Actions

Work Header

hot chocolate with a little bit of cat magic on the side

Summary:

Sabi nila, college makes or breaks relationships. Dahil sa kolehiyo—walang permanente, lahat ng bagay magbabago, it’s on the person to decide whether to change for the better or for the worse.

Minseok and Minhyung thought they were safe from these changes. They were not.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Sabi nila, college makes or breaks relationships. Dahil sa kolehiyo—walang permanente, lahat ng bagay magbabago, it’s on the person to decide whether to change for the better or for the worse.

Minseok and Minhyung thought they were safe from these changes. They were high school sweethearts! Ang couple na kinaiinisan ng mga estudyante kapag Valentine’s Day. They were inseparable, kaya bakit nasa isang cafe sila ngayon, hindi para mag-date kung ‘di para magsolian ng gamit ng isa’t isa?

Nang maupo si Minhyung sa tapat ni Minseok, parang biglang lumiit ang mesa sa pagitan nila. Humigpit ang hawak niya sa kahon na nasa tabi niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Tahimik sa loob ng cafe, walang masyadong customer dahil tago ang lugar at patay na oras ngayon.

Funny thing is, they found this hidden paradise together, nang sundan nila ang isang itim na pusa na nakita nila sa kalsada papunta sa condo ni Minhyung. Mula noon, lagi na silang nagpupunta dito, they even made friends with the owner, now their Kuya Sanghyeok. It was their safe haven, mula sa masarap na kape hanggang sa mga ngiting hatid ng pagsasama nila.

At ngayon, sa parehong lugar na ‘yon nila tatapusin ang lahat

 

“Nakaorder ka na?” Pagbasag ni Minhyung sa katahimikan. Tumango naman si Minseok. Wala ulit nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa ipinatong ni Minhyung ang paper bag na naglalaman ng mga gamit ni Minseok sa lamesa.

“Here. Nasa bahay pa yung mouse mo, I’ll get it ‘pag umuwi a—” 

“Minhyung, are we really sure about this?”

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Minhyung. “Seokie, nag-usap na tayo tungkol dito diba?” Mahinahon niyang sabi.

They talked about them for hours, ilang beses na, sa apartment ni Minseok, sa loob ng campus, at maging sa kwarto ng bahay ng Kuya Hyukkyu nila. Pero wala eh. Wala talaga. They kept reaching the same conclusion, na maghiwalay na lang.

“Bakit parang ang dali ng lahat sayo?” 

“It’s not.”

“Then don’t leave.” Mahina ang boses ni Minseok, na para bang nakikiusap at ang sagot ni Minhyung ang magdidikta ng kapalaran niya. But Minhyung heard this line over a million times now, in different variants, Iiwan mo rin ako, Ganito naman lagi, Aalis ka rin naman.

Muling nabalot ng katahimikan ang paligid. Ang maririnig lang ay ang kaluskos ng paggawa ng kape mula sa counter. Dumating na ang mga order nila, the usual iced americano for Minhyung and a hot chocolate for Minseok. 

Humigop muna ng kape si Minhyung bago nagsalita. “When you told me everything, lahat ng pinagdaanan mo behind closed doors. I thought, ‘Ah, I can save him.’ That was five years ago, Minseok, at hanggang ngayon wala pa ring pagbabago.”

“I never asked to be saved, Minhyung. I just wanted someone to stay.”

“I know, and I did. Pero Minseok, hindi lang dapat sa’kin umiikot ang mundo mo. You keep on holding on to the memories of the past, Seokie, na parang nakakulong ka lang d’on.” Tumayo siya at kinuha ang mga kahon sa tabi ni Minseok, inspecting it hanggang sa makita niya ang frame na may picture nilang dalawa nang grumaduate sila ng senior high school. He smiled, bittersweet. “I am not the same Minhyung you loved before. I’ve changed. Kung yung Minhyung lang na minahal mo noon ang mamahalin mo ngayon, isn’t that unfair?”

“You talk as if you’re being fair here. I know, alam ko, hindi ako tanga, Minhyung.”

“I’m not saying you are.” Kinuha niya ang kamay ni Minseok, the same hands he used to hold kapag nauubos siya, but now, it’s the other way around. “Pero you keep acting like I’m the only thing keeping you afloat. Nakakapagod, Minseok.”

“Pagod ka?” Tanong niya, “Ako rin, Minhyung. Araw-araw akong pagod—sa sarili ko at sa mga alaalang hindi naman basta-basta nawawala.”

He withdraws his hand from Minhyung’s hold. “When I said I wanted the old Minhyung back, yung Minhyung na naglalaan ng oras para sa’kin yung tinutukoy ko. I know I’m being too much at times, and I have no excuses for that.” Minseok replied.

He tried his best not to cry. He picked up the ceramic cup in front of him, trying to distract himself, pero nanginginig pa rin ang kamay niya. Hinipan niya ang mainit na tsokolate, hindi inaalis ang tingin sa mga marshmallow na nakalutang sa gitna, dahil isang tingin na lang kay Minhyung ay siguradong bibigay na siya.

“You’re the only thing that ever felt steady, masisisi mo ba ko d’on?” Dugtong niya.

“That’s exactly it. I can’t be your only steady thing. Hindi ako pader na pwede mong sandalan habang buhay. Tao lang ako.” And Minhyung, being the cruel man he was, rubbed salt on Minseok’s wound, na parang hindi pa sapat ang sakit na dulot ng pag-alis niya. Because if this is the only way Minseok can understand why he’s doing it, then so be it. 

Minseok felt defeated. Mukhang talo na talaga sila, kasi paano lalaban kung kulang ng isa?

“So what, Minhyung?” Tanong niya.

“Five years just… gone? Ganon lang?”

“Hindi ganon lang,” Mabilis na sagot ni Minhyung. He can be cruel but he’s an honest man. He loved Minseok more than anything, but sometimes—no, most of the time, love is not enough, na minsan kailangan mo ring piliin ang sarili mo. “Don’t reduce what we had into something disposable. Mahal kita. I still do. But love isn’t supposed to feel like drowning.” Sabi nito.

Natahimik si Minseok. Parang may gustong kumawala sa dibdib niya pero hindi niya alam kung galit ba o takot. Alam naman niya sa sarili niya na hindi siya yung tipo ng tao na madali. He’s as complicated as a jigsaw puzzle, with the tiny puzzle pieces spread out at si Minhyung lang ang natitirang bumubuo dito. 

“I’m doing this for us, Seokie. Kasi baka ‘pag nanatili pa rin tayo, we might end up hurting each other more o baka naman kamuhian natin ang isa’t isa.”

“But what if—” Minseok swallowed hard, forcing the tears back down, “what we needed is just us?” Tumigil panandali si Minseok bago ito nagsalitang muli.

“Alam mo kung anong mas masakit?” Dugtong niya.

“You keep talking about how I’m stuck in the past. Pero ikaw? You already decided on a future without me.” Minseok looked at him, namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na itong kumawala, patuloy lang ang pag-agos na parang wala ng balak tumigil.

Minhyung froze. Dahil sa lahat ng oras na pinag-usapan nila ang sila, ni hindi pumasok sa isip niya ang hinaharap na kasama si Minseok. Because he never considered staying, not even once. Minhyung reached for Minseok’s face pero agad itong tumalikod, kinuha ang paper bag na naglalaman ng mga alaala nila, at tuluyan nang lumabas ng silid. 

Sinubukan ni Minhyung habulin si Minseok pero hinarang siya ng isang service crew para iabot ang bill nilang dalawa. Knowing the fact na hindi na niya maabutan ang kasintahan kahit anong gawin niya, bumalik na lang siya sa kanilang lamesa. He sat there in silence. 

Binuksan niya ang kahon na dala ni Minseok, and the first thing he saw is a bunch of LoL PopMart figures. Halos limang kahon ang nandito, but what caught his attention is the sticky note on one of the boxes.

I’m keeping Rakan, not because of you or anything. Main ko si Rakan. That’s it. Andito si Xayah, alam ko naman na main mo ‘yon kaya ayan, keep it.

Minhyung smiled. He remembered the time they hoard these blind boxes just to find the lovers. Kahit masama na ang tingin sa kanila ng mga nakapila sa counter, Minseok never budge, he’s confidently holding the five blind boxes with his tiny hands. 

“Care to entertain me with your thoughts?” Hindi napansin ni Minhyung na nakaupo na pala sa tapat niya si Sanghyeok. 

“Kuya,” He looked at his kuya and before he can realize it, umiiyak na siya. All the restraints he built crumbled. Wala naman na si Minseok kaya mukhang okay ng ipakita ang kahinaan niya, besides, it’s their Kuya Sanghyeok.

“I—I just wanted the best for us Kuya. Na–nasasaktan din naman ako—it’s just that… pagod na ko.” He said between sobs. He keeps massaging his chest dahil parang pinupunit ang puso niya. He wanted this, pero bakit sobrang sakit?

Tumayo na si Sanghyeok mula sa kinauupuan niya, tumigil sa tapat ng upuan ng binata at tinapik ang balikat nito. He grabbed something in his pocket and gave it to Minhyung, it was their receipt.

“I paid your bill. When you step outside this place, make sure you won’t regret your decision.” He said, then left. Naiwan si Minhyung mag-isa kasama ang mga saloobin niya.

Dahil wala na rin naman ng point para manatili pa sa cafe, inayos na niya ang mga gamit niya, preparing to leave. He looked around for his Kuya Sanghyeok but he was nowhere to be found. Mukhang napadaan lang talaga ito at kailangan ding umalis agad.

Before Minhyung can open the door to the exit, napansin niyang nakatingin sa kanya ang dalawang crew ng cafe, na para bang sinisiguro nilang doon lalabas si Minhyung.

He opened the door.

 

July 23, 2019

 

Pag-apak ni Minhyung sa labas, hindi ang mga nagtataasang gusali ang bumungad sa kanya kundi ang parisukat na puno ng dati nilang eskwelahan. What the fuck?

Tiningnan niya muna ang suot niya, he’s wearing their high school uniform. Ang kulay navy blue nitong pantalon at ang puti nilang polo. Maya-maya pa ay may naramdaman siyang umakbay sa kanya, causing him to stumble forward. 

“Ano pre, bibili ka ba ng turon?” Tanong nito. Was that his best friend’s voice? Lumingon siya, and there he was, Mun Hyeonjun, in the flesh, naka-brace pa at may kulay ang buhok.

“Sabi ko naman sa inyo, mas masarap nga yung turon sa kabilang canteen.” Wika naman ng isa pang kasama nito. When he looked up, it was Kim Geonwoo, one of their closest friends also.

“Layo. Tsaka susunduin pa natin chikababes ni Minhyung. Hindi pwedeng out of way tayo.” Tiningnan ni Hyeonjun si Minhyung at kinindatan pa. This fucker.

“Minseok would kill you ‘pag narinig niyang tinawag mo siyang chikababes.” Geonwoo replied.

“Liit-liit n’on ‘di ako kaya n’on boi!” 

“‘Di mo nga kaya si Hwanjoong, pinagyayabang mo d’yan?” 

Minhyung just listened to the endless banter of the two as he tried to remember the timeline he was in. Tiningnan niya ang id niya at nakalagay dito na nasa ikasampung baitang pa lang sila. Nararamdaman niyang may kakaiba, na dapat may maalala siyang mahalaga. Dahil kung nandito si Hyeonjun at Geonwoo, nasaan si Hwanjoong? If he remembered correctly, this was the time—Shit.

Mabilis na tumakbo si Minhyung. Wala namang nagawa ang dalawa niyang kaibigan kundi ang sumunod. Pinagtitinginan sila ng mga estudyante at maski ang mga guro ay sinasaway na sila pero hindi pa rin tumigil sa pagtakbo si Minhyung hanggang sa makarating siya sa liblib na bahagi ng eskwelahan. 

Walang masyadong tao sa lugar dahil hindi naman madalas nagagamit ang audio visual room ng school. Kaya lang nagpupunta ang mga estudyante dito ay para gamitin ang comfort room na nasa loob nito. Isa isa niyang binuksan ang mga cubicle. 

“Tangina neto, ba’t tumatakbo? Taeng tae ka na ba Minhyung?” Hihingal-hingal na tanong ni Hyeonjun. Hindi naman nagpatinag ang binata, isa isa pa ring tinitingnan ang bawat cubicle. 

Pagdating sa pinakadulo ng hanay, sinubukan niyang buksan ang huling cubicle. It was locked.

“Minseok?” Dahan-dahan niyang tanong. Nakarinig siya ng kaluskos sa loob, until it turned into sobs. Halatang pinipigilan ng taong nasa loob na huwag gumawa ng ingay pero hindi na nito natiis ang hindi pag-iyak.

“Uhh—Minhyung?” Narinig niyang sabi nito, basag ang boses at pilit na nilulunok ang hikbi. “Pwed—uh, pwedeng pakuha—ng PE uniform ko sa bag?”  

“Pakitanong na lang din kay—, Kim.. kung wala d’on.” Dugtong pa nito. 

Minhyung clenched his fists. In the past, walang dumating para kuhanin ang damit ni Minseok para sa kanya. He stayed there for the entire day, until a janitor found him nang isasara na nito ang building. Minseok never told him about it then, nabanggit niya lang ang tungkol dito nung college na sila. 

“Seokie, will you be alright? Sandali lang kami, pramis.” Wika niya, trying his best to put up a composed act in front of Minseok. Pero sa loob niya, ang galit na kanina pa gusto kumawala.

“Mm!” Ang tanging nasabi nito. 

Nang lumabas si Minhyung ng cr, nakaabang lang sa labas ang dalawa. Mukhang alam na nila kung anong nangyari just by listening to their conversation. Unang nagsalita si Geonwoo sa kanilang tatlo.

“That’s so fucked up Minhyung. Hindi ba natin irereport ‘to?” He asked, being the responsible one in their group. Sa kabilang banda, nakahanda na si Hyeonjun sugurin ang kung sinumang gumawa nito sa kaibigan.

“Tangina ng mga ‘yon, ano Minhyung? Isang sabi mo lang pre.”

“‘Wag niyo nga gamitin ang kamao niyo sa pag-iisip. Minhyung, itigil mo ‘yang binabalak mo.” Dagdag pa ni Geonwoo na pilit na pinapakalma ang sitwasyon.

Minhyung should listen to Geonwoo, be mature and report it to the higher-ups. He’s from the future for fuck’s sake! He’s currently twenty one, hamak na mas matanda sa kanilang tatlo. He should be better than this. Pero hindi—technically, he’s also a sixteen year old, kaya kung anuman ang gagawin niya ngayon, let it be a lesson for the sixteen year old Minhyung.

Tiningnan niya si Hyeonjun at tumango, ngumiti naman ito at nagsimula nang maglakad. Geonwoo remained frozen in place but after just a second of pondering, sumunod na rin agad siya. Might as well be useful ‘pag oras na ng pag-aawat.

Nang dumating sila sa harap ng classroom nila Minseok, magulo ang paligid. It’s lunch break, halos kalahati ng mga tao sa classroom ay nasa canteen, at tanging ang grupo lang nila Kim ang masayang nag-iingay sa loob. This made Minhyung even more furious. 

Pagpasok niya sa loob, dumeretso agad siya sa upuan ni Minseok, looking for his PE uniform. It was there, plainly lying at Minseok’s arm rest, kasama ang polo nito. Kinuha niya ito at inihagis kay Geonwoo. 

“Oh, andito na pala ang knight in shining armor ni Minseok.” Natatawang sabi ni Kim, ang lider ng grupo. It was funny, Minhyung thought. Dahil sa kolehiyo, wala ng ganito, maaaring mayroon kang mahahanap na grupo, but that usually last for a semester. Pagkatapos n’on ay kanya kanya na. And bullying? People in college are too busy for that.

Lumapit si Minhyung sa binata, he really shouldn’t be doing this. Beating up a sixteen year old? That would be a major red flag in Minhyung’s book, but he’s also sixteen, does that make it any less wrong? Yes! Definitely! Now it’s just fair.

Bago pa makalihis si Kim, sinuntok na ni Minhyung ang binata. The punch landed perfectly, and a thrill shot through him—he had been dying to do that. Matagal na. But Minseok kept him at bay, making sure na hindi magkakaroon ng record si Minhyung sa principal’s office. All that backhanded compliments and homophobic remarks thrown their way… Minseok was really an angel for keeping things from spiraling completely out of control. But that was before. Hindi na palalampasin ni Minhyung ‘yon ngayon.

“Anong bang problema mong gago ka? Tangi—“ Before he can speak again, si Hyeonjun naman ang sumuntok sa kanya. No one in his group butted in, dahil kung ikukumpara ang build nila sa dalawang naglalakihang binata, walang wala sila.

Napailing na lang si Geonwoo sa tapat ng pinto. Mabuti na lang at sila lang ang tao sa classroom, may sumubok lumabas para mag-sumbong pero hinarangan agad ito ni Geonwoo. Another good thing is wala si Hwanjoong, dahil kung hindi, tatlong suntok ang matatanggap ng binata.

“Do that again, hindi lang suntok ang matitikman mo.” Minhyung said firmly. 

“Bakit? Mag-on ba kayo?” Tumawa ng malakas si Kim bago nagsalitang muli, “Tangina ng mga bading na ‘to!” Sigaw niya habang pinupunasan ang dugo sa mga labi niya. When Minhyung heard it, he just laughed. Dahil nakalimutan niyang 2019 pa lang pala, maaring may kaunti ng pagbabago when it comes to equality but it’s still far from the progress they had in 2025. 

Lumapit siya kay Kim, hinawakan ang kwelyo nito. “Oo, kami, bakit? May problema ka?” Patulak na binitawan ni Minhyung ang binata na sinalo naman ng mga kasamahan niya. He remembered that this was the time he and Minseok hid their relationship from the public. Because Minseok feared that Minhyung would face the same discrimination he got from everyone. 

When he came out to his friends, lahat sila nagbago, maybe they tried to understand where he’s coming from but it was not enough. Kaya naiwan siyang mag-isa at si Minhyung at mga kaibigan na lang nito ang natira. 

Mabuti na nga lang at kaklase niya si Hwanjoong, kahit papaano ay may kakampi siya sa classroom nila. Pero nang magkasakit ito at ilang araw na hindi pumasok, biglang nagbago ang lahat. Kung noon ay kaya pa niyang balewalain ang mga bulong at tawa, ngayon ay ramdam na ramdam na niya ang bigat ng bawat hakbang papasok at palabas ng silid. It was suffocating, to say the least.

Lumabas na sila ng classroom, Minhyung snatched Minseok’s clothes from Geonwoo’s hand at nagsimulang tumakbo papunta sa lugar kung nasaan ang kasintahan.

“Seokie? Ok ka lang? I got your uniform, open up.” Dahan dahang bumukas ang pinto. A tiny hand appeared in the narrow gap, fingers trembling just a little, agad niyang iniabot ang damit nito.

Lumipas ang ilang minuto bago tuluyang lumabas si Minseok ng cubicle. Minhyung immediately pulled the boy into a hug. He missed this, he missed having Minseok this close. 

The latter returned the hug without hesitation, pressing his face into Minhyung’s chest as if he could hide there forever. He fought the tears back, swallowing hard. Nang umalis siya sa mula sa yakap, pinilit niya pa ring ngumiti but Minhyung is not buying it. Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Minseok ngayon.

Maya maya pa ay may kumatok na mula sa labas. It’s probably Hyeonjun, “Lovers parang awa, malapit na mag-time!” Sigaw nito.

Minhyung tightened his hold on Minseok’s hand as they stepped out of the comfort room together.

“‘Yon, natapos din sila! Ok ka lang Minseok? ‘Wag kang mag-alala, ginanti ka na namin.” Proud na sabi ni Hyeonjun. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Minhyung, isang matalim na tingin, Shut the fuck up! 

Mabuti na lang at hindi na kinwestiyon ni Minseok ang sinabi ni Hyeonjun, halatang pagod na rin sa nangyari. Napansin ito ni Minhyung at nakaisip ng magandang ideya. He can’t let the day end like this. Kung kaya niyang burahin kahit isang masakit na alaala ni Minseok, gagawin niya ito ng walang pag-aalinlangan.

"Geonwoo, can I ask for a favor?” Pagbaling ni Minhyung sa kaibigan, he showed him his puppy eyes, pipikit-pikit pa. That earned him a smack from the taller guy, “Ang sagwa gago! Ano ba ‘yon?” Tanong nito.

“Pwedeng kunin mo yung bag ni Minseok sa room nila?” Napatingin ang tatlo kay Minhyung. They know he’s onto something. Walang nagsalita sa kanila, tinitigan lang nila si Minhyung hanggang sa napilitan itong sabihin ang plano niya. It should’ve been just him and Minseok, pero mukhang walang takas sa dalawa niyang kaibigan.

“Karaoke?” Tanong niya, everyone cheered.

 

 

Dahil ala-una pa lang, dumaan muna sila sa bahay nila Hwanjoong, hoping that their friend is already well, dahil isasama nila ito sa kanilang, let’s just say, mini escapade. 

The journey to the mall is chaotic. Puno na kasi ang jeep at kailangang sumabit ng dalawa sa kanila, nagbato-bato-pick sila at natalo si Minhyung at Geonwoo. The former had to bribe Hyeonjun para lang makatabi nito si Minseok sa harap ng jeep. Tutal hindi naman siya sigurado kung hanggang kailan siya mananatili sa timeline na ‘yon, he wagered half of his allowance for the week, letting the sixteen year old Minhyung suffer the consequences of his actions.

Ngiting tagumpay na naglakad ang binata papunta sa harap ng jeep, his Minseok already waiting for him. “Ano na namang kapalit nito?” Tanong ni Minseok. Wala ng bakas ng lungkot sa mukha nito, and Minhyung is more than happy to be able to see that smile again.

“Worth it naman.”

 

 

“Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig~ Maghintay ka lamang—ako’y darating~” 

Kasalukuyan silang nasa isang maliit na karaoke room sa arcade ng mall. Umaalingawngaw ang boses ni Hyeonjun sa loob na akala mo nasa concert. Nakatayo pa ito sa gitna, kung ano-anong dramatic hand gestures ang ginagawa, minsan nakaturo sa kisame, minsan nakahawak sa dibdib, lahat para lang asarin si Minhyung.

“Tangina! Jericho Rosales? Pa-autograph naman!” Sabi pa ni Hwanjoong habang inaabot ang isang piraso ng papel at ballpen kay Hyeonjun. Game na game namang kinuha ito ni Hyeonjun, forcing Minhyung to hold the mic for him. Halos mabaliw sa katatawa ang buong tropa.

“Sayang lima boi! Kantahin mo na!” Sigaw ni Hyeonjun, hindi na rin mapigilan ang tawa. Nanatili sa pwesto si Minhyung, walang balak sakyan ang trip ng kaibigan. In his mind, he’s a third year college student, he’s too old for this. 

“Puso’y nagdurusa, nangungulila–Iniisip ka ‘pag nag-iisa~” 

Natahimik ang lahat. Minseok’s voice came through the mic, lahat nagulat, hawak nga pala nito ang isa pang mic dahil siya na ang susunod na kakanta. Agad naman na napuno ng kantiyawan ang maliit na silid.

“Tamis!” Sigaw pa ni Hyeonjun. Naramdaman naman ni Geonwoo that this is the sign they should leave the room, hinawakan niya sa tenga ang dalawang kaibigan at dali-daling lumabas, giving the couple their privacy.

Tumingin si Minseok kay Minhyung, at sa sandaling iyon, nagtagpo ang kanilang mga mata. It was magical, almost comical, dahil sigurado si Minhyung na nakita niya ang langit sa mga mata ni Minseok. 

He smiled at him before singing the next line, “Ikaw ang gabay sa aking tuwina–ang aking ilaw sa gabing mapanglaw, Tanging ikaw~” He pointed at Minhyung, katulad ng ginagawa ni Hyeonjun kanina, but this time, it was not disgust that he felt, but fondness. Gusto niyang hawakan ang mga kamay ni Minseok at huwag na itong bitawan kailan pa man. 

Minseok sang the entire song at habang pinagmamasdan niyang kumanta ito, Minhyung can’t help but to wonder, saan nga ba nagkamali ang Minhyung at Minseok ng kasalukuyan? They clearly loved each other, still love each other. 

Minseok had always been the more affectionate one in their relationship, yung laging nagse-set ng dates, tatambay sa kwarto niya at kasama niyang mag-aral. Minhyung enjoyed it, of course, but college didn’t care. Its demands tore at him, pulled him in every direction, until he was barely holding himself together.

Nahati ang oras niya, one for college and one for Minseok. Nakalimutan niyang huminga, na may sarili pa pala siyang mundo. He tried to endure it, pero tao lang din siya–napapagod. Every day felt like a battle, and sometimes the weight was just too much to carry alone.

Natapos na ang kanta. For a moment, tahimik ang paligid, wala munang naghulog ng limang piso sa kaha ng videoke. Hinawakan ni Minhyung ang kamay ni Minseok, they sat there in silence, na parang pareho silang ng iniisip, that just staying beside each other is enough. For now.

Minhyung felt his chest tighten, a mix of longing and regret swirling inside him. Gusto niyang sabihin lahat kay Minseok—how sorry he was for getting lost in the chaos of college, how much he still cared, at kung gaano niya ito kamahal. 

But the Minseok beside him is not the Minseok of the present. Kung may dapat man siyang hingan ng tawad, it was the Minseok of their timeline. 

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Minseok.

“Sorry,” Ang tangi niyang nasabi. The sixteen year old Minseok looked at him cluelessly, then gently brought his hand on Minhyung’s cheek. Hindi niya namalayan na may luha na palang tumutulo mula sa mga mata niya.

Minseok tilted his head, "What's wrong Minhyung?” Tanong nito. Umiling lang si Minhyung, trying to cover his face with his hands. Hindi nagsalita si Minhyung kaya Minseok did what he does best, hugs. Tumayo siya at niyakap ang kasintahan, letting Minhyung bury his face in his tummy. 

“Shhh…it’s okay,” Mahina nitong sabi habang pinaglalaruan ang buhok ni Minhyung.

“Nandito lang ako.” Dagdag pa niya. This made Minhyung even more emotional, because he can’t say the same for Minseok in their timeline. He can’t. Because he’s choosing to save himself.

Minhyung’s hands clutched Minseok’s shirt as if it would be the last time he could hold him like this. He finally allowed himself to cry, hindi man sa harap ng Minseok niya, but still his Minseok. 

They stayed like that for a while.

When Minhyung let go, pinunasan naman ni Minseok ang luha sa mukha niya. “Better?” Tanong nito. Minhyung just nodded, at sa unang pagkakataon ngayon, ramdam niya na mas gumaan ang pakiramdam niya. 

“Tara na, mukhang badtrip na si Hwanjoong sa labas.” Wika ni Minseok bago lumabas.

He followed.

 

February 22, 2025

 

Nang buksan ni Minhyung ang pinto, bumungad ang bell, kasabay ng isang masiglang, “Good Morning! Welcome to Bakeneko Cafe!” mula sa mga crew ng cafe.

For a second, everything felt normal, hanggang sa nagising si Minhyung sa katotohanan. He’s finally back in their timeline. Kasalukuyan niyang hawak ang paper bag na naglalaman ng mga gamit ni Minseok. So they haven’t met here yet.

Huminga siya nang malalim, saka dahan-dahang naglakad papunta sa mesa kung saan siya iniwan ni Minseok noon. Inaasahan niyang nandoon na ang kasintahan dahil naaalala niyang mas nauna itong dumating kaysa sa kanya. But he was nowhere to be found. 

Napaisip si Minhyung. Did Minseok time travel too? Or maybe everything he went through is just a dream? Pero hindi. Hindi maari, because it was too real. The way Minseok looked at him before walking away. Yung mga matang punong-puno ng sakit, na parang bawat pagpatak ng luha niya ay may halong pagmamakaawa.

“You keep talking about how I’m stuck in the past. Pero ikaw? You already decided on a future without me.” Naaalala niyang sabi nito.

Maya-maya pa, may naupo sa harap ni Minhyung, but it was not Minseok. It was their Kuya Sanghyeok. “Can I get my receipt back?” Tanong nito.

Napakunot ang noo ni Minhyung, “Hindi pa ko umoorder Kuya?” Naguguluhan niyang tanong. Then it hit him. Bago siya tuluyang umalis ng cafe, may papel na inabot sa kanya si Sanghyeok, isang resibong hindi niya masyadong pinansin dahil magulo ang isip niya noon. Bigla siyang napatuwid sa upo. Dali-dali niyang binuksan ang bag niya, hinahalukay ang loob nito, pero wala pa rin siyang nakita.

“Inside your pocket.” Maikling sabi nito. Kinapa niya ang bulsa niya, and there it was, a piece of paper na lukot-lukot na, but the writings inside of it are still visible.

 

Bakeneko Cafe

07232019 1x Iced Ameowricano  @98.00

10152029 1x Hot Chocomeow     @92.67

Less: Employee Discount 25%

(Care of: Faker)                           @47.67

Amount Due:                               @143.00

 

He connected the dots. The unsuspecting serial numbers before their orders, it was dates! “You did this, Kuya?” He asked, still amused. Pero nang ibaling niya ang tingin sa upuan sa tapat niya, wala na dito si Sanghyeok. And before he can continue to read the contents of the paper, a black cat snatched it from his hands. 

“Hey! Ming ming!” Pagtawag niya dito. But the cat did not stop from walking away, tiningnan lang siya nito na parang na-offend sa pagtawag niya ng ming ming dito. 

Naiwan namang naguguluhan si Minhyung. What the fuck just happened? So he really time travelled. Hindi panaginip ang lahat. How about Minseok? Nasaan na ang kasintahan niya?

“Don’t worry, malapit na si Minseok. Pagpasensyahan mo na si Kuya Sanghyeok, magulo talaga ‘yon kausap.” Wika ng crew. Minhyung read his nameplate, Doran, as he carefully set the same iced americano and hot chocolate on their table. “Here’s your order, in the house.” Dagdag pa niya bago umalis.

At this point, Minhyung isn’t that surprised that the crew can read his mind, o baka naman halata lang talaga sa mukha niya na hinihintay niya si Minseok. Nothing that had happened so far made sense, but Minhyung still waited for Minseok.

 

 

Minseok just got out of the cafe. He knows he’s being selfish. Pero hindi niya pa rin talaga kayang mawala si Minhyung sa kanya. So he ran, bago pa tuluyang putulin ni Minhyung ang huling taling nagdudugtong sa kanila.

His vision is blurred from the tears that keep on gushing out uncontrollably. Even if he wanted it to stop, wala siyang magawa dahil parang may sariling isip ang mga mata niya. Ni hindi niya na nga rin alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. All he wanted was to get as far away from Minhyung as possible, so he walked, and walked, until it hurt. Pero kahit anong sakit nito, hamak na mas masakit pa rin ang puso niyang naiwan sa cafe.

He reached an old looking waiting shed. Puno na ng kalawang ang bubong nito at maski ang pintura ng pangalan ng kung sinumang pulitiko ay hindi na mabasa. He didn’t care how shabby the place is, ang mahalaga ay may mauupuan siya. He opened his bag to look for his handkerchief. He probably looks like shit now, mugtong mga mata, putik-putik na sapatos, at lukot na paper bag dahil sa higpit ng hawak niya. 

Habang nagpupunas ng mukha, Minseok felt a soft pressure on his lap, at nang tiningnan niya ito, he was so sure it was the same black cat they followed when they first found the hidden cafe. Tahimik itong nakaupo sa binti niya, its dark eyes staring up at him like it knew something he didn’t.

“Wrong timing ka naman muning eh!” He said before he started wailing like a mad man. Seeing the cat made him miss Minhyung even more. Naalala niya kung paano siya hinila ng kasintahan habang tumatawa, saying it felt like they were inside some kind of a cliché movie scene. That either they will find something magical or they will end up in the news, “Dalawang binata, natagpuang patay sa Ilog Pasig matapos sundan ang isang itim na pusa.” Naaalala niyang sabi nito, with his best impression of Gus Abelgas.

Now, the same black cat was here, sitting on his lap like nothing changed.

But everything did.

“Ano? San mo naman ako dadalhin ngayon?” Tanong niya. Kung may makakakita sa kanya, aakalaing baliw siya. But luckily, walang masyadong taong nagagawi sa lugar. Kung may dapat man siyang ikabahala, it was the fact na baka may mang-holdap sa kanya. Not that he even had anything worth stealing. 

The cat just blinked at him, then gently jumped off his lap. It looked back once, na tila ba hinihintay niya si Minseok.

“Aalis nga tayo?..” Tanong niya ulit. The cat nodded. Minseok rubbed his eyes, maaring namamalikmata lang siya o tuluyan na siyang nabaliw dahil sigurado siyang tumango ang pusa sa kanya.

Still, he followed. Kung totoong nababaliw na siya, might as well sakyan ang trip ng pusang nagdala sa kanila ni Minhyung sa cafe ng Kuya Sanghyeok nila. 

Habang naglalakad ang pusa, paminsan-minsan itong lumilingon para siguraduhing nasa likod pa rin siya. The streets grew narrower and the houses more unfamiliar. Hanggang sa huminto ito sa tapat ng isang bahay na mukhang bakante. Sarado ang mga bintana nito at parang matagal nang walang nakatira dahil sa malabong pintura ng exterior ng bahay.

“Dito?” Bulong ni Minseok. Nanatili lang nakaupo ang pusa sa tapat ng pinto. What was he expecting? That the cat would answer? 

Instead, pumasok ang pusa sa maliit na butas sa baba ng pinto, sliding itself like liquid. Napaisip ulit si Minseok, is he supposed to follow the cat? This was insane. He hesitated. Pero nandito na rin naman siya, kaya dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob.

Unlocked.

 

October 15, 2029

 

The moment he pushed it open, hindi alikabok o dilim ang bumungad sa kanya. Everything was normal. He didn’t even know if it was the same house at all. Dahil ang loob nito ay malinis, halatang may nakatira, at puno ng buhay.

Inobserbahan niya ang paligid. The house was simple. Kung hindi siya nagkakamali, gawa ang sahig nito sa puno ng Narra, because it looks just like the one he wanted before. Ang mga dingding ay napapalamutian ng mga painting na mukhang pamilyar, may mga landscapes, mga abstract pieces, at portraits na parang nakita na niya dati.

Pero higit sa lahat, ang nakakuha ng atensyon niya ay ang litratong nasa gitna ng sala.

It was a picture of him and Minhyung. They were both wearing tuxedos, it was a candid shot of them smiling, magkahawak ang mga kamay na may nakalagay na singsing. From the looks of it, it’s undeniably a wedding.

Minseok stiffened. Is this a joke? Kasi kung oo, hindi na siya natutuwa. “Seokie? Breakfast’s ready!” Someone shouted from the kitchen. Kilalang-kilala ni Minseok ang boses na ‘yon. Nakarinig siya ng mga yapak na papalapit sa kinaroroonan niya.

Bago pa niya makita ang papalapit ng pigura, tumalikod siya, handa ng buksan ang pinto para lumabas. But before he could reach the doorknob, someone hugged him from behind.

“There you are!” Sabi nito.

Minseok froze. Hindi niya alam ang gagawin niya. Should he return the hug? Ni hindi nga siya sigurado kung si Minhyung ba talaga ang nakayakap sa kanya ngayon. But this scent—it was the same perfume Minhyung always wears.

“Nagtatampo ka pa rin ba? Sorry na nga baby.” Minhyung's voice melted against his ear, followed by gentle kisses on his cheeks. 

“It was Kuya Sanghyeok’s idea! Sabi niya mas romantic daw ‘pag ako ang huling babati sayo ng happy birthday. I didn’t forget your birthday, ok?” Dagdag pa nito. Slowly, Minhyung loosened his arms and turned him around. 

Minseok panicked. So he did the most Minseok thing to do, he ran. Tumakbo siya papasok ng sala, at nang may makita siyang pinto, binuksan niya ito para doon magtago. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Minhyung pero hindi niya ito pinansin. He needed time to think because what the fuck is happening?

Is he dreaming? Tama! Panaginip lang ‘to. Sa isip niya. Hinawakan niya ang mukha niya, mainit ang mga pisngi niya, he was clearly blushing. Alam niyang delusional siya pero hindi naman niya inakala na ganito kalala. He looked around, mukhang tama siya ng nataguan, there is no way Minhyung can barge in sa cr ng bahay niya—o nila?

“Seokie?” Narinig niyang pagtawag ni Minhyung sa kanya. Mukhang wala na talaga siya choice kundi ang lumabas. So he started his pep talk.

It’s just a dream Minseok! ‘Yang Minhyung sa labas? Imagination mo lang ‘yan! Sa isip niya. Dahil malayong malayo sa Minhyung ng kasalukuyan ang Minhyung na nasa labas. 

Si Minseok ang higit na nakakaalam nito. From the tired eyes that barely managed to greet him every morning, to the cold shoulders that turned away from him every night. Alam naman niya, at naiintindihan niya kung gaano kapagod si Minhyung sa pag-aaral. He even hated himself for being a needy boyfriend. 

He had friends, marami, pero hindi pa rin maalis sa isip niya na baka isang araw, kapag mas lalo nilang nakilala si Minseok, they will look at him the same way his high school friends did. Even his mom left him, nag-abroad, at doon na bumuo ng panibagong pamilya. This made him question his existence, hindi ba siya sapat? May mali ba sa kanya? Nasanay siya na palaging naiiwan.

So when he felt Minhyung slowly slipping away from him, natakot siya. Not again. So he attached himself to Minhyung like crazy, making him his only reason for living. Alam niyang mali ito, pero hindi niya alam kung paano ba dapat, how can he make someone stay?

“I’m coming!” Dali-daling sigaw ni Minseok. If this is a dream, sana hindi na siya magising.

When he opened the door, nakaluhod si Minhyung sa labas, hawak hawak niya ang isang bouquet ng bulaklak, daisies, his favorite.

“Patawarin mo na ko?” Tanong nito. Hindi namalayan ni Minseok na nakangiti na siya kahit may bakas pa ng luha sa mga pisngi niya.

“Lumamig na yung tapsi! Lika na nga!” Dagdag pa nito habang marahang hinihila si Minseok papunta sa kusina. 

“Upo ka lang d’yan my princess, let this humble slave serve you your meal.” Pabiro pa nitong sabi sabay yuko na parang nasa entablado. Naupo lang si Minseok, watching Minhyung move around the kitchen like he owned it. It was—new

Nakasuot si Minhyung ng apron. The sight was almost ridiculous, totoo ngang nananaginip lang siya. He remembered how serious Minhyung was habang gumagawa ng plates, pero ngayon, it’s the same seriousness, pero sa paglalagay ng itlog sa gitna ng sinangag. 

Nang matapos si Minhyung, lumapit ito at inilagay ang plato sa harap niya. The food looks appetizing. Tutal nandito na rin naman siya, edi kakain na siya. What a dream! Sa isip niya.

Bago pa niya malulon ang isang kutsara ng kanin–which by the way–tasted so good, biglang nagsalita si Minhyung. 

“You’re not Minseok.” 

Nabilaukan siya. Napahawak siya sa dibdib at paulit-ulit na umubo. Agad namang tumayo si Minhyung para ikuha siya ng tubig. “Sorry! Hindi ko sinasadya!” Dagdag pa niya habang inaabot ang tissue kay Minseok.

“Hindi ikaw si Minseok.” Mahina nitong sabi.

“You’re from the past… right?” 

Everything clicked. Yung pagsunod niya sa pusa, and the abandoned house they stopped by. It was the same house, pero iba ng timeline. “So hindi ‘to panaginip?” He looked at Minhyung.

“Nope.” 

“Sinundan ko lang ’yung itim na pusa,” sabi ni Minseok, halos pabulong pa rin.

Tumawa naman nang mahina si Minhyung. “Si Kuya Sanghyeok.”

“Huh?”

“Siya ’yung pusa. He has… his ways. Dinala ka niya dito, sa hinaharap.” 

So it’s not a dream, and this house, it’s theirs. Napatingin siya sa wedding ring na nasa daliri ni Minhyung. Wedding ring. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa sarili niyang kamay. May singsing din siya. Hindi nga nagsisinungaling ang Minhyung na nasa harapan niya.

“So we… didn’t break up?” Tanong niya. 

“We did.” Minhyung smiled bitterly. 

Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Nakatingin lang si Minseok sa singsing na nasa kamay niya. Maybe it’s just a dream after all, na gawa lang ng imahinasyon niya ang lahat. Because this life is too perfect, masyadong mataas, at sino siya para maabot ito?

“But we found each other again.” Minhyung’s face became hopeful again, the same eyes na nadatnan ni Minseok nang una niyang makita ito.

“Maybe Kuya Sanghyeok brought you here to teach you a lesson, or maybe spoil you some more. Alam naman natin na mas paborito ka n’on kaysa sa’kin.” Minhyung laughed.

“He brought you here to tell you na magiging okay din ang lahat. Na hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ‘yon just for people to stay. Kasi Seokie, people will come and go, at minsan, ‘yon ang tamang gawin.”

“And don’t worry,” Kinuha ni Minhyung ang kamay ni Minseok, hoping that somehow, it will comfort the past Minseok, which he failed to do before. “People will stay too, Seokie. You’re a wonderful person. Hindi mo kailangang magmakaawa para mahalin.”

“Alam mo ba, dinala niya ko sa past. Parang pinapamukha niya sa’kin na Ayan! ‘Yan yung sinayang mo!” Natawa siya ng mahina.

“It was hard. He made it harder for me, Seokie. But I still chose myself, dahil alam kong kung pinili kita n’on, lalo lang tayong mahihirapan. We would’ve stayed out of fear, out of dependency. Hindi out of love.”

“I’m sorry for leaving, Seokie. I really am. We needed that break-up for us to realize things. That past Minhyung needed to learn kung ano ang pinakawalan niya.”

And you–you’ll figure it out without me.” Tumayo si Minhyung at nilapitan siya. Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi niya. Minhyung looked at him as if kinakabisado nito ang mukha niya. 

“Ang sama-sama mo Minhyung, alam mo ‘yon?” He buried his face on Minhyung’s chest, completely unconcerned about messing up his clothes.

“You’re so… so bad, Minhyungie. How can you do that ha?” Sabi niya, ngunit sa halip na palayain, lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Minhyung. “Alam mo naman na mahal na mahal kita–” Dagdag pa niya. 

He’s still crying, maaaring hindi na naiintindihan ni Minhyung ang mga sinasabi niya pero wala siyang pakialam. He needed to vent everything out, dahil tama ang Kuya Sanghyeok at Minhyung niya, his future depends on his present. Kaya gusto niya, pagbalik niya sa kasalakuyan, iiwan na niya lahat ng sama ng loob, lahat ng hinanakit, at galit sa puso niya d’on. Gagawin niya ‘yon para sa sarili niya, hindi para kung kanino man. 

“I’m sorry, Minhyung. So..Sor–ry.” Mahina niyang sabi. Minhyung just held him close. Because he knew this was what Minseok needed the most. He smiled to himself. I’m so proud of you, Minseokie. Sa isip niya.

“Oh, tahan na. Lalamig na yung tapsilog, kumain ka muna.”

That day, Minseok stayed until he’s finally ready to leave. To get that future, he needed to find himself. Kailangan niyang ayusin ang lahat, because sometimes, to mend a relationship, you need to heal first.

 

February 22, 2025

 

Hindi na nagulat si Minseok nang bumungad sa kanya ang cafe ng Kuya Sanghyeok niya paglabas niya ng pinto ng bahay nila ni Minhyung.

“Welcome to Bakeneko Cafe!” Masayang bati ng mga crew. 

Napatingin si Minseok sa hawak niyang kahon. It was big. Puno ng mga alaala nila ni Minhyung. He looked around, and there he was, his lover, staring at him as if he would not break his heart minutes later.

Lumapit na si Minseok sa lamesa. Naka-serve na agad ang kape at ang hot chocolate na palagi niyang inoorder dito. Napatingin siya sa cup, nand’on pa rin ang mga marshmallow, nakalutang at tila ba hinihintay siya.

Nang maupo si Minseok, walang nagsalita sa kanila. Parang may something sa hangin na hindi maipaliwanag. The atmosphere is not as heavy as before. It’s like it’s saying, everything will be okay.

“Yung mouse mo, idadaan ko na lang sa classroom niyo.” Pagbasag ni Minhyung sa katahimikan.

“Okay. Here,” Minseok replied habang inaabot naman ang kahon kay Minhyung. Kinuha ito ng binata and handed him the same paper bag as before. No one talked after that, until Minseok got up. 

“I’m going now. See you, Minhyungie.” Sabi niya. 

Minhyung was caught off guard. He was expecting Minseok to stop him from leaving. And a part of him wanted Minseok to ask one more time, dahil baka ‘pag nagtanong ulit si Minseok, baka magbago ang isip niya. Pero hindi gumalaw ang katawan niya para pigilang umalis si Minseok. 

Instead, he shouted, “See you, Seokie!” bago pa makalabas si Minseok ng pinto. The latter heard it and gave him a small smile, one last time. 

 

 

Tahimik lang na nanonood si Hyeonjun sa may kahera habang hinihimas ang makapal na balahibo ng itim na pusa. He’s looking at the couple as if he’s watching some kind of a heartwrenching movie. 

“Kailangan ba talaga nilang maghiwalay?” Tanong niya. Still lost to the sadness brought by Minseok and Minhyung. He’s getting emotional now. Witness siya sa love story ng dalawa. He was there when the two found their cafe, siya din ang nag-lettering ng ‘Happy 4th Anniversary!’ sa cake na pinagawa ni Minhyung noon, even their orders, kabisado na din niya. He’s known the couple for a very long time at parang kilala na niya sila personally. Kaya hindi niya na napigilang maluha. 

“Excuse me? Panyo oh.” Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. He’s grateful for his Kuya Sanghyeok, kahit madalas siyang asarin nito, he still had the courtesy to give him his hanky. He looked down, and petted the cat more.

And then he realized it. If his Kuya Sanghyeok is in his cat form, sino ang nagbigay sa kanya ng panyo?

Tiningnan niya ang panyong hawak niya, Jeong Jihoon, ang nakaburdang pangalan dito. Then he looked up. Standing in front of him, is a tall man, with pretty features.

“Pwede na po mag-order?”

Notes:

thank u sm for reading! just finished a 2 day exams and i'm lowkey finally free!! the first thing i did is to write guke angst dahil super miss ko na sila. fun fact hehe, i'm so fond of the word 'kasintahan' bc my father side relatives still use this term to refer bf/gf in their province. and i think this word is so guke hehehe congrats gen for winning the lck cup! had to improv to insert my maolan agenda lol kudos and comments are much appreciated! thank u again for reading!