Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-02-03
Words:
460
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
2
Hits:
25

prerog sa puso mo

Summary:

just college yeopnye. gusto lang naman nila gumraduate pero bakit may extrang potential jowa.

Notes:

wrote this back in college lmao. this is me projecting and the lack of units in my uni.

Work Text:

kung bakit ba naman ay hindi niya pa natake ‘tong PHILARTS1 noong freshie siya ay hindi rin alam ni Sangyeop. kaya there he is, sitting silently habang napaliligiran ng mga freshie. first day kaya syempre tahimik pa ‘yang mga ‘yan.

damn ang awkward.

“may magpprerog ba?” malakas na sabi ng prof niya.

napadpad ang tingin niya sa limang estudyanteng nakatayo sa gilid ng classroom na agad nagtaas ng kamay. isipin mo, gusto mo lang mag-aral nang matiwasay pero kailangan mo pang magmakaawa ng units para hindi ka ma-delay.

just the usual routine sa paghingi ng teacher’s prerogative na itatanong kung anong batch sa unibersidad at ilang units na ang meron ang estudyante. minsan ‘pag trippings ang prof ay magpapatalent o kaya ay bunutan ng ID. pero may pagka anghel yata tong prof niya kaya lahat ay tinanggap.

pagkatapos ma-lista ang pangalan ng mga bagong estudyante sa klase ay ang usual na introduce yourself.

“Sangyeop Choi po. batch ‘20.” pakilala niya.

“graduating this sem?” agad na tanong ng prof niya.

awkward na ngumiti si Sangyeop at sinabing “sana po”.

after makapagpakilala ng lahat ay nagdiscuss na ang prof niya ng syllabus. sinimulan niya agad sa mga requirement sa klase.

patay puro by pair.

“we’ve designed this na your pair sa simula is siya na hanggang final project — oh no odd number kayo. mr. graduating, okay lang solo ka?”

sasagot na sana si Sangyeop ng oo pero biglang may nagbukas ng pinto.

“MA’AM SORRY PO SA ABALA PERO PWEDE PO BA MAG-PREROG?”

lahat ay napatingin sa taong bagong pasok. bago pa man makasagot ang prof ay agad na nagsalita ang lalaki.

“ma’am please po ikaw na lang last chance ko para makagraduate. galing pa po akong colsec kaya ma’am please.”

hindi alam ni Sangyeop kung sadyang magaling lang ba umarte ‘to o sadyang desperado siya sa units. sabagay, graduating daw.

“batch? and why PHILARTS1?” agad na sabi ng prof niya.

“batch ‘18 po ma’am. ito po nasa approved plan of study ko ma’am. promise po di ako aabsent sa klase niyo ma’am please tanggapin niyo na po ako.”

sa tingin ni Sangyeop ay malapit nang lumuhod ‘tong lalaki pero buti naman at tinanggap ang prerog request niya.

“sure. pakisulat na lang dito details mo.”

“THANK YOU PO MA’AM DI PO KAYO MAGSISISI!!!!”

“mr. graduating, siya na lang partner mo ha, pareho naman kayong graduating. iho, introduce yourself to the class then sit next to him, yung naka black na checkered”

“Yechan Shin po. i have a dog named Seol and I play violin.”

“thank you Yechan, you may now take your seat. just ask your partner about the syllabus”

“hi.”

“hello. name mo?”

“Sangyeop”

“add kita sa facebook ha. pa-type naman ng name mo.” sabi ni Yechan sabay abot ng phone niya.