Actions

Work Header

Una't Huli

Summary:

Kabanata I: Patuloy pa rin tumatakbo ang oras— kahit na hilingin mong ‘wag muna.

Notes:

Characters:

Choi Seungcheol as Eros
Lee Jihoon as Zian
Yoon Jeonghan as Cleo

Other characters will be introduced along the way.

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: Patuloy pa rin tumatakbo ang oras— kahit na hilingin mong ‘wag muna.

Chapter Text

Kabanata I: Patuloy pa rin tumatakbo ang oras— kahit na hilingin mong ‘wag muna.

 

Umiiyak na naman si Eros, mukhang sa mga nagdaang buwan ay ang pag-ubos niya ng mga luha ang naging libangan niya. Miss niya, sobra.

Sino ba naman ang hindi? Na kung ang nakasanayan mo sa nagdaang walong taon ay walang iba kung hindi ang kasama siya. Kahit saan ka tumingin, saan ka pumunta, bawat sulok ng bahay mo ay nakatatak na sa isip na nandoon siya, nakangiti, ang tingin ay puno ng pagmamahal, masaya.

Pero ngayon na kahit bakas ng amoy niya ay wala na— wala na talaga.

Hindi naman masakit, sobrang sakit lang.

Eros got so used to his ex’s presence that he forgot how to function alone, eight long years of Eros and Cleo, Cleo and Eros. Never Eros and Cleo.

Ngayon na higit anim na buwan na simula ng sila ay maghiwalay ay kung pagsuklaban siya ng langit at lupa ay parang ninakaw na ang buong buhay niya. Pero totoo naman, Cleo is his life— mahal niya eh, sobra.

“Tangina naman…” Eros hissed, tears continuously streamed down his face. “Kailan ba ako makakausad sa’yo” iyak nito.

Masakit, kasi iyong relasyon na meron sila ay masaya, walang away, parehong marunong umintindi, parehong mahal na mahal ang isa’t-isa.

That is why Eros sometimes thinks of what went wrong— siya ba? Nagising na lang ba si Cleo isang araw na hindi niya na mahal si Eros? Dahil sa pagkakaalam niya ay ni isang beses hindi nawala ang pagmamahal niya dito.

Saan siya nagkulang?

A sound made Eros stop from his train of thoughts, agad niyang kinuha ang cellphone niya, umaasa na baka si Cleo ito at gustong makipagbalikan ulit but disappointment only greeted him as he looked at his phone.

Zian calling…

Tumikhim muna si Eros para sagutin ang tawag, “Zi?” tanong niya.

“Eros!” a sigh of relief from the other line.

“Napatawag ka?” tanong nito, nagtataka. Hindi naman kasi sila ganoon kalapit ni Zian para tawagan siya, nakilala niya lang naman ito sa isang bar, blockmate niya noong college na naging kaibigan din ng mga barkada niya.

“Ah, pasensya na napatawag ako…” paghingi nito ng paumanhin.

Eros just hummed in response at tumingin lang sa kawalan.

 

Ano kaya ginagawa ni Cleo ngayon?

 

When Zian only heard a quiet hum ay napakagat labi siya, halatang hindi interesado si Eros sa sasabihin niya, hindi niya rin naman kasi gustong tawagan ito— they are not close to begin with. Pero dahil likas na makulit ang mga kaibigan niya ay pumayag na lang ito.

“Nag-aalala kasi sina Adrian sa’yo, hindi mo raw sinasagot mga tawag nila” saad ni Zian, may bahid ng pag-aalala.

Hindi niya rin alam kung bakit naisip ng mga kaibigan nilang si Zian ang tumawag, oo nga at magkakakilala sila, but they only message each other when it’s convenient. Tulad na lang ng isang beses na tumawag si Eros dito para umiyak, nagmamakaawa na sana balikan niya ito— akala kasi nito na siya si Cleo.

“Ah…” Eros trailed, sabay na napahawak sa sentido. Naka-dnd pala siya.

“Pagpasensyahan mo na mga kaibigan ko, Zi ha. Ito na, magre-reply na sa kanila” sagot niya.

He heard Zi chuckled on the other line, napangiti naman si Eros— limang buwan niya na kilala si Zian, simula noong halos ipagtulakan at ipilit silang dalawa ng mga kaibigan niya ay naging malapit na rin sila sa isa’t-isa.

Eros found comfort in Zian, siya ang naging sandalan niya, naging kausap niya tuwing gusto niya ilabas ang mga hinaing niya, and he only listened.

Walang halong panghuhusga, he was bare and open to Zian.

They were not close— but they have a connection that only the two of them understand.

“Cleo?” Zian asked, tila ba memoryado na ang bawat galaw ni Eros. Tuwing nawawala ito at hindi nagpaparamdam ay alam niya na ang dahilan.

Eros hides himself away from the world, ikinulong ang sarili sa mga alaalang mayroon sila ni Cleo, doon sa mundong masaya pa silang dalawa— and Zian knew all of this, like it was a secret between the two of them.

One hides while the other keeps.

“Miss ko na naman siya Zian” saad ni Eros, ang mga luha ay unti-unti na naman kumakawala.

Zian could only nod, kahit na hindi naman ito nakikita ni Eros, “Kailan ba hindi?” makabuluhang tanong nito.

“Kailan ba ako makakausad?” tanong ni Eros sa kawalan.

“Handa ka na ba?” balik na tanong ni Zian.

Eros just shook his head and clicked his tongue, “Mahal ko pa, Zi” sagot nito.

“Edi hindi ka pa handa” saad ni Zian, inaasahan na ang sagot ng huli.

They were silent, parehong wala ng salitang sasabihin— naghi-hintayan.

Wala ng iba pang sasabihin si Eros, dahil ang mga salitang nais niyang bitawan ay ang mga tanong na si Cleo lang ang makakasagot.

Maraming gustong sabihin si Zian, pero ayaw kumawala sa bibig niya, mga salitang hindi naman na kailangan ilabas dahil simula pa lang, alam na ni Zian ang magiging sagot.

Zian sighed at mapaklang ngumiti, wala naman kasing alam si Zian sa relasyon, kahit ni isang beses ay wala naman naglakas loob na ligawan siya— na mahalin siya, katulad ng ginagawa ni Eros kay Cleo. Kaya hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng mahiwalayan, pero malas niya lang siguro dahil hindi niya naiwasan iyong pakiramdam na masaktan.

Nasasaktan siya para sa sarili niya. Dahil ano ba ang ginagawa niya at sinasagot pa rin ang bawat tawag ni Eros, gayong alam niya naman na kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap nilang iyon.

Ano ba ang ginagawa niya at pumayag siyang maging takbuhan ng isang taong patuloy pa rin nagmamahal at nakakulong sa mundong binuo nilang dalawa?

Ano ba ang ginagawa niya at hinahayaan niya ang sarili na maging masaya at masanay sa kaunting oras na binibigay ni Eros sa kanya?

Nakakatanga.

Masakit, oo. Pero masaya na siya dahil sa tuwing nakikita niya ang pangalan ni Eros sa cellphone niya ay alam niyang kahit isang beses ay naisip siya nito.

Si Zian, ang kanyang takbuhan.

Minsan hinihiling niya na sana tumigil ang oras sa segundong iyon— kung saan siya lang ang naiisip ni Eros dahil sa mga susunod na minuto o oras ay hindi na siya ang laman ng isip niya

Si Cleo na lang.

Pagak na tumawa si Zian, pathetic. Wala siyang magagawa, mahal niya na eh.

“Sige na, Zi. Baka ay pagod ka, pasensya na ulit at ikaw na naman ang kinukulit ng mga kaibigan ko…” saad ni Eros.

Ngumiti lang si Zian at tumango, pigil hininga na hindi mailabas ang hikbing gustong kumawala, “Okay lang Eros, ingat.”

Notes:

Happy Valentines :)

Special thanks to Ate Pi for beta reading this work 🥹🫶