Chapter Text
Nakatayo si Alecks sa tapat ng desk ni Milo, hawak ang isang sample painting na kailangan ng “budget approval”.
”Milo, it’s just a 500-pesos increase para sa acrylic paints. Don’t be such a heartless robot,” exaggerated na sabi ni Alecks, sabay lean-in sa desk ni Milo. Sinadya niyang ayusin ang buhok niya para maamoy ng SC President ang vanilla fragrance niya.
“Oh, no. Vanilla. Ang bango niya. Target heart rate breached. 140 bpm. Milo, stay calm. Focus on the numbers. Huwag kang tumingin sa mga mata niya, baka ma-format ang brain mo,” Milo’s internal monologue. “The budget is fixed, Alonzo,” malamig na sabi ni Milo, habang ang mga kamay niya sa ilalim ng lamesa ay mahigpit na nakakapit sa upuan para hindi manginig. “Increasing it by 5% will disrupt the fiscal equilibrium of the Arts Council.”
“Fiscal equilibrium? Sis, ang sabihin mo, gusto mo lang akong makita dito sa office kaya mo ako pinahihirapan sa budget namin,” asar ni Alecks sabay kindat sa kausap niya na halos di na makahinga sa proximity na meron sila ngayon. “Sige lang, Milo. Kunwari ka pang budget-budget diyan. Pero nakita ko yung reflection sa glass window mo kanina—nakatitig ka sa mga labi ko nung nag-explain ako. You’re trying hard not to stare but failed, and I am living for it.”
