Work Text:
"Byullie, dallie, stop fighting!" Saway ko sa nag-away kong mga alaga. Byullie immediately stopped when he heard my voice, but the latter continued to purr angrily.
Paghihiwalayin ko na sana sila nang biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng study table. "Magbati na kayo diyan or else ipapaampon ko kayo." Binantaan ko pa sila muli bago kuhanin ang maingay na cellphone.
16 messages from the group chat
Yuna: Ate, pupunta ka ba talaga?
Winter: Siyempre, birthday ng bebegurl niya. Talagang pupunta 'yan.
Chaeryeong: I can't help but worry about you, Ryu. The last time you went to a party was ages ago pa. Baka mapano ka don?
Yuna: 9 years ago and it was a kid's party pa.
Ningning: Yeah. Nangangain pa naman ng tanga ang party ng mga mayayaman.
Ningning: Isama mo kami.
Ningning: Kelangan ko ng dahilan. Tinatamad akong gumawa ng requirements. Ayain niyo ako dali.
Winter: Oo nga 'tol. Baka may pa-lechon don, nagke-crave pa naman ako.
Yuna: Ulol. Patay gutom.
Winter: Kunwari ayaw pa e.
Chaeryeong: Tumigil nga kayo. Parang tanga lang.
Ningning: Di ako kasali diyan.
Chaeryeong: Pero seryoso Ryu, are you going to be just fine?
Winter: Ano ba kayo? Hindi naman siya pababayaan ni lia don ano.
Winter: Baka nga asikasuhin pa siya ng mga butler ni lia e
Yuna: Totoo, baka subuan pa kamo. Di makakapayag si lia na may mangyari kay ate ano. Ni malamukan, ayaw nga. Nagpasadya pang magpabili ng off na lotion sa yaya niya para kay ate. Kaloka.
Ningning: True.
Ningning: Hindi na lang niya kinulong sa kulambo para mas safe. Pero no to lia slander tayo dito, kung saan masaya si boss ryu. Doon tayo.
Yuna: Supportive. Naks naman, bigyan ng jacket 'yan!
Winter: LOL
Ningning: ulol
Chaeryeong: HAHAHA
Tsk. Kahit kailan napakaextra.
Napaisip naman ako sa imbitasyon ni Lia. Today is her 22nd birthday, and she'll be hosting a house party tonight. Nakabili na ako ng regalo. The only thing I am concern at the moment is the party itself. I've never gone to parties! Hindi ko alam kung anong isusuot ko at medyo nahihiya din ako. Hindi kaya ma-OP ako doon?
Basta, ang mahalaga makita ako nung celebrant at maibigay ko 'tong regalo sakanya. Bahala na.
You: Saglit lang ako. Iaabot ko lang yung regalo ko at sisibat na din kaagad.
Nakita kong kasalukuyang nagtatype sila ng reply kaya binantayan ko ulit ang dalawa kong pusa. Nag-aaway pa din sila.
Chaeryeong: Okay. Take care then!
Yuna: Sure?
Winter: Final na 'yan?
Ningning: So, no choice kundi gumawa ng reqs?
You: Oo nga. Sure na. Gawin mo na yang reqs mo bago ka matambakan.
Sure ba ako? Hindi ko din alam. Ewan ko kung bakit kinakabahan ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang regalong malinis na nakabalot at di mapigilang ngumiti ng bahagya. I hope she'll like it.
Maraming nakaparadang mamahaling sasakyan sa parking lot ng mansion ng mga Choi ang bumungad sa akin pagdating kaya nahirapan pa akong humanap ng available space para iparada ang kotse ko. After almost 10 minutes of looking, I found a slot where I can park. Napangiwi pa ako nang makitang hindi maayos ang pagkakaparada ng bugatti veyron sa tabi nito.
Maingat kong pinagkasya ang ferrari ko, nagdadasal na hindi magasgasan pareho ang dalawang sasakyan.
"Jesus!" Muntik ko ng maapakan ang preno nang biglang bumusina ang sasakyan na nasa kaliwa ko. Agad kumunot ang noo ko nang makita na kataka-takang umuuga ang kotse na ito. Kakatukin ko na sana ang bintana ngunit may nagsalita sa likuran ko.
It was the owner of the bugatti.
"You don't want to disturb them from praying, kid." The red-haired woman smirks. Humithit pa ito saglit sa sigarilyo bago tinapon sa semento at tinapakan.
Lalo naman akong naguluhan. Praying?
Tumawa naman ang babae sa reaksyon ko kaya napaiwas ako ng tingin. "They're after miracle." Tipid nitong sabi at muling ngumisi.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng buong mukha ko. Miracle? Ibig niya bang sabihin—Ohmygod! Dali dali akong lumayo sa sasakyan nang marinig ko ang mga ungol na nanggagaling dito.
"Stop being curious, bata. Pagagalitan ka ng magulang mo." Parang bigla akong naugatan sa kinatatayuan ko. May nag-aanuhan sa parking lot? Totoo ba 'to? Teka, bata? Ako? Itatama ko sana siya pero paglingon ko sa pwesto niya wala na siya.
I'm not a kid!
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa bahay nila lia ay usok at ingay ang sumalubong sa akin. Napakaraming tao. May mga taong okupado ang pool at dancefloor. Mayroon ding iilan na nakikipag-inuman na sa mga kanya-kanyang kaibigan.
I never knew lia was this big. Although, alam ko na popular siya but I never thought she could be friends with lots of people. Parang may sorrority party ngayon. Nakakahilo. Hindi ako sanay.
"Hey, Ryujin!"
Nakita ko si Karina na kumakaway sa akin at sinisignal akong magpunta sa kanya. Agad naman akong tumalima. Karina is one of lia's friends. Madalas ko itong nakikita dahil palagi itong kasama ni lia at dahil na rin may something sa kanila ng kaibigan kong si taglamig.
Ngumiti ako sakanya nang makarating sa direksyon niya.Kanina ko pa din gustong magtanong kung nasaan si lia sa mga tao dito, siya nalang ang tatanungin ko. "Hindi ko kasama si winter." Bungad ko sakanya. Nakita ko naman ang bahagya niyang pag-irap sa hangin at pagtawa ng marahan.
"Good. Ayoko din siya makita." Napanganga ako pero piniling wag mag-usisa. Hindi ko naman kasi siya close para itanong kung anong problema, kung kay winter mana pa. "San si lia?" Tanong ko at inilibot ang tingin.
Ngumising aso siya at bumulong sa akin. "Nasa kwarto. Hihintayin ka daw niya don." Naramdaman ko ang pang-aasar niya kaya hindi ko na lang pinatulan pa. Medyo lasing na din kasi 'to kaya parang gago.
"Hintayin ko nalang garod dito." Sabi ko at umupo sa bakanteng upuan. Nandito kami ngayon sa bar island, medyo malayo sa mga maiingay na sumasayaw at mga naglalandian sa pool.
Umaktong lalapit sa akin ang bartender pero umiling ako at sinignalan siya na wala akong planong uminom. Magda-drive pa ako pauwi, wala pa akong planong kamustahin si kamatayan. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni karina sa gilid ko bago siya muling uminom ng alak na nasa baso niya. "Still uptight as ever. Bababa din yun agad at may palaro pa daw—oh ayun na pala eh. Sis! Andito si ryujin mo!" Wala sa oras na nilingon ko ang tinitignan ni Karina.
Lia.
Julia Choi.
Aside from beauty and wit, she's funny and easy to be with. Lia is so talented as well. She can sing and play instruments. Miyembro ito ng choir from elementary until now, sa church nila.
"Hi ryuryu, kanina ka pa?" Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Nakita ko naman ang pang-aasar na tingin ni Karina kaya umiwas ako ng tingin. Parang si winter lang din, bagay na bagay. Parehas mga asar.
"Nope. Halos kadadating ko lang." She hums, and place her face on my neck. "Lia." Tinapik ko ng bahagya ang likod niya kasi masyadong madami ng nakatingin sa aming dalawa.
Nakangusong bumitaw si lia sa pagkakayakap niya sa akin kaya napangiti ako ng kaunti. Parang bata. "Here. My gift." Muling gumuhit ang nakakahawa nitong ngiti nang makita ang hawak kong regalo. "Wow. I will definitely love this. Thank you, ryuryu!"She beamed like a child kaya hindi ko napigilang tumawa.
Maya maya pa ay nagreready na ako ng sasabihin ko para makaalis na. I just really went here to give her my gift. I don't really want to stay longer since parties like this isn't my cup of tea. "Uhm lia—" My words were cut off by Karina's loud voice. Nandito pa pala siya, hindi ko namalayan.
"Magsisimula na omg!" Pigil na hiyaw ni Karina sa gilid namin ni Lia.
Dumako naman ang tingin ko sa gitna ng hall. Lalong umingay dahil naghahanap ng mga sasali sa laro ang MC. May naririnig pa ako sa likod na kung anong klaseng laro ang gagawin. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Bodyshot daw. Kelan pa naging laro 'yon?
Tinawag ng MC si lia para humingi ng opinyon kung sino sino ang mga sasali sa laro. Wala tuloy akong nagawa kundi maghintay nalang. Bastos naman kung uuwi akong di nagpapaalam. Medyo dumilim din ang paligid at tanging ang gitna nalang ng hall kung saan ginaganap ang laro ang mayroong ilaw.
"Yeji!" Hiyaw ni Karina sa tabi ko. Hindi ko binigyan ng atensyon ang programa.
Nagcheck nalang ako ng mga message at nag scroll sa twitter at facebook para aliwin ang sarili ko. Nag-picture ako saglit at sinend 'yon sa groupchat naming magkakaibigan. Kailangan daw para makampante sila. Napaka-OA minsan.
Hindi ko namalayan na ilang minuto na ang nakalipas sa pakikipag-usap ko kila winter kung hindi pa ako maingayan sa mga sigawan ng tao sa paligid ko. Pati na rin si Karina, hiyaw ng hiyaw at lasing na. "Wooh, ang hot!" Napailing na lang ako. Mukang malaki ang problema nila ni winter kung bakit ganito nalang siya kung kumilos ngayon. Ano naman kaya ginawa ng bugok na 'yon?
Binaling ko nalang ang atensyon ko sa harap para pigilan ang sarili kong mag-isip at makisawsaw sa problema nila. Agad naman nanlaki ang mata ko nang makita ang babaeng may pulang buhok sa harapan. Naninigarilyo na naman ito at may hawak pang tequila na amba niyang ibubuhos sa pusod ng nakahigang babae. Pero mukang nagbago ang isip nito na lalong nakapag-paingay ng mga taong nanonood. Kumuha ito ng asin at nilagay sa malusog na dibdib ng babae, at pinakagat dito ang lemon.
Anong nangyayari?
Gusto kong takpan ang mga mata ko dahil para akong nanunuod ng bold sa mga nasasaksihan ko. Seryoso ba 'to? Una, may milagrong nangyayari sa parking lot. Tapos dito, may ganito?
Lalo tuloy nangati ang paa kong tumayo at umalis nalang.
Humithit muna ng isang beses sa sigarilyo yung 'yeji' at pagkatapos ay tinungga ng mabilisan ang alak. Lalong umugong ang sigawan ng mga tao sa paligid ko.
Napakunot ako ng noo.
Aamba na sana siyang dilaan ang asin sa dibdib nung nakahigang babae nang magtama ang paningin naming pareho. Di ko alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin. Di ako sigurado dahil madilim sa parte ng kinauupuan ko. Umiwas ito ng tingin at pinagpatuloy ang balak gawin.
"Belle, kaya pa ba?" Sigaw nung nasa likod ko. Yung babeng nakahiga yata yung belle.
Di ako nainform na may shooting pala ng bold dito.
I really want to go home.
