanna chuckled when Colet gave her the tupperware. 

 

Umupo silang dalawa sa bench. 

 

“Pinagluto kita.” 

Jhoanna looked cautiously at her.

 

“Grabe di ko yan nilason!” Sagot ni Colet sa binigay na tingin ni Jhoanna na siyang humalakhak.

 

There was a certain rhythm to Jhoanna’s laugh. 

Ang cute cute! 

Inabutan ito ni Colet ng tinidor at agad naman nito tinikman. 

“Hala ang sarap nga! Meron pa ba nito iuuwi ko talaga!” 

Colet grinned. “Pagluluto na lang kita.” She said as she fixed Jhoanna’s glasses which were falling off. 

“Tamis. O ito fudgee barr saka coke!” Biglang sabi ni Tupe na nakadungaw sa kanila mula sa awang ng tindahan. 

Colet took the Fudgee Barr but stopped when she saw the plastic of Coke. 

“Pe hindi yan yung gusto ni Jho.” 

“Ha? Ate muhkang coke yan si Ate Jhoanna anong hindi yung gusto!” Tawa ni Tupe. 

Dahan dahan na napatingin si Colet sa babae. 

Jhoanna had a sheepish look on her face before she explained. 

“Kasi ano ahm…nung binigay mo yung Royal that first day di na din ako nakaimik. Kaya I just went with it.” 

Colet chuckled. “So kahit Coke talaga trip mo…tinanggap mo yung mga pinagbibigay ko na Royal?” 

“Kasi nga.” Biglang singit nanaman ni Tupe sa usapan habang nakasalumbaba. “Crush niyo naman talaga isa’t isa.” 

Jhoanna shrugged her shoulders at that. “Well ako oo crush kita.” 

And Colet sat there. Buong tapang na lumapit para halikan sa pisngi si Jhoanna. Sinulit niya. Kung bilangan ng segundo umabot ng lima ata ang dampi ng labi niya dito. 

“FOUL! SA HARAP KO?!” Protesta ni Tupe. 

Jhoanna and Colet merely laughed as the latter whispered. 

“Oo crush na crush din kita.” 

Notes:

Ito ay commercial lang po talaga ng Coke at Fudgee Bar at Royal