Chapter Text
Alas dose na. Kanina pa palakad-lakad si Raya sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung paano ba haharapin si Makoy. Ilang araw na rin kasi niyang hindi pinapansin ang binata.
Yes, partly kasalanan niya rin naman dahil pinatulan niya pa ang babaeng iyon. Pero hindi naman siya ang nagsimula ng gulo. He was the one who was assaulted first, pero bakit pakiramdam niya parang siya lamang ang may kasalanan?
And he thought Makoy saw him as a friend. Pero bakit hindi man lamang siya kinampihan nito?
Alam din naman ni Raya na hindi intensyon ni Makoy na saktan siya. Siguro nadala lang ito sa sitwasyon. But even so, nasaktan pa rin siya kaya valid ang tampo niya.
He likes Makoy. Everyone around them knows that.
Sa sobrang obvious ba naman ni Raya.
Huwag kayong maniwala na hindi totoo ang love at first sight, dahil si Raya mismo ang magpapatunay na totoo ito.
Unang kita pa lang niya sa binata, nakita na niya agad ang future nilang dalawa.
Well… sino ba naman ang hindi?
Have you seen Marco?
He’s not just tall, dark, and handsome. Above all, Raya fell for him because of his kind heart.
Marco is often misunderstood because of his intimidating aura, but he’s actually a good person. He’s the kind of guy you bring home and proudly introduce to your parents.
────────────────────────
"Hiraya." bungad ni Makoy ng makita si Raya. Tinignan lang siya nito at ngumiti ng tipid.
"Thank you, Kuya Francis. Bisita ko po." Sabi ni Raya sa guard at hinila si Makoy sa pulsuhan.
"Let's talk somewhere."
Hindi na umangal si Makoy at sumunod na lamang sa paghila ni Raya sa kanya. Saglit siyang huminto at marahang kinuha ang payong na hawak ni Raya sa kabilang kamay. “Ako na,” sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na rin tumutol si Raya. Hanggang sa makarating sila sa maliit na parke sa loob ng kanilang village.
Tirik ang araw kaya walang ibang tao roon. Ngunit malakas ang hangin kaya hindi rin gaanong ramdam ang init. Marami ring puno sa paligid na nagsisilbing silong. Naglakad sila patungo sa gazebo sa gilid ng maliit na fish pond, at doon sila naupo.
"Okay. I'll start." panimula ni Makoy at hinarap si Raya sa kanyang tabi
"There's no excuse for what I did. I shouldn't have done that to you. Concern ka lang naman sakin. I'm sorry, Raya. Hindi naman ako galit o nagalit sayo, nadala lamang ako ng sitwasyon pati na rin siguro ng pagod noong araw na 'yon. Pero hindi tama na binuntong ko sayo. Pasensya ka na." Paliwanag ni Makoy
"I forgive you, Mako but I was really hurt. I understand naman, i just want to let you know how i feel." Nguso ni Raya
"I know, Raya. Kung papayagan mo ako, gusto ko sanang bumawi sayo. Let me make it up to you." Sagot ni Makoy at tinignan sa mga mata si Raya na tila nakikiusap.
"You don't have to, Mako. We're good. Gaya nga ng sabi mo, we're friends. It was just a small argument between friends." Ngiti ni Raya at inilahad ang kamay niya sa binata.
Friends, right.
────────────────────────
Yeah. They're 'Good.'
Halos isang linggo na mula nang huling makita ni Makoy si Raya. Kahit sa simpleng paglabas at pagpasok man lang sa gate ng village nila, hindi niya ito naaabutan.
Naguusap naman sila sa text. Pero nitong mga nakaraang araw, nahahalata ni Makoy na tila umiiwas si Raya dahil sa malamig at tipid nitong mga reply.
Hindi niya alam kung ano bang problema at kung bakit bigla na lamang nagbago ang pakikitungo ni Raya sa kanya.
Is it because of what happened?
But they already made up. Raya assured him that they were good.
Pero pakiramdam ni Makoy… hindi.
Noon, halos araw-araw niya itong hinahatid at sinusundo. Pero ngayon, ni hindi niya man lang mahagilap.
Either nauna nang umalis si Raya o mas maaga itong nakakauwi.
Hindi rin naman makapag-apila si Makoy. Ayaw niyang pilitin si Raya kung ayaw talaga siya nitong makita.
Sadyang naninibago lang siya.
Noon, kung nasaan si Makoy, laging nakasunod si Raya.
Noon, palagi siyang kinukulit ni Raya.
Pero ngayon… halos hindi na niya maramdaman ang presensya nito.
What changed?
Alas kwatro y medya. Sakto labasan na nila Raya.
Makoy took the opportunity para sunduin si Raya at makamusta na rin.
Hindi man niya sabihin pero namimiss niya na ito.
How ironic.
Dati lang ayaw na ayaw niya kay Raya, lalo na ang pangungulit nito sa kanya. Tapos ngayon namimiss na niya.
As usual, naghintay lamang siya sa labas ng school ni Raya. Ilang minuto rin siyang nakatayo roon hanggang sa makita niyang lumabas ng gate si Raya. May mga kasama ito—mga kaibigan niya siguro o kaklase.
Pinanood muna niya ito mula sa malayo bago lumapit.
Nakikipagtawanan si Raya sa mga kasama nito. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin ito sa kanila.
Lalapit na sana si Makoy nang biglang may sumulpot na sasakyan sa harap ni Raya.
It's the same car he saw that night—yung naghatid kay Raya noong nakaraan.
“Ang yabang, tss.”
Napairap si Makoy bago tuluyang lumapit sa kanila.
“Hiraya.”
Mahina niyang tawag.
Agad naman siyang napansin ni Raya at napaawang ang bibig nang makita siya.
“Hey, you’re here pala. What are you doing here, Mako?” tanong nito.
“By the way, Mako, meet Ian. Babe, this is Mako… uh, my friend.”
Pakilala ni Raya sa lalaking kasama nito.
Tama nga si Makoy.
Ito rin ang lalaking nakita niyang naghatid kay Raya noong gabing iyon.
Tumango ang lalaki at naglahad ng kamay kay Makoy. Labag man sa loob, tinanggap iyon ni Makoy.
“Nice to meet you, bro,” sabi ni Ian.
“Thanks,” sagot ni Makoy.
Ni hindi man lang ngumiti.
Raya immediately felt the awkward tension between them, kaya agad niya itong pinutol.
“Anyway, Mako, we have to go na ni babe. We have a dinner reservation kasi. Nice seeing you, Mako! We’re gonna go na.”
Ngumiti si Raya, kahit na halatang hindi ito makatingin nang diretso sa kanya.
“Uh… okay. Ingat kayo,” sagot ni Makoy.
Pinanood lamang niya ang dalawa habang sumasakay sa kotse.
“Lol. Di man lang pinagbuksan ng pinto?” bulong niya sa sarili. “Anong klaseng boyfriend ’yan?”
Ilang minuto siyang naestatwa sa kinatatayuan niya bago tuluyang napagdesisyunan na bumalik na lamang sa toda.
────────────────────────
“HAHAHAHA! Our plan worked, babe!”
Malakas na halakhak ni Ian habang nagda-drive papunta sa restaurant na kakainan nilang magkaibigan.
Ngumuso naman si Raya sa passenger seat at sumimangot.
“I feel bad, Ian,” he muttered.
“I know,” sagot ni Ian, natatawa pa rin. “But have you seen his face? Kulang na lang sapakin ako eh.”
Napailing na lamang si Raya.
“That means hindi ka lang talaga niya nakikita bilang kaibigan,” dugtong ni Ian. “There might be more.”
Saglit siyang sumulyap kay Raya bago muling tumingin sa kalsada.
“And that’s exactly why we have to continue with our plan,” he said. “Para makita natin kung hanggang saan ’yon.” sabi ni Ian at kinindatan ang kaibigan.
