Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-02-08
Completed:
2026-02-11
Words:
6,441
Chapters:
2/2
Comments:
14
Kudos:
32
Bookmarks:
1
Hits:
312

sa pagitan ka natagpuan

Summary:

seungcheol and jihoon came from long-term relationships. in the middle of finding a distraction and an entertainment, they found comfort in each other… and more.

Chapter 1: sa pagitan

Notes:

I think it ruins the fun if I have to explicitly say it, but I think I still have to say it because I can't make this any less confusing— a long horizontal line means it's a different day, but does not necessarily mean the next day. their conversations happen with dayS in between. (———) means it's the same day, just at a later time.

para akong nagjoke tapos pinaliwanag yung joke. ang corny.

anyway, I do not have a song inspiration with this, but while writing, munimuni's bawat piyesa played, and I think it's fitting!

please give it a listen: https://open.spotify.com/track/1tC2PLqLeJXt0VlgOYpc6m?si=a7f82e6dfb514d3c

(I love it so much, sobrang di ko maexplain yung nararamdaman ko whenever I listen to that song.)

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

ilaw na lang sa mga poste ang nagbibigay ng liwanag sa kalsada. may mga panaka-nakang taong dumadaan pa rin pero padalang na nang padalang. hindi makatulog si ji. alas-otso pa lang nung nagsimula siyang humikab pero hindi naman natitigil ang isip niya. kaysa magi-ikot sa kama, pinagpasyahan niyang lumabas ng bahay nila at umupo sa gutter sa tapat. kung anong gagawin? hindi niya rin alam. ang alam niya lang ay kailangan niyang lumabas.

inunat ni ji ang kanang binti saka hinugot ang teleponong nasa bulsa para tingnan ang oras. 12:16 am. humampas ang malamig na hangin sa mukha niya, “puta, ang lamig naman.”

has january ever been this cold? o mas malamig lang ngayon dahil sa kasalukuyang sitwasyon niya?

labing-isang buwan na simula nung maghiwalay sila ng ex niya— na boyfriend niya ng anim na taon. mag-iisang taon na pala next month. ji thinks that he’s been doing well. masakit nung una, of course. that was six years of his life. hindi naman yun madaling matatanggal sa sistema. totoong minahal niya si wonwoo. at alam niya rin namang minahal siya nito. masyadong matagal ang anim na taon kung nagpapanggap lang sila no’n.

paunti nang paunti ang taong dumadaan at lalong nabobored si ji dahil wala na siyang mahusgahan— hulaan kung saan ang mga ito galing. pero ayaw niya pa namang pumasok at nawala na rin ang antok niya.

nang mahigit sampung minuto nang walang dumadaang tao ay muli niyang pinailaw ang kanyang telepono saka dumiretsong nag-install ng dating app.

“entertainment,” ani ni ji sa sarili saka pinagpatuloy ang pag-setup ng account.

“username? hmmm,” matagal siyang nag-isip saka tinipa, wonhoon22. “pwede na yan, wala na akong maisip.”

naka-ilang lagpas siya sa mga dumadaang profile, ”napaka-uninteresting naman ng mga ‘to, mas nakakalibang pa ata magbasa ng mga résumé.”

ilang lagpas pa ang lumipas nang mapatigil siya sa isang account, “mayamangpoginamabango amputa hahahahahahaha ang corrny.”

nang pindutin niya ang “match”, agad na nag-prompt ang “matched” sa screen.

wonhoon22

ang corny ng username mo

mayamangpoginamabango

weh

bakit mo ko minatch

wonhoon22

para tanungin ka sa username mong corny

mayamangpoginamabango

excuse me, totoo yan

wonhoon22

ows

ebidensya nga

mayamangpoginamabango

sus gusto mo lang makakita ng pogi eh

alam ko na yang style na yan

wonhoon22

ebidensya nung mayaman

kahit wag na yung pogi

 

mayamangpoginamabango

hahahahahaha may bitaw ka ah

eh ikaw

wonhoon pangalan mo?

wonhoon22

hindi

mayamangpoginamabango

eh saan galing yan?

wonhoon22

pinaghalong pangalan namin ng ex ko

mayamangpoginamabango

tapos gamit mo sa dating app?

wonhoon22

bakit? wala namang rule na bawal ah

eh sa wala na akong maisip eh

mayamangpoginamabango

ang lupit mo

bakit di na lang “malditangmaybitaw”

wonhoon22

nakakabwiset

mayamangpoginamabango

no, i’m funny

di mo ba nakita sa bio ko

wonhoon22

di ko binasa at di ako interesado, mukha rin namang di totoo

nacornyhan lang ako sa username mo

mayamangpoginamabango

see, malditang may bitaw talaga

wonhoon22

pag binigyan kita ng bitaw makikita mo

mayamangpoginamabango

pwede rin pala “matapangnamalditangmaybitaw”

wonhoon22

corny na lalo, drop mo na yan

mayamangpoginamabango

hahahahahaha dagdag mo na rin “pikon”

so, bakit ka nandito?

wonhoon22

wala, bored lang

mayamangpoginamabango

so, I’m an entertainment

wonhoon22

hindi rin, hindi naman ako masyadong entertained

mayamangpoginamabango

aray

duda akong di ka natawa sa malditang may bitaw

wonhoon22

hindi talaga

ikaw, bakit ka nandito?

mayamangpoginamabango

bored lang din

wonhoon22

bakit mo ko minatch

mayamangpoginamabango

minatch ko lahat ng dumaan sa akin

hahahahahaha

wonhoon22

figured

ge na inaantok na ko

mayamangpoginamabango

good night, malditang may bitaw

wonhoon22

corny talaga

nyt


mayamangpoginamabango

good morning

hindi mo sinabi pangalan mo

wonhoon22

just call me ji

mayamangpoginamabango

ji

hmm

so, are you jiwon or jihoon?

wonhoon22

jihoon

sa ex ko galing yung won

mayamangpoginamabango

ohhh

wonhoon22

what’s your name?

 

mayamangpoginamabango

seungcheol. cheol na lang

wonhoon22

sure

mayamangpoginamabango

saan ka ngayon niyan?

wonhoon22

sa bahay

naka-leave ako

mayamangpoginamabango

oohhh, interesting

was the breakup fresh?

wonhoon22

no

mag-iisang taon na kaming break next month

mayamangpoginamabango

that’s still fresh

 

wonhoon22

paano mo nasabi

mayamangpoginamabango

2 years na kaming break ng ex ko

2 years na kahapon to be specific

and I think it’s still fresh

wonhoon22

oh

so hindi ka talaga bored kahapon

naghahanap ka ng distraction

mayamangpoginamabango

hahahahahaha kinda

but I think I’ve moved on

wonhoon22

ilang years kayo

mayamangpoginamabango

9 years

wonhoon22

wow fuck

mayamangpoginamabango

hahahahahaha gets

kayo?

wonhoon22

6 years

mayamangpoginamabango

whew

wonhoon22

whew indeed


wonhoon22

mahal mo pa?

mayamangpoginamabango

wala man lang bang good evening diyan

wonhoon22

good evening

so, mahal mo pa ba?

mayamangpoginamabango

i told you, moved on na ko

natanggap ko na na hindi kami ang para sa isa’t isa

wonhoon22

paano

mayamangpoginamabango

anong paano

wonhoon22

paano mo natanggap na wala na talaga

saka bakit sabi mo fresh pa rin

mayamangpoginamabango

the breakup was mutual

parang sa 7 year mark, hindi ko na maramdamang nasa relasyon kami

fresh in the sense na parang kailan lang part pa siya ng buhay ko, ngayon wala na siyang alam

wonhoon22

do you believe sa 7 year itch?

mayamangpoginamabango

no

sa every year itch ako na naniniwala

i believe a relationship is just choosing each other despite

wonhoon22

you said the breakup was mutual

bakit kayo nagbreak?

mayamangpoginamabango

diba i said nung 7th year namin, i don’t feel him anymore

it’s true

and maybe he doesn’t feel me anymore, too

masyado na kaming naging complacent

it’s like we stopped trying for each other, for the relationship to work

wonhoon22

eh bakit umabot kayo ng 9 years?

mayamangpoginamabango

nanghihinayang

me personally, inisip ko gaano kalaking parte na ng buhay ko yung kasama ko siya

natatakot akong magsimula ulit kaya I stayed

and i was thinking if posible bang matanggal ko siya sa sistema ko if he was in it for 7 years

it sounded impossible then

kaya umabot ng 9 years

better word, naduwag

wonhoon22

no

i think it’s brave

na kinaya mo pa rin despite those thoughts

i’m happy for you, cheol

mayamangpoginamabango

thank you

wonhoon22

so bakit need mo ng distraction kahapon kung moved on ka na pala

mayamangpoginamabango

eh we ended on good terms naman kasi

pero ayokong kamustahin siya

at baka kinamusta ko siya kahapon kung hindi ko dinistract ang sarili ko

wonhoon22

hahahahaha makes sense

mayamangpoginamabango

ikaw naman magkwento

wonhoon22

hahahaha next time

bye


mayamangpoginamabango

kailan yung next time

wonhoon22

hahahahahahaha ano bang gusto mong malaman

mayamangpoginamabango

mahal mo pa?

wonhoon22

oo

mayamangpoginamabango

ouch, ang bilis ng sagot

wonhoon22

mahal ko pa talaga

though, mutual din naman yung breakup technically

mayamangpoginamabango

pero

hindi mo ginusto?

wonhoon22

mismo

mutual lang dahil parang wala naman na akong choice

mayamangpoginamabango

what happened?

wonhoon22

he was building a life for us na hindi ko gusto

he wanted us to move abroad

as in for good at doon na gumawa ng pamilya

I never thought about it ever

ayun

mayamangpoginamabango

hindi mo naisip ang alin?

ang bumuo ng pamilya kasama siya?

wonhoon22

would I date him for 6 years if di ko siya nakikitang kasama kong bubuo ng pamilya

I was referring dun sa pag-move abroad

mayamangpoginamabango

why not

that doesn’t sound too bad

wonhoon22

yes, but i also have a family here

i don’t want to spend my life away from them

only child ako

ayokong iwan parents ko

mayamangpoginamabango

ganun din naman pag nagpamilya ka dito

hihiwalay ka pa rin sa kanila

wonhoon22

oo

pero pwede ko sila bisitahin anytime

unlike if nasa ibang bansa ako

i can’t spend my whole life missing my family

mayamangpoginamabango

so you chose to lose won instead

wonhoon22

wow nickname basis

but yes

mayamangpoginamabango

do you regret it?

wonhoon22

sometimes

when i miss him

iniisip ko baka kaya naman

at least nasa tabi ko siya

but then also

iniisip ko I might resent him for the rest of our lives

if i did it just because i love him

mayamangpoginamabango

why didn’t you try ldr

wonhoon22

mamatay na lang ako

mayamangpoginamabango

hahahahaha gets


wonhoon22

paano mo nalamang moved on ka na

mayamangpoginamabango

wala ka man lang talagang bati bati eh no

straight to the point agad

wonhoon22

arte mo

mayamangpoginamabango

hahahahaha comeback ni malditang may bitaw

wonhoon22

kainis

mayamangpoginamabango

pikon :P

parang nagmu-move on na ko sa pagitan ng 7th at 9th year

kaya I know the breakup was inevitable

naghihintayan na lang kami

wonhoon22

wow

sana all

mayamangpoginamabango

would you prefer na hindi niyo na lang mahal ang isa’t isa?

wonhoon22

oo hahaha

baka mas madali yun

mayamangpoginamabango

nakaalis na ba siya?

wonhoon22

oo, 3 months after our breakup, umalis na siya

alam mo ang funny

inasikaso niya na lahat

without ever asking me

kaya nagulat ako kasi di ko naman alam na may ganung plano

mayamangpoginamabango

hindi niya sinabi sayo?

wonhoon22

i mean

he mentioned once na may offer na work sa kanya abroad

pero di naman na niya binanggit ulit ever

until natapos niya na asikasuhin lahat

akala ko nabanggit niya lang in passing

he accepted it na pala

mayamangpoginamabango

ahhh

kaya sabi mo wala ka ng choice

wonhoon22

oo

eh ano pang magagawa ko

desidido na siya

i can’t just make decisions on a whim

when i have people i have to consider

mayamangpoginamabango

touché

do you resent him now?

wonhoon22

ngayon hindi na

nung una oo

kasi i felt like i was not considered

pero i realized he has dreams of his own

hindi ko siya pwedeng itali dito kung nandun ang pangarap niya

but i wish he made me aware of things

so hindi ako kept in the dark

mayamangpoginamabango

at naready mo yung sarili mo

wonhoon22

at naready ko yung sarili ko

mayamangpoginamabango

pero mareready mo ba talaga yung sarili mo

wonhoon22

hahahahahaha hindi rin

mayamangpoginamabango

hahahahahahahahaha


mayamangpoginamabango

nag-usap ba kayo after?

wonhoon22

wala ka na rin man lang bati

gaya-gaya ka

mayamangpoginamabango

pag ikaw pwede, pag ako bawal

wonhoon22

wala akong sinabi

mayamangpoginamabango

so ano nga

wonhoon22

no

he tried to reach out once, 5 months ago

pero di na rin ako sumagot

what’s the point

babalik lang ako sa simula

mayamangpoginamabango

wow

nakaalis ka na ba sa simula

wonhoon22

hoy oo no

nakalayo naman na ako kahit papaano

mayamangpoginamabango

pero mahal mo pa

wonhoon22

unfortunately


mayamangpoginamabango

hindi ba tayo friends na

baka naman pwede tayong lumipat somewhere

marami pa akong tanong

wonhoon22

hindi ako nakikipagfriends sa may mga corny na username

mayamangpoginamabango

di mo na binitawan yan

wonhoon22

hahahahaha corny kasi

nakadeactivate mga social media accounts ko

text mo ko dito: [+63 922 *** ****]

mayamangpoginamabango

k


+63 908 *** ****

malditang may bitaw

send money kung tunay na mayaman

ayaw mo bang icheck kung pogi talaga at mabango

wag ka na

mas importante pera

ano sinave mong pangalan ko

hindi ko sinave

sobrang sama

hahahahahahahaha

parang wala akong nalalaman sayo ah

parang di ko alam na mahal mo pa ex mo ah

wow yun pa isinumbat

si di pa pala naka-move on to

wow talaga

pag ako naka-move on, who you ka sa akin

hahahahahaha pikon talaga

save mo ko

parang hindi friends

hindi talaga, ang sama ng ugali mo

sino kaya

:P


cheol

siguro pangalan ko sayo malditang may bitaw

hahahahahahahahahahahaha paano mo nalaman

bwiset

okay lang yan, totoo naman

at least may bitaw

patitikimin kita ng tunay na may bitaw


cheol

anong gagawin mo pag umuwi siya dito?

tangina, good morning naman ha

di man lang ako pinagtoothbrush man lang

yan talaga pa-almusal mo

umuwi pa lang tanong ko

hindi ko naman sinabing nag-reach out siya sayo

tangina mo, gago

hahahahahaha


cheol

tagal mo naman mag-isip

dalawang araw mo na pinag-iisipan yan

ang sarap mo suntukin

ano nga

seryosong tanong

anong gagawin mo kapag nalaman mong umuwi siya?

wala

ano ba dapat ang gawin ko eh hindi naman siya sa akin uuwi

wow, gusto mo sayo?

hindi ganun ibig kong sabihin

hahahahaha oo gets ko

eh paano kung

puntahan ka niya

tapos gusto makipag-usap

wala naman kaming pag-uusapan

ang tanong anong gagawin mo

di ko alam

wag mo nga ako tanungin ng mga what ifs mo

nandadamay ka pa

nagtatanong lang eh

ampanget ng mga tanong mo


cheol

kung uuwi siya at gustuhin niyang makipag-usap

mahaharap ko ba siya?

wow pinag-iisipan niya pala talaga

tanong ka kasi nang tanong

I think you have to

kahit tingin mo hindi mo kaya

malay mo moved on ka na pala talaga

hindi mo pa lang alam kasi nakahawak ka pa rin sa idea na mahal mo siya

baka kailangan mo lang siyang makita para malaman mong umusad ka na talaga

ipapatumba na kita

seryoso nga

naiiyak ako

ayoko na

si iyak naman

isipin mo lang


cheol

kape tayo

di ako nagkakape

edi hindi kape sayo

ayoko

baka i-sako mo ako

ginawa pa akong masamang tao

hindi ba?

ikaw lang masama dito

hahahahahahahaha

taga-saan ka ba?

dami mo ng nalalaman sa akin

baka magpadeliver ka dito tapos i-cod mo

thanks sa idea

tinatanong ko lang saang siyudad

hindi ko naman tinatanong exact address

hahahahahahahahah

makatizen to

makati rin ako!

baka nagkasalubong na tayo sa daan

wow sa daan?

bakit, naglalakad-lakad ka ba sa sidewalks ng makati?

hahahahahahahaha okay may point

ikaw siguro yung muntik makasagasa sa akin dati

hahahahahahahahahhahaha

hayup


cheol

up pa yung offer na coffee?

kala ko ba hindi ka nagkakape?

edi hindi kape sa akin

hahahahaha ma-wait mo ba ako ng 30 mins.?

send mo pin location

sunduin kita

[pin location]

— — —

ikaw ba yung mukhang rice ball na nakatayo dito?

anong rice ball gago

naka-black ka?

oo

edi ikaw nga to

ah ikaw ba tong mukhang baliw na nakaway dito

— — —

salamat at hinatid kita

hahahahahhahaa ay

thank you

sa time, sa treat, and sa paghatid

k welcome

in fairness, mabango ka nga

talaga

di ako naniniwala sa false advertising

ano pa

anong ano pa?

pogi ba?

hahahahahahhaha leche

pwede na

pwede na raw

parang poging pogi ka nga sa akin

bwiset

sana umuwi na lang pala ako kesa nakipagkita sayo

hahahahahaha tagal na nating nag-uusap, ngayon lang tayo nagkita

mag-iisang taon na sa january!

10 months na agad yon?

wow time flies

indeed


cheol

free ka sa linggo?

aww hindi

sorry ka

ano ganap mo

secret baka malaman mo

hahahahaha

bday ko

kakain lang sa labas with parentals

nagb-bday pala mga maldita

suntukin pa kita


cheol

happy birthday sa pinakamaldita sa makati

imbento ka

thanks thanks

wala kang any free time today?

hmm

meron naman

after dinner

why

may bibigay ako sayo

ano yan sampung milyon para layuan ka?

hahahahaha topak

ano ka sinuswerte mabigyan ka sampung milyon

hahahahaha damot

update kita laterz

go sago

message mo ko, sunduin kita

gaya-gaya, sa akin mo lang natutunan yang go sago eh

ano naman

nye nye

— — —

kauwi na kami

wag na raw akong lumabas sabi ng nanay ko

ano ka, 15?

hahahahahaha baby face naman ako eh

papasa pa akong high school

tama ka na, pang-buo na ng pamilya edad mo

whatever

[pin location]

otw

— — —

hindi pa talaga sampung milyon

hahahahaha thank you ulit

naalala ko na yung itatanong ko kanina

na hindi ko natanong kasi nakalimutan ko

nu yon

kailan bday mo?

nung august 8 pa

luh

bakit di mo sinabi nung august

alangan sabihin kong bday ko kahit di mo tinatanong

oo, ganyan mga leo naman eh

hahahahahahahaha di pa rin nawawala ang bitaw ah

talaga

sige sa christmas na lang kita bilhan ng gift

kitain mo ko after christmas para mabigay ko sayo

ano ibibigay mo

isang milyon para layuan mo ako

di ko kailangan niyan meron ako niyan

mayabang ka

hahahahahahaha


cheol

kita ko ex ko kanina

nagkasalubong kami sa mall

naku po

edi nagrerelapse ka

ano ako, ikaw?

ta’ntado

hahahahahahaha

oh ano nangyari

kasi di pa ikwento nang buo

gusto pa tanungin

syempre dapat alam ko muna kung curious ka

leo moments

ano nga

wala nagbatian lang

may kasama siyang lalaki

oh shet

bagong jowa?

siguro

di ko tinanong

di rin naman pinakilala

uy takot malaman

di ah

it’s just that it’s not my business anymore

saka moved on na ako, di tulad sa iba diyan

wow sa balik

hahahahahahaha


cheol

pakshet

nakita ko kapatid ni wons

nakita ka?

oo

oh ano na nangyari

nasa cafe kami ngayon

pakshet nga

hahahahaha good luck sayo

message mo lang ako if you need me to get you out there

okay hintayin mo message ko

hahahahahahahaha

— — —

ano ka na?

nakauwi ka na?

oo

👍


cheol

cheol

oist buhay ka pa pala

anong atin?

diba nakausap ko kapatid ni wons

uwi daw si wons sa june

oh

what do you feel about it?

that’s like less than 2 months away

i honestly don’t know

kaya mia ako the past few days

kasi iniisip ko what do i feel about it

and i don’t know

cross the bridge when you get there

gusto mo lumabas?

sunduin kita

dito ko sa bahay

k papunta na

— — —

thank you

palagi

savior ka

lagi yan

sabihan mo lang ako

okay ka na?

yes

i feel better now

sorry again

for ghosting you nung mga nakaraang araw

it’s okay

but know that i’m one message away

or call me

anytime

thank you talaga

dami ko ng utang sayo

wag mo isipin

isusumbat ko rin sayo lahat yan pagdating ng panahon

kainis hahahahahahahaha


cheol

ji

ow

wala pala

hahaha nakalimutan ko sasabihin ko

weh ano nga

nakalimutan ko nga

di ako naniniwala

di wag

chat ako pag naalala ko


cheol

nakauwi na siya

paano mo nalaman?

nagtext siya

sa akin

tinatanong kung kailan ako free

kung pwede raw ba kaming mag-usap

anong sabi mo?

are you gonna go?

oo?

sabi mo dati you think i should

oh yeah, i did say that

ok good luck

pray for me

hahaha ok praying for you

— — —

nung nakaraang linggo pa pala siya nakauwi

nagkita na kayo?

nakapag-usap kayo?

naka-uwi ka na?

okay ka lang?

handale mahina kalaban

yes, yes, and yes

and surprisingly, yes

anong pinag-usapan niyo?

magbalikan daw kami

— — —

hoy gagi joke lang

di na nagreply amp

oh sorry

nagkamustahan lang

cheol, when i saw him

i just saw the wons that i loved then

what did you feel?

mahal mo pa?

hmm

not anymore

i think nakausad na ako nang malayo, cheol

when i saw him, i don’t feel anything anymore

i just know that i’m proud of wherever he is in life

and that i'm genuinely happy for him

pero hindi ko naramdamang gusto ko pang bumalik sa dati

sa kung ano kami noon

tama ka nga

i just need to see him again to confirm na wala na talaga

that’s good to hear

i’m happy for you, ji

thank you

thank you for being there with me all through out

i wouldn’t have done it without you

always. i told you, lagi yan.


cheol

ji

yes why

wala hahahahahahaha

ano nga

wala nga, kulit mo

ano ba yan seungcheol choi

naiinis na ako sayo ah 

chinecheck ko lang kung alam mo pangalan mo

kainis talaga

pag sinuntok kita makakalimutan mo yung iyo


cheol

happy birthday sa pinakapogi

kita mo inamin mo rin

pagbigyan ka na lang

bday mo naman

hahahahahaha thank you

ano gusto mong gift

ikaw

sige ako na lang mag-isip

hahaha sige


cheol

ji

pag yan di mo sinabi kung ano susuntukin kita

i think i like you

is it okay to like you?

gago ka ba

i’m serious

hoy seungcheol choi

believe it or not

hahahahahaha you don’t have to say anything

saka matagal na yan

even before you told me na uuwi si wons

i just didn’t want to confuse you

hoy seryoso ka ba

oo nga

don’t say anything

don’t even think about it

i just said it because i don’t want to keep secrets from you

and i think you deserve to know

at ang tagal ko ng dala, ji, maawa ka naman sa tao

hahahahahaha kainis

baka kabag lang yan

kabag na mag-iisang taon na

totoo ba

gagi ka

sakit mo sa tiyan


cheol

labas tayo

ok sunduin kita

wow ang bilis

crush na crush lang ako ah

omsim

hahahahahahahahaha hindi man lang dineny

bakit idedeny totoo naman

 — — —

thank you ulit ulit

welcome, ganda mo

ikr


cheol

pakita ng pretty face

okay, sundo mo ako

otw

speed ka talaga

ikaw ba naman eh

 — — —

chat mo nga yung sinabi mo

para mabalikan ko at may ebidensya ako

i said i like you

so muchhhhhhh

yown

baka nakangiti ka pa niyan matulog

paano mo nalaman na naman

hahahahahahaha

sleep well, cheollie

sleep well, too, my pretty


labidabs ♥︎

baby, sunduin kita mamaya ha

why why

sa akin ka uuwi ngayong araw diba

wednesday na po

ay wednesday na pala?

oki oki

see you laterz, baby

ubusin pagkain ha

see you later

i love you

yes, yes

i love you, baby kwoah


labidabs ♥︎

uwi daw tayo sabi ni mama

okay, baby

okay lang ba sila mama?

yes po

miss lang daw tayo

okay po


labidabs ♥︎

kila mommy daw tayo next weekend

hahahahaha para na lang tayong laruan

di na nakapag-bebetime nga

sabihin mo kay mommy papaluto ako kare-kare kay mama

baka miss niya na

baby, sasabihin ko pa lang

nagrerequest si mommy

miss niya na nga raw kare-kare ni mama

hahahahahaha sabi ko na eh


labidabs ♥︎

nagsend picture si mommy

andun sila ni daddy si bahay

pati si papa nagsend pic

nagvivideoke sila

hahahahaha kakakita ko lang ng sinend ni papa

ang gulo nila

tama yan, sila na maglibangan para makapag-solo na tayo

gawa na tayo apo

hindi ko yan tatanggihan

hahahahahaha oh baka madali ka umuwi

susunduin na nga kita ngayon

hahahaha okay mag-out na ko

see you, my lovie

ingat ka

Notes:

huwag kang bibitaw, huwag kang mawawala
oh, aking dinadala ang bawat piyesa ng ikaw
ano'ng gagawin kung wala ka?